Share

Chapter 21

Author: Ajai_Kim
last update Huling Na-update: 2024-10-20 12:00:02

PAGKALABAS ni Trevor sa loob ng kanyang kotse ay napangiti siya habang tinitignan ang condo building kung saan ay nandito ang unit ng kanyang nakababatang kapatid na si Sage. Ngayon lang siya nagkaroon ng bakanteng oras sa trabaho niya para man lang mailibang ang sarili.

Kapag may bakante siyang oras ay awtomatikong magpupunta siya sa bar at maghahanap ng babaeng magpapainit sa katawan niya pero ngayon ay may isang babae siyang gustong makita na walang katumbas sa mga babaeng mahihila lang niya sa bar at ibibigay ang sarili nila sa kanya.

He didn't stop liking Rica. Simula nang makita palang niya ito na nagtatrabaho sa restaurant ni Sage ay kaagad nang napukaw ang atensyon niya rito. Liligawan sana niya ito pero talaga ngang gago si Sage at ayaw siya nitong malamangan kaya noong nakatunog ito na gusto niya si Rica ay kaagad nitong niligawan ang babae para lang maungusan siya.

Hindi lang niligawan kundi pinagsamantalahan at binuntis pa kaya hindi talaga des
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • Wished One, But Got Five   Chapter 22

    TILA parang pinagsakluban ng langit at lupa sina Trevor at Calvin nang malaman nilang nililigawan na ni Ran si Rica. Maganang sinabi iyon ni Ran sa kanila habang si Rica naman ay nahihiyang kinumpirma na totoo nga ang sinabi ni Ran.Walang masabi doon ang dalawang lalake kundi tumango at tahimik nalang na uminom. Hindi nila pwedeng mahalata ang lihim na pagkagusto nila kay Rica lalo pa't may iba na palang lalakeng nanliligaw rito.Nakatira pa rin hanggang ngayon si Rica sa condo unit ni Sage. Gusto na ring aminin ni Trevor sa dalaga ang ginawa ng sarili nitong kapatid. May karapatan si Rica na malaman na drinoga lang siya ni Sage at pinagsamantalahan kaya't may nangyari sa kanila pero hindi niya ito masabi sa ngayon dahil paniguradong aalis na si Rica sa condo unit ni Sage at baka magpakalayo-layo na ito at hindi na niya muling makikita pa.Sasabihin niya rin ang mga nalalaman niya kay Rica pero hindi pa ito ang tamang panahon para doon.Si Rica n

    Huling Na-update : 2024-10-21
  • Wished One, But Got Five   Chapter 23

    MADALING araw na pero hanggang ngayon ay hindi pa rin makatulog si Rica ng maayos sa loob ng kwarto ni Trevor. Sandali niyang sinulyapan ang lalake sa ibaba ng kama na nakahiga sa nilatag nitong matresses sa sahig.Mahimbing ang tulog nito habang nakatakip ang isang braso sa mga mata. Nakasuot ng pulang t-shirt at itim na jogging pants si Trevor. Malamang ay iyon ang isinuot nitong damit para hindi siya mailang sa maganda nitong pangangatawan kung sakaling magsando lang ito o half naked dahil magkasama lang sila sa iisang kwarto.Nakaramdam ng pagkauhaw si Rica kaya dahan-dahan siyang bumangon at naglakad papalabas sa loob ng kwarto ni Trevor para uminom ng tubig sa kusina.Nang makalabas na siya sa loob ng kwarto ay nadaanan pa niya sa sala si Calvin na nakaupo sa sofa habang nakayuko ito. Gising pa ito at hindi rin siguro makatulog ng maayos. Dumiretso nalang si Rica sa kusina para uminom ng tubig at pagkatapos nun ay naglakad na siya papaalis at muling

    Huling Na-update : 2024-10-22
  • Wished One, But Got Five   Chapter 24

    ISANG linggo na ang nakakalipas simula nang lumipat si Rica sa apartment na tinutuluyan niya ngayon. Tamang-tama lang ang sukat at laki nito dahil mag-isa lang naman siyang nakatira dito at madalas ay nasa trabaho siya kaya hindi naman siya palaging maglalagi dito.Sa loob ng dalawang buwang upa niya ay sina Trevor at Calvin na ang nagbayad nun. Bale 8k lahat ang ibinayad ng mga ito sa land lady dahil 4k sa isang buwan ang renta sa apartment niya. Kahit anong pilit noon ni Rica na siya na ang magbabayad ng upa sa apartment na tinutuluyan niya ay talagang mapilit sina Trevor at Calvin kaya sa huli ay nagtagumpay ang mga ito sa pagmamatigas niya at sila na ang nagbayad ng upa sa apartment.Babayaran rin iyon ni Rica pero kailangan niya munang magtrabaho ng maayos. Minimum wage naman ang sinahod niyang bale sa flower shop nila Maru kaya makakapag-ipon pa siya ng tuition fee para sa pag-aaral niya next year. Sapat rin ang kinita niya para sa pang araw-araw na kakailang

    Huling Na-update : 2024-10-23
  • Wished One, But Got Five   Chapter 25

    TRIGGER WARNING! ⚠︎"I'M breaking-up with you. Nagsasawa na ako sa'yo."Isang malakas na sampal ang natamo ni Sage mula kay Krissy. Umiiyak na ang babae habang may galit ang mga mata nitong nakatingin kay Sage."Pagkatapos kong ibigay lahat sa'yo, Sage? Makikipaghiwalay ka na kaagad sa'kin? Ginawa ko naman ang lahat para mapaligaya kita sa kama tapos aayawan mo na ako?" sigaw ni Krissy habang umiiyak ito.Ngumisi lang naman si Sage at marahang hinimas ang pisngi niyang sinampal ni Krissy. "Krissy, in the first place ay hindi na kita mahal. I only used you to satisfy my needs as a man. Simula nang nakipaghiwalay ka sa akin ay 'yon na ang katapusan ng relasyon nating dalawa kaya 'wag ka ngang mangarap ngayon na mahal pa rin kita-"Muling sinampal ni Krissy si Sage at sa kanang pisngi naman ng binata tumama ang sampal nito. Doon na sumama ang tingin ni Sage sa kanya."You're such a jerk! Sinamantala mo ang nararamdaman ko sa'yo para

    Huling Na-update : 2024-10-24
  • Wished One, But Got Five   Chapter 26

    SINABI na ni Trevor kay Rica ang lahat ng mga nalalaman niya. Ayaw na niyang magtago pa ng lihim sa dalaga dahil may karapatan naman itong malaman ang katotohanan sa kung anong ginawa ng kapatid niya rito.Inamin na rin niya ang kasalanang ginawa niya noon, ang pangungumbinse kay Sage para hiwalayan si Rica dahil sa mga maling akala niya patungkol dito maging pati na rin na siya ang nagpadala ng larawan na kung saan ay hinalikan ni Krissy si Sage sa cafe shop.Tahimik lang na umiiyak si Rica nang sabihin niya ang lahat ng iyon. Hindi niya rin ito masisisi kung tuluyan na itong magagalit sa kanya at hindi na siya muling papansinin pa."Are you mad at me, Rica?" Trevor asked softly to Rica."H-hindi naman ako galit sa'yo, Trevor. Kung hindi mo nga ginawa 'yon, malamang ay nakakulong pa rin ako kay Sage. 'Y-yung baby namin, bunga lang pala 'yon ng pananamantala ni Sage sa akin." mahina namang sabi ni Rica at napahikbi ito.Trevor feel sympat

    Huling Na-update : 2024-10-25
  • Wished One, But Got Five   Chapter 27

    DINALA ni Zian si Rica sa bahay ng ama nito. Hindi niya alam kung bakit dito siya dinala ng binata at hanggang ngayon ay hindi pa rin maiproseso ng utak niya ang pag-amin nito ng sariling nararamdaman para sa kanya."Dad,"Pagtawag ni Zian sa isang matanda at matangkad na lalakeng nagbabasa ng diyaryo habang nakaupo ito sa sofa ng living room. Lumingon naman ang lalake sa kanila at natigilan pa ito dahil may kasamang babae ang anak niyang si Zian."Zian, you're here."tawag nung lalake saka ito muling tumingin kay Rica at nginitian ang dalaga.Base sa itsura ay mga nasa mid 40's na siguro ang lalake. Matangkad ito at makisig pa rin sa kanyang edad. Kamukha nito si Zian at sigurado na nung kabataan nito ay habulin rin ito ng mga babae."By the way, she's Rica, Dad." pagpapakilala ni Zian kay Rica sa Dad nito."Kagandang bata naman nitong kasama mo, Zian. How old are you, hija?" tanong ng lalake kay Rica nang bumaling ito sa kanya.

    Huling Na-update : 2024-10-26
  • Wished One, But Got Five   Chapter 28

    MARAMING inasikaso si Trevor sa trabaho niya kaya hindi na niya nasundo kanina si Rica sa flower shop na pinagtatrabauhan nito. Namimiss na niya ang dalaga kaya balak niya itong puntahan ngayon sa apartment nito kahit alas nuebe na ng gabi. Dumaan muna siya sa Domino's Pizza para mag take-out ng dinner snacks na pasalubong niya para kay Rica. Pagkatapos nun ay kaagad na siyang nagmaneho papunta sa apartment nito. Makalipas ang kalahating oras ay narating na rin niya ang apartment ni Rica. Kaagad niyang tinext ito para sabihin na nasa tapat na siya ng gate ng apartment. Pagkaraan ay lumabas na ng apartment si Rica na sinusian ang gate at sinalubong siya nito. "Hi. I'm sorry kung naistorbo pa kita ngayong gabi. Let's have a late snack?" nakangiting sabi ni Trevor at itinaas pa nito ang binili niyang tatlong boxes ng Domino's Pizza. "A-ah ano kasi, Trevor," nag-aalangan namang sabi ni Rica at napakamot pa ito sa ulo.

    Huling Na-update : 2024-10-27
  • Wished One, But Got Five   Chapter 29

    After 4 yearsKensington, Philadelphia PA, USA22:15 ESTHINDI na mabilang ni Rica kung ilang cocktail drinks ang nainom niya. She's enjoying the ambiance of The International Bar in N Front St. Philadelphia na limang minuto lang ang layo mula sa bahay nila sa Kensington.Sunday is gimmick time for her. Kasama niya ngayon sa bar ang mga college alumni friends niya na sila Hudson, Nolan at Laurie. Parehas silang apat na magkakaibigan na nakapagtapos nang kursong Bachelor of Science in Secondary Education sa Temple University isang taon na ang nakakalipas.Hindi rin nagamit ni Rica ang kursong natapos niya dahil tinulungan nalang niya ang kanyang lolo Perry na magmanage ng dine in restaurant business nila sa Kensington at sa iba't-ibang branches nito sa amerika.Eh di sana related sa business nalang ang kinuha niyang kurso nang magtransfer siya ng bachelor's degree sa Temple University para naman nagamit niya ang matututunan niya sa pag

    Huling Na-update : 2024-10-28

Pinakabagong kabanata

  • Wished One, But Got Five   Final Chapter

    AHMED, AHNWAR, AHZIK Iyan ang pangalan ng triplets nina Rica at ng asawa nitong si Trevor. Pitong taong gulang na ang triplets ngayon at lumaki ang mga ito na napakakisig na mga bata. Si Trevor ang ama ng triplets mula sa lumabas na DNA Paternity Test result na isinagawa nila siyam na taon na ang nakakalipas. Si Ahmed ang panganay dahil nauna itong lumabas nang ipinanganak ito ni Rica. Pangalawa namang lumabas si Ahnwar at ang panghuli ay si Ahzik. Magkakamukha man ang tatlong kambal ngunit iba-iba naman ang personalidad ng bawat isa sa mga ito. Si Ahmed ay tahimik na bata lamang. Mas ginugusto lang nitong magkulong sa loob ng kwarto at doon ay maglaro o 'di kaya'y magbasa ng libro. Masyado itong introvert na malayo sa personalidad nang sumunod dito na si Ahnwar. Si Anhwar ay maligalig, madaldal at masayahing bata. Madalas itong nakikipaglaro kay Ahzik sa labas ng bahay nila. Minsan nga ay ginagabi na ang mga ito sa kakalaro kaya todo sermon naman si Rica sa mga anak. Luma

  • Wished One, But Got Five   Chapter 51

    PINAGMAMASDAN lang ni Zian si Rica habang natutulog ito sa tabi niya. Kapwa silang nakahubot-hubad dahil kakatapos lang nilang magtalik na dalawa. Simula nang may unang mangyari sa kanilang anim ay hindi na nila tinantanan si Rica. Minsan ay anim silang nakikipagtalik dito at minsan naman ay sinosolo lang nila ito katulad ngayon na nasolo niya muna ito dahil abala ngayon sa trabaho sila Trevor, Wenhan at Ran habang si Essam naman ay umuwi muna sa amerika para puntahan ang ama nito doon at tulungan sa business nila. Baka ilang araw lang ay uuwi kaagad si Essam dahil hindi naman nito natatagalan na hindi makita at makasama si Rica. He's whipped with Rica just like him. Natigil lang si Zian sa pagtitig kay Rica nang makita niyang nagva-vibrate ang cellphone nito sa bedside table. They are inside in her room at ilang oras rin matapos silang magtalik. Kinuha niya ang cellphone ni Rica sa bedside table at tinignan kung sino ang tumatawag. Maru calling... He gritted his teeth wh

  • Wished One, But Got Five   Chapter 50

    "AALIS ka sa kama na 'yan o bubugbugin namin 'yang lalakeng katabi mo?" madiing pagbabanta ni Ran na ikinatakot naman ni Rica.Maingat siyang kumalas mula sa pagkakayakap ni Maru sa kanya na mahimbing pa ring natutulog. May kaba mang nararamdaman dahil alam niyang galit sa kanya ang limang boyfriends niya ay bumangon na siya sa kama saka tumayo at tumabi sa mga ito.Alam niyang iba ngayon ang iniisip ng mga ito dahil nadatnan lang naman siya na katabi si Maru sa kama at suot pa niya ang mga damit nito. She wants to explain her side pero tila nawalan yata siya ng dila para makapagsalita pa."Get your things and we're leaving here." saad naman ni Zian at nauna na itong lumabas sa condo unit ni Maru.Napakagat-labi na lang si Rica saka nito kinuha ang Dior bag niyang nakapatong sa single sofa ni Maru. Tahimik naman silang lumabas sa condo unit at ipinagpapasalamat nalang niya at hindi naisipan ng mga ito na saktan si Maru. Knowing Ran ay napakaseloso at bayolente nito kaya nabibilib siy

  • Wished One, But Got Five   Chapter 49

    SA SUMUNOD na dalawang linggo ay nanatiling normal at payapa naman ang takbo ng buhay ni Rica at ng limang boyfriends niya na abala sa kani-kanilang mga trabaho. Kahit abala ang mga ito ay hindi pa rin nila nakakaligtaan ang mga boyfriend duties nila pagdating kay Rica. Para makabawi ay napagpasyahan ng limang lalake na surpresahin si Rica sa restaurant ng Lolo Perry nito kung nasaan ito ngayon at yayain na makipagdate sa Amusement Park o sa kahit saang lugar na gusto nitong pasyalan. Sa restaurant naman ay kausap ni Rica si Maru at ikwinento na niya sa lalake ang pagpunta niya kasama si Trevor dalawang linggo na ang nakakalipas sa bahay nina Emily at Marlon. Sa nakikita ni Rica ay mukhang hindi na rin naman apektado si Maru sa dalawa at tumatango lang ito sa ikinikuwento niya. "I heard that from our maid. Ganon naman talaga si Kuya Marlon, he can't treat his girls right matapos niyang galawin." umiling lang si Maru. "Hindi ka na ba nasasaktan nang dahil sa kanila?" maingat

  • Wished One, But Got Five   Chapter 48

    KINABUKASAN ay napagpasyahan ni Rica na puntahan na si Emily sa address na ibinigay sa kanya ni Calvin para makausap ito ng masinsinan. Limang taon na silang hindi nagkikita at ito na siguro ang tamang panahon para harapin niya ang babae. Kung anuman ang idadahilan ni Emily kung bakit nagawa nitong magtaksil kay Maru ay hindi niya pa rin alam kung mapapatawad pa ba niya ito ng lubos. Sina Hudson at Ingrid naman ay nakaalis rin kaagad kahapon sa condo unit ni Trevor bago pa sila maabutan ng apat na lalake. Pilit silang pinaalis ni Ran at wala nang nagawa ang dalawa doon. Kinausap na rin ni Rica si Hudson at sinabing umalis na ito ng Pilipinas dahil wala na itong aasahan sa kanya. Nasasaktan man ay nirespeto na lang ni Hudson ang pasya niya at baka ngayon ay aalis na ito sa Pilipinas at babalik na sa amerika. "Sasama ako sa'yo papunta do'n," saad ni Trevor nang sabihin ni Rica na pupunta siya ngayon sa bahay nina Emily at Marlon. "May pasok ka pa sa work mo ngayon, ah? Ayoko nam

  • Wished One, But Got Five   Chapter 47

    HALATA ang pagkagulat sa mukha ni Hudson nang dahil sa sinabi ni Ran sa kanya. Nalilito naman itong bumaling kay Rica habang nakakunot-noo at hawak ang nagdurugo niyang labi."W-what is he talking about? He's your boyfriend? Essam is your boyfriend, right?" nagtatakang tanong ni Hudson kay Rica.Napapikit na lang ng mariin si Rica. Ang alam lang ni Hudson ay si Essam ang boyfriend niya at hindi kasama doon ang apat na lalake. Hindi na niya kailangan pang ipaalam iyon kila Hudson, Nolan, Laurie o sa iba pang mga kakilala niya sa amerika.Wala naman siyang pakialam kung husgahan siya sa pakikipagrelasyon sa limang lalake pero gusto lang rin niya ng tahimik at payapang buhay kaya hindi na niya iyon binabanggit pa."I'm in a polyamory relationship, Hudson. Lima ang boyfriend ko ngayon and it includes Essam." mariing sabi ni Rica na ikinanganga naman ni Hudson sa pagkabigla."And yet you'd still kissed Rica in front of me kahit na alam mong girlfriend rin siya ni Essam? Who are you to do t

  • Wished One, But Got Five   Chapter 46

    After 1 year... "K-KUMUSTA ka na?" nahihiyang tanong ni Rica kay Sage. "Ah, ayos lang naman ako dito, Rica." sagot naman ni Sage at kaagad itong napayuko nang dahil sa hiya ring nararamdaman sa dati niyang nobya. "Mabuti naman kung ganon." ngumiti si Rica at kahit papaano'y napanatag ang loob nito na nasa maayos lang na kalagayan si Sage sa loob ng kulungan. Isang taon na ang nakakalipas simula nang mangyari ang pagdukot sa kanya nina Sage at Yruma. Ayaw niyang makulong ang mga ito ngunit si Sage na mismo ang nagpresintang magpakulong sa sarili nang dahil sa konsensyang nararamdaman sa mga ginawa nito noon sa kanya habang si Yruma naman ay nananatili pa rin sa Mental Institution para magpagaling sa sakit nitong Obsessive Disorder. Ikwinento na noon ni Rica kay Sage ang tungkol sa panaginip niya na kung saan ay nakita niya sa langit ang pamilya niya kabilang na doon ang nalaglag sa sinapupunan niya na anak nilang si Riky. Matapos ikwento ni Rica ang sinabi ni Riky sa kanya

  • Wished One, But Got Five   Chapter 45

    MALIWANAG na kapaligiran ang kaagad bumungad kay Rica. Hindi niya alam kung bakit siya ay tila naglalakad sa walang hanggan at puro puti lang ang nakikita niya. Hindi niya mawari kung nasaan siya ngayon. Sobrang nakakasilaw ang liwanag sa kinaroroonan niya. May isang tuwid na daan na nagliliwanag rin siyang nakita nang mapako ang kaniyang paningin sa harapan nito. Napatakip siya ng bibig nang mapagtanto kung nasaan siya. Nasa langit na ba ako? Nakikita niya ang mga anghel at kerubin sa paligid. Nakapalibot lang pala ang mga ito sa kanya nang hindi niya namamalayan pero ang mas ikinagulat niya ay nang makita niyang may mga taong naglalakad papalapit sa pwesto niya. Tuluyan nang bumuhos ang mga luha niya nang makita ang kanyang Nanay Marianne, Tatay Ricardo, Lola Pacita, Lolo Celestino at isang batang babae na sa tingin niya ay nasa tatlong taong gulang na. Nakangiti ang mga ito sa kanya. Kapwa nakasuot ng puting mga damit at napakagaan ng mga awra. Nang makalapit na ang m

  • Wished One, But Got Five   Chapter 44

    PAGKALABAS ni Sage mula sa loob ng bahay ay inaasahan na niyang makikita niya sila Trevor, Zian, Wenhan at Ran at hindi rin niya inaasahan na makikita ang amerikanong fiancé ni Rica na si Essam Williams. Kapwa sila nagtutukan ng mga baril. Maging pati si Yruma na mariing nakatitig sa mga dati niyang kaibigan ay ganoon rin. Mababakas naman sa mukha nina Wenhan at Ran ang pagkabigla nang makita nilang kasabwat niya si Yruma sa pagdukot kay Rica. "Tsk! Yruma, tatahi-tahimik ka lang pero nasa loob rin pala ang kulo mo? At nagsabwatan pa talaga kayo ni Sage para lang gawin niyo 'tong pagkidnap niyo kay Rica?" gigil na sigaw ni Ran at mas lalo pa nitong itinutok ang hawak na baril kina Sage at Yruma. "I'm sorry to say but I want Rica by myself. Hindi ako papayag na kahati ko kayo sa pagmamahal at atensyon niya para sa akin. She loves me too so I have a rights on her." seryoso namang sagot ni Yruma na biglang ikinatahimik ni Ran. "At sa tingin mo ba pagkatapos nitong ginawa niyo kay

DMCA.com Protection Status