"PANAGUTAN MO AKO."
Iyon ang mga salitang pambungad ni Gideon sa akin nang tuluyan na akong makalapit sa kanya.
He texted me earlier that he was already outside our house and that he wanted to talk to me. Siyempre, pumayag ako kasi aminado naman akong may kasalanan din ako. I'm not one to run from my mistakes. I faced them and be accountable for them.
Kunot-noong tinitigan ko siya sa mga mata niya, hinahanap ang kalokohan doon. Gano'n naman kasi talaga siya, maloko. Kaso sa pagkakataong iyon ay wala akong mahagilap na pagbibiro mula sa mga mata niya.
"Buntis ako," dugtong niya pa.
Ngayon ay hindi ko na talaga napigilan pa ang sarili at humagalpak na ng tawa. Napahawak pa ako sa tiyan ko dahil hindi talaga ako maka-get-over sa sinabi niya. Paanong mabubuntis siya gayong lalaki naman siya?
"Gago ka ba?" I asked him when I finally recovered from my laughter.
He pursed his lips but said afterwards, "Hindi ako nagbibiro, Gelou."
I crossed my arms around my chest as I seriously stood in front of him. "Ilang katol na naman ba ang nahithit mo ngayong araw ha, Deon, at kung anu-ano na lang ang mga sinasabi mo r'yan?"
Napapikit siya at tumingala, halatang nauubusan na ng pasensya.
"I knew it..." usal niya sa hangin.
Pagbaba niya ng tingin at unti-unting pagdilat ay napaatras ako sa magkahalong gulat at pagkakamangha nang masilayan ang pag-iiba ng kulay ng mga mata niya ngayon. His eyes were now amber. Baka side effect 'to nang kung anumang gamot na iniinom niya...
"D-Deon..."
Dahan-dahan na rin siyang humakbang palapit sa akin kaya lalo pa akong umatras. Sa takot ko na pinalala pa ng dilim ng gabi ay mabilis na pumihit ako patalikod at akmang tatakbo na nang mapatili ako dahil muntikan ko na siyang makabangga pagharap ko. Bigla-bigla na lang kasi siyang sumusulpot doon!
"A-Ano... P-Paano..." nauutal na sambit ko. I stomped my foot in frustration. "Deon, huwag mo naman akong tinatakot, oh!"
Bigla ay kumalma naman siya at kasabay ng pagbuntong-hininga niya ay ang pagbabalik ng kulay ng mga mata niya sa dati.
"Bakit kasi ayaw mong maniwala?"
"Ano namang paniniwalaan ko?!"
"Na buntis ako! Kahit ako, naguguluhan kung bakit at paano mangyayari iyon. Lalaki ako, e..." aniyang hindi niya rin sigurado.
"Paano mo naman nasabing buntis ka nga?!"
"The oracle told me. I've been feeling sick these days at noong binisita ko siya ay hinawakan niya ang tiyan ko. I feel weirded out at first and then she told I was pregnant. Lumayo raw muna ako dahil hindi matatanggap ng lahi namin iyon pero ang sabi niya ay ingatan ko rin ang bata dahil siya ang mabubuklod sa dalawang lahi."
Malala na siya...
Nasapo ko ang noo ko at hinilamos ang palad na ginamit ko.
"Anong oracle? Anong dalawang lahi? Anong magbubuklod?"
"Gelou, I am... a werewolf," he replied. "And in our pack, we have an oracle whom we asked for advice and prophecies. Hindi sila nagkakamali..."
Pareho kaming napatingin sa kotseng malakas na bumusina at itinuon pa sa amin ang umiilaw nitong headlights. Napapikit ako sa lakas ng ilaw no'n. Sunod ko namang narinig ay ang pagkakabukas ng pinto ng kotse at ang pagkaka-off ng ilaw.
"Gelou, what's happening here?"
Namilog ang mga mata ko nang matantong si daddy iyon.
"Sino iyan?"
"Dad, nag-uusap lang po kami ng..."
"Boyfriend niya po," pakilala ni Deon sabay harap niya kay daddy at abot ng kamay niya rito.
Tiningnan lang iyon ni daddy. Ganito talaga siya, e, ma-attitude rin gaya ko.
"At maniwala man po kayo o sa hindi, buntis po ako. Binuntis po ako ng anak niyo," dagdag pa ni Deon.
Sasapakin ko na sana si Deon para magising na siya sa mga kalokohan niya kaso ay mas naagaw ng reaksyon ni daddy ang atensyon ko. He looked shocked, worried, and then torn. Agad naman siyang nagpalinga-linga sa paligid at nang balingan ulit kami ay mataman kaming tiningnan at sinabihang, "Both of you. Get inside the house, now."
DEON REPEATED FOR the nth time that he was pregnant with our child pero mas nakakagulat pa rin pala talaga kapag nand'yan na ang totoong resulta sa harapan namin.
"He's really pregnant," ani mommy sabay abot sa amin no'ng pregnancy test na positive ang result.
Napapalakpak naman si Lola Panya sa tuwa, kita tuloy ang bungi-bungi na niyang mga ngipin. "Sa wakas, may apo na ako sa tuhod!"
Si daddy naman na nakatayo sa tapat ng glass window ay puno pa rin ng kunsumisyon ang mukha. My cousin, Chadleen, smiled at me thoughtfully.
"Magiging tita na ako, yehey!" masayang hayag pa ni Mignonette sabay talon-talon sa pwesto niya. She was just five years old.
My Tito Khalil still haven't come home from his office. Si Kuya Willard naman ay nasa may kampo pa rin ng militar dahil schedule ng duty niya.
Napawi ang ngiti ni Deon nang pukulin ko siya nang matatalim na tingin bago ako napasapo sa noo ko at napahilamos. I always do that when I am so frustrated. Sobrang napu-frustrate na rin kasi ako sa mga nangyayari ngayon.
"Mom, how can that possibly happen? He's a man, a male specie, and they don't biologically conceive offspring. It's the other way around," giit ko pa.
Nagkatinginan sina mommy at daddy pati na rin si lola. Napabuntong-hininga si daddy at mayamaya pa ay tumango na saka lumapit sa amin.
"Mignonette, sweetie, can you go to your room? The adults need to talk," malambing na pakiusap ni mommy sa bunsong kapatid ko.
"Okay po."
Paglabas ni Mignonette ng sala ay agad na inilabas ni daddy ang kanina niya pang pinipigilang galit.
"That's what you get for having an unprotected sex, Angie Lou Pereira!"
Natahimik naman ako dahil doon. I'm at fault, too. Naging mapusok kaming dalawa ni Deon noong mga sandaling iyon noon.
"Albeit, tama na. Ako na munang bahalang magpaliwanag sa kanya," pagpapakalma ni mommy kay daddy habang hinahagod ang braso nito.
Tumango naman si daddy at nagpameywang bago hinilot ang sentido niya. Mommy sat on the loveseat, facing us. Gulat na gulat ako nang bigla na lamang may lumitaw sa kamay niya na parang isang itim na stick-
"It's called wand, sweetie," pagtatama ni mommy sa akin na lubhang ikinabigla ko naman. "Yes, I can read your mind. Now imagine an open briefcase and then close it. That's it... that's how you lock your thoughts."
Napahilot na rin ako ng sentido ko. Sumasakit na talaga ang ulo ko sa mga nangyayari ngayon. She raised her wand and a white smoke suddenly materialized up in the air. Napatitig ako nang maigi roon nang mapansing may tila gumagalaw na imahe ng kalawakan itong pinapakita.
"The universe is composed of different worlds. Isa na roon ang Beast Republic o mas kilala sa tawag na Abseiles. Iba't ibang mga Beast at mga nilalang na higit pa sa tao ang naninirahan doon. There are white witches there who are called the Fandralls while the black ones are also referred to as the Nodrams. And in between them, comes a special kind of witch called the Witchitas. They can wield both white and black magic, and... it's always the male partner who conceives the child."
Ang titig ko mula sa pinapanood ay inilipat ko kay mommy hanggang sa tiningnan ko rin si daddy pero seryoso lang talaga sila. Maging si Lola Panya na madalas ay maligalig at mapagbiro ay seryoso rin ngayon.
"What do you mean, mom?" tanong ko sa maliit na boses.
"Everyone in our family is a Witchita."
Napaamang ang bibig ko pero mayamaya rin ay hilaw akong napatawa sabay tayo at lakad nang pabalik-balik. Parehong hindi ako makapaniwala at hindi ko matanggap ang lahat. Nang sulyapan ko rin si Deon ay ramdam kong nagulat din siya sa lahat ng rebelasyon. Kanina ay siya iyong werewolf tapos ngayon naman ay ako itong witch.
"You've got to be kidding me!" I shouted.
I couldn't believe and I couldn't accept it. How come we're witches?! My father's a reputable engineer and so was my tito, Attorney Khalil Pereira. Kahit si Kuya Willard din ay mataas ang ranggo sa military. Si Lola Panya ay graduate pa ng Medisina tapos si mommy naman ay isang mahusay na chef. Hindi ko alam kung anong connect ng mga sinasabi ko basta ang alam at gusto kong paniwalaan ay mga normal kami at hindi mga mangkukulam!
"If that's true, mom, then bakit nasaksihan ko kung paano mo dalhin sa sinapupunan mo si Mignonette sa loob ng siyam na buwan!" giit ko pa.
"Did you really see me gave birth to your sibling?" balik na tanong ni mommy sa akin.
Napabuntong-hininga naman siya bago dinugtungan ang naunang sinabi. "I used some spells to make it look like I was pregnant. If you still remember also, wala rito ang daddy mo sa loob ng siyam na buwan."
"Dahil nasa Dubai siya at nagtatrabaho!"
Ayaw ko talagang magpatalo that's why I kept countering her explanations with mine. Marahang umiling naman si mommy.
"Nasa Abseiles siya ng mga panahong iyon. People cannot and should not see him in that state. Noong akala mong manganganak na ako ay pumunta rin ako ng Abseiles para samahan ang daddy mo sa panganganak doon," she revealed.
I looked at each of my family members. They weren't surprised or something. It was as if it's something normal for them, something they have known for so long.
"Huwag niyong sabihing alam na rin ni Chadleen at Kuya Willard ang tungkol dito? Kahit na si Mignonette?" I asked.
"They already knew from start, sweetie. Kaya ikaw lang iyong laging nagtatanong sa tuwing lumilipat tayo ng panibagong lugar, and we have to come up with another reason each time just for you."
A spark of fury suddenly flared upon me. I felt so betrayed and lied to about my whole life and entire existence.
"So ako lang 'yong walang alam? So ako lang 'yong buong buhay ko, inakalang normal ako? So ako lang iyong pinagmukha niyong tanga sa aming lahat, gano'n ba, mom?"
Maagap namang umiling-iling si mommy. "It's not like that, sweeti-"
"What are you doing here, werewolf?"
Lahat kami ay napabaling sa kararating lang na si Tito Khalil na agad namang tinutukan ng dulo ng wand niya sa leegan ang tahimik na nakaupong si Deon sa pwesto nito habang nakatayo naman siya sa likuran at bandang gilid nito.
"Tito!" nag-aalalang sigaw ko at agad na nilapitan si Deon at inilayo siya kay Tito Khalil.
I don't know why I am acting like Superman. I just felt like being protective over Deon. Kung totoo man talagang ganoon ang lahi naman, aba'y anak ko rin ang dinadala niya kaya kailangan ko silang protektahan.
"Dad, kumalma po muna kayo. Buntis po iyong tao. Nabuntis po ni Gelou..."
Napapikit ako sa inis nang marinig iyon mula kay Chadleen. That sounded really odd, para bang ako iyong fuck boy sa amin ni Deon dito.
"Hindi siya tao. I can see from here his cover-up. He's a werewolf and not just an ordinary one. Saan mo ba 'yan napulot, Gelou?"
"Taga-rito po siya, tito."
"Malaking sabit 'to, Albeit," ani tito sabay baling naman kay daddy. "Maaamoy tayo ng pack niya."
"I know, I know... Kailangan ulit nating lumipat. I just didn't expect that my daughter would choose a goddamn werewolf..."
"And you're a goddamn supreme Witchita. You can do something about it," sabat naman ni mommy.
"Sigrid, look, I can cover his smell but we still have to go to work and go to school. I can't just hide ourselves from people. Maaaring hindi na tayo maamoy ng pack niya pero paniguradong makikita nila tayo at susugurin dito. I can't risk our family. Iilan na lamang tayong mga Witchita sa mundo."
Napalingon ako kay Deon na nasa likuran ko nang pisilin niya ang kamay ko at mahigpit na hinawakan iyon.
"Then let me come with you. I also want to save my child," aniya bago ako tinitigan. "Our child. I was drawn to Gelou the first time I saw her, and I can't be away from because she's my mate. I-we need her."
The determination I saw in his eyes pierced through my heart. Alam kong hindi pa kami bati sa lahat ng mga nangyari sa amin pero isa lang din ang alam ko sa mga sandaling iyon. I don't want to be away from him and our child. Witchita man ako o hindi, werewolf man siya o tao, I want our child to live. I want to see him or her grow up beside us.
Hinawakan ko rin nang mahigpit ang kamay niya bago ko hinarap ang pamilya ko nang buong tapang at may determinasyon.
"Pananagutan ko po ang pamilya namin," I firmly told them.
•|• Illinoisdewriter •|•
I COULDN'T COUNT how many times I have felt betrayed just for a day, just for today. Una ay ang katotohanang hindi pala kami normal kaya kami palipat-lipat ng tirahan. Pangalawa, ako lang sa aming lahat ang walang may alam no'n! Tapos ngayon ay dito pa talaga sa kwarto ko patutulugin at patutuluyin ni mommy si Deon! “You are letting us stay in one room?!” I shouted even before my mom could exit through my bedroom door. Napabuntong-hininga si mommy at pagod na binalingan ako. “Sweetie, you have to be responsible for him now because you two will have a child. Ganoon ang ginagawa nating mga Witchita sa mga partner natin sa tuwing nabubuntis sila. We take care of them.” “Pero, mom!” pagmamaktol ko pa sabay padyak ng kanang paa ko sa sahig. “I know you can't do anything here. Maselan ang kondisyon ni Deon kaya kailangan maging maingat kayo. You are also wearing your protection charms, your
I AM STILL eighteen years old and currently in my last year in senior high. Well, that simply means I still have to go to school, and I really hate it.Hindi naman ako bulakbol pero wala lang... nakakawalang ganang pumasok lang kasi alam mong lilipat din naman kayo. Nasasayang lang lahat ng memories at efforts ko na mag-excel sa klase. Sa labing-apat na taon ko ba naman kasing pag-aaral ay fourteen times na rin akong lumilipat ng school. Nakakapagod at nakakasawa na talaga!Donning my blue gingham plaid knitted sleeveless vest over my white collared shirt tucked in my high-waist black skater skirt, I graced the hall of that state college which offered senior high school as well. Naka-puting knee socks ako at black sneakers saka nilagyan ko rin ng plain blue headband ang nakalugay kong mahabang buhay. Yakap ko sa isang kamay ang folder ko habang nakasabit din sa balikat ko ro'n ang itim kong YSL sling bag. My outfit of the
I HELPED LOLA Panya sat on her rocking chair that was settled in our patio.“Aray... Aray ko–” ani lola habang iniinda ang sakit ng balakang niya.Pagkaupo ay agad naman siyang ngumiti sa akin dahil nakaramdam ng relief. Kita ko tuloy ang bungi-bungi niyang mga ngipin.“Salamat, apo.”Kagagaling ko lang sa gym room at katatapos ko lang din mag-ehersisyo. Mommy encouraged me to go out with her, Chadleen, and Mignonette for a jog but I refused. Iwas ako sa pakikipagkaibigan o pakikisalamuha man lang sa iba ngayon. Para saan pa kung hindi rin naman kami magtatagal dito, ‘di ba? Nagsasayang lang ako ng energy at efforts.Naupo na rin ako sa katabing upuan ni Lola Panya at inabot ang tinimpla kong orange juice sa ibabaw ng patio table namin saka ininom iyon gamit ang isang bamboo straw. Aside sa ayoko sa mga plastic, I sincerely care for the
ONE OF THE rules that I have learned and strictly follow from the Mean Girls was that, ‘On Wednesdays, we wear pink.’ That's why today I'm sporting a white tube underneath my pink cropped buttoned blazer partnered with its matching pink high-waist midi skirt. High-waist kasi bawal kita ang pusod dito sa state college which honestly surprised me kasi bawal iyon pero hindi bawal ang tadtad sa tattoo. I'm not hating on Deon's best friend, Felix, who was tattooed. I just find it so weird why they're letting him in and loose. Dapat fair! I want to wear crop tops kasi and this rule was preventing me from doing it.Anyway, I had my long straight hair tied in a half-ponytail using a pearl barrette. I also put on some dangling earrings that were composed of connected daisies and a pair of white stiletto from Louboutins.“There!” I happily announced after closing Chadleen's backpack.
NAKAPANGALUMBABA AKO SA armchair ko habang nakatingin sa board sa harap kahit wala naman doon ang isip ko at lumilipad lang. Deon was surprisingly snob and withdrawn today. I don't know what to feel. Magbubunyi ba akong sa wakas ay tumigil na siya o ano. Pero as someone na lagi niyang kinukulot ay legit na nakakapanibago iyong kinikilos niya ngayon. Baka may pinagdadaanan itong isang ito ngayong araw. Sana naman ay hindi maapektuhan nito ang activity namin sa PE today lalo na at partners pa naman kami. Ang hirap kayang paganahin ang teamwork kung mukhang wala sa sarili iyong kaparehas mo. Sana lang talaga ay umayos siya mamaya. Pati ako ay madadamay sa kanya, e. We were told to wear our PE uniforms because we will be having the activity today. Dinala kami ng PE teacher namin sa field kung saan iyon gaganapin. Pagdating namin doon ay naroon din ang ibang sekyon, particularly ang section ng girlfriend ni Deon.
NAKATINGIN LANG AKO kay Deon na hindi naman mabaling-baling ang atensyon sa akin kahit na magkatapat lang kami. We were partners again for an activity. Natiyempuhan ulit na napili kami bilang magkagrupo. Our teacher asked us to go to our pairs respectively.Pinalipat ako ni Felix sa pwesto niya dahil siya na naman daw muna ang tatabi sa pinsan ko. Nanggigigil na tumayo ako sa upuan ko at nagmartsa na palapit sa kay Deon na halatang iwas pa rin sa akin. Ano bang problema ng isang ito ha? Konting-konti na lang talaga at masasapak ko siya, e. Ang arte! Kung may problema siya sa akin ay bakit hindi na lang niya ako prangkahin?Pinagharap namin ang mga upuan namin. When I sat back, I crossed my legs in a sophisticated way. I loved sharing my OOTDs, just so you know, I was sporting a terno yellow and white gingham plaid tweed bishop sleeves jacket and skirt over its matching cropped spaghetti strap top. Naka-knee socks din ako and white Gucci sneakers. I was
GET LOST.Pagkatapos kong sabihin iyon ay napatulala lang sa akin si Deon. However, I noticed how conflicted his eyes were. This was easier for us both. Ayaw niya naman pala sa akin kaya bakit ko pa ipagpipilitan ang sarili ko sa kanya? I don’t like being friends with the likes of him. Iyon bang they cannot be themselves when they were around me simply because they always thought and believed that I was way out of their league.He licked his lips, slightly lowered his head, and frowned. I couldn’t help but frowned as well as I continued watching him. It seemed like it was his way of contemplating about something. Very funny because despite hiding in his strong façade, his soft qualities inside would always surface. Unlike me, he just couldn’t conceal them. He was not good at it no matter how hard he tried. Pretending was simply not built for him. It was not his strongest suit.Hindi nagtagal ay muli siyang nag-angat ng t
BEFORE DEALING WITH Deon, I have to deal with Felix first. Dapat ko munang iganti ang pinsan ko. It was Saturday afternoon and since Chadleen and I had nothing to do, I have asked her to take me to Felix’s place so I could punch him on his goddamn face.Hinatak ko si Chadleen ng umagang iyon papunta sa address nina Felix. They were living on the beachside. Medyo na-distract ako sa ganda ng lugar. I didn’t know that such place actually exists in this province – white sand beach with crystal clear waters plus the cool breeze. Sobrang ganda talaga pero dapat galit ako at hindi namamangha ngayon.“Insan, nakakahiya sa pamilya ni Felix. Huwag na tayong tumuloy…” pigil pa ni Chadleen sa akin kahit na hatak ko na siya.“At dapat din siyang mahiya sa’yo!”“Hindi naman kasi gano’n. Hay… bakit ba ang hirap ipaliwanag ng sitwasyon…”Kagabi pa siya ganito. I
Rich Witchita Problems . . . . . Witchitan. a special kind of witches who hailed from the Beast Republic and who can wield both black and white magic with their male members as the ones conceiving their offspring. (Witchita Series #2) Being born in a supreme and wealthy Witchita clan, life had not been easy for Rosendo Stefan Cavendish. It always came with a price in the form of numerous problems. Ever since he was young, he had been through countless kidnappings, hostage-takings, and scams which he was able to survive through his magic. His bigger problem arrived in the human form of his best friend, Ruby Lane Acosta, with who he had fallen deeply in love since they were seven years old. The thing was, Ruby Lane did not seem to heed his feelings even after all the years. Instead, she kept pushing him away. His biggest problem happened when he got pregnant with her and foun
Ciao! This is the special chapter. Thank you so much for being with me in this long journey, and see you on our next one, on the second Witchita installment – the Rich Witchita Problems. Warning: This chapter may contain scenes not suitable for readers aged eighteen and below. Reader discretion is advised. TODAY WAS MIRACLE’S second birthday and mine and Deon’s first wedding anniversary. Sinadya talaga naming isabay sa birthday ni Miracle ang kasal namin noon para mangyari ito – isang double celebration. However, Deon and I felt really exhausted with our daily routine, papasok kami sa kolehiyo nang salit-salitan tapos aalagaan namin si Miracle at gagawa pa ng mga gawaig-bahay. Ayaw niya pa rin kasing kumuha ng makakatulong sa amin sa pag-aalaga kay Miracle dahil gusto niyang maging hands-on kami sa pagpapalaki sa anak namin. I let him because I feel like he was doing this to project the things he wa
Hello, Charmings! 🤗 This will be the end of a guide called the back matter, or simply the epilogue. I would like to take this opportunity to express my heartfelt gratitude that you have come with me this far. I will forever treasure all the gems, reviews, comments, and coins that you have shared with me. Writing Witchita’s Guide to Successful Parenting has always been one of my greatest dreams – a witch’s story that would undertone a deeper theme which was about sex and gender roles. Now, I am glad to announce that the story of this Witchita Family will not end here. We will still have 3 or more tales under the Witchita Series. We will have Ross and Ruby Lane’s story, Chadleen and Felix, and Mignonette and her ringmaster love interest (yes, a carnival theme story). Without your support, I would not have also reached this far. I certainly owe you a lot, and I will promise to make more and improve in each st
DUMATING NA SINA Chadleen at Felix dito sa dating bahay namin sa Sidero. I called them to enlist their help in freeing Deon’s whole pack from Igor and Vicenzo. “Natawagan mo na ba sina tito?” nag-aalalang tanong niya agad sa akin pagkatapos niya akong yakapin. “Oo, natawagan ko na sila. We need their help, too. Nagulat sila at nagalit but then when I told them na balak gamitin ng mga Nodram mula sa South Region ang pack nina Tito Leon upang sakupin ang buong Abseiles ay pumayag naman sila agad. Actually, they’re already on their way here.” “Sinong kasama nila?” “Mommy said it will only be daddy, Kuya Will, and Tito Khalil.” “Si Miracle?” she asked after looking around. “Did you make sure that they are in a safe place?” Tumango naman ako upang siguraduhin iyon sa kanya. “Nasa kina Ross sila kasama nina Tita Dimples at Kidlat.” Sunod ko namang binalingan ang kapatid niyang si Ruby Lane na tahimik lang habang mata
WE WENT IMMEDIATELY to the Cavendish Palace. Pagdating namin ay agad kaming iginiya ni Ruby Lane sa parang meeting hall ng lugar. Ross was still attending to the kids kaya hindi agad namin siya nakita o nakausap man lang. Dumiretso lang kaming lahat dito. Inihiga ni Deon ang wala pa ring malay na si Tito Leon sa upholstered couch na nasa tabi.“Manang, pwede pong pakitawag si mama rito?” magalang na utos ni Ruby Lane sa katulong na umalalay sa amin papasok dito. “Pakisabi na rin po sa kanyang dalhin po iyong mga niluto niya kasi kailangan na po namin dito.”Naalala kong kaya palang magpagaling ng mga pagkaing nagagawa ni Tita Dimples. Hindi ko tuloy maiwasang mapapatitig sa kalmadong si Ruby Lane habang nagbibigay ng iba pang mga panuto sa empleyado. She was calm and really… smart. Pulidong-pulido iyong plano niya and not a slightest sight of panic can be observed from her. Sobrang talino ni Chadleen but she would sometim
OUR TALK WENT on where we found out more about the past of the Acosta Family that can be traced back to us and also to what happened to Deon’s pack.“I-I am sorry…” pausal na paghingi ng paumanhin ni Tupe sa akin habang nakayuko pa rin ang ulo niya.Thinking about the things that happened in the past, I suddenly realized that Tupe scared the hell out of me and yet… he never hurt me. Looking at him now, I understood why. He might look terrifying but he was never the type who will hurt anyone. Nakayuko lang iyong ulo niya na para bang nahihiya akong tingnan sa mga mata ko kahit na hindi naman niya ako talagang nakikita. Tama nga si Tita Dimples. She did not raise her children to become violent and evil. Tupe seemed more like a gentle giant to me. Mukhang napilitan lang talaga siya noon…Tinanguan ko siya at sinabihang, “Naiintindihan ko na ang lahat ngayon. You have my forgiveness.”Dahan-d
RUBY LANE HAD taken us to her family home. Gusto pa sanang sumama ni Ross sa amin pero pinagbawalan na siya ni Ruby Lane. To make him really stay, she told him to take good care of Miracle while we were away. Hindi naman na umangal pa si Ross at pumayag na lamang na manatili roon. Hindi na rin kami nagpahatid pa sa drayber niya dahil iyong sasakyan na nirentahan na lamang namin ni Deon ang ginamit namin papunta kina Ruby Lane.When we reached her place, we found her abode to be simple yet seemingly bright and alive. There were different sorts of plants in their yards which ran a gamut from flowering to non-flowering and from big to small. The plants beautifully matched and ornamented their house’s white wall with brown outlines for doors and windows that were made from wood. It gave a certain type of peace and familiarity. Iyon bang kahit na hindi magara ay naroroon iyong tunay na kayamanan sa loob, sa bawat miyembro ng pamilya nila.“I lik
RAMDAM NA RAMDAM ko ang bigat at tensyon sa pagitan nina Deon at ng Beta ng pack nila na si Igor. Kung hindi ako nagkakamali ay siya rin ang tatay ni Richelle. Ngayon ay alam ko na kung saan nagmana ang isang iyon.“Nasaan si papa?” mahinahon ngunit madiing tanong ni Deon kay Igor.He looked calm and serious, but it was the kind of calm before the raging storm. His fists were also clenched and the veins in his forearms were now visible. I know that he was trying so hard to control his anger. Halatang-halata iyon sa kulay pula na niyang mga mata. Pinipigilan niya lang talaga ang sariling sumugod agad. I hugged Miracle more. Hindi ko hahayaang may mangyari sa kanilang dalawa.“Inilagay ko lang naman niya sa dapat niyang kalagyan,” nakangising tugon ng Beta, iniinis at pilit na pinipigtas ang natitirang pagpipigil ni Deon.“Uulitin ko… nasaan si papa?”I had also observed that some men who we
NAGPAALAM NA KAMI sa parents ko tungkol sa plano namin ni Deon na pag-uwi sa kanila sa Sidero at ang pagsama rin namin kay Miracle roon. Of course, they disagreed. Ilang araw ko rin silang kinulit na payagan na lang kami. Mahaba-habang kumbinsihan ang naganap. I kept assuring them that I can now control my chi and Deon had already unlocked his Alpha potentials. If there will be emergencies, we can surely fight and protect Miracle and ourselves. At the end, they still did not agree.“Hindi ko maintindihan, Chad. Hanggang ngayon ba naman ay hindi pa rin nila ako pinagkakatiwalaan?” tanong ko sa pinsan kong tahimik na nagtutupi ng mga bagong labang damit ni Miracle.It was Deon who washed them, by the way. Ako lang talaga ang nagligpit dahil nga may pasok pa siya sa University of Portofino. Hindi ko rin naman natapos sa pagtutupi dahil umiyak si Miracle at nanghihingi ng gatas kaya pinapadede ko na muna siya ngayon habang nakatayo ako at marah