3/3 done for this day ~ nasa school pa rin. tomorrow naaaaa ~ thank u for reading. this is the last special chapter for 2nd generation
HANNI & YVES NOVEL - Forgotten Marriage: Bringing Back my Husband's LoveEXCERPT:“YOU'RE not my wife. Hindi ka pa ba titigil sa kasinungalingan mo? Look, I already have my wife and my son. Paano ang sinasabi mo na may relasyon tayo, na kasal ako sa 'yo, at may anak tayong dalawa? Are you fúcking crazy?”Hanni gulped before she looked at Yves. Kahit kailan ay hindi niya maiisip na ganito siya kakausapin ni Yves. Hindi siya sanay. Mula pa noong highschool sila at kahit malamig ang boses ni Yves, alam niyang dahil lang iyon sa personalidad nito. Hindi tulad ngayon na… parang pinandidirian siya ni Yves - na parang ayaw nitong huminga ng hangin na siyang hinihinga niya rin. He's disgusted with her…Muli niya pang pinaglandas ang tingin kay Yves bago siya marahang nagpaliwanag. “Yves, nagsasabi ako ng totoo. Ako talaga ang asawa mo. Kinasal tayo at may anak na tayong dalawa. Do you remember Yvette? She's our daughter. She misses you, you know? Hindi ko alam kung bakit ngayong nakita kita i
Chapter 1: Adoption“AKIN ’to!”Nakaramdam si Nene ng sakit sa mukha nang sapakin siya ng batang umaagaw sa pagkaing inabot sa kanya noong nanlilimos siya. “Bitiwan mo sabi, eh! Akin na 'to dahil nakita ko! Ayaw mo bumitaw, ah?! Toto, hawakan ninyo siya! Kunin natin 'tong pagkain tapos hahatian ko kayo!”“Ayaw ko! Pagkain ko 'to! Bitaw! Akin 'to!”May humatak sa buhok ni Nene habang may humihila ng damit niya at sinusuntok siya sa mukha. Pero kahit na nasasaktan at humahagulhol na sa iyak, hindi binitiwan ni Nene ang hawak na kapirasong fried chicken at bawas na kanin na nakalagay pa sa styrofoam container. Ngunit kahit anong protekta ni Nene sa pagkain, sa huli ay nahablot ng isa sa mga bata ang lalagyan pero dahil sa kaguluhan, tumapon iyon sa espalto at sa maruming daan, nagkalat ang kapirasong kanin at ulam. Mas lalong lumakas ang iyak ni Nene habang ang mga batang umaagaw naman ng pagkain niya, nainis kaya sinuntok pa ang ulo ng nakaupong si Nene bago tumakbo paalis doon. Naka
Chapter 2: Corporal PunishmentTrigger Warning: Physical abúse towards a child“TUMAYO KA NANG MAAYOS!”Dumagundong ang malakas na boses ng ama ni Yves sa basement kung saan naroon sila ngayon. Nahihirapang lumunok ang walong taon na si Yves ngunit sinunod ang ama. Oras na hindi niya sundin ito, mas lalong hahaba ang parusa na para sa kanya. Maayos na tumayo si Yves at saka naman lumatay muli sa kanyang likod ang makapal na latigo ng ama. Napaigik siya at halos mabuwal. Tumulo na rin ang luha sa mga mata niya pero pinigil niyang pumalahaw. Noong minsan na ganoon ang ginawa niya ay mas lalong nilakasan ng ama ang palo sa kanya at tinagalan pa nito ang parusa. “Tumayo ka sinabi nang matuwid! Bobó!”Isang malakas na hagupit pa at ramdam ni Yves ang pagkapunit ng laman sa likuran. Doon, umalpas na ang iyak sa kanyang mga labi.Nang marinig iyon, tulad ng inaasahan ay lumakas nga ang hampas kay Yves. Sa huli, dahil bata pa naman si Yves, hindi niya nakayanan ang ginagawa ng ama. Napaluho
Chapter 3: Hanna Isaiah, that's your name and you're my daughterDAMON was looking at the child's face and he softened his expression while staring at her. She really looks like her mom. Sa naisip na iyon, inabot ni Damon ang bata at marahan at may pag-iingat na hinaplos ang buhok nito. Hindi pa rin mapaniwalaan ni Damon na makikita niya ang bata noong pasuko na siya. He's been looking for her for the past six years. Ever since he found out that Aiza had a child but she abandoned her, he almost roamed the whole Philippines just to find the unfortunate child. “Dame, are you sure she's the child you're looking for?” Pumasok si Chloe at iyon agad ang tinanong sa pinsan.Binaba ni Damon ang kamay at saka lumingon sa babae. Chloe's been with him for the mission since the other agents were busy protecting the newly elected president of the nation. The new president got a death threat and since he doesn't fully trust his PSGs, he hired agents from HQ. Si Cyrus na asawa ni Chloe ay natala
Chapter 4: I will train you to protect yourself“BAKIT wala akong mama, Papa?” tanong ng siyam na taon na si Hanni. Iyon ang palayaw na binigay niya sa sarili simula noong kupkupin siya at gawing anak ni Damon. Isang taon na ang nakalipas mula noong bigla na lang lumitaw si Damon sa buhay ni Hanni at mula noon, nagbago na ang mundong ginagalawan niya. Mula sa batang palaging kunakalam ang sikmura, lagi nang busog si Hanni ngayon. Sa oras na magsabi siyang gutom, agad siyang inaasikaso ng ama. Hindi na rin madilim, marumi, basa at malamok ang tinutulugan niya kundi maayos, maliwanag, komportable at may air-con ang kwarto niya. Mababait din ang mga kinilala niyang pinsan na pamangkin ng Papa Damon niya. Puro lalaki ang pinsan niya at kahit naman kadugo, mabuti ang turing kay Hanni ng mga ito. Hindi tulad ng mga masasamang bata sa kalye na laging sinasaktan si Hanni, ang mga pinsan niya ay madalas pa siyang protektahan kaya gusto ni Hanni sa pamilya na mayroon siya ngayon. Ang kaso l
SIXTEEN years old na si Hanni. Hanggang balikat na rin siya ni Damon na 6'4 ang height. She's now 5'4 in height. Tuwang-tuwa naman ang ama niyang si Damon dahil hindi raw failure ang mga vitamins na ’nilaklak' niya. Kung anong liit ni Hanni noong bata ay siyang laki niya naman ngayon. They're here in Santorini, Greece for a vacation. Sila lang ng ama ang nasa bakasyon dahil naka-graduate na siya ng junior high at ilang buwan na lang, papasok na siya na senior high student. Regalo ng ama sa kanya na makapunta rito sa Greece dahil mahilig si Hanni sa Greek Mythology. She also wants to see a Parthenon kaya kagagaling lang nila ng Athens para makita iyon. Ngayon naman ay Caldera ang iche-check ni Hanni at Damon sa Santorini. Pati ang iba pang historical sites ay pupuntahan nila dahil iyon ang nasa kanilang itinerary. Two week trip ang nai-book ni Damon at bawat araw sinusulit ni Hanni iyon dahil pagbalik sa Pilipinas, magiging busy na naman siya. Maging si Damon, ngayon lang uli nakasam
Chapter 6: Ang lampa moINAYOS ni Hanni ang palda na suot. May pagkagusot kasi iyon at kailangan niyang ayusin para magmukha siyang presentable. Ito ang unang araw niya bilang senior high student ng ABM Department. She's a transferee student and this is the first day of school. Dahil nagdesisyon siyang umalis ng HQ, iniwan niya rin ang bahay na bigay ng ama na si Damon. She still has the keys of the house and she locked it. Alam niya naman na babantayan iyon ng pamilya nila Chlyrus. Wala siyang ideya kung makakabalik pa ba siya o hindi na pero sa ngayon, susundin niya ang huling habilin ng Papa Damon niya - ang mamuhay ng simple at malayo sa gulo.Dala ang kaunting ipon na mayroon siya, nagrenta si Hanni ng isang studio type apartment na alam niyang safe. Dala niya ang motorsiklo na minana kay Damon dahil importante sa kanya iyon ngunit hindi niya ginagamit kundi pinarke niya lang sa parking space na mayroon ang apartment. Inasikaso rin ni Hanni ang lahat ng pwedeng asikasuhin - sa
Chapter 7: Can we be friends? MAYABANG si Hanni na nagsalita sa lalaki na bibigay niya ang pangalang tinatanong nito sa kanya kung magkikita pa sila dahil kampante siyang hindi na sila magkikita. Sa laki ba naman ng school, mas malaki ang tsansa na hindi na sila magkita pa, hindi ba? Malaki ang university dahil bukod sa senior high ay may college students na rin sa pinasukan niyang eskwelahan. May kanya-kanyang department kaya malabo ang ganoong pangyayari. Pero mali si Hanni. Dahil nagulat na lang siya na kaklase niya pala ito dahil ABM program din pala ang lalaki. At ang pinakamalaking biro ng tadhana kay Hanni? Seatmates silang dalawa. Dahil Madrigal ang apelyido niya at Magalona naman ito, magkasunod sila. Amused na tumingin si Yves sa babaeng seatmate. Hindi naman lumilingon si Hanni dahil nahihiya siya. Ang yabang-yabang niya pa kasi kanina tapos ay ito pala ang sasalubong sa kanya? Malay niya bang magiging magkaklase sila? “So, are you willing to tell me your name, Miss?”W
Nang marinig ni Chester ang iyak ng ina niya, mas lalo siyang nagwala. Tinulak niya ito at sumigaw, “Bakit ka umiiyak?! Sino nagsabing wala na akong silbi?! Tumawag ka ng mga babae! Patutunayan ko sa inyong lahat na hindi ako inutil! Hahaha! Hindi ako inutil!”Halos matumba ang ina sa pagkakatulak. Pagkatayo niya, di na siya muling umiyak. Alam niyang mas lalo lang magagalit si Chester.Mayamaya, napansin ni Chester si Paris na nagtatago sa likod ng mga tao at ayaw lumapit.Bigla siyang sumigaw. “Paris! Lumapit ka rito! Bilis!”Nang marinig ang pangalan niya, halos manginig si Paris… Parang demonyo si Chester! Lahat ng lumapit sa kanya, parang kinakain ng buo!Pero wala siyang magawa… Andami ng matatandang miyembro ng pamilya Beltran sa paligid. Kahit kunwari lang, kailangan niyang lumapit.Kaya pinisil niya ang sarili niya nang malakas para lumabas ang luha, at lumapit sa kama habang umiiyak: “Bakit ganito ang nangyari… Bakit ganito… Master Chester, masakit ba…?”Pero imbes na maawa,
Chapter 68ISANG bungkos ng mga gulay na mukhang walang lasa ang nakahain sa tanghalian. Pagkakita pa lang ni Chastain, parang sumakit agad ang tiyan niya at nawalan siya ng gana.Si Patricia naman, kalmado lang sa pagkain. Alam niya kasing ang may-ari ng karinderyang ito ay mahilig magdagdag ng tubig habang nagluluto at matipid sa mantika, kaya ang “ginisa” ay parang pinakuluan lang.Ganito rin talaga ang kain niya dahil iniisip pa rin niyang magpapayat, at sinabihan din siya ng doktor na iwasan ang matatabang at maaanghang na pagkain. Mas okay na raw ang mga masustansyang gulay.Pero si Chastain ay normal na tao! Paano naman siya gaganahang kumain ng ganitong luto na parang nilaga lang? Kaya dalawang subo lang ng kanin ang nakain niya, sumuko na agad.Nakita ni Patricia ang itsura niyang parang mamamatay na sa gutom, kaya napabuntong-hininga ito at itinuro ang kabinet sa kusina gamit ang kanyang kutsara. “Naalala ko may bote ng chili oil d'yan. Kung sobrang wala talagang lasa sa'yo,
Sa wakas, luminga-linga si Chastain at tumigil ang tingin niya kay Patricia. “Kahit na parang ordinaryo at hindi kapansin-pansin ka sa paningin ng iba, para sa ’kin isa kang interesting na tao. Kaya handa akong maglaan ng oras para maging kaibigan ka. Kung tutulong ka man sa’kin sa hinaharap, nasa ‘yo na ‘yon.”Medyo natulala si Patricia.Ang salitang “kaibigan” ay parang isang luho para sa kanya. Ang buong buhay niya dati ay punong-puno ng mga taong minamaliit siya at gustong yurakan ang pagkatao niya.Ngayon lang siya nagsimulang magkaroon ng mga totoong kaibigan. Pero hindi rin siya sigurado kung totoo bang mabait sila sa kanya, o ginagamit lang siya para sa pansariling interes.Pero si Chastain yata ang unang nagsabi na gusto siyang maging kaibigan.Habang tulala pa si Patricia, hinawakan ni Chastain ang braso ni Patrick at binuhat ito sa likod niya. “Patricia, wag mo nang gawing komplikado pa ang pag-iisip sa’kin. Oo, may ambisyon ako, pero hindi ibig sabihin gusto kong agawin an
Chapter 67NGUMITI si Chastain ng bahagya. "Wala akong pakialam kung anong gulo meron kayo ng pamilya Alejandro. Basta, wala kang karapatan dito. Kung aalis ka, umalis ka na agad para hindi ka nakakaabala. Habang wala si Daemon, ako ang magpoprotekta sa babaeng 'to."Napakagat ng labi si Carmina sa inis, tinitigan si Chastain nang masama, at sa huli, napasipa siya sa lupa: "Hindi ko kalilimutan 'to!"Pagkatapos, tumalikod siya at naglakad papunta sa kanyang Maybach...Ang dalawa niyang tauhan ay napabagsak na ni Chastain, hindi man lang nakaporma o nakapalag.Sa huli, umalis si Carmina na halos nakakahiya, iniwan ang alikabok habang papalayo ang Maybach. Nakatingin pa rin si Patricia sa direksyong nilisan nito, tila tulala pa rin.Kahit na hindi talaga kaaya-aya si Carmina, totoo pa rin ang mga sinabi niya. Para bang tinamaan si Patricia sa pinakasensitibong parte ng damdamin niya.Tama... parang naging pabigat na lang talaga siya kay Daemon...Habang nag-iisip pa siya, bigla siyang t
Tahimik lang si Patricia, kagat labi. Paano niya malalaman?“Dahil hindi mo alam kung nasaan ka, at hindi mo alam ang lugar mo!” Sobrang linaw at diin ng bawat salitang binitiwan ng babae, parang gusto siyang durugin sa salita pa lang!Pero hindi umiwas ng tingin si Patricia, kalmado siyang tumingin pabalik: “sa labindalawang taon ng buhay ko, sobra na akong naging mabait. Ngayon naman, gusto ko na lang piliin sarili ko, hindi ba pwede iyon?”SLAP! Isa pang sampal mula sa kabila! Lalong naging matalim ang mga mata ng babae. “Akala mo ba may karapatan kang magsalita ng ganyan sa harap ko?!”Na-off guard si Patricia at nasampal ulit. Nainis na siya bigla. Ang babaeng ‘to bigla na lang sumulpot na parang baliw tapos nanampal pa nang walang dahilan. Pero alam ni Patricia na malakas ang koneksyon ng babaeng ‘to kaya pinilit na lang niyang pigilan ang inis niya, “Hindi ko alam kung sino ka, at hindi ko rin alam kung anong nagawa ko sa’yo, pero pwede bang kahit konti lang, igalang mo naman
Chapter 66HALATANG nabigla ang doktor sa sinabi ni Daemon, pero mabilis din nitong inayos ang sarili, hinila ang kwelyo ng kanyang polo at kalmadong nagsalita, “Walang magiging problema. Pwede mo na siyang iuwi bukas para makapagpahinga. Iwasan lang ang mga bawal kainin at uminom ng gamot sa tamang oras.”Hindi na nagsalita pa si Daemon sa doktor, tumingin na lang siya kay Patricia. “Sundin mo lang sinabi ng doktor. Gusto mo bang ma-ospital ka ulit?”Tahimik lang si Patricia… Bakit parang sinasabi ni Daemon na gusto pa niya mapunta sa ospital?Hinawakan ni Daemon ang ulo niya, parang pagod na pagod. “Hindi ko naman kayang bantayan ka palagi, kaya sana huwag ka nang gumawa ng kalokohan.”Napailing lang si Patricia sabay labas ng dila… Concern ba ‘to o pananakot?Pero sa huli, binawi ni Daemon ang kamay niya at tiningnan siya. “Pumasok ka na at magpahinga nang maaga.”Tumigil muna si Patricia, tapos tumango, “Sige.”Sa totoo lang, halata sa mga mata ni Daemon na parang ayaw pa niyang u
Minsan, ni si Daemon mismo, hindi na alam kung alin ang totoo at alin ang hindi, o kung sino ba talaga siya.Masyado nang komplikado ang mundo niya para unawain. Kahit ilang palapag lang ang inakyat nila, parang ang tagal nilang naglakad.Pagdating nila sa pinto, kinuha ni Patricia ang susi sa bag niya at binuksan ang pinto. Madilim sa loob, at tulog na ang tatay niya.Pagkalabas ni Patricia mula ospital, tinawagan niya ang tatay niya para sabihing may dinner siyang pupuntahan at huwag na siyang hintayin sa ospital—umuwi na lang at magpahinga.Tahimik siyang pumasok para 'di magising ang tatay niya. Pero nakita niyang natutulog pa rin ito sa reclining chair sa sala. Maayos ang bahay, malinis.Napansin din 'yon ni Daemon kaya medyo kumunot ang noo niya.Naalala niya nung pumunta siya sa ospital para bisitahin si Patricia. Pagkatapos no’n, nagdesisyon siyang huwag guluhin ang normal na buhay nito kaya pumayag muna siya sa alok ni Chastain—pansamantalang pakikisama para mapakalma si Mr.
Chapter 65HINDI talaga inakala ni Patricia na dadalhin siya ni Daemon dito… Diba sa mga nobela at palabas sa TV, dapat ang mga eksena ay sa magagandang lugar, may romantic setup, at maraming nakakakilig na linya?O kaya naman ay sa isang private na lugar kung saan madalas pumunta ang bida, tapos doon niya ibabahagi ang mga sikreto niya sa babae…Pero kabaligtaran ang ginawa ni Daemon.Dinala siya sa pinaka-pamilyar niyang lugar. Inisip pa nga niya na ihahatid lang siya nito pauwi sa apartment at aalis na. Pero kung iisipin, pinaalala ni Zaldy na kailangan siyang ibalik sa ospital… baka naman hindi niya nakalimutan, ‘no?Hindi bumaba ng kotse si Patricia, tumingin lang siya kay Daemon na parang nagtatanong gamit ang kanyang mga mata.Hindi rin bumaba si Daemon. Kinuha lang niya ang sigarilyo sa bulsa at sinindihan. Tumingin siya sa mga gusaling naaninag lang sa dilim. Ang dim na ilaw ng streetlamp ay tumama sa mukha niya, at doon nakita ang lungkot at parang pagod na pagod siyang tao…
Napansin ni Patricia na nakatitig sa kanya si Daemon habang wala sa sarili, kaya umiwas siya ng tingin, medyo nahihiya. Tapos, mahina niyang tinanong, halos hindi niya na marinig ang sarili niya, “Ahm… okay lang ba talaga ‘yung sagot-sagot mo sa lolo mo?”Ngumiti si Daemon, “Ano sa tingin mo?”Hindi nakaimik si Patricia. Habang tinitingnan ang ngiti ni Daemon, pakiramdam niya mas lalong may masamang mangyayari kapag kinontra mo siya.Alam ni Daemon na wala siyang maisasagot, kaya tinaasan niya ng balikat. “Wala ka rin namang magagawa sa mga ‘to. Mas mabuti pa, magpalit ka muna ng damit.”Nang marinig niya ‘yun, doon lang niya naramdaman na nilalamig pala siya. Napahatsing siya bigla.Tumawag si Daemon at pumasok si Zaldy. Pagkakita niya kay Patricia na parang basang sisiw at kay Daemon na mukhang pagod na pagod, nagulat siya. “Wala ba talagang nangyari sa inyo?”Tumawa si Daemon. “Ano sa tingin mo dapat ang nangyari?”Agad na iniba ni Zaldy ang ekspresyon niya, tapos ngumiti ng parang