Share

Chapter Two

Author: ceelace
last update Last Updated: 2021-11-07 09:43:26

CHAPTER 2

 BABAE

HINDI ko namalayan na nahulog pala ang purse ko, akmang aabutin ko na ito ng may ibang kamay ang nauna. Napatitig pa ako sa braso nito, halata ang mga nagpuputokang ugat nito sa braso. Natigilan nga lang ako at napabalik sa huwisyo sa pagtikhim nito, agad kong inabot ang purse ko sa kamay niya at tinignan siya para magpasalamat.

“T-Thank you.” ‘yon nga lang ay nautal. Nautal sa kaba…isa na ‘yong rason pero nautal ako sa paraan ng pagkakatitig niya. Hindi dahil sa namamangha ako sa mata niyang katulad sa ulap, mariin ang pagkakatitig nito sa akin na parang may bagyong darating sa dilim.

Sa pagkakaalala ko ngayon ko lang siya nakita, pero sa paraan ng pagkatitig niya sa akin ay kakabahan ka talaga ng husto na aakalain mong nagkasala ka sa kanya. Oo, ganun ang ipinaparamdam nito sa titig niya! Kaya napayuko pa ako ng wala sa oras nung nagpasalamat ako sa kanya.

Agad ko siyang tinalikuran at napaayos sa pagkakaupo. Kaya pala halata ko kanina sa tinig nung flight attendant ang kaba, kasi nakakakaba ng husto ang taong nasa likuran ko. Kahit saglit ko itong na obserbahan at natitigan, siya ‘yong tipong masasabi mong hindi mo nanaising makakabangga.

Ang pamilya ko ay isa sa mga kilalang angkan sa Romblon, paminsan minsan ko ng naririnig ang mga salitang ibinabato sa akin.

Magandang matalinong masungit. Yes, kahit sa university naririnig ko rin ang katagang ‘yon. Hindi ko naman sila masisisi dahil hindi nga ako gano’ng ka approachable, masungit talaga ako hindi ko ‘yon ipinagkakaila. Pero hindi naman ‘yong tipong nagsusungit ng walang dahilan, siguro nasasabing hindi approachable dahil hindi nila ako sinubukang lapitan at kausapin.

Minsan binabalewala ko na lang rin kapag ganun, may pagkakataon naman siguro na mawawala ang mga bagay na ‘yon na pagtingin sa’yo ng ibang tao. Kaya hindi ko alam kung bakit parang naduwag ‘ata ako ngayong mismo sa taong ngayon ko lang nakilala, normal naman ‘yon hindi ba? Normal lang na makaramdam ka ng kaba sa taong ngayon mo lang nakita.

Napabuntong hininga ako at kinalma ang sarili, mas ang inaalala ko nalang ay kung paano kukumbinsihin ang papa. Alam naman nitong ngayong umaga mismo ako uuwi sa hacienda kaya ganun na lamang ang aking pagkagulat ng sinabi ni nanay Roda, ang mayordoma dito sa hacienda na lumuwas nga ang papa.

“Ho? Anong gagawing ng papa sa Maynila, nay?” napakamot sa ulo si nanay Roda na mismong siya ay palaisipan rin ang pagluwas ni papa.

“Ang mga ibang katiwala ang naghayag sa akin na lumuwas nga ang ‘yong papa at ayon na rin s utos nitong ipaalam nga sa akin. Ngunit ang sabi ay mukha raw itong galit.

“G-Galit? Hindi kaya may kinalaman ito sa hacienda nay?”

“Hindi ko sigurado hija ang alam ko ay naayos naman na nito ang problema.” Kitang kita ko ang pagkalito sa mukha ng matanda.

“Wala bang ibang taong pinagbilinan niya?” umiling ito kaya naman agad akong lumapit sa telepono. Luma na ang telepono pero maayos pa itong gumagana, at isa pa ito lang ang gamit naming pang kontak kay lolo na kasulukuyang nasa Sydney.

“Yes, my dear apo?” sagot agad ni lolo.

“Did you talk to papa, lolo? Lumuwas siya ng Maynila na walang nasasabi sa akin kahit ano.” turan ko. Rinig ko ang mga tawanan sa kabilang linya, rinig ko rin ang mga yapak ng kanyang mga paa.

“Hmm, sinabi lang sa akin na may kikitain raw itong importanteng tao. Huwag ka ng mag-aalala apo, marahil bukas ay uuwi rin ang ama mo.” Napanguso ako.

“May importanteng bagay rin sana akong sasabihin sa kanya.” buntong hininga ko. Ngayon lang umalis si papa sa hacienda na walang kahit anong salita akong nakuha, this is the first time. Kaya sino ang importanteng taong kinita nito?

“Is this about you working on Manila?”

“Yes lolo, papayagan mo ba ako? Gusto ko ring maranasan ang mamuhay sa Maynila.”

“Is that really the reason? Hindi ba ang rason ay ayaw mong manahala sa hacienda?”

“Grandpa, you know how I love our ancestral house. At hindi ko nakikita ang sarili sa pagmamahala sa hacienda, and papa’s here I believed his capable to do the job. Kasi lolo hindi niyo maasahang ang inyong apo.” kita ko sa gilid kung paano umiling si nanay Roda sa sinabi ko.

“Narinig ko na ang mga linyang ‘to.” Aniya. Kaya natawa ako dahil alam ko ang tinutukoy niya, walang iba kundi si Theo. Ang totoo niyan sa kanya unang inilathala ang pamamahala sa hacienda, ngunit mas pinili nito ang kompanya na siyang minamahala na niya ngayon.

“Kung ganun ay wala ng saysay ang mga salitang inihanda ko, alam ko namang hindi makakahindi ang ama mo. Napag usapan na rin namin na si Nashe ang sasalo sa obligasyon na tinanggihan niyo, balak rin ‘ata ng ama mo na manirahan rin sa Maynila.” hindi ko inaasahan ang sinabi nito kaya napaawang ang bibig ko. Hindi kaya ito ang dahilan ng agarang pagluwas niya?

“Siya ibababa ko na ang tawag Azeria, mag uusap tayo sa ibang pagkakataon.”

“Sige lolo, mag iingat kayo palagi.”

“I will.” agad ko ng ibinaba ang tawag at hinarap si nanay Roda.

“Anong sabi ni Don?” aniya. Don ang tawag nito kay lolo, I mean is ‘yon ang tawag at pagkakakilala ng mga tao rito sa lolo ko.

“Ang sabi ay may plano ang papa na titira na sa Maynila.”

“Napakalabong mangyari hija, sa hacienda umiikot ang mundo ng iyong ama.”

Alam ko ‘yon kung papayagan niya akong manatili sa Maynila, ni hindi pumasok sa utak ko ang posibleng pagsunod nito. Well, I’m a daddy’s girl maybe hindi rin sanay ang papa na mawalay ako sa tabi niya. Kung ganun ay sigurado na ang pagtratrabaho ko. Iyon ang binahagi ko kay Lucas.

“Okay I will contact my friend then. You can send me your resume para ibibigay ko na rin sa kanya ang profile mo.”

“Kung hindi makukuha sa kompanya ni lolo na lang ako magtratrabaho.”

“Ayos lang naman, that’s a good decision. Para may reserba ka, kung gusto mo puwede ka naman sa pinapasukan ko.”                             

“I made a promised to Theo, baka tupakin ‘yon.” tawa ko at nakikita ko na ang itsura ni Theo kung sakaling papatulan ko ang offer nitong si Lucas. “Did you see my dad?”

“Hindi. Gulat nga rin ako nung sinabi mong narito ito, knowing tito Cessair lumuluwas lang ito kapag death anniversary ni tita. An important person, maybe an engineer or architect puwede namang bumili na si tito ng bahay at saka ka susurpresahin. Gano’n siguro ang plano nito ’nu?”

“Puwede naman, pero hindi naman siya mahilig sa surpresa e’.”

“Sinubukan mo na bang tawagan?”

“Yes, pero na ka off ang phone nito. Ayaw ‘ata maistorbo.”

“Iyon! Nagseselos pala si manang Azeria, anu nahihinuha mo na bang babae ang kausap ni tito.

“That would be possible this is the first time he left without saying a single word.”

“Sapat ka na bilang sakit sa ulo ni tito Azeria, sa tingin mo ba maghahanap pa siya ng ikakasakit ng ulo niya. At isa pa, sa tingin mo ba magagawa niyang palitan si tita?”

“Hindi.”

“Oh, alam mo pala e’. Huwag ka ng nega diyan at hintayin mo na lang si tito, hayaan mo kapag sakaling dumaan man dito sasabin kong tawagan ka.”

“Azeria.” Napatingin ako sa pintuan at ang pinsan kong si Dalea ang nasa hamba ng aking pintuan. Tinangunan ko ito at tinuro ang phone ko, tumango naman siya at umalis na.

“Sige, that’s would be good to me. I hang up now, kakausapin ko pa ang mga katiwala rito sa hacienda.”

“Ngayon na ba ipapaalam sa kanila na si Nashe na ang mamahala?”

“Yes.”

“Okay, I will update you later.”

Sa kuwadra ako pumunta dahil naroon na ang mga katiwala. Natanaw ko agad ang pinsang kong magkapatid na sina Nashe at Dalea na nakikipagusap at tawanan sa kanila.

“Senyorita!” bati nila at magiliw na ngumiti. Nginitian ko sila pabalik, senyorita ang nakasanayang tawag ng mga ito. Ang sabi ay para raw mapagsino kung sino ang nakakataas sakanila, na agad ko namang hindi sinang ayunan ngunit doon na sila nasanay na kay hirap hirap ng mapigilan.

Kaya hindi man sumasang ayon para sa kanila ay ‘yon na ang tama, naghanda na rin si nanay Roda ng meryenda kaya nakahain na ang mga meryendang nasa mesa. Pero natanaw ko na hindi pa ito nagagalaw.

“Mag meryenda muna po tayo,” anyaya ko. “bago natin simulan ang pag-uusap.”

“Naku hindi na senyorita, mas mabuti kong umpisahan niyo na ang agenda.” ani ni manong Ikko, na siyang parang namumuno sa kanilang samahan. Sumang ayon naman ang iba kaya nagkatinginan kaming magpipinsan, tumikhim ako at ngumiti.

“Nakarating naman siguro sa inyo ang balitang sa Maynila na ako mamamalagi,” kahit hindi ko pa nakakausap ang papa pero tulad nga ng sabi ni lolo. Hindi makakahindi ito, kaya napagpasyahan kong ipaalam at magpaalam na rin sa kanila. “Gaya ng pagkakaalam niyo, tinanggihan ko ang posibleng pagmamahala sa hacienda tulad ng mga pinsan kong ngayon ay nasa Maynila na. Ang pinsang kong si Nashe,” sabay tapik sa balikat nito. “Ang sumalo at siya ring papalit sa papa. Ang nais ng lolo ay tulungan siyang alamin kung paano ang lakaran sa hacienda, ang kuwadrang nakaatas sa akin ay mapupunta naman kay Dalea. Kahit anong concern patungkol sa mga hayop ay ilalapit niyo sa kanya, malinaw po ba sa atin ang lahat?”

“Opo senyorita, makakaasa kang hindi namin pababayaan ang hacienda. Ang ina nitong si Emanuella rin ang minsang ipinagkatiwalaan ni Don Vicente patungkol sa hacienda, kaya alam kong makakaya rin ng kanyang mga anak.” Ani manong Ikko.

“Nagpapasalamat ako sa inyong pagsuporta, bilang huling mamalagi ko dito sa hacienda ay ipinaghanda ko talaga kayo ng makakain na ating pagsasaluhan,” Agad naman silang napangiti at natuwa. “Do you have anything to say?” baling ko sa mga pinsang nasa aking tabi.

“Aasahan niyong pag-iigihin namin ang trabaho na siyang ipinagkatiwala sa amin ni lolo.” Si Dalea.

“Mapapaigi natin ang ganda ng hacienda kung magtulong tulungan po tayo.”

“Siyang totoo senyorito!” segunda ng mga ito. Sinaluhan rin kami ni nanay Roda sa kainang naganap, nawala sa isip ko pansamantala ang papa. Ngunit nung sumapit na ang gabi, doon ay naaalala ko ito at isa pang ikinababahala ko ay ang hindi pa pagtawag sa akin ng pinsang kong si Lucas. Kaya naisip ko rin na maaaring hindi ito dumaan sa kanila, malamang ay sa hotel nagpalipas ng gabi ang papa.

Kaya ganun na lamang ang pagkabalisa ko nang makakuha ng tawag galing kay Lucas ang sabi ay na hospital ang papa. Aligaga akong bumaba sa hagdan na alam kong sa bawat kabog ay rinig ng mga kasama ko, agad akong dinaluhan ni nanay Roda nang mahulog ang passport kung ilalagay ko pa sana sa loob ng bag na dala.

“Bakit ba aligaga ka Azeria? May nangyari ba?”

“Na hospital ang papa nanay…kaya pala hindi ko ma tawagan magmula kahapon!” umiiyak na saad ko. Balot ng kaba ang katawan ko, ngayon lang siya lumuwas na mag-isa tapos na hospital pa!

“Diyos kong bata ka! Teka at dumito ka muna, Dalea tawagan mo muna ang pinsan mong nasa Maynila at makikibalita muna tayo,” mando nito kay Dalea. “Ay hindi ako papaya na aalis kang wala sa kondisyon Azeria! Tignan mo nga at nagsihulugan lahat ng gamit mo!” turo nito sa mga gamit kong hindi ko namalayang nabitawan. Inakay ako ni nanay at pinaupo sa sopa, pinapaypay ako nito. Gamit nito ang pamaypay niyang laging dala, napahilamos ako sa mukha.

“Nalipat na sa ward si tito, ang sabi ay bigla raw itong nahilo at sapo ang noo kaya itinakbo sa hospital,” napatingin ito sa akin. “Kahit sa hapon ka na lang raw bumiyahe Aze, sabi ni Lucas.”

“Ayos lang ba ang papa? Si Lucas ba ang nagdala sa kanya sa hospital?”

“Hindi daw e’ ang sabi babae.”

“Babae?” kunot noo kong sabi. Hindi kaya ang kinita nito ang tinutukoy? At bakit naman mahihilo bigla si papa e’ ang lakas lakas niya, maliban na lang kung tumaas ang alta-prasyon nito sa sobrang galit. Pero bakit? Sino ba ‘yong babaeng kinita niya o siya rin ba ‘yong babaeng itinakbo ang papa sa hospital? Iisa o magkaiba sila?

Related chapters

  • Wildest Beast (Hillarca Series 1)   Chapter Three

    CHAPTER 3 WEIRDO Tulad ng sabi ni nanay Roda ay hindi ako nito hinayaang bumiyahe. Kaya naman hapon na ako bumiyahe, madilim na nung nakarating na ko sa Maynila. Tapos na rin ang visitor hours kaya ang pagtawag sa mga pinsan ko na lang ang nagsilbing update ko sa hospital, kung ganun ay bukas ko pa makikita ang papa. Si Lucas ang nagbabantay kay papa, nung na sa biyahe ay sinabi nitong sa unit na niya ako dumeretso. Sinabi rin nito ang password ng kanyang unit kaya madali lang akong nakapasok, habang ang dalawa kong pinsan naman ay dumalaw lang sa hospital. Busy rin kasi sila, kaya mabuti na lamang at kahit busy rin si Lucas tulad nila ay napagpasyahan nitong manatili sa tabi ng papa, kaya kahit papaano ay naibsan ang aking pangamba. “Hindi ko nga alam kung bakit hindi ikaw ang tinawagan ng hospital which is understandable naman dahil na sa malayo ka nga, kung sa mga ganitong emergency talaga maghahanap talaga sila ng kamag anak na malapit,” tinanong ko kung may ideya ba siya sa mg

    Last Updated : 2021-11-18
  • Wildest Beast (Hillarca Series 1)   Chapter Four

    CHAPTER 04 TRABAHO I rolled my eyes, how stupid of you Azeria! Dapat kasi sa gabi ka na lang pumunta dito para sulit, hindi ‘yong makaka-encounter ka pa ng may saltik! “Pinapatay mo na ba ako diyan sa isip mo?” Napalunok ako, hindi dahil sa na gwapuhan ako sa kanya. Oo! Inaamin kong gwapo siya, pero napalunok ako kasi hindi pa siya bumababa. Prente pa itong na ka upo habang nakahalukipkip, isang maling galaw lang niya hulog agad! “Pwede bang bumaba ka para magkausap tayo ng tama.” “Bakit mo naman naisip na gusto kong makipag usap sa’yo ng tama?” taas kilay na sabi nito. Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya, napabuga ako ng hangin. Ngayon lang ako na ka tagpo ng ganitong tao, hinga ng malalim Azeria! Inhale, exhale kung hindi mo habaan ang pasensya mo sa lalaking ‘to, baka mawala na siya sa listahan na naninirahan sa mundong ‘to! Natigilan ako sa ginawang inhale at exhale session nung may napagtanto, pinakatitigan ko siya. Relax na relax ang mukha nito na parang walang naalala

    Last Updated : 2021-11-27
  • Wildest Beast (Hillarca Series 1)   Chapter Five

    CHAPTER 05 PUNISHMENT “Anong ginagawa mo rito?” panakang sabay na saad naming dalawa. “Pinsan mo siya?” “Bagong secretary mo siya?” sabay na tanong na naman namin sa taong pinapanood lang kami. Imbes na sumagot ito matalim ang paraan ng pagkakatitig nito sa akin, nang balikan ko ang nangyari kanina. Napangiwi ako. “One hundred percent sure huh!” ismid nito. Pinaglaruan ko ang mga daliri ko, unang pasok ko pa lang matatanggal pa ‘ata ako. “Ang alin bro? Anong one hundred percent sure? Sure, ka ng ibigay sa akin ang raptor mo?” ngising ani ng taong may saltik na nakilala ko sa rooftop. “What are you doing here? Nakalabas na ba ang kambal mo?” balik agad ito sa pag pipirma. “Oo, nakalabas na siya sa kulungan,” nanlaki ang mata ko sa kaalamang may kambal ito at ex-convict pa ‘ata. No wonder ganun ang mga ugali ng mga ito, hindi kaya may lahi silang mafia. Nanlaki ang mata ko sa naisip. “Oh, kung ano na naman siguro nasa utak mo kamahalan!” matalim ko siyang tinignan. “Siya ba ‘y

    Last Updated : 2021-11-27
  • Wildest Beast (Hillarca Series 1)   Chapter Six

    CHAPTER 6 CLAIM When the clock strikes at exactly seven pm, agad na akong tumayo sa kama at pumunta nasa banyo para maligo. Eight pm ang meeting nito with the client, kaya talagang maghahanda na ako. Binantaan pa ako nito pagpasok ko sa pinto, ang akala siguro nito ay masisindak ako sa mga pagbabanta niya. Subukan niya lang ulit akong halikan, tatadyakan ko na ang pagkalalaki niya! Tumawag kanina sa akin si Lucas nung malaman na nasa Cebu ako, tinanong pa niya kung bakit hindi ako umuwi para kumuha ng gamit. Sinabi ko na lang na sobrang urgent kaya hindi na ako nakauwi, hindi naman pwedeng sabihin kong pati ako ay walang ideya at talagang nabigla. Baka pilitin pa akong sa kompanya na lang mag trabaho, kaya hindi na ako nagsalita sa kanya. As for my boss, susubukan kong maging propesyonal ayon sa kanya importante nga ang client na kikitain nito. At hindi rin talaga maganda ang unang pagkikita namin, isipin mong na pag kamalan ko pa siyang iba. Tapos hinalikan pa niya ako, oo…lahat

    Last Updated : 2021-12-04
  • Wildest Beast (Hillarca Series 1)   Chapter Seven

    CHAPTER 7 ROUGH Wala akong ginawa kundi mabaliw ng tuluyan sa mga ginagawa niya. Ang dila nitong ngayon ay abala sa pagpapaligaya, sarap na sarap siya. It never crossed in my head that I will give my virginity to a mere stranger. At sa unang araw pa lang ay nagawa na naming ang bagay na ‘to, paano pa kaya sa mga susunod na araw? Gaga nga ‘ata talaga ako, inaalala ko na ang susunod e’ baka nga ito na ang huli dahil lahat ng nangyayari ay mali! Paano kung may girlfriend na ito? Ibig ba sabihin magiging one night stands lang ito? Kung ganun man ang kalalabasan, pagbibigyan ko ang sariling kagustuhan. Siguro bukas magsisisi man, saka ko na lang pag isipan ang katangahan kinabukasan. I already at the peak of my second release, nung bigla siyang huminto. Bumaon ang aking kuko ng sumunod ay ang kahandaan na niya ang ipinasok, napaluha ako sa sobrang sakit. Masuyo niyang hinalikan ang mga luha ko, sunod ay ang labi ko. Sinubukan niyang bumayo pero napakagat ako sa kanyang balikat. “It sti

    Last Updated : 2021-12-04
  • Wildest Beast (Hillarca Series 1)   Chapter Eight

    CHAPTER 8 NAPAPASO Alam kong bawal, alam kong mali. Pero sadyang totoo ‘ata talaga na masarap ang bawal. Kapag sa kompanya, hindi mo akalain may gano’ng pagtingin sa pagitan naming dalawa. Sa pangalawang tapak ko sa kompanya niya, alam kong magiging bago na sa akin ang lahat. Ang akala ko mahihirapan akong harapin siya, sa katotohanang we did it in just a bit. Ang pangit tingnan na I hooked up with the boss for my first day, kung malaman ‘yon ng mga empleyado. Alam kong titignan nila ako sa paraang nakakababa, maging ako ay hindi makapaniwalang gano’ng kadaling nagpaubaya. Maybe because I’m new to this, na kay hirap talikuran ang kasalanan. Pero gayun pa man, I’m aware for my actions. Hindi na ako bata, may sariling pang desisyon na. Hindi naman ako magpapaubaya kung hindi ko nagustuhan, ang tamang gawin ko na lang ay alamin kung wala akong taong maapakan. At malinaw rin na sinabi niya na wala nga. Pero isang negosyante ang taong nakakuha ng virginity ko, a bachelor. Kaya ngayong

    Last Updated : 2021-12-06
  • Wildest Beast (Hillarca Series 1)   Chapter Nine

    CHAPTER 09 ALAM KO “Do you fucking know that woman?” tanong nito pagkatapos ako nitong bulyawan na pumasok sa opisina niya. Tumaas ang kilay ko at walang kangiting ngiti na sinagot ang tanong niya. “Yes sir, probably one of your girls.” “My girls? Really miss Tacata, are you sure about that?” galit na sabi niya na siyang mas ikinabuwiset ko. Gagawin pa akong tanga, anong tawag mo sa nangyari kanina. Ano? Naglalaro sila ng minnie my ni moo? Nagkibit balikat ako at nasa name plate pa rin ang aking mata habang sinasagot siya. “Or probably not. If you’re insisting that she’s not one of your girls then sir, I don’t have a say to that.” madiin na sabi ko at alam ko na halata nito ang pagkakadiin ko sa mga salitang binibitawan ko sa kanya. “You don’t need to provoke her miss Tacata, you know how I am loyal right?” Jerk! “Alam ko. Marami na rin akong nababasang one night stands sa mga libro sir, hindi ko lang inakala na mae-experience ko pala. Pero huwag po kayong mag-alala, expert ri

    Last Updated : 2021-12-07
  • Wildest Beast (Hillarca Series 1)   Chapter Ten

    CHAPTER 10 SIYA ANG HANAP Nung pumasok ako at nakaharap ko si Rezoir, naaalala ko ang pagtawag nito kagabi. Maybe he got my number through my resume, hindi ko inaasahan na tatawag siya kagabi. May halo nga lang ng alak ang sistema, pero kahit naninibago ako sa pagiging tahimik nito. Mas mabuti ang gano’ng trato namin sa isa’t isa, at least kahit papaano naman ay nag sink in ‘ata rito ang mga binitawan kong salita. Ngayon nasa cafeteria nga ako hindi ko alam kung may balak ba itong kumain. Ang sabi nitong mga kasama ko ay hindi pa talaga ito napaparito sa cafetaria since day one para kumain, kung hindi sa fast food o sa kilalang restaurant lang ang kinakain nito. Minsan hindi na daw talaga kumakain ng tanghalian. Anong silbi kong sekretarya niya kung hindi ko siya aasikasuhin. Kaya kahit walang kasiguraduhan, bumili na ako ng pagkain dito sa cafetaria para sa kanya. Pag pasok ko sa opisina nito sakto namang nasa banyo ang boss ko, base na rin sa ingay ng shower. Kaya nilagay ko na l

    Last Updated : 2021-12-09

Latest chapter

  • Wildest Beast (Hillarca Series 1)   Bonus Part 3

    Parehong circle of friends, dahil magkakilala rin ang tropa nina Loreto, Benito, at Erman. Sa ilang linggo ng pamamalagi ko dito, si Honesty lang ang napagkasunduan ko. "Okay lang. Medyo pagod lang ako," sabi ko kay Ricky. Ibinagsak niya ang hawak niyang alak bago bumaling sa akin, hindi naman mahigpit si lolo at hindi kami araw-araw gumagawa ng ganitong party. Sa weekends minsan, it is also timed on a day na wala akong klase. "College ka na kaya dapat matuto kang uminom ngayon." Sabi ng mga pinsan ko. Hindi naman ako umiinom ng alak, pero dahil gusto ko ring maging malapit sa kanila. Pumayag naman ako pero nasobrahan ko, kaya hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit ko inaway ang panganay ng Hillarcas. Pumunta muna kami sa bistro, tapos nangyari. "Nasa school ba? Stress?" Napabalik ako sa realidad ng tanong ni Ricky. Umiling ako bilang sagot, hindi naman ako stressed pero ngayon siguro oo. Lalo na kung mabangis na tigre ang tingin ni Hillarcang sa akin, ano nga ulit ang pangalan ni

  • Wildest Beast (Hillarca Series 1)   Bonus Part 2

    "Malapit lang ang karagatan sa mansyon, sweetheart," pangako ni Lolo ng pagtitipid. Wala naman siyang dinagdag sa iba pero baka gusto niyang magkaroon ng idea. And for the past month, nasanay na ang katawan ko sa malamig na agos ng karagatan. Nakatulong man ito sa akin, pinapakalma nito ang utak ko sa tuwing naririnig ko ang alon ng dagat. Agad akong sinalubong ni Loreto at ibinalot sa katawan ko ang tuwalya. May extra siya na ginamit niya sa pagpupunas ng buhok ko. "Where's mine, Loreto? Don't say Serena is the only one you get a towel?" Benito. "Nagdala ka?" Nakangiting tanong ni Loreto sabay balik kay Benito. Inaasar na naman nila ako kaya inalis ko agad ang kamay ni Loreto sa buhok ko at kinuha ang tuwalya sa kamay niya. "Here," binigay ko kay Benito. "You can have this," umiling siya at tumawa. "No Serena. Bahala ka na, tapos na ako sa pagpupunas." habang ngumuso kay Erman na pumunta sa mansyon para kunin, nakalimutan niya ng dalhin. Umupo agad ako sa tela na sadyang nilagay

  • Wildest Beast (Hillarca Series 1)   Bonus Part 1

    "Hindi gaanong maganda ang pagkakakilala namin ng Papa Horace mo, dear." Kinausap ako ni Mama Serena nang tanungin ko kung paano nagsimula ang pagkakaibigan nila ni Papa at kung paano sila nagkakilala ni Papa Horace sa unang pagkakataon. Hindi ko na lang pinansin si Rezoir na umiling lang sa tabi ko. "Ang una kong pagkikita kay Horace ay medyo glitchy at nakakatawa, sweety." Ngumiti siya sa akin, isang ngiti na nagpapaalala sa nakaraan na alam ko kung saan nagsimula. Nagsimula siyang magkwento. Ang dahilan ay ang nagpapabago sa isang tao, na noong una ay hindi naniniwala. Paano mo masasabi na ang salitang 'dahilan' ay maaaring magbago ng isang tao? Nang marinig ko iyon mula sa isang estranghero, hindi ko ito sineryoso. Pero kapag may nangyaring trahedya, at naalala ko ang mga salitang iyon, baka totoo. Maaaring baguhin ng mga dahilan ang mga tao. "Sigurado ka, Serena? Kamusta ang pag-aaral mo?" nag-aalalang wika ng pinsan kong si Erman.Hindi na ako nagulat sa tanong nito, I made

  • Wildest Beast (Hillarca Series 1)   SPECIAL CHAPTER PART III.2

    NAGPASALAMAT si Lucas sa kasambahay ni Theo. Prenteng nakaupo si Lucas sa sopa ni Thaddeus. Napatingin sa bandang hagdan si Lucas nang makitang pababa roong ang boss. “Sir, aalis na po ako.” Tumango si Thaddeus. “Sige, ingat ka sa pag-uwi. Kapag nagtanong si Mama kung may dinadala akong babae rito, sabihin mong oo ha.” Natawa si Lucas. “S-Sige sir...” utal ng kasambahay. Gulati to dahil sa totoo lang ay iyon rin ang tinatanong nga ng mama ni Theo sa kanya. Na sinasagot nga rin niya ng wala. Pero dahil sa sinabi nga ng sir Theo na meron, sa malamang na ‘yon ang isasagot niya ngayon sa Mama nito. “Kahit sa inosenteng bata. Dinadapuan mo ng pag ka demonyo.” Komento ni Lucas ng nakaalis na ang kasambahay. Napamulsa si Theo at tamad na tinignan si Lucas, pansin naman ni Lucas na parang badtrip nga itong si Theo. “Badtrip ako Leonardo.” Aniya. “Kita ko nga.” sagot naman ni Lucas. “Tara nan ga! Huwag ka ng mag sitting pretty diyan!” suway nito sa kanya. At inirapan pa siya, umiling na

  • Wildest Beast (Hillarca Series 1)   SPECIAL CHAPTER PART III

    NAPAHILOT sa noo si Lucas habang tinitignan ang mga sasabak sa interview. His sitting in a chair we’re Theo belongs. “Why the f*ck again I’m here?” he whispered. “Sir?” tawag sa kanya ng temporary secretary ni Thaddeus. “Let’s begin.” Wika ni Lucas at tumango naman ang secretary sa kanya. The interview starts. Hindi alam ni Lucas, high school pa lang naman may pag ka immature na si Theo sa kanilang tatlo. He understands, dahil nga sa kanilang tatlo ito ang bunso. Pero tangina, hindi naman niya inakalang pa punta sa ganitong tagpo ang pagiging demonyo ng pinsan niya. Akalain mong siya pa ang inatasan nitong mag interview sa kanyang iha-hire na bagong secretary. Siya nga ang pinili ng kanilang lolo, dahil magaling raw itong mag handle ng business. E’ totoo ba? Parang hindi naman! Kung alam ng lolo niya ito, kung ano nga ang pinaggagawa ng apo niyang paborito. Umiling iling si Lucas, pagharap niya ay nagtaka siya ng makitang namumutla ang nag-a-apply. Napatikhim si Lucas. “Continue

  • Wildest Beast (Hillarca Series 1)   SPECIAL CHAPTER PART II.2

    IISANG sasakyan ang ginamit nila Red. Ang sasakyan ni Theo ang gamit ng mga ito, alas tres ang usapan nila. Nag-exchange sila ng mga contacts, on the way sila sa venue kung saan gaganapin ang kanilang picnic. Malapit lang naman ang lugar pero patigil tigil sila sa daan, bumibili ng mga puwedeng dalhin. Kahit may isa ng sagot sa inumin ay bumili pa rin ang tatlo ng beer-in-can. “Ayos na ba ‘to?” tanong ni Red kay Lucas. Tumango naman si Lucas. “Oo, ayos naman na siguro ‘yan.” “Tara na, tayo na pala ang hinihintay nila e’.” pakita ni Theo sa phone nitong may mensahe. Tumango ang dalawa. Sa oras na ito ay si Lucas naman ang may hawak ng manibela. Mabuti at may malapit na villa rin ang pupuntahin nilang lugar. Kaya ang plano, dahil si Lucas ang mas matanda sa kanila. Sa malamang na hindi siya maglalasing ng todo, kung sakali ring malasing ng tuluyan ang dalawa. Pero si Red naman ay control naman nito ang pag inom ng alak. Magiging tipsy lang siya pero hinidi tuluyang hindi malalasing.

  • Wildest Beast (Hillarca Series 1)   SPECIAL PART II

    MAHABA ang pila kaya reklamo ng reklamo si Theo sa gilid ni Red. Kahit pa pinagbantaan ni Red si Theo na wag nga siyang sundan sa papasukan niyang unibersidad. Kailan pa ba siya naging masunuring tao? Siyempre, sa huli magkakasama rin silang tatlo. “Tang*na, masusuka ‘ata ako.” Hawak pa nito sa kanyang tiyan. Agad isinampal ni Red ang hawak niyang panyo sa pisngi ni Theo. “Tanga mo naman kasi, sabing mag-almusal ka!” sermon ni Red kay Theo. Sila ang nasa pinakahuling pila. Tanaw mula sa kanilang kinatatayuan kung sino ang nasa pinakaunang pila, walang iba kundi ang pinsan nilang si Lucas. Of course, sa kanilang tatlo. Si Lucas ang early person, kita pa ni Red kaninang umaga ang miss call ni Lucas na aabot sa sampu. Kaya lang kasalanan ng taong nagrereklamo sa gilid nito kung bakit nasa pinakahuli silang pila. Malas ‘ata ang surname merong taglay si Theo, nagsisi tuloy siyang pumayag na kasabahayan nga ito. Heto at umaga pa lang ay minalas na, huwag sanang silang ma reject sa kursong

  • Wildest Beast (Hillarca Series 1)   SPECIAL CHAPTER I.2

    SPECIAL CHAPTER I.2INIS na napakamot si Theo sa kanyang ulo. Hindi niya alam kung bakit pa siya pumunta rito. Oo, alam niyang kailangan ng mga ito ang kanyang suporta. Pero ang isampal sa kanya ng tadhana na hindi siya nakasali sa taong ‘to, nanghihina siya. Huling taon na nga niya ‘to sa high school, hindi pa siya makakasali sa kanyang paboritong laro. “Tigilan mo nga ako pula! Nandidilim ang paningin ko sa’yo tanga!”“E’ ikaw naman kasi. Bakit kasi hindi ka na lang humingi ng tawad kay Tammy, e’ di kung ginawa mo sana. Sakaling nasama ka pa sa laro di ba?” “Syota mo na ba ha? Para maging demanding ‘yang si Tamara, wala naman akong ginagawang masama ah!” giit naman ni Theo. Totoo naman talagang wala siyang kasalanan, kung buntis sana si Tamara talagang pagkakamalan niyang siya ang pinaglilihian nito. Palaging pinupuna kasi ang kanyang ka guwapuhan. “Ewan ko sa’yo Theo. Kahit anong sabihin ko hindi ka rin naman makikinig sa aking gago!” badtrip na rin na sagot ni Red sa kanya. Tum

  • Wildest Beast (Hillarca Series 1)   SPECIAL CHAPTER I

    SPECIAL CHAPTER IPANIBAGONG araw sa hacienda Tacata. Aligaga ang lahat dahil ngayong araw ay ipinagdirawang ang kaarawan ni Don Vicente. Kumpleto ang angkan ng mga Tacata, ang mga kamag-anak na nasa Spain, Tokyo, at Amerika ay talagang umuwi para lamang samahan si Don Vicente sa kaniyang kaarawan. Kasalukuyang busy si Roda sa kusina, ang mayordoma sa hacienda. Walang tunog ang mga hakbang na dahan dahang lumapit si Theo sa matanda. “NANA!” sigaw nito. Nabitawan ni Roda ang sandok na hawak, sapo ang dibdib. “Maryosep Thaddeus!” aniya. “kita mong nagluluto akong bata ka! Paano kung matalsikan ako ng mantika ha? Sa tingin mo ba hindi masakit ang matalsika?!” “Woah! Easy Nana, easy,” tawa naman ni Theo at pangisi ngisi. Agad nitong pinulot ang sandok na nasa sahig, at agad na inilagay sa lababo at kumuha nga ng bago. “Parang may pinaghuhugutan ah Nana. Ano? Sinago—” “Theo!” bago pa man siya bigkasan ni Roda ay panibagong timik ang tumawag sa pangalan niya. “Patay! Si Azeria!” “Ano

DMCA.com Protection Status