JILLIAN
"Alam mo bang may Joyce din ang pangalan ko?"Napatigil ako sa paghagod ng buhok ni Jasmin sa sinabi niya. Napatitig ako sa kanyang mukha. Dumilat naman siya at nakangiting tiningnan ako.Nasa washroom kaming dalawa. Binabanlawan ko ang nire-rebond kong buhok niya. Pagkatapos niyang ipakulot noong nakaraang buwan ngayon naman pinapaunat niya. Buti hindi nasisira ang buhok niya kahit kung ano-ano na ang kanyang pinaggagagawa.Ganun ba talaga ang mayayaman? Hindi alam kung ano ang gagawin sa pera kaya rebond dito, kulot doon. Shopping dito, bar hopping doon. Gala dito at kung ano-ano pa. Or baka ganun lang talaga siya? Sabagay unica iha. Sunod sa luho.Nahihilo ako sa kanyang ginagawa sa sarili niya. She's just twenty five years old. Ginawang tambayan 'tong parlor ni Jordan. Hindi naman siya spoiled brat dahil subrang bait. Kaya kasundo niya kaming lahat. Pero dikit siya masyado sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero magaan ang loobJILLIAN"Business Ad. grad. ka diba?" maya-maya tanong niya habang pinaplantsa ko ang kanyang buhok."Bakit naitanong mo na naman?"She grinned. "Pahiram ballpen."Nagtatakang tiningnan ko siya pero tumalima pa rin ako. Binuksan ko ang drawer sa ilalim ng malaking built-in mirror sa harapan namin. Kinuha ang ballpen saka binigay sa kanya. Nakangiti niya naman inabot iyon saka ang brochure. Napakunot-noo ako sa nakita kong email-add. na sinulat niya doon."O..." maang na nagpalipat-lipat lang ang tingin ko sa inaabot niyang brochure at sa nakangiti niyang mukha. "Hiring sila ngayon. Baka gusto mong mag-apply. Sigurado akong matatanggap ka diyan. Mabait 'yong may-ari ng company na 'yan."Umiling-iling ako sa kanya saka pinagpatuloy ang pagpaplantsa ng kanyang buhok."Wala akong work experience kaya malabo pa sa blurred na matanggap ako diyan.""'Di naman masama kung susubukan mo. Tsaka isa pa, kapag naka
JILLIAN"Next applicant, please."Kaagad tumayo ang isang babae. Parang isang modelo sa tangkad. Pati lakad at katawan ang ganda. Kaso parang pupunta ng club ang suot niya. Kunting tuwad lang kita na ang itim niyang underwear."Next applicant, please." muling sabi no'ng lalaki na nag-a-assist sa aming mga applicants.Kung gaano kami karami, ganun din kabilis ng interview ng Boss na nasa loob ng opisina nito. Hindi nga umaabot ng segundo lumalabas din ang mga babae. Kung hindi galit, mga luhaan. May nagmakaawa pa doon sa lalaki paglabas ng office ng applicant. Tuloy lalo akong binalot ng subrang kaba at nerbiyos. Pinagpawisan ako ng malamig. Pati kamay ko namamawis.Bakit kasi 'yong pinaka-BOSS pa mismo ang naga-interview? Bakit hindi galing HR or Manager kaya?Kahit anong pilit kong kalmahin ang aking sarili hindi ko magawa lalo't palapit na ako ng palapit sa katotohanan. Malapit na kaming maubos, lima na lang.Oh my goo
JILLIANGalit akong napatayo kaagad sa sinabi niya."Hindi pala e bakit mo pa ako ininterview? Pinaglululuko mo ba ako Mr. Del Carpio?"He chuckled. "Too much attitude--""So 'yong attitude ko ngayon ang issue dito?" tinuro ko ang pinto. "Kung hindi mo ako binastos kanina hindi ako magagalit sayo ng ganito. But you know what? Wala rin namang manyayari sa bwesit na interview na 'to." hinablot ko ang hawak niyang folder na may laman ng resume ko pero hindi niya iyon binitawan. "Akin na resume ko. Uuwi na ako.""I'm gonna offer you a different job position.""'Wag na. Salamat na lang. Ayoko ng makita pa ang pagmumukha mo.""Will double your salary more than what you get as a Human Resources Manager."Natigilan ako sa sinabi niya kasabay ng biglang pag-alingaw-ngaw sa aking utak ng boses ng mga kaibigan ko paglabas ng Salon. Kahit nakasakay na ako sa tricycle kanina papunta dito sumisigaw pa rin sila nang:
MARCOI grabbed my phone right away pagkalabas ni Jillian ng pinto. I dialed Thur number. Ilang ring lang kaagad itong sumagot."Magkita tayo sa hideout natin sa Fairview."Halos hindi bumuka ang aking mga labi na sabi ko sa kanya. Akmang may sasabihin pa sana ito sa kabilang linya pero hindi ko na siya hinayaan pang makapagsalita. Kaagad kong ibinaba ang tawag.Malalaking hakbang na lumabas ako ng opisina. Nilapitan ko si Chad."What happen? Bakit galit na galit 'yon?"I evily smirked. "I threatened her to accept the job I offered.""Wala ka talagang kupas, Boss!" he laughed. "What's the next plan?""Re-schedule my meeting to Mr. Fontanella tomorrow.""Oh, nasa Cebu siya bukas Boss. May event siyang dadaluhan doon.""Event?""Yes, welcome party... Ayon sa nasagap kong news darating 'yong kaibigan niyang isang businessman galing Italy, si Mr. Joaquin Steves.""Joaquin Steves?"
JILLIAN"Sure ba kayo na okey lang ang suot ko?"Kanina pa ako hindi mapakali sa harapan ng oval shape full length mirror. Hindi ako sanay sa nakikita kong itsura ko sa salamin lalo na ang suot kong damit. Black fitted pencil cut tube dress na lampas tuhod ang haba, pinatungan ko ng white blazer matching with 4 inches white high heels.Pakiramdam ko masyadong revealing ang suot ko. Kahit anong hatak ko ng tube kita pa rin ang cleavage ko. Gusto kong magpalit kaso ang tatlong tarsier na 'tong nasa harapan ko ayaw akong pabalikin pa sa loob ng aking kwarto. Tapos sumabay pa ang oras, ang bilis! Nakikipaghabulan pa sa akin.Nakakainis!"Oo, subrang okey. 'Yan na ang pinaka-okey sa lahat ng okey.""Yes, ang ganda-ganda mo Bess.""At ang sexy pa. Tiyak tulo laway niyan ni Kuya Pogi."Nanghina ako sa huling sinabi ni Cheena. Frustrated na naglakad ako papunta sa kusina pero kaagad din akong napabalik ng hatakin nila a
MARCO"Saan ba tayo pupunta?" maya-maya tanong niya sa akin.Subrang aga kong nagising kanina. Halos hindi nga ako makatulog kakaisip sa lalaking kasama ni Jillian kahapon. Tapos pinag-antay niya pa ako ng pagkatagal-tagal sa labas ng building. Para akong tanga na pinagtitinginan ng mga empleyado ko habang hindi mapakali at pabalik-balik kakatanaw kung nasaan na ba siya. Pati sina Jack at Vince pinagtatawanan ako sa itsura ko.Akala ko hindi talaga siya papasok. Then exactly at seven o'clock I saw her rushing towards the building. My jaw dropped. My eyes twinkled and mesmerized with her sexy outfit. Perfetly fit with her curvy body. First time ko siyang makitang ganun ang suot na damit. Lalo siyang gumanda at sumexy sa aking paningin.Hanggang sa unti akong binalot ng matinding selos habang sinusundan ko ng nagbabaga kong mga mata ang bawat paghakbang niya palapit sa akin. Thinking that lunatic pokemon touching my loves Jillian. Oh damn it... I wa
JILLIAN"Bwesit ka! Siraulo! Abnoy! Walang puso!"Malakas kong pinaghahampas ng bag si Marco ng maabutan ko siyang pinagtatawanan ako habang nakatayo sa hamba ng pintuan. Hindi ko na inisip pa kung ano ang mga katagang lumabas sa bibig ko. Basta ang alam ko galit ako sa kanya. Todo naman siya iwas at sangga ng braso para 'di tamaan ang kanyang nakakabwesit na mukha.Pero inaamin kong subrang gwapo niya sa aking paningin ngayon habang malakas na tumatawa. Though nag-mature siya dahil sa tumutubong munting balbas sa gilid ng kanyang mukha still, ang lakas pa rin kanyang sex appeal. Lalo ko tuloy na-miss si Max. Magkamukhang-magkamukha talaga silang dalawa. Siguradong hahanapin ako no'n kapag hindi ako umuwi mamayang gabi. Baka mag-iiyak na naman 'yon at nag-aalala ako na baka hindi mapatahan ni Inay lalo't hindi ako nakapagpaalam sa kanya kanina bago ako pumasok ng trabaho. Subrang himbing pa kasi ng tulog niya. Ayaw ko naman gisingin lalo't masyado pang maa
JILLIANIlang minuto akong nagde-dream pa habang nakahawak ang kamay sa nangangapal kong mga labi pagkalabas ni Marco ng kwarto.Totoo kayang hindi siya ang lalaking 'yon na kumausap sa akin sa SM Makati four years ago? But... how come?!Gulong-gulo ang isip na napatingin ako sa kanyang maleta. Nagpalipat-lipat ang tingin ko doon at sa pintong nilabasan niya. Then a moment later, tumakbo ako papunta sa pinto, binuksan ko iyon saka sumilip sa labas. Nang makita kong wala na siya, mabilis kong ni-lock ang pinto. Dali-dali akong bumalik sa loob at hinalungkat ang kanyang maleta.Nagulat pa ako ng makita kong may mga damit pambabae doon kasama ng mga damit niya. Kinuha ko ang dalawang brown envelop na nakapatong sa ibabaw no'n.Binuksan ko 'yong isa. Nang makita kong marriage contract namin iyon, muli kong isinilid at kinuha naman ang isa. Kaagad nanlaki ang aking mga mata ng makita ko ang malaking picture ng isang hindi ko kilalang lalaki. N
CLEOFATRA MONTEFALCO POV2 DECADES AGOPapasok na kami sa Hotel ng mapansin kong wala ang inaanak kong si Fernan. Nagpalingalinga ako sa paligid pero hindi ko makita ang anino niya. Dali-dali akong lumapit kay Lian na busy sa kausap sa kanyang cellphone."Lian..." hinawakan ko siya sa kanyang braso. Marahas niya naman akong nilingon. "...where's Fernan?""Ok Mr. Ricaforte, see you tomorrow." she ended the call, kunot-noong tinitigan ako. "Anong nasaan si Fernan? Diba..." iginala ang paningin sa paligid saka muli akong tiningnan. "...kasama mo siya?""Ha?"Kaagad akong linukuban ng takot ng makita ko ang itsura niya."Damn it Cleo, tanungin mo sina Marga!"Mabilis kong hinablot ang braso niya ng akma niya akong tatalikuran."Saan ka pupunta?""Babalikan ko sa parking lot baka naiwan doon.""Anong naiwan mo sa parking lot?" sabad ni Eleanor na naglakad palapit sa amin."Anong meron?" ani ni Norman."Bakit ganyan ang itsura niyo?" tanong naman ni Stephano."Where's Fernan?"Napalunok ako
JILLIAN"Marco..?" tawag ko sa kanya ng magising ako sa kalagitnaan ng gabi na wala siya sa tabi ko. Dahan-dahan akong bumangon sa kama. "My loves?"Nagtungo ako sa connecting door ng kwarto ng anak namin pero wala siya. Inayos ko ang kumot ni Max saka lumabas ng kwarto."Marco?" tawag ko ulit sa kanya pero wala akong marinig na ano mang kaluskos at tugon sa kanya. "Saan na naman ba nagpunta ang lalaking 'yon?"Nagtatakang naglakad ako pababa ng hagdanan.Dalawang buwan na ang nakalipas mula ng ikasal kaming dalawa sa loob ng Hacienda. Kinabukasan pagkatapos ng kasal kaagad niya kaming dinala dito sa kabilang isla, sa bahay namin.Sa lugar kung saan ilang ulit nagkrus ang landas naming dalawa buong araw na puno ng inis sa isa't isa.Ang lugar na pinangarap kung bilhin noon at naghihinayang na ibininta ng mga magulang ng kaibigan kong si Jordan na ngayon ay pag-aari ko na. . .dahil kay Marco. Inilipat niya sa pangalan ko ang titulo ng lupa five years ago.Binili niya para sa sarili niy
JILLIAN"Napansin niyo ba 'yong asawa ng kapatid ni Kuya Pogi?""Sino? Si Shienna?""Oo.""O, ano na naman napansin mo?""Parang. . . may gusto siya sa pinsan ni Kuya Pogi."Nagkatinginan kaming lima sa sinabi ni Cheena.Kasalukuyan kaming nasa loob ng kwarto namin ni Marco, inaayusan ako ni Jordan para sa bonggang garden wedding ko. Si Cheena naman kay Mia, at si Blessie kay Jas. Si Margz, iwan kung saang lupalop na naman pumunta. Simula ng dumating dito noong nakaraang araw hindi na namin mahagilap.Hindi ko akalain na matagal ng pinagplanuhan lahat ni Marco ang kasal naming dalawa.It's been four years since he started to make this wedding plan!Akala ko minaniobra niya ang lahat in just two weeks. 'Yon pala, noon pa ready ang lahat. Ako na lang ang kulang.Nakokonsensya tuloy ako sa ginawa kong pagpapahirap sa kanya but still it's all worth it. And now, the wait is over. I'm getting married to Jeff Marco Del Carpio for real!Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Kanina
JILLIAN"Your Lola Cleo and my Mom Juliana were childhood bestfriend."Nagkatinginan kami ni Marco sa sinabi ng kanyang Daddy sabay tingin sa mga magulang ko na tahimik lang din na nakaupo sa katabi nilang sofa.Kasalukuyan kaming nasa sala lahat. Nakaupo ako sa pang-isahang sofa, nasa armrest naman si Marco at walanghiyang nakaakbay pa sa akin kahit nasa harapan namin ang mga magulang ko't magulang niya. Pasimple kong tinatanggal iyon pero binabalik niya naman ulit, hinihigpitan pa lalo kaya hinayaan ko na lang din.Alas dose na ako nagising kanina, mag-isa na lang sa kama.Ayaw ko pa sanang bumangon dahil antok na antok pa ako at nananakit ang aking buong katawan kaso nakakahiya naman sa mag-asawang Del Carpio kaya nagmamadali akong naligo't lumabas ng kwarto. Nagulat pa ako sa nabungaran ko pagtapak ko ng hagdanan at matanaw silang lahat na nasa sala.Masayang nagtatawanan habang nagpapakitang gilas naman si Max sa gitna nila. Bigla rin natigil ang in
MARCOPagkatapos kong makausap si Thur pinuntahan ko si Jillian sa kwarto. Natigilan pa ako sa aking narinig pagkalapit ko sa banyo, humahalo ang kanyang hikbi sa malakas na buhos ng tubig sa shower.Marahan kong kinatok ang pinto niyon."Love, are you okey?" tawag ko sa kanya mula sa labas.Kaagad din siya tumigil sa pag-iyak pero patuloy pa rin ang malakas na pagbuhos ng tubig mula sa shower."Jil..?" tawag ko ulit sa kanya ngunit hindi siya sumasagot.Biglang rumagasa ang takot at pag-aalala sa aking dibdib. Baka kung napa'no na siya sa loob kaya nagmamadaling kinuha ko ang susi sa drawer at binuksan ang banyo.Nagulat ako pagkabukas ko sa aking nakita.She's all naked, nasa tabi ng malakas na lagaslas ng shower. Padaskol niyang kinukuskos ng mabulang fishnet ang kanyang leeg habang impit na humahagulhol."Jillian!" malalaking hakbang ko siyang nilapitan. Pinatay ko ang shower. "What's wron
JILLIAN"Mama kooo!" malakas na sigaw ni Max pagkapasok namin ng Mansion sabay takbo palapit sa amin. "Daddy ko!"Kaagad ko siyang binuhat at pinupog ng halik sa kanyang mukha pati leeg. Gumaya din si Marco kaya malakas siyang nagtitili at humagikhik.Pagkahatid sa amin dito sa Hacienda ni Matt, kaagad itong bumalik ng Manila.Nasa himpapawid pa lang kami kanina halos hindi na ako makapaniwala sa subrang ganda ng tanawin na natatanaw ko sa ibaba lalo na ng makalapag kami sa rooftop ng bahay nila.Subrang lawak ng lupain na tinuturo sa akin ni Marco na pagmamay-ari daw ng mga magulang niya. Maraming mga ibat-ibang hayop akong nakita sa ranchong tinuro niya sa akin. Marami ding mga tao, kumakaway sila sa amin lalo na 'yong mga nasa tubuhan. Natawa pa siya ng sabihin kong atat na pumunta doon sina Margz at Mia para makapag-hunting ng poging ranchero.Pagtapak ko pa lang sa mansion nila nalula na ako sa subrang ganda. Lalo tuloy akon
JILLIAN"Nandun si Boss. . ." tinuro ni Thur ang kinaroroonan ng private plane sa pinakadulo pagkaparada ng sasakyan sa loob ng compound. "Hindi na kita sasamahan, kailangan kong bumalik sa Hospital.""Salamat Thur. Kung hindi kayo dumating--""You know na darating kami kahit anong mangyari." sabad niya. "But. . .sorry kasi na-late kami. Nagkaroon kasi ng aberya sa Salon ni Jordan kaya natagalan. Kahit nahabol kayo nina Jasmin at Kevin at iba pang tauhan, still, 'di sila sapat para sagupain ang nagkalat na mga tauhan ni Clark. Hindi ko akalain na nakalabas sila sa kulungan. Like damn. . .I forgot na anak pala siya ng isang Steves.""Anong atraso ng Lola Cleo ko sa kanila--"Sunod-sunod itong umiling."Si Boss na lang ang tanungin mo tungkol diyan. Sige na. Puntahan mo na 'yon, baka mainip, mayari na naman ako.""Sorry--""Nah--Its fine. Sanay na ako sa kanya. Ganun lang 'yon pero ang totoo super babaw ng luha no
JILLIAN"I. . .want to feel--touch you Clark." daing ko sa kanya habang paulit-ulit na minumura siya sa aking isip.Nag-angat siya ng tingin saka tinitigan ako sa aking mga mata. Bahagya pang nakaawang ang kanyang mga labi."Please. . ."Nakita ko pa siyang napalunok bago ako muling hinalikan, mapusok at nagmamadali.Siguro nadala siya sa pagtugon ko, pagpapaubaya at peke kong mga daing na para bang nagugustuhan ko ang ginagawa niya sa katawan ko kaya bigla niya na lang kinalagan ang pagkakatali sa aking mga kamay.Tinulungan ko pa siyang matanggal iyon ng maramdaman kong lumuwag na ang tali. Ipinulupot ko kaagad ang aking mga braso sa kanyang leeg at nakipagpalitan sa kanya saglit ng halik.Gusto kong bumunghalit ng iyak pero tiniis ko ang lahat. Sina Marco at Max ang tanging laman ng aking utak habang ginagawa ko iyon.I need to scape no matter what!!Nang masiguro kong tangay na tangay na siya, malakas ko siyang itinulak. Hindi niya inaasa
JILLIANKanina pa ako gising pagkaalis nina Inay at Max para ihatid ito sa eskwelahan pero nanatili pa rin ako sa higaan. Nakatulalang nakikipagtitigan sa kisame. Nag-iisip ng tamang approach kung paano ko kakausapin at haharapin sina Itay at Jas.Beep. . .Inabot ko ang phone ng tumunog iyon.BUDOL GANG:It's fine my loves. How are you anyway? Will go there and see you. I love you!Kumirot na naman ang puso ko sa sinabi niya.I need to make it up to him. To all of them. They owe me a lot. And also Max. . . I know both of them will be very happy once they see each other.Sigurado akong magagalit siya sa akin sa ginawa kong pagtatago kay Max sa kanya ng apat ng taon pero buong puso kong tatanggapin ang lahat ng sasabihin niya basta mapatawad niya lang ako. And will do everything whatever he want me to do. As long as na makakapagpasaya iyon sa kanya, sa anak namin. . . at sa puso ko, will do it with all my heart without thinking twice.Binaba k