hello ~ i know excited kayo sa 2nd gen kasi ako rin naman. kaya nga pinakita ko sa inyo yung excerpts, diba? pero hindi ko kasi pwedeng maunang isulat sila kasi hindi mage-gets ang plot doon kung hindi dadaan sa 1st gen. guys, i did your requests na gumawa ng kwento ng side characters, kaya sana stick muna tayo sa 1st gen like hanni, chlyrus, zephyr, etc. believe me, maguguluhan din kayo sa 2nd gen kasi sasabihin ninyo, hala ano nangyari at nagkaganito si *character*? pumangit na kasi ang gulo. o diba, kayo rin maguguluhan. pls trust me po sa kwento nila. also, hindi naman mahaba ang kwento ng 1st gen unlike kevin & serena. i think 50 to 60 chapters lang ang haba ng kwento nila. this chapter is flashback of Hanni's life. wag malilito. salamat nang marami!
Chapter 2: Corporal PunishmentTrigger Warning: Physical abúse towards a child“TUMAYO KA NANG MAAYOS!”Dumagundong ang malakas na boses ng ama ni Yves sa basement kung saan naroon sila ngayon. Nahihirapang lumunok ang walong taon na si Yves ngunit sinunod ang ama. Oras na hindi niya sundin ito, mas lalong hahaba ang parusa na para sa kanya. Maayos na tumayo si Yves at saka naman lumatay muli sa kanyang likod ang makapal na latigo ng ama. Napaigik siya at halos mabuwal. Tumulo na rin ang luha sa mga mata niya pero pinigil niyang pumalahaw. Noong minsan na ganoon ang ginawa niya ay mas lalong nilakasan ng ama ang palo sa kanya at tinagalan pa nito ang parusa. “Tumayo ka sinabi nang matuwid! Bobó!”Isang malakas na hagupit pa at ramdam ni Yves ang pagkapunit ng laman sa likuran. Doon, umalpas na ang iyak sa kanyang mga labi.Nang marinig iyon, tulad ng inaasahan ay lumakas nga ang hampas kay Yves. Sa huli, dahil bata pa naman si Yves, hindi niya nakayanan ang ginagawa ng ama. Napaluho
Chapter 3: Hanna Isaiah, that's your name and you're my daughterDAMON was looking at the child's face and he softened his expression while staring at her. She really looks like her mom. Sa naisip na iyon, inabot ni Damon ang bata at marahan at may pag-iingat na hinaplos ang buhok nito. Hindi pa rin mapaniwalaan ni Damon na makikita niya ang bata noong pasuko na siya. He's been looking for her for the past six years. Ever since he found out that Aiza had a child but she abandoned her, he almost roamed the whole Philippines just to find the unfortunate child. “Dame, are you sure she's the child you're looking for?” Pumasok si Chloe at iyon agad ang tinanong sa pinsan.Binaba ni Damon ang kamay at saka lumingon sa babae. Chloe's been with him for the mission since the other agents were busy protecting the newly elected president of the nation. The new president got a death threat and since he doesn't fully trust his PSGs, he hired agents from HQ. Si Cyrus na asawa ni Chloe ay natala
Chapter 4: I will train you to protect yourself“BAKIT wala akong mama, Papa?” tanong ng siyam na taon na si Hanni. Iyon ang palayaw na binigay niya sa sarili simula noong kupkupin siya at gawing anak ni Damon. Isang taon na ang nakalipas mula noong bigla na lang lumitaw si Damon sa buhay ni Hanni at mula noon, nagbago na ang mundong ginagalawan niya. Mula sa batang palaging kunakalam ang sikmura, lagi nang busog si Hanni ngayon. Sa oras na magsabi siyang gutom, agad siyang inaasikaso ng ama. Hindi na rin madilim, marumi, basa at malamok ang tinutulugan niya kundi maayos, maliwanag, komportable at may air-con ang kwarto niya. Mababait din ang mga kinilala niyang pinsan na pamangkin ng Papa Damon niya. Puro lalaki ang pinsan niya at kahit naman kadugo, mabuti ang turing kay Hanni ng mga ito. Hindi tulad ng mga masasamang bata sa kalye na laging sinasaktan si Hanni, ang mga pinsan niya ay madalas pa siyang protektahan kaya gusto ni Hanni sa pamilya na mayroon siya ngayon. Ang kaso l
SIXTEEN years old na si Hanni. Hanggang balikat na rin siya ni Damon na 6'4 ang height. She's now 5'4 in height. Tuwang-tuwa naman ang ama niyang si Damon dahil hindi raw failure ang mga vitamins na ’nilaklak' niya. Kung anong liit ni Hanni noong bata ay siyang laki niya naman ngayon. They're here in Santorini, Greece for a vacation. Sila lang ng ama ang nasa bakasyon dahil naka-graduate na siya ng junior high at ilang buwan na lang, papasok na siya na senior high student. Regalo ng ama sa kanya na makapunta rito sa Greece dahil mahilig si Hanni sa Greek Mythology. She also wants to see a Parthenon kaya kagagaling lang nila ng Athens para makita iyon. Ngayon naman ay Caldera ang iche-check ni Hanni at Damon sa Santorini. Pati ang iba pang historical sites ay pupuntahan nila dahil iyon ang nasa kanilang itinerary. Two week trip ang nai-book ni Damon at bawat araw sinusulit ni Hanni iyon dahil pagbalik sa Pilipinas, magiging busy na naman siya. Maging si Damon, ngayon lang uli nakasam
Chapter 6: Ang lampa moINAYOS ni Hanni ang palda na suot. May pagkagusot kasi iyon at kailangan niyang ayusin para magmukha siyang presentable. Ito ang unang araw niya bilang senior high student ng ABM Department. She's a transferee student and this is the first day of school. Dahil nagdesisyon siyang umalis ng HQ, iniwan niya rin ang bahay na bigay ng ama na si Damon. She still has the keys of the house and she locked it. Alam niya naman na babantayan iyon ng pamilya nila Chlyrus. Wala siyang ideya kung makakabalik pa ba siya o hindi na pero sa ngayon, susundin niya ang huling habilin ng Papa Damon niya - ang mamuhay ng simple at malayo sa gulo.Dala ang kaunting ipon na mayroon siya, nagrenta si Hanni ng isang studio type apartment na alam niyang safe. Dala niya ang motorsiklo na minana kay Damon dahil importante sa kanya iyon ngunit hindi niya ginagamit kundi pinarke niya lang sa parking space na mayroon ang apartment. Inasikaso rin ni Hanni ang lahat ng pwedeng asikasuhin - sa
Chapter 7: Can we be friends? MAYABANG si Hanni na nagsalita sa lalaki na bibigay niya ang pangalang tinatanong nito sa kanya kung magkikita pa sila dahil kampante siyang hindi na sila magkikita. Sa laki ba naman ng school, mas malaki ang tsansa na hindi na sila magkita pa, hindi ba? Malaki ang university dahil bukod sa senior high ay may college students na rin sa pinasukan niyang eskwelahan. May kanya-kanyang department kaya malabo ang ganoong pangyayari. Pero mali si Hanni. Dahil nagulat na lang siya na kaklase niya pala ito dahil ABM program din pala ang lalaki. At ang pinakamalaking biro ng tadhana kay Hanni? Seatmates silang dalawa. Dahil Madrigal ang apelyido niya at Magalona naman ito, magkasunod sila. Amused na tumingin si Yves sa babaeng seatmate. Hindi naman lumilingon si Hanni dahil nahihiya siya. Ang yabang-yabang niya pa kasi kanina tapos ay ito pala ang sasalubong sa kanya? Malay niya bang magiging magkaklase sila? “So, are you willing to tell me your name, Miss?”W
Chapter 8: Gwapo pala talaga siyaFRIENDS. Wala man gaanong alam si Hanni sa ganyang salita dahil hindi naman siya nagkaroon ng ganyan noong bata siya, medyo maayos naman pala sa pakiramdam kapag may kaibigan ka? Noong nasa poder kasi siya ng ama, ang tanging mga kaibigan niya ay mga tinuring niyang pinsan. But Chlyrus told her that they're different from friends because they're family of Hanni. Kaya wala siyang kaibigan habang lumalaki. She was homeschooled when she was young and when she was in highschool, sa exclusive academy ng HQ siya pumapasok. Oo at may mga nakakausap siya. Pero dahil anak siya ni Agent Wind na tinitingala ng lahat, intimidated ang mga kaklase niya. Ngayon pa lang si Hanni nagkaroon ng experience na normal na pumasok sa isang eskwelahan na halos lahat ng antas ng tao ay naroon. “Here's your food,” ani Yves noong dumating ito. Binaba nito ang dumplings pati ang sawsawan dahil iyon ang madalas na kainin ni Hanni. Si Yves naman ay hawak ang hotdog on stick. Ki
Chapter 9: Maraming may gusto sa kanyaDAHIL sa mini make-over na ginawa ni Hanni kay Yves, naging pansinin ito sa school. Partikular na sa loob ng classroom nila. Kung dati ay bilang na bilang lang ang babae na kumakausap kay Yves, ngayon halos lahat ng mga kaklase nilang babae ay kinakausap na si Yves - kunwari lang na nagpapatulong sila sa assignment o projects pero alam naman ni Hanni na gusto lang nilang mag-iwan ng impression kay Yves. Umiikot ang mga mata ni Hanni patungo sa langit dahil sa inis. Hindi niya alam kung bakit siya naaasar pero minsan gusto niyang hatakin ang buhok ng mga babaeng kinakausap si Yves. Magugustuhan niya sana na hindi na loner si Yves kung talagang mababait itong mga taong 'to. Ang kaso, naririnig niya na dati ay nilalait nila si Yves. Sinasabi nila na pangit, mabaho, at marumi. Pero hindi naman talaga ganoon iyon. Yves might be sweaty sometimes when he arrives at school. Pero pawis lang ito. Hindi ito mabaho o kung ano pa man. Minsan kasi ay galing
Chapter 36: You need to get rid of her! “ALAM mong ako lang dapat ang asawa ni Yves! Hindi pwedeng sa iba ang mapupunta sa pwesto ko! Ang tagal kong hinintay na makasama siya at hindi ako papayag na may iba lang na kukuha n'on! I'm his wife! I don't like that there's someone out there that could ruin my life!”Pabalik-balik ang lakad ni Samantha habang nag-ra-rant ito. Hindi nakuntento ay kinuha nito sa clutch bag ang kaha ng sigarilyo, nagsindi at agad na humithit doon. Makailang ulit na ginawa iyon ng babae para mabawasan ang inis na nadarama. Kung makikita lang ni Yves ang ayos ni Samantha, magugulat ito sa makikita. Gone were the innocent Samantha that Yves knew. Samantha right there is wearing a flimsy dress while her stilettos were clicking on the marble floor while she's facing back and forth. Mabuti na lang at wala roon si Yves dahil malamang ay hindi nito makikilala ang babae na kinikilala nitong mahinhin at hindi makabasag pinggan. “Miguel, do something about it! If you
Chapter 35: Remember, Yves, she hurt SamanthaYVES was wide awake while staring at the ceiling. Ang nangyari kanina ay hindi pa rin mawaglit sa isip niya.Naalala niya ang mukha ni Hanni kanina - bakas ang pagsuko sa mukha nito. Sa mga sinabi niya ay sigurado siyang nasaktan ito. Lalo na noong akusahan niya ito bilang kriminal. Ngunit kahit mabigat ang loob, ang nasa isip ni Yves ay totoo naman ang sinabi niya. From the investigation he got from the private investigator that he hired, Hanni is a paid killer. She killed the person she was tasked to kill for. There's also a surveillance video that was given to him and he saw that Hanni really killed someone. Hindi man lang makitaan ng pagsisisi sa mukha si Hanni at imbes, paulit-ulit ang ginawa nitong pagbaril sa taong kaharap nito. Yves would be honest, he felt afraid when he saw that video. Hindi niya maipagkapareho ang Hanni na humaharap sa kanya sa Hanni na nakita niya sa video. …She's like a reaper sent down to hunt those peopl
Chapter 34: I won't choose someone like you“WHAT do you mean by that?” Malamig ang boses ni Yves noong nagtanong siya. “Kahit litrato ba, kaya nilang mag-provide para mapatunayan na asawa ka talaga ng babaeng iyon? Ako, Yves, I can prove you the truth. I have tons of pictures, videos, and even documents that say you're my husband. Pero alam mo, nakakapagod palang ipamukha sa 'yo ang totoo kasi kahit yata ibigay ko sa 'yo iyon at ipakita, mas pipiliin mo pa ring maniwala sa ibang tao kahit ilang ulit na akong nagsasabi ng totoo sa 'yo. Para na akong sirang plaka rito pero ikaw, ayaw mong paniwalaan ako. Dahil ba hindi mo ako maalala?”Tulad kanina, hindi na naman nakahanap si Yves ng magiging sagot sa maaanghang na salita ni Hanni. Sandali siyang nakaramdam ng pagkalito. Saka niya naisip na tama naman ang sinabi nito. Wala silang wedding photo ni Samantha. Kahit ang mga iilang photo albums na mayroon sa bahay ay limitado at wala siya sa mga iyon. Tanging si Yael lang ang nasa mga li
Chapter 33: Where did you get that photo? HINATID muli ni Yves si Yael sa kindergarten at maaga muli silang nakarating doon, mga kalahating oras pa bago magsimula ang klase ng mga bata. Umupo si Yves kasama si Yael sa may bench na ginawa para mga batang gustong magpahinga pagkatapos nilang mag-playtime. Yves even saw some people with their children like him leading them inside the kindergarten premises. “Dad, I have some friends now. But you know, Yvette still doesn't want to talk to me. I wonder why. I tried to tell her that I'm willing to share you with her but she cried after I said that. Then the teacher thought I was bullying her. I felt bad again,” marahang sumbong ni Yael sa kanya. Yves lightly tapped Yael's head. “You did good. But don't push it if she doesn't want to be friends with you. It all depends on fate, hmm?”Tumango si Yael at nilabas na lang nito ang stress ball na nasa small bag nito. Yael played quietly while Yves is observing the whole place. Mayamaya lang di
Chapter 32: This is an illegal drúgMATINDI PA rin ang kirot ng ulo ni Yves at ilang sandali pa bago iyon humupa. Hindi naman siya iniwan ni Kevin hanggat hindi nito nasisiguro na hindi maayos ang lagay niya. Nang kaya na ni Yves tumayo nang diretso, gumilid na si Kevin at hindi na siya inalalayan pa. “Are you feeling alright? If you're okay, then I'm going to leave…”Bago pa ito makaalis, hinawakan ni Yves ang braso ni Kevin at nakakunot ang noo na nagsalita. “You took away my medicine. Give it back.”“Oh.”Humugot si Kevin sa bulsa nito ngunit walang laman ang nakalahad nitong palad noong buksan sa harap niya. “I think I dropped it when I grabbed it from you.”Napailing na lang si Yves at dahil wala na siyang lakas makipagtalo at ipagpilit na kuhanin ang gamot, nagpaalam na siya rito. Ang hindi alam ni Yves ay nakamasid pala sa kanya si Kevin. Pinanood siya nitong umalis at nang hindi na matanaw si Yves, kunot ang noo na nilabas ni Kevin ang tinagong gamot na nasa bulsa naman talag
Chapter 31: She's your wife“THERE'S something sketchy about Yves' pretend wife.”Hanni was with Serena and Kevin once again. Nasa bahay siya ng mag-asawa dahil pakiramdam niya masu-suffocate siya sa bahay na walang kasama. Nababaliw siya sa tahimik na paligid at para malibang, dito siya sa bahay ng dalawa. Mabuti na lang din at accomodating sila Serena at Kevin dahil kahit paano, nalilibang siya. Mula sa pag-aayos ng bulaklak na pinitas nila ni Serena sa garden nito, nag-angat ng tingin si Hanni sa ginagawa at nalipat ang atensyon kay Kevin na nagsalita. Binaba niya ang mga tangkay ng rose na nalinis na at natuon ang buong atensyon dito. “Anong ibig mong sabihin, Kevin? May problema ba sa kanya?”Umupo si Kevin sa bakanteng upuan at saka tinuloy ang sasabihin nito. “I found out that she's been close to Yves' father. Siya ang matagal nang pinagkakasundo ni Don Juan kay Yves at nang mawala si Yves, lumitaw si Samantha Mirabeles sa tabi ni Yves.”“Ibig mong sabihin, kasabwat siya ng
Chapter 30: Meds are running low“PAUBOS NA ang medicines ni Yves.” Binuhat ni Samantha ang canister ng gamot na binibigay nila kay Yves at nang itaas niya iyon, nakita niya ang anino ng iilang pirasong gamot. Tatlo na lang ang naroon. Ibig sabihin noon ay tatlong araw na lang makakainom ng gamot si Yves at sa mga susunod na araw ay wala na siyang maibibigay rito. Hindi maaaring ganoon ang mangyari dahil magkakandaletse-letse ang lahat oras na hindi na nila kontrolado ang lahat. Hindi pwedeng makaalala si Yves. Oras na ganoon ang mangyari, saan sila ni Yael pupulutin? Maganda na ang kalagayan nilang mag-ina sa piling ni Yves at hindi hahayaan ni Samantha na maalis pa sila roon. Kung kinakailangan na habambuhay si Yves uminom ng gamot na ito, ganoon ang gagawin ni Samantha. Sa kanya lang si Yves. Asawa niya ito at ama ni Yael, wala nang iba. “What? He ran out of meds again? Kahihingi mo lang sa akin ng rasyon ng gamot noong nakaraang dalawang linggo, Sam.”Samantha gritted her tee
Chapter 29: You're stupid so I hate you! DUMATING din si Yves at Yael sa kindergarten school at mabuti na lang may twenty minutes pa bago magsimula ang klase nila Yael. Nag-stay doon si Yves para samahan sandali si Yael. Masayang nagkukwentuhan si Yael at Yves nang nakita ni Yves na may pumaradang sasakyan. Bumaba roon ang batang babae na pamilyar sa kanya.Si Yvette iyon at may lalaking bumuhat dito. Kumunot ang noo ni Yves sa nakita. Hindi niya kilala ang lalaki ngunit nang makita ito, mabigat na kaagad ang loob ni Yves sa lalaking ito. “Is that Yvette's father, Daddy? Then I don't have to share you with her?” nagtatakang ani Yael. Hindi nakapagsalita si Yves dahil ang mga mata niya ay nakapako rin pa rin kay Yvette na buhat ng lalaki. Naka-shades ito at may suot na windbreaker. Mukhang mayabang, tss. Tingin ni Yves ay kasingtakad niya rin ang lalaki.Nairita si Yves sa lalaki at hindi niya malaman kung gusto niya bang puntahan si Yvette at agawin ito sa lalaking may karga dito.
Chapter 28: Yvette is pitiful“HANNI, what's bothering you?”Napakurap si Hanni mula sa pagkatulala sa basong nasa harapan niya at nalipat ang tingin niya kay Serena na nasa kabilang side ng table na pumapagitan sa kanila. Nasa bahay siya ngayon ng mag-asawang sila Serena at Kevin dahil dito siya dumiretso pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Yves. Narito rin kasi si Yvette. Sa mag-asawa niya iniwan ang anak dahil alam niyang komportable si Yvette kila Serena. Nilayo na nila ang mga bata sa HQ dahil bumitiw na sila sa kanilang tungkulin. Kaya kung kinakailangan na may bantay ng mga bata, kila Serena niya iniiwan ang anak. “Ayos lang ako, bebs,” sagot niya para hindi ito mag-alala.Hangga't maaari ayaw iparating ni Hanni ang bigat na nararamdaman niya noong iwanan siya ni Yves kanina dahil mag-iisip lang si Serena. Alam niyang hanggang ngayon ay iniisip nito na nagkulang ito dahil nakuha ni Don Juan si Yves sa kanila. “Nakausap mo na ba si Yves? Napaliwanag mo na ang totoo? Isang tao