GREYSON feels bad. Pinagpapawisan ng malapot at namumutla ang itsura ni Greyson. Pati yata ang paningin niya ay umiikot na rin dahil sa nahihilo siya pagkatapos nila ni Allison sumakay ng rollercoaster. Thank God! Hindi siya nagduduwal dahil kung nagkataon ay sobrang nakakahiya.Hinahawakan pa rin ni Allison ang kamay niya at nakaalalay rin sa kanya ang dalaga. Hindi rin ito nagrereklamo bagkos nakikita niya ang pag-alala sa itsura ni Allison. Naupo sila sa damuhan na may lilim ng malaking punong-kahoy.Pinikit ni Greyson ang kanyang mga mata at pinayapa ang kanyang sarili. “Damn!” pepeng mura niya sa kanyang sarili. Hindi pa rin nawawala ang pagkahilo niya. Nararamdaman niya rin na pinupunasan ni Allison ang pawis sa kanyang noo.Maya Maya ay nararamdaman niya na nakaupo na rin si Allison sa kanyang tabi.“You're okay?” tanong ni Allison na hinawakan nito uli ang kamay ni Greyson at bahagyang pinisil iyon. Gusto niya lang ipaabot dito na magiging okay rin ito. “I'm sorry kung pi
MAHABANG katahimikan ang namayani sa pagitan nila Greyson at Allison,habang bumabyahe sila pabalik ng Maynila.Ni isa sa kanila ay walang nagtangkang basagin ang katahimikan iyon.Paminsan-minsan ay sinusulyapan ni Greyson ang dalaga na nakapikit pa rin ang mga mata nito. Kaya naman ay hinayaan niya na lamang si Allison.Gabe nang narating nila Greyson at Allison,ang Raider condominium.Pagkatapos mai-park ng maayos ni Greyson ang kotse menamaneho niya ay bahagya niya inunat ang kanyang mga braso sa bandang ibabaw ng kanyang ulo. Binalingan niya ng tingin si Allison, nakapikit pa rin ang mga mata nito na namumugto at namumula ang tungki ng ilong ng dalaga,dahil sa impit nitong pag-iyak kanina.Gusto niya rin sisihin ang kanyang sarili na sana hindi na lang siya nakipag-deal kay Allison at sana hindi niya pinagpipilitan na pumasok sila roon sa horror house.Ang gusto lang naman sana niya kung bakit gusto nita pumasok sila roon sa horror house upang ma coop-up ni Allison ang takot nito sa
NAGISING si Greyson sa tunog ng alarm clock ng kanyang cellphone.Sinadya niya na mag-alarm bago matulog.Balak niya kasi magluto para sa breakfast nika ni Allison at yayain na rin ang dalaga na sabay na lang sila pumasok ng opisina.Nag-inat ng kanyang mga braso si Greyson bago bumangon,may ngiti nakapaskil sa kanyang mga labi ng maalala niya ang ginawa ni Allison na nilagyan siya ng kumot. Sa kabila ng pinapakita nitong pagiging mataray ay may concerned pa rin ito sa kanya.Matapos niya tiklupin ang kumot na ginamit niya. Hinakbang niya ang kanyang mga paa patungo roon sa banyo,upang makapag mogmog at makapag hilamos na rin ng kanyang mukha. Sinuklay niya na rin ang buhok niya gamit ang mga daliri niya. Saglit niya pinasadahan ang itsura niya sa harap ng salamin. Pagkatapos lumabas na rin ng banyo si Greyson,diretso na siya roon sa kusina ng sa ganun kapag luto na siya para sa almusal nila.Napapangiti siya ng makita ang kulay pink na apron, ang apron na ipinagamit sa kanya ni A
BAGO lumabas si Greyson ay dumaan muna siya sa kwarto ni Allison,sinilip nita muna ang dalaga. Mukhang nakatulog na naman ito.Mag-alas otso na ng umaga kaya naman mabilis ang bawat kilos niya. Kailangan niya magmadali at papasok pa siya ng opisina.Bago umalis ay sinigurado niya naka luck ang unit ni Allison.Pumasok na siya sa unit ni Cyril Edmund. Nasa bukana pa lang siya ng pintuan ay agad siya sinalubong ni Lucas ang alagang aso ng kanyang Kuya Cyril Edmund.Kumakahol si Lucas at naglalambing ito.“Hey, buddy,” yumukod si Greyson atsaka hinaplos ang ulo ng aso.“Sa bahay ka ni Allison natulog last night?” Tanong ni Cyril Edmund na bigla lang ito sumulpot dito sa sala. Tumayo ng tuwid si Greyson atsaka hinakbang ang kanyang mga paa,palapit sa may couch.Pabagsak siyang naupo.“Nahiga ako sa sofa at hindi ko namalayan nakatulog na ako,umaga na ako nagising,”palusot na sabi niya.Tumikwas ang dulo ng mga labi ni Cyril Edmund.May mapanuksong ngiti nakapaskil sa mga labi nito.“There'
NANGga sumunod na mga araw ay kapansin-pansin ang pagiging extra sweet ni Greyson sa kay Allison.Greyson wearing his business suits. Kasalukuyan nasa harapan siya ng salamin at inaayos ang necktie niya. Matapos lumabas na rin siya sa kwarto niya. Naabutan niya sa dining table si Cyril Edmund na kasalukuyan umiinom ng kape. Lumapit siya rito atsaka kinuha ang tasa ng kape pagkatapos ay sumimsim ng kape.“Hey, that's my coffee,” angal ni Cyril Edmund na nakatingin sa kay Greyson na hawak ang tasa ng kape nito.“Uminom lang ako,”baliwala nitang sabi.“Nagtimpla ka kaya ng sarili mong kape.”“No need,aalis na rin ako,”aniya tinalikuran na ang Kuya Cyril Ed niya. Ngunit ng may naalala siya ay napahinto siya sa paghakbang ng kanyang mga paa,atsaka pumihit paharap dito sa Kuya niya.“Kuya,binebenta mo ma ba itong unit mo?”Kunot-noo na pinukol siya ng tingin ni Cyril Edmund. “Bakit mo naitanong,bro?”Napakamot siya sa sariling batok.One of his mannerism kapag nag-aalangan siya sa gusto niya
HE'S having a reservation at one of the famous restaurants. Hindi mapakali si Greyson sa swivel chairs na inuupuan niya,kung tatawagan or puntahan niya si Allison sa opisina nito. Tiningnan niya ang oras sa suit niyang relong pambisig, it's quarter to four o'clock in the afternoon. Kinuha niya ang cellphone na nakapatong lang din sa desks niya. And he's dialed Allison's number. Ilang ring lang at sinagot ng dalaga ang tawag sa kabilang linya.“Greyson Chai,if you don't mind, it's Monday today and I'm busy.”Bungad ni Allison sa kabilang linya ng sinagot nito ang tawag.“Alli…”Hindi niya na natapos ang ibang sasabihin ng bigla na lang end call ang tunog na narinig niya. Napakamot na lamang siya sa sariling batok. He's trying to call Allison's number again.“Alli…”“I'm busy,”ani Allison sabay end call ulit ng tawag ni Greyson.Napabuga na lamang si Greyson ng hangin habang nakatingin sa cellphone hawak niya.“What now?” Aniya sa sarili,talagang mapipilitan siya na puntahan ang dalag
NAGMAMADALI lumabas ng opisina niya si Allison. Sa dami ng trabaho niya ng araw na ‘yon ay muntik niya na makalimutan na may appointment pala siya sa Beauty Wellness and Salon para sa foot spa and pedicure,manicure etc.Habang nagdadrive ng kotse ay nagsent na lang siya ng text message kay Greyson na magkimita na lang sila sa restaurant at hiningi niya na rin ang address ng nasabing restaurant.Dumating siya ng Beauty Salon sa tamang oras ng appointment niya. Kaagad siya inasikaso ng staff. Tiningnan niya ang cellphone ngunit walang reply galing sa kay Greyson.Samantala pasipol-sipol si Greyson na lumabas sa kanyang opisina. Tinahak ng kanyang mga paa ang direksyon ng opisina ni Allison. Ngunit anino ng dalaga ay hindi niya nakita. Maayos na rin nakasalansan ang mga gamit nito sa ibabaw ng lamesa. Ibig sabihin ay lumabas na si Allison at hindi siya hinintay.“Dia,si Allison nakita mo ba?” Tanong niya sa secretary ni Allison. Nag-angat ng mukha si Dia mula sa harap ng laptop compute
NAALIMPUNGATAN ng gising si Allison ng may narinig siya na tila kaloskos sa labas ng kwarto niya. Bumangon siya mula sa kama at kinuha ang baseball bat na nakatago. Dati na siya nagtatago ng baseball incase for emergency,katulad na lang ngayon. Madilim pa sa labas,sigurado siya dahil mag-alas kwatro pa lang ng madaling araw.Maingat niya binuksan ang dahon ng pinto at hangga't maaari ay hindi siya makalikha ng ingay. Dahan-dahan siya lumabas ng kwarto niya. Doon sa kusina nanggaling ang ingay. Hindi niya rin gaano nakikita ang tao naroon dahil sa dem light ang binuksan nito. Believe rin siya sa magnanakaw na ‘to,talagang nagbukas pa ng ilaw.Maingat at dahan-dahan ang bawat hakbang ng kanyang mga paa patungo ng kusina. Nakikita niya ang likod nito. Believe rin siya.Kakaibang magnanakaw ito dahil ang laman ng ref niya ang hinahalungkat nito. Dahil busy ito sa ginagawa,hindi man lang nito naramdaman ang presensya niya.Akmang hambalusin niya na ang magnanakaw ng bigla na lang ito huma
"SWEETHEART, hindi pa rin ba tapos diyan?" Tanong ni Greyson na kakapasok lang nito dito sa kusina.Saglit siya nag-angat ng mukha. "Saglit na lang ito," aniya binalik ang antensyon sa pizza na inaahon niya mula a loob ng oven. "Ilalagay ko na lang ito sa disposable container.""Mommy, let's go," ani Gerson na hila-hila nito ang maliit na bag. Ang bunsong anak nila ni Greyson."Mommy, hurry up," sabi naman ni Gwen Chai na halos hindi na mapinta ng magaling na pintor ang hitsura ng panganay nila.Kung si Greyson ay mahilig tumambay sa kusina. Itong dalawang anak nila ay kabaliktaran."Opo, bilisan ko na,"aniya na sinimulan ng ilipat ang pizza sa lalagyan. "Wait n'yo na lang ako roon sa car.""Okay, boys lets go, hintayin na lang natin si Mommy sa car," yakag ni Greyson sa mga anak nila. Palabas ng kusina."Mommy, can I have some pizza, please." ungot ni Gerson."Sure baby pero mamaya na kasi mainit pa. So go with daddy, okay.""Thank you, mommy," tuwang-tuwa sabi ni Gerson. Sumama na
JARO CATHEDRAL-iba’t ibang uri ng mga nagagandahang mga bulaklak ang nagiging silbing palamuti sa loob ng simbahan. Pumapainlag naman sa ere ang malamyos na awiting beautiful in white ng westlife. Nakapaskil ang malalapad na ngiti sa mga labi ng bawat isa habang pinagmamasdan ang pinakamagandang bride na naglalakad sa aisle.Allison stunning and beautiful wearing her wedding gown while she's walked down in the aisle. Habang naghihintay naman si Greyson, malapit roon sa altar. Napakguwapo ng lalaki sa suot nitong tuxedo. Hindi lang basta naglalakad si Allison. She looked like gliding towards him. Mukha itong anghel na parang lumulutang na paunti-unti papalapit sa kanya. At hindi kaya ni Greyson na bigyan ng pangalan ang eksaktong naramdaman niya nang mga sandaling iyon. Masaya? Masayang-masaya? Halos maluha-luha sa sobrang kasiyahan? Lahat ng iyon ay naramdaman niya pero kulang pa rin ang mga salitang iyon para sa eksaktong maipaliwanag ang pakiramdam niya. But, yes,
ANG SUMUNOD na pinuntahan nila Greyson at Allison ang Boutique ni Catherine Humpay, ang kanilang wedding coordinator. Magiliw silang inatupag ng secretary ng babae dahil sa may naunang kleyente si Catherine na kasalukuyan nasa loob ng opisina ng huli. Sumilip sandali si Catherine para batiin lang sila ni Greyson. Ilang sandali lang din ang lumipas ay nasa loob na rin ng opisina ni Catherine si Allison. Sila muna ang mauunang mag-uusap. Ayon kasi kay Greyson ay girls talk daw muna kaya minabuti ng lalaki na magpaiwan muna roon sa waiting area nitong boutique ni Catherine. “Have a seat, please.” Nakangiting sabi ni Catherine na tumayo pa ito mula sa silya na inuupuan nito. Minuwestra nito ang bakanting silya nasa kabilang bahagi ng lamesa nito.“Thank you, Cath,” aniya nginitian niya rin ang babaeng kaharap. Naupo si Allison sa visitor's chairs na malapit lang din sa lamesa nito. “Blooming na blooming, ah. Preggy suit's you, You more prettier Allison,” nakangiting pagpupur
ABOT TANAW ni Greyson si Allison nasa bukana ng mataas at malaking gate na gawa sa bakal. Gamit ang hawak niyang telescope mula sa puwesto niya nasa ibabaw ng tree house. Mula sa ibaba ay hindi iyon agad mapapansin dahil napagitnaan iyon ng dalawang malalaking puno at mataas ang bahaging iyon.Nahihirapan at nalulungkot man siya sa ginagawa niyang hide in seek ngunit iyon lang ang tanging paraan upang makita’t masubaybayan niya si Allison. Matiyak niyang nasa mabuting kalagayan ang kanyang mag-ina.Kapag ginawa niyang magpakita ng lantaran kay Allison, natatakot siya na tuluyan na itong lumayo mula sa kanya. Ngunit hanggang kailan siya magtitiis? Hanggang kailan niya kakayanin ang ganitong sitwasyon? Arggg… Napasabunot siya sa sariling buhok. Masisiraan na yata siya ng tamang pag-iisip kapag tumagal pa ang ganitong sitwasyon nila ni Allison.Kapag nakapasok na si Allison sa loob ng compound ay siguraduhin niyang hindi na ito makalabas dito. Kung kinakailangan niyang ikulong it
BUMABA si Allison mula sa jeep. Sa di kalayuan ay nakikita niya ang babaeng matangkad, blonde ang buhok at mukhang mestiza at nakasuot ito ng Doctors coat. Kung titingnan niya ang babae ay hindi taga rito sa barrio. Maaaring dayuhan din ito at napunta lang dito para sa mga taong kailangan ng health care.Tumingin ang babae rito sa kinaroroonan niya. Nakikita niya na naglalakad si Krisel papunta dito na may nakapaskil na ngiti sa mga labi nito."Hi, you must Allison,right?”Tanong nito ng tuluyan ng nakalapit.Nginitian ni Allison ang babaeng kaharap. “Allison Saurez.”“Doctor Krisel,”anito na nakipag biso-biso pa sa kay Allison.”Doon tayo sa loob ng center. Medyo mainit na kasi ang sikat ng araw rito.”Yakag ni Krisel na nagpatiunang na itong lumakad papunta roon sa loob ng health center.Sumunod naman si Allison kay Doc Krisel. Naupo ito sa silya na nasa likod ng lamesa. Iginala ni Allison ang kanyang paningin sa loob ng health center. Halos kumpleto ng medical equipment ang loob ng
KASALUKUYANG nasa rooftop si Greyson, naghihintay sa pagbaba ni Doctor Krisel mula sa sinakyan nitong chopper mula Maynila.Nakikita niya na bumaba ang matangkad at maputing babae, kasunod nito ang Kuya Markus niya at ang kaibigan niyang piloto.HInintay niya na lamang na makalapit ang mga ito. Malayo pa lang ay nakikita niya na ang malapad na ngiti sa mga labi ni Krisel."Kuya Greyson,"nakangiti sabi ni Krisel atsaka yumakap ito sa kanya."Hey,young lady,"aniya na gumanti rin ng yakap sa dalaga.Parang nakakabatang kapatid lang ang turing niya kay Krisel. Palibhasa wala siyang kapatid na babae at pawang lalaki silang magkakapatid.Anak ng pinsan ng Daddy niya si Krisel at mas matanda siya ng limang taon sa dalaga. Nakapagtapos ito ng medicina at pumasa na rin sa doctorate nito.Malaman niya na buntis si Allison ay si Krisel agad ang pumasok sa kanyang isip na papuntahin na lamang dito sa probinsya ng Iloilo. Tumikhim si Markus na nakaagaw sa pansin ni Greyson."Kuya bat nandito k
MATAPOS kumain ng almusal si Allison ay agad niligpit ni Manang Linda ang mga pinagkanan at hinugasan na rin ang mga plato.Si Allison naman ay nasa tabi ng bintana dito sa sala at nakadungaw roon sa labas nitong bintana. Tama lang ang desisyon niya dito muna magtago ng pasamantala. Para sa ganoon ay makapag-isip siya. Masyadong magulo pa rin ang kanyang isip at hindi pa siya makagawa ng disisyon.Tahimik ang lugar at nasa liblib ng bahagi ng bayan ng Leon ang Bucari na tinagurian the little bagyo. Kung meron man mga taong napupunta rito ay talagang sinasadya na pumunta rito para mamasyal at makapalibang. Hindi katulad niya nandito na siya ra magtago at takasan ang mga problema niya.Napabontong-hininga na lamang ng malalim si Allison ng maisip niya ang kalagayan niya kung bakit nandito siya ngayon sa probinsiya ng Iloilo at sa pinaka liblib na lugar. Alam niya sa kanyang sarili na hindi niya maitatago ng habang panahon ang kalagayan niya ngayon lalo't buntis siya.Bigla na naman
ALAS-TRES ng madaling araw. Maingat ang bawat kilos ni Greyson na huwag makalikha ng ingay. Pumasok siya sa loob ng kwarto ni Allison. Siguro siya na kapag ganitong oras ay mahimbing natutulog ang dalaga. Animo'y katulad siya sa magnanakaw na sa tuwing madaling araw ay umalis siya ng bahay niya para lang puntahan si Allison at makita niya ng malapitan.Nagkaroon lang siya ng pagkakataon na lapitan si Allison kapag nakatulog na ito. Nadatnan niya na mahimbing natutulog si Allison. Lumapit siya sa gilid ng kama na hinihigaan ng dalaga. Inayos ang kumot sa katawan ni Allison. Electricfan lang ang gamit nito dahil sa malamig naman ang panahon lalo na sa gabi. Nasa liblib na lugar at bundok na kasi ang bucari na tinagurian the little bagyo. Pagkatapos niya ayusin ang kumot ni Allison. Nakuntento na lamang si Greyson a pagmasdan ang babaeng sinisigaw ng kanyang puso. Napabuntong-hininga na lamang si Greyson habang pinagmamasdan si Allison na walang kamalay-malay na nandito s
NINOY INTERNATIONAL AIRPORT- TERMINAL ONE kakalapag lamang ng eroplanong sinasakyan nila Greyson at Allison mula roon sa Palawan.Palinga-linga si Allison sa paligid, habang hinihintay ang maleta niyang naka-check in sa eroplano. Mayamaya ay kinalabit niya si Greyson.Nginitian niya ang binata. “Punta lang akong toilet,” naglalambing pang sabi niya.“Sige, dito lang ako habang naghihintay ng maleta. Dito na rin kita hihintayin,” nakangiti rin sagot ng binata, bahagya pa siyang hinawakan sa beywang.Tinanggal niya ang kamay ni Greyson sa beywang niya. “Aalis na ako,” aniya saka hinakbang na ang kanyang mga paa.Nang nasa di kalayuan na si Allison ay huminto siya sa paglalakad. Muli niyang tiningnan si Greyson doon sa baggage claim area. Nang nakakatiyak siyang hindi ito nakatingin sa kinaroroonan niya ay mabilis niyang tinahak ang daan palabas ng airport at tumalilis ng alis.Nasa labas ng airport si Allison ay agad siyang pumara ng taxi at sumakay. Nagpahatid siya sa driver ng