"Bye Fritz! Thanks again. See you when I see you." pamamaalam pa ni Betty.
Minsan pa niyang nilingon si Betty. "Bye Betty. Thanks din."
"Ikumusta mo na lang ako kay Papa Zeus." malanding bilin pa nito sa kaniya.
Sa huling sinabi nito, she couldn't help but rolled her eyes.
Gayunpaman, magaan sa pakiramdam na lumabas sa Bratinella Salon si Fritzene. She had her hair cut. For the longest time she kept her hair long. Ngayon lang niya muli naisipan at napagdesisyunan na magpagupit. For a change. At mukhang bumagay naman sa kanya ang kanyang bagong hairstyle. Sabi nga ni Betty, ang hairstylist niya kanina, mas lalong naging kahawig niya ang aktres na si Iyah Villania. Actually marami naman talaga ang nagsasabi sa kanya na kamukha niya ang nasabing aktres. Fan din naman siya ng aktres.
Sa halip na kumain sa fastfood chain malapit sa salon, agad na pumara ng tricycle si Fritzene upang sa kanilang bahay na maglunch kasama ang mga magulang. Siguradong naghanda si Ate Tinay ng masarap na tanghalian. Mas gusto pa rin niya ang lutong bahay. Hindi pa man nakakarating sa kanilang tahanan ay nasiraan ang sinasakyan niyang tricycle. Anumang pilit ng pagpadyak ay hindi ito mapa start ng driver.
'Naku naman. Kung hindi ka naman minamalas talaga, oo'
Napapalatak sa isip niya si Fritzene. Dahil medyo malapit - lapit na rin naman ang kanilang tahanan ay naisip niyang bumaba na lamang at maglakad matapos iabot sa driver ang kanyang bayad.
"Manong, bayad ko po." aniya sa driver at nagsimula nang maglakad upang makarating sa kanilang tahanan.
Agad naman niyang natanawan ang paparating na si Zeus. Mataman itong nakatingin sa kanya kaya't agad niyang iniiwas ang kaniyang tingin.
"You cut your hair." malamig na tinig ni Zeus nang magkatapat na sila.
Hindi niya ito pinansin at dumiretso lang siya sa paglalakad. Ngunit ang hindi niya inaasahan ay sasabayan siya nito sa paglalakad pabalik sa direksiyon na pinagmulan nito.
"Alin ba ang harap mo at likod? Hindi ko matukoy" sabi pa nito
Nanlalaki ang matang napatingin siya rito.
"And your hair? Hindi bagay sa'yo." anito pa na lalong nagpadagdag sa inis na nararamdaman niya rito.
'Arghhh' Naikuyom niya ang kanyang mga palad.
Pinaningkitan niya ng mata ang binata. "Walang may pakialam sa opinyon mo, okay." asik niya at tinaasan pa ito ng kilay bago mabilis na naglakad para iwan ito.
"Sungit!" sigaw pa nito na hindi na nagtangka pang sumunod sa kanya.
'Zeus the bully as ever!'
**********************
"What's with the long face?" tanong ni Ashley sa kanya habang naghihintay ito kay Zanjoe sa counter. As usual, laging laman ang dalawang ito sa kanilang mini - mart with their usual order cookies and cream flavored ice cream. They all think that these two are more than friends. Simula pagkabata ay palagi nang magkasama. They've been very supportive and sweet to each other. Lalo na si Zanjoe na overprotective kay Ashley. Dinaig pa ang isang yaya kung mag - alaga. Kabaligtaran naman nila ni Zeus na simula pa pagkabata ay palagi nang magka away. Bangayang bangayan.
It's weekend at siya ang nakaduty ngayon na magbantay sa kanilang mini - mart. Hindi lang talaga siya maka move on sa inis kay Zeus. Pati ba naman pagpapagupit niya pupunahin nito. Ano naman kung hindi nito nagustuhan ang bagong hair style niya? His opinion doesn't matter anyway.
"Nag - away na naman kayo ni Zeus?" sa tono ni Zanjoe, hindi siya nagtatanong. It's more of accusation. Sabagay, totoo naman. Nagkasagutan naman talaga sila kanina. As usual. Walang bago. Lumang tugtugin na iyon sa kanila. Himala na siguro kung hindi sila mag - aangilan once na magkasama sila. Naging immune na nga ang mga tao sa paligid nila. Sila na lang yata ang hindi sanay sa sitwasyon nila.
"Alam mo naman yang kaibigan mo, napaka bully. Bata pa lang tayo, walang ibang pansinin kundi ako. Wala na nga yata akong magandang ginawa para sa kanya eh. Lahat mali. Lahat hindi pasok sa panlasa niya. And who cares anyway?" himutok pa niya kina Zanjoe at Ashley.
Iniabot sa kanya ni Zanjoe ang bayad sa ice cream. Agad naman niya itong sinuklian.
"Kumain ka na rin ng ice cream nang lumamig yang ulo mo." alok sa kanya ni Zanjoe ngunit umiling lamang siya. Hindi talaga siya mahilig sa sweets. Mas hilig niya ang mga spicy foods. "O baka naman inlove na kayo sa isa't isa? Nagku cover up lang kayo ng inyong mga nararamdaman."
"Zan.. nagpapatawa ka?" sarkastikong tanong niya sa kaibigan. "He he.. not funny."
Natatawang tinapik naman ni Zanjoe ang kanyang balikat.
"Who knows?" ang nasabi na lamang ni Ashley.
"Eww, kilabutan ka Ash." aniya kay Ashley.
Nangingiting napailing na lang sa kaniya ang dalawa bago tuluyang pumunta sa napiling puwesto sa Mini - mart.
"Ms. Fritzene Tengco, you're our choice to represent CAS Department in Mr. and Ms. BISU sa ating foundation day. Mr. Zeus Lorenzo De Villa from Architecture will be your partner. " Mula kay Mrs. Catalina De Guzman ay lumipat ang tingin ng lahat sa kanya. Nagulat man ay hindi maiwasang umangal ni Fritzene nang sabihan siya ng kanilang adviser na siya ang kandidata bilang Ms. CAS (College of Arts and Sciences) na ilalaban sa iba pang kandidata mula sa ibang Department sa darating na BISU Foundation weeklong celebration. Paano ba namang hindi? Sa dinarami - rami ng magiging kapareho ay si Zeus Lorenzo De Villa pa talaga? The High and Mighty Zeus! Napakunot ang noo na nakatingin sa kanya si Mrs. Catalina De Guzman. " May problema ba Fritz?" tanong ni Mrs.
Napapailing na lang si Zeus at nakangiti naman si Martheena habang pinagmamasdan ang mga magulang na masayang nagkukulitan sa garden. Sanay na silang ganito ang mga magulang. Mga bata pa sila sobrang sweet at maalaga ng mga ito sa isa't isa. "Tsk.. tsk.. ang cheesy." palatak ni Zeus although deep inside natutuwa siya sa nakikitang matatag na samahan at relasyon ng kanyang mga magulang. They've been married for almost 19 years at ni minsan ay hindi nila nakitang lumuha ang kanilang ina sa piling ng ama. Hindi man nila sabihin but they have high respect for their parents especially their Dad, Atty. Martin De Villa III is a firm, responsible and noble man. Their mom on the other hand, is a soft - spoken person, gentle and quiet. They looked up to their parents so much and wished they could have the same romantic relationship with the right person when the time comes. "Hahaha Bro, hi
It's 6:00 in the morning. Kahit puyat ng nagdaang gabi at weekend naman ay maaga pa ring gumising si Fritzene. Siya muna ang magbabantay sa Mini Mart ngayon. Magbabiyahe mamaya ang kanyang mga magulang patungo sa Baguio to celebrate their 18th wedding anniversary. They wanted her to join them ngunit aniya ay mas maigi na icelebrate ito ng mga magulang nang magkasama and enjoy each others company. "Morning Mom! Morning Dad!" bati niya sa mga magulang na kasalukuyang inihahanda ang kanilang almusal na luto ng kanilang kusinera na si Manang Matilda. Mabilis siyang humalik sa mga ito. "Happy Anniversary po." "Thank you dear. Hindi ba magbabago ang isip mo? Sigurado ka na bang dito ka na muna?" naniniguradong tanong sa kanya ng ina. Ipinagtimpla siya nito ng gatas at iniabot agad sa kanya. Natatawang tumango siya sa ina. "Yes Mo
Dahil Sunday naman bukas ay agad siyang pumayag nang magyaya si Ashley na samahan ito sa Sweet Buds cakes and pastry resto. Pagpasok pa lang sa resto ay agad niyang namataan si Zeus habang kausap ang cashier. Mukha namang kilig na kilig ang cashier gayung ang haba na ng pila ng mga customers. 'Grrr.. as in dumayo pa talaga ng Sweet Buds sa pakikipagharutan. Maanong magtrabaho muna bago magpabebe' Fritzene couldn't help but roll her eyes sa disappointment kay Zeus. Nahuli naman niyang matamang nakatingin sa kanya sina Zanjoe at Ashley. "What?" maang na tanong niya sa dalawa. Nangingiting umiling lang si Ashley sa kanya habang nagpatay malisya napasipol naman si Zanjoe to the tune of Kapag Tumibok ang Puso ni Donna Cruz. Napapailing na lang siya. 'Weird' "O andito ka na pala Fritz." ani Zeus nang mapansi
It was past 7:00 when he received a call from Zanjoe. Halos kararating lang niya galing sa pagsundo sa kanyang Ate Ynah sa SDGH. "What's up Zan?" tanong agad niya sa kaibigan. "Dude, I need your help. Nasiraan ang sasakyan ko. Kailangan kong sunduin si Ashley sa BISU. Kanina ko pa siya hindi macontact. Kinakabahan na ako Dude." Mahabang paliwanag ni Zanjoe sa pangyayari. Bakas sa boses nito ang matinding pag - aalala. "Tatawagan ko si Kuya Roldan nang matignan ang sasakyan mo. Nasan ka ba ngayon dude?" Agad niyang tanong sa kaibigan. "Nandito ako sa San Pascual dude. Please pakibilisan lang. Baka kung ano na nangyari kay Ashley." May urgency sa tinig nito kaya hindi niya maiwasang hindi mag - alala sa mga kaibigan. "Okay. Huwag ka nang mag panic. I'll be
Since hindi niya magagampanan ang pagdalo sa mga rehearsals sa Search for Mr. and Ms. BISU dahil sa pinsala at sugat na natamo sa pagkakabanggo sa kanya ni Zeus ay napagdesisyunan niya na magback out na lang sa nasabing pageant na sinang - ayunan naman agad ng mga Faculty Members ng departamento. Tamang hula lang na si Ninia, ang kanyang kaibigan ang ipinalit sa kanya. Ang ipinagtataka lang niya ay kung bakit maging si Zeus ay pinalitan ni Jasper Harvey Gutierrez, anak ng Vice - Governor ng lalawigan at varsity player ng BISU. "Sana si Zeus na lang nakapareho ko. Grr.. nakakainis naman. Sobrang hangin ng Jasper Harvey na yun." nanggigigil na sabi ni Ninia. Nasa library sila nang oras na iyon. "I'm sorry ha. You have to go through this dahil ko." apologetic na sabi niya sa kaibigan. Mabilis siyang pumili ng isang aklat. Gayundin si Ninia bago sila sabay na pumuwesto s
Hearing the news about what happened to her, her parents didn't consumed the week long celebration of their anniversary. Tinapos na agad ng mga ito ang isang linggo sanang bakasyon sa Baguio. Gabi na rin nang makarating ang mga ito sa kanilang tahanan. Agad na tinungo ng mga ito ang kanyang silid kung saan siya naroroon. "Oh my God, baby Fritz.. what happened to you?" nag aalalang mukha ng kanyang ina nang dumating ang mga ito at makita ang kanyang plaster casts. Tinignan nito at ininspeksiyon ang ang bawat bahagi ng kanyang katawan. "You should have told us earlier. Kung hindi pa namin nakausap si Pareng Martin, hindi namin malalaman." ang sabi naman ng kanyang ama. "Next time, mag - iingat ka na ha." She couldn't help but roll her eyes. "Mom, Dad.. wag masyadong OA. Okay lang po ako. Huwag na po kayong mag
Inihatid siya ng mga magulang sa labas ng gate nang malamang nasa tapat na si Zeus. Tumawag sa cellphone ang binata upang ipaalam na nasa tapat na ito ng kanilang bahay. Nang sa kanilang paglabas ay nagulat siya. And there they saw Mr. Timothy Abalos sitting on the hood of his car. Matiim itong tinitigan ng kanyang ama habang mukhang nag - aalala ang kanyang ina. Parang balewala naman ito kay Mr. Abalos na nakatingin naman sa kanya. Para siyang isang science creature na iniexamine nito sa paraan ng pagtitig nito. She could feel the tension between them. Nagpalipat - lipat ang tingin niya sa mga ito. Noon naman nagbukas ng pinto at umibis mula sa drivers seat ng sasakyan nito si Zeus. "Good morning po Tita, Tito. Morning Fritz!" masayang bati pa nito sa kanila. "Paano, let's go." yaya nito sa kanya. Bumaling at tumango dito ang kany
Dahil wala naman sa pagkain ang pansin ay hindi na siya kumuha ng mga ito. Agad siyang nagdiretso sa puwesto ng kanyang asawa. Narinig at naramdaman niyang napasinghap ang kanyang asawa nang okupahin niya ang upuan sa kaliwang tabi nito. Magiliw naman siyang binati ng mga kasama nito sa table. "Excuse me. Punta lang ako sa powder room." agad na paalam ni Fritzene sa mga kasama. Nakakaunawang tumango naman si Ashley. Sinundan niya ito ng tingin. "Zeus, kumuha ka na rin ng pagkain mo at sabayan mo kami rito." sabi ni Zach. Umiling - iling siya habang nakalingon pa rin sa daang tinahak ni Fritzene. "I'm not in the mood to eat." Nagkibit - balikat na lamang si Zach. Ilang sandali pa ay hindi pa rin bum
"Fritzene, anak.." mula sa pinto ng silid ay sumungaw ang kanyang ina. Mababakas sa mukha nito ang matinding simpatya sa kanya habang siya ay nanatiling nakahiga lamang sa kanyang kama. Pumasok ito sa loob sa kanyang silid at isinarado ang pinto. Narinig niya ang pagbuntung hininga nito. 'Hindi mo na naman hinarap si Zeus. Hindi ka ba naaawa sa asawa mo?" How she wished she could tell her Mom what she heard. Ayaw niyang magbago ang pagtingin ng mga ito sa asawa. "Don't worry Mom. I just needed some more time for myself.. some space. For the meantime, hayaan nyo muna po ako. Sana po maintindihan ninyo." nagsusumamong sabi niya sa kanyang ina. "Ano pa nga ba? Basta make sure, you make the right decisions and huwag mo nang patagalin ito anak."
Nagpipigil ng kanyang emosyon si Zeus nang makita sina Jasper Harvey at Miller. They both suffer from severe physical damages mula sa engkuwentro. Hindi niya malaman kung mamumuhi o maaawa siya sa kalagayan ng mga ito. Jasper Harvey lost his both legs. Kailanman ay hindi na siya makalakad. Habang si Miller naman ay ang mga mata ang talagang naapektuhan. He is now blind. Mabuti na lamang at nasa gitnang bahagi ng sasakyan ang asawa. Kung nagkataon, baka hindi niya kakayanin ang magiging kalagayan ng asawa. Sa ngayon tuluyan na rin itong nakalabas ng hospital ngunit hindi ito sa kanilang tahanan nagpahatid. Ayaw rin siyang makasama nito. Hindi niya maintindihan ang aktuwasyon ni Fritzene ngunit kailangan niya munang unawain ito. "Kumusta ka na Jasper? Masaya ka na ba? Ito ba ang buhay na gusto mo?" may pait sa kanyang tinig. Hindi it
Tunog ng ring tone mula sa kanyang cellphone ang gumising sa kanya mula sa kanyang pagkaka idlip. Napilitan siyang umuwi sandali sa kanilang tahanan nang halos magmakaawa sa kanya ang kanyang ina na umuwi muna siya at magpahinga. He couldn't leave Fritzene but he just couldn't bear seeing his Mom crying and begging for him to take a nap and rest for a while. Gayundin ang matigas na bilin ng ama. Nangako ang mga ito na tatawagan siya once gumising mula sa pagkakahimbing si Fritzene. Tinignan niya sa screen ang caller. It was his Dad. He tapped receive call button. "Zeus, anak, gising na siya." Upon hearing those words from his Dad, agad siyang napabalikwas sa kama. "Yes Dad. I'll be right there." He immediately went to the bathroom to fres
"Out of the way!" malakas na sigaw ni Zeus sa pasilyo ng hospital. Maagap naman silang sinalubong ng resident doctor at nurses. Mabilis na nakuha mula sa kanya ng mga ito ang asawa at naihiga sa stretcher. Marahang tumapik sa kanya ang doktor nang mapansin na hindi niya binibitawan ang asawa. "We'll take care of this Sir. We'll do everything to save her." anang doktor bago tuluyang ipinasok ng Medical Team ang asawa sa Operating Room. Napatiim bagang na tumango na lamang siya. "Zeus, si Fritz? Anong nangyari sa kanya?" There came rushing his in-laws. Followed by his parent. Tito Jerson and Tita Miles were also there to check on Apollo. He saw his Dad scanned all over his body ngunit hindi nakatiis at mabilis na nakalapit sa kanya ang ina upang tignan kung may sugat o tama siya ng baril. Narinig niyang nakahinga ito nang maluw
Agad na naalarma si Zeus nang makitang patalilis na ang grupo ni Jasper. He just couldn't let them slipped away without seeing her wife. "Dude!" Hindi na niya nagawang lingunin si Apollo. Narinig niyang napamura si Apollo. He runs as fast as he could to follow the group. Nakita niya sa loob ng patalilis na sasakyan si Fritzene. "Fritz!.." He shouted at the top of his lungs. Nakita niyang lumingon sa kanya ang asawa. She's crying for Pete's sake! He couldn't bear another heartbreak this time. By hook or by crook, he'll get back Fritzene. He's going to save her! Sa tuwing halos malapit na siya sa sasakyan ay mabilis naman itong napapalayo sa kanya. What the hell! He's running as fast as he could! Nang halos mawalan na siya ng pag - asa na mahabol ang dalag
It's been what? It's been three days, damn it simula nang mawala si Fritzene at mapasakamay ni Jasper. Halos mabaliw - baliw na siya sa paghahanap sa posibleng kinaroroonan ng mga ito. Bawat tunog ng telepono ay kaagad niyang sinasagot. Palagi rin siyang nakabantay sa kanyang cellphone. Gaya ngayon, halos hindi niya lubayan ng tingin ang cellphone na nakapatong sa table. Kagagaling lamang nila ni Apollo sa kabilang bayan sa pagbabasakali na may nakapansin sa asawa. When he heard his phone's message alert tone, he immediately grabbed it on the top of the table. '5 pm sharp sa lumang gusali. Huwag kang magkakamaling magsama ng pulis o kahit sino or else you know what will happen to your wife.' 'Damn it!' Tuso talaga si Jaspe
'Damn!' He'd been to Pluma Publishing Incorporation ngunit ni anino ni Fritzene ay hindi nakita ng mga staff doon. When he asked about the cctv footage, nagkataon namang malfunction ang cctv. Halos kare request pa lang ng management for repair/ installation ng bagong unit. Hindi talaga siya mapalagay hangga't hindi nila natatagpuan ang asawa. Tumawag na rin siya sa kanyang ama at sa magulang ni Fritzene. Nakita niya ang papasok na sasakyan ni Daddy Tim. Kasunod nito ang sasakyan nina Daddy Cezar at ng Daddy niya. "Dad.." Mabilis na lumapit at yumakap sa kanya ang ama. Nanatili namang nakatayo ang mga biyenan habang nakatingin sa kanila. "Don't you worry son. We'll do everything para mah
'Damn! Bakit nakatakas sa kanya ang impormasyong ito?' Napasabunot sa sarili si Zeus nang mabalitaan mula sa isang College Friend na nakatakas pala ang grupo nina Jasper Harvey mula sa kulungan. Bakit hindi sila nainform? Agad na tumawag siya sa bahay upang ipaalam ito sa asawa at magbilin na huwag na huwag itong aalis. "Hello. Tengco - De Villa Residence. Sino po sila?" magalang na sabi ni Yaya Rosie. "Yaya.. Pakitawag nyo nga po si Fritzene. May mahalaga lang po akong sasabihin." pakikisuyo niya kay Yaya Rosie. "Naku Zeus, anak, wala siya rito. Kaaalis lang. Kukuha raw ng cheque sa Pluma." Sa narinig ay matinding kaba ang lumukob sa kanya. "Yaya, anong oras po sakto siya umalis diyan?" &nb