SUMANDAL si Greyson sa poste ng waiting shade, naka ekis naman ang mga mahahabang mga binti ng lalaki at nakahalokipkip ito na nakatingin sa kay Allison na halos hindi na maipinta ng magaling na pintor ang itsura ng dalaga. Kanda haba-haba na rin ang leeg ni Allison sa kakaabang ng taxi. Ngunit wala pa rin bakanteng taxi na dumadaan. Kung meron man dumadaan ay meron ng pasahero. Bakit ba napakahirap ang sumakay ng taxi ngayon.Kung saan pa na nagmamadali siya.Kapag minalas ka nga naman!“Ihahatid na lang kita,” pangungulit pa rin ni Greyson. “Para naman makabawi ako sa ‘yo.”Pinukol ng masamang tingin ni Allison ang lalaking prenteng nakasandal sa poste. “May konsensya pa palang natira diyan sa puso mo.”“Sorry,Alli.”“Umalis ka na,” pagtataboy ni Allison dito.“Sumabay ka na lang kasi sa’kin.Atsaka responsibilidad kita.”Kusang tumaas ang isang kilay ni Allison. “Dahil sa’yo nandito ako,” naiinis niyang turan.“Kaya nga pumayag ka na lang na ihatid kita roon sa talyer,” pangungulit
“Cellphone mo,” aniya na nakabusangot. Kung alam lang ng magaling na lalaking ito ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Pakiramdam ni Allison ay pinagpapawisan siya ng malapot kahit na naka full air-conditioned ang loob ng kotse ni Greyson. Pati yata palad niya ay pinagpawisan na rin. Paano ba naman sobrang pag-ingat ang ginawa niya sa pagkuha ng cellphone ni Greyson mula sa bulsa ng pantalon na suot nito. Para lang hindi masagi ng kamay niya ang anakunda nitong alaga.“Please, dial Elvin's number,” ani Greyson na nakatingin pa rin doon sa unahan nitong kotse na menamaneho ni Greyson.“Namimihasa ka na Greyson Chai, hindi mo ako katulong.” Niirita niyang sambit.“I'm driving, bawal ang gumamit ng phone. Safety first atsaka ayoko naman na…”Hindi ni Greyson nasabi ang dapat sasabihin niya ng muling nagsalita si Allison.Kusang tumaas ang isang kilay ni Allison na tinapunan niya ng tingin ang binatang nagmamaneho pa rin ng kotse.“Hindi ka ba natatakot na makita ko ang mga secr
"ANG BANGO ng pagkain, " Sabi ni Greyson ng dumulog na dito sa hapag kainan. Bagong ligo siya at may ilang butil pa ng tubig pumapatak sa mukha niya at nasasamyo rin ang amoy ng aftershave na gamit niya. “Good morning, everyone.”Nakangiti sabi ni Greyson.Naupo na ito sa bakanteng upuan na katapat lang din ng inuupuan Allison."Good morning Alli,hindi mo sinabi last night na dito ka rin pala pupunta e di sana magkasama na lang tayo.” kumuha si Greyson ng sinangag na kanin. “Anong ginagawa mo dito? Pati ba naman dito sinusundan mo pa ako?" Pagbibiro niya na may pinong ngiti sa mga labi nito.Sumimangot si Allison."Huh! Asa kang susundan kita. Ikaw ano rin ang ginagawa mo dito? Balik tanong ni Allison. "Miss Saurez,this is my brother's house,” nakangising turan ni Greyson. Halos 'di naman makapaniwala si Greyson ng mapag sino ang babaeng in kasama ng kapatid at hipag niya na katabi ni Ann,nakaupo dito sa hapag kainan. Nakatalikod kasi si Allison kanina mula sa pwesto niya."Oh, reall
NASA CONFERENCE ROOM nang mga sandaling iyon sina Greyson at Allison, kasama ang head department’s ng publishing company. Palipat-lipat ang tingin ng mga ito sa kanila ni Allison ngunit ni isa ay walang naglakas ng loob upang magtanong o ilabas ang saloobin. Tumikhim si Greyson bago nagsalita. “Kumusta ang lahat?” Aniya may ngiti nakapaskil sa kanyang mga labi. “Pretty good, Sir Greyson.” Sagot naman ng mga ito. “Well good to hear that from you everyone. Alam kong nagtataka kayo dahil sa medyo may katagalan din ako nawala. At ito nga agad din akong nagpatawag ng urgent meeting. “Mag-aasawa ka na Sir?” Hindi makatiis na tanong ni Ellen. Tumingin ito kay Allison na katabi niyang nakatayo. Siniko ng katabi nito si Ellen. Malamang nabalitaan ng mga ito ang tungkol sa kagustuhan ng kanyang ama na ipapakasal siya sa babaeng iniririto niyon sa kanya. Ang babaeng hindi niya nakilala hanggang ngayon. Anyway who cares. Naroon pa rin ang ngiti sa labi ni Greyson. “Hindi totoo kung ano
“HINDI ka ba marunong kumatok?” Singhal ni Allison ng tuluyan nakapasok dito sa loob ng opisina niya si Greyson. Dalawang linggo na rin ang nakalipas simula nagtrabaho siya rito sa publishing company. Hindi niya namamalayan na nalagpasan niya ang mga araw na magkakasama sila ni Greyson, sa iisang building lamang at magkatabi pa ang mga opisina nila. Ang magaling na binata ay walang pakundangan pumasok na lamang dito sa loob ng opisina niya. Tantiya niya ay hindi maganda ang mood nito. Halos hindi maipinta ang nakalarawan sa hitsura ni Greyson. “What's this?” tanong ni Greyson sabay lapag ng manila folder sa lamesa nasa harapan banda ng dalaga. Nakakunot-noo nakatingin lamang si Allison sa folder. “Folder,” baliwalang sagot niya. “I know, Ako kaya ang may bitbit niyon.” Pilosopong sagot nito. “I'm asking why Grace?” Magka salubong ang mga makapal nitong kilay tila naging isang linya na lamang iyon. “Why Grace?” Ba-ik tanong ni Allison.” Will, she's deserving.” “What do you t
LAGLAG ang mga balikat ni Greyson ng pumasok siya sa loob ng condo unit ni Cyril Edmund. Nasa trangkahan pa lang siya ay kaagad siya sinalubong ni Lucas ang alagang aso ng kanyang kuya. Kumikinding-kinding pa ang buntot ni Lucas habang naglalakad para salubongin siya at saka nahiga ng nasa tapat niya na ito. Yumukod si Greyson, naka squats position. Pagkatapos ay hinimas-himas niya ang ulo ni Lucas.“Hey, buddy. How are you?” Aniya na hinihimas pa rin ang ulo ng aso na naglalambing sa kanya.“Mabuti ka pa ang bait-bait mo sa’kin,” kausap pa rin niya sa kay Lucas na tanging kahol lang ang sagot nito. “Pero yung kapitbahay ng amo mo, napakasungit.”“Bro, kahit kausapin na kausapin mo pa si Lucas. Hindi ka niya sasagutin.” Sabi ni Cyril Edmund na kakalabas lang nito mula sa loob ng kwarto nito.Tumayo ng tuwid si Greyson mula sa squats position niya. Atsaka naupo roon sa leather sofa.“Akala ko next year ka pa uuwi, kuya? Napauwi ka yata ng maaga.”Wika ni Greyson, hinubad niya ang suot na
SIMPLENG pink t-shirt and jeans lang ang suot ni Allison. Sigurado naman siya na hindi party ang pupuntahan nila ni Greyson Chai. Batay na rin sa suot ng lalaki. Hinayaan niya lang na nakalugay ang mahaba at tuwid niyang buhok. Nag-apply lang siya ng manipis na pulbo at lip gloss at nag-spray na rin siya ng perfume. MATAPOS ng makuntento na siya sa itsura niya aylumabas na rin si Allison mula sa loob ng kwarto niya.Hindi niya nakita si Greyson sa sala. Ngunit narinig niya ang ingay na nagmumula roon sa kusina. Hinakbang ni Allison ang kanyang mga paa patungo roon sa kusina. Naabutan niya si Greyson na gumagawa ng kape mula sa coffee maker.Hindi siya agad pumasok ng kusina, nanatiling nakatayo lamang siya sa may pintuan habang pinapanood ang bawat kilos ni Greyson. Hindi niya mawari sa kanyang sarili kung bakit gustong-gusto niya na lang pagmasdan ang binata habang abala ito sa ginagawa.“May gusto ka na kay Greyson,” anang isang bahagi ng kanyang isip.“Huwag ka magpadala sa mga
AMININ man niya o hindi pero sigurado siya sa sarili na talagang nag-eenjoy siya na kasama si Greyson.Lahat na yata ng mga games ay nalaro na nila. Ang rides ay hindi pa nila ni Greyson nagawa. May pakiramdam si Allison na umiiwas si Greyson na sumakay sa mga rides.“Bibili lang ako ng maiinom natin,” ani Greyson.Kakatapos lang nila manood ng circus at napakainit ng panahon.“Okay,” maikling sagot ni Allison. “Balikan mo na lang ako dito,” aniya na nakaupo sa upuan na gawa sa semento.Nasa lilim ng malaking puno kaya ay hindi gaanong mainit.Nakasunod ang mga titig niya sa likod ni Greyson na naglalakad ito patungo roon sa convenience store.Simple tshirt na kulay blue at kulay itim na cargo shorts ang suot ni Greyson.Nakasuot rin ito ng baseball cup na kulay blue rin. Ngunit sa simpleng ayos ng binata ay napakakisig pa rin nito tingnan at mas lalong naging gwapo si Greyson.Pinilig ni Allison ang sariling ulo sa iniisip niya.Binaling niya na lamang doon sa ibang direksyon ang kanyang
"SWEETHEART, hindi pa rin ba tapos diyan?" Tanong ni Greyson na kakapasok lang nito dito sa kusina.Saglit siya nag-angat ng mukha. "Saglit na lang ito," aniya binalik ang antensyon sa pizza na inaahon niya mula a loob ng oven. "Ilalagay ko na lang ito sa disposable container.""Mommy, let's go," ani Gerson na hila-hila nito ang maliit na bag. Ang bunsong anak nila ni Greyson."Mommy, hurry up," sabi naman ni Gwen Chai na halos hindi na mapinta ng magaling na pintor ang hitsura ng panganay nila.Kung si Greyson ay mahilig tumambay sa kusina. Itong dalawang anak nila ay kabaliktaran."Opo, bilisan ko na,"aniya na sinimulan ng ilipat ang pizza sa lalagyan. "Wait n'yo na lang ako roon sa car.""Okay, boys lets go, hintayin na lang natin si Mommy sa car," yakag ni Greyson sa mga anak nila. Palabas ng kusina."Mommy, can I have some pizza, please." ungot ni Gerson."Sure baby pero mamaya na kasi mainit pa. So go with daddy, okay.""Thank you, mommy," tuwang-tuwa sabi ni Gerson. Sumama na
JARO CATHEDRAL-iba’t ibang uri ng mga nagagandahang mga bulaklak ang nagiging silbing palamuti sa loob ng simbahan. Pumapainlag naman sa ere ang malamyos na awiting beautiful in white ng westlife. Nakapaskil ang malalapad na ngiti sa mga labi ng bawat isa habang pinagmamasdan ang pinakamagandang bride na naglalakad sa aisle.Allison stunning and beautiful wearing her wedding gown while she's walked down in the aisle. Habang naghihintay naman si Greyson, malapit roon sa altar. Napakguwapo ng lalaki sa suot nitong tuxedo. Hindi lang basta naglalakad si Allison. She looked like gliding towards him. Mukha itong anghel na parang lumulutang na paunti-unti papalapit sa kanya. At hindi kaya ni Greyson na bigyan ng pangalan ang eksaktong naramdaman niya nang mga sandaling iyon. Masaya? Masayang-masaya? Halos maluha-luha sa sobrang kasiyahan? Lahat ng iyon ay naramdaman niya pero kulang pa rin ang mga salitang iyon para sa eksaktong maipaliwanag ang pakiramdam niya. But, yes,
ANG SUMUNOD na pinuntahan nila Greyson at Allison ang Boutique ni Catherine Humpay, ang kanilang wedding coordinator. Magiliw silang inatupag ng secretary ng babae dahil sa may naunang kleyente si Catherine na kasalukuyan nasa loob ng opisina ng huli. Sumilip sandali si Catherine para batiin lang sila ni Greyson. Ilang sandali lang din ang lumipas ay nasa loob na rin ng opisina ni Catherine si Allison. Sila muna ang mauunang mag-uusap. Ayon kasi kay Greyson ay girls talk daw muna kaya minabuti ng lalaki na magpaiwan muna roon sa waiting area nitong boutique ni Catherine. “Have a seat, please.” Nakangiting sabi ni Catherine na tumayo pa ito mula sa silya na inuupuan nito. Minuwestra nito ang bakanting silya nasa kabilang bahagi ng lamesa nito.“Thank you, Cath,” aniya nginitian niya rin ang babaeng kaharap. Naupo si Allison sa visitor's chairs na malapit lang din sa lamesa nito. “Blooming na blooming, ah. Preggy suit's you, You more prettier Allison,” nakangiting pagpupur
ABOT TANAW ni Greyson si Allison nasa bukana ng mataas at malaking gate na gawa sa bakal. Gamit ang hawak niyang telescope mula sa puwesto niya nasa ibabaw ng tree house. Mula sa ibaba ay hindi iyon agad mapapansin dahil napagitnaan iyon ng dalawang malalaking puno at mataas ang bahaging iyon.Nahihirapan at nalulungkot man siya sa ginagawa niyang hide in seek ngunit iyon lang ang tanging paraan upang makita’t masubaybayan niya si Allison. Matiyak niyang nasa mabuting kalagayan ang kanyang mag-ina.Kapag ginawa niyang magpakita ng lantaran kay Allison, natatakot siya na tuluyan na itong lumayo mula sa kanya. Ngunit hanggang kailan siya magtitiis? Hanggang kailan niya kakayanin ang ganitong sitwasyon? Arggg… Napasabunot siya sa sariling buhok. Masisiraan na yata siya ng tamang pag-iisip kapag tumagal pa ang ganitong sitwasyon nila ni Allison.Kapag nakapasok na si Allison sa loob ng compound ay siguraduhin niyang hindi na ito makalabas dito. Kung kinakailangan niyang ikulong it
BUMABA si Allison mula sa jeep. Sa di kalayuan ay nakikita niya ang babaeng matangkad, blonde ang buhok at mukhang mestiza at nakasuot ito ng Doctors coat. Kung titingnan niya ang babae ay hindi taga rito sa barrio. Maaaring dayuhan din ito at napunta lang dito para sa mga taong kailangan ng health care.Tumingin ang babae rito sa kinaroroonan niya. Nakikita niya na naglalakad si Krisel papunta dito na may nakapaskil na ngiti sa mga labi nito."Hi, you must Allison,right?”Tanong nito ng tuluyan ng nakalapit.Nginitian ni Allison ang babaeng kaharap. “Allison Saurez.”“Doctor Krisel,”anito na nakipag biso-biso pa sa kay Allison.”Doon tayo sa loob ng center. Medyo mainit na kasi ang sikat ng araw rito.”Yakag ni Krisel na nagpatiunang na itong lumakad papunta roon sa loob ng health center.Sumunod naman si Allison kay Doc Krisel. Naupo ito sa silya na nasa likod ng lamesa. Iginala ni Allison ang kanyang paningin sa loob ng health center. Halos kumpleto ng medical equipment ang loob ng
KASALUKUYANG nasa rooftop si Greyson, naghihintay sa pagbaba ni Doctor Krisel mula sa sinakyan nitong chopper mula Maynila.Nakikita niya na bumaba ang matangkad at maputing babae, kasunod nito ang Kuya Markus niya at ang kaibigan niyang piloto.HInintay niya na lamang na makalapit ang mga ito. Malayo pa lang ay nakikita niya na ang malapad na ngiti sa mga labi ni Krisel."Kuya Greyson,"nakangiti sabi ni Krisel atsaka yumakap ito sa kanya."Hey,young lady,"aniya na gumanti rin ng yakap sa dalaga.Parang nakakabatang kapatid lang ang turing niya kay Krisel. Palibhasa wala siyang kapatid na babae at pawang lalaki silang magkakapatid.Anak ng pinsan ng Daddy niya si Krisel at mas matanda siya ng limang taon sa dalaga. Nakapagtapos ito ng medicina at pumasa na rin sa doctorate nito.Malaman niya na buntis si Allison ay si Krisel agad ang pumasok sa kanyang isip na papuntahin na lamang dito sa probinsya ng Iloilo. Tumikhim si Markus na nakaagaw sa pansin ni Greyson."Kuya bat nandito k
MATAPOS kumain ng almusal si Allison ay agad niligpit ni Manang Linda ang mga pinagkanan at hinugasan na rin ang mga plato.Si Allison naman ay nasa tabi ng bintana dito sa sala at nakadungaw roon sa labas nitong bintana. Tama lang ang desisyon niya dito muna magtago ng pasamantala. Para sa ganoon ay makapag-isip siya. Masyadong magulo pa rin ang kanyang isip at hindi pa siya makagawa ng disisyon.Tahimik ang lugar at nasa liblib ng bahagi ng bayan ng Leon ang Bucari na tinagurian the little bagyo. Kung meron man mga taong napupunta rito ay talagang sinasadya na pumunta rito para mamasyal at makapalibang. Hindi katulad niya nandito na siya ra magtago at takasan ang mga problema niya.Napabontong-hininga na lamang ng malalim si Allison ng maisip niya ang kalagayan niya kung bakit nandito siya ngayon sa probinsiya ng Iloilo at sa pinaka liblib na lugar. Alam niya sa kanyang sarili na hindi niya maitatago ng habang panahon ang kalagayan niya ngayon lalo't buntis siya.Bigla na naman
ALAS-TRES ng madaling araw. Maingat ang bawat kilos ni Greyson na huwag makalikha ng ingay. Pumasok siya sa loob ng kwarto ni Allison. Siguro siya na kapag ganitong oras ay mahimbing natutulog ang dalaga. Animo'y katulad siya sa magnanakaw na sa tuwing madaling araw ay umalis siya ng bahay niya para lang puntahan si Allison at makita niya ng malapitan.Nagkaroon lang siya ng pagkakataon na lapitan si Allison kapag nakatulog na ito. Nadatnan niya na mahimbing natutulog si Allison. Lumapit siya sa gilid ng kama na hinihigaan ng dalaga. Inayos ang kumot sa katawan ni Allison. Electricfan lang ang gamit nito dahil sa malamig naman ang panahon lalo na sa gabi. Nasa liblib na lugar at bundok na kasi ang bucari na tinagurian the little bagyo. Pagkatapos niya ayusin ang kumot ni Allison. Nakuntento na lamang si Greyson a pagmasdan ang babaeng sinisigaw ng kanyang puso. Napabuntong-hininga na lamang si Greyson habang pinagmamasdan si Allison na walang kamalay-malay na nandito s
NINOY INTERNATIONAL AIRPORT- TERMINAL ONE kakalapag lamang ng eroplanong sinasakyan nila Greyson at Allison mula roon sa Palawan.Palinga-linga si Allison sa paligid, habang hinihintay ang maleta niyang naka-check in sa eroplano. Mayamaya ay kinalabit niya si Greyson.Nginitian niya ang binata. “Punta lang akong toilet,” naglalambing pang sabi niya.“Sige, dito lang ako habang naghihintay ng maleta. Dito na rin kita hihintayin,” nakangiti rin sagot ng binata, bahagya pa siyang hinawakan sa beywang.Tinanggal niya ang kamay ni Greyson sa beywang niya. “Aalis na ako,” aniya saka hinakbang na ang kanyang mga paa.Nang nasa di kalayuan na si Allison ay huminto siya sa paglalakad. Muli niyang tiningnan si Greyson doon sa baggage claim area. Nang nakakatiyak siyang hindi ito nakatingin sa kinaroroonan niya ay mabilis niyang tinahak ang daan palabas ng airport at tumalilis ng alis.Nasa labas ng airport si Allison ay agad siyang pumara ng taxi at sumakay. Nagpahatid siya sa driver ng