Kabanata 25MadMadilim na nang makauwi kami ni Mang Teban. Hindi ko inaasahan na naka-abang sa pagdating ko si Iverson. Nasa ilang baitang ito ng hagdanan na tila sadya akong hinihintay."You are late, saan ka galing?" Iyon agad ang bungad n'ya sa'kin."It's none of your business." Umismid ako dito at tangka na sana siyang lalampasan nang gagapin niya ang braso ko. Nagawa niya akong hilahin pabalik sa may garahe. Wala na doon si Mang Teban, marahil ay sa dirty kitchen ito dumaan."Ano bang problema mo, ha!" Piniksi ko ang braso niya nang marating namin ang sulok sa gilid ng kaniyang sasakyan. Pader na ang nasa likod ko kaya hindi malayong maliit lamang ang espasyong meron kami. Isa pa, madilim na sa garahe at walang ilaw, tanging sinag na nagmumula sa dirty kitchen lang ang tanging naroon."I'm asking you, saan ka galing? Nakipagkita ka sa Jonas na 'yon after school?"Ang inis ko dito ay napalitan ng pagdududa. Tila mabilis gumana ang utak ko at tumango dito. "Oo, bakit, may problema
Kabanata 26HurtIlang araw din akong wala sa wisyo habang iniisip ko kung sino ba ang kausap ni Ellwood sa kabilang linya nang tawagan ko siya. Malayong si Pia ang babae na 'yon dahil kahit sandali ko lamang ito nakilala ay alam ko ang boses nito, kahit pa si Paroah.Tiyak na isa na naman iyon sa mga babae n'ya. Oh, baka marahil ay si Emory 'yon? Hindi malayong si Emory ang kausap niya. Ramdam kong may kumurot sa dibdib ko nang mapagtanto ang bagay na 'yon."Earth to Venice!"Nilingon ko si Menchie na siyang umikot naman ang mata sa'kin."Are you with me? Kanina pa ako salita ng salita dito pero mukhang nasa kabilang mundo ka, ayos ka lang ba?""Ano ulit 'yon?""Sabi ko ano ang plano mo sa nalalapit mong kaarawan?"Tumikom ang aking mga labi. Sa totoo lang ay wala akong plano. Ayokong magpa-kotilyon gaya ng ginagawa ng mga teen-ager ngayon. Pero sa tingin ko ay hindi ko mapipigilan si Auntie Celeste na magpa-party sa mansyon. Isa din kasi iyong strategy para makahikayat ng ibang inve
Kabanata 27PreparationSumapit ang araw ng Linggo. Ito ang araw na inaya ako ni Menchie na magpasukat ng gown na susuotin ko sa aking birthday party. Noong una ay todo tanggi ako ngunit nang makausap ko sina Manang Gloria ay naisipan kong anyayahan sila sa aking nalalapit na kaarawan."Aba'y pwede ko rin bang isama ang apo kong si Lotta?" Paalam ni Manang sa'kin."Pwedeng pwede ho, manang!" Nakangiti kong sagot sa telepono."Aba'y perstaym kong nakakasakay ng eroplano," aniya sa'kin bago humagikgik."Huwag ho kayong mag-alala. Kasama n'yo naman ang apo n'yo pati na rin sina Allan at Issay.""Kung gano'n e, paghahandaan namin ang araw ng kaarawan mo. Mag-iingat ka d'yan palagi, apo ko."I smiled widely. "Opo, kayo rin mag-iingat d'yan."Binangit pa n'ya sa'kin kung dadalo ba si Ellwood sa pagdiriwang ngunit ko nasagot ang bagay na iyon. Alam ko naman na busy iyon pero para na rin hindi ako pag-isipan ng kung ano ni Manang Gloria ay sinabi ko na lang na inimbitahan ko si Ellwood.****
Kabanata 28LunchDala ng sobarng excitement ay hindi na ako nakatulog pa. Nanatili akong gising hanggang sumapit ang alas singko ng umaga.Naligo na ako at bumaba sa kusina. Naabutan ko doon si Manang Lusing na siyang abala sa nilulutong almusal. Katuwang nito ang kasambahay namin na si Gail."Good morning, senorita!" Bati nito sa'kin."Morning, ano hong niluto n'yo para sa almusal?" tanong ko sa mga ito nang maupo ako sa granite table. Dito ko mas pinipiling mag almusal kesa sa dining area. Madalas kong maka-kwentuhan sina Gail at manang kapag nag-aalmusal kami ng sabay-sabay."Pritong hotdog, itlog, tocino at fried rice ho. May sliced mango fresh po galing sa farm at syempre ang mainit niyong gatas!" Masigla niyang sambit."Wow, mukhang mapapasarap ang kain ko nito. Tara na ho, sabay-sabay na tayo."Hindi naman nag-atubili ang dalawa. Halos araw-araw ay sila ang kasama ko sa umaga. Marami na rin kaming napapagkwentuhan tungkol sa kani-kaniyang buhay.Nalaman ko na bread winner pal
"So, you're with Jonas awhile ago?" Simula nito matapos ibigay sa waiter ang menu na hawak. Ganoon din ang ginawa ko at bahagyang tumango."And that boy is still waiting for you to comeback on your seat?"Bahagyang gumawi ang tingin ko sa banda ni Jonas. He still eating his food, bagaman ay hindi ito nakatingin sa amin ay alam kong nakita n'ya ang eksena namin kanina nina Antoinette."Nagsabi naman ako sa kaniya na magkikita tayo," I murmured. Ramdam ko ang pamumula ng aking dalawang pisngi dahil sa ginawa."And you tell him not to wait?"Hindi ako makatango. Pinangako ko kasing babalikan ko siya at mukhang hindi na iyon mangyayari. Ayoko naman i-compromised ang pagsadya dito ni Ellwood. Susubukan ko na alang bumawi kay Jonas sa ibang araw."No, I told him I will going to meet you today."Hindi na rin ito nagsalita pero naroon pa rin ang madilim na tingin at pagkaseryoso ng mukha mula pa nang makapasok kami ng restaurant. Sa tingin ko ay hindi nagustohan ang ginawa kong pakikipagkita
Kabanata 30PartyDagsa na ang mga tao nang dumating kami sa lugar. The party is simple yet elegant. Halos puro ka-school mate namin ang bisita at iilan lang may edad na naroon."Pasok kayo, huwag kayong mahihiya. Kain lang kayo, ha." Giniya kami ni Maxine patungo sa may buffet section.Nagpahuli naman kami ni Ellwood. Ayoko ko kasing putaktihin nila ng tanong si Ellwood. Isa pa napansin ko na rin na iba ang tingin sa kanya ng ilang babae sa pagtitipon.Matapos namin makakuha ng pagkain ay humanap na kami ng pwesto. Mabuti ay nakakita agad itong si Menchie sa bandang sulok habang katabi naman namin ang lamesa nina Jonas."Grabe may kaya din pala itong pamilya ni Maxine, no?" Puna ni Menchie habang tila sarap na sarap sa kinakain.Tumango naman ako sa bagay na 'yon. Malaki nga ang bahay nila't halos mga naka politiko at businessman ang mga bisita. Bagaman ay ayaw daw ni Maxine magpa-kutilyon ay hindi pa rin maiwasan ng iba na magsayaw sa gitna ng dance floor.Binilisan ko na ang pagka
Kabanata 31BirthdayMaaga pa lang ay abala na ang lahat sa gaganaping pagdiriwang sa malawak na bakuran ng mansyon para sa aking kaarawan. Sumilip ako sa may bintana at nakita ko ang dami nang katulong na hindi magkamayaw sa dami nang trabaho.Naroon na rin ang inatasan ni Auntie Celeste para mag-ayos at siyang maghanda sa pagdiriwang mamayang gabi. Sunod-sunod na rin ang dating ng mga regalo na nilalagay nila sa isang mahabang lamesa. Tiyak naman na sa mga amiga ni Auntie at ilang business partners ng kompanya na tiyak kong imbitado ni Auntie.Bumalik akong muli mula sa pagkakahiga sa aking kama at dinampot sa aking side table ang aking cell phone. Pagbukas ko pa lang niyon ay sunod-sunod na ang dating ng mga mensahe mula sa aking malalapit na kaiabigan at ka-eskwela. Isa na ang mensahe ni Menchie na una kong binabasa.Ilang beses akong umiling pagkat puro tungkol sa love life ang wish niya sa'kin para sa aking kaarawan. Gayon din ang ilang mensahe na natanggap ko mula sa kaibigan.
Kabanata 3218th RosesHinigit ko ang paghinga buhat nang makarinig ng sunod-sunod na katok sa pinto ng aking silid. Agad iyong bumukas at sumilip ang maamong mukha ni Aling Lusing.Humakbang ito at tuluyan nang pumasok sa loob. Hindi mapalis ang mga ngiti niya sa labi habang nakatitig sa aking ayos."Napakaganda mo apo," aniya sa basag na boses.Alam kong pinipigilan lamang niya ang emosyon habang nakatanghod sa'kin, kaya ngumiti ako."Salamat ho." Hinawakan ko ang kamay niya na nasa aking balikat at tinitigan ito buhat sa salamin."K-kung nabubuhay lamang ang iyong daddy... ay magiging proud 'yon saiyo," hindi na nito napigilang sabihin.I bit my inner lip and tried to paint a smile. HInaplos ko ang ibabaw ng kaniyang kamay bago magsalita."I know, and he will be more proud of me kapag napagbayad ko na ang lahat ng may kagagawan ng pagkamatay nila."Pansin kong kumunot ang noo ng matanda ngunit sa huli ay ngumiti sa'kin. "Mag-enjoy ho kayo sa party, at hayaan n'yo na ang mga inatas