(Flashbacks): “Ready?" Lumingon ako kay kuya Deion na nasa gilid ko lamang at ngumiti at dahan-dahang tumango para hindi sila mag-alala sa akin, sa kabilang gilid ko naman ay naroon si kuya Danzekiel at kuya Dayton. Narito kami sa isang sikat na hotel sa Singapore na pagmamay-ari ng isang kilalang engineer at architect na naging kaibigan ng mga kuya ko , ang iba kasi ay nakilala ko na rin sila dahil kung wala sa website ay nasa magazine ang mga pangalan nila like Valentino, Navarra, Montenegro at marami pang kasama sa pagpapatayo ng hotel na ito na halos maging kulay ginto na sa sobrang ganda ng loob, pero hindi ko maa-appreciate sa gayong may kailangan akong gawin. Patungo kami sa isang vip room na inarkila namin na doon magkita sa negosyante na ito. “Number one rule kapag may ka-transaction ka, huwag kang kabahan and be yourself, hindi mo makukuha ang kanyang loob kung mahina ka, sa bandang huli Ikaw pa ang talo, kaya galingan mo.” si kuya Dayton. "Isipin mo na ito ang unang
CHAPTER 102 Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Hi Mr. Kurdapo-" “Kurdapo or Kurdapyo? Well, kahit saan sa dalawa. Bagay naman pala sa kanya ang apelyido niya." Narinig ko ang tawanan ng mga kuya ko sa earpiece habang nagbabantay sa labas, habang nasa loob naman si kuya Deion na ngayon ay umiiling. “Hoy! Kayong apat. Pakisabi sa boss niyo na ang bansot ng apelyido niya.” kausap ni Danzekiel kung sino man ang tinutukoy niya na kasama ni Mr Kurdapo, baka mga bantay. Gusto ko mang matawa dahil sa pang-aasar ng mga kapatid ko ay pinigilan ko nalang ang sarili lalo at kailangan na magseryoso habang kaharap si Mr. Kurdapo. Ang mga kuya ko talaga, akala ko ba seryoso. Batay sa imbestigasyon na nakalap namin ay bukod sa may lahi siyang Pinoy ay may ibang lahi pa siya. At dahil paiba-iba ang kanyang identity kaya malaya siyang makagawa at agad ma-approved sa mga business na gusto niya na ipatayo. Or marahil, binabayaran niya ng malaking salapi ang tao para magawa agad ang gust
CHAPTER 103Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Sorry Miss Dela Paz. Ang sarap mo palang kasama kaya hindi ko mapigilan na magkwento at magsabi ng kung ano-ano. Ang tagal kasi umuwi ng asawa ko kaya siguro ito ako at bored na bored sa bansang ito. Kung hindi lang ako wanted sa Pilipinas." “Wanted ka sa Pilipinas?" Nabigla si Kurdapo sa sinabi niya ngunit kalaunan ay ngumiti lang ito at talagang pinagmamalaki pa talaga, kahit may idea na ako ay hindi ko pinapahalata sa kanya na alam ko na wanted na siya sa Pilipinas at ibang bansa.. Lumingon siya na kung saan ang gawi ni kuya Deion na nakaharap sa amin habang malapit ito sa pinto nakatayo ng matuwid at nasa direksyon namin ang tingin.Medyo malayo si kuya sa lamesa pero alam ko na ang mga mata niya ay nakafocus sa akin kaya kung may gagawin man ang lalaking ito ay alam ko na safe ako dahil andito si kuya Deion habang nasa labas naman ang dalawa kong kuya para magbantay lalo at may kasama si Kurdapo ng mga bodyguard.“Baka mar
CHAPTER 104 Yaya Lingling and the Billionaire's twin Pumasok si kuya Danzekiel para i-check muna ako. Humarap ito sa akin at pinatalikod niya ako para hindi ko makita ang susunod na mangyayari kay Mr Kurdapo. “Are you okay?" Tanong nito sa akin at minamasahe ang kamay ko na nanginginig and I guess I need it right now, kung nawindang ako dahil sa ginawa ni Kurdapo sa akin kanina ay mas takot yata ako na baka makapatay si kuya. “Kuya…” "It's okay, we're here, no one's gonna hurt you. I promise.” paulit-ulit na banggit ni kuya at dahil sa ginawa niya ay kumalma ako at niyakap ng mahigpit. “Who are you?" Sigaw ng matanda. "Guard! Where are you? Tulungan niyo ako rito, mga inutil!” Tawag ni Kurdapo sa kanyang mga bodyguard na ngayon ay wala akong idea kung ano ang ginawa ni kuya Dazton at kuya Danzekiel sa kanila. “Who the hell are you? Anong gusto niya sa akin? Money, I can give you that.” Sigaw ng matanda. "Hindi na kailangan na malaman niyo pa kung sino kami at sa korte na t
CHAPTER 105 YaYa Lingling and the Billionaire's twin “Are you okay? Ang lalim ng iniisip mo?" Naputol ang iniisip ko na marinig ko ang tanong ni kuya Danzekiel. Nasa dining table kami at kumakain, hindi ko pa pala nauubos ang nasa pinggan ko. Are you okay bunso?” Sunod-sunod na rin na tanong ng dalawang kuya ko. Ngumiti ako sa kanila. "Yep, oo naman, naalala ko lang ang nangyari these past few days, kung paano ko hinarap si Mr. Kurdapo at bakit natin ginawa iyon.” sabi ko sa kanila at nagsimula ng ubusin ang pagkain na nasa pinggan ko. Napatingin ako sa kanila na may makahulugang titig. “What?" Ginulo ni kuya Dazton ang buhok ko kaya matalim ang titig ko sa kanila, di porket tapos na sila kumain ay inaasar na naman ako. “Nothing, akala ko namimiss mo siya-" napakunot noo ako sa sinabi ni kuya Deion at di pa tinapos kung anong gustong sabihin. “Huh? Sinong siya?" "Si boss Callisto -” "What?” "Ang dalawang kambal ang ibig kong sabihin, ito naman kung maka react -” inir
CHAPTER 106Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Ikaw?" Pero bago pa siya nakapagsalita ay sinampal ko siya, hindi naman sobrang lakas. Tama lang para maramdaman ko na hindi ito multo o hindi ako minumulto ng lalaki na ito na matagal ng nagpaparamdam sa isipan ko ng ilang araw at gabi.Tumabingi ang mukha niya at galit itong binalik ang tingin sa akin. “Bakit may kasamang sampal?" “Why not? Ano ang gagawin ko? Paano ko malalaman kung totoo ka o isa ka na palang multo na nagpapakita sa akin!" Sabi ko. Binigay niya ang buong attention sa akin, napagitnaan ang dalawang binti ko sa pagitan ng mahabang binti niya.“Hindi sampal ang pwedeng gawin para malaman na multo ba ako o hindi Miss Montaño." aniya sa nakakalokang ngiti.Mataray akong nakipagtitigan sa kanya. “Eh, bakit? Ano ba ang gagawin ko-" naputol ang sasabihin ko na bigla niyang sakupin ang buong mukha ko at walang pasabi na hinalikan ako sa labi. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya, hindi pa na kuntento, inulit niya
CHAPTER 107 Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Stop crying, kanina ka pa umiiyak.” Mas lalo pa tuloy akong naiyak dahil sa maingay ang katabi ko. “Kasi naman di ba? May pa i fetch her, i fetch her pa siyang nalalaman tapos, ibang babae pala ang sinusundo niya rito sa ibang bansa, ang kapal ng mukha niya, di ba?" Napakamot nalang ng ulo si Carpo dahil sa paulit-ulit ko ring sinasabi. “Tama ka, kupal nga iyon, hayaan mo at baka bugbog sarado na iyon ng mga kuya mo-” doon palang ako tumigil sa pag-iyak dahil sa sinabi Carpo. “Bugbog? What the, where's my phone at tawagin natin sina kuya -" “Para ano?" “Baka mapatay nila si Kale-" pinitik ni Carpo ang noo ko. “Ouch! Ano ba? Why did you do that?" “Kanina iyak ka nang iyak at may pasabi ka pa na kung ano-ano tapos ngayon, nakarinig ka lang ng bugbugin siya ay wala pa sa dalawang minuto na nag-alala ka sa kanya.” Aniya pero tinampal ko lang ang braso niya. "Eh…eh sa ano? Ano kasi…" ano nga ba ang sasabihin ko? “Na an
CHAPTER 108 Yaya Lingling and the Billionaire's twin Kakarating lang namin sa airport kaso nga lang malakas ang ulan, mabuti nalang at nakarating kami na walang nangyari sa amin sa himpapawid. Balita ko kanina na nasa loob pa kami ng airport na cancel ang ibang flights. Timing na pagdating namin ay mas lalong lumakas ang ulan. “Hindi muna tayo makakauwi sa probinsya dahil isa sa flight natin ang cancel, kaya dito na lang muna tayo sa Manila magpalipas ng gabi.” Mungkahi ni Kuya Deion. "Are we going to book a hotel or uuwi kayo sa mga bahay niyo rito? Kaming apat ay sa hotel muna na malapit, since palakas ngayon ang ulan at baha na rin sa ibang kalsada at baka hindi na rin tayo aabot na ligtas,” sabi naman ni kuya Dazton. “Ako? Kung saan kayo, doon na rin ako, ayokong matulog lang sa kalsada kung ma trap ako dahil sa baha na iyan." Carpo said. “May malapit na hotel dito, doon na kami ni Miss Montaño." Sabay kaming napalingon kay Kale dahil sa sinabi nito. “Sa amin siya sasa
CHAPTER 127 Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Hi Glenda, congratulations." Saad ko sa pinsan ni Carpo na ikakasal ngayong araw. “Oh my Gosh, you look so beautiful-" dagdag ko pa. Gandang–ganda ako sa wedding gown na suot niya na off-shoulder lace dress. She looks like a princess with her gown. So perfect. Bago ako pumanhik kung saan ang mga kasamahan ko kanina ay pinuntahan ko rin muna siya dito kung saan siya nagbibihis na room para batiin sa araw ng kasal niya. "Thank you so much, Chaldenne. Ang saya ko na nakahabol ka.” napanganga ako sa sinabi niya, so, sinabi ni Carpo kung bakit hindi ako nakasama niya? Marahil dahil ang alam ni Glenda na invited ako at kasama ko si Carpo pero ibang tao ang kasama ko papunta rito sa Batangas. “Of course naman, ikaw pa, minsan lang ako invited sa kasal no, kaya masaya ako at masaya rin ako para sa'yo." Saad ko. Hanggang sa tinawag na si Glenda ng kanyang wedding coordinator kaya hindi ko na inabala. Nasa isang resort kami ngayon
CHAPTER 126 Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Mr. Callisto-” saad ng lalaking kulay gray ang mata at nakipagkamay sila ni Kale. "Zup, pare?" "Hi miss, I'm Devi and my wife-” turo niya sa kanyang asawa. "Hello…Shemaia," bati nito sa akin at humalik sa pisngi ko kaya ganoon din ang ginawa ko at nagpakilala. “Ignacio and my wife, Michaella." “Hi, nice meeting you Chaldeenne." “Nice meeting you too." “Carlos…ang pinaka-pogi sa lahat at ang magandang asawa ko, my only love Clovett." Napabaling ang tingin ko sa lalaking kulot ang buhok at sa asawa niya at nakipagkamay. “Maniwala ka na lang na pogi si Carlos, magtatampo iyan." “Gago ka Lance….totoong pogi ako, huwag kang epal." Natawa ako, nakakatawa kasi sila eh. “Tingnan mo, inaway na ako, anyway Lance and my beautiful love of my life, Sunny." “Hi, welcome sa grupo namin." Tumango at ngumiti lang ako sa sinabi sa pangalang Sunny. “Hi! Ryker and my beautiful wife-" "Hello, just call me Aubree Lynn, at depend
CHAPTER 125 Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Thank you kuya Edgar!!" sabi ko kay kuya Edgar na siyang tauhan at piloto ni Dark Romanoz na naghatid sa amin sa Batangas. Ang alam ko ay lumaki si Romanoz sa Russia na kung saan, pinagmalupitan siya sa kinikilala niya na ama na isang mafia. Narito siya sa Pilipinas dahil nakapag-asawa ito ng Pinay. Pagka-alis ni kuya Edgar ay saka palang kami bumaba ng building gamit ang elevator, hinatid lang kami sa Batangas at itong building na kakilala ni Kale na may helipad ang meron dito na malapit sa kung saan ikakasal ang pinsan ni Carpo. Tanghali na kami nakarating at susunduin kami sa isa sa driver ni Carpo para maghatid sa amin sa kabilang hotel. “Where are we?" Tanong ko kay Kale na mahigpit ang hawak ng kamay ko na akala mo naman tatakas ako. “San Juan Batangas,” sagot niya at tumango ako. Wala akong masyadong alam sa lugar na ito dahil hindi pa namin ito na puntahan kapag gusto naming magtravel. Most of the time kasi, we
CHAPTER 124 Yaya Lingling and the Billionaire's twin Napabalikwas ako ng gising dahil sa masarap na panaginip, I mean what the hell, masarap ba iyon? Pakiramdam ko oo. Wait…nanaginip ba ako? Hinawakan ko ang mga labi ko. We kissed again, right? Hindi niya tinigilan ang labi ko sa kakahalik. “at ….at…hanggang oh my God!” inangat ko ang bedsheet para makita kung may dugo ba pero wala naman, pinakiramdaman ko ang sarili ko, wala namang nangyari, hindi naman masakit ang katawan ko. Hindi rin masakit ang pagkababae ko, so, ibig sabihin lahat na nangyari ay panaginip lamang. Nakahinga naman ako ng maluwag, akala ko, binigay ko na ang aking bataan kay Kale…oh my goodness. Bumaling ako sa kabilang higaan at wala ni anino niya ang nakikita ko. Nasaan na naman siya? Lagi nalang niya akong iniiwan, pwede naman akong gisingin kung may ginagawa siya. Pero napanganga nalang ako na makita si Kale na kalalabas lang ng banyo, tanging tuwalya lang ang nakatabon sa kanyang bewang na kung
CHAPTER 123Yaya Lingling and the Billionaire's twin “You can use my boxer, I have an unused boxer in my suitcase-”Matalim ang tingin ko sa kanya, hindi ko alam at siya pa ang napagbuntungan ko ng galit dahil lang sa wala akong masusuot kahit panty at bra. Tinawagan ko si kuya Danzekiel at Carpo, tapos malalaman ko lang nauna ng nakarating sa Batangas ang maleta ko kaysa sa akin.Pwede namang bumalik ang helicopter kaso nga lang wala ang piloto dahil nakauwi na sa kanila, gusto ko sanang pabalikin ngunit naawa naman ako kaya ito, maghahanap ako sa maleta niya na pwede kong suotin ngayong gabi at bukas nalang ako magbibihis ng bagong damit. Ngunit pagbukas ko ng kanyang maleta ay nakita ko sa kabilang side ang mga damit niya, t-shirt and some long sleeve polo, pants, at mga gamit para sa mukha at pansaksakan like charger para sa kanyang cellphone at laptop ang nakikita ko sa kabilang side ng kanyang maleta, at nang napunta ang mga mata sa kabilang side ay nanlaki ang mga mata ko n
CHAPTER 122 Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Bakit g-gusto mo ba talaga ako?" Nauutal ko na tanong sa kanya. Pakiramdam ko namumula na ang pisngi ko sa mga pinag-uusapan namin. "Matagal na, hindi mo lang pinapansin dahil may Carpo ka." “Huh? Matagal na? Kailan pa? At saka paano naman napunta kay Carpo na kaibigan ko lang ang tao." Nalilito kong tanong. Alam namin ni Carpo kung saan lang kami na dalawa, mas okay sa amin na maging kaibigan o mag-kuya ang turingan naming dalawa at ayoko ng mas higit pa sa magkaibigan. “I don't know, basta naramdaman ko na lang, maybe when I saw you in the elevator for the first time we met, noong sure na ako na gusto talaga kita kaso may taong epal kaya hindi kita niligawan. Pero dahil nalaman ko na wala pala kayong relasyon na dalawa. Kakapalan ko na ang mukha ko. I–” pero bago niya pa natapos ang sasabihin niya ay nakarinig kami ng ingay ng isang helicopter pababa sa yate. Kinabahan ako dahil akala ko kaaway pero nang marinig namin s
CHAPTER 121 Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Hello lovebirds…” “Kuya?" Hinanap ko kung saan ang nagsasalita at nang makita ko ang speaker na square malapit sa kama ko na nakapatong sa maliit na table ay mariing nakapikit ang mga mata ko, naalala ko na naghahalikan kami ni Kale kanina, narinig kaya nila kami? What if may cctv ang speaker na iyan tapos kitang-kita kami? Oh my G. “Yes baby girl, it's me." “Anong ginawa mo kuya Danzekiel? Bakit mo ako dinala rito? Hindi dito ang destinasyon ko. Nakita kita kanina bago ako nawalan ng malay, Ikaw ang pumalit kay Carpo sa kotse, why did you do that? I'm really scared you know…wait, nasaan na si Carpo, nariyan ba sa'yo? Hindi niyo naman siguro iyan sinasaktan, ano?” nagkatinginan kami ni Kale dahil sa pagbigkas ko sa pangalan ni Carpo. Baka mamaya bigla niya akong halikan kaya umiwas na ako ng tingin sa kanya at binalik ang atensyon sa sasabihin ni Kuya Danzekiel. "Hi Chal…I'm fine here…" napabuntong hininga naman ako ng mal
CHAPTER 120(Light Spg haha)Nagising ako dahil pakiramdam ko umaalog ang kama na hinihigaan ko. “May earthquake?”Napabalikwas ako ng bangon at nagmamadaling bumaba ng kama kahit medyo nakapikit pa ang mga mata ko dahil sa biglaang paggising dahil baka may lindol at wala man lang tumangka na gumising sa akin dahil nagmamadali ring lumika palabas ng bahay. Ngunit nagtataka ako kung bakit nag-iba ang nilalakaran ko. Hanggang sa napagtanto ko na wala ako sa bahay. Higit sa lahat, wala ako sa sariling kwarto. Anong bang nangyayari? Ang sikip ng tinatapakan ko.Si Carpo?Kasama ko siya, alam kong kasama ko siya kanina. “Carpo?" Tawag ko sa pangalan nya. Naalala ko na, huminto ang sinasakyan namin dahil may nakaharang na mga kotse sa gitna ng daan. “Carpo? Huwag kang magjo-joke diyan, di ba dapat nasa Batangas tayo pupunta, Batangas na ba ito? Bakit hindi mo sinabi na dito pala tayo pupunta? Wala akong dalang swim suit!" Tawag ko ulit. Nakapagtataka kung bakit ako napunta dito sa yate.
CHAPTER 119 Yaya Lingling and the Billionaire's twin Friday at ito ang araw na aalis ako kasama si Carpo mamayang ala- una papuntang Batangas na kung saan doon ikakasal ang pinsan niya. Bukas ang kasal, mga bandang hapon daw. Kagabi palang ay naghahanda na ako ng mga gamit ko sa maleta, lalo na ang make-up, shoes at damit na gagamitin sa kasal, pinadala kahapon ni Carpo sa akin para masukat ko at kasya naman at nagustuhan ko ang design na napili lalo at light pink ang kulay ng theme ng kasal. Narinig ko na may kumakatok sa pinto at nang silipin ko ito ay si Manang Lo ang nasa labas ng kwarto ko. Nakabalik na siya noong nakaraang linggo, magaling na ang kanyang asawa at anak na may sakit din at ngayon ay gusto niyang bumalik dahil namimiss niya na ang magtrabaho. Kung ako ang tatanungin ay ayoko siyang bumalik sa pagtatrabaho pero wala akong magagawa kung gusto ng kanyang katawan. “Manang–pasok po kayo!” "Hindi na, oh ano, nakahanda na ba ang mga dadalhin mo mamaya?” Ngumit