3/3 ~ we're finally done with Yves and Hanni's story. Next upload, special chapters then another story will unfold. StY tuned kayo. Thank you! Merry Christmas and Advance Happy New Year! Love, Twinkle 💓✨
SPECIAL CHAPTER #1: Unexpected“YVES! PUMUNTA ka rito! Yves!”Agad na kumilos si Yves at halos madulas pa nga siya sa pagmamadali. Napatingin na lang si Yvette, Yael, at Yohan sa kanya noong kumakaripas siya ng takbo. “Uh-oh, it looks like Mama is mad at Papa again,” ani Yvette na parang wala lang na nagkibit balikat. Bumalik ito sa pag-aayos ng mga libro nitong binabasa. Sumulyap naman si Yael dito na kalaro si Yohan na may hawak na lego set. “What did Daddy do again? Mommy Hanni's voice is too loud, I'm kind of afraid.”Yvette closed the book she was holding and smiled at Yael. “Mama's mad that she couldn't see Papa.”Nagtaka si Yael kung bakit nasabi ni Yvette iyon. Ngunit bago pa ito makapagtanong, tinawag na ni Yohan ang atensyon ni Yael. “Kuya Ya!” ani Yohan na tatlong taon na ngayon. Agad bumaling si Yael kay Yohan na pinapakita na ang nabuong lego set ng isang maliit na building. Yael smiled at Yohan and rubbed Yohan's head. “Very good, Yohan.”Yohan grinned sweetly at Yae
SPECIAL CHAPTER #2: Their ChildrenNAKAILANG buntong hininga si Yves habang buhat ang mga maleta ni Yvette na isasakay na sa sasakyan. They're getting ready to send Yvette to other place. Yvette is going to college again as HQ's rules and regulations. Hindi naman sana aalis si Yvette doon kung iyon lang ang dahilan ngunit dahil bagong myembro na si Yvette ng HQ kasama si Chiles, Catherine, Lavender, at ng iba pang tao na hindi kilala ni Yves. Walang magawa si Yves kundi ang pumayag na umalis sa poder nila ni Hanni ang panganay na anak. Since Yvette is a newbie, mayroong mga tests na kailangang daanan ang mga tulad ni Yvette. Incoming agents need to hide their real identities and live as a commoner. Kinakailangan na masubukan nilang mamuhay nang normal para kung makapasa man sila bilang agent, handa sila sa lahat ng papasuking trabaho. Kung doon pa lang ay babagsak na ang mga newbie, hindi sila nababagay bilang secret agent. “Papa, don't be sad, hmm? I can manage. Anak yata ako ni A
SIDE STORY CHARACTER #1: GideonKUYOM ang kamao ni Gideon habang kaharap si Mahika. Nakikipaghiwalay na ito sa kanya dahil babalik na raw ito sa asawa nito. Iyong asawa ni Mahika na walang ginawa kundi ang lokohin ang babae. Paulit-ulit nag-uuwi ang lalaki na iyon ng iba't-ibang babae habang kasal kay Mahika. Kaya si Mahika, brokenhearted at malungkot, napadpad sa isang exclusive club kung nasaan si Gideon at doon ay nagkakilala ang dalawa. It was supposed to be a no string attached relationship. Inakala ni Mahika na call boy si Gideon at dahil nagkainteres si Gideon sa babae, hindi niya sinabi ang totoo. Whenever Mahika was sad, she would call Gideon and Gideon would try to put a smile on Mahika's face. Hindi namalayan ni Gideon na dahil doon ay mahuhulog ang loob niya sa babae. Yes, he knew it was wrong because she's still married. And to top it all, he's a secret agent. He's supposed to uphold justice. Hindi dapat siya magkamali dahil ang pakikipagrelasyon kay Mahika ay kahit saa
SIDE STORY CHARACTER #2: Hector & HeliosHELIOS was at Prison Island at the moment. Nang mawala na sa landas nila ang RLS at mababang ranggo na lang ng mga myembro nito ang pinaghahanap, hinayaan na ni Helios na ang HQ at FBI ang tumugis sa mga taong iyon. Now, he's slowly managing the people here. Dahil nalaman na rin ng FBI na mayroong ganitong isla at tingin nila ay wala namang nilabag si Helios na batas, hinayaan nila si Helios. Ngunit para manatiling ganoon, from time to time ay may taong ipapadala ang international police para tingnan kung maayos pa ba ang Prison Island. Pumayag naman si Helios dahil wala siyang nilalabag na batas. He didn't kill people. He just imprisoned them and gave them punishment according to the heaviness of their wrongdoings. Helios sighed as he stared at the deep blue sea in front of him. Papagabi na at tahimik ang mga alon, maganda ang panahon ngayon. Naramdaman niyang may tumabi sa kanya at napabaling siya roon. Si Hector ang tumabi sa kanya at nag
SIDE STORY CHARACTER #3: Archer“NO! LOLO, please take that back. Ano ba naman kayo! It's already the twenty first century and you wanted me to have an arranged marriage? Bakit ako? Andyan si Gideon, si Perseus? What about Matt and Chris na kapatid ni Chlyrus? Sa amin naman, there's Bennett, Cash and Dace? Why me, Lolo?!”Halos ibato ni Archer ang hawak na babasaging baso dahil sa inis. Umiinom siya ng tubig sa kusina dahil kagigising niya pa lang noong bigla siyang ituro ng lolo niya na siya ang magiging asawa ng babaeng kasama nito sa Ancestral House. Damn. Dapat pala hindi siya rito sa Ancestral House umuwi at sa condo niya na lang. Edi sana, hindi siya ang naturo ng lolo niya. Pakiramdam niya talaga, napagtripan lang siya ng matandang 'to. “Archer Flint, she's your soulmate I believe. Kahit wala ka pa rito, ikaw pa rin ang mapapangasawa ni Karma. Papupuntahin pa rin kita rito at pakikilala sa kanya.”Kung nakikita lang ang usok na lumalabas sa ilong ni Archer, para na siguro siya
SIDE STORY CHARACTER #4: ZephyrMARAHANG hinahaplos ni Leila ang mukha ng bagong luwal niyang sanggol. Kamukhang-kamukha ito ni Zephyr. Mapait siyang ngumiti at naisip ang asawang iniwan niya. She left because she doesn't feel her importance anymore. Sabagay, napilitan lang naman magpakasal sa kanya ni Zephyr dahil pinilit niya. Kapalit ng kaligtasan nito, he married her. But Zephyr hates her to the core of his being, she knows. Sino bang matutuwa kung ipakasal ka sa taong kinamumuhian mo? Ngunit noong mga panahong iyon, baliw na baliw si Leila kay Zephyr. He's been her dream ever since she learned that Zephyr was the boy who was betrothed to her. Bata pa lang sila, si Zephyr na ang gusto niya dahil ito ang madalas magtanggol sa kanya noong may batang mga inaaway siya. She fights back, yes. But those kids were too many to handle. Ang ending, siya pa rin ang bugbog sarado. Kaya noong naging close sila ni Zephyr dahil madalas itong dalhin ng Papa nito sa bahay nila noong maliliit pa
SIDE STORY CHARACTER #5: Chlyrus“N-NARITO ba talaga siya? Hindi mo ako binibiro? Sa kabila ng pintong 'yan, makikita ko na siya?”Iyon ang tanong ni Ashianna kay Gideon. Gideon coldly looked at her and crossed his arms. “Do you think I like to pull a joke on you, Miss Lopez? Hindi tayo close para gawin ko iyon sa 'yo.”Nasaktan si Ashianna sa uri ng tonong gamit nito sa kanya pero alam niyang deserved niya iyon. Who told her to hurt his dear cousin? Alam ni Ashianna kung gaano ka-close si Chlyrus sa lahat ng pinsan nito. Hindi man si Chlyrus ang pinakamatanda sa magpipinsang Fuentes, kay Chlyrus nakikinig ang mga iyon. Fuentes Boys were a little rowdy and only Chlyrus was the behaved one. She knew that because once upon a time, she was close to these people. Mabait ang turing sa kanya ng pamilya Fuentes pero anong ginawa niya? Nagpabulag sa galit. Nagpaloko sa taong nagpalaki sa kanya… at sinaktan niya ang totoong taong nagmamahal sa kanya. Napayuko si Ashianna sa naisip. Sinulyapan
Forsaken Marriage: I Want You Back, Wife(ZEPHYR & LEILA) Chapter 1“SINABI KO na bang magpahinga ka? Hindi pa, 'di ba? Labhan mo 'to lahat!”Kauupo pa lang ni Leila sa sofa, tinapon na sa harapan niya ang mga mabibigat na bed sheets at mga curtains ni Gina, ang mayordoma at personal yaya ni Zephyr. “What will I do with that?” maang niya. Leila's been married to Zephyr for almost a year. Hindi madalas umuwi ang lalaki at naiiwan lang si Leila rito sa malaking bahay ng asawa. At first, she was treated right by this old woman. But when they saw how dismissive Zephyr was to her, they changed their attitude towards her. Kung dati ay ginagalang si Leila ng mga katulong sa bahay na ito, ngayon ay hindi na. Lalo pa't ang pasimuno noon ay itong si Manang Gina na nagpalaki kay Zephyr. Malaki ang tiwala ni Zephyr sa matandang 'to kaya alam ni Leila na kahit magsumbong siya sa pang-aapi, hindi siya paniniwalaan. Paano niya nalaman? She already tried it. Sinabi niyang pinagkakaisahan siya ng
Chapter 12“MOMMY, please don't do this to me. Mommy, I need you right now…”Gustong lapitan ni Leila ang ina ngunit lumayo ito sa kanya. Hindi rin makitaan ang mukha nito ng awa habang nakatingin kay Leila na mas lalong kinasakit ng kalooban ni Leila. “I told you, I'm going to cut ties with you if you proceed with the wedding. Pero anong ginawa mo? Mas pinili mo pa rin pakasalan ang lalaking iyon. I don't like him for you, Leila Margaux, pero ikaw itong habol nang habol sa kanya! You've lost your class! Pinag-aral kita sa mga mamahaling eskwelahan pero parang hindi pumapasok sa utak mo ang mga pinag-aralan mo. Sinabi na namin, hindi maganda ang background ng pamilya ni Zephyr! Pero ikaw, hindi mo magawang makinig! Kinasangkapan mo pa ang daddy mo para kunin ang gamot sa lalaki na iyon. Didn't you know you put your father's life at risk? Hindi ko alam kung babalikan siya ng mga taong kinuhanan niya ng antidote para sa lalaking iyon. All because of your craziness towards that guy!”“M
Chapter 11“WHY DID you push her in the pool? Hindi mo ba alam na pwedeng mamatày si Sienna sa ginawa mo, Leila?! She didn't know how to swim, for fúck sake! Dahil lang ba naiinis ka sa kanya, you resorted to that method? What the fúck, Leila! Mapapatay mo siya sa ginawa mo!”Sinisinok si Leila na nakayuko ang ulo habang pinagagalitan ni Zephyr ngayon. After bringing Sienna to the clinic, Zephyr left her and proceeded to look for Leila.Nakita nito si Leila na nakagilid, naka-swimsuit pa rin ang babae at gustong maghanap ni Zephyr ng tuwalya para itabon kay Leila ngunit nang maalala ang sadya niya sa babae, nawala sa isip iyon ni Zephyr.“She deserves it,” bulong ni Leila ngunit matigas ang boses nito. Mas lalong napikon si Zephyr sa sagot nito. Pinaintindi niya sa babae na masama ang ginawa nito kay Sienna pero hindi pa rin nakikita ni Leila ang maling ginawa nito. Paano kung talagang may nangyaring masama kay Sienna? Si Leila ang madidiin! Magiging murderer ito dahil lang inuna ni
Chapter 10EARLIER THAT DAY…Kapapalit pa lang ng one piece swimsuit ni Leila. Tinalian niya ang buhok at saka pinasok iyon sa swimming cap bago tiningnan ang sarili sa salamin. Satisfied naman siya sa nakita at nagawa niya pang ngumiti. Kahit na hikain, magaling siyang lumangoy. Hindi lang pwede sa kanya ang mapagod kaya kahit magaling siyang mag-swimming, hindi siya pinasasali sa mga competition ng mga magulang. Ang hindi alam ni Leila, habang nakatitig siya sa salamin na nasa locker area, nakatitig naman sa kanya si Sienna. Inis na inis ang babae sa nakikita nitong itsura ni Leila. ‘Hindi ko akalain na maganda pala ang babaeng 'to oras na magsuot ng swimsuit! Paano kung na-sexy-han si Zephyr sa kanya at magustuhan niya talaga ang asawa niya? Hindi pwede iyon! Zephyr is mine! He can only be mine! Hindi ako papayag na mapunta si Zephyr sa asawa niyang 'to!’ nagngingitngit ang kalooban ni Sienna habang nakatitig kay Leila. Litaw na litaw kasi ang magandang hubog ng katawan ni Leil
Chapter 9PABILING-BILING sa ibabaw ng kama si Leila at hindi pa rin siya makatulog. Pumapasok sa isip niya ang kaugnayan ni Sienna kay Zephyr. Oo nga't sinabi na niya sa sarili na hindi na niya pagtutuonan ng pansin si Sienna dahil isa lang naman 'tong babaeng may gusto kay Zephyr. Pero hindi pala ganoon kadali iyon. Lalo't narito ang babae sa bahay nila; nakatira kasama nila. Malapit ito kay Zephyr at pamangkin pa ng babaeng nagpalaki kay Zephyr. Paanong hindi siya mag-iisip tungkol dito? Isa pa, kababata pala ito ni Zephyr. Maybe the rumors about them were true after all. Kung hindi siya pumasok sa eksena, baka ito ang naging asawa ni Zephyr. May sabi-sabi na girlfriend ito ni Zephyr bago ito pumunta ng ibang bansa, hindi ba? Hindi sigurado si Leila kung may katotohanan ba iyon pero sa isipin na naging kasintahan nga ito ni Zephyr at ngayon ay kasama pa nila sa bahay, mabigat iyon sa loob ni Leila. Parang siya ang lumalabas na third wheel, ano? Kinagat ni Leila ang pang ibabang
Chapter 8“BÎTCH, WHAT did you say?!” Nanlaki ang mga mata ni Sienna at kulang na lang ay saktan nito si Leila, nasa isip lang nito na naroon si Zephyr. “I'm putting you in your right place. Akala mo hindi ko nakikita ang mga tingin mo kay Zephyr? You like my husband? News flash, I'm his wife. Kaya kahit anong sinasabi mo sa akin, ako ang legal na asawa. Ikaw, isang babae lang na nangangarap na makuha siya. But sorry girl, he's mine.”Halos umusok ang ilong ni Sienna at naikuyom nito ang mga kamay. Sienna thought that Leila is a pushover just like what her aunt said. But she didn't know she could speak like this! “Alam ba ni Zephyr ang ganyan mong ugali?”Mas lalong lumawak ang ngisi ni Leila. Zephyr had seen the worst of her. Mabait bait na nga siya ngayon, siguro kaya kahit paano ay maganda na rin ang turing ni Zephyr sa kanya. But she's a former queen bee. Ang pinakaayaw niya sa lahat ay ang doble karang pagkatao. Sigurado siyang puro 'kabaitan' lang ang pinakikita nito kay Zeph
Chapter 7LEILA was brought to Zephyr's study room. Binitiwan siya nito nang makapasok sila sa loob. Nag-lock si Zephyr ng pinto bago siya hinarap. “Tell me, did they do something to you?”Napaangat ng tingin si Leila sa tanong ni Zephyr. Bakit naman nito naisipang itanong iyon? Nakakahalata na ba ito? Sa totoo lang, gusto niyang sabihin ang lahat ng ginawa ng Manang Gina na iyon sa kanya pero tinimbang niya ang sitwasyon. Kung magsasabi agad siya na walang pruweba, baka siya pa ang mabaliktad. Leila could see that Zephyr is pretty close to Sienna. Tita naman ng babaeng iyon si Manang Gina at baka mamaya, sandali lang 'tong kabutihang loob ni Zephyr sa kanya. Baka sa susunod, ito pa ang makiusap sa kanya na pakisamahan sila nang mabuti at mauuwi sa wala ang lahat. Ang gagawin ni Leila, susubukan niya muna si Zephyr. Kung sure na siyang pwede niyang sabihin ang lahat dito, iyon ang gagawin niya. Mahal niya si Zephyr pero wala siyang tiwala rito. Alam niya kasing ayaw sa kanya ng l
Chapter 6“ZEPHYR, tell me, nasaan ang chowder soup?”Sumulyap si Sienna at siniguro nitong naririnig ng pababa pa lang na si Leila ang mga sinasabi nito. Hindi naman aware si Zephyr sa tumatakbo sa isip ni Sienna. He's also wasn't aware that Leila is descending from the stairs. “I gave that to Leila. I cooked that for h—”Nakababa na si Leila at may pilit na ngiti sa mukha niya noong humarap sa dalawa. “H-Hindi mo naman sinabi na para sa kanya iyong pagkain, Zephyr. Hindi ko sana kinain.”Nagsalubong ang kilay ni Zephyr at kunot noong tumingin sa kanya. “No, it's not—”“Sige, magluluto na ako ng sarili kong pagkain.”Tumalikod si Leila para hindi na makita ni Zephyr na masama ang ekspresyon niya. Baka hindi niya mapigilang umiyak at sabihin pa nito na masyado siyang sensitive. Pero kasi, akala niya talaga niluto iyon ni Zephyr para sa kanya. Ganado pa naman siyang kumain kagabi ngunit hindi pala para iyon sa kanya kundi para sa Sienna na ito. Mas nasaktan pa siya noong malaman ni
Chapter 5MAY ALINLANGAN na tumawa si Leila para pagtakpan ang kabang nararamdaman. Napahawak din siya sa gilid ng noo at bahagya siyang napapiksi noong lumapat ang kamay sa pasa dahil kumirot iyon. Mas lalo namang dumilim ang ekspresyon ni Don Eduardo sa nakitang aksyon ni Leila at mas lalo itong nakumbinse na namamaltrato si Leila sa bahay ng asawa. “Tell me, Leila, who hurt you? I won't make them so unscathed. Was it your husband? Tell me and I'm going to make him pay.”Umiling si Leila. “Lo, hindi po. Hindi ako sinasaktan ni Zephyr. Paano niya ako masasaktan kung madalang lang siyang umuwi sa bahay…”Bago pa maisip ni Leila ang sinabi, nasabi na niya ang gawain ni Zephyr. Napatakip siya ng bibig at kulang na lang ay tuktukan ang sarili. ‘Shît ka, Leila! Ano 'yang sinasabi mo?’“He's leaving you alone in that house? Ano ba 'yang napangasawa mo, walang pakialam sa 'yo? Pero, Leila, hindi mo ako malilibang. Sino ang nanakit sa 'yo? Ipaliwanag mo 'yang pasa mo. You're not leaving m
Chapter 4GUTOM NA GUTOM si Leila pero wala siyang gana kumain. Ewan niya ba pero kahit kumukulo na ang tiyan niya, hindi niya magawang utusan ang mga paa na maglakad patungo sa cafeteria para bumili ng pagkain. Masama ang loob niya. Kanino? Kay Zephyr. Siguro hindi naman kalabisan na magtampo siya, hindi ba? Hinanda niyang pagkain iyon kay Zephyr; naroon din ang parte ng lunch niya dahil hindi niya pa nakuha sa bag. Pagkatapos, kahit naitapon na iyong mga pagkain, hindi man lang nagalit si Zephyr sa babaeng iyon? Nang bumalik sa alaala niya iyon, napasinghot si Leila para pigilan ang tutulong luha sa mga mata. Sabagay, paanong magagalit si Zephyr sa babaeng iyon kung walang halaga para dito ang niluto niya? Walang importansya kaya nagkibit balikat lang ito sa ginawa ng Sienna na iyon. Maybe he's thinking of buying lunch for himself, he disregarded the lunch she cooked. Samantalang siya rito, nagugutom na. Napakagat labi si Leila at palihim na hinugot ang wallet. There's only one