CHAPTER 118 Yaya Lingling and the Billionaire's twin 3rd POV “Amal-" tawag ni Lysithea sa kanyang kakambal. Nasa kwarto ang dalawa at nakahiga na sa kama upang matulog na sana, pero dahil may gustong sabihin si Lysithea kaya hindi niya na ito pinabukas pa at ginising ang kanyang kapatid sa pag-aakala na tulog na ito. "Hmm- ano iyon, Ly?" Tumagilid ito ng higa para magkaharap ang dalawa. “Do you think that daddy likes mommy Lingling?” Nag-iisip ang dalawa at pareho silang nagkibit-balikat . "I guess…yeah…I mean, maybe they like each other but the thing is ayaw nilang aminin sa isa't-isa?” Wika ni Amalthea. “Si daddy lagi nalang nagtatrabaho. If he loves Yaya Lingling then dapat may mommy na ulit tayo. Baka takot si daddy dahil kay tita Jeniza?” “Maybe- let's ask daddy again?" “I don't think that is a good idea though, let's think of another way. Nagtanong na tayo kay daddy and mommy Lingling, remember, pero hindi pa yata sila sure sa feelings nila.” Sa murang edad ay gan
CHAPTER 119 Yaya Lingling and the Billionaire's twin Friday at ito ang araw na aalis ako kasama si Carpo mamayang ala- una papuntang Batangas na kung saan doon ikakasal ang pinsan niya. Bukas ang kasal, mga bandang hapon daw. Kagabi palang ay naghahanda na ako ng mga gamit ko sa maleta, lalo na ang make-up, shoes at damit na gagamitin sa kasal, pinadala kahapon ni Carpo sa akin para masukat ko at kasya naman at nagustuhan ko ang design na napili lalo at light pink ang kulay ng theme ng kasal. Narinig ko na may kumakatok sa pinto at nang silipin ko ito ay si Manang Lo ang nasa labas ng kwarto ko. Nakabalik na siya noong nakaraang linggo, magaling na ang kanyang asawa at anak na may sakit din at ngayon ay gusto niyang bumalik dahil namimiss niya na ang magtrabaho. Kung ako ang tatanungin ay ayoko siyang bumalik sa pagtatrabaho pero wala akong magagawa kung gusto ng kanyang katawan. “Manang–pasok po kayo!” "Hindi na, oh ano, nakahanda na ba ang mga dadalhin mo mamaya?” Ngumit
CHAPTER 120(Light Spg haha)Nagising ako dahil pakiramdam ko umaalog ang kama na hinihigaan ko. “May earthquake?”Napabalikwas ako ng bangon at nagmamadaling bumaba ng kama kahit medyo nakapikit pa ang mga mata ko dahil sa biglaang paggising dahil baka may lindol at wala man lang tumangka na gumising sa akin dahil nagmamadali ring lumika palabas ng bahay. Ngunit nagtataka ako kung bakit nag-iba ang nilalakaran ko. Hanggang sa napagtanto ko na wala ako sa bahay. Higit sa lahat, wala ako sa sariling kwarto. Anong bang nangyayari? Ang sikip ng tinatapakan ko.Si Carpo?Kasama ko siya, alam kong kasama ko siya kanina. “Carpo?" Tawag ko sa pangalan nya. Naalala ko na, huminto ang sinasakyan namin dahil may nakaharang na mga kotse sa gitna ng daan. “Carpo? Huwag kang magjo-joke diyan, di ba dapat nasa Batangas tayo pupunta, Batangas na ba ito? Bakit hindi mo sinabi na dito pala tayo pupunta? Wala akong dalang swim suit!" Tawag ko ulit. Nakapagtataka kung bakit ako napunta dito sa yate.
CHAPTER 121 Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Hello lovebirds…” “Kuya?" Hinanap ko kung saan ang nagsasalita at nang makita ko ang speaker na square malapit sa kama ko na nakapatong sa maliit na table ay mariing nakapikit ang mga mata ko, naalala ko na naghahalikan kami ni Kale kanina, narinig kaya nila kami? What if may cctv ang speaker na iyan tapos kitang-kita kami? Oh my G. “Yes baby girl, it's me." “Anong ginawa mo kuya Danzekiel? Bakit mo ako dinala rito? Hindi dito ang destinasyon ko. Nakita kita kanina bago ako nawalan ng malay, Ikaw ang pumalit kay Carpo sa kotse, why did you do that? I'm really scared you know…wait, nasaan na si Carpo, nariyan ba sa'yo? Hindi niyo naman siguro iyan sinasaktan, ano?” nagkatinginan kami ni Kale dahil sa pagbigkas ko sa pangalan ni Carpo. Baka mamaya bigla niya akong halikan kaya umiwas na ako ng tingin sa kanya at binalik ang atensyon sa sasabihin ni Kuya Danzekiel. "Hi Chal…I'm fine here…" napabuntong hininga naman ako ng mal
CHAPTER 122 Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Bakit g-gusto mo ba talaga ako?" Nauutal ko na tanong sa kanya. Pakiramdam ko namumula na ang pisngi ko sa mga pinag-uusapan namin. "Matagal na, hindi mo lang pinapansin dahil may Carpo ka." “Huh? Matagal na? Kailan pa? At saka paano naman napunta kay Carpo na kaibigan ko lang ang tao." Nalilito kong tanong. Alam namin ni Carpo kung saan lang kami na dalawa, mas okay sa amin na maging kaibigan o mag-kuya ang turingan naming dalawa at ayoko ng mas higit pa sa magkaibigan. “I don't know, basta naramdaman ko na lang, maybe when I saw you in the elevator for the first time we met, noong sure na ako na gusto talaga kita kaso may taong epal kaya hindi kita niligawan. Pero dahil nalaman ko na wala pala kayong relasyon na dalawa. Kakapalan ko na ang mukha ko. I–” pero bago niya pa natapos ang sasabihin niya ay nakarinig kami ng ingay ng isang helicopter pababa sa yate. Kinabahan ako dahil akala ko kaaway pero nang marinig namin s
CHAPTER 123Yaya Lingling and the Billionaire's twin “You can use my boxer, I have an unused boxer in my suitcase-”Matalim ang tingin ko sa kanya, hindi ko alam at siya pa ang napagbuntungan ko ng galit dahil lang sa wala akong masusuot kahit panty at bra. Tinawagan ko si kuya Danzekiel at Carpo, tapos malalaman ko lang nauna ng nakarating sa Batangas ang maleta ko kaysa sa akin.Pwede namang bumalik ang helicopter kaso nga lang wala ang piloto dahil nakauwi na sa kanila, gusto ko sanang pabalikin ngunit naawa naman ako kaya ito, maghahanap ako sa maleta niya na pwede kong suotin ngayong gabi at bukas nalang ako magbibihis ng bagong damit. Ngunit pagbukas ko ng kanyang maleta ay nakita ko sa kabilang side ang mga damit niya, t-shirt and some long sleeve polo, pants, at mga gamit para sa mukha at pansaksakan like charger para sa kanyang cellphone at laptop ang nakikita ko sa kabilang side ng kanyang maleta, at nang napunta ang mga mata sa kabilang side ay nanlaki ang mga mata ko n
CHAPTER 124 Yaya Lingling and the Billionaire's twin Napabalikwas ako ng gising dahil sa masarap na panaginip, I mean what the hell, masarap ba iyon? Pakiramdam ko oo. Wait…nanaginip ba ako? Hinawakan ko ang mga labi ko. We kissed again, right? Hindi niya tinigilan ang labi ko sa kakahalik. “at ….at…hanggang oh my God!” inangat ko ang bedsheet para makita kung may dugo ba pero wala naman, pinakiramdaman ko ang sarili ko, wala namang nangyari, hindi naman masakit ang katawan ko. Hindi rin masakit ang pagkababae ko, so, ibig sabihin lahat na nangyari ay panaginip lamang. Nakahinga naman ako ng maluwag, akala ko, binigay ko na ang aking bataan kay Kale…oh my goodness. Bumaling ako sa kabilang higaan at wala ni anino niya ang nakikita ko. Nasaan na naman siya? Lagi nalang niya akong iniiwan, pwede naman akong gisingin kung may ginagawa siya. Pero napanganga nalang ako na makita si Kale na kalalabas lang ng banyo, tanging tuwalya lang ang nakatabon sa kanyang bewang na kung
CHAPTER 125 Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Thank you kuya Edgar!!" sabi ko kay kuya Edgar na siyang tauhan at piloto ni Dark Romanoz na naghatid sa amin sa Batangas. Ang alam ko ay lumaki si Romanoz sa Russia na kung saan, pinagmalupitan siya sa kinikilala niya na ama na isang mafia. Narito siya sa Pilipinas dahil nakapag-asawa ito ng Pinay. Pagka-alis ni kuya Edgar ay saka palang kami bumaba ng building gamit ang elevator, hinatid lang kami sa Batangas at itong building na kakilala ni Kale na may helipad ang meron dito na malapit sa kung saan ikakasal ang pinsan ni Carpo. Tanghali na kami nakarating at susunduin kami sa isa sa driver ni Carpo para maghatid sa amin sa kabilang hotel. “Where are we?" Tanong ko kay Kale na mahigpit ang hawak ng kamay ko na akala mo naman tatakas ako. “San Juan Batangas,” sagot niya at tumango ako. Wala akong masyadong alam sa lugar na ito dahil hindi pa namin ito na puntahan kapag gusto naming magtravel. Most of the time kasi, we
CHAPTER 137Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Dumaan muna tayo sa mall? Doon sa Baltimoore mall, may bagong mall na sila na sila ang may-ari, di ba? Gusto ko sanang bumili ng pagkain o ibang ulam doon." “Yeah sure," pero bago niya pa pinaandar ang sasakyan niya ay lumapit siya sa akin, ilang dangkal na lang ay magkahalikan na kami, kaya mariin kong pinikit ang aking mga mata at naghihintay nalang na dumampi ang labi niya sa labi ko pero segundo na ang lumipas ay walang malambot na labi na tumama sa labi ko. Kaya binuksan ko ng dahan-dahan ang isang mata ko at saka ko narinig ang pagclick ng aking seatbelt at s'ya ay nakangiting nakatitig sa akin, biglang uminit ang pisngi ko dahil sa ginawang magpikit ko. “Why are you closing your eyes?" Agad ko naman dinilat ang dalawang mata ko at mariing nakagat ang ibabang labi dahil sa inasta ko bago lang. Mali pala ang nasa isip ko. “A-akala ko kasi…ano ..uhmm…” nakita ko kung paano niya dinaanan ng kanyang dila ang kanyang mapupul
CHAPTER 136 Yaya Lingling and the Billionaire's twin Sabay kaming pumasok sa loob at pinuntahan ang hepe na kung saan naka-assign sa mga oras na ito. Hanggang sa pinapasok kami sa visitation ward para kamustahin ang matagal na rin naming hindi nakita. Napag-usapan na namin ito ni Kale and what I like about him dahil ang lawak ng pag-iisip niya lalo sa mga bagay ba ganito. “Sino ba ang bisita ko? Natutulog ang tao eh?" Narinig ko na wika ng isang babae na paparating sa gawi namin, nakaposas pa ang kanyang mga kamay at may suot na kulay orange na damit ay may nakalagay na pangalan na inmate at nang tingnan ko siya ay nakita ko kung paano nagbago ang pangangatawan niya at hitsura. Pumayat siya at kung noon ay nakasuot siya ng magagarang mga damit at make-up, ngayon ay marami ng nagbago. “Kayo! Bakit kayo nandito?” Galit na tanong nito sa amin. Nagkatinginan kami ni Kale at binalik kay Jeniza. “Hindi kami pumunta rito para makipag-away sa'yo, narito kami para kamustahin ka." b
CHAPTER 135Yaya Lingling and the Billionaire's twin Inalalayan niya ako na bumaba sa sasakyan. Napangiti ako. Hindi ko alam kung bakit lagi na lang akong nakangiti. “What?" Lumingon ako kay Kale at mas lalong lumawak ang ngiti ko. “Eh kasi, may naalala lang, huwag kang mag-alala, hindi pa naman ako nabaliw o ano, naalala ko ang, kasi dati, hindi mo ako tinutulungan na bumaba sa kotse but now? Look out you, kaya ko naman pero mas na inlove ako sa'yo dahil sa paganito mo, boss gulay." "Matagal ko na rin na gustong gawin ito sa yo kaso pinipigilan ko palagi ang sarili ko dahil sa mga oras na iyon ay hindi pa ako sigurado kung gusto mo rin ba ako at ayokong nagpapakita na nag-alala ako dahil ayokong umasa ang puso ko.” Sagot nito na siya namang napapangiti sa akin. “So, ibig sabihin niyan na malaya ka ng gawin sa akin kahit sa private Ang mga gusto mong gawin–” "Yeah,” tipid nito na sagot at nakita ko sa kanyang mga mata at pagngiti niya na may binabalak ito na baka ikakabigla ko.
CHAPTER 134 Yaya Lingling and the Billionaire's twin Ang ganda ng gising ko. Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko at laking gulat ko na matanaw si Kale na nakatitig sa akin. Biglang uminit ang pisngi. Kung ganito ba naman ka gwapong mukha ang makikita ko every morning ay talaga namang nagpapasalamat na lang talaga ako na nagising pa ako at magandang tanawin agad ang masisilayan ko. Pero dahil hindi pa ako sanay na ganito na nga ang magiging galawan namin kaya umiinit ang mga pisngi ko at ramdam ko na ang pamumula na parang kamatis na siguro. Nakita ko kung paano sumilay ang ngiti niya. Lumapit siya akin at hinalikan ako ng ilang beses sa labi. At sa panghuli niya na halik ay natakpan ko ang bibig ko. “Bagong gising pa lang ako, baka ang baho ng bibig ko…” saad ko sa paos na boses pero kinuha niya ang kamay ko para di matakpan ang bibig at para mahalikan ulit ako sa labi. "Good morning wife -” malambing niyang wika. Pero ramdam ko na sumasayaw ang mga bulate sa tiyan k
CHAPTER 133 “What?" “Don't touch that stuff toy, we owned it." turo nila sa bear na laruan. Naningkit ang mga mata ko na nakatitig sa kanila at binalik ang tingin sa teddy na nasa kamay ko na. Tumaas ang kilay ko, ako ang nakakita. Wala naman sila nang dumating ako. Where have they been kung ganoon?Binalik ko ang attention sa kanila. “Wee…I saw it too, and I think…the one who got it first will be the owner and since I'm holding this stuffed toy and so, this is mine….got it little kids?” pagmamalaki ko habang nakataas ang sulok ng bibig ko. "No…. that's ours, isusumbong kita kay daddy!" “Well, Isumbong niyo ako…." Pang-aasar ko pa lalo, hindi ko maisip na may makasalamuha ako ng mga batang ma attitude. “At isa pa, bakit kayo narito? Saan ang mga magulang niyo? Naglayas kayo ano?" “Amalthea! Lysithea! Nandito lang pala kayo! Di ba ang sabi ko, hintayin niyo muna ako? Kahit na may bodyguard tayo ay dapat huwag kayong lumayo sa akin at mapapagalitan ako ng daddy niyo. Teka! An
CHAPTER 132 Yaya Lingling and the Billionaire's twin Lola Ganda Pov: “Aalis kayo Lola?” narinig ko na tanong ng apo ko na si Chaldenne. Kinuha ko ang purse ko sa ibabaw ng glass table sa living area at saka pa ako lumingon sa kanya at sinagot ang tanong ng apo ko na nanonood ng tv habang kumakain ng kanyang favorite chocolate ice cream bar. "Yes, magkikita kami ngayong araw ni Mrs Deverro. And we'll talk about business. Do you want to come with me? After our meeting, let's go to the mall. What do you think, apo?” Agad naman na umiling ang apo ko. Basta talaga mga ganitong pag-uusap ay ayaw niyang sumama or ayaw niya na talaga akong samahan? Sa bagay, pangmatanda ang lakad ko kaya hindi naaayon sa edad niya. Kakatapos lang din mag-aral ng college kaya hindi rin namin pinipilit na magtrabaho, as long as nasa bahay at kasama namin. Nasa kanya na rin kung gusto niya pero mas mayaman na yata ang batang ito kesa sa akin. Hindi naman kasi siya maloho na bata kaya nagugulat na lang
CHAPTER 131 Yaya Lingling and the Billionaire's twin Hanggang sa natapos na ang video ay hindi pa rin maiwasan na humikbi sa harapan nila. Lumapit si Kale sa akin at kinuha sa kanyang bulsa ang isang panyo at pinahiran ang pisngi ko na may hilam na luha. Gusto ko mang umalma dahil naalala ko na naman ang ginawa niyang pag-iwan sa akin ay di ko na magawa na maramdaman ang palad niya sa batok ko para hindi ako pumipiglas at mapunasan ako. “Stop crying or I might kiss you right now." Bigla kong natampal ng mahina ang braso niya dahil nagawa niya pa talagang magbiro, samantalang ako, ito at kinikilig pa sa mga nangyayari sa paligid tapos dagdagan niya pa, mukha na akong baliw nito, umiiyak habang kinikilig. “Alam mo ba na galit at nagtatampo talaga ako sa'yo kaya dapat panindigan ko iyon." Sabi ko sabay irap. "Kiss lang katapat niyang tampo na yan but before we do that, let's hear first what our babies want to tell you." aniya pero hinalikan pa rin ako pero smack lang. At dah
CHAPTER 130 Yaya Lingling and the Billionaire's twin Kagigising ko lang pero ang layo na nang narating ng ngiti ko. Hindi ako sigurado kung dahil ba maganda ang gising ko na hindi ako ginigising? O di kaya, nang dahil kagabi kaya ganito ako? Wait? Ano bang nangyari kagabi? Hinawakan ko ang labi ko habang nakangiti dahil naalala ko na kung ano ang nangyari kagabi sa aming dalawa ni Kale. “The heck, Chaldenne–" We kissed and kissed and kissed and kissed na umabot yata ng dalawang oras bago niya tinigilan ang mga labi ko. “Oh my…” agad kong tinakpan ng kumot ang buong mukha ko at impit na sumigaw at parang isang bulate na binudburan ng asin dahil nangingisay ako sa kilig. Bigla kasing lumitaw ang lahat ng kaganapan kagabi. Narinig ko na may bumukas ng pinto sa kwarto namin na kung saan tinuluan namin ni Kale kaya napatigil ako sa kakalikot ng aking katawan sa ibabaw ng kama at hinayaan si Kale na lapitan ako at siya na ang bumaba ng blanket. At ganoon nga ang ginawa niya,
CHAPTER 129 Yaya Lingling and the Billionaire's twin “What? Kanina ko pa naramdaman ang kanyang palad na hinahaplos ang likod ko. Nagpalit ako ng dress pero hindi niya nagustuhan ang suot ko dahil walang ka tela-tela ang bandang likuran ko raw at tama nga naman siya dahil design nga na backless dress. “Hindi ka ba nalalamigan?" Mahinang bulong niya. Tinagilid ko ang ulo ko para makaharap siya at umiling. “Suotin mo na kasi ang polo suit na binigay ko kanina." “Mamaya na, hindi bagay at isa pa kakabili ko lang nito noong isang linggo at nagustuhan ko ang design kaya dapat ipagmalaki ko.” Sagot ko habang nakapuppy eyes. Nasa tabi kami ng dalampasigan at marami pa kaming kasamahan na mag-asawa ang narito at nagsama-sama. Kakatapos lang ng kasal at nagpahinga na ang mga bagong kasal dahil maaga silang pupunta sa ibang bansa bukas para sa kanilang honeymoon. At ang mga matatanda naman ay bumalik sa hotel kung saan kami naka-book para doon na sila matulog muna kasama ang mga bata