NADATNAN niya na kausap ni Greyson ang secretary nito.“Rose,ready na ba ‘yung presentation para sa meeting mamaya?” narinig niya na tanong ni Greyson sa secretary nito.Tumingin sa gawi niya si Rose. Tumango siya at suminyas dito na huwag na lang siya pansinin nito.“Yes,sir naka ready na,”sagot ni Rose.“Puwede ko ba makita? Gusto ko lang check to make it sure na tama yung presentation natin mamaya.”“Sure,Sir Greyson,” ani Rose.Nanatiling nakatayo lang si Allison at nakikinig sa usapan ng mga ito.“Hey,Alli,”nakangiti sabi ni Dion na bagong dating lang ito at may bitbit na paper bag. “Mabuti na lang nandito ka rin pala.”“I'm working here,” nakangiti rin sabi ni Allison.“Sabi nga ng napag tanungan ko na dito ka rin nagtatrabaho.”“May kailangan ka kay Greyson,medyo busy pa siya eh.”“Nope,ikaw talaga ang sadya ko Allison,”nakangiti pa rin turan ni Dion.Malapad ang ngiti nakapaskil sa mga labi ni Allison. “Ako?” sabay turo niya sa sarili. “Mahilig ka raw sa sweets kaya gusto ko
SINANDAL niya ang likod sa backrest ng swivel chair na inupuan niya. Nakatititig sa kay Rayna na komportable sa inuupuan nito.“Why are you telling me this,Rayna? Aniya sa mahinahon na boses. Tnititigan niya ng mabuti ang babaeng kaharap.Ngumisi si Rayna. “Its because I care for you at ayoko na lolokohin ka lang ni Allison at gagamitin para makuha ang mana niya.Believe me,Grey kaya lang nakipaglapit si Allison sayo dahil…”Hidi nito nasabi ang ibang sasabihin ng magsalita siya. “Stop it Rayna,”Mahina ngunit mariin niyang sabi.“Bakit ba ayaw mo maniwala sa sinasabi ko? Kaya lang nakipaglapit si Allison sayo dahil gusto ka lang niya gamitin para makuha niya ang mamanahin niya. Kaya pumayag siya na magpakasal sayo,” giit pa rin sabi ni Rayna.Napabuntong-hininga siya ng malalim. Bahagya hinilot ang sintido niya. Talagang sumasakit na ang ulo niya sa mga pinagsasabi ni Rayna. Tumayo si Rayna mula sa visitor's chairs na inuupuan nito. “Pag-isipan mo ng mabuti ang mga sinasabi ko bago p
Pasipol-sipol si Greyson na naglalakad sa corridor papuntaa unit ng Kuya Cyril Edmund niya. Napahinto siya sa paghakbang ng kanyang mga paa ng nasa tapat na siya ng unit ni Allison. Bukas pa ang ilaw sa loob ng unit nito. Ilang minuto na siya nakatayo ng labas ng pinto. Naghihimagsik ang kalooban niya kung papasok siya sa loob ng unit ni Allison. Malaya siya makapasok dahil sa alam niya naman ang pincode ng security lock ng pinto.akmang kakatok na lang siya sa pinto ng bigla na lang ‘yun bumukas.“Greyson?” ani Allison tila nagulat pa ito ng makita siya. “Anong ginagawa mo dito? gabi na atsaka saan ka ba nanggaling.Wala sa office mo kanina.” Sunod-sunod nitong tanong na lumapit pa sa kanya.“May meeting ako kanina kaya hindi na ako nakabalik ng office.”“Nakainom ka ba?” nakakunot-noo tanong ni Allison na nakatingala ito sa kanya upang magpantay ang paningin nila. Tinititigan niya ng maigi ang dalaga. Walang nagbago dito o sadyang magaling lang ito umarti. Kung hindi niya lang na
MAY malapad na ngiti nakapaskil sa mga labi ni Allison ng lapitan niya ang secretary ni Greyson na busy ito sa harap ng computer laptop nito. Tumikhim siya ng mahina para sa gan’on ay makuha niya ang pansin nito.“Rose,dumating na ba ang boss mo?” nakangiti na tanong niya.Nag-angat naman ng mukha si Rose. Inayos nito ang suot na salamin sa mata nito. “Sorry,Miss Allison,hindi pa rin pumasok si Sir Greyson.” Anito na tabingi ang ngiti sa mga labi nito.“Ilang araw na hindi pumapasok ang boss mo,”kumento niya na nakatingin doon sa pinto ng opisina ni Greyson.“Hindi mo rin ba alam kung nasaan si Sir Greyson? Palagi naman kayo magkasama.”Umiling siya. “Hindi eh,wala rin siya sa bahay ng Kuya Cyril Edmund niya.” “Tawagan mo kaya sa cellphone niya,Miss Allison.” Suhestiyon ni Rose.Bumuntong-hininga siya. “Ilang beses ko na rin sinubukan tawagan sa cellphone ang boss mo pero hindi niya naman sinasagot. Tumatawag ba si Greyson, sa’yo?”Umiling si Rose. “Hindi rin. May LQ ba kayo ni Sir
NAKAALIS na si Allison ay agad sinara ni Markus ang sliding door. Atsaka binalingan si Greyson na nakatayo roon sa bukana ng kwarto niya.Naririnig niya lahat ang pinag-uusapan nila Allison at ng Kuya Markus niya. Gusto niya magpakita sa dalaga para sumbatan ito pero may isang bahagi ng kanyang isip na hindi niya makakaya na makitang nasasaktan si Allison. He hates himself for Allison sa kabila ng ginawa nito sa kanya. He trusts her. Aaminin niya man sa kanyang sarili o hindi pero pati na yata ang puso niya ay naging alipin na rin ni Allison. Kaya nga hindi niya matatanggap ang nalaman niya tungkol sa dahilan kung bakit nakipaglapit sa kanya si Allison.Ilang beses niya na rin ba,pinaalala sa kanyang sarili na niloloko lang siya ni Allison at gustong gamitin para sa gan’on makuha nito ang mamanahin nito sa amang namayapa na. Okay lang naman sa kanya kung magpapakasal sila at tutulungan niya pa si Allison kung sinabi nito ang dahilan nito sa kanya. Pero hindi,nasasaktan siya sa part na
LULAN ng private chopper na pagmamay-ari ng Monte Cristo, si Allison, patungong Palawan. Naroon ang private Villa resort slash Monte Cristo mansion, isa sa mga pagmamay-ari ng isa sa pinakamayamang tao sa bansa, si Don Cyril Falcon Monte Cristo. Wedding anniversary ni Don Cyril Falcon Monte Cristo and Tita Zairah, and she's invited in this big event. Upang makasigurado raw ang matandang Monte Cristo na makakadalo siya ay pinasundo siya nito sa private chopper. Halos isang oras lang ang paglalakbay ng malaking ibon sa himpapawid at lumapag ito sa hilipad sa loob ng lupain mismo nasasakupan ng mga Monte Cristo. Bahagyang nakaramdam ng pagkahilo si Allison nang makababa mula sa chopper na nagdala sa kanya dito sa Villa Monte Cristo rito sa isla ng Palawan. Sa hindi kalayuan ay natatanaw niya si Tita Zairah. “Welcome at the villa Monte Cristo, hija,” nakangiti sabi nito ng tuluyan na kalapit na siya rito sa Ginang. Kahit may edad na ay wala pa rin kakupas-kupas ang kagandahan
NADATNAN NI GREYSON na lasing na lasing si Allison. “Hey, Babe, you're back!” nakangising sabi ni Allison at paikis-ikis na ito habang naglalakad. Namumula na rin ang magkabilang pisngi ng dalaga. “You're drunk, sweetheart.” Agad naman sinalubong ni Greyson ang dalaga, saka inalalayan ito. “Let me, Hindi ako lasing,” ani Allison sabay pumiglas mula sa pagkakahawak niya rito. “Let’s drink,” kumuha pa ‘to ng wine glass sa waiter ng dumaan ito sa tabi nila na may dala-dalang mga inumin. “Enough sweetheart, your so drunk,” inagaw niya ang wineglass mula rito. “Let's go, ihahatid na kita sa kuwarto mo.” Nagpupumiglas si Allison, mula sa pagkakahawak niya. “Bitawan mo nga ako. Hindi pa tapos ang party…”SAMANTALA malalapad ang ngiti nakapaskil sa mga labi ni Markus Monte Cristo habang palipat-lipat naman ang tingin ni Markus sa kinaroroonan nila Greyson at Allison at sa ama niya na nakatanaw rin doon. Nang hindi na makatiis ay lumapit si Markus sa kanyang ama. Tinapik ni Mark
SHE WAS STILL dazed by the kiss kaya hindi niya namalayan kung paano siya napunta sa magarang dining room ng mansion. Tita Zairah was seated next to Don Cyril Falcon na nakaupo sa kabisera ng mahabang mesa na puno ng pagkain. Katabi niya si Greyson habang katapat naman niya sina Markus at katabi nito ang asawang si Ann,nakangiting-nakangiti sa kanya. Hinahanap ng mga mata niya si Cyril Edmundtanging ito lang ang wala dito sa hapag-kainan. Gusto niya sana itanong kung nasaan si Cyril Edmund ngunit nahihiya naman siya. Hindi siya komportable sa inuupuan niya. Paano ba naman ang lalaking kahalikan niya nang nagdaang gabi ay nasa tabi lang din niya. Kanina pa walang imik si Greyson, ni hindi nga siya nito pinansin kanina pa.“Im glad na pumayag kang mag-stay rito hija, nang ilang araw pa,” nakangiting sabi ni Don Cyril Falcon. “Po?” Pinilit niya ang sariling intindihin ang sinasabi ni Don Cyril Falcon. “pumayag?” Eh, ni wala nga siyang alam tungkol doon. Dahil ngayon na araw na ‘
"SWEETHEART, hindi pa rin ba tapos diyan?" Tanong ni Greyson na kakapasok lang nito dito sa kusina.Saglit siya nag-angat ng mukha. "Saglit na lang ito," aniya binalik ang antensyon sa pizza na inaahon niya mula a loob ng oven. "Ilalagay ko na lang ito sa disposable container.""Mommy, let's go," ani Gerson na hila-hila nito ang maliit na bag. Ang bunsong anak nila ni Greyson."Mommy, hurry up," sabi naman ni Gwen Chai na halos hindi na mapinta ng magaling na pintor ang hitsura ng panganay nila.Kung si Greyson ay mahilig tumambay sa kusina. Itong dalawang anak nila ay kabaliktaran."Opo, bilisan ko na,"aniya na sinimulan ng ilipat ang pizza sa lalagyan. "Wait n'yo na lang ako roon sa car.""Okay, boys lets go, hintayin na lang natin si Mommy sa car," yakag ni Greyson sa mga anak nila. Palabas ng kusina."Mommy, can I have some pizza, please." ungot ni Gerson."Sure baby pero mamaya na kasi mainit pa. So go with daddy, okay.""Thank you, mommy," tuwang-tuwa sabi ni Gerson. Sumama na
JARO CATHEDRAL-iba’t ibang uri ng mga nagagandahang mga bulaklak ang nagiging silbing palamuti sa loob ng simbahan. Pumapainlag naman sa ere ang malamyos na awiting beautiful in white ng westlife. Nakapaskil ang malalapad na ngiti sa mga labi ng bawat isa habang pinagmamasdan ang pinakamagandang bride na naglalakad sa aisle.Allison stunning and beautiful wearing her wedding gown while she's walked down in the aisle. Habang naghihintay naman si Greyson, malapit roon sa altar. Napakguwapo ng lalaki sa suot nitong tuxedo. Hindi lang basta naglalakad si Allison. She looked like gliding towards him. Mukha itong anghel na parang lumulutang na paunti-unti papalapit sa kanya. At hindi kaya ni Greyson na bigyan ng pangalan ang eksaktong naramdaman niya nang mga sandaling iyon. Masaya? Masayang-masaya? Halos maluha-luha sa sobrang kasiyahan? Lahat ng iyon ay naramdaman niya pero kulang pa rin ang mga salitang iyon para sa eksaktong maipaliwanag ang pakiramdam niya. But, yes,
ANG SUMUNOD na pinuntahan nila Greyson at Allison ang Boutique ni Catherine Humpay, ang kanilang wedding coordinator. Magiliw silang inatupag ng secretary ng babae dahil sa may naunang kleyente si Catherine na kasalukuyan nasa loob ng opisina ng huli. Sumilip sandali si Catherine para batiin lang sila ni Greyson. Ilang sandali lang din ang lumipas ay nasa loob na rin ng opisina ni Catherine si Allison. Sila muna ang mauunang mag-uusap. Ayon kasi kay Greyson ay girls talk daw muna kaya minabuti ng lalaki na magpaiwan muna roon sa waiting area nitong boutique ni Catherine. “Have a seat, please.” Nakangiting sabi ni Catherine na tumayo pa ito mula sa silya na inuupuan nito. Minuwestra nito ang bakanting silya nasa kabilang bahagi ng lamesa nito.“Thank you, Cath,” aniya nginitian niya rin ang babaeng kaharap. Naupo si Allison sa visitor's chairs na malapit lang din sa lamesa nito. “Blooming na blooming, ah. Preggy suit's you, You more prettier Allison,” nakangiting pagpupur
ABOT TANAW ni Greyson si Allison nasa bukana ng mataas at malaking gate na gawa sa bakal. Gamit ang hawak niyang telescope mula sa puwesto niya nasa ibabaw ng tree house. Mula sa ibaba ay hindi iyon agad mapapansin dahil napagitnaan iyon ng dalawang malalaking puno at mataas ang bahaging iyon.Nahihirapan at nalulungkot man siya sa ginagawa niyang hide in seek ngunit iyon lang ang tanging paraan upang makita’t masubaybayan niya si Allison. Matiyak niyang nasa mabuting kalagayan ang kanyang mag-ina.Kapag ginawa niyang magpakita ng lantaran kay Allison, natatakot siya na tuluyan na itong lumayo mula sa kanya. Ngunit hanggang kailan siya magtitiis? Hanggang kailan niya kakayanin ang ganitong sitwasyon? Arggg… Napasabunot siya sa sariling buhok. Masisiraan na yata siya ng tamang pag-iisip kapag tumagal pa ang ganitong sitwasyon nila ni Allison.Kapag nakapasok na si Allison sa loob ng compound ay siguraduhin niyang hindi na ito makalabas dito. Kung kinakailangan niyang ikulong it
BUMABA si Allison mula sa jeep. Sa di kalayuan ay nakikita niya ang babaeng matangkad, blonde ang buhok at mukhang mestiza at nakasuot ito ng Doctors coat. Kung titingnan niya ang babae ay hindi taga rito sa barrio. Maaaring dayuhan din ito at napunta lang dito para sa mga taong kailangan ng health care.Tumingin ang babae rito sa kinaroroonan niya. Nakikita niya na naglalakad si Krisel papunta dito na may nakapaskil na ngiti sa mga labi nito."Hi, you must Allison,right?”Tanong nito ng tuluyan ng nakalapit.Nginitian ni Allison ang babaeng kaharap. “Allison Saurez.”“Doctor Krisel,”anito na nakipag biso-biso pa sa kay Allison.”Doon tayo sa loob ng center. Medyo mainit na kasi ang sikat ng araw rito.”Yakag ni Krisel na nagpatiunang na itong lumakad papunta roon sa loob ng health center.Sumunod naman si Allison kay Doc Krisel. Naupo ito sa silya na nasa likod ng lamesa. Iginala ni Allison ang kanyang paningin sa loob ng health center. Halos kumpleto ng medical equipment ang loob ng
KASALUKUYANG nasa rooftop si Greyson, naghihintay sa pagbaba ni Doctor Krisel mula sa sinakyan nitong chopper mula Maynila.Nakikita niya na bumaba ang matangkad at maputing babae, kasunod nito ang Kuya Markus niya at ang kaibigan niyang piloto.HInintay niya na lamang na makalapit ang mga ito. Malayo pa lang ay nakikita niya na ang malapad na ngiti sa mga labi ni Krisel."Kuya Greyson,"nakangiti sabi ni Krisel atsaka yumakap ito sa kanya."Hey,young lady,"aniya na gumanti rin ng yakap sa dalaga.Parang nakakabatang kapatid lang ang turing niya kay Krisel. Palibhasa wala siyang kapatid na babae at pawang lalaki silang magkakapatid.Anak ng pinsan ng Daddy niya si Krisel at mas matanda siya ng limang taon sa dalaga. Nakapagtapos ito ng medicina at pumasa na rin sa doctorate nito.Malaman niya na buntis si Allison ay si Krisel agad ang pumasok sa kanyang isip na papuntahin na lamang dito sa probinsya ng Iloilo. Tumikhim si Markus na nakaagaw sa pansin ni Greyson."Kuya bat nandito k
MATAPOS kumain ng almusal si Allison ay agad niligpit ni Manang Linda ang mga pinagkanan at hinugasan na rin ang mga plato.Si Allison naman ay nasa tabi ng bintana dito sa sala at nakadungaw roon sa labas nitong bintana. Tama lang ang desisyon niya dito muna magtago ng pasamantala. Para sa ganoon ay makapag-isip siya. Masyadong magulo pa rin ang kanyang isip at hindi pa siya makagawa ng disisyon.Tahimik ang lugar at nasa liblib ng bahagi ng bayan ng Leon ang Bucari na tinagurian the little bagyo. Kung meron man mga taong napupunta rito ay talagang sinasadya na pumunta rito para mamasyal at makapalibang. Hindi katulad niya nandito na siya ra magtago at takasan ang mga problema niya.Napabontong-hininga na lamang ng malalim si Allison ng maisip niya ang kalagayan niya kung bakit nandito siya ngayon sa probinsiya ng Iloilo at sa pinaka liblib na lugar. Alam niya sa kanyang sarili na hindi niya maitatago ng habang panahon ang kalagayan niya ngayon lalo't buntis siya.Bigla na naman
ALAS-TRES ng madaling araw. Maingat ang bawat kilos ni Greyson na huwag makalikha ng ingay. Pumasok siya sa loob ng kwarto ni Allison. Siguro siya na kapag ganitong oras ay mahimbing natutulog ang dalaga. Animo'y katulad siya sa magnanakaw na sa tuwing madaling araw ay umalis siya ng bahay niya para lang puntahan si Allison at makita niya ng malapitan.Nagkaroon lang siya ng pagkakataon na lapitan si Allison kapag nakatulog na ito. Nadatnan niya na mahimbing natutulog si Allison. Lumapit siya sa gilid ng kama na hinihigaan ng dalaga. Inayos ang kumot sa katawan ni Allison. Electricfan lang ang gamit nito dahil sa malamig naman ang panahon lalo na sa gabi. Nasa liblib na lugar at bundok na kasi ang bucari na tinagurian the little bagyo. Pagkatapos niya ayusin ang kumot ni Allison. Nakuntento na lamang si Greyson a pagmasdan ang babaeng sinisigaw ng kanyang puso. Napabuntong-hininga na lamang si Greyson habang pinagmamasdan si Allison na walang kamalay-malay na nandito s
NINOY INTERNATIONAL AIRPORT- TERMINAL ONE kakalapag lamang ng eroplanong sinasakyan nila Greyson at Allison mula roon sa Palawan.Palinga-linga si Allison sa paligid, habang hinihintay ang maleta niyang naka-check in sa eroplano. Mayamaya ay kinalabit niya si Greyson.Nginitian niya ang binata. “Punta lang akong toilet,” naglalambing pang sabi niya.“Sige, dito lang ako habang naghihintay ng maleta. Dito na rin kita hihintayin,” nakangiti rin sagot ng binata, bahagya pa siyang hinawakan sa beywang.Tinanggal niya ang kamay ni Greyson sa beywang niya. “Aalis na ako,” aniya saka hinakbang na ang kanyang mga paa.Nang nasa di kalayuan na si Allison ay huminto siya sa paglalakad. Muli niyang tiningnan si Greyson doon sa baggage claim area. Nang nakakatiyak siyang hindi ito nakatingin sa kinaroroonan niya ay mabilis niyang tinahak ang daan palabas ng airport at tumalilis ng alis.Nasa labas ng airport si Allison ay agad siyang pumara ng taxi at sumakay. Nagpahatid siya sa driver ng