JAKE ANDREW"Look David! She drive me crazy and i don't know why? She just only a simple lady with nothing! Pero bakit ko nararamdaman ito?" reklamo ko sa harap ng kaibigan kong psychiatrist na noo'y nakikinig lamang sa akin. "Hindi siya kagandahan tulad ng iba pero may appeal siyang hindi ko ma explain. At naiinis ako tuwing nakikita kong may mga lalakeng aaligid sa kaniya! At mula ng maganap ang ....yung...""Iyong lumampas ka sa boundry ng kontrata n'yo ay pakiramdam mo ay gumaling kana na siyang napatunayan mo agad," ani ni David na pinaiikot pa sa kaniyang mga daliri ang kaniyang pen."Yes! Iyon nga," biglang sabi ko sabay turo sa kaniyang mukha."Paulit ulit mong sinasabi iyan at paulit ulit ko ring sasabihin sa'yo na interesado ka kay Joyce," ani ni David."No! No! No! Hindi puwedeng mangyari iyon dahil mag kaiba kami. Hindi siya ang babaeng gusto ko noh! Na galing sa isang mababang uri," sabay upo ko sa sofa."Mababang uri? Iyan ang tawag mo sa kaniya kahit na ipinaliwanag ni
JOYCE ANNEPagkapasok na pagkapasok ko sa kuwarto ay nakita ko agad na maraming missed call kaya naman tiningnan ko ito. And limang missed call ay galing kay Mr. Loi at ang iba naman ay kay Mystica. Napangiti ako ng mapakla dahil ni isa ay walang miscall si Jake na aking ikinais ng sobra. Akala mo kung sino kung magalit na para bang hawak na niya ang aking kaligayahan eh sumagot sa text at tawag ko nga ay hindi nito sinasagot mag e-expect pa ba ako na isa siya sa mga nag miscall sa akin? Haler Joyce! Gumising ka sa katotohanan na isa ka lang gamot sa pagkalalake ng Jake na iyon at anytime ay aalis ka sa kaniyang poder. Kaya bakit ka aasa sa sitwasyon na hindi naman dapat?Bigla ang pag ring ng phone ko at si Misty ang nasa screen na agad kong sinagot."Hoy, babae! Saan ka ba nagpunta at pati ako tinawagan ng magaling mong boss para hanapin ka niya sa akin?" bungad na salita nito. "At hindi ka sumasagot sa tawag ko?" "Sa rooftop ng condo building ako nagpunta. At saka wala kasi sa
"Anong ginagawa mo?" ani ni Jake habang nakatingin sa akin."Kumakain kasabay ka," sagot ko. Dahil sa mga oras na iyon ay talaga namang kumakain kami."May kutsara at tinidor tayo bakit hindi mo gamitin?" aniya na nakakunot noong nakatingin sa aking kamay na kasalukuyang kumukurot sa pritong galunggong. "At ano ba iyang sawsawan mo na pati daliri mo ay kasamang nakasawsaw din?""Sandali," sabay tayo ko at naghugas ako ng aking kamay bago muling lumapit sa aking pagkain upang ilipat ito sa may lababo kasama ng aking sawsawang suka na may bawang. At hinila ko ng marahan ang upuan upang ipaling sa lababo."Nang-iinis ka ba?" muling salita ni Jake."Hindi... ginagawa ko lang ang dapat kong gawin para makakain ka ng maayos. Kung gusto mo sa kuwarto na ako kakain... Ahh! doon na lang pala sa veranda," Aktong kukuhanin ko ang aking plato pero bigla ang pagtayo ni Jake na aking ikinagulat."Joyce... puwede bang mag-usap na lang tayo ng pormal at hindi nagkakainisan." aniya. "Look... kung na o
"Who is she?" biglang tanong ng magandang babae kay Jake pero sa akin siya nakatingin.Hindi ko tuloy alam kung ano ang dapat kong maramdaman dahil iba ang tingin sa akin ng magandang babae lalo na't hindi pa rin tinatanggal ni Jake ang hawak niya sa aking braso."She's.... someone," ani ni Jake. She's someone? Anong klaseng someone?Tanong sa aking isipan pero ang aking mga mata ay nakatingin kay Jake na nakatingin din sa akin."Stephanie... maybe some other days na lang tayo kumain sa labas. Nakalimutan ko na may pinaluto pala ako sa kaniya na pang lunch ko ngayong tanghali," any ni Jake sabay bitaw nito sa aking braso at hinarap ang tinawag niyang Stephanie.So, eto pala si Stephanie na narinig niya kay Mr. Loi? Eh, wala pala akong panama dito eh! Sa tindig at pustura pa lang ng babae ay bagsak na siya. Para kasi itong modelo sa way ng kaniyang postura. Eh ako? Posturang mahirap lamang! Sabay tawa ko sa aking isipan. Napaka imposibleng hindi ito magustuhan ni Jake. Kaya Joyce huw
JOYCE ANNE"Jake, really? She's working as a personal maid? Eh, bakit siya narito with Mr. Dennis at her working time?" ani ni Stephanie na itinanday pa ang kaniyang kaliwang kamay sa balikat ni Jake."S...sorry, sir. Hindi ko napaghindian si Dennis. Pero natapos ko po lahat ng gawain ko sa unit bago po ako napasama sa kaniya," paliwanag ko para wala ng usapan pa. "Uuwi na rin po ako,""So, Dennis na lang ang tawag mo sa kaniya na samantalang kami ay may pagrespeto. Ganyan na pala kayo ka close?" maarteng salita ni Stephanie dahilan upang lalong napakunot noo si Jake sa akin."Well... wala naman masama kung iyon lang ang tawag sa akin ni Joyce. Mas gusto ko nga kesa may salitang Mister. At saka nag e-enjoy ako na makasama si Joyce." nakangiting sabi ni Dennis sabay hatak niya sa akin sa bewang na ikinagulat ko."Well then... mukhang okay naman sila Jake at mukhang ihahatid naman niya ang maid mo sa ano pang problema? Let's go and have fun too!" sabay hawak nito sa braso ni Jake. Hind
JAKE ANDREWKasama ko si Stephanie pero ang nasa isip ko ay si Joyce at si Dennis na masayang magkasama sa parking area kanina. Sa di malamang dahilan ay kung bakit lagi ko na lamang nakikita ang dalawa na magkasama at nakikitang magkapalagayan na sila ng loob. Dahil parang close na sila ni Dennis na siyang ikinaiinis ko."Jake? Hey, Jake!" gulat akong napatingin kay Stephanie na ngayon ay nakakunot noo."May sinasabi ka?" tanong ko sa kaniya sabay inom ko ng tubig."Hindi mo kasi ako pinapansin kanina pa at hindi ka sumasagot sa mga tinatanong ko. Ano ka ba lutang?!" inis niyang salita."Tungkol ba saan?" tanong kong muli."See? Lutang ka nga. You we're like that before... what's really happening to you?" sabay unat nito ng upo at matalim niya akong tiningnan. "I'm sorry medyo may iniisip lang ako," sabay iwas ko ng tingin sa kaniya."Yung maid mo pa ang iniisip mo?" bigla nitong banggit. "Well... mula kasi ng makita mo ang maid mo at si Dennis ay biglang nagbago ang mood mo at naka
Mula nang muntikan na naman na may maganap sa amin ni Joyce ay tuluyan ko na siyang iniwasan hindi dahil sa gusto ko kundi dahil sa dapat lang na gawin ko ito dahil baka sa susunod na magkaron pa uling pagkakataon ay hindi ko na makontrol pa ang aking sarili at tuluyan akong makalimot. Ayaw ko pa mandin ang magkaron ng responsibilidad ng wala sa plano. Iyon nga ba ang dahilan Jake?Ang nakalimot o tuluyang mahulog kay Joyce?Lalo na ngayon na alam kong maka ilang beses na silang nagkikita ni Dennis ay nakakaramdam ako ng pagka inis. Dahil alam kong gusto ni Dennis si Joyce at hindi ako nakakatiyak kung pati si Joyce ay may gusto na rin kay Dennis. Kung bakit kasi tinanggal ko pa ang kinabit kong cctv sa sala? Edi sana nakikita ko kung ano ba ang ginagawa ni Joyce. Kahit man lang sana sa monitor ng kaniyang laptop ay nakikita ko ito dahil sa mahigit isang buwan na kaming hindi masyadong nagkikita. Magpang abot man kami sa sala o kaya sa kusina ay tamang isang tango lang ang aming pa
"Ha? Wala kaming relasyon ni Dennis. At saka hindi ko naman siya gusto," sabi kong bigla sa kabilang linya ng tumawag sa akin si Misty tungkol sa nabasa niya sa celebrity news."Eh, bakit lagi kayong magkasama? At saka sa kuha ninyong dalawa ay parang may hidden something noh! Smell something fishy... nanliligaw ba sa'yo si Dennis? Sa tagal na niya sa industriya ng showbiz bilang commercial endorsement, actor, singer, stage performance, composer... ngayon lamang siya na chismis na merong babaeng itinatago at nililigawan." "Oo na! Inamin niya sa akin na gusto niya ako at bigyan ko nga raw siya chance para maipakita ito at makilala ko ng husto. At alam niya na hindi ko pa siya gusto kaya naman nakikipag date ako sa kaniya na baka sakaling—" "Magustuhan mo siya? Hoy, Joyce! Huwag kang pa heart to get! It's your chance para naman maiahon mo ang iyong sarili at makalasap ng magandang buhay,""Pero wala nga akong maramdaman eh," "Gaga! At sino ang gusto mo? Don't tell me na nahuhulog ka