Nag - alimpuyos sa galit si Crassus. Kaunti na lang ang kulay ay sasabog na siya. Tinabingi niya ang kanyang ulo habang tinitigan si Raine. "How much do you want?" Crassus stared at Raine and asked her intensely word by word. "Fifty million." Nagtagis ang bagang ni Crassus. "Pera lang ba talaga ang mahalaga sa'yo?" May hinanakit pa ani niya. Ngumiti naman si Raine. "Masisisi mo ba ako? Kailangan ko ng pera. Pinanganak ako ng dukha, at nakaratay pa sa ospital ang Mama ko. Mas importante siya sa akin, Crassus." Parang nilamukos ang kanyang puso. Hindi siya makapaniwala. Talagang hindi iniisip ni Raine na anak din nito ang pinagbubuntis. Anak nilang dalawa. Hindi niya alam kung dapat ba siya magpasalamat dahil hindi talaga ito nabuntis o malungkot dahil nawalan sila ng anak. Kapag nabuhay naman ito ay maging kawawa lang ang bata. Maghahangad ito ng atensiyon sa Mama nito na hindi maibigay ni Raine dahil iba ang nais nito. Mas gusto pa nito na magpalunod sa pera kaysa buhayin a
Paano mo nalaman ang tungkol doon, Mr. De Guzman?" tanong pa ni Crassus, dahilan nang pagkaawang ng labi ng kausap.Napaangat ng paningin ang Direktor. "Sir?"Kumunot ang noo ni Crassus. "Magpaliwanag ka."Napatango si Mr. De Guzman. "Sir, noong Lunes ay nag - half day siya. Akala ko kasi ay dahil sa utos mo kaya hindi na ako nagtanong kung bakit. Kaya pinayagan ko siya. Kasama niya ang kanyang kaibigan na nasa kabilang Department. Kinabukasan, nagulat na lang kami dahil may pumutok na balita tungkol sa kanya. The employees said that she had a miscarriage. She came back from the operation, put the form on the desk, and went to the bathroom. Nakita iyon ng mga kasamahan niya kaya inulan siya ng tsismis."Nahulog sa malalim na pag - iisip si Crassus. Kung totoong nagpalaglag ito, bakit kailangan pa nitong ipagkalat sa office?"You may go," Crassus said in a finality.Napaangat ng paningin ang Direktor. "Po?""I said leave," Crassus frowned irritably.Mabilis pa sa alas kuwatro na nilisa
Nang makalabas na sina Thaddeus at Diana sa apartment ay sabay silang naglakad. Inakbayan ni Diana ang kanyang kaibigan. Hinimas niya ng dahan - dahan ang balikat nito para kahit papaano ay kumalma ito.Gusto niya sana itong tanungin kung anong nangyari pero hindi siya makabwelo. Nasa likod kasi nila si Thaddeus. Saka lang niya ito kakausapin kapag nakauwi na sila.Hindi naman mahirap hulaan kung bakit ito nagagalit. Hula niya ay nag - aaway na naman ito at si Mr. Almonte. Ito lang naman ang may kayang magpasama ng mood ni Raine. Dati kasi kung nagagalit ito ay tatahimik lang ito sa isang tabi tapos mahuhulog sa isang malalim na pag - iisip. Ngayon ay kaya na nitong mag - amok. Medyo nabigla pa nga siya kanina dahil nagdabog pa ito. Kung wala lang siguro si Thaddeus kanina ay baka tuluyan na itong umiyak.Nag - away siguro ang dalawa dahil nalaman ni Mr. Almonte ang tungkol sa pakulo ni Raine. Hindi rin naman niya masisisi ang asawa nito. Medyo napasobra nga sa pagplano ang kaibigan
"We lose the baby."Nabitawan ni Lolo Austin ang kanyang tungkod. Lumagapak iyon sa sahig. Si Crassus naman ay napatungo at hindi makatingin ng diretso. Namagitan sa kanila ang katahimikan. "Hijo, p- paano---""It is true, Lolo," diretsang sagot ni Crassus. Pait siyang ngumiti. "Kanina ko lang nalaman."Natahimik na naman si Lolo Faustino. Lumaylay ang balikat nito at napahawak sa arm chair. Umurong ito para makasandal sa upuan. Parang doon ito humuhugot ng lakas. Si Crassus naman ay halu - halo na ang kanyang nararamdaman. Nasasaktan din siya, kasi anak nila ni Raine iyon. Pero nang makita niya na mas nasaktan si Lolo ay nag - alala siya rito. Lalo na nang makita niya ang reaksiyon ni Lolo Faustino. Naaawa siya rito. Sa kanilang tatlo, ito kasi ang pinaka- masaya nang inanunsiyo ni Raine na nagdadalang - tao ito. Ngayon na hindi pa nito nasilayan ang apo sa tuhod ay nawala na ito. Naintindihan niya ito, dahil simula noong ikinasal sila ni Raine, palagi na ito kumukulit sa kanya at
[Kailan ka babalik, Tina?"]Bumikig ang lalamunan ni Raine nang mabasa niya ang chat ni Lolo Faustino. Nailapag niya ang selpon at napatingala. Saka siya napabuntonghininga. Parang gustong pagsisihan ni Raine na ginalit niya si Crassus. Sa huli ay pati ang kanilang Lolo ay nadamay. Nawalan ito ng kasama at kausap. Hindi niya maiwasang maisip na para ito isang batang paslit na naghahanap ng Ina nito. Hindi naman niya ito masisisi. Halos isang buwan niya itong nakasama sa villa. Noong umalis din si Crassus ay siya ang kasama nito. Sa maiksing panahon ay mas lalong nagkalapit ang kanilang loob. Hinablot ni Raine ang selpon at saka suminghot. Nagtipa siya ng reply para kay Lolo....[Huwag ka po mag - alala, Lolo. Babalik po ako kapag kumalma na ako. Please bear with me. Hayaan niyo po, kapag okay na ay babalik po kaagad ako sa villa. Pangako po 'yan.]Saka niya pinadala ang chat. Nang may pumasok sa isip niya ay muli siyang nagtipa ng panibagong mensahe. ...[Lolo, Friday po bukas. G
A- anong pong ginagawa mo rito, Sir? May hinahanap po ba kayo na libro?" takang tanong pa ni Raine."Uh, I guess?" Napakamot sa ulo si Sir Xhun. Napatingin ito sa suot na libro. "You guys go shopping first, I still have to sign for about fifteen minutes."Natahimik si Raine. Iniisip niya kung ano ang ibig nitong sabihin. Nang mapansin ni Sir Xhun na natahimik siya ay ngumiti lang ito. Saka ito tumalikod sa kanya.Kipkip ang libro, dahan - dahan na naglalakad si Raine para sundan ang dating Propesor. Tinanaw niya ito. Nakita niyang umupo ito sa gitna ng mesa at may pinepermahan na libro. Sa gilid nito ay may nakasalansan na libro na pareho lang ang pabalat at kapal.Bahagyang umawang ang bibig ni Raine. Kung ganoon ay may book signing ito rito?Muli na naman siyang napahanga. Ang talino talaga nito. Parang wala itong bagay na hindi kayang gawin. Panaka - naka ay pinagmasdan niya ito habang namimilo ng libro. Narinig niyang nagsalita mula sa kanyang gilid."Adih, may napili ka na ba?"
Napaisip si Raine. Wala naman masama kung pupunta siya sa firm ni Professor Xhun kaya lang ay biglaan ang pang - aaya nito. Isa pa, driver nito si Athelios. Ayaw niya pa makita ang magaling niya na kapatid. "Sa susunod na lang po siguro, Sir. Baka nakaabala po ako," pagtanggi pa ni Raine. Parang nabasa naman ni Professor Xhun ang utak niya kaya sinabi nitong," You don't have to worry. Hindi ko kasama si Athelios. Mag - isa akong pumunta rito."Napalingon si Diana kay Raine. "Ano?"Napabuntonghininga siya. "Driver niya si Athelios."Natutop ni Diana ang kanyang bibig."So?"Ngumiti si Raine. "Kung okay lang sa kasama ko po.""Okay lang. Wala naman tayo ibang gagawin," pagsagot pa ni Diana. "It's settled. Tara?" Paanyaya pa ni Professor Xhun. Tumagilid pa ito para bigyan sila ng madadaanan.Nagkatinginan naman sila ni Diana. Nang siya ang nauna ay sumunod ito sa kanya. Bumaba sila at binayaran ang napiling libro. Habang pumipila sila para sa counter ay nakatingin sa kanila ang mga ta
Inilibot sina Raine at Diana sa firm ni Professor Xhun. Hindi niya alam kung ilang beses siyang namangha sa tuwing makikita niya ang mga trabahante nito. Talagang focus ito sa trabaho. Napansin nga niyang lumingon lang ito sa kanila pero parang ihip lang ng hangin at bumalik na ito sa trabaho nila. Na para bang hindi sila nito nakita.Kung sana lang ay ganito rin ang mga kasama niya sa trabaho.Pagkatapos nilang maglibot ay nagpasiya sina Raine at Diana na umuwi na. At para hindi magambala sa pagtatrabaho ni Professor Xhun ay hindi na sila nagpahatid. Sumakay sila ng jeep. Hind pa man uminit ang pang - upo nila ay kinausap na siya ni Diana."Raine, alam kong ayaw mong pinapangunahan ka, pero sana naman ay pag - isipan munang mabuti. Minsan ka lang makakakita ng magandang offer na tulad sa Forgatto," pagpapaliwanag pa ni Diana.Napabuntonghininga siya. Lumapit siya sa tainga nito. "Alam ko naman 'yon, Diana. Kaya lang kasi toxic masyado iyong department na napasukan ko. Alam ko naman
Ang pinakatuktok ng gusali ng Forgatto Celestina ay inirenovate. Ginawa itong opisina ng Audit Department. At dahil isa ito sa pinaka - importanteng departamento na sakop Almonte Group of Companies, pinili ni Crassus na itabi ito sa kanyang opisina. Hindi lang Forgatto Celestina ang aasukasuhin ng Audit Department. Lahat na pagmamay - aring negosyo ni Crassus ay saklaw nito kaya importante sa kanya na malaman ang lahat ng bawat galaw ng mga empleyado niya. Kaya mahigpit ang pagpipili ni Mr. Rothan sa mga empleyado dahil isang malaking departmento ang Auditing. Araw - araw ay tumatanggap sila ng interview. Maliban sa kulang pa ang kanilang man power, nahihirapan din sila makahanap ng mga empleyadona angkop sa standards na hinahanap nila. Kaya kahit marami na ang nag - aapply na may mga matataas na katungkulan na sa larangan ng kontadurya (accouting), kaunti pa lang ang kanilang napili.Ganoonpaman, sumubok pa rin si Raine. Dinala niya ang kanyang resume na naka- translate sa salitan
Saglit na natahimik si Raine. Inisip niya ang suggestions ni Diana. "Di ba? Subukan mo lang. Wala namang mawawala sa'yo," dagdag pa ni Diana at ininom ang malamig na ice tea.Hindi sumagot si Raine. Iniisip niya si Crassus. Bagaman ito ang unang kumibo ay hindi pa rin siya masyadong nahimasmasan. Nagtatampo pa rin siya rito lalo na at nag - iwan ng marka ang kamay nito sa braso niya. Hindi naman malubha, pero sapat na sa kanya iyon para mainis at magtampo siya rito.Hind tulad ng dati, madali na ito pakiusapan. Hindi na rin ito satkastiko. Kaya lang ay hindi siya pa handa sa magiging komento nito. Bukod pa roon ay hindi rin alam ni Diana na nagpatranslate na siya kay Crassus ng resume. Nagbigay na nga siya ng ibang kopya niyon kay Mr. Rothan mismo pero hindi niya alam kung natanggap ba nito ang resume niya.Dala ng pagkasabik, tinanggap ni Raine ang ideya ng kaibigan. Kahit na alam niyang suntok sa buwan ang posibilidad na matanggap siya. Maraming mas magaling pa sa kanya, at marami
Simula noong mag - walk - out si Raine sa kwarto ay hindi na sila nagka - imikan ni Crassus. Naputol lamang iyon nang ayain siya nito na kumain ng dinner. Pero hindi niya pa rin ito kinibo. Kahit na noong nasa harap na sila ng hapag - kainan ay panay lang itong pasulyap ng tingin. Mabuti na lamang at nakauwi na si Lolo Faustino. Bahagyang nabuhay ang atmospera dahil sa pag - uusap nila. Pahapyaw rin kung sumabat sa usapan si Crassus. Tinatanong nito kung kamusta ang naging lakad ng Lolo nito. Naunang matapos si Lolo Faustino. Para makaiwas kay Crassus at nagpresenta siya na samahan na pumunta sa kwarto si Lolo. Mabuti nga lang at hindi na ito nagtanong. Hindi na rin siguro ito nagtataka dahil madalas din naman ay inaakay niya ito. Nang nasa bukana na sila ng dining room ay napasulyap siya kay Crassus. Napalunok siya nang makitang nakatitig ito sa kanya habang umiinom ng tubig. Mabilis niyang iniwas ang kanyang mata. Pagkatapos niyang asikasuhin si Lolo Faustino ay pumunta siya s
Tinitigan ni Raine si Crassus. Inaanalisa niya ang sinabi nito. "Importante, paanong naging importante ang initials na 'yon, Crassus?" takang tanong pa ni Raine.Crassus shrug. "I just like it."Muling napaisip si Raine. "Dahil ba sa meaning?" tanong niya ulit. "Iyong dahil ba sa pangalan natin o dahil doon sa Crassus loves Raine?""No, I just want it."Natahimik siya. "Oo nga naman, paano mo ba naman ako maging mahal. May Tia ka pa sa puso mo."Natigilan si Crassus mula sa pagtipa. Napalingon siya kay Raine. "Bakit parati mo na lang siya isinisingit sa usapan?"Nagkibit - balikat si Raine. Iniwasan niya ang mata ni Crassus. Bumigat ang puso niya. Alam naman niya na hanggang ngayon ay may nararamdaman pa ito sa ex nito. Takot lang ito na umamin. "In- denial ka pa kasi," saad ni Raine. Malungkot niyang saad. "Alam ko naman na may nararamdaman ka pa sa ex mo."Inilapag ni Crassus ang laptop sa higaan. "Who told you?""Ako," diretsang sagot ni Raine. B
"What?"Naglapat ng mariin ang labi ni Raine. "Magbibihis lang ako at dapat pagbalik ko rito ay wala na 'yan sa katawan mo. Huwag mo akong hamunin, Crassus," malamig na wika niya.Saka siya umalis sa harap ni Crassus. Pumasok siya sa closet room nila para magbihis. Nilapa niya ang kanyang tote bag sa mesa. Tahimik siyang nagbibihis at nang matapos ay lumabas kaagad siya.Naikuyom niya ang kanyang kamay nang hindi man lang natinag mula sa kinatatayuan si Crassus. Mataman itong nakatitig sa kanya habang nakapamulsa. Nang maanalisa niya na wala itong balak na hubarin ang damit ay mabilis siyang lumapit. Marahas niyang tinanggal mula sa pagkabutones ang suot nito.Pinigilan ni Crassus ang kamay ni Raine. "What are you doing?""Tatanggalin ko ang damit. Ayaw mong maghubad kaya ako na ang gagawa," sagot ni Raine.Hinila nito ang kamay niya. "Bakit ba galit na galit ka?""Huwag ka ng magtanong. Basta hubarin mo na lang iyang damit," hirit pa ni Raine.Pero hindi nakinig si Crassus. Pinigila
Ramdan ni Crassus ang galit sa boses ni Raine. Kalmado man ito pero kitang - niya sa mata nito ang pagkadegusto. Malamig itong nakatingin sa kanya na para bang anumang oras ay kaya nitong manuntok. Crassus face Raine, "Since you knew her intentions were not pure, why did you accept her clothes?" Napaismid si Raine. "Simula nang makilala ako ni Tia, mainit na ang ulo niya sa akin. Palagi niya akong pinapahiya sa harap mo. Ginagawan niya rin ako ng kuwento, tapos magsusumbong siya sa'yo. Ikaw itong uto - uto, naniniwala naman. Hindi mo ba pansin? Halos lahat ng ugat ng pinag - awayan natin ay siya ang mitsa." Napatitig sa kawalan si Raine. "Minsan nga ay napapatanong ako sa sarili ko kung tama ba itong pinasok ko. Palalampasin ko lang sana ang gingawa niya kasi papaano ay naintindihan ko siya. Pero lately ay sumusobra na siya. Kung hindi ko siya papatulan, hindi niya rin ako titigilan. Hinding - hindi niya ako tantanan hangga't hindi tayo maghihiwalay." Natahimik si Crassus. Kinu
Habang kumakain ay napatingin sa pinto si Raine. Nakita niyang pabalik na si Crassus. Hindi ito nag - iisa. May kasama ito na lalaking server.Umupo si Crassus sa tabi niya. Nilapag naman ng server ang tray na may takip. Napatingin siya roon ng may pagtataka. Tinanggal nito ang takip. Nanubig ang bagang niya nang makita niya ang isang mamahaling ice cream na nakalagay sa isang maliit na baso. Kaunti lang ang serving niyon at parang tsokolate ang flavor. May cherry pa ang tuktok nito.Tinitigan niya ng mabuti ang dessert. "Enjoy your meal, Ma'am, Sir," ani ng server saka ngumiti.Ginantihan ito ni Raine ng ngiti. "Salamat."Tumalikod ang server. Dinala nito ang tray. Nang makalabas ito ay napalingon siya kay Crassus."Iyong maliit lang ang inorder ko. Baka sasakit ang tiyan mo at magkasipon kapag napadami ka ng kain," ani pa ni Crassus."A-akala ko galit ka," tanong ni Raine. Napakunot ang noo ni Crassus. "Bakit naman ako magagalit?"Napailing si Raine. "An
Marahas na napabuga ng hangin si Tia. Saka niya dinampot ang kanyang bag. Nilisan niya ang vip room nang hindi nagpaalam kina Raine at Crassus. "What is that?" Napalingon si Raine kay Crassus. "Ang alin?" "That, your speech. Where is that coming from?" Crassus asked. "Uh, from the heart?" Napalunok si Crassus. Hinila niya ang kanyang kwelyo dahil parang nahihirapan siyang huminga. Saka siya tumikhim. At dahil umalis na si Tia. Malaya na silang makapag - usap. "Tinatanong kita ng maayos," saad pa ni Crassus. Lumingon ulit si Raine sa kanya. "Sinasagot din naman kita ng maayos ah?" "Raine." "Ano?" Napipikang tanong pa ni Raine. Ngumuya siya. "Ayaw mo bang kumain? Nagugutom na ako." Marahan niyang pinitik ang noo ni Raine. "Kaya ka tumataba dahil puro ka lamon." Sumama ang mukha ni Raine. "Babe, baka nakalimutan mo na kaunti lang ang nakain ko kanina dahil sa pinaggagawa mo." Tumikhim ulit si Crassus. Pinigilan niya ang sarili na mapangit
Tahimik na nakikinig at nagmamasid kina Raine at Tia si Crassus. Nang marinig niya ang huling sagot ni Raine ay alam niyang may mali. Sinasabi na nga ba niya at may tinatago ang kanyang asawa. Ngayon at kinopromta na ito ni Tia ay hindi niya maiwasang maging kyuryoso. Mabagal niyang hinaplos ang kanyang ilong. Habang nakatingin kay Raine ay hindi maiwasan ni Tia na makaramdam ng suya. Kung wala lang si Crassus sa harap nila ay kanina niya pa ito sinupalpal. Hindi siya makabwelo dahil katabi nito ang ex bf niya. Gusto niyang mapanatili ang good impression nito sa kanya kaya kailangan niyang magpigil. Mababalewala ang pinaghirapan niya kung magpapadala siya rito.Kaya lang, hirap siyang magpigil. Kaya napagsalitaan niya pa rin si Raine. Hindi siya papayag na mapahiya sa harap ni Crassus.Pekeng ngumiti si Tia. "Girl, what do you mean? It's three naman talaga. Bakit ako pa ang tinatanong mo? I'm the one who order it so siyempre alam ko kung ilang letra ang naka - burda riya