LAGLAG ang mga balikat ni Greyson ng nadatnan niya ang mga tauhan ng taga bangko na isa-isang kinukuha ang mga gamit niya pati sofa ay hindi pinalampas ang mga ito. Ang tanging natitira na lamang sa kanya ang kotse na minamaneho niya. Hinakbang ni Greyson ang kanyang mga paa upang lisanin na lamang ang lugar. Ano pa ang gagawin niya rito? Ngunit nakailang hakbang pa lang siya ay narinig niya na tinatawag ang pangalan niya. "Excuse me,Sir Greyson," tawag nito sa pangalan niya na nagpahinto sa paghakbang ng kanyang mga paa. Pumihit siya paharap dito."Yes? " tanong ni Greyson. "Bago ka umalis ibigay mo na sa 'kin 'yung susi ng kotse mo.""Kotse? You mean 'yung limousine car ko?" Aniya nakakunot-noo sabay turo sa sasakyan na naka park sa hindi kalayuan. Alanganin itong ngumiti. "Yes, Sir." Sagot nito. Nagtatagis ang mga bagang ni Greyson habang nakakuyom naman ang mga kamao niya. Hindi naman iyon lingid sa kaalaman ng kaharap niyang tauhan ng taga bangko. "Sir, mas mabuti po
NAKASUNOD ang tingin ni Allison sa likod ng lalaking naglalakad paalis. Hindi niya maitatanggi sa sarili na gwapo ang lalaking iyon kaso nga lang masyadong antipatiko.Kinapa niya ang sariling dibdib. Normal na ang pagtibok ng kanyang puso. Hindi katulad kanina na nagri rigodon sa lakas ng pagtibok niyon ng kasama niya pa ang lalaki. Hindi niya rin maintindihan ang nararamdaman niya,sa kauna-unahang pagkakataon ay nakaramdam siya ng kakaiba sa puso niya na hindi niya kayang ipaliwanag.Napamulagat siya ng maramdaman niya nag vibrate ang cellphone niya na nakalagay sa loob ng kanyang bag. Kinuha niya ang aparato at tiningnan kung sino ang tumatawag.Pangalan ni Tita Myra ang naka registered sa caller ID."Tita,"bungad niya ng sagutin ang tawag nito."Allison,where are you?"tanong ni Tita Myra."Kanina pa kita hinihintay."Lihim siya napangiwi. Iniwan niya si Tita Myra sa boutique kanina ng magpaalam siya na pupunta roon sa public toilet ng nakaramdam siya ng tawag ng kalikasan. At dahil s
KAAGAD umibis mula sa loob ng sasakyan si Allison ng nakarating na sila rito sa mansion ng mga Suarez.Bitbit ang mga paper bag na ang laman ay mga damit na pinamili ni Tita Myra para sa kanya."Allison."Napahinto si Allison sa paghakbang ng kanyang mga paa ng marinig niya ang pagtawag ni Tita Myra sa pangalan niya.Pumihit siya paharap dito."Yes,Tita.""This is for you,"ani Tita Myra may inabot sa kanya ang susi ng sasakyan."Para po sa akin?" Nakakunot-noo tanong niya na nakatingin sa car key."Yeah,it's for you.Kailangan mo ng sasakyan kapag nagtatrabaho ka na.""Pwede naman ako mag-commute, Tita.""Mahirap ang mag-commute,Allison.Atsaka talaga para ito sa'yo.""Pero Tita…""No buts…Just take it,okay."Nakangiti sabi ni Tita Myra."That car is yours," sabay turo nito sa kulay puti na BMW."Thank you,Tita.""Your welcome,hija.Marunong ka naman mag-drive ng sasakyan di ba?""Yes po.""That's great. Kunin mo na itong susi at anytime magpasama ka kay Mang Dan para mai-guide ka niya."M
BAGO pumasok dito sa loob ng mansion si Cyril Edmund ay nakita nito si Greyson sa labas ng gate na naka park ang kotse na hiniram nito sa kanya.Niyaya rin nito si Greyson na pumasok sa loob ng mansion ngunit masyadong nagmamatigas si Greyson."Talagang sinusubukan ng lalaking iyon ang pasensya at kakayahan ko."Mahina ngunit mariin sabi ni Don Cyril Falcon."Dad,relax."Sabi ni Markus."Dad,pabayaan mo na lang kaya si Greyson.Mas lalong nagrerebelde lang yon kapag pinilit mo pa,"mahina na tinapik ni Cyril Edmund ang balikat ng matandang Don."I'm the father…"Hindi ni Don Cyril nasabi ang ibang sasabihin nito ng muling nagsalita si Cyril Edmund."Yeah,you're our father but you manipulate Grey's life.""Gusto mo bang madamay Cyril Edmund?" May pagbabanta sabi ni Don Cyril Falcon."Ofcourse not. I have a luxurious life," nakangisi wika ni Cyril Edmund."At ayoko naman maranasan ang nararanasan ni Grey.""Everyone,the table is ready. Kumain na tayo,"ani Tita Zairah ng nakabalik na dito sa sal
KINABUKASAN mabigat ang pakiramdam ni Greyson at masakit din ang kanyang ulo.He hates hangover pero ano ang magagawa niya.Nakailang can beer din ang naubos niya at ang dalang whiskey ni Cyril Edmund ay hindi rin pinalampas. Naubos din nilang dalawa inumin iyon.Madaling araw na rin umuwi ang Kuya Cyril Edmund niya.Talagang hindi maganda ang pakiramdam niya at wala rin siyang balak pumasok ng opisina. Nanatili siya sa kanyang kama na nakadapa habang ang mukha ay nakasubsob sa unan at tanging ang suot niya boxer shorts."Damn! this hangover."mahina na mura niya sa sarili.Nag Vibrate at nag beep ang cellphone niya na nakalapag sa ibabaw ng bedside table. Nag-angat ng mukha si Greyson atsaka kinuha ang cellphone niya para tingnan ang messages.Galing sa secretary niya ang messages. Sir nasaan ka ang Daddy mo nandito sa office. Ayon dito sa mensahe pinadala ni Rose.Hindi niya pinapansin ang messages galing kay Rose. Hindi rin siya nagreply. Binalik niya ang mukha sa pagkakasubsob sa
"DAMN!That woman!"pagmumura niya habang nakasunod ang tingin niya sa babae na mabilis ang bawat paghakbang ng mga paa nito.Sa tuwing nagtatagpo ang mga landas nila ng babaeng iyon,pawang kamalasan lang ang hatid nito sa kanya. Sa pag-aakala niya na suicidal ang babae ay nag feeling hero siya at pinigilan niya sa maaring gawin nito sa sarili.Ang malas ay pinag diskitahan ng babaeng iyon ang mga egg balls niya. On the other side.His admitting na may kasalanan din naman siya. Dahil sa inis niya ay pinagtripan niya ang babae.His joking around na hahalikan ito.Ngunit hindi niya maitatanggi sa kanyang sarili na maganda ang babaeng iyon,natural ang mapupulang labi nito na walang bahid ng lipstick.Tila ba inaanyayahan siyang tikman ang mga mapupulang labi nito.She's have an angelic face,matangos ang ilong at mahabang mga pilikmata na animo'y katulad sa manika.Nawala na sa paningin ni Greyson ang babae na pumasok na ito sa loob ng elevator. Sinubukan niya na rin tumayo ng tuwid at pinakir
"NATHALIE,will you shut up,"naiinis na sabi ni Allison,atsaka ipinukol niya ng masamang tingin ang kaibigan niya na namumula na ang pisngi nito sa kakatawa.Sinabi niya kasi sa kay Nathalie ang tungkol sa encounters nila ni Greyson.Wala siya tinago sa kaibigan para sa ganun ay mailabas niya ang inis niya para sa lalaking iyon. Itong kaibigan naman niya ay pinagtatawanan pa siya parang gusto niya pagsisihan na sinabi niya pa kay Nathalie."I'm sorry,girl. I can't help it,"natatawa pa rin sabi ni Nathalie.Kunwari sumimangot siya."Pinagtitinginan na tayo ng mga tao,Nath." Aniya sa mahinang boses."Don't mind them,"nakangisi pa rin turan ni Nathalie."Wala naman silang pakialam sa 'tin.""Nakakainis ka.""Sino ba ang hindi matatawa? Seriously napagkamalan ka niyang suicidal.At muntik ka rin niya halikan. and the worst things you kicked his egg balls."Tumirik ang mga mata ni Allison."He deserved it.""You know this guy? I mean what is his name?" maintriga na tanong ni Nathalie.Umikot a
"SAAN ka galing? Kanina pa kita hinahanap?" Tanong ni Nathalie ng makita siya nito na nakapila sa counter para magbayad sa libro na bibilhin niya."Hinanap ko kasi itong libro,"aniya sabay taas sa libro na hawak niya."Nath,do you remember the man I told you about earlier?""Yeah,and why?"Sumimangot si Allison."He's here and he knows my name."May mapanukso ngiti na sumilay sa mga labi ni Nathalie."May be sinusundan ka niya."Kusang tumaas ang isang kilay ni Allison. "Dapat na ba ako matakot at mag-iingat sa lalaking iyon?""Depende,or maybe he likes you kaya naging staker siya." Palinga-linga si Nathalie sa paligid. "So nandito talaga siya?"Lumingon si Allison doon sa bookshelf kung saan niya tinalikuran kanina ang lalaki. Ngunit wala na ang lalaki roon."May be nakaalis na siya."Matapos ni Allison bayaran ang libro sa counter ay agad din sila lumabas mula sa book store. Sumunod na lamang siya sa kaibigan ng hilahin siya ni Nathalie papuntang salon. Mas excited pa yata sa kanya pa
"SWEETHEART, hindi pa rin ba tapos diyan?" Tanong ni Greyson na kakapasok lang nito dito sa kusina.Saglit siya nag-angat ng mukha. "Saglit na lang ito," aniya binalik ang antensyon sa pizza na inaahon niya mula a loob ng oven. "Ilalagay ko na lang ito sa disposable container.""Mommy, let's go," ani Gerson na hila-hila nito ang maliit na bag. Ang bunsong anak nila ni Greyson."Mommy, hurry up," sabi naman ni Gwen Chai na halos hindi na mapinta ng magaling na pintor ang hitsura ng panganay nila.Kung si Greyson ay mahilig tumambay sa kusina. Itong dalawang anak nila ay kabaliktaran."Opo, bilisan ko na,"aniya na sinimulan ng ilipat ang pizza sa lalagyan. "Wait n'yo na lang ako roon sa car.""Okay, boys lets go, hintayin na lang natin si Mommy sa car," yakag ni Greyson sa mga anak nila. Palabas ng kusina."Mommy, can I have some pizza, please." ungot ni Gerson."Sure baby pero mamaya na kasi mainit pa. So go with daddy, okay.""Thank you, mommy," tuwang-tuwa sabi ni Gerson. Sumama na
JARO CATHEDRAL-iba’t ibang uri ng mga nagagandahang mga bulaklak ang nagiging silbing palamuti sa loob ng simbahan. Pumapainlag naman sa ere ang malamyos na awiting beautiful in white ng westlife. Nakapaskil ang malalapad na ngiti sa mga labi ng bawat isa habang pinagmamasdan ang pinakamagandang bride na naglalakad sa aisle.Allison stunning and beautiful wearing her wedding gown while she's walked down in the aisle. Habang naghihintay naman si Greyson, malapit roon sa altar. Napakguwapo ng lalaki sa suot nitong tuxedo. Hindi lang basta naglalakad si Allison. She looked like gliding towards him. Mukha itong anghel na parang lumulutang na paunti-unti papalapit sa kanya. At hindi kaya ni Greyson na bigyan ng pangalan ang eksaktong naramdaman niya nang mga sandaling iyon. Masaya? Masayang-masaya? Halos maluha-luha sa sobrang kasiyahan? Lahat ng iyon ay naramdaman niya pero kulang pa rin ang mga salitang iyon para sa eksaktong maipaliwanag ang pakiramdam niya. But, yes,
ANG SUMUNOD na pinuntahan nila Greyson at Allison ang Boutique ni Catherine Humpay, ang kanilang wedding coordinator. Magiliw silang inatupag ng secretary ng babae dahil sa may naunang kleyente si Catherine na kasalukuyan nasa loob ng opisina ng huli. Sumilip sandali si Catherine para batiin lang sila ni Greyson. Ilang sandali lang din ang lumipas ay nasa loob na rin ng opisina ni Catherine si Allison. Sila muna ang mauunang mag-uusap. Ayon kasi kay Greyson ay girls talk daw muna kaya minabuti ng lalaki na magpaiwan muna roon sa waiting area nitong boutique ni Catherine. “Have a seat, please.” Nakangiting sabi ni Catherine na tumayo pa ito mula sa silya na inuupuan nito. Minuwestra nito ang bakanting silya nasa kabilang bahagi ng lamesa nito.“Thank you, Cath,” aniya nginitian niya rin ang babaeng kaharap. Naupo si Allison sa visitor's chairs na malapit lang din sa lamesa nito. “Blooming na blooming, ah. Preggy suit's you, You more prettier Allison,” nakangiting pagpupur
ABOT TANAW ni Greyson si Allison nasa bukana ng mataas at malaking gate na gawa sa bakal. Gamit ang hawak niyang telescope mula sa puwesto niya nasa ibabaw ng tree house. Mula sa ibaba ay hindi iyon agad mapapansin dahil napagitnaan iyon ng dalawang malalaking puno at mataas ang bahaging iyon.Nahihirapan at nalulungkot man siya sa ginagawa niyang hide in seek ngunit iyon lang ang tanging paraan upang makita’t masubaybayan niya si Allison. Matiyak niyang nasa mabuting kalagayan ang kanyang mag-ina.Kapag ginawa niyang magpakita ng lantaran kay Allison, natatakot siya na tuluyan na itong lumayo mula sa kanya. Ngunit hanggang kailan siya magtitiis? Hanggang kailan niya kakayanin ang ganitong sitwasyon? Arggg… Napasabunot siya sa sariling buhok. Masisiraan na yata siya ng tamang pag-iisip kapag tumagal pa ang ganitong sitwasyon nila ni Allison.Kapag nakapasok na si Allison sa loob ng compound ay siguraduhin niyang hindi na ito makalabas dito. Kung kinakailangan niyang ikulong it
BUMABA si Allison mula sa jeep. Sa di kalayuan ay nakikita niya ang babaeng matangkad, blonde ang buhok at mukhang mestiza at nakasuot ito ng Doctors coat. Kung titingnan niya ang babae ay hindi taga rito sa barrio. Maaaring dayuhan din ito at napunta lang dito para sa mga taong kailangan ng health care.Tumingin ang babae rito sa kinaroroonan niya. Nakikita niya na naglalakad si Krisel papunta dito na may nakapaskil na ngiti sa mga labi nito."Hi, you must Allison,right?”Tanong nito ng tuluyan ng nakalapit.Nginitian ni Allison ang babaeng kaharap. “Allison Saurez.”“Doctor Krisel,”anito na nakipag biso-biso pa sa kay Allison.”Doon tayo sa loob ng center. Medyo mainit na kasi ang sikat ng araw rito.”Yakag ni Krisel na nagpatiunang na itong lumakad papunta roon sa loob ng health center.Sumunod naman si Allison kay Doc Krisel. Naupo ito sa silya na nasa likod ng lamesa. Iginala ni Allison ang kanyang paningin sa loob ng health center. Halos kumpleto ng medical equipment ang loob ng
KASALUKUYANG nasa rooftop si Greyson, naghihintay sa pagbaba ni Doctor Krisel mula sa sinakyan nitong chopper mula Maynila.Nakikita niya na bumaba ang matangkad at maputing babae, kasunod nito ang Kuya Markus niya at ang kaibigan niyang piloto.HInintay niya na lamang na makalapit ang mga ito. Malayo pa lang ay nakikita niya na ang malapad na ngiti sa mga labi ni Krisel."Kuya Greyson,"nakangiti sabi ni Krisel atsaka yumakap ito sa kanya."Hey,young lady,"aniya na gumanti rin ng yakap sa dalaga.Parang nakakabatang kapatid lang ang turing niya kay Krisel. Palibhasa wala siyang kapatid na babae at pawang lalaki silang magkakapatid.Anak ng pinsan ng Daddy niya si Krisel at mas matanda siya ng limang taon sa dalaga. Nakapagtapos ito ng medicina at pumasa na rin sa doctorate nito.Malaman niya na buntis si Allison ay si Krisel agad ang pumasok sa kanyang isip na papuntahin na lamang dito sa probinsya ng Iloilo. Tumikhim si Markus na nakaagaw sa pansin ni Greyson."Kuya bat nandito k
MATAPOS kumain ng almusal si Allison ay agad niligpit ni Manang Linda ang mga pinagkanan at hinugasan na rin ang mga plato.Si Allison naman ay nasa tabi ng bintana dito sa sala at nakadungaw roon sa labas nitong bintana. Tama lang ang desisyon niya dito muna magtago ng pasamantala. Para sa ganoon ay makapag-isip siya. Masyadong magulo pa rin ang kanyang isip at hindi pa siya makagawa ng disisyon.Tahimik ang lugar at nasa liblib ng bahagi ng bayan ng Leon ang Bucari na tinagurian the little bagyo. Kung meron man mga taong napupunta rito ay talagang sinasadya na pumunta rito para mamasyal at makapalibang. Hindi katulad niya nandito na siya ra magtago at takasan ang mga problema niya.Napabontong-hininga na lamang ng malalim si Allison ng maisip niya ang kalagayan niya kung bakit nandito siya ngayon sa probinsiya ng Iloilo at sa pinaka liblib na lugar. Alam niya sa kanyang sarili na hindi niya maitatago ng habang panahon ang kalagayan niya ngayon lalo't buntis siya.Bigla na naman
ALAS-TRES ng madaling araw. Maingat ang bawat kilos ni Greyson na huwag makalikha ng ingay. Pumasok siya sa loob ng kwarto ni Allison. Siguro siya na kapag ganitong oras ay mahimbing natutulog ang dalaga. Animo'y katulad siya sa magnanakaw na sa tuwing madaling araw ay umalis siya ng bahay niya para lang puntahan si Allison at makita niya ng malapitan.Nagkaroon lang siya ng pagkakataon na lapitan si Allison kapag nakatulog na ito. Nadatnan niya na mahimbing natutulog si Allison. Lumapit siya sa gilid ng kama na hinihigaan ng dalaga. Inayos ang kumot sa katawan ni Allison. Electricfan lang ang gamit nito dahil sa malamig naman ang panahon lalo na sa gabi. Nasa liblib na lugar at bundok na kasi ang bucari na tinagurian the little bagyo. Pagkatapos niya ayusin ang kumot ni Allison. Nakuntento na lamang si Greyson a pagmasdan ang babaeng sinisigaw ng kanyang puso. Napabuntong-hininga na lamang si Greyson habang pinagmamasdan si Allison na walang kamalay-malay na nandito s
NINOY INTERNATIONAL AIRPORT- TERMINAL ONE kakalapag lamang ng eroplanong sinasakyan nila Greyson at Allison mula roon sa Palawan.Palinga-linga si Allison sa paligid, habang hinihintay ang maleta niyang naka-check in sa eroplano. Mayamaya ay kinalabit niya si Greyson.Nginitian niya ang binata. “Punta lang akong toilet,” naglalambing pang sabi niya.“Sige, dito lang ako habang naghihintay ng maleta. Dito na rin kita hihintayin,” nakangiti rin sagot ng binata, bahagya pa siyang hinawakan sa beywang.Tinanggal niya ang kamay ni Greyson sa beywang niya. “Aalis na ako,” aniya saka hinakbang na ang kanyang mga paa.Nang nasa di kalayuan na si Allison ay huminto siya sa paglalakad. Muli niyang tiningnan si Greyson doon sa baggage claim area. Nang nakakatiyak siyang hindi ito nakatingin sa kinaroroonan niya ay mabilis niyang tinahak ang daan palabas ng airport at tumalilis ng alis.Nasa labas ng airport si Allison ay agad siyang pumara ng taxi at sumakay. Nagpahatid siya sa driver ng