Time check
2:30 a.m.
Hayss! Umaga na pero wala pa ring pumasok na mga eksena sa isip niya para sa kanyang ginagawang nobela na 'Macaroons and Buttercups'. Most part of it ay hango sa tunay na buhay. Kahit may plot na hindi pa rin niya maiwasang magkaroon ng writers' block.
Grrrr!
Kasalanan ito ng impaktong si Zeus! Si Zeus na walang ginawa kundi ang kulitin siya. Kulang talaga sa pansin ang isang iyon. Nakakainis!
Sinira nito ang kanyang araw. He just pushed away her suitor. Again. Yes, again. Ilan na bang manliligaw niya ang umurong sa panliligaw sa paninira sa kanya ni Zeus sa mga ito. Kaya naman pala ilang araw nang hindi nagpaparamdam sa kanya si Mark, kung anu - ano na naman ang sinabi ni Zeus. Ano bang akala nito sa sarili niya? Anong karapatan nitong panghimasukan ang buhay niya?
Bata pa lamang sila ganoon na talaga si Zeus. Walang ibang alam gawin kundi ang pestehin siya saan man sila naroroon. Sa school nila sa BISU, sa mini - mart nila pag dumuduty siya at sa tambayan nila, Sweet Buds na pagmamay - ari na nina Tita Karren at Tita Miles simula nang umalis ang pamilya ni Tito Enzo.
Literal na kahit saan sila magtagpo, siguradong riot. Napabuntunghininga na lamang siya sa isipin.
Umunat siya sa pagkakaupo at agad na padapang sumalampak sa kanyang kama. Siguro kailangan na muna niya isantabi ang pagsusulat ng kanyang bagong nobela, ang Macaroons and Buttercups. Gusto niya kasi talagang gawing pulido ang istorya dahil espesyal ito sa kanya.
Hayss! Hindi niya namalayan ang oras. Alas tres na pala ng madaling araw. May klase pa siya bukas ng alas 9 ng umaga sa BISU bilang AB Mass Com student. Napahikab siya at bahagyang dinalaw na ng antok nang mapatingin sa monitor ng laptop dahil may mag pop sa kanyang notification sa kanyang F*.
Ayon sa official fan page ng BISU, supended ang klase sa lahat ng antas dahil sa Bagyong Biring. Maging ang mga empleyado ng gobyerno at pampribadong kompanya ay walang pasok.
Hay salamat, makakabawi na rin siya sa kanyang nakaraang puyat. Thanks God!
*******************
13 years ago...
Napansin ng batang si Fritzene ang bolang gumulong sa daan mula sa loob ng bakuran ng isang malaking bahay sa harap niya. Nilinga linga niya ang paligid. Sinilip din niya ang bakuran ngunit wala siyang makitang tao. Ang mga magulang naman niya ay busy habang kausap ang Tita Karren niya sa kabilang gate. Pinulot niya ang bola at naisipang isauli sa may - ari nito. Dahan dahan siyang pumasok sa bakuran kung saan galing ang bola.
Malapit na siya sa terrace ng malaking bahay nang biglang sumulpot ang isang batang lalaki na kasing edad marahil niya.
Agad siyang ngumiti sa lalaki at akmang kakaway nang maalalang may hawak nga pala siyang bola.
Saglit na natigilan ang bata at napatitig sa kanyang mukha. Bumaba ang tingin nito sa kanyang hawak na bola. Kagyat na nag - iba ang tingin nito.
"Hey!.. " sigaw nito. "Why are you stealing my toys?"
Bahagyang napa urong siya sa takot.
"What?" gulat na gulat na tanong niya sa lalaki. Siya, si Fritzene, magnanakaw? No way! Siya na itong nagmagandang loob siya pang pagbibintangan ng kung anu - ano. Sa biglang pumasok sa isip ay bumangon ang inis sa kanya. "I'm not a thief, you brute!"
Kasabay ng pagsigaw dito ay inihagis niya sa mukha nito ang naturang bola.
'Oppss.. napalakas!'
Bahagyang naalog ang mukha ng bata.
"Zeus!" tawag mula sa loob ng kabahayan kung saan lumabas kanina ang lalaki. Napalingon ito sa pinanggalingan ng tinig.
'So Zeus pala ang pangalan nito.'
'Sorry but not sorry.'
**********************
Hindi napigilan ni Fritzene na mapabuntong hininga nang sa pagsapit sa tapat ng classroom ng BS Archi ay eksaktong paglabas naman mula sa front door ng magkaibigang Zeus at Apollo kasunod ng professor ng mga ito. Iiwas na sana siya nang mapansin siya ni Apollo. Katulad ni Zeus, kababata at kaibigan din niya ito. "Oh hi, Fritz! Pupunta kami ng Supermall nina Ashley at Zanjoe. Nagyaya ang dalawa. Wanna join us?" yaya nito sa kanya tukoy sa kakambal at kaibigan mula sa College of Teachers Education Department. "No, thanks. Gusto ko nang umuwi. Nagtext na rin si Mommy eh." Magalang niyang tanggi sa yaya ng binata. Nakita niya ang pagtitig sa kanya ng katabi nitong si Zeus kung kaya't inirapan niya ito. Kumukulo talaga ang dugo niya rito. Hangga't maaari lang sana ayaw talaga niyang makita ang pagmumukha nito. "Okay Fritz. So paano, una na ako sa inyo. Ingat na lang sa pag - uwi." Apollo tapped her shou
"Bye Fritz! Thanks again. See you when I see you." pamamaalam pa ni Betty. Minsan pa niyang nilingon si Betty. "Bye Betty. Thanks din." "Ikumusta mo na lang ako kay Papa Zeus." malanding bilin pa nito sa kaniya. Sa huling sinabi nito, she couldn't help but rolled her eyes. Gayunpaman, magaan sa pakiramdam na lumabas sa Bratinella Salon si Fritzene. She had her hair cut. For the longest time she kept her hair long. Ngayon lang niya muli naisipan at napagdesisyunan na magpagupit. For a change. At mukhang bumagay naman sa kanya ang kanyang bagong hairstyle. Sabi nga ni Betty, ang hairstylist niya kanina, mas lalong naging kahawig niya ang aktres na si Iyah Villania. Actually marami naman talaga ang nagsasabi sa kanya na kamukha niya ang nasabing aktres. Fan din naman siya ng ak
"Ms. Fritzene Tengco, you're our choice to represent CAS Department in Mr. and Ms. BISU sa ating foundation day. Mr. Zeus Lorenzo De Villa from Architecture will be your partner. " Mula kay Mrs. Catalina De Guzman ay lumipat ang tingin ng lahat sa kanya. Nagulat man ay hindi maiwasang umangal ni Fritzene nang sabihan siya ng kanilang adviser na siya ang kandidata bilang Ms. CAS (College of Arts and Sciences) na ilalaban sa iba pang kandidata mula sa ibang Department sa darating na BISU Foundation weeklong celebration. Paano ba namang hindi? Sa dinarami - rami ng magiging kapareho ay si Zeus Lorenzo De Villa pa talaga? The High and Mighty Zeus! Napakunot ang noo na nakatingin sa kanya si Mrs. Catalina De Guzman. " May problema ba Fritz?" tanong ni Mrs.
Napapailing na lang si Zeus at nakangiti naman si Martheena habang pinagmamasdan ang mga magulang na masayang nagkukulitan sa garden. Sanay na silang ganito ang mga magulang. Mga bata pa sila sobrang sweet at maalaga ng mga ito sa isa't isa. "Tsk.. tsk.. ang cheesy." palatak ni Zeus although deep inside natutuwa siya sa nakikitang matatag na samahan at relasyon ng kanyang mga magulang. They've been married for almost 19 years at ni minsan ay hindi nila nakitang lumuha ang kanilang ina sa piling ng ama. Hindi man nila sabihin but they have high respect for their parents especially their Dad, Atty. Martin De Villa III is a firm, responsible and noble man. Their mom on the other hand, is a soft - spoken person, gentle and quiet. They looked up to their parents so much and wished they could have the same romantic relationship with the right person when the time comes. "Hahaha Bro, hi
It's 6:00 in the morning. Kahit puyat ng nagdaang gabi at weekend naman ay maaga pa ring gumising si Fritzene. Siya muna ang magbabantay sa Mini Mart ngayon. Magbabiyahe mamaya ang kanyang mga magulang patungo sa Baguio to celebrate their 18th wedding anniversary. They wanted her to join them ngunit aniya ay mas maigi na icelebrate ito ng mga magulang nang magkasama and enjoy each others company. "Morning Mom! Morning Dad!" bati niya sa mga magulang na kasalukuyang inihahanda ang kanilang almusal na luto ng kanilang kusinera na si Manang Matilda. Mabilis siyang humalik sa mga ito. "Happy Anniversary po." "Thank you dear. Hindi ba magbabago ang isip mo? Sigurado ka na bang dito ka na muna?" naniniguradong tanong sa kanya ng ina. Ipinagtimpla siya nito ng gatas at iniabot agad sa kanya. Natatawang tumango siya sa ina. "Yes Mo
Dahil Sunday naman bukas ay agad siyang pumayag nang magyaya si Ashley na samahan ito sa Sweet Buds cakes and pastry resto. Pagpasok pa lang sa resto ay agad niyang namataan si Zeus habang kausap ang cashier. Mukha namang kilig na kilig ang cashier gayung ang haba na ng pila ng mga customers. 'Grrr.. as in dumayo pa talaga ng Sweet Buds sa pakikipagharutan. Maanong magtrabaho muna bago magpabebe' Fritzene couldn't help but roll her eyes sa disappointment kay Zeus. Nahuli naman niyang matamang nakatingin sa kanya sina Zanjoe at Ashley. "What?" maang na tanong niya sa dalawa. Nangingiting umiling lang si Ashley sa kanya habang nagpatay malisya napasipol naman si Zanjoe to the tune of Kapag Tumibok ang Puso ni Donna Cruz. Napapailing na lang siya. 'Weird' "O andito ka na pala Fritz." ani Zeus nang mapansi
It was past 7:00 when he received a call from Zanjoe. Halos kararating lang niya galing sa pagsundo sa kanyang Ate Ynah sa SDGH. "What's up Zan?" tanong agad niya sa kaibigan. "Dude, I need your help. Nasiraan ang sasakyan ko. Kailangan kong sunduin si Ashley sa BISU. Kanina ko pa siya hindi macontact. Kinakabahan na ako Dude." Mahabang paliwanag ni Zanjoe sa pangyayari. Bakas sa boses nito ang matinding pag - aalala. "Tatawagan ko si Kuya Roldan nang matignan ang sasakyan mo. Nasan ka ba ngayon dude?" Agad niyang tanong sa kaibigan. "Nandito ako sa San Pascual dude. Please pakibilisan lang. Baka kung ano na nangyari kay Ashley." May urgency sa tinig nito kaya hindi niya maiwasang hindi mag - alala sa mga kaibigan. "Okay. Huwag ka nang mag panic. I'll be
Since hindi niya magagampanan ang pagdalo sa mga rehearsals sa Search for Mr. and Ms. BISU dahil sa pinsala at sugat na natamo sa pagkakabanggo sa kanya ni Zeus ay napagdesisyunan niya na magback out na lang sa nasabing pageant na sinang - ayunan naman agad ng mga Faculty Members ng departamento. Tamang hula lang na si Ninia, ang kanyang kaibigan ang ipinalit sa kanya. Ang ipinagtataka lang niya ay kung bakit maging si Zeus ay pinalitan ni Jasper Harvey Gutierrez, anak ng Vice - Governor ng lalawigan at varsity player ng BISU. "Sana si Zeus na lang nakapareho ko. Grr.. nakakainis naman. Sobrang hangin ng Jasper Harvey na yun." nanggigigil na sabi ni Ninia. Nasa library sila nang oras na iyon. "I'm sorry ha. You have to go through this dahil ko." apologetic na sabi niya sa kaibigan. Mabilis siyang pumili ng isang aklat. Gayundin si Ninia bago sila sabay na pumuwesto s
Dahil wala naman sa pagkain ang pansin ay hindi na siya kumuha ng mga ito. Agad siyang nagdiretso sa puwesto ng kanyang asawa. Narinig at naramdaman niyang napasinghap ang kanyang asawa nang okupahin niya ang upuan sa kaliwang tabi nito. Magiliw naman siyang binati ng mga kasama nito sa table. "Excuse me. Punta lang ako sa powder room." agad na paalam ni Fritzene sa mga kasama. Nakakaunawang tumango naman si Ashley. Sinundan niya ito ng tingin. "Zeus, kumuha ka na rin ng pagkain mo at sabayan mo kami rito." sabi ni Zach. Umiling - iling siya habang nakalingon pa rin sa daang tinahak ni Fritzene. "I'm not in the mood to eat." Nagkibit - balikat na lamang si Zach. Ilang sandali pa ay hindi pa rin bum
"Fritzene, anak.." mula sa pinto ng silid ay sumungaw ang kanyang ina. Mababakas sa mukha nito ang matinding simpatya sa kanya habang siya ay nanatiling nakahiga lamang sa kanyang kama. Pumasok ito sa loob sa kanyang silid at isinarado ang pinto. Narinig niya ang pagbuntung hininga nito. 'Hindi mo na naman hinarap si Zeus. Hindi ka ba naaawa sa asawa mo?" How she wished she could tell her Mom what she heard. Ayaw niyang magbago ang pagtingin ng mga ito sa asawa. "Don't worry Mom. I just needed some more time for myself.. some space. For the meantime, hayaan nyo muna po ako. Sana po maintindihan ninyo." nagsusumamong sabi niya sa kanyang ina. "Ano pa nga ba? Basta make sure, you make the right decisions and huwag mo nang patagalin ito anak."
Nagpipigil ng kanyang emosyon si Zeus nang makita sina Jasper Harvey at Miller. They both suffer from severe physical damages mula sa engkuwentro. Hindi niya malaman kung mamumuhi o maaawa siya sa kalagayan ng mga ito. Jasper Harvey lost his both legs. Kailanman ay hindi na siya makalakad. Habang si Miller naman ay ang mga mata ang talagang naapektuhan. He is now blind. Mabuti na lamang at nasa gitnang bahagi ng sasakyan ang asawa. Kung nagkataon, baka hindi niya kakayanin ang magiging kalagayan ng asawa. Sa ngayon tuluyan na rin itong nakalabas ng hospital ngunit hindi ito sa kanilang tahanan nagpahatid. Ayaw rin siyang makasama nito. Hindi niya maintindihan ang aktuwasyon ni Fritzene ngunit kailangan niya munang unawain ito. "Kumusta ka na Jasper? Masaya ka na ba? Ito ba ang buhay na gusto mo?" may pait sa kanyang tinig. Hindi it
Tunog ng ring tone mula sa kanyang cellphone ang gumising sa kanya mula sa kanyang pagkaka idlip. Napilitan siyang umuwi sandali sa kanilang tahanan nang halos magmakaawa sa kanya ang kanyang ina na umuwi muna siya at magpahinga. He couldn't leave Fritzene but he just couldn't bear seeing his Mom crying and begging for him to take a nap and rest for a while. Gayundin ang matigas na bilin ng ama. Nangako ang mga ito na tatawagan siya once gumising mula sa pagkakahimbing si Fritzene. Tinignan niya sa screen ang caller. It was his Dad. He tapped receive call button. "Zeus, anak, gising na siya." Upon hearing those words from his Dad, agad siyang napabalikwas sa kama. "Yes Dad. I'll be right there." He immediately went to the bathroom to fres
"Out of the way!" malakas na sigaw ni Zeus sa pasilyo ng hospital. Maagap naman silang sinalubong ng resident doctor at nurses. Mabilis na nakuha mula sa kanya ng mga ito ang asawa at naihiga sa stretcher. Marahang tumapik sa kanya ang doktor nang mapansin na hindi niya binibitawan ang asawa. "We'll take care of this Sir. We'll do everything to save her." anang doktor bago tuluyang ipinasok ng Medical Team ang asawa sa Operating Room. Napatiim bagang na tumango na lamang siya. "Zeus, si Fritz? Anong nangyari sa kanya?" There came rushing his in-laws. Followed by his parent. Tito Jerson and Tita Miles were also there to check on Apollo. He saw his Dad scanned all over his body ngunit hindi nakatiis at mabilis na nakalapit sa kanya ang ina upang tignan kung may sugat o tama siya ng baril. Narinig niyang nakahinga ito nang maluw
Agad na naalarma si Zeus nang makitang patalilis na ang grupo ni Jasper. He just couldn't let them slipped away without seeing her wife. "Dude!" Hindi na niya nagawang lingunin si Apollo. Narinig niyang napamura si Apollo. He runs as fast as he could to follow the group. Nakita niya sa loob ng patalilis na sasakyan si Fritzene. "Fritz!.." He shouted at the top of his lungs. Nakita niyang lumingon sa kanya ang asawa. She's crying for Pete's sake! He couldn't bear another heartbreak this time. By hook or by crook, he'll get back Fritzene. He's going to save her! Sa tuwing halos malapit na siya sa sasakyan ay mabilis naman itong napapalayo sa kanya. What the hell! He's running as fast as he could! Nang halos mawalan na siya ng pag - asa na mahabol ang dalag
It's been what? It's been three days, damn it simula nang mawala si Fritzene at mapasakamay ni Jasper. Halos mabaliw - baliw na siya sa paghahanap sa posibleng kinaroroonan ng mga ito. Bawat tunog ng telepono ay kaagad niyang sinasagot. Palagi rin siyang nakabantay sa kanyang cellphone. Gaya ngayon, halos hindi niya lubayan ng tingin ang cellphone na nakapatong sa table. Kagagaling lamang nila ni Apollo sa kabilang bayan sa pagbabasakali na may nakapansin sa asawa. When he heard his phone's message alert tone, he immediately grabbed it on the top of the table. '5 pm sharp sa lumang gusali. Huwag kang magkakamaling magsama ng pulis o kahit sino or else you know what will happen to your wife.' 'Damn it!' Tuso talaga si Jaspe
'Damn!' He'd been to Pluma Publishing Incorporation ngunit ni anino ni Fritzene ay hindi nakita ng mga staff doon. When he asked about the cctv footage, nagkataon namang malfunction ang cctv. Halos kare request pa lang ng management for repair/ installation ng bagong unit. Hindi talaga siya mapalagay hangga't hindi nila natatagpuan ang asawa. Tumawag na rin siya sa kanyang ama at sa magulang ni Fritzene. Nakita niya ang papasok na sasakyan ni Daddy Tim. Kasunod nito ang sasakyan nina Daddy Cezar at ng Daddy niya. "Dad.." Mabilis na lumapit at yumakap sa kanya ang ama. Nanatili namang nakatayo ang mga biyenan habang nakatingin sa kanila. "Don't you worry son. We'll do everything para mah
'Damn! Bakit nakatakas sa kanya ang impormasyong ito?' Napasabunot sa sarili si Zeus nang mabalitaan mula sa isang College Friend na nakatakas pala ang grupo nina Jasper Harvey mula sa kulungan. Bakit hindi sila nainform? Agad na tumawag siya sa bahay upang ipaalam ito sa asawa at magbilin na huwag na huwag itong aalis. "Hello. Tengco - De Villa Residence. Sino po sila?" magalang na sabi ni Yaya Rosie. "Yaya.. Pakitawag nyo nga po si Fritzene. May mahalaga lang po akong sasabihin." pakikisuyo niya kay Yaya Rosie. "Naku Zeus, anak, wala siya rito. Kaaalis lang. Kukuha raw ng cheque sa Pluma." Sa narinig ay matinding kaba ang lumukob sa kanya. "Yaya, anong oras po sakto siya umalis diyan?" &nb