CHAPTER 18Yaya Lingling and the Billionaire's twin Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at napatingin sa paligid, napakunot ang noo ko dahil bakit biglang ganito ang amoy ng kwarto ko, parang lalaki ang nakatira at hindi lang iyan, bakit parang madilim masyado eh sa unit ko ang alam ko ay puti ang pintura. Pinalitan ba ng ibang kulay ni nanay? Mas umawang ang labi ko na may brasong pumatong sa may tiyan ko at sa sobrang kaba ay lumingon ako sa kabilang side at napasigaw ako na may katabi ako na lalaki at hindi si nanay. Agad ko itong sinipa kaya nahulog ito sa kama at narinig ko nalang ang pagdating nito. “Fuck- fuck- fuck-" bigla atang sumakit ang tenga ko dahil sa pagmumura niya. “Sino ka ha? Sino?" Turo ko sa lalaking pilit na tumayo pero huli i ko nang naisip na si boss lion pala ang tinuturo ko. “B-boss? Anong…anong nangyari at nasaan ako? Walang hiya ka, kinuha mo ang virginity ko na hindi ko alam? Manyak manyak…” bungangera ko habang pinaghahampas ang unan sa kanya
CHAPTER 19 Yaya Lingling and the Billionaire's twin Noon, kapag nakakarinig ng alarm clock ay papatayin ko lang ito at babalik ulit sa pagtulog pero ngayon ay ibang-iba na sa nakasanayan. Ginigising pa ako ni nanay para lamang bumangon pero dahil independent woman na kunwari ako ay ito at pilit na binubuksan ang mga talukap ng aking mga mata para magising ang diwa ko. Halos sabunutan ko ang sarili kong buhok para maramdaman ko ang sakit at hindi antukin but I failed. Inaantok talaga ako. Pero ang boses ni nanay ang nagpapa-gising ng ulirat ko kahit wala siya ngayon sa aking kwarto. Umuwi na sa kanilang probinsya si Manang Lo kaya ako na ang officially Yaya ng mga bata. And next month ay pasukan na nila kaya mas lalo akong maaga nitong bumangon kaysa maunahan pa ako ng mga kambal. Bago ako nagtungo sa banyo para maghilamos ay binasa ko muna ang mga messages ko sa phone. At dahil panay goodluck ang nababasa ko at ingat galing kay nanay at ibang kamag-anak anak ay pinatay ko na ang
CHAPTER 20: Yaya Lingling and the Billionaire's twin “All of them, daddy?" “Aha! You want that? How about this one?" “Nahhh…we're okay with this daddy, no need to buy a lot.” tukoy ni Lysithea sa mga school supplies na nilagay namin sa cart at dito kami nag-shopping sa isang sikat na school supplies dito sa mall. “Kaya nga daddy, marami pa po akong notes and paper sa bahay na hindi ko pa po ginagamit and more pa po." tugon naman ni Amalthea. Nakasunod lang ako sa kanila habang namimili pa ng ibang mga gamit kasama si boss Kale. Medyo gumaling na siya galing sa pagka-aksidente kaya ngayon nakakalakad na ng dahan-dahan at sumama na rin sa amin. Dahil next month na ang pasukan ng mga bata kaya ngayon palang ay naghahanda na ang kanyang ama na bumili ng mga kagamitan nila, naka advance payment na rin siya para sa buong school year ng mga bata. Sana all nalang. First grade na ang mga bata kaya excited na rin sila na pumasok sa bago nilang paaralan and meet more students. "Alrig
CHAPTER 21: Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Be careful…be careful babies,” panay paalala ni boss sa kanyang mga anak. Sa sobrang excited kasi nila na pumasok sa school ay halos nagmamadali ang mga kilos nila. “Nasa loob na ang mga baon nila Lingling kaya ikaw na ang magbigay sa kanila mamaya, at ang tubig nila ay nasa sasakyan na rin," paalala naman ni Manang Marivic sa akin. “Sige po Manang, aalis na po kami." sambit ko at kinuha rin ang lunch box na para sa akin dahil doon na ako kakain sa school ng mga bata. Hanggang mamayang hapon pa kasi ang pasok nila at ihahatid kami ni boss habang papunta naman siya sa kanyang opisina. 30 minutes lang naman ang kalayuan ng school ng mga bata.Pwede muna akong umuwi kung gustuhin ko pero huwag nalang dahil obligasyon ko nga ang mga anak ng boss ko. Sila ang babantayan ko at priority ko. Ang kagandahan lang dahil hindi na ako ang naghahanda ng kanilang pagkain dahil nariyan naman si manang. “Excited?" Tanong ng kanyang daddy sa ka
CHAPTER 22: Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Good morning po teacher." “Good morning din, maaga tayo ngayon ah.” Ngumiti ako sa guro ni Amalthea and Lysithea. "Medyo excited lang po-” saad ko. Nakilala na ako ng kanilang guro dahil isinama ako ni boss noong pumunta siya rito para ipakilala ako sa mga magiging teachers ng mga bata and of course inilibot din ako sa buong campus para alam ko kung saan hahanapin ang mga bata in case of emergency. "Hindi nga halata, thank you Miss Lingling." ani ng guro. Dahil nasa loob na ang mga bata kaya dito lang ako sa hallway maghihintay sa kanila hanggang sa masanay sila na sila na lang ang mag-isa na papasok. Panay babae lamang ang mga estudyante rito kaya hindi ako masyadong kinakabahan. Ewan ko ba, hindi ko naman mga anak itong mga bata na ito ngunit parang ako ang natatakot para sa kanila, marahil na experience ko ang trauma noon na nag-aaral ako. Kaya bantay sarado si nanay sa akin noon at hindi hinayaan na mawala ako sa paningin
CHAPTER 23: Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Hello daddy…” sabay na naman na wika ng mga bata sa kanilang ama. Kakarating lang ni boss galing sa isang meeting kaya hindi na namin naabutan sa kanyang office. Sinabi lang ng kanilang secretary na lalaki na nasa conference room at may meeting siya kanina. Kaya hinintay nalang namin siya ng mga bata sa kanyang opisina.Nanonood sila ngayon ng cartoon sa laptop, may dalawang laptop kasi sa office ni boss, para sa kanya at para mismo sa mga bata kung pupunta sila rito at kung gusto manood para hindi mabo-boring samantalang ako ay ito at binabasa ang mga nagchachat sa akin sa phone. Ang ibang chat ay may reply ako, ang iba naman ay binalewala ko lamang. “Hi…how's school?” Tanong nito sa kanyang mga anak habang tinatanggal ang kanyang black suit at nilapag sa likod ng kanyang office chair. Lumapit ang mga bata sa kanya para magmano. “Very good naman po daddy." si Lysithea ang unang sumagot.“Yeah…very good daddy kasi wala po ka
CHAPTER 24Yaya Lingling and the Billionaire's twin Kanina inaamin ko na gutom na rin ako pero dahil sa sinabi ng boss ko ay hanggang ngayon ay nasasaktan ako. Hindi dahil tinawag ako na mommy ng mga bata na hindi naman niya ako asawa pero sa kadahilanan na ipagkait niya sa kanyang anak na may matatawag sila na mommy sobrang masakit sa akin. “Here pa mommy oh…”"Kids…she's your Yaya not your mother." biglang natigilan ai Amalthea pagbibigay sa akin ng ulam dahil sa sinabi ng kanyang ama, ganoon din si Lysithea. “I'm sorry daddy…”” hingi ng bata ng paumanhin. Hindi ko alam kung bakit wala akong lakas para sawayin si Mr Callisto. “Here Yaya, you want this?" Tukoy ni Lysithea sa pizza na ibibigay sa akin. Umiling ako dahil nawalan na talaga akong ganang kumain. “Ayoko na baby, thank you -" "Ayaw mo nang kumain?” sa akin naman bumaling ang attention ni boss. Sinabi ko na kanina at alam ko na narinig n'ya ang sinabi ko kaya bakit pa siya nagtatanong. Umiling nalang ako at masama an
CHAPTER 25Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Baby…wake up…” gising ko sa dalawang makukulit na bata. Nasa loob ako ng kwarto nila para gisingin sila. May pasok sila ngayong araw at hindi pa rin nagigising o bumangon man lang. "Yaya…" ngumiti ako na makita si Lysithea na gising na ngunit si Amalthea ay hindi pa at mahimbing pang natutulog.“Good morning baby…may pasok po tayo ngayong araw, wake up na everyone. Baka malalate kayo sa school,” saad ko at hinawi ang kanilang pink na kurtina sa kanilang kwarto. At nagligpit ng ilang laruan na hindi nailagay sa maayos na lagayan. Binalik ko ang attention sa kanila na hindi pa rin kumikilos. Natutulog pa yata, si Lysithea ay bumangon na sa kanyang higaan at nagdasal muna bago bumaba sa kama, samantalang si Amalthea ay natutulog pa rin. Nilapitan ko siya at tinapik ng mahina ang kanyang balikat. “Baby…wake up…gising na ang kakambal mo. Di ba may pasok kayo ngayon?” tawag ko sa kanya pero hindi parin siya nagigising. Ngunit napa
CHAPTER 125 Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Thank you kuya Edgar!!" sabi ko kay kuya Edgar na siyang tauhan at piloto ni Dark Romanoz na naghatid sa amin sa Batangas. Ang alam ko ay lumaki si Romanoz sa Russia na kung saan, pinagmalupitan siya sa kinikilala niya na ama na isang mafia. Narito siya sa Pilipinas dahil nakapag-asawa ito ng Pinay. Pagka-alis ni kuya Edgar ay saka palang kami bumaba ng building gamit ang elevator, hinatid lang kami sa Batangas at itong building na kakilala ni Kale na may helipad ang meron dito na malapit sa kung saan ikakasal ang pinsan ni Carpo. Tanghali na kami nakarating at susunduin kami sa isa sa driver ni Carpo para maghatid sa amin sa kabilang hotel. “Where are we?" Tanong ko kay Kale na mahigpit ang hawak ng kamay ko na akala mo naman tatakas ako. “San Juan Batangas,” sagot niya at tumango ako. Wala akong masyadong alam sa lugar na ito dahil hindi pa namin ito na puntahan kapag gusto naming magtravel. Most of the time kasi, we
CHAPTER 124 Yaya Lingling and the Billionaire's twin Napabalikwas ako ng gising dahil sa masarap na panaginip, I mean what the hell, masarap ba iyon? Pakiramdam ko oo. Wait…nanaginip ba ako? Hinawakan ko ang mga labi ko. We kissed again, right? Hindi niya tinigilan ang labi ko sa kakahalik. “at ….at…hanggang oh my God!” inangat ko ang bedsheet para makita kung may dugo ba pero wala naman, pinakiramdaman ko ang sarili ko, wala namang nangyari, hindi naman masakit ang katawan ko. Hindi rin masakit ang pagkababae ko, so, ibig sabihin lahat na nangyari ay panaginip lamang. Nakahinga naman ako ng maluwag, akala ko, binigay ko na ang aking bataan kay Kale…oh my goodness. Bumaling ako sa kabilang higaan at wala ni anino niya ang nakikita ko. Nasaan na naman siya? Lagi nalang niya akong iniiwan, pwede naman akong gisingin kung may ginagawa siya. Pero napanganga nalang ako na makita si Kale na kalalabas lang ng banyo, tanging tuwalya lang ang nakatabon sa kanyang bewang na kung
CHAPTER 123Yaya Lingling and the Billionaire's twin “You can use my boxer, I have an unused boxer in my suitcase-”Matalim ang tingin ko sa kanya, hindi ko alam at siya pa ang napagbuntungan ko ng galit dahil lang sa wala akong masusuot kahit panty at bra. Tinawagan ko si kuya Danzekiel at Carpo, tapos malalaman ko lang nauna ng nakarating sa Batangas ang maleta ko kaysa sa akin.Pwede namang bumalik ang helicopter kaso nga lang wala ang piloto dahil nakauwi na sa kanila, gusto ko sanang pabalikin ngunit naawa naman ako kaya ito, maghahanap ako sa maleta niya na pwede kong suotin ngayong gabi at bukas nalang ako magbibihis ng bagong damit. Ngunit pagbukas ko ng kanyang maleta ay nakita ko sa kabilang side ang mga damit niya, t-shirt and some long sleeve polo, pants, at mga gamit para sa mukha at pansaksakan like charger para sa kanyang cellphone at laptop ang nakikita ko sa kabilang side ng kanyang maleta, at nang napunta ang mga mata sa kabilang side ay nanlaki ang mga mata ko n
CHAPTER 122 Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Bakit g-gusto mo ba talaga ako?" Nauutal ko na tanong sa kanya. Pakiramdam ko namumula na ang pisngi ko sa mga pinag-uusapan namin. "Matagal na, hindi mo lang pinapansin dahil may Carpo ka." “Huh? Matagal na? Kailan pa? At saka paano naman napunta kay Carpo na kaibigan ko lang ang tao." Nalilito kong tanong. Alam namin ni Carpo kung saan lang kami na dalawa, mas okay sa amin na maging kaibigan o mag-kuya ang turingan naming dalawa at ayoko ng mas higit pa sa magkaibigan. “I don't know, basta naramdaman ko na lang, maybe when I saw you in the elevator for the first time we met, noong sure na ako na gusto talaga kita kaso may taong epal kaya hindi kita niligawan. Pero dahil nalaman ko na wala pala kayong relasyon na dalawa. Kakapalan ko na ang mukha ko. I–” pero bago niya pa natapos ang sasabihin niya ay nakarinig kami ng ingay ng isang helicopter pababa sa yate. Kinabahan ako dahil akala ko kaaway pero nang marinig namin s
CHAPTER 121 Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Hello lovebirds…” “Kuya?" Hinanap ko kung saan ang nagsasalita at nang makita ko ang speaker na square malapit sa kama ko na nakapatong sa maliit na table ay mariing nakapikit ang mga mata ko, naalala ko na naghahalikan kami ni Kale kanina, narinig kaya nila kami? What if may cctv ang speaker na iyan tapos kitang-kita kami? Oh my G. “Yes baby girl, it's me." “Anong ginawa mo kuya Danzekiel? Bakit mo ako dinala rito? Hindi dito ang destinasyon ko. Nakita kita kanina bago ako nawalan ng malay, Ikaw ang pumalit kay Carpo sa kotse, why did you do that? I'm really scared you know…wait, nasaan na si Carpo, nariyan ba sa'yo? Hindi niyo naman siguro iyan sinasaktan, ano?” nagkatinginan kami ni Kale dahil sa pagbigkas ko sa pangalan ni Carpo. Baka mamaya bigla niya akong halikan kaya umiwas na ako ng tingin sa kanya at binalik ang atensyon sa sasabihin ni Kuya Danzekiel. "Hi Chal…I'm fine here…" napabuntong hininga naman ako ng mal
CHAPTER 120(Light Spg haha)Nagising ako dahil pakiramdam ko umaalog ang kama na hinihigaan ko. “May earthquake?”Napabalikwas ako ng bangon at nagmamadaling bumaba ng kama kahit medyo nakapikit pa ang mga mata ko dahil sa biglaang paggising dahil baka may lindol at wala man lang tumangka na gumising sa akin dahil nagmamadali ring lumika palabas ng bahay. Ngunit nagtataka ako kung bakit nag-iba ang nilalakaran ko. Hanggang sa napagtanto ko na wala ako sa bahay. Higit sa lahat, wala ako sa sariling kwarto. Anong bang nangyayari? Ang sikip ng tinatapakan ko.Si Carpo?Kasama ko siya, alam kong kasama ko siya kanina. “Carpo?" Tawag ko sa pangalan nya. Naalala ko na, huminto ang sinasakyan namin dahil may nakaharang na mga kotse sa gitna ng daan. “Carpo? Huwag kang magjo-joke diyan, di ba dapat nasa Batangas tayo pupunta, Batangas na ba ito? Bakit hindi mo sinabi na dito pala tayo pupunta? Wala akong dalang swim suit!" Tawag ko ulit. Nakapagtataka kung bakit ako napunta dito sa yate.
CHAPTER 119 Yaya Lingling and the Billionaire's twin Friday at ito ang araw na aalis ako kasama si Carpo mamayang ala- una papuntang Batangas na kung saan doon ikakasal ang pinsan niya. Bukas ang kasal, mga bandang hapon daw. Kagabi palang ay naghahanda na ako ng mga gamit ko sa maleta, lalo na ang make-up, shoes at damit na gagamitin sa kasal, pinadala kahapon ni Carpo sa akin para masukat ko at kasya naman at nagustuhan ko ang design na napili lalo at light pink ang kulay ng theme ng kasal. Narinig ko na may kumakatok sa pinto at nang silipin ko ito ay si Manang Lo ang nasa labas ng kwarto ko. Nakabalik na siya noong nakaraang linggo, magaling na ang kanyang asawa at anak na may sakit din at ngayon ay gusto niyang bumalik dahil namimiss niya na ang magtrabaho. Kung ako ang tatanungin ay ayoko siyang bumalik sa pagtatrabaho pero wala akong magagawa kung gusto ng kanyang katawan. “Manang–pasok po kayo!” "Hindi na, oh ano, nakahanda na ba ang mga dadalhin mo mamaya?” Ngumit
CHAPTER 118 Yaya Lingling and the Billionaire's twin 3rd POV “Amal-" tawag ni Lysithea sa kanyang kakambal. Nasa kwarto ang dalawa at nakahiga na sa kama upang matulog na sana, pero dahil may gustong sabihin si Lysithea kaya hindi niya na ito pinabukas pa at ginising ang kanyang kapatid sa pag-aakala na tulog na ito. "Hmm- ano iyon, Ly?" Tumagilid ito ng higa para magkaharap ang dalawa. “Do you think that daddy likes mommy Lingling?” Nag-iisip ang dalawa at pareho silang nagkibit-balikat . "I guess…yeah…I mean, maybe they like each other but the thing is ayaw nilang aminin sa isa't-isa?” Wika ni Amalthea. “Si daddy lagi nalang nagtatrabaho. If he loves Yaya Lingling then dapat may mommy na ulit tayo. Baka takot si daddy dahil kay tita Jeniza?” “Maybe- let's ask daddy again?" “I don't think that is a good idea though, let's think of another way. Nagtanong na tayo kay daddy and mommy Lingling, remember, pero hindi pa yata sila sure sa feelings nila.” Sa murang edad ay gan
CHAPTER 117 Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Hello mommy! How are you there?” Wika ni Lysithea sa kanilang tunay na ina. Sumama ako sa kanila na bisitahin siya sa cemetery dahil gusto kong makitang muli ang aking pinsan. Who would have thought na pinsan ko pala ang nanay nila. What an amazing and shocking revelation. Hindi kasama si Kale dahil may business trip ito sa Cebu at bukas pa ang balik niya. “How are you there mommy? We miss you so much, mommy…are you still happy there? Don't worry about us, we're both doing fine here on earth, mommy.” kausap naman ni Amalthea sa kanyang ina habang ang kanyang maliit na daliri ay nakalagay sa pangalan ng kanyang ina. Napapalibutan ito ng mga bulaklak at kandila na dala namin. Nakatayo lang ako at pinagmasdan ang nitso niya at nakikinig sa mga bata. “Mommy, gusto po namin ng dalawang mommy?” Nanlaki ang tenga ko na marinig iyon kay Amalthea. "yes mommy at wala pong iba kundi si mommy Lingling lang po. Ayaw po namin ng ibang