Mabilis akong nakarating ng bahay dahil sa paghatid ni Aia. As usual, Tom welcomed me. He stretched his back at magaang tumalon-talon papunta sa akin. Kinarga ko naman siya at pumasok na ng bahay. Sinalubong ako ni Lolo Vico.
"Aba eh, apo sino ang naghatid sa'yo pauwi?"
Ngumiti ako at nagmano. "Bagong kaibigan ko po Lolo."
Namangha si Lolo sa aking sinabi. Wala akong nababanggit na naging kaibigan simula noong mag-aral ako. Ngayon lang.
"Mabuti naman at nagkakaroon kana ng kaibigan. Akala nga'y mag-aakyat na ng ligaw sa'yo." humalakhak si Lolo.
"Anong ligaw-ligaw iyan ha?" lumabas si Lola sa kusina.
Ngumiwi ako. Lumapit na lang ako at nagmano rin sa kanya.
"Bata ka pa Shea! At alam mo naman na..."
Hindi niya tinapos ang kanyang sasabihin. At the back of my mind, I know it. Hindi ako dapat basta nagpapadalos-dalos ng desisyon. But having a friend is a different story.
"Sela naman, nagbibiro lang ako. At maging masaya na lang tayo merong kaibigan si Shea. Huwag nating ipagkait ang buhay na dapat meron siya," agap ni Lolo.
"Ayos lang po Lo, La. Alam kong nag-aalala lang kayo sa akin. Bagong kaibigan ko si Aia. Ang naghatid sa akin. Iniligtas ko siya kanina sa school."
Ikinuwento ko kay Lola ang nangyari kaya labis-labis naman ang kanyang pag-aalala. Marami siyang inihabilin sa akin at bago pa makatulog sa gabing iyon, marami din ang bumabagabag sa akin.
This is the first time I became involve in one of my dreams. Pag nananaginip ako ng mga masasamang mangyayari lagi akong pinapalalahanan ni Lola na umiwas para daw hindi ako mapahamak. I had several dreams, merong masyadong morbid, kadalasan mga disgrasya. Pero meron namang masasaya. Sa bawat panaginip ko, pinipili kong huwag makialam dahil hindi ako sigurado sa maaring mangyari sa akin. Baka nga mapahamak pa ako.
Minsan, hindi ko rin maiwasang ma guilty. Kaya ko namang pigilan ang puwedeng mangyari kung abot ng makakaya ko ngunit pinipili kong hindi gawin. Pero kanina, hindi ko napigilan ang sarili kong sagipin si Aia. I got a satisfying feeling after I saved her. I felt that somehow, I have a purpose.
I used to deny what I've got. All my life, I became selfish about everything, especially with the gift that I have. The protection that I think was good for me is actually the biggest lie I can tell to myself. Na realize ko na kahit anong takbo ko para pagtaguan ang katotohanan, hahabulin at hahabulin pa rin ako nito. I guess sarili ko lang ang iniisip ko simula nang mamulat ako sa mundo. I always pray for a normal life and yet I am the one who's making it complicated. Lagi akong nagpapadala sa takot, sa pagkaduwag. Why not this time, make it worthwhile and purposeful? We can never really learn if we don't take the risk.
Marami akong na realize mula nang sagipin ko si Aia kaya naman nakatulugan ko ang pag-iisip.
Nagising ako ng alas-singko ng umaga. It's a bit early pero pinili ko nang bumangon. Tom is sleeping soundly beside me. Pagbaba ko ay gising na si Lola at naghahanda na ng pang-almusal. Tumulong muna ako bago nag-ayos. Biglang sumagi sa isip ko ang lalaking nakilala ko sa mga Chrysalis.
Teka, nakilala? Hindi naman siya nakapagbigay ng pangalan and he doesn’t even know me. Natawa ako sa naisip. Dito din kaya siya nag-aaral sa Victorias? Maybe he's in college already.
Paminsan-minsan talaga pumapasok siya sa isip ko. Since we saw each other that day, his face was already etched on my memory.
Tumunog ang bell, hudyat na lunch time na. Mag-isa ako ulit akong kakain sa canteen dahil abala si Maureen sa pagiging class representative namin. Minsan ko siyang nakakasabay kumain pero this time, mukhang busy talaga siya. Lumabas na ako nang classroom nang mamataan si Aia na mukhang may hinihintay. Nang makita niya ako ay kumaway siya at lumapit.
"Hi Shea! Sabay na tayong mag lunch," alok niya.
Nagpalinga-linga muna ako dahil baka may mga kasama siyang kaibigan pero laking gulat ko na nag-iisa lang siya.
"Wala ka bang kasama ngayon?" tanong ko.
"Nope! Ako lang mag-isa. Iniwan ko na ang mga plastic kong friends. Sa'yo na lang ako sasama," napabungisngis siya.
She's taking this lightly. I can hardly make friends while she disregards her so-called "plastic friends". Napakalayo ng personalidad namin ni Aia. She's bubbly and talkative while I'm not. Kaya kapag siya lagi ang kasama tila ba natural at magaan lang ang lahat.
Habang naglalakad papunta sa canteen, hindi nauubusan ng sasabihin si Aia. Tahimik lang din akong nakikinig. Naupo kami sa pinakadulong mesa. Natanaw ko si Maureen at Brian na sabay nagla-lunch. Namataan din ako ni Brian kaya napakaway siya sa gawi namin. Ngumiti naman ako.
Kinuha ko ang aking lunch box. Chicken afritada ang ulam na niluto ni Lola para sa aking lunch. Napatingin si Aia sa pagkain ko. Tila ba ngayon lang siya nakakita ng ganoon.
Kinuha niya rin ang kanyang pagkain. It's a japanese style bento box. Lagi kong nakikita iyon sa tv. Merong egg rolls, fried fish, sticky rice at iba't-ibang gulay.
Idinikit niya ang chopsticks sa kanyang bibig. "Puwedeng pahingi niyan She?"
My brows shot up and look at her. Nag puppy eyes naman siya.
"Hindi pa kasi ako nakakatikim niyan," nahihiya niyang dagdag.
"Try mo, masarap to. Luto ni Lola," sabay lapit ko ng lunch box.
Tinikman niya iyon at namangha. We end up switching our lunch boxes. Natatawa ako dahil siya na mismo ang kumain ng pagkain ko. Masarap naman ang pagkain sa kanyang bento box. First time ko ring kumain ng mga ganoon.
"Alam mo, walang ganito sa bahay. Laging ready to cook yung pagkain just like that bento," sabay turo niya sa kinakain ko.
"Pag nagluluto naman si yaya laging western cuisine kasi mahilig sa European yung stepmom ko."
Mahaba-haba rin ang naging lintaya niya habang kumakain kami. Marami akong nalaman tungkol sa kanya. Magkaiba kami ng section kaya hindi ko siya masyadong napapansin dati. Ngunit magkatabi lang naman ang aming room.
"Ang sarap ng luto ng Lola mo! Bukas switch tayo ulit ng lunch!"
Natawa ulit ako. "Dadalhan kita bukas, sabihan ko si Lola."
Mabilis naman siyang yumakap at inalog-alog ang katawan ko. The way Aia treats me, para bang matagal na kaming magkakilala. Hindi siya naiilang sa isang tulad ko, gaya ng karamihan. She's so natural in her own way.
"Sabay ulit tayong umuwi mamaya! Hatid ka namin ulit."
"Huwag na Aia. Nakakahiya naman," tanggi ko.
Sumimangot naman siya. "Nadadaanan naman namin yung sa inyo kaya sabay tayo ulit mamaya.. Ha?" pamimilit niya pa.
Nang hindi ako sumagot ay napabuntong-hininga siya.
"I know ang feeling close ko. Ni hindi mo nga ako masyadong kilala. Or I dunno, if you're comfortable with me this way. But I know you na before pa. You're the smartest Shea of all time dito sa school. Lagi kang pinag-uusapan ng mga students and teachers but you're aloof. I saw your pretty face sa mga school publication natin and I'm shocked nung sinagip mo ako. Kaya naman na I got the feeling na gusto kitang maging kaibigan not because you save me but because you're genuine and I think ang bait-bait mo din," she pouted.
Hindi ako makasagot sa lahat ng mga sinabi niya. I never expect someone to look at me that way. Base kasi sa gawi ni Aia, she's one of the richest girl here in school. Her friends should be on her level, hindi katulad ko na isang tipikal na estudyante lang. But somehow I feel happy. The recognition and acceptance that came from an elite person like her is too much to bear. She's so kind.
"Aia, hindi naman sa ganoon p-pero marami ka namang puwedeng maging kaibigan, w-why me?"
"Why not you?" balik niya sa akin. "Ah basta! Sama ka later sa'min pag-uwi. And don't you dare dictate me kung sino gusto kong kaibiganin dahil ikaw lang gusto kong maging friend! See you later!"
She's funny kaya wala na rin akong nagawa pa. Bago pa kami sunduin ng driver niya , tinulungan ko muna si Clarisse sa kanyang mga reports sa library. Tumuling din si Aia kaya madali kaming natapos.
We parted ways just like before. Kumaway siya sa bintana ng sasakyan bago paman ako makapasok ng bahay. I glance at their car. I can't help but be excited for the next days that will come along.
Napabalikwas ako ng bangon. Panaginip na naman ulit. Pumikit ako ng mariin para alalahanin ang naging panaginip ko pero hindi na naging malinaw pa ang mga nangyari. Huminga ako ng malalim para kalmahin ang sarili bago bumangon.The usual day and my usual routine. Sabado at walang pasok kaya naman napatingin ako sa oras. Alas-sais pa lang ng umaga. Kadalasan pag walang pasok ay tanghali na akong nagigising. Pero ngayon napaaga dahil sa dumalaw na panaginip.Tahimik ang buong kabahayan ng bumaba ako. May nakita akong papel na nasa mesa. Meron iyong sulat-kamay ni Lola na nagsasaad na pumunta sila ng bukid. Matapos basahin ay lumabas na lamang ako at nagsimulang magdilig ng mga halaman.Kagabi, tadtad ng text ni Aia ang cellphone ko. Nag-aayang mamasyal daw sa bayan. Hindi ko alam ang isasagot dahil siguradong mag-aalala na naman si Lola. Pero hindi niya talaga ako tinigilan kaya naman bago maghanda ay gagawa muna ako ng mga
Napatingin ako sa malaking screen. Kasalukuyan kaming nakatayo sa isang podium nang nakaharap sa aming kalaban. Two teams are left for the final round. Ako at si Maureen ang representative ng aming school at isang lalaki at babae naman sa kabila.Ang makakakuha ng tamang sagot para sa susunod na tanong ay tatanghaling champion for this year's Regional Science Quiz Bee. Napahinga ako ng malalim. Naka-flash sa screen ang aming scores. It's a tie. That's why the last question will be the tie breaker.May sinasabi pang guidelines ang emcee kaya naman napabaling muna ako sa mga nanood. Naroon sa bandang gitna si Aia. Sumama siya para moral support daw. Kumaway siya sa akin at nag thumbs-up sign. Ngumit naman ako.Binalik ko ang aking tingin sa screen. Maya-maya pa ay pinakita na ang huling tanong.How many atoms are in Ca (No3) 2?Mabilis na pinindot ni Maureen ang b
"Maraming salamat ate. Hindi ko kasi napansin yung magnanakaw kanina." "Walang anuman. Mag-ingat ka sa susunod," tapik ko sa balikat ng bata. Tinanaw ko siya habang papaalis. Nitong mga nakaraang araw ay napanaginipan ko ang isang batang ninanakawan ang bag. Kaya naman nang mapadaan ako sa sinasakyan papuntang school, doon rin nangyari ang insedente kaya namataan ko iyon at napigilan. Minsan na lang akong dindadalaw ng aking mga pangitain. Hindi ko din maiwasang tumulong sa mga apektado nito kung sakali. As long as things are in my control, I am willing to help...now. Malaki talaga ang pinagbago ng pananaw ko simula ng makilala ko ang aking mga kaibigan. But I like it this way. Ang sarap sa pakiramdam na makatulong. Medyo na late ako ng dating sa school dahil sa pagsagip sa bata at sa traffic na rin. Mabuti na lang at wala pa ang aming teacher kaya naman napahinga
Sabado ng hapon nang magsabi si Papa na uuwi. Nasabik ako nang tumawag siya kaya naman naisipan namin ni Lola na magluto ng masarap na hapunan."Apo, nagkakaroon ka pa ba ng panaginip?" tanong ni LolaNaghahanda kami ng rekados para sa aming lulutuin. Napansin siguro ni Lola na mas naging abala ako sa school at sa aking mga bagong kaibigan kaya naman hindi na kami nakakapag-usap tungkol sa mga panaginip ko."Meron pa din naman po Lola, pero hindi na madalas."Ngayon ay magluluto kami ng adobo at kaldereta. Hindi ako kumakain ng mga meat, tanging manok lang ang pasok sa panlasa ko kaya naman dalawang putahe ang lulutuin ni Lola.Hinihiwa ko ang sibuyas nang magsalita ulit si Lola."Eh..yung sa panaginip mo tungkol sa aksidente?"Natigilan ako ng ilang sandali. Oo nga. Nakalimutan ko na ang tungkol doon. Hindi na rin naman ulit dumala
My eyes were heavy as they opened. Bumungad sa akin ang puting kisame at ilang boses din ang naririnig ko na nag-uusap. Base sa amoy alcohol na paligid, kung hindi ako nagkakamali ay nasa isang ospital ako.Pinilit kong bumangon at nang maramdaman ang kirot sa aking ulo ay napapikit ako ng mariin."Don't move yet. Magpahinga ka na muna," it was a familiar baritone voice.Oo nga pala. Sinagip ako ng isang lalaki kanina. Wait.. yes, isang lalaki at.. Bigla akong napaangat ng tingin. A pair of forceful stare is directly spewing towards me. Nanlaki ang mga mata ko. Siya nga ang nagligtas sa akin!Seryoso siyang nakatitig sa akin kaya hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Kung puwede lang sana akong lamunin ng lupa. Ginala ko ang aking mga mata sa paligid. Kanina ay may kausap siya pero siguro ay lumabas na dahil siya na lang ang naroon."S-salamat po sa pagligtas sa a-kin. Habang-
Kinabukasan ay nagdesisyon na akong pumasok sa school matapos ang isang araw na pag-absent. Pinilit pa ako ni Lola na magpahinga pa pero tumanggi na ako. Marami na akong na miss na bagong lessons kaya ayaw ko nang madagdagan pa iyon.Pinagkaguluhan naman ako ng aking mga kaklase pagkarating ko ng classroom. Agaw-pansin kasi ang bandage ko sa ulo."Guys! Ano ba? Nakakadagdag kayo sa stress ni Shea. May nangyari lang kahapon, okay? Kaya alis na.. Alis!" pagtataboy sa kanila ni Maureen.I thanked her. Hindi din kasi ako sanay na pinagkakaguluhan. Ang nakakabigla lang ay dati parang wala naman silang pakialam sa akin. Pero ngayon biglang nagkaroon na. Meron talagang nangulit kung ano ang nangyari kaya naman napilitan akong magkuwento. Nasa labas kami ng room dahil sa isang outdoor activity. Tapos na ang grupo namin kaya naman nagkukuwentuhan na lang kami habang inaantay ang ibang grupo na matapos."Talag
Huling araw na ng klase at kinabukasan ay summer vacation na. Sa susunod na taon ay Grade 10 na kami. Napakabilis lang ng panahon. Nag-aayos ako ng aking locker at kinukuha ang mga gamit na nandoon. Gagamitin kasi iyon ng susunod na Grade 9 students. Sa kabilang building na kasi ang magiging classroom namin sa susunod na pasukan.Natagpuan ko din doon ang aking diary. Sinusulatan ko iyon ng mga panaginip ko at kung kelan nangyari ang mga aking nagiging pangitain. Speaking of, simula nang maaksidente ako, wala na rin akong masyadong panaginip. Medyo naibsan na rin ang takot ko dahil wala naman akong mapapala kung patuloy na magpapakaduwag ako.Bukas na din kami magsisimulang mamasukan sa mga Chrysalis. I guess I can enjoy my summer vacation there kahit papano. May mga kanya-kanyang plano na din sila Aia at Maureen kaya hindi rin siguro kami magkikita-kita."Punta kaming Prague eh. Pero ayaw ko sanang sumama," Aia pouted.
Napabuga ako ng hangin. Iilan na lang ang mga manok na hindi pa nahuli. I look at them as they struggle with Ivan's hold. Tila ba hindi gusto ang panandaliang kalayaan nila. Medyo marami-rami ang nakawala kaya naman napahingal ako ng husto. Iilan din ang nahuli ko. Some if them are easy to catch while others are enjoying their run. Nang maubos nang ibalik sa kulungan ang mga nakawalang inahin, I realized na meron ding palang nakapuslit na tandang. He's quite aloof kaya medyo nahirapan akong hulihin siya. Sumuot pa sa bandang kakahuyan kaya hindi ko na nahabol. "Shea, hayaan mo na. Babalik naman 'yun dito. Ako na ang bahala diyan mamaya! " pagkuha ni Ivan ng atensiyon ko. I raised an approve sign on him. "Malapit ko nang mahuli. Asikasuhin mo na lang ang mga manok doon." Nag-aalinlangan pa siyang umalis pero sinenyasan ko siya na okay lang talaga. Nakita kong lumingon muna siya sa akin b
Sumalampak ako sa kama pagkarating. Pagod na pagod ako. Nakailang tawag si Levi sa akin pero hindi ko na muna sinagot at tuluyan nang pinatay ang cellphone ko.I'm drained. Exhausted. Mabigat din ang pakiramdam ko. Nakaraos man ako ngayong araw, hindi pa rin maalis-alis ang agam-agam ko tungkol sa aking panaginip. Dagdagan pa ng involvement ni Levi sa iniisip ko.Hangga't hindi ko nahahanapan ng sagot ang puwedeng mangyari, hinding-hindi ako mapapanatag.Nag-ayos ako ng sarili bago bumaba at maghapunan. Mamaya, tatawagan ko si Papa. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula pero dapat ay may gawin ako kesa sa wala. Imposibleng simpleng panaginip lang iyon. Paano kung..Napapikit ako. Ayokong mag-isip ng kahit anong masama. Hindi ko man madalas nakakasama ang ama ko, mahal na mahal ko parin siya. Pero hindi ko naman dapat balewalain lang ang panaginip ko.Matapos ang hapunan ay nais
Sumakit ang ulo ko kinaumagahan. Mabilis din ang tahip ng dibdib ko. Hindi na ako nakatulog matapos ang napakasamang panaginip na iyon. Gustong kong maiyak na hindi ko maintindihan. Dahil alam kong..may posibilidad magkatotoo lahat. Wala pang panaginip ko ang hindi nangyari.Huminga ako ng malalim. Imposibleng si Papa iyon. Baka namalikmata lang ako. Pero tila kay linaw ng mga pangyayari sa panaginip ko. As if I was destined to witness that scene. Bumangon ako at naisipang bumaba. It's 5:30 in the morning and I'm wide awake. Umpisa na din ng aming klase kaya naisipan kong magluto na lang ng almusal.Pagkatapos ay naligo ako at nagplantsa ng uniporme. Habang ginagawa ang mga dapat kong gawin lumulutang pa din ang isip ko. Ang tagal bago ulit ako nanaginip. Pero bakit..bakit?Naiiyak ako. Hindi ko dapat ipahalata iyon kay Lola. Siguradong pati siya ay maaapektuhan. Bago ako bumaba ay nagdasal ako kahit papano a
Masaya akong lumangoy sa medyo malalim na parte ng sapa. Enjoy na enjoy ako sa lamig ng tubig. Kasalukuyan kaming nasa garden ng mansiyon. Saglit na bumalik si Levi sa kanilang bahay para kumuha ng pagkain namin. Simula ng mamasyal kami sa paborito niyang lugar, sunod-sunod na ang paggala naming dalawa. Nahihiya na nga ako dahil halos wala na akong ginagawa sa mansiyon. At ayos naman kay Lola na mamasyal ako basta..si Levi ang kasama. My grandparents are very fond of him. Hindi ko alam kung bakit. Kung titingnan, aliw na aliw sila kay Levi. At kung iisipin parang si Levi pa ang kanilang apo. Sa mga oras na magkasama kami, mas lalo ko siyang nakikilala. I saw his side that no one can see. Kaya mas lalo pa akong namamangha. I also met some of his friends. Kahit na hindi man ako makasabay sa estado ng buhay niya, panatag ako kahit papano na meron siyang mga kaibagan. Isang hapon noon, nang maisipan ng mga kaibig
Hinihingal pa rin ako kahit na nakaakyat na kami. Hawak-hawak pa rin ni Levi ang kamay ko. Hinila ko iyon para kunin mula sa kanyang pagkakahawak pero nabigo ako. He's holding my hands firmly and amusement etched on his face while watching me. Tinitigan ko ulit siya ng masama. I even rolled my eyes. Napahalakhak lang ulit siya. "Medyo nahihirapan ka sa suot mo," puna niya nang makitang inaayos ko ang aking damit. "Hindi mo kasi sinabi na magha hiking pala tayo. Sana ay nakapag bihis ako ng mas kompotableng damit!" dabog ko. Ngumisi siya. Talaga lang Levi? Nakakatawa? "Gusto kong i-surprise ka kaya.." hindi niya itinuloy ang sasabihin. Kaya? Ngumiti lang siya at hinila ako papalapit sa tila isang cliff. My jaw dropped because of what I saw. Mula sa aming kinatatayuan, mabini ang hanging umiihip at tanaw na tanaw ang buong bay
Kay bilis lang ng mga araw. I run to hug my grandfather. Na miss ko siya dahil ilang araw din kaming hindi nagkita. Sabado ngayon kaya naman umuwi kami sa aming bahay. Nilapitan ko rin ang pinakamamahal ko na pusa. He gave my feet some headbutts. I miss him too. At mas lalo lang siyang tumaba ngayon. Binuhat ko siya at pumasok na kami sa bahay. The past few days, si Lolo lang ang nag-aasikaso ng lahat sa bahay. Sa bukid man hanggang sa mga alaga naming manok. I know he's lonely being alone kaya naman sumigla siya ng makauwi na kami. Since that day, when Levi ditched me, hindi ko na siya nakitang umuwi ng ilang araw. Hindi rin kami nagkita bago kami umuwi. Maybe he's too busy with his work and..fiance. Hindi ko maikakailang hindi ako nagtatampo sa ginawa niya. But I do understand. Kaya naman mas alam ko na saan ko ilalagay ang expectations ko at kung saan ako lulugar. Isang buwan lang naman ang aming summer break at
"Apo, halika na. Maghahapunan na tayo," pag-agaw ni Lola sa atensiyon ko. "Susunod po ako Lola." "Oh siya, 'wag kang magtatagal." "Opo." Ilang oras na akong napapatulala dahil sa mga sinabi ni Levi sa akin kanina. Hindi pa yata iyon napoproseso ng utak ko. Why would he even tell me that? And he's pissed because I talked to Ivan? Bakit gusto niya ba ako? Pinilig ko ang aking ulo. Imposible. Narinig ko na ipapakasal siya sa iba. Masyado lang akong assuming. Though there's a little part of me that's hoping na sana tama nga ako. Everything is new to me, even this foreign feeling. Hindi ko na kailangan i-deny pa. My heart's jumping whenever he's near, ang kaba ko tuwing nagkakausap kami, ang mga titig niyang hindi ko masuklian.. I know.. I know already. Ayaw ko mang pangalanan iyon dati pa lang, simula nang sinagip niya ako, ngayon kaya ko nang aminin sa sarili ko that I'm a
Napabuga ako ng hangin. Iilan na lang ang mga manok na hindi pa nahuli. I look at them as they struggle with Ivan's hold. Tila ba hindi gusto ang panandaliang kalayaan nila. Medyo marami-rami ang nakawala kaya naman napahingal ako ng husto. Iilan din ang nahuli ko. Some if them are easy to catch while others are enjoying their run. Nang maubos nang ibalik sa kulungan ang mga nakawalang inahin, I realized na meron ding palang nakapuslit na tandang. He's quite aloof kaya medyo nahirapan akong hulihin siya. Sumuot pa sa bandang kakahuyan kaya hindi ko na nahabol. "Shea, hayaan mo na. Babalik naman 'yun dito. Ako na ang bahala diyan mamaya! " pagkuha ni Ivan ng atensiyon ko. I raised an approve sign on him. "Malapit ko nang mahuli. Asikasuhin mo na lang ang mga manok doon." Nag-aalinlangan pa siyang umalis pero sinenyasan ko siya na okay lang talaga. Nakita kong lumingon muna siya sa akin b
Huling araw na ng klase at kinabukasan ay summer vacation na. Sa susunod na taon ay Grade 10 na kami. Napakabilis lang ng panahon. Nag-aayos ako ng aking locker at kinukuha ang mga gamit na nandoon. Gagamitin kasi iyon ng susunod na Grade 9 students. Sa kabilang building na kasi ang magiging classroom namin sa susunod na pasukan.Natagpuan ko din doon ang aking diary. Sinusulatan ko iyon ng mga panaginip ko at kung kelan nangyari ang mga aking nagiging pangitain. Speaking of, simula nang maaksidente ako, wala na rin akong masyadong panaginip. Medyo naibsan na rin ang takot ko dahil wala naman akong mapapala kung patuloy na magpapakaduwag ako.Bukas na din kami magsisimulang mamasukan sa mga Chrysalis. I guess I can enjoy my summer vacation there kahit papano. May mga kanya-kanyang plano na din sila Aia at Maureen kaya hindi rin siguro kami magkikita-kita."Punta kaming Prague eh. Pero ayaw ko sanang sumama," Aia pouted.
Kinabukasan ay nagdesisyon na akong pumasok sa school matapos ang isang araw na pag-absent. Pinilit pa ako ni Lola na magpahinga pa pero tumanggi na ako. Marami na akong na miss na bagong lessons kaya ayaw ko nang madagdagan pa iyon.Pinagkaguluhan naman ako ng aking mga kaklase pagkarating ko ng classroom. Agaw-pansin kasi ang bandage ko sa ulo."Guys! Ano ba? Nakakadagdag kayo sa stress ni Shea. May nangyari lang kahapon, okay? Kaya alis na.. Alis!" pagtataboy sa kanila ni Maureen.I thanked her. Hindi din kasi ako sanay na pinagkakaguluhan. Ang nakakabigla lang ay dati parang wala naman silang pakialam sa akin. Pero ngayon biglang nagkaroon na. Meron talagang nangulit kung ano ang nangyari kaya naman napilitan akong magkuwento. Nasa labas kami ng room dahil sa isang outdoor activity. Tapos na ang grupo namin kaya naman nagkukuwentuhan na lang kami habang inaantay ang ibang grupo na matapos."Talag