ADRIANNA
"Mabuti na lang at ganyan lang ang nangyari sa'yo."
Mahigpit ang kapit ko sa unan at tinitiis na huwag magreklamo sa kaunting sakit na nararamdaman. Maingat ang nurse sa pagtatahi ng natamo kong sugat sa balikat. Hindi naman ito masyadong malalim pero may nararamdaman pa rin akong hapdi kahit na may anesthesia na.
Nanonood si Inspector Fajardo at kanina pa ako tinatanong tungkol sa nangyari. Malaki ang pasasalamat ko at kaagad na dumating ang mga nurse nang pindutin ko ang call button. Kaagad nilang tinawagan ang pulisya para maaresto ang pasyenteng lalaki.
Iyon nga lang ay nagawa pa nito akong saksakin sa balikat. Buong akala ko ay may mangyayaring masama na sa'kin nang makita ko ang walang tigil na pag-agos ng dugo sa balikat
ADRIANNA Lumipas ang dalawang araw na hindi pa rin nagigising si Jensen. Kadalasan sa mga taong nasa sitwasyon niya ay gising na ngayon. Hindi gano'n kalala ang head injury niya kaya dapat ay noong nakaraang araw pa siya nagising. Nagkaroon din naman ako ng head injury pero kaagad din akong nagkamalay. Ang sabi ng doktor ay baka gigising na rin siya kung hindi man bukas ay sa makalawa. Paulit-ulit akong nagdadasal na sana ay maging maayos na siya. Hindi kasi ako mapakali sa tuwing nakikita ko siyang wala pang malay. Pakiramdam ko ay nasa malalang sitwasyon siya at nahihirapan sa kalagayan. Nagpasya akong umuwi muna sa bahay para kumuha ng gamit at dalhin sa ospital. Sa pagkakataong 'to ay siniguro ko nang may magbabantay na nurse sa kaniya. Nababahala pa rin kasi ako sa nangyari sa ospital
ADRIANNA "Thank God you're finally awake." Hindi ko maiwasang matuwa ng sobra sa katotohanang gising na ang kapatid ko at mukhang maayos na ang lagay niya. Iyon nga lang ay binalaan pa rin siya ng doktor na huwag masyadong malikot dahil baka magkaroon ng komplikasyon ang mga natamo niyang hiwa at saksak sa katawan. Sa sobrang galak ko kanina ay muntik ko na siyang madaganan at niyakap ng mahigpit. Wala na akong pakialam kung magalit pa siya sa'kin, basta masayang masaya ako na nagising na siya. Buong akala ko kasi ay sa susunod na araw pa siyang magkakaroon ng malay. Mabuti na lang at dininig ng Diyos ang walang sawa kong pagdarasal. "These shits are making me uncomfortable," he said while frowning.
ADRIANNA "Hanggang kailan ako sa ospital na 'to?" Inilapit ako ang tray sa paanan ni Jensen para makain niya ang pagkaing inihanda ko sa kanya. Gusto ko sanang subuan na lang siya para hindi na gaanong mahirapan pero tulad ng inaasahan ko ay nainis lang siya sa ideyang 'yon. Hindi naman daw kasi siya bata o walang kamay para gawin ko pa 'yon. Tumitig siya sa inihanda kong fried chicken, rice, crab soup at tubig. Kadarating ko lang kasi galing sa bahay at naisipan ko siyang lutuan ng tanghalian kaysa bumili sa mga fast food chain. "Kain na," sabi ko. Tamad niyang kinuha ang kutsara at tinidor saka malamyang kumain. Hindi ko alam kung wala lang ba siyang gana o hindi siy
ADRIANNA Mainit pero mahangin sa talahiban. Sinikop ko ang aking buhok at tinali ito para hindi makaabala sa'kin. Malawak ang talahiban at nakakatakot itong pasukin. Tamang tama para sa mga gustong magtapon ng bangkay rito. Masukal at liblib masyado. Siguro ay mas nakakatakot maglakad rito tuwing gabi. Pinanood ko ang pamangkin ni Chief Esguerra na maglakad patungo sa talahiban. 'Di kalaunan ay sinundan ko siya at naging maingat sa dinadaanan dahil baka may ahas pala rito. Dapat ay umalis na lang ako at bumalik sa ospital. Kahit ako ay naguguluhan kung bakit ako sumusunod sa lalaking ito. "Saan ka ba pupunta?" Tanong ko pero hindi niya ako sinagot. "Hoy, pamangkin ng chief of police," tawag ko sa kanya kaya nilingon niya ako. "I
ADRIANNA It took almost a month when Jensen was finally discharged from the hospital. Hindi pa tuluyang naghihilom ang mga tahi niya pero ang sabi naman ng doktor ay maaari na siyang umuwi at sa bahay na lang magpagaling kung ayaw na niya sa ospital. Palagi niya rin kasing tinatanong sa'kin kung kailan siya pwede nang lumabas. Inalalayan ko siya pag-uwi namin sa bahay. He's acting fine but I know that he's still in pain. Ayaw niyang inaalalayan at palaging tinatanggihan ang mga alok kong tulong. Hinahayaan ko na lang siya pero sinisiguro ko pa rin na maayos ang pakiramdam niya. Kahit ayaw niyang pumasok ako sa kwarto niya ay ginawa ko pa rin at inayos ito habang nasa sala siya at kasama ang inuwing tuta. Pinalitan ko ang bed sheet ng kama niya pati na rin ang mga pillow case at kumot. Bumab
ADRIANNA "Can you drive slowly?" Halos lumipad na ang kaluluwa ko sa bilis ng pagmamaneho ni Daven. Idagdag pa na nakakatakot siyang mag-overtake. Mahigpit ang kapit ko sa upuan ng passenger seat at baka kung hindi lang ako naka-seat belt ay kanina pa ako tumilapon sa dashboard. Ang kasama ko namang demonyo sa pagmamaneho ay parang walang pakialam. Dapat ay kanina pa ako nakauwi pero dahil sa masamang balita tungkol sa ama ni Denmark ay nagpasya akong sumama sa kanya para puntahan ito. Mabuti na lang at hinayaan niya na lang ako dahil sa pagmamadaling umalis. Ang masama nga lang ay parang nasa isang car racing kami at isang racer si Daven na ayaw magpatalo. Kung alam ko lang na ganito siya mag-drive ay hindi na lang sana ako suma
ADRIANNATumingin ako sa salamin habang tinitrintas ang aking buhok. Inayos ko ang aking soot na blouse pagkatapos itrintas ang buhok ko. Sinoot ko ang aking nameplate at kinuha ang bag sa kama bago lumabas ng kwarto at puntahan si Jensen sa kwarto niya.Mag-a-alas sais pa lang ng umaga kaya naman hindi na katakataka kung naabutan ko siyang tulog pa. Nakita ko si Conan na mahimbing din ang tulog sa gilid ng kanyang kama. Inayos ko ang kumot niya at hinimas ang kanyang buhok. Ayoko na kasing gisingin pa siya dahil alam kong magagalit siya kapag ginawa ko 'yon.Hinalikan ko siya sa noo bago lumabas sa kwarto. Sinoot ko ng maayos ng aking backpack at sinigurong naka-lock pinto at gate ng bahay bago tuluyang umalis. Pagkatapos ng mahabang pagliban ko sa school ay ngayon ko lang napagpasyahang pumasok
ADRIANNAAlas kwatro ng hapon nang makauwi ako sa bahay galing sa school. Pabagsak akong umupo sa sofa ng living room at hinubad ang soot kong backpack. Napagod ako ng husto sa paggawa ng mga projects kahit na nakaupo lang ako buong afternoon class sa library. Sumasakit din ang ulo ko dulot ng matinding pag-iisip kanina.Ilang minuto akong nagpahinga sa sofa nang makarinig ako ng kalabog sa kusina at pagtahol ng tuta. Tumayo ako at naglakad patungo roon. Naabutan kong pinapakain ni Jensen si Conan habang may iniinit sa microwave. Tumungo ako sa ref at kumuha ng makakain saka inilapag iyon sa island counter."Kamusta ka naman?" Tanong ko sa kapatid ko."Fine," matipid niyang sagot na hindi ako tinatapunan ng tingin.
[EPILOGUE]DAVENLife really moves in a mysterious way. No one can tell what would be their fate. Everything can be changed and what is already written to every life cannot be rewrite again. Sa bawat buhay na isinisilang sa mundong 'to, may nakahanda ng tadhana para sa kanila at hindi na 'yon mababago pa.When I was a child, I thought that happiness would always be there. That in every problem, there is always a solution. In every chaos, there is peace. But as I grew up, I gradually realized the meaning of life. All the happiness can be replaced by grief, and all grief can be relieved by new joyful things that will come.I realized that in every struggle, a person always has his or her choice. Nasa tao na lang kung ano ang pipiliin niyang daan. Maraming
DAVENRage is the emotion that rises up inside me right now. The eagerness of smacking Adrianna's head on the wall is all over my system. I feel like I want to hurt her so badly to the point that I'm gonna kill her and no one could ever recognize her appearance anymore. But these ties are keeping me from doing that.If only I could untie them with all of my strength, I will do that even if I get hurt. Adrianna's presence, her voice and movements are making me push myself more to my limit. Parang ngayon ay gusto ko na lang wasakin ang dignidad ko maibigay lang sa babaeng 'to ang kung ano mang nararapat sa kaniya.She's a monster. Isang demonyo na nagkatawang tao para makagawa ng kasamaan sa mundong 'to. Kung titingnan ko siya ngayon ay ibang-iba na ang nakikita ko sa kaniya. She has an innocent lo
ADRIANNA"Are you awake?"Naglakad ako palapit kay Daven na nakaupo sa tabi ng kapatid ko. Unlike my brother who has bruises and wounds, Daven is completely fine. Jensen fought me back and even though I don't want to hurt him yet, he left me no choice.Daven's eyes are not focused. Dala ito ng pampatulog na in-inject ko sa kaniya kanina. I tied him on the chair next to Jensen. My brother did nothing but look at him. Now, they're both hopeless. This will be my victory."Ayoko pa sanang gawin 'to, kaya lang……" inangat ko ang ulo ni Daven. "My hands are itching to kill you."The look of being betrayed, rage, regret and disappointment. His piercing brown eyes reflect a
ADRIANNAI am not sick.That's what I'm always thinking to myself. I'm not totally aware of my own illness. I feel like there are two types of me. The one that I have since I was born and often shows to other people, and the one that was just created by my own emotions. The latter, however, is a dangerous one.It all started when my stepfather tried to kill me. Sobrang takot na takot ako sa mga oras na 'yon. Wala akong ibang inisip kundi ang kamatayan ko. Kung saan ba ako mapupunta pagkatapos mamatay. My emotions were bigger than what was on my mind. They were drowning me into darkness.Nagdilim ang paningin ko at nakita ko na lang ang sarili na paulit-ulit pinupukpok ng figurine ang amain ko. I did my best not to leave any fingerprints
DAVENHinilot ko ang sentido ko habang nakatingin sa bulletin board na nasa loob ng kwarto ko. Naka-pinned lahat ng mga importanteng impormasyon dito. Magmula sa kaso ni Mommy, Freya Mendoza, Jefferson, Uncle Alejandro at Adrianna. Nilagyan ko ng marka ang mga kasong may malinaw ng kasagutan.Sa kaso ni Freya ay malinaw na ang lahat. Inakala namin noong una na si Denmark Ferrer at Ashlee Sarmiento ang mga suspects pero nagkamali kami. Adrianna Valiente is the real suspect here. She killed the three of them and hid all the possible evidence that the police could see.Pangalawa ang kay Jefferson. Ngayon ay malinaw na kung bakit niya gustong pahirapan si Adrianna. Dahil 'yon sa pinatay nito ang kanyang kapatid. Hindi niya sinabi sa mga pulis ang tungkol dito dahil mahirap paniwalaan at walang matiba
ADRIANNAJefferson Mendoza, our great enemy, is finally gone. Tao pa rin naman siya at marunong mapagod. Hati ang nararamdaman kong emosyon sa nangyari sa kaniya. Una kong naramdaman ay ang tuwa at kapanatagan, pero sa kabila no'n ay naaawa rin ako sa kaniya kahit konti.I know that he didn't want to do that from the start. Kung talagang hindi lang namatay si Freya ay hindi niya magagawa ang lahat ng 'yon. Masyado lang siyang nalunod sa sakit at pag-iisip na maghiganti. I feel like he was a good person before an unexpected tragedy happened.Lahat naman ng tao nagbabago. Saludo ako sa mga taong kahit na paulit-ulit nakakaramdam ng sakit ay nananatili pa ring mabuti. I can't really tell if I'm one of them. Whenever I feel pain, I just cry and cry. I also think
JENSENI was silently watching everything downstairs even though I wanted to go down. My mother is lying on the floor and bathing in her own blood--lifeless. My stepfather hit my sister on the head using his gun. Nagpagulong-gulong ito pababa sa hagdan at naglakad naman palapit sa kaniya ang amain namin."Magsama na kayo ng mga magulang mo," sabi nito sa kapatid ko at tinutok ang baril sa kaniya.However, something unexpected happened. Sinipa ni Adrianna sa paa ang amain namin dahilan para mapaluhod ito sa sahig at mawalan ng lakas. Tumayo si Adrianna at kitang-kita ko ang umaagos na dugo mula sa kanyang noo."Hindi ako ang susunod sa kanila kundi ikaw," anito saka ngumisi.
DAVEN Now that Jefferson is gone, we don't have someone to chase anymore. But things don't end here. We didn't close Freya's case even though her primary 'suspects' are dead. In fact, they're not the real suspects here but someone who hides in darkness. That someone who was close to Freya. Wala na siyang pamilya at hindi rin naman si Denmark ang pumatay sa kaniya dahil pwedeng diretsuhin na lang ako ni Jefferson kung siya nga. Freya had no friends that were really close to her...except for one person. Yes, and that person is none other than Adrianna. For me, it's kinda unbelievable to think that she's the true enemy here. I see her as a stupid and dumb woman who has a weak emotions. But even though looks can be deceiving, words a
JENSEN It's already New Year. The tiring year of 2019 finally ended. I can see colorful fireworks everywhere in the sky. Our house is silent as usual. Patay lahat ng ilaw sa buong bahay maliban sa kwarto ko at kay Adrianna. People are celebrating and welcoming the year of 2020 while we didn't even bother to make a feast. Palagi kaming ganito tuwing may okasyon. My sister is always asking me if we could celebrate it but I'm not in the mood for that. Wala namang masama sa pagcecelebrate pero para sa'kin ay sayang lang ito sa oras dahil kami lang namang dalawa. Ayoko ring makipag-plastikan sa kaniya sa harap ng hapag. We both know that we're not happy together. Pareho kaming pagod na sa buhay at parang walang kasiyahan. Paano pa kami makakapag-celebrate sa ganitong sitwasyon? We have plenty of