I sat on the kitchen chair and silently scooped for my food while I was surrounded by six maids. Naghihintay sa mga maaari kong iutos o ipakuha.
Habang nginunguya ang pagkain sa bibig ko ay hindi ko naiwasang pagmasdan ang mga nakakalat na armadong tauhan ng asawa ko. Isang hilaw na ngiti ang aking pinakawalan at marahan na napailing.
Tulad nang sinabi ko, hindi na ito bago sa akin. Isang boss ng pangkat ng mafia si Valjerome kaya naman napakarami niyang tauhan dito sa mansion; tagaprotekta at tagapatay.
"Be ready."
Nakuha ng boses ng asawa ko ang aking atensyon. Lumingon ako sa kanya at nakita siya na seryosong naglalakad papunta sa pwesto ko. Nakadamit na siya ngayon nang maayos, isang puting vneck shirt at faded maong pants. Gusto ko pang matawa sapagkat kung umakto siya ay para bang wala siyang ginawa ni anong kasalanan sa akin.
I continued eating my food. "For what?" tamad kong wika.
Umupo siya sa katabi kong upuan at sinimulang ayusin ang kanyang pagkain. "It's my parents' anniversary. There will be a masquerade ball and they want us to be there," pormal niyang ani at nagsimula na ring kumain.
Simpleng tango na lang ang ginawa ko at tahimik na sumabay sa kanya. Ganito kami palagi tuwing magkasama. Tila ba estranghero sa isa't isa kahit pa ang totoo ay mag-asawa kaming dalawa.
"Ipahahatid ko sa 'yong silid ang susuotin mo." Tumingin si Valjerome sa akin habang pinupunasan ang kanyang labi.
Tipid na tango lang ang itinugon ko at saka uminom ng tubig sa 'king baso. He was about to stood up from his seat when I lazily leaned against my chair and spoke.
"Are we going to pretend that lovey dovey couple thing again?" I asked sarcastically.
I saw his jaw clenched as he looked at me. "We're leaving at 11pm," he said instead of answering and then left me alone in the kitchen.
Yeah, they were like that. Celebrating at midnight time.
Peke akong tumawa at napailing. "Sana palaging may party," bulong ko sa 'king sarili habang iniisip na ro'n lang umaayos ang pakikitungo niya.
WEARING a gold backless dress with a plunging neckline pair with my silver stilettos, I walked down the staircase confidently. Sa dulo niyon ay naghihintay si Valjerome na mariing nakatitig sa 'kin. Kung hindi ko siya kilala ay iisipin kong name-mesmerized siya sa awra ko.
I cleared my throat when I am finally in front of him and averted my eyes, awkwardness suddenly filled my thoughts.
"Let's go," pagpapatibay ko sa 'king boses at asta siyang lalampasan nang natigilan ako sa maingat niyang paghawak sa braso ko.
I glanced at him. He was staring at me as if he was memorizing all the sides of my face. Nahigit ko ang aking hininga nang mabagal siyang lumapit at hinawi ang ilang hibla ng buhok ko sa aking leeg. Lalo pa akong nanigas sa pagkakatayo nang marahan na tumagilid ang kanyang ulo patungo sa 'kin.
What is he doing?
Hindi ko na napigilan na mapapikit nang tumama ang kanyang hininga sa leeg ko. May kung anong kiliti iyong idinudulot sa aking sistema na nakapaninindig ng balahibo ko. Dumilat lamang ako nang naramdaman ko ang munting lamig na dumapo sa itaas ng aking dibdib—isang kwintas.
Ilang beses pa akong napakurap at hindi makapaniwalang tumitig doon. Valjerome distanced himself and looked at me emotionless.
"A-Ano 'to?"
His forehead knotted and glanced on the necklace he just put. "Don't you know what's that?" he asked in sarcastic tone.
Ang kaninang kaba at alangan kong nararamdaman ay unti-unting nawala. I rolled my eyes at him and stared again on the necklace.
"Thanks," I said simply despite of my hundred thoughts.
It was just a simple diamond infinity necklace, but it really means a lot to me.
This was the first time he bought something for me for all those years that we'd been married. Madalas ay pera lang ang idinedeposito niya sa bangko ko at hinahayaan akong mamili sa gusto kong bilhin.
"Erase that smile of yours. Don't misunderstood that thing. Binili ko lang 'yan para maging agaw pansin at maipakita na binibigyan kita ng mga regalo bilang asawa ko. Let's go."
Ang kanina kong ngiti ay gano'n kabilis napawi nang narinig ang sinabi niya. Pinanuod ko siyang maglakad palabas ng mansyon. Pagak akong tumawa at tumingala para pigilan ang nagbabadya kong luha.
"Yeah right, Jazzie. What do you expect from your ruthless husband?" I murmured to myself and followed him.
Tahimik ang naging byahe namin sa loob ng kanyang limousine. Parehong nakatanaw sa magkabilang bintana at hindi kinikibo ang isa't isa.
"Huwag kang lalayo sa akin kapag dumating tayo ro'n," he said coldly as he remained his stare outside the window.
"Okay," tipid na tugon ko at isinandal ang aking sarili sa upuan.
I am still tired, but I need to do this for his parents. Hindi ko maiwasang mapangiti sa aking isip habang inaalala kung gaano kabuti sa akin ang mga magulang niya. I am an orphan, my father and mother died due to a car accident. Valjerome's parents were the one who adopt me. Pinakain, dinamitan, pinaaral at marami pang iba. Noon pa man ay hindi na lingid sa aking kaalaman ang organisasyong pinatatakbo nila, masama man iyon para sa iba ay hindi ko iyon matingnan sa gano'ng paraan. Paano ko magagawa iyon gay'ong sila ang sumalba at nagbigay direksyon sa buhay ko?
Ilang minuto pa nga ay nakarating na kami sa event hall. Isinuot ko ang aking kulay gintong maskara na kalahati lang ang hagip sa mukha ko bago pa man ako lumabas ng sasakyan, gano'n din ang ginawa ni Valjerome at saka namin tinahak ang daan papasok nang magkasama. His right hand was wrapping around my waist possessively as if he was showing to everyone that I am his. Hindi man nakikita ang kabuuan ng mukha namin ay nahakot pa rin namin ang mata ng madla, marahil ay gano'n na lang talaga kalakas ang dating ng presensya niya. Mula sa upuan ng mga VIP ay mabilis na tumayo ang mga magulang ni Valjerome lalo na ang kanyang ina at saka kami sinalubong.
"Hija!" puno ng galak na tawag niya saka ako hinalikan sa pisngi, hindi man lang iniintindi ang anak niya sa tabi ko.
"Happy anniversary, Mama," tipid kong sambit at nginitian siya pabalik.
"Salamat. Walang kupas ang ganda ng katawan mo, hija. Hindi ko tuloy masisisi ang paninitig ng mga kalalakihan dito sa 'yo," namamangha na tudyo ng ginang.
Nakisabay na lang din ako sa pagtawa niya kahit pa ramdam ko ang madilim na awra ng asawa ko.
"Dyrhaia, bakit hindi mo muna sila paupuin nang makakain na sila," usal naman ng tatay ni Valjerome at tipid akong tinanguan.
I bowed my head as respect and smiled a little.
"Bakit ba ang tagal niyo? Akala ko ay hindi na kayo pupunta," pagkausap ni Mama kay Valjerome.
He let out a chuckle and kissed his mother's cheek. "I'm sorry, Mom. Pinagpahinga ko muna po kasi ang asawa ko bago kami pumunta rito. Katatapos niya lang sa photoshoot niya kanina," mahinahong paliwanag niya at saka hinigpitan ang pagkakapulupot ng kanyang kamay sa 'king bewang.
I tried hard not to roll my eyes.
"We're still not late after all. Speech niyo lang naman ang nalampasan namin," he added, teasing his mom.
I always see this side of him every time we're with his parents, but I am still in dazed everytime he smiled.
"Sige na. Maupo na kayo at kumain," paanyaya ng ama ni Valjerome.
Agad naman naming sinunod ang kanyang gusto. Naupo kami at kumain ng light snacks habang naroon ang munting kwentuhan sa pagitan namin ng kanyang mga magulang. As usual puro buhay naming mag-asawa ang itinatanong nila.
"Kailan niyo ba kami bibigyan ng apo, hija?" nakangiting usisa ng ama ni Valjerome na naging dahilan ng pagkasamid ko sa sariling laway.
Mabilis akong binigyan ng tubig ni Valjerome at hinagod nang marahan ang aking likod.
"Okay ka lang, hija?" nag-aalalang tanong ni Mama.
I nodded and tried to smile. "Okay lang po," tugon ko at umayos sa pagkakaupo.
"Ano ka ba naman, Civor? Binibigla mo naman ang mga bata," pamumuna ni Mama kay Papa.
Bahagyang umawang ang labi ni Papa at napatingin sa aming dalawa ni Valjerome. Hindi ko alam kung ano ang reaksyon ng asawa ko, ang alam ko lang ay nakamasid siya sa akin bagamat hindi ko siya tinitingnan.
"Mahigit dalawang taon na silang mag-asawa, Mahal. Oras na para bigyan nila tayo ng apo," tudyo ni Papa.
Pinamulahan naman ako ng mukha dahil doon.
"Next month."
Pare-pareho kaming napatingin kay Valjerome nang seryoso siyang umimik.
I raised an eyebrow at him.
What is he talking about?
I was caught off guard when he suddenly pulled my nape for a deep kiss. Parang sasabog ang puso ko sa bilis ng tibok niyon sa bawat pagdampi ng labi ni Valjerome sa akin. Nakakahibang, nakakapanghina.
He slowly broke his kiss and sharply looked around before sitting back on his seat. "Expect your apo next month," usal niya na tila napakadaling bagay lang iyon at saka sumandok sa dessert na nasa harapan ng kanyang plato.
My mouth parted with disbelief. Mas lalo pang nag-init ang mukha ko sa pag-iisip sa kanyang sinabi.
Oh ghad! Tell me he's just acting.
The party goes on. Nagsimulang magsayawan ang mga dumalong magkakapareha kasabay nang pagsasayaw ng mga magulang ni Valjerome. Hindi ko maiwasan na mapangiti at mainggit sa mag-asawa. It's their 50th anniversary today, yet the love in their eyes were still intact."You're drinking too much," bulong ng isang malalim na boses sa gilid ko.I slowly glanced at him and smiled. "Pati ba naman ito ipagbabawal mo rin?" Pagak akong tumawa at naiiling na nilagok ang shot ng whiskey na aking hawak.Lasing na nga siguro ako dahil nasasagot ko siya nang pabalang na walang kaba na nararamdaman. Ganito naman palagi kapag tinatablan ako ng alak. Para bang isa iyong pinto na binubuksan ko mula sa silid na pinagkakulungan ko.Hindi ko alam kung pang-il
Despite of my loneliness, I still forced myself to prepare a dinner date when the night came. Hoping that he'll celebrate with me on this special day.Nang nakuntento sa gayak ng kusina ay napagdesisyunan kong umakyat muna sa kwarto para magpalit ng damit. Somehow, I felt a little excitement as I search for a dress.Kinuha ko ang isang pinkish na above the knee tube dress at dinala ito patungo sa banyo. I took a shower and fixed myself after. Naglagay ako ng powder sa mukha at kaunting liptint sa 'king labi bago ako dali-daling kumilos nang narinig ang pagdating ng sasakyan ni Valjerome.Kinakabahan man ay hindi ko maiwasan na mangiti, iniisip na tumagal pa rin kami ng ganito katagal sa kabila ng turing niya sa akin.Naglakad ako patu
"Ikaw lang 'ata 'yong nakapahinga sa trabaho na hindi masaya," puna ni Azy nang inaayusan ako ng mga make up artist.I rolled my eyes and didn't bother to talk. Kahit ilang araw na ang lumipas ay hindi pa rin mawala ang sakit sa dibdib ko kapag inaalala ang nangyari noong anniversary namin ni Valjerome."By the way, alam mo naman, 'di ba?" muling pagpukaw ng pansin sa 'kin ni Azy.My forehead knotted as I glanced at him. Waiting for his continuation."May makakapareha ka sa shoot ngayon," aniya."What?!" mabilis kong sambit.Napaawang naman ang labi niya at namewang sa harapan ko. "Don't tell me hindi mo na naman binasa mga messages
"N-Next," alanganing sambit ng photographer habang pilit na nakangiti sa amin ni Chaos.Sino'ng hindi kung nakatayo sa gilid niya ang asawa ko na may matatalim na tingin sa katabi kong lalaki? Hindi ko nga alam kung photoshoot pa ba ito o pagninilay dahil sa sobrang tahimik. Halos mga galaw lang namin at tunog ng shutter ng camera ang maririnig mo sa paligid. Tila lahat sila ay nakikiramdam sa maitim na awrang nakapalibot kay Valjerome. Maski ako ay hindi makaporma nang maayos dahil sa kaba tuwing mapupunta sa akin ang paningin niya.What? Siya naman ang nagdesisyon na ituloy ang shoot kaysa pag-date-in kaming dalawa tapos kung tumingin siya ay parang kasalanan ko."You're too stiffed," the guy beside me spoke as he encircled one of his hand around my waist for our next pose.
"Fvck!" isang malutong na mura ang pinakawalan ni Valjerome nang itinulak ko siya at binigyan nang malakas na sampal.Asta akong aalis sa kanyang hita nang mabilis niya akong hulihin at ipirmi sa p'westo."You will never get away from me," umiigting na panga niyang sabi.I laughed sarcastically and glared at him. "Fvck.You." Nagsimulang mag-init ang sulok ng mga mata ko kaya naman iniiwas ko ang tingin sa kanya."Should we try?" he said coldly.Mabilis kong ibinalik ang paningin ko sa kanya at asta siyang sasampalin muli, ngunit agad niyang nahuli ang kamay ko sa ere bago pa man iyon dumapo sa pisngi niya."I won't let you hurt me a
"Valjerome, let me go! Ano ba? Saan mo ba ako dadalahin?" Pilit kong hinahablot ang braso ko mula sa pagkakahawak niya.Kalalabas lang namin ng kotse at agad niya akong kinaladkad papasok ng bahay. Ramdam ko ang gigil niya base na rin sa mariin niyang paghawak sa akin.Bahagya niya akong itinulak sa hagdanan at tumuro sa itaas. "Go to your room!" his voice echoed all over the house.Ramdam ko ang takot ng mga katulong at tauhan niya. Sino'ng hindi? Ito ang unang pagkakataon na nagalit siya ng ganito."Ano ba'ng problema mo?!""I said fvcking go to your room, Jazzie! Huwag mong pinapainit ang ulo ko!"I scoffed and laughed sarcastica
I kept blinking as I stared at the ceiling. Hindi ako makapaniwala na nakahiga ngayon sa tabi ko si Valjerome, higit sa lahat ay hindi ko kailanman naisip na magigising ako sa bisig niya.He's freakin' hugging me.Nahigit ko ang aking hininga nang naramdaman ko ang paghigpit ng braso ni Valjerome sa akin at mas lalo akong inilapit sa katawan niya."You wake up early," namamaos na wika niya habang isinisiksik ang mukha sa leeg ko.Pakiramdam ko ay maaalis ang puso ko sa 'king dibdib sa lakas ng kabog niyon. I cleared my throat and tried to speak with my quivering lips."Sikat na ang araw, Val," mahina kong saad.He just humm
"Good morning, Sir," magalang na bati ng mga tauhan ni Valjerome sandaling pumasok kami ng kumpanya.Nakita ko ang panunuri sa mga mata nila nang dumapo sa akin ang kanilang paningin, tila kataka-taka ang presensya ko kasama ng amo nila. May iba rin naman na pasimpleng nagbubulungan, marahil ay nakita nila sa balita ang isyu tungkol sa amin.Valjerome didn't bother to greet back. He just continued walking like he heard nothing from everyone. Tahimik lang naman akong sumunod habang nasa likuran namin sina Jaime at ang ilan sa kanyang mga tauhan.Peke akong ngumiti at tumingin sa nilalakaran ko. Sa ilang segundo, umasa ako. Umasa ako na opisyal niya akong ipapakilala rito sa kumpanya bilang asawa.Sino ba'ng niloloko ko?
"Gift for your wife?" Jaime, one of my trusted men, casually spoke while driving the car.Tipid akong tumango at muling tumitig sa hawak kong kwintas. "For our wedding anniversary," I said lowly and forced a smile.And she'll never know..."You will confess?" he asked again.I chuckled emptily and put back the infinity necklace on its box. "Alam mong hindi ko magagawa iyan sa ngayon," saad ko.Hindi na naman siya umimik pa at itinuon na lang ang atensyon sa pagmamaneho. I looked outside the car window and smiled sadly.A day from now, it's already our third year anniversary, my wife.***IT'S almost 12midnight when we reached my parents' party. I automatically snaked my arms around her, marking my wife at everyone's eyes as we took our way in.She's mine.I am always thankful every time we need to show up at my parents'. It's the only moment I could freely touch her, the split
"You are wasting your time by calling him in your mind, Jazzie. Nalinlang ko na ang grupo ng dati mong asawa sa ibang lugar. Kung sakali man na mahanap niya kayo rito, isa na lamang kayong mga bangkay," Chaos spoke coldly."Why?" namamaos kong tanong at saka tumingin sa kanya. "I trusted you, Chaos," I said weakly.He smirked. "That's the plan, Jazzie. Ang pagkatiwalaan mo ako," aniya.Marahan akong umiling at pagak na nagpakawala ng tawa. "Is this necessary, Chaos? Kailangan ba talagang idamay ang anak ko sa paghihiganting gusto mo? Niyo ng pamilya mo?""My sister died in front of me, Jazzie. She shot herself," he stated."She killed herself. Your sister was the one who took her life, Chaos. Not me, not my son, not Valjerome either!" I snapped out of frustration.Chaos clenched his jaw. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang muling pag-angat ng baril ng matandang Hevion patungo sa direksyon ko. Pinigilan lang iyon ng asawa niya at sinen
Valjerome's men couldn't do anything when the van took me. Hindi sila makabaril ng basta dahil na rin nasa loob ako ng sasakyan."Dala na po namin siya," ani ng isa sa mga nakasakay habang hawak ang isang telepono.Nasisiguradong kong si Chaos ang kinakausap niya. Tahimik na lang ako na bumuntonghininga at saka sumandal sa upuan. Hindi ako nanlaban o gumawa ng kahit anong gulo. Bukod sa wala akong lakas para doon ay alam kong walang silbi kung gagawin ko pa ang mga iyon. In the first place, I chose this.Ramdam ko ang pagmamasid ng mga lalaking kasama ko, kung mabantayan nila ako ay para bang may kaya pa akong gawin sa mga oras na ito. I mentally shook my head and forced a smile.Isa lang naman ang kaya kong gawin ngayon, iyon ay ang ipaalam ang lokasyon ko kay Valjerome.I bit my lower lip when I felt my phone vibrated on my thigh. Nakatago iyon at sinigurado kong hindi mahahalata ng kung sinuman. Sa mga oras na ito, alam kong alam na ni Valjerome
"V-Val..." nanghihina at garalgal na tawag ko kay Valjerome nang pumasok ako sa mansyon.Agad niya naman akong sinalubong at niyakap. "It's okay, everything will be okay," pang-aalo niya habang hinahaplos nang marahan ang buhok ko.I shook my head. "Kasalanan ko... kasalanan ko," paulit-ulit kong sambit at sumubsob sa dibdib niya dulot nang panghihina.Tuluyan nang lumandas ang mga luha ko. Hindi ko mawari kung paano iyon nagawa ni Chaos sa akin, sa amin ng anak ko—sa batang itinuring siyang tunay na ama."D-Dapat ay hindi ko iniwan si Erom tulad nang nakasanayan ko," bulong na anas ko sa pagitan ng aking mga hikbi."Ssshh. Don't blame yourself, Jazzie," usal ni Valjerome.Muli akong umiling at saka mabagal kumalas mula sa yakap niya. Gamit ang nag-uulap kong paningin ay tinitigan ko siya."Hindi ko na kaya, Val. Hindi ko na kayang mawalan ulit ng anak," puno ng hinagpis kong wika.He looked at me softly and then pulled m
"Papa!" galak na pagtawag ni Erom kay Chaos pagkapasok namin ng opisina niya.He ran into Chaos and gave him a hug. Natawa naman si Chaos at yumakap pabalik kay Erom. Napangiti na lang din ako saka mabagal na naglakad palapit sa kanila.Damn, it hurts.That insatiable Mafia Boss!"Did you miss me?" tanong ni Chaos habang karga si Erom sa hita niya.Mabilis namang tumango si Erom bilang tugon at saka siya pinatakan ng isang halik sa pisngi."How are you po, Papa?" pangangamusta ng anak ko.I sat on the visitor's chair and watched them talked. Wala sa sarili akong napatitig kay Chaos nang naalala ko ang sinabi ni Valjerome kaninang madaling araw.Anak siya sa labas?Sa anim na taon na nagkasama kami ni Chaos, hindi niya kailanman nabanggit ang tungkol doon. Maski ang pamilya niya ay hindi niya rin palaging nakukwento sa akin. Minsan ko silang nakaharap noong nagkaroon ng salu-salo sa condo ni Cha
Alas tres na ng madaling araw pero gising pa rin kami ni Valjerome. Nakahiga ako sa balikat niya habang nakayapos naman ang kamay niya sa akin. Pareho kaming nakatitig sa kisame; nag-iisip, nakikiramdam."Hindi ka ba... nagsisisi?" aniya sa mahinang boses.Kunot-noo ko naman siyang tiningala. "Nagsisisi? Saan?"Malamlam siyang tumingin sa akin at saka banayad na pinalis ang aking takas na buhok gamit ang isa niyang kamay. "Sa nangyari sa atin... ngayon," tugon niya.Hindi ko naiwasan na irapan siya. "You already took me six times, Valjerome. Kung nagsisisi ako, sana sa pangalawang beses pa lang umayaw na ako."His lips curled up. "You counted it?" manghang tanong niya.Nag-init ang aking pisngi sa kahihiyan. "H-hindi ko binilang. Natatandaan ko lang," ani ko.He let out a soft chuckle and hugged me closer. "I love you," he said sincerely."I... love you too," nahihiyang pag-amin ko."I love you," ulit niya at hinalikan a
After scooping me from my seat, he carried me towards his room. Maingat niya akong inihiga sa kanyang kama saka namumungay na tinitigan."Are you sure about this?" he asked, voice in controlled.Pakiramdam ko ay nanuyo ang lalamunan ko para sumagot, hindi dahil sa kaba kundi dahil sa init na nararamdaman ko ngayon habang nakikita siyang nakatitig sa akin."Why? You don't want me anymore?" I did the reverse card.I saw him gritted his teeth. "You're manipulating me." He then slowly crouched on my top.Marahan akong napapikit nang palandasin ni Valjerome ang kanyang daliri sa pisngi ko, paibaba sa 'king leeg hanggang sa tuntunin niyon ang aking dibdib."Are you... coming back into my life?" namamaos na tanong niya at sinimulang tanggalin ang unang tipay ng suot kong pantulog.I groaned when the tip of his finger brushed on my skin. "Valjerome..." I called desperately, eyes closed.Daig ko pa ang sinusunog sa nararamdaman kong ini
It's already 11pm, yet I am still awake. Magdamag akong tulala, nagkukulong sa 'king silid. Nakatulog na ang anak ko sa paulit-ulit na pagtatanong sa akin kung maayos lang ako. I kept saying that I'm okay, but who am I fooling? Hindi ko rin hinarap si Valjerome nang minsan niya akong katukin sa silid para kumain, si Erom lang ang pinalabas ko para sumunod sa kanya.My mind was messy. I don't know what to think anymore. Daig ko pa ang nagpa-flashback ng mga memorya sa isip ko.Why, Valjerome?Isang buntonghininga ang pinakawalan ko saka nagdesisyong bumangon upang uminom ng alak sa ibaba. Walang nakakalat na tauhan sa paligid, ngunit gano'n pa man ay alam ko na palihim silang nagbabantay. Nagtungo ako sa mini bar at kumuha ng alak doon. Sunod akong pumunta sa ref para kumuha ng yelo, nang nakuha ko na ang lahat ng kailangan ko ay muli akong bumalik at naupo sa bar stool chair. Nagsimula akong magsalin ng alak at diretyo itong nilagok. Gumuhit ang pait sa
It's been an hour since we got home. Gano'n rin katagal na palihim kong pinanunuod si Valjerome at 'yong babae sa ibaba mula sa ikalawang palapag kung saan ako nakatayo. Jaime was also there. Kung pagbabasehan ang nakikita ko ay para bang malapit sa kanila ang babae.I bit my lower lip when Valjerome smiled at her, then lowered his gaze to her tummy. Malayo man ako ay kita ko ang banayad niyang paninitig doon. Pakiramdam ko ay may kung anong guwang iyong idinulot sa tiyan ko.Elle...That's her name. Noong ipinakilala siya sa akin ni Valjerome kanina ay hindi na agad ako mapakali. Aaminin kong naghintay ako ng iba niya pang sasabihin; kung kaibigan niya ba ito, katrabaho, karelasyon o... ina ng magiging anak niya. But that didn't come. Hindi rin ako sigurado kung makakaya ko bang marinig sakaling kumpirmahin niya ang hinala ko kaya naman namaalam agad ako na iaakyat ko si Erom sa kwarto para makapagpahinga.I let out a deep sigh and decided to go