ADRIANNA
"So, girl, you tell us how did you kill your bestfriend."
Ilang minuto na ang lumipas nung marinig ko ang mga salitang 'yon pero parang nag-e-echo pa rin ang mga 'to sa tenga ko. Sa sobrang gulantang ko ay hindi na ako nakapagsalita pa. Sigurado namang tama ang narinig ko dahil pati si Inspector Fajardo ay halatang nagulat din.
Sino bang hindi magugulat kung bigla 'yung itatanong sa'yo?
How could he say something like that casually? Mabuti na lang at hindi ako masyadong sensitive kaya ayos lang sa akin kung nagbibiro lang siya pero masyadong seryoso ang mukha ni Chief Esguerra nang itanong niya 'yon.
Besides, killing my bestfriend? That's the most unbelievable thing I've ever heard. Like something I would never do.
Ano naman kayang pumasok sa isip ni Chief Esguerra at nasabi niya 'yon? Dahil ba ako lang ang malapit kay Freya kaya ako na kaagad ang pinaghinalaan? But to think that I killed my own friend makes me want to laugh.
Gusto kong matawa kanina pa pero pinipigilan ko lang. Inisip ko na lang na baka 'yon lang talaga ang first impression nila sa mga witness o iniimbestigahan nilang tao. I know that they should not trust anyone until the case is closed, but suddenly accusing me who knows the truth is just....insane.
Tahimik lang akong nakaupo sa sofa habang si Inspector Fajardo at Chief Esguerra ay nagbubulungan. Wala naman akong balak na makiusyoso sa pinag-uusapan nila kaya hindi na nila kailangan pang magbulungan.
Ilang sandali pa ay nilapitan ako ng inspector. "Pasensya ka na sa sinabi ni chief kanina, Ms. Valiente. Mahilig lang talaga s'yang manggulat lalo na sa mga taong involved sa isang kaso."
Bahagya akong ngumiti at sumulyap sa chief. "Okay lang po."
"Siya nga pala, aalis lang ako saglit. Pagbalik ko ay saka tayo pupunta sa interrogation room," sabi pa niya.
"Po? Interrogation room?"
"Oo. May isang tao lang kami na inimbitahan para makausap. Gusto rin namin na magkaharap kayong dalawa," anito.
Napakunot ang noo ko sa pagtataka kung sino ang taong tinutukoy niya pero gayon pa man ay tumango na lang ako. Nag-bow siya kay Chief Esguerra bago lumabas ng office nito. Ngayon ay kami na lang dalawa ng chief kaya halos maghari ang katahimikan sa amin.
Parang nakaramdam ako bigla ng panlalamig sa paligid. Hindi dahil sa may multo kundi dahil sa malamig na presensya ni Chief Esguerra. Nakakakilabot kaya pilit kong iniiwasan na magtama ang paningin namin dahil parang tinutusok ako ng mga tingin niya.
"You look frightened. Natatakot ka ba sa'kin, hija? O baka naman masyado kang naapektuhan sa sinabi ko kanina?" Anito.
"H-Hindi po. Uhm..."
Tumikhim siya. "Ano ba sa tingin mo ang iisipin ng karamihan kung may isang dalagitang walang awang pinatay habang ang kaibigan nito ay walang malay na nakahandusay ilang metro lang ang layo sa kaniya? Sino sa tingin mo ang unang paghihinalaan kung ang kaibigan niya ay nakaligtas mula sa pagpatay?"
"A-Ako po...? Pero hindi po ako ang pumatay sa kaibigan ko at hindi ko 'yon magagawa," sabi ko na may katotohanan.
"Of course you will deny it. Alam kong kahit ikaw ay nagtataka kung bakit buhay ka pa rin hanggang ngayon samantalang ang kaibigan mo ay inaagnas na sa lupa."
"I know what is true. I was there, yes, but it doesn't mean that I'm the one who killed her. May nagtangka ring pumatay sa akin pero sa kabutihang palad ay nakaligtas pa rin ako. How can you explain something strange like that?" Hindi ko na napigilan ang pagsasalita na may kataasan ang boses.
He looked directly into my eyes. His cold gaze and blank face made me feel that I embarrassed myself and I should be ashamed of what I said.
Napayuko na lang ako dahil doon ko lang napagtanto na nakakahiya nga naman ang biglaan kong pagsasalita ng gano'n. Parang ang bastos ko naman kasi at sinabi ko pa 'yon.
"How could I know that you're just lying?" He asked.
"Then think I'm lying. Wala naman kayong ebidensya na ako nga ang gumawa," matapang kong sabi.
Wala naman talaga silang ebidensyang mahahanap dahil hindi naman talaga ako ang pumatay. Maliban na lang kung paplanuhin nila akong i-frame-up para lang may masisi sila sa kasong 'to at maisara ng maaga.
Wait. What?
Hindi dapat ako nag-iisip ng gano'n. Nandito ako para makipagtulungan sa kanila dahil gusto ko ring makamit ang hustisya para sa kaibigan ko. Kung paghihinalaan nila ako ay ayos lang dapat sa'kin. Hindi dapat ako magpaapekto sa isang bagay na wala naman talaga akong kinalaman.
Iginala ko ang mga mata ko sa paligid ng office. Huminto ang tingin ko sa isang malaking bulletin board na ngayon ko lang naisipang pansinin. May mga litrato na naka-pin dito, mga random papers at maps. Tingin ko ay para ito sa mga kasong iniimbestigahan nila.
"Who do you think is the victim among those pinned photos?" Tanong ni Chief Esguerra habang nakatingin pa rin ako sa bulletin board.
"'Yung magandang babae po na nasa pinaka taas."
Kahit malayo ay nakikita ko ng maayos 'yung mukha ng babae. Maganda talaga siya at parang may kamukha. Sa ibaba ng picture niya ay may tatlo pang pictures. Isang babae at dalawang lalaki.
"You're right. That case was 8 years ago.....and still not closed until now," aniya.
Napatingin ako sa kaniya. "Bakit po?"
He looked at me coldly. "We can't find the killer or any traces of him."
Nakakalungkot isipin na hanggang ngayon ay wala pa ring hustisya ang pagkamatay ng babae. Mukha pa naman itong mabait at masayahin base sa litrato niya sa board.
"Does her family still want to seek for justice?" Tanong ko habang nakatingin sa board.
Sandali s'yang hindi nagsalita bago sumagot. Prang nag-iisip muna ng mabuti sa sasabihin.
"Of course we still want it," aniya na ikinagulat ko.
"P-Po?"
His eyes are intently looking into mine. Ayan na naman 'yung parang sinisisid niya ang pagkatao ko. Nakakatakot makipag-staring contest sa kaniya.
"She's my sister," anito at tumayo sa kinauupuan saka lumapit sa board. "Alexandra Esguerra-Sevilla. She was 35 years old when she died."
"S-Sorry po...hindi ko alam na--"
"Hindi mo kailangang humingi ng tawad. It's been 8 years and still no findings about her killer. She was perfectly murdered," aniya.
Mas lalong nakakalungkot isipin na isa kang alagad ng batas pero hanggang ngayon ay hindi mo pa rin nahuhuli ang pumatay sa sarili mong kapatid. Chief Esguerra may be cold but I can sense that he has a deep care for his love ones.
Masakit ang mawalan ng taong malapit sa'yo o mismong pamilya mo. Lalo na kung mailap ang hustisya at ilang taon na ang lumipas ay hindi pa rin nahuhuli ang may sala. Sigurado akong mahirap 'yon para kay Chief Esguerra dahil kapatid niya ang nawala sa kaniya.
I was about to say something when the door opened. Pumasok si Inspector Fajardo. "Chief, the interrogation is ready," anito.
Tumango si Chief Esguerra. "I'll be watching."
"Ms. Valiente," tawag sa'kin ni Inspector Fajardo.
Tumayo ako at naglakad kasunod nila. Hindi ko alam pero bahagya akong nakaramdam ng kaba.
May kalayuan ang interrogation room. Pagpasok namin sa loob ay medyo madilim ang kwarto. May isang table sa gitna at mga upuan. May isang lalaki na nakaupo habang may mga pulis na nasa magkabila niya. Ang isa namang lalaki ay nakaupo sa harap niya at may soot na salamin.
Sa isang side ng room ay may nakaharang na glass wall kung saan nakatayo si Chief Esguerra at nanonood sa lahat. Hindi ko alam kung paano niya kami maririnig mula rito pero sigurado namang may paraan sila para do'n.
"Ms. Valiente, upo ka," anyaya ni Inspector Fajardo at hinila ang isang upuan. "By the way, this is Detective Andres. He's also investigating the case of your friend."
Tumango ako at ngumiti kay Detective Andres na tinanguan lang ako. Umupo ako habang ang inspector ay nanatiling nakatayo at abala sa isang folder na kanina pa niya tinitingnan. Napatingin ako sa lalaking binabantayan ng dalawang pulis. Pamilyar ang mukha niya pero hindi ko masabi kung saan at kailan ko ba siya nakita.
Namumuti na rin ang kanyang buhok, medyo may kaasiman ang mukha pero halata sa porma at tindig niya ang pagiging maharlika. Para s'yang si Chief Esguerra at sa tingin ko ay magkasing edad lang sila pero 'di hamak na mas masungit ang isang 'to.
"Hanggang anong oras pa ba tayong magtitinginan dito?" Bigla nitong sabi at halata sa boses niya ang matinding pagkainis.
"Kumalma lang kayo Mr. Ferrer," sabi ni Detective Andres.
"Kumalma? Paano ako kakalma kung sinasayang niyo lang ang oras ko?! And--why the hell these two cops are standing beside me?" Anang matandang lalaki at sinulyapan ang dalawang pulis sa gilid niya. "Akala ko ba ay kakausapin niyo lang ako tungkol sa pesteng kaso ng babaeng 'yon? Bakit parang isa akong suspect na kailangan pang bantayan?"
Pesteng kaso ng babae? Si Freya ba ang tinutukoy niya?
"Dahil isa kayo sa mga hinihinalang suspect na pumatay sa biktima," sabi ni Inspector Fajardo.
Kumunot ang noo ng matanda at parang bulkang sasabog sa galit. "Ano kamo?! Suspect?! At ano namang kinalaman ko sa babaeng 'yon at ako ang pinagbibintangan ninyo?"
He stood up and slammed his hands on the table. Kaagad s'yang sapilitang pinaupo ng dalawang pulis na nagbabantay. Nagpumiglas pa ito pero umupo rin ulit.
"Bago ang lahat, nais ko munang ipakilala ang kaibigan ng biktima at isa sa mga nakuhanan namin ng testimonya tungkol sa kaso," anang inspector saka tumingin sa'kin. "This is Adrianna Valiente, she's currently on her third year as a Journalism student. Nakita siyang walang malay na nakahandusay 'di kalayuan kung saan natagpuan ang bangkay ni Freya Mendoza. Ayon sa kanyang salaysay, nakipagkita siya kay Freya sa isang abandonadong gusali bandang alas otso ng gabi. Ngunit imbes na simpleng pagkikita lang ang mangyari, isang malagim na trahedya ang kinahantungan nila. Freya Mendoza was killed while someone hit Ms. Valiente's head which caused her to lose consciousness."
"Ayon dito sa mga reports, isiniwalat ni Ms. Valiente ang isang sikreto na maaaring may koneksyon sa pagpatay sa kanyang kaibigan," pagsasalita ni Detective Andres.
Bigla akong kinabahan. Napatingin sa'kin ang matandang lalaki. Habang nakatingin sa kaniya ay doon lang may nabuong konklusyon sa isip ko kung sino siya.
"Mr. Ferrer, ayon kay Ms. Valiente ay nagkaroon ka ng relasyon kay Freya Mendoza na siya palang kasintahan noon ng anak mong si Denmark Ferrer. Totoo ba ito?" Ani Inspector Fajardo.
Napalunok ito at umiwas ng tingin. "That's true. Pero anong koneksyon no'n sa kaso?"
"Ang anak mong si Denmark ay isa rin sa mga pinaghihinalaang suspect. Ayon kay Ms. Valiente, sa parehong araw ng pagpaslang sa kanyang kaibigan ay nakasalubong niya si Denmark na galing sa comfort room ng mga babae sa kanilang eskuwelahan. Hinala niya ay nanggaling doon ang binata dahil nandoon din nung mga oras na 'yon si Freya Mendoza. Ayon pa kay Ms. Valiente, pinagbantaan ni Denmark ang buhay ni Freya dalawang taon na ang nakakalipas nang malaman nito na may relasyon kayo ng nobya niya," sabi ni Inspector Fajardo habang nakatingin sa folder na hawak.
"Isa pang nakakagulat na nadiskubre namin ay apat na linggo na pa lang nagdadalang tao si Freya Mendoza. Sabihin mo ang totoo, Mr. Ferrer. Ikaw ba ang nakabuntis sa kaniya?" Ani Detective Andres.
Bumuntong-hininga ang ama ni Denmark. "Oo ako nga."
Hindi na ako nagulat o kahit sina Inspector Fajardo pa. Malinaw na sa amin ngayon na siya nga talaga ang nakabuntis sa kaibigan ko at nagkikita pa pala sila.
"We were still seeing each other. Malaki ang pangangailangan ni Freya sa pera kaya sa pangalawang pagkakataon ay nagkausap kami. Kung pinaghihinalaan niyo akong pinatay ko siya ay sinasabi ko na sa inyo, hindi ako ang gumawa no'n," sabi pa ng ama ni Denmark.
"Then if it's not you, it's your son?" Ani Inspector Fajardo.
"I don't know, alright? I already told you that he hasn't shown up until now."
Naningkit ang mga mata ko sa narinig. Napatingin ako kay Inspector Fajardo at kay Detective Andres. Tila alam na nilang pareho ang sinasabi ng ama ni Denmark.
"Ano pong ibig sabihin no'n?" Nagtataka kong tanong.
Nagkatinginan ang dalawang alagad ng batas.
"Denmark Ferrer has been missing since the tragic incident happened to you and your friend."
ADRIANNAMy mind is full of questions that even myself couldn't answer. Hindi ko na alam kung ano ang uunahing isipin sa dami ng mga nangyari. I'm still traumatized by a nightmare of my childhood, then my only bestfriend was murdered. The justice is still unreachable by now.I have many conclusions about Freya's killer and one of them seems to be true. Denmark--Freya's ex-boyfriend could be the one who killed her. He has been missing since the day or night Freya was murdered. Mas lalo nitong pinatibay ang paniniwala kong siya nga ang pumatay sa kaibigan ko."There are two possible reasons why he's missing. First, he got tired of living in your house and decided to run away. Second, he's just hiding somewhere now because he committed murder and afraid of getting caught," sabi ni Inspector Fa
ADRIANNA "......to your brother." Halos hindi ko na masundan ang mga sinasabi ni Inspector Fajardo. Kanina pa niya ako kinakausap pero hindi ko siya masagot at wala akong alam sabihin sa kaniya. Parang nablanko bigla ang utak ko at kahit pag-iisip ay hindi ko na magawa ng tama. It was as if I had temporarily lost myself. I feel like there's a huge thing on my chest and my body became numb. Sarado ang aking isipan at kanina pa nakatulala na parang tuluyan nang nasiraan ng bait. Call me dramatic or what but what I feel now while looking at my unconscious brother is so painful as what I felt at Freya's death. Puno ng aparatos ang kanyang katawan at may isang malakin
ADRIANNA Sobra akong nahihiya at hindi makatingin sa apat na lalaki. Kung pwede lang sana akong kainin ng lupa ay kanina pa ako nagpakain sa matinding kahihiyan. Gusto ko nang tumakbo at bumalik sa ospital pero parang nanigas ang mga paa ko sa kinatatayuan. Patuloy sa paghalakhak ang dalawa sa kanila at nagbubulungan pa. Ang isa ay awkward lang na ngumiti habang ang pinaka matangkad sa kanila ay maasim ang mukha at pinagmamasdan ako. "S-Sorry…" pagsasalita ko. "Hindi ko naman kasi alam." "Okay lang 'yon, Miss. Mahuhuli pa rin naman namin 'yon," sabi nung lalaking may mahinahong boses. Bakit ba kasi hindi ko kaagad nahalata na masamang tao pala 'yung tinulungan ko? Napa
ADRIANNA"Mabuti na lang at ganyan lang ang nangyari sa'yo."Mahigpit ang kapit ko sa unan at tinitiis na huwag magreklamo sa kaunting sakit na nararamdaman. Maingat ang nurse sa pagtatahi ng natamo kong sugat sa balikat. Hindi naman ito masyadong malalim pero may nararamdaman pa rin akong hapdi kahit na may anesthesia na.Nanonood si Inspector Fajardo at kanina pa ako tinatanong tungkol sa nangyari. Malaki ang pasasalamat ko at kaagad na dumating ang mga nurse nang pindutin ko ang call button. Kaagad nilang tinawagan ang pulisya para maaresto ang pasyenteng lalaki.Iyon nga lang ay nagawa pa nito akong saksakin sa balikat. Buong akala ko ay may mangyayaring masama na sa'kin nang makita ko ang walang tigil na pag-agos ng dugo sa balikat
ADRIANNA Lumipas ang dalawang araw na hindi pa rin nagigising si Jensen. Kadalasan sa mga taong nasa sitwasyon niya ay gising na ngayon. Hindi gano'n kalala ang head injury niya kaya dapat ay noong nakaraang araw pa siya nagising. Nagkaroon din naman ako ng head injury pero kaagad din akong nagkamalay. Ang sabi ng doktor ay baka gigising na rin siya kung hindi man bukas ay sa makalawa. Paulit-ulit akong nagdadasal na sana ay maging maayos na siya. Hindi kasi ako mapakali sa tuwing nakikita ko siyang wala pang malay. Pakiramdam ko ay nasa malalang sitwasyon siya at nahihirapan sa kalagayan. Nagpasya akong umuwi muna sa bahay para kumuha ng gamit at dalhin sa ospital. Sa pagkakataong 'to ay siniguro ko nang may magbabantay na nurse sa kaniya. Nababahala pa rin kasi ako sa nangyari sa ospital
ADRIANNA "Thank God you're finally awake." Hindi ko maiwasang matuwa ng sobra sa katotohanang gising na ang kapatid ko at mukhang maayos na ang lagay niya. Iyon nga lang ay binalaan pa rin siya ng doktor na huwag masyadong malikot dahil baka magkaroon ng komplikasyon ang mga natamo niyang hiwa at saksak sa katawan. Sa sobrang galak ko kanina ay muntik ko na siyang madaganan at niyakap ng mahigpit. Wala na akong pakialam kung magalit pa siya sa'kin, basta masayang masaya ako na nagising na siya. Buong akala ko kasi ay sa susunod na araw pa siyang magkakaroon ng malay. Mabuti na lang at dininig ng Diyos ang walang sawa kong pagdarasal. "These shits are making me uncomfortable," he said while frowning.
ADRIANNA "Hanggang kailan ako sa ospital na 'to?" Inilapit ako ang tray sa paanan ni Jensen para makain niya ang pagkaing inihanda ko sa kanya. Gusto ko sanang subuan na lang siya para hindi na gaanong mahirapan pero tulad ng inaasahan ko ay nainis lang siya sa ideyang 'yon. Hindi naman daw kasi siya bata o walang kamay para gawin ko pa 'yon. Tumitig siya sa inihanda kong fried chicken, rice, crab soup at tubig. Kadarating ko lang kasi galing sa bahay at naisipan ko siyang lutuan ng tanghalian kaysa bumili sa mga fast food chain. "Kain na," sabi ko. Tamad niyang kinuha ang kutsara at tinidor saka malamyang kumain. Hindi ko alam kung wala lang ba siyang gana o hindi siy
ADRIANNA Mainit pero mahangin sa talahiban. Sinikop ko ang aking buhok at tinali ito para hindi makaabala sa'kin. Malawak ang talahiban at nakakatakot itong pasukin. Tamang tama para sa mga gustong magtapon ng bangkay rito. Masukal at liblib masyado. Siguro ay mas nakakatakot maglakad rito tuwing gabi. Pinanood ko ang pamangkin ni Chief Esguerra na maglakad patungo sa talahiban. 'Di kalaunan ay sinundan ko siya at naging maingat sa dinadaanan dahil baka may ahas pala rito. Dapat ay umalis na lang ako at bumalik sa ospital. Kahit ako ay naguguluhan kung bakit ako sumusunod sa lalaking ito. "Saan ka ba pupunta?" Tanong ko pero hindi niya ako sinagot. "Hoy, pamangkin ng chief of police," tawag ko sa kanya kaya nilingon niya ako. "I
[EPILOGUE]DAVENLife really moves in a mysterious way. No one can tell what would be their fate. Everything can be changed and what is already written to every life cannot be rewrite again. Sa bawat buhay na isinisilang sa mundong 'to, may nakahanda ng tadhana para sa kanila at hindi na 'yon mababago pa.When I was a child, I thought that happiness would always be there. That in every problem, there is always a solution. In every chaos, there is peace. But as I grew up, I gradually realized the meaning of life. All the happiness can be replaced by grief, and all grief can be relieved by new joyful things that will come.I realized that in every struggle, a person always has his or her choice. Nasa tao na lang kung ano ang pipiliin niyang daan. Maraming
DAVENRage is the emotion that rises up inside me right now. The eagerness of smacking Adrianna's head on the wall is all over my system. I feel like I want to hurt her so badly to the point that I'm gonna kill her and no one could ever recognize her appearance anymore. But these ties are keeping me from doing that.If only I could untie them with all of my strength, I will do that even if I get hurt. Adrianna's presence, her voice and movements are making me push myself more to my limit. Parang ngayon ay gusto ko na lang wasakin ang dignidad ko maibigay lang sa babaeng 'to ang kung ano mang nararapat sa kaniya.She's a monster. Isang demonyo na nagkatawang tao para makagawa ng kasamaan sa mundong 'to. Kung titingnan ko siya ngayon ay ibang-iba na ang nakikita ko sa kaniya. She has an innocent lo
ADRIANNA"Are you awake?"Naglakad ako palapit kay Daven na nakaupo sa tabi ng kapatid ko. Unlike my brother who has bruises and wounds, Daven is completely fine. Jensen fought me back and even though I don't want to hurt him yet, he left me no choice.Daven's eyes are not focused. Dala ito ng pampatulog na in-inject ko sa kaniya kanina. I tied him on the chair next to Jensen. My brother did nothing but look at him. Now, they're both hopeless. This will be my victory."Ayoko pa sanang gawin 'to, kaya lang……" inangat ko ang ulo ni Daven. "My hands are itching to kill you."The look of being betrayed, rage, regret and disappointment. His piercing brown eyes reflect a
ADRIANNAI am not sick.That's what I'm always thinking to myself. I'm not totally aware of my own illness. I feel like there are two types of me. The one that I have since I was born and often shows to other people, and the one that was just created by my own emotions. The latter, however, is a dangerous one.It all started when my stepfather tried to kill me. Sobrang takot na takot ako sa mga oras na 'yon. Wala akong ibang inisip kundi ang kamatayan ko. Kung saan ba ako mapupunta pagkatapos mamatay. My emotions were bigger than what was on my mind. They were drowning me into darkness.Nagdilim ang paningin ko at nakita ko na lang ang sarili na paulit-ulit pinupukpok ng figurine ang amain ko. I did my best not to leave any fingerprints
DAVENHinilot ko ang sentido ko habang nakatingin sa bulletin board na nasa loob ng kwarto ko. Naka-pinned lahat ng mga importanteng impormasyon dito. Magmula sa kaso ni Mommy, Freya Mendoza, Jefferson, Uncle Alejandro at Adrianna. Nilagyan ko ng marka ang mga kasong may malinaw ng kasagutan.Sa kaso ni Freya ay malinaw na ang lahat. Inakala namin noong una na si Denmark Ferrer at Ashlee Sarmiento ang mga suspects pero nagkamali kami. Adrianna Valiente is the real suspect here. She killed the three of them and hid all the possible evidence that the police could see.Pangalawa ang kay Jefferson. Ngayon ay malinaw na kung bakit niya gustong pahirapan si Adrianna. Dahil 'yon sa pinatay nito ang kanyang kapatid. Hindi niya sinabi sa mga pulis ang tungkol dito dahil mahirap paniwalaan at walang matiba
ADRIANNAJefferson Mendoza, our great enemy, is finally gone. Tao pa rin naman siya at marunong mapagod. Hati ang nararamdaman kong emosyon sa nangyari sa kaniya. Una kong naramdaman ay ang tuwa at kapanatagan, pero sa kabila no'n ay naaawa rin ako sa kaniya kahit konti.I know that he didn't want to do that from the start. Kung talagang hindi lang namatay si Freya ay hindi niya magagawa ang lahat ng 'yon. Masyado lang siyang nalunod sa sakit at pag-iisip na maghiganti. I feel like he was a good person before an unexpected tragedy happened.Lahat naman ng tao nagbabago. Saludo ako sa mga taong kahit na paulit-ulit nakakaramdam ng sakit ay nananatili pa ring mabuti. I can't really tell if I'm one of them. Whenever I feel pain, I just cry and cry. I also think
JENSENI was silently watching everything downstairs even though I wanted to go down. My mother is lying on the floor and bathing in her own blood--lifeless. My stepfather hit my sister on the head using his gun. Nagpagulong-gulong ito pababa sa hagdan at naglakad naman palapit sa kaniya ang amain namin."Magsama na kayo ng mga magulang mo," sabi nito sa kapatid ko at tinutok ang baril sa kaniya.However, something unexpected happened. Sinipa ni Adrianna sa paa ang amain namin dahilan para mapaluhod ito sa sahig at mawalan ng lakas. Tumayo si Adrianna at kitang-kita ko ang umaagos na dugo mula sa kanyang noo."Hindi ako ang susunod sa kanila kundi ikaw," anito saka ngumisi.
DAVEN Now that Jefferson is gone, we don't have someone to chase anymore. But things don't end here. We didn't close Freya's case even though her primary 'suspects' are dead. In fact, they're not the real suspects here but someone who hides in darkness. That someone who was close to Freya. Wala na siyang pamilya at hindi rin naman si Denmark ang pumatay sa kaniya dahil pwedeng diretsuhin na lang ako ni Jefferson kung siya nga. Freya had no friends that were really close to her...except for one person. Yes, and that person is none other than Adrianna. For me, it's kinda unbelievable to think that she's the true enemy here. I see her as a stupid and dumb woman who has a weak emotions. But even though looks can be deceiving, words a
JENSEN It's already New Year. The tiring year of 2019 finally ended. I can see colorful fireworks everywhere in the sky. Our house is silent as usual. Patay lahat ng ilaw sa buong bahay maliban sa kwarto ko at kay Adrianna. People are celebrating and welcoming the year of 2020 while we didn't even bother to make a feast. Palagi kaming ganito tuwing may okasyon. My sister is always asking me if we could celebrate it but I'm not in the mood for that. Wala namang masama sa pagcecelebrate pero para sa'kin ay sayang lang ito sa oras dahil kami lang namang dalawa. Ayoko ring makipag-plastikan sa kaniya sa harap ng hapag. We both know that we're not happy together. Pareho kaming pagod na sa buhay at parang walang kasiyahan. Paano pa kami makakapag-celebrate sa ganitong sitwasyon? We have plenty of