MARCO
Parang ginigiling ng pinung-pino ang puso ko sa subrang sakit na naramdaman ko habang nakatanaw kay Jillian na tumatakbo't malakas na humahagulhol papunta sa kakahuyan. Alam ko papunta siya sa burol. Gusto ko sana siyang sundan pero mahigpit akong pinigilan ni Nay Julie sa aking braso at paulit-ulit na umiiling sa akin.Damn... hindi ko akalain na ganito pala katindi ng impact ng nagawa kong paglilihim sa kanya. How much more 'yong nasaksihan niya mismo ang panluluko ng kanyang sariling ama?F*cking sh*t Marco!! Napakaduwag mo kasi! Kung kailan pure 'yong intention ng babae saka ka naman naduwag. Langit na ang nakuha mo, lumagapak ka pa pabalik sa lupa! Damn man..."Bumalik ka na muna sa inyo, Marco. I'm sure miss na miss ka na ng pamilya mo. Ilang taong ka rin nawala. Malamang subra-subra ang pag-aalala nila sayo."Tiim bagang na naikuyom ko ang aking mga kamao habang nanatiling nakatanaw sa dinaanan ni Jillian. Ayokong umalis nangMARCO"HOOOOLY SH*T!!" malakas na bulalas ni Wayne sabay takbo papunta sa damuhan sa gilid ng kalsada ng paharurutin ko ang kotse malapit sa kanyang kinatatayuan.Nakangiting tiningnan ko ang namumutla niyang mukha."What the f*ck, JM!!!" sigaw niya.Malakas akong napahagalpak ng tawa."Hop in!" balik sigaw ko ngunit hindi siya gumalaw sa kanyang kinatatayuan. Galit na nakatitig lang sa akin. Nakakuyom pa ang kamao. "Sasakay ka ba o hindi? Bahala ka... maglakad ka pabalik ng Manila." sabi ko sabay sara ng bintana ng kotse.He cursed multiple times as he took large strides towards the car. Inis na pumasok siya sa loob. Pabagsak niya pa iyon isinara.I glared at him murderously when he stared at me with his dagger eyes."Ikaw pa may ganang magalit sa akin ngayon?" sikmat ko sa kanya. "Baka nakakalimutan mong ikaw ang dahilan kung bakit nagagalit sa akin--""You asshole!" pasigaw na sabad niya. "E kung nas
JILLIAN"Misis Del Carpio!" nakangiting tawag sa akin ni Nash na nakabitin ng patiwarik sa itaas ng kahoy. Nagulat pa siya ng malingunan niya akong nakapamewang habang nakatanaw sa kanya. "Tulungan mo naman akong makababa dito sa patibong mo!"Pinagtaasan ko siya ng isa kong kilay sa kanyang sinabi bago naglakad palapit sa kinaroroonan niya.Patuloy akong humahagulhol sa loob ng treehouse ng sunod-sunod na malalakas na palitan ng putok ng baril ang narinig ko. Sukat doon biglang napahinto ang pagdaloy ng luha sa aking mga mata sa subrang takot na biglang lumukob sa aking buong katawan."Nay... Marco..." I murmured.Kaagad kong hinamig ang aking sarili saka patakbong bumaba ng treehouse. Maingat akong lumabas ng kakahuyan habang nagpapalinga-linga sa paligid. Ngunit ganun na lamang ang gulat ko ng pagdating ko sa unahan maraming mga nakasuot na itim na bonnet na kalalakihan ang nakikipaglaban sa mga alipores ni Marco."Sino sila?"
MARCO"Ano 'to?" tanong ko kay Ryan nang ilapag niya sa harapan ko sa ibabaw ng mesa ang brown envelop.Ilang oras kaming naghintay sa kanila sa hideout namin dito sa Fairview bago ito humahangos na dumating. Tinambangan sila ng panibagong Van at hindi kilalang mga armadong kalalakihan on the way here kaya iniligaw muna nila. Kung anong pakay ng mga 'yon wala pa kaming idea. They're must be in different group."Open it."Kaagad ko naman iyon binuksan."F*ck! Anong ibig sabihin nito?" galit na tanong ko sa kanya matapos ko mabasa ang documents at makita ang litrato ni Shienna kasama ang isang batang babae.Nagkibit balikat siya. "Kompleto 'yan. But don't tell Migz about that yet. Tayong lima lang ang tanging makakaalam muna tungkol diyan. We need further investigation about her and Kevin Sarmiento.""How about my wife?" sabad ni Wayne. "Wala man lang bang update sayo si Curtis?"Umiling si Ryan. "...but we're wor
JILLIAN"Naaaay!" malakas na sigaw ko pagkakita ko kay Inay na nakatayo sa tabi ng mga tauhan ni Marco na nagkalat sa labas ng bahay namin. Pasugod ko siyang niyakap saka nag-aalalang pinasadahan ng tingin ang kanyang buong katawan. "Okey ka lang po ba, Nay? May masakit ba sayo? Sinaktan ka ba nila?"Nakangiting hinawakan niya ang kamay ko saka umiling. "Okey lang ako--""Bess..." gumagaralgal na sabad na boses nina Cheena at Blessie.Kaagad akong napalingon sa kanila. Patakbo naman silang sumugod sa akin at mahigpit akong niyakap. Narinig ko pa ang mahina nilang paghikbi pero nanatiling nakatitig ang aking nanlalaking mga mata sa mga kababaryo kong umiiyak at takot na takot. Tipon-tipon sila habang napapaligiran naman ng mga bantay ang mga nakagapos na kalalakihan na duguan ang mukha at katawan sa lupa."Akala namin kung napa'no ka na.""Saan ka ba pumunta?"Hindi ko sila pinansin. Iginala ko ang aking paningin sa palig
MARCO"Baka gusto niyo na pong magkwento Dad about what exactly happened to grandma and..." I paused and stared at him intently. "...sainyong anim na magkakaibigan."Kasalukuyan kaming nasa Library ngayon na apat. Nakatayo si Dad sa tabi ng bintana. Masama ang tingin sa akin. Si Mom naman nakaupo sa swivel chair at paulit-ulit na binabasa ang reports at tinititigan ang mga pictures. Si Wayne tahimik lang na nagpapalipat-lipat ang tingin sa aming tatlo habang nakaupo sa mahabang sofa. Sa edge naman nito ako nakaupo at nakikipaglabanan ng titig kay Dad.Pagdating namin kanina ng Hacienda ni Wayne sinalubong ako kaagad ng kamao ni Dad. Hindi ko inaasahan na alam niyang darating kami at mag-aabang mismo siya sa rooftop ng Mansion.Wala siyang sinabi sa akin na kung ano, basta niya na lang ako binugbog pagkababa namin ng private plane. Nakuha ko naman ang gusto niyang ipahiwatig sa akin kaya hindi na ako nagreklamo pa at tinanggap na lang ang ginagawa
MARCO"Iuuwi ko naman po talaga 'yon dito pero dun sa bahay ko kami mag-e-stay." pabalang naman na binitawan ni Mom ang tainga ko. Nakangiwing hinawakan ko iyon. "Aww-F*ck! Ang sakit no'n ah.""Sa tingin mo 'yong asawa mo hindi nasasaktan ngayon sa ginawa mo?"Napatitig ako kay Mom sa kanyang sinabi. Galit niyang mga mata naman ang sumalubong sa akin. Umiwas ako ng tingin saka malalim na bumuntong hininga."Tinago ko sa kanya ang totoong pagkatao ko. Alam niyo naman na nagpapanggap akong isang mahirap lang diba?"I sighed again."Hindi ko inaasahan na mae-in love ako sa kanya. I mean... I must admit I never like her the first time I saw her. Magkaaway kaming dalawa. Pero hindi siya mawaglit sa isip ko. Kahit inis na inis ako sa kanya may pwersang humahatak sa akin palapit sa kanya. Hindi ko alam kung ano at bakit. Hanggang sa maaksidente ako doon sa Mount Quasinta at siya mismo ang nakakita sa akin. Sinagip niya ang buhay ko. Ina
JILLIAN"Ano ba 'yang niluluto niyo Nay, subrang baho naman ng amoy--blaargh." mabilis akong nagtatakbo palabas ng bahay ng maramdaman kong parang may maasim na umakyat na naman sa lalamunan ko saka walang palyang nagduduwal sa tabi ng malaking puno.Kahapon pa masama ang pakiramdam ko. Lagi akong nangangasim at nagsusuka. Parang hinahalukay ang tiyan ko na iwan. Halos bumaliktad na nga e pero patuloy pa rin ako sa pagduduwal kahit wala namang laman, puro tubig at laway lang. Wala naman akong maalalang panis na nakain para sumama ng ganito ang tiyan ko.Hindi kaya nasubrahan ako kakakain ng hilaw na carrots na sinawsaw ko sa kalamansi?Nanghihinang sumandal ako sa katawan ng puno saka tumingin sa malayo.Ilang buwan na ang nakakalipas simula ng pinalayas ko si Marco dito sa bahay. Ilang buwan na rin mesirable ang buhay ko. Buti na lang talaga at ganun pa rin si Inay, hindi siya bumalik sa dati. Dahil kung nagkataon baka matorete ang utak
MARCO"Sigurado ka bang dito ang kuta nila?" nag-aalangan na tanong sa akin ni Wayne habang iginagala ang paningin sa paligid.Kasalukuyan kaming nasa mataas na tulay, ang 'Sula Bridge' na konektado papunta sa siyudad. Minamanmanan namin ang lugar kung saan dinala ang dinukot na kapatid ng kaibigan naming si Kate.Isang liblib at napakagandang lugar ang dinatnan namin sa probinsya ng Albay habang tina-track ang kinaroroonan ni Ryan. Bundok, maraming puno at napapaligiran ng tubig dagat ang natatanaw kong isla. May mga nakahilirang kubo at mga fish pond ata ang nasa harapan ng mga iyon. May natanaw din akong dalawang malaking barko na nakadaong sa kabilang gilid. Nagkalat din ang mga armadong kalalakihan. May mga babae rin akong nakita, mukhang mga turista na iwan. Hindi ako sigurado. Subrang ikli ng mga suot na shorts, labas pa ang mga pusod at blonde hair. Napakunot-noo ako sa nakita kong tattoo sa braso no'ng isang babae. Tadtad pa ng hikaw ang tainga, p
CLEOFATRA MONTEFALCO POV2 DECADES AGOPapasok na kami sa Hotel ng mapansin kong wala ang inaanak kong si Fernan. Nagpalingalinga ako sa paligid pero hindi ko makita ang anino niya. Dali-dali akong lumapit kay Lian na busy sa kausap sa kanyang cellphone."Lian..." hinawakan ko siya sa kanyang braso. Marahas niya naman akong nilingon. "...where's Fernan?""Ok Mr. Ricaforte, see you tomorrow." she ended the call, kunot-noong tinitigan ako. "Anong nasaan si Fernan? Diba..." iginala ang paningin sa paligid saka muli akong tiningnan. "...kasama mo siya?""Ha?"Kaagad akong linukuban ng takot ng makita ko ang itsura niya."Damn it Cleo, tanungin mo sina Marga!"Mabilis kong hinablot ang braso niya ng akma niya akong tatalikuran."Saan ka pupunta?""Babalikan ko sa parking lot baka naiwan doon.""Anong naiwan mo sa parking lot?" sabad ni Eleanor na naglakad palapit sa amin."Anong meron?" ani ni Norman."Bakit ganyan ang itsura niyo?" tanong naman ni Stephano."Where's Fernan?"Napalunok ako
JILLIAN"Marco..?" tawag ko sa kanya ng magising ako sa kalagitnaan ng gabi na wala siya sa tabi ko. Dahan-dahan akong bumangon sa kama. "My loves?"Nagtungo ako sa connecting door ng kwarto ng anak namin pero wala siya. Inayos ko ang kumot ni Max saka lumabas ng kwarto."Marco?" tawag ko ulit sa kanya pero wala akong marinig na ano mang kaluskos at tugon sa kanya. "Saan na naman ba nagpunta ang lalaking 'yon?"Nagtatakang naglakad ako pababa ng hagdanan.Dalawang buwan na ang nakalipas mula ng ikasal kaming dalawa sa loob ng Hacienda. Kinabukasan pagkatapos ng kasal kaagad niya kaming dinala dito sa kabilang isla, sa bahay namin.Sa lugar kung saan ilang ulit nagkrus ang landas naming dalawa buong araw na puno ng inis sa isa't isa.Ang lugar na pinangarap kung bilhin noon at naghihinayang na ibininta ng mga magulang ng kaibigan kong si Jordan na ngayon ay pag-aari ko na. . .dahil kay Marco. Inilipat niya sa pangalan ko ang titulo ng lupa five years ago.Binili niya para sa sarili niy
JILLIAN"Napansin niyo ba 'yong asawa ng kapatid ni Kuya Pogi?""Sino? Si Shienna?""Oo.""O, ano na naman napansin mo?""Parang. . . may gusto siya sa pinsan ni Kuya Pogi."Nagkatinginan kaming lima sa sinabi ni Cheena.Kasalukuyan kaming nasa loob ng kwarto namin ni Marco, inaayusan ako ni Jordan para sa bonggang garden wedding ko. Si Cheena naman kay Mia, at si Blessie kay Jas. Si Margz, iwan kung saang lupalop na naman pumunta. Simula ng dumating dito noong nakaraang araw hindi na namin mahagilap.Hindi ko akalain na matagal ng pinagplanuhan lahat ni Marco ang kasal naming dalawa.It's been four years since he started to make this wedding plan!Akala ko minaniobra niya ang lahat in just two weeks. 'Yon pala, noon pa ready ang lahat. Ako na lang ang kulang.Nakokonsensya tuloy ako sa ginawa kong pagpapahirap sa kanya but still it's all worth it. And now, the wait is over. I'm getting married to Jeff Marco Del Carpio for real!Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Kanina
JILLIAN"Your Lola Cleo and my Mom Juliana were childhood bestfriend."Nagkatinginan kami ni Marco sa sinabi ng kanyang Daddy sabay tingin sa mga magulang ko na tahimik lang din na nakaupo sa katabi nilang sofa.Kasalukuyan kaming nasa sala lahat. Nakaupo ako sa pang-isahang sofa, nasa armrest naman si Marco at walanghiyang nakaakbay pa sa akin kahit nasa harapan namin ang mga magulang ko't magulang niya. Pasimple kong tinatanggal iyon pero binabalik niya naman ulit, hinihigpitan pa lalo kaya hinayaan ko na lang din.Alas dose na ako nagising kanina, mag-isa na lang sa kama.Ayaw ko pa sanang bumangon dahil antok na antok pa ako at nananakit ang aking buong katawan kaso nakakahiya naman sa mag-asawang Del Carpio kaya nagmamadali akong naligo't lumabas ng kwarto. Nagulat pa ako sa nabungaran ko pagtapak ko ng hagdanan at matanaw silang lahat na nasa sala.Masayang nagtatawanan habang nagpapakitang gilas naman si Max sa gitna nila. Bigla rin natigil ang in
MARCOPagkatapos kong makausap si Thur pinuntahan ko si Jillian sa kwarto. Natigilan pa ako sa aking narinig pagkalapit ko sa banyo, humahalo ang kanyang hikbi sa malakas na buhos ng tubig sa shower.Marahan kong kinatok ang pinto niyon."Love, are you okey?" tawag ko sa kanya mula sa labas.Kaagad din siya tumigil sa pag-iyak pero patuloy pa rin ang malakas na pagbuhos ng tubig mula sa shower."Jil..?" tawag ko ulit sa kanya ngunit hindi siya sumasagot.Biglang rumagasa ang takot at pag-aalala sa aking dibdib. Baka kung napa'no na siya sa loob kaya nagmamadaling kinuha ko ang susi sa drawer at binuksan ang banyo.Nagulat ako pagkabukas ko sa aking nakita.She's all naked, nasa tabi ng malakas na lagaslas ng shower. Padaskol niyang kinukuskos ng mabulang fishnet ang kanyang leeg habang impit na humahagulhol."Jillian!" malalaking hakbang ko siyang nilapitan. Pinatay ko ang shower. "What's wron
JILLIAN"Mama kooo!" malakas na sigaw ni Max pagkapasok namin ng Mansion sabay takbo palapit sa amin. "Daddy ko!"Kaagad ko siyang binuhat at pinupog ng halik sa kanyang mukha pati leeg. Gumaya din si Marco kaya malakas siyang nagtitili at humagikhik.Pagkahatid sa amin dito sa Hacienda ni Matt, kaagad itong bumalik ng Manila.Nasa himpapawid pa lang kami kanina halos hindi na ako makapaniwala sa subrang ganda ng tanawin na natatanaw ko sa ibaba lalo na ng makalapag kami sa rooftop ng bahay nila.Subrang lawak ng lupain na tinuturo sa akin ni Marco na pagmamay-ari daw ng mga magulang niya. Maraming mga ibat-ibang hayop akong nakita sa ranchong tinuro niya sa akin. Marami ding mga tao, kumakaway sila sa amin lalo na 'yong mga nasa tubuhan. Natawa pa siya ng sabihin kong atat na pumunta doon sina Margz at Mia para makapag-hunting ng poging ranchero.Pagtapak ko pa lang sa mansion nila nalula na ako sa subrang ganda. Lalo tuloy akon
JILLIAN"Nandun si Boss. . ." tinuro ni Thur ang kinaroroonan ng private plane sa pinakadulo pagkaparada ng sasakyan sa loob ng compound. "Hindi na kita sasamahan, kailangan kong bumalik sa Hospital.""Salamat Thur. Kung hindi kayo dumating--""You know na darating kami kahit anong mangyari." sabad niya. "But. . .sorry kasi na-late kami. Nagkaroon kasi ng aberya sa Salon ni Jordan kaya natagalan. Kahit nahabol kayo nina Jasmin at Kevin at iba pang tauhan, still, 'di sila sapat para sagupain ang nagkalat na mga tauhan ni Clark. Hindi ko akalain na nakalabas sila sa kulungan. Like damn. . .I forgot na anak pala siya ng isang Steves.""Anong atraso ng Lola Cleo ko sa kanila--"Sunod-sunod itong umiling."Si Boss na lang ang tanungin mo tungkol diyan. Sige na. Puntahan mo na 'yon, baka mainip, mayari na naman ako.""Sorry--""Nah--Its fine. Sanay na ako sa kanya. Ganun lang 'yon pero ang totoo super babaw ng luha no
JILLIAN"I. . .want to feel--touch you Clark." daing ko sa kanya habang paulit-ulit na minumura siya sa aking isip.Nag-angat siya ng tingin saka tinitigan ako sa aking mga mata. Bahagya pang nakaawang ang kanyang mga labi."Please. . ."Nakita ko pa siyang napalunok bago ako muling hinalikan, mapusok at nagmamadali.Siguro nadala siya sa pagtugon ko, pagpapaubaya at peke kong mga daing na para bang nagugustuhan ko ang ginagawa niya sa katawan ko kaya bigla niya na lang kinalagan ang pagkakatali sa aking mga kamay.Tinulungan ko pa siyang matanggal iyon ng maramdaman kong lumuwag na ang tali. Ipinulupot ko kaagad ang aking mga braso sa kanyang leeg at nakipagpalitan sa kanya saglit ng halik.Gusto kong bumunghalit ng iyak pero tiniis ko ang lahat. Sina Marco at Max ang tanging laman ng aking utak habang ginagawa ko iyon.I need to scape no matter what!!Nang masiguro kong tangay na tangay na siya, malakas ko siyang itinulak. Hindi niya inaasa
JILLIANKanina pa ako gising pagkaalis nina Inay at Max para ihatid ito sa eskwelahan pero nanatili pa rin ako sa higaan. Nakatulalang nakikipagtitigan sa kisame. Nag-iisip ng tamang approach kung paano ko kakausapin at haharapin sina Itay at Jas.Beep. . .Inabot ko ang phone ng tumunog iyon.BUDOL GANG:It's fine my loves. How are you anyway? Will go there and see you. I love you!Kumirot na naman ang puso ko sa sinabi niya.I need to make it up to him. To all of them. They owe me a lot. And also Max. . . I know both of them will be very happy once they see each other.Sigurado akong magagalit siya sa akin sa ginawa kong pagtatago kay Max sa kanya ng apat ng taon pero buong puso kong tatanggapin ang lahat ng sasabihin niya basta mapatawad niya lang ako. And will do everything whatever he want me to do. As long as na makakapagpasaya iyon sa kanya, sa anak namin. . . at sa puso ko, will do it with all my heart without thinking twice.Binaba k