NAGLIWANAG ANG MUKHA NI AMALIA. Ngumiti siya at lumapit kay Crassus. Iniumang niya ang kanang kamay para kamayan ito. "Ako nga pala si Amalia. Ako ang Mama ni Ulysses." Tumaas ang kilay ni Crassus. Biglang kumurba ang kanyang labi. Sumilay roon ang isang tipid na ngiti. Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. "Ignacio Crio po." Pagpakilala niya sa ibang pangalan. Hindi naglaon ay siya ang naunang nagbawi ng kamay. "Matagal ko na po kayong gusto makausap. Gusto ko po sanang mag - sponsor ng kompyuter para sa mga batang tinuturuan ni Ulysses dati. Kaso lang ay hindi natuloy." "Talaga, Hijo? Kung ganoon ay pasok ka muna." Lumapit si Amalia kay Crassus at hiniwakan niya ang kanang braso nito. Iginaya niya ito papunta sa loob ng kanilang bahay. Hindi mawala - wala ang ngiti ni Tita Amalia. Kahit nang pinaupo niya sa sala si Crassus ay malaki pa rin ang ngiti niya. Simula noong pumanaw ang kanyang anak na si Ulysses ay ninais niya na mapalapit sa mga kaibigan nito. Gusto niyang
PARA IBAHAGI ANG MAGANDANG BALITA AY TINAWAGAN ni Amalia si Raine. Eksakto naman na papauwi na sa apartment si Raine dahil kakatapos lang niya sa trabaho. "Raine? Hija?" Bungad kaagad ni Amalia nag sagutin na ni RAine ang tawag niya. "May ginagawa ka ba?""Papauwi pa lang po ako ng apartment, Tita. Kakalabas ko lang po sa elevator." Napatingin siya sa suot na relo. Nakita niyang alas singko - bente pa lang ng hapon. "Napatawag ka po, Tita. May problema po ba?"Tumikhim muna si Amalia sa kabilang linya. Habang hawak ang telepono ay napatingin siya sa kanyang asawa na nasa kabilang sofa. Nakatitig din ito sa kanya. Tumango pa ito ng isang beses at sumenyas pa ng okay sign.Simula nang pumanaw ang kanilang anak ay mas lalong napalapit ang kanilang loob sa dalaga. Kung anuman ang plano nila tungkol kay Ulysses ay gusto rin nila na updated ito. "Hija, ano kasi. May sasabihin sana kami sa'yo."Bumagal ang paglalakad ni Raine. "Ano po iyon?"Tumingin ulit si Amalia kay Apollo. Saka pa ito
SA TAKOT NI RAINE NA MA - SCAM ay inaya niya si Diana na samahan siya. Ito kasi ang kauna - unahan niyang pakikipagsosyo kaya takot siya na baka may mangyari'ng hindi maganda. Pumayag naman ito kaya lang, hindi na matigil ang bunganga nito."Bakit hindi si Mr. Almonte ang ayain mo?" takang tanong pa ni Diana. "Kung tungkol man sa pakikipag - negosasyon, Raine. Mas mabuti pang siya ang isama mo. At saka lalaki siya, anong magagawa ko kapag may nabukulan tayo? Saan aabot ang kamao ko sa isang scammer?"Napapadyak si Raine. "Ikaw kasi ang gusto ko."Nameywang si Diana. "Bakit ba kasi? Nandiyan nga naman iyong syota mo."Pinandilatan niya ito ng mata."Ano? Mag - dedeny ka pa?""Iana naman."Marahas na napakamot sa ulo si Diana. "Oo nga, sasamahan kita. Pero kasi, di ko ma gets. Bakit ako?" Tinuro pa nito ang sarili. "Na may kilala ka naman na magaling sa negosyo, at mayaman pa. Kung tungkol lang naman sa pagsama, pasok sa criteria si Mr. Almonte nu! De hamak na mas kaya ka niyang protekt
NAMILOG ANG MATA NI RAINE nang maanalisa kung sino ito. "Thaddeus!" Palahaw niya sabay turo sa lalaki. Ngumiti ito dahilan upang lumantad ang pantay at maputi nito na ngipin. "Hi." "Hi." Ngumiti siya. "Sino'ng hinahanap mo? Ako ba?" Itinaas ni Thaddeus ang dalawang lunch box na hawak. "Napag - utusan lang. Pinapahatid ng sister - in - law ko." Inilibot nito ang paningin sa loob ng apartment. "Hindi ko alam na pareho lang pala kayo ng tinirhan ng kapatid niya. Pagkakataon nga naman." Mula sa kwarto ay lumabas si Diana. Nang makita niya ang isang panauhin na nasa bukana ng pinto ay saglit siyang natigilan. Dahan - dahan siyang naglakad papunta sa pinto. "Raine? Sino iyan?" Napalingon naman si Raine kay Diana. Nilakihan niya sa pagbukas ang pinto at binigyan ng espasyo ang kaibigan. "Si Thaddeus. Siya pala ang inutusan ng Ate mo." Pinagmasdan ni Diana ang lalaki. Napatingin siya sa hawak nito. Naglakbay ang kanyang paningin papunta sa mukha ng lalaki. Pilit na itinago ni
ALAS DIES NG UMAGA, SA ARAW NG SABADO, minamaneho ni Thaddeus ang kanyang itim na Audi papunta sa apartment nina Raine at Diana. Ngayon kasi ang lakad nila papunta sa factory na sinasabi nito. Dinala na niya ang kanyang sasakyan para less hassle. Mahaba pa ang kanilang byahe dahil nasa Kanluran pa ang lokasyon ng pabrika. Ala una na ng tanghali nang marating nila ang gusali. At gaya ng ibang mga pabrika, maririnig mo sa labas ang ingay na nagmula sa loob niyon. Malugod silang sinalubong ng manager ng pabrika. Matiyaga nitong inisa - isa na pinakita at ipinaliwanag sa kanila ang bawat proseso ng paggawa ng produkto. "Pwede bang i - ship papunta'ng Sta. Catalina?" tanong pa ni Raine. "Yes. The factory has a very complete logistics system, Miss Raine. Please rest assured," the manager answered. Tumango siya. Ang hindi alam ni Raine ay may isang pares na mata na nakatitig sa kanya. Habang nakipag - usap siya sa manager ay tutok na tutok naman si Crassus sa monitor ng bawat CCTV. Pin
SIMULA NOON, pinagsikapan ni Thaddeus na ibalik ang kabutihan na ginawa ni Crassus. Nagpapadala siya ng mga regalo rito. Kahit nga tuwing New Year at Christmas ay hindi siya pumalya na batiin ito. Kaya lang kapag nagpapadala siya ng regalo ay bumabalik ang lahat ng iyon sa kanya. Maging mga greetings niya sa messenger at hindi nito nirereplayan.Naisip niya na siguro ay hindi ito mahilig sa mga showy na regalo. Mayaman na ito at halos lahat ng atensiyon ay nakukuha nito. Isang pitik lang ng kamay at isang utos lang nito ay kaya na nitong makuha ang gusto nito.May nag - isip siya na ibang paraan kung paano ito suklian.Ito na ang kanyang pagkakataon na gantihan ito. Kung kailangan man niyang magpanggap na hindi niya ito kilala ay gagawin niya. Kaya naman niya iyon gawin. Kahit na nangangati ang kanyang kamay para replayan ang text nito. Hindi niya alam kung ano ang namagitan sa dalawa pero hindi ito ang tamang pagkakataon na sumawsaw siya. Marami pa naman na oras. Sa ngayon ay kailan
"Raine!" Kinurot ni Diana ng bahagyang ang tagiliran ni Raine.Iniwaksi naman ng huli ang kamay niya. Tinapunan siya nito ng masamang tingin."Ano ba? Umayos ka nga? Boss pa rin natin iyan kahit papaano," pangangaral pa ni Diana."Alam ko. Huwag kang mag- alala dahil hindi niya gagawin iyan," malaki niyang kompiyansa sa sarili. Napaawang ang labi ni Diana.Hindi nagtagal, natanggap ni Raine ang reply ni Tita Amalia.[Oo, siya iyan. Ang gwapo niya 'di ba?]Para siyang isang kandila na unti - unting nauupos nang mabasa niya ang sagot nito. Kung ganoon ay tama ang kutob niya. May alam na ito. Ngunit may isa pa siyang tanong. Paano nito nalaman ang address nina Tita Amalia?Sandali niyang inisip ang diary ni Ulysses. Nabasa kaya ito ni Crassus?Para masagot ang kanyang katanungan ay nagpadala siya ng mensahe kay Manang Lena. Kahit na may pares ng mata na nakatitig sa kanya ay pilit niya nilabanan ang presensiya niyon.[Manang Lena, ikaw po ba ang nakahanap sa ID ko sa suitcase ko?]Hindi
BINALOT SILA NG KATAHIMIKAN. Hindi na makatingin si Raine, habang si Diana naman ay nakatitig naman sa kanyang kaibigan. Si Thaddeus na pilit pinuproseso ang mga nalalaman ay hindi rin makapagsalita.Dalawang tao lang ang involve pero may kanya - kanyang haka - haka ang mga nakasaksi. Dahilan upang mas lalong nadugtungan ang kwento.Pakiramdam kasi ni Diana ay nagdududa si Mr. Almonte kung saan nakakuha ng malaking halaga na pera si Raine. Baka akala nito ay galing sa masama ang salapi'ng iyon kaya nakapagbitiw siya ng salita.Sensitive pa naman si Raine tungkol sa ganoon dahil nasa Finance Department ito. Hindi maiiwasan na mapagbintangan siya, lalo na kung nakakuha siya ng limpak - limpak na pera gayong wala naman siya sa mataas na posisyon sa kompanya. Mababa ang kanyang sweldo kompara sa may mga posisyon.Sa isang banda, nang marinig naman ni Thaddeus ang paliwanag ni Diana ay may naanalisa siya. He realized that Crassus didn't let him talk about their acquaintance, probably becau
Dumaan ang ilang minuto pero hindi pa rin nagsalita si Crassus. Hindi na nakapagtimpi si Raine. Siya na ang nagbukas ng usapan. "May problema ba, Crassus?" Hinila ni Raine ang kamay ni Crassus Dahan - dahan naman nitong binawi ang kamay. Napatingin siya kay Crassus. "Galit ka?" "Huwag kang maingay. Nagbabasa ako. Don't make me angry," malamig na sagot nito. Natigilan siya. Pinagmasdan niya si Crassus pero kagaya kanina ay hindi pa rin ito lumingon sa kanya. Mukhang tinupak na naman ito. Umaandar na naman ang pagiging Julio nito. Dahil ba sa hindi siya umuwi? Yumuko si Raine. Mabagal siyang tumalikod para hindi maistorbo si Crassus. Hindi pa man tuluyang lumapat ang katawan niya sa kama ay bigla siyang hinila nito. Tumama ang likod niya sa matipunong dibdib nito. Nahigit niya ang kanyang hininga. Naramdaman niya ang marahas na hininga nito sa leeg niya. "Sinabi ng huwag mo akong galitin. Sinusubok mo talaga ang pasensiya ko." Dumilim ang mukha ni Crassus. Marahas niyang niyakap
Mariin na tinitigan ni Crassus ang hawak na balot. Tinanggal niya ito. Bumungad sa kanya ang tatlong damit.Sa porma pa lang nito ay alam na niyang galing ito sa Montenera. Madalas siyang bumibili ng damit doon dahil sa magandang kalidad. Nagpapa - custom made rin siya roon. Umangat ang gilid ng kanyang labi. Ang tibay talaga ng apog nito. Ni hindi man lang nito pinalitan ng balot. Pareho lang ang plastic na pinabalot nito sa damit. Hindi siya pwedeng magkamali dahil kita niya ang logo nito.Talagang wala itong pakialam sa kanya. All she cares is his money. Dumidikit lang ito sa kanya dahil sa kayamanan niya.Ginalaw ni Crassus ang kanyang panga. Ayaw niyang ipakita kay Raine ang kanyang galit. Ayaw niya muna na mag - away sila kaya siya na mismo ang umiwas.Nilapag niya sa mesa ang mga damit. Saka niya pinasadahan ng tingin ang asawa.Umupo siya sa sofa nang nakadekwatro. Tinabingi niya ang kanyang ulo. Saka niya napansin ang bahagyang pagbabago ng hubog ng muk
Araw ng Biyernes, bumalik sina Raine at Diana sa Lè Confe Shop. Isang dressmaking services na tanyag at may kalumaan na sa Ero Vierde. Dinadayo ito ng mga tao dahil sa pagiging authentic nito sa pagtatahi. Ani pa raw ni Diana, ang may - ari raw nito mismo ay mula sa angkan ng mga mananahi noong panahon pa ng giyera. Pinasa - pasa ang karunungan ng mga ninuno nito hanggang sa kasalukuyang panahon. Kaya marami ang nagpapagawa rito dahil subok na kalidad ng serbisyo nito. Nakuha na nina Raine at Diana ang damit. Si Raine na mismo ang nagdala ng kahon papunta sa apartment nila. Dumaan ang kinse minuto ay nasa harap na sila ng apartment. Si Diana na ang nagbukas ng pinto. Tahimik niyang nilapag sa carpet ang kahon. Umupo siya sa sofa. Mamaya ay babalik na siya sa villa ni Crassus. Nasasabik siya na nalulungkot. Nasasabik siya dahil makikita na niya uli si Lolo Faustino. Pero may parte pa rin ng puso niya na nalulungkot. Iiwan na naman niya rito si Diana ng mag - isa. Kung pwede lang
Nang matanggap ni Tia ang mensahe na successfully delivered na ang kahon ay ngumiti siya ng nakakaloko."Ang dali lang talaga mauto ang isang 'yon," pahayag ni Tia habang nakatingin sa selpon niya.Naging hudyat iyon. Chinat niya si Crassus na kasalukuyan naman na naka - online....[Crassus?]Umangat ang gilid ng labi ni Tia. Nilapag niya muna ang selpon sa la mesa at mabagal na ininom ang kopita ng wine.Biglang tumunog ang selpon niya. Dinampot niya 'yon habang nasa kanang kamay ang wine....[?]Inikot ni Tia ang kanyang mata. Napaismid siya. Hindi niya kasi nagustuhan ang paraan ng pag - chat ni Crassus. Ganoonpaman, itinaas lang niya ang kanyang kilay habang nagtitipa ng reply....[Hi, I know that you are busy pero gusto ko lang na kamustahin ka. How are you? Anyway, nagpadala nga pala ako ng damit. Galing kasi ako ng Monterena last month dahil may shooting ako roon. I bought three clothes for you. One long sleeve and two t - shirt. Kulay dark blue an
"Awat ka nga! Hindi ako si Tia at hindi ako kaaway mo," bulalas ni Diana nang mapansin ang pagiging pikon ng kaibigan. Hindi kumibo si Raine pero hindi na maipinta ang kanyang mukha. Muli niyang sinipat ang mga binigay na damit ni Tia. Nang magawi ang kamay niya sa likod ng kwelyo ay napakunot ang noo ni Raine. Hinaplos niya ang tatlong letra na nakatahi sa likod ng kwelyo. Napansin ni Diana ang pagiging matahimikin ni Raine. Tinignan niya kung ano ang nakaagaw ng atensiyon nito. Napakurap siya. Nakita niya kasi na may nakaimburdang tatlong letra sa likod ng kwelyo. Binase sa kung anong kulay ng damit ang kulay ng burda kaya hindi ito mapapansin kapag hindi titignan ng maigi. "C.A.A?" patanong na ani pa ni Diana. "Crassus Adam Almonte," walang emosiyon na sagot pa ni Raine. Napipilan si Diana. Napatingin din siya sa hawak na long sleeve. At kagaya nang kay Raine, may nakaburda rin na tatlong letra sa likod ng kwelyo. "Anong meron? Bakit niya nilagyan pa ng ganito?" bulalas pa n
Pasado alas kuwatro na nang hapon. Malapit ng matatapos ang oras ng trabaho ni Raine. Wala na siyang ginagawa kaya nagpasya siyang i - chat si Crassus. Hawak na niya ang kanyang selpon pero blangko pa rin ang kanyang message box. Wala pa siyang natipa ni kahit isang letra. Iniisip niya kasi kung paano humingi ng pahintulot kay Crassus. May naisip na siya pero hirap na hirap siyang igalaw ang kanyang kamay. Tinapik ng kanang daliri niya ang likod ng kanyang selpon. Napabuntonghininga pa siya sabay tabingi ng kanyang ulo. Nang makakuha na siya ng bwelo ay mabilis na gumalaw ang kamay niya para magpadala ng mensahe....[Crassus, hindi muna ako uuwi sa bahay ngayon. Maghahanap pa ako ng damit mo.]Mabilis niyang sinent ang message. Baka kasi ibubura na naman niya ang chat dahil sa duwag. Pinalubo niya ang kanyang bibig. Saka niya nilapag sa mesa ang selpon. Inayos niya ang kanyang bag habang naghihintay ng reply nito.Mayamaya pa ay tumunog ang chat ringing tone niya....[You care so
Raine had a good night sleep. Walang gumagambala sa kanya at walang nanggigising. Tirik na ang araw nang magising siya kinabukasan. Pagtingin niya sa wall clock ay pasado alas nuwebe na ng umaga. Lalo na sa mga sumunod na araw. Malapit na mag tanghalian nang siya ay magising. Kaya pagkarating ng araw ng lunes ay masayang masaya si Raine. Pakiramdam niya ay maraming siyang naimbak na energy. Bahagya pa siyang nakangiti habang dinadaanan ang mga empleyado.Nang makarating siya sa kanyang cubicle ay ngumiti si Raine. Napabuntonghininga pa siya. Tinapik niya ang mesa at saka isa - isa tiningnan ang mga papeles doon. Saka siya nagsimulang magtrabaho.Hindi pa man siya nakatagal mula sa kanyang ginagawa ay may kumatok na sa mesa niya. Napaangat ng tingin si Raine. Napakurap siya nang makitang nakapameywang na si Crassus sa harap niya at hindi na maipinta ang mukha.Namumutok ito sa mamahalin na perfume. Naamoy rin niya ang sabon pangligo na humalo sa pabango nito. Amoy mint na rin ito at n
Napangisi si Raine. Hindi siya sumagot at nilantakan ang pagkain.Naramdaman niya pa rin ang kakaibang tingin ni Diana kaya nag - angat siya ng mukha. Nagtaka siya. Paano at nakaawang pa ang labi nito."Kakain ka o ipapasak ko mismo sa bunganga mo iyang plato?" Napipikang tanong pa ni Raine.Napakurap si Diana. "Ikaw..." ani pa nito. Palipat ang lipat ang tingin nito sa pitaka at sa mukha niya. "Hala ka."Hindi na maipinta ang mukha ni Raine. "Ano na naman?"Natutop nito ang bibig. "Congrats, be."Natigilan si Raine sa paghiwa ng karne. "Para saan?"Nakagat nito ang labi. "Hindi ka na naghihirap."Kumunot ang noo ni Raine. "Ano bang pinagsasabi mo?""Kasi..." Ngumiti ito ng matamis. "Dati, may laman iyang wallet mo pero alam ko na may pinaglaanan ang pera mo. Hindi katulad ngayon, may card ka na. Napansin ko rin kanina iyong pera binayad mo sa cashier, puro bago." Hinawakan ni Diana ang kamay niya. "Masaya lang ako kasi hindi ka na naghihirap."Nang maanalisa niya ang sinabi ni Diana
Naglaho ng parang bola ang ngiti ni Tia. Napataas ang kilay niya pero kaagad din yon nabura. Napalitan iyon ng pekeng ngiti.Peke itong tumawa. "Ano ka ba. Kalimutan mo na 'yon. Nakaraan na 'yon, Raine," sagot pa ni Tia sabay sampal sa ere.Ngumiti rin si Raine pero hindi iyon umabot sa kanyang mata. Nababaliw na yata ang isang 'to. Akala siguro ni Tia ay magaan lang ang ginawa nitong kasalanan sa kanya.Hangga't nakikita ni Raine si Tia ay nabubuhay ang pagkamuhi niya sa babaeng ito. Ilang beses na siyang inaway ni Crassus dahil lang sa mga kwento nito. Ilang beses na rin siyang naparusahan at umiyak dahil sa kagagahan nito."Miss Tia. Baka po pwede na tayo umalis, andiyan na naman po ang mga fans mo," sabi pa ng bakla sabay nguso sa kabilang kanan.Napatingin sila roon. Kagaya nga ng sinabi nito ay nagsitakbuhan na naman papunta sa kanila ang fans ni Tia. Lumapit sa kanila ang mga security guards. Iginiya sila sa sekretong daan.Napilitan silang Raine na sumunod. Napadpad sila sa sa