Will try to upload a chapter later on, if not probably tomorrow. I'm not feeling well. —Twinkle ×
AGAD na sinaklolohan ni Serena si Agent Aster at inupo ito. Para makahinga ito nang maayos, wala na sa loob ni Serena na tinanggal ang takip nito sa mukha. Dahil sa ginawa niya, natanggal ang facemask na suot nito. Halos lumabas yata ang mga mata ni Serena sa socket dahil sa panlalaki ng mga iyon. Teka… teka lang! Bakit si Kevin itong nakikita niya? Anong ginagawa nito at nasa harapan niya? What the hell?! Nang mapansin ni Aster na natanggal ang facemask kaya mabilis nitong hinatak ang hawak na mask ni Serena at tinakip sa mukha. Sa pagmamadali nito, na-stretch ang tama nito sa likod kaya napaigik ito. “Who are you? K-Kevin? Kevin! Ikaw ba 'yan? Sagutin mo ako!”Aster pushed Serena and tried to stand up but he got a serious wound at the back of his body. Nakaalalay naman si Serena dito, naghihintay pa rin ng sagot mula kay Aster. Pero hindi niya pa yata makukuha iyon dahil pagtayo ni Aster, halos mabuwal ito at ilang segundo lang, nawalan ito ng malay! “K-Kevin!” sigaw ni Serena d
“MAGSALITA KA, Kevin. Kung hindi masasakal talaga kita nang makita mo!” napipikong ani Serena. Kumunot ang noo ni Aster. “Who's Kevin?”Aba, ayaw pa ngang umamin. Naiinis na tumingin si Serena sa lalaki at naningkit ang mga mata niya. “Talaga bang magde-deny ka, ha? Hindi na ako natutuwa, Kevin. Kakaayos lang natin dalawa at ayaw kong mairita na naman sa 'yo. Sabihin mo, si Chlyrus ba ang kasabwat mo? Paano ka napasok sa HQ? Edi aware ka nang secret agent din ako? At saka… kaya mo ba ako ninakawan ng hàlik dati kasi ikaw talaga si Kevin, ano? Sumagot ka!”Sa inis ni Serena, nahampas niya ang braso nito na nagpapiksi kay Aster. Napaurong ito at dahil sa ginawang galaw, nagalaw rin ang sugat nito. “Aww,” mahinang bulong ni Aster. Bigla namang nag-aalala si Serena para kay Aster. Paano pala kung dahil sa paghampas niya, bumuka ang tahi nito sa likod? Bakit nga naman kasi nawala sa loob niya na kahit hindi delikado ang buhay nito, may masakit pa rin dito? Mabuti nga at hindi ito sinali
LUMABAS ang male nurse nang mapansin ang tensyon sa pagitan ni Serena at Aster. Sinarado pa nito ang pinto kaya sila Serena na lang talaga ang natitirang tao sa loob ng silid. Humalukipkip si Serena at sumandal sa dingding ng private room. “Ano, magsasalita ka na, ‘Aster’?”Madilim pa rin ang ekspresyon sa mukha ni Aster, diretsong nakatitig kay Serena. “Why are you flirting with that man?”Nagkibit-balikat si Serena. “Bakit ka muna nagsisinungaling?”Natahimik na naman si Aster. Nag-iwas ito ng tingin, inaakala yata na kapag ginawa nito iyon ay makakaiwas na ito sa pangungulit ni Serena. Pero pasensyahan silang dalawa, kailangan niyang makakuha ng sagot mula rito. Ang ginawa ni Serena ay naglakad patungo sa pwesto ni Aster at nag-lean forward. Napaurong naman ang nakaupo sa kama na si Aster. “Kevin, umamin ka na habang hindi pa talaga ako naiinis. Dahil kapag hindi ka pa umamin diyan, mapipikon na talaga ako sa 'yo.”“I won't tell you anything. I-I'm not him—”Tinaas ni Serena ang
“SO, BAKIT Aster ang agent name mo? Kadalasan sa amin, dahil naumpisahan sa Greek name ang pseudonym, iyon ang madalas naming gamit.”Dahil naumpisahan sa generation nila Serena, lahat halos ng agent ay Greek name ang code name. Sa ibang generation naman tulad ng Tito Cyrus at Tita Chloe niya, Agent Fire si Cyrus at Agent Frost naman si Chloe. Kahit ang adoptive father ni Hanni na si Damon ay Agent Wind. Iyong iba naman ay numbers ang codename. Dahil sa Aster ang codename ni Kevin kaya iyon ang naging tanong ni Serena kay Kevin habang kumakain sila ng ngayon. Light food na mula sa ospital ang kinakain ni Kevin habang siya naman ay takeout food. Tinanong ni Serena si Kevin kung gusto ba nitong umuwi pero humindi si Kevin. Ayaw nito na malaman ng iba na may gunshot wound ito sa katawan dahil marami lang itatanong dito kapag nagkataon. Hindi aware ang pamilya ni Kevin na bukod sa pagiging businessman nito ay isa rin itong secret agent. Sabagay, siya nga na asawa ay hindi rin aware sa ka
ILANG ARAW nang lango ng alak si Kevin. Ganoon ang gawain niya noong hindi siya sinipot sa kasal ni Serena. All that's left to him is the engagement ring he gave to her and a letter from Serena telling him she's sorry - that if he could, she wants him to wait for her to come back. Maghihintay naman siya, e. Kaya niyang gawin iyon. Pero nasaan ba ito ngayon? Nasaan ang asawa niya? Bakit sinabi nito na ikakasal na ito sa iba? Paano iyon? May nakilala ba itong ibang tao at doon ito magpapakasal? But Serena told him to wait for her, right? Gulong-gulo ang utak ni Kevin dahil doon. Sa sobrang pagiging absentminded niya, hindi niya namalayan na nasa likod niya na si Chlyrus. Madilim ang ekspresyon nito habang nakatitig kay Kevin. Nang magsasalin pa si Kevin ng alak sa shot glass, agad nang lumapit si Chlyrus at tinabig ang kamay ni Kevin. Napaangat ng tingin ang lasing nang si Kevin at hindi niya mapagsino ang taong naroon. Kevin tried to reach out for the liquor but Chlyrus was one step
HALOS maging manipis ang sandbag na patuloy na pinagsusuntok ni Kevin dahil sa sobrang lakas ng mga suntok na binibitiwan niya. He really wants to kill someone - to unleash all the pent up negative emotions he's feeling right now. Seeing Serena marrying someone is like a punch in the gut. Halos mabaliw siya noong panoorin niya ang babaeng mahal niya na kinasal sa iba at wala siyang magawa kundi ang manood lang dahil kung pipigilan niya iyon, magkakagulo. Lahat ng pinaghirapan nila ay mawawala na parang bula. But he could feel hurt, right? Fúck. The pain is indescribable. Para siyang pinapatày habang nasa ganoong sitwasyon na iyong asawa niya ay nakikipagpalitan ng pangako sa ibang tao. He wanted to run to Serena and stop her from marrying that bastard but Chlyrus stopped him, telling him to endure it. Naiintindihan niya na ginawa iyon ni Serena dahil gusto nitong iligtas si Zephyr na kapatid nito; it's also to save them because the organization who got her threatened her with their
“SHE'S MY partner? What do you mean by that? Make it clear to me, Chlyrus,” ani Kevin pagkapasok sa loob ng office nito. Tumikwas ang kilay ni Chlyrus. Parang nagtataka ito kung bakit siya nagrereklamo gayong alam nito na nangungulila siya kay Serena. “You don't want to? Then I'll assign Dionysus to this assignment—”“I didn't say I don't like it, damn you! Just make it clear to me. Siya ba talaga ang dadatnan kong kasama? Akala ko ba ay maraming nakabantay sa kanya at limitado ang bawat galaw ni Serena?”Chlyrus looked at him and smiled mysteriously. “Because I have my ways, Kevin Xavier. Now, do you want this assignment or not? I can give this to other agents who want to have a new task.”Dahil baka kung sa iba pa ibigay ni Chlyrus ang assignment, agad nang pumayag si Kevin. Hindi pwedeng sa iba mapunta ito. Pagkakataon na niya para masulyapan man lang si Serena. He's longing for her but he knows it's not yet the right time for them to reunite. Pero dahil sa ganitong pagkakataon, m
NAKAKAKILOS na si Kevin dahil nakalipas na rin ang ilang araw. Gusto na ngang umalis ni Kevin sa ospital ngunit kailangan pa nilang manatili roon ng ilang araw para masiguro na safe nang lumabas si Kevin. Inaaliw na lang ni Serena ang asawa at tinatawagan nila si Chiles at ang iba pang bata para hindi naman sobrang tahimik ng private hospital room. Nagtampo nga ang anak nila at akala ay iniwan ito dahil sila lang dalawa ni Kevin ang magkasama. Gumawa na lang ng rason si Serena na nagkita sila ni Kevin kaya magkasama sila ngayon at sa susunod ay isasama na nila ang lahat ng mga bata para maipasyal din sila. Mabuti na lang at mabilis lang din mawala ang tampo ni Chiles. Sinabi na lang din ni Serena na bibili sila ng pasalubong para sa mga bata. Nang patayin niya ang video call sa anak ay bumalik siya sa tabi ni Kevin. Kevin is now facing his laptop doing his work. Marami itong naiwang trabaho sa kumpanya noong tanggapin nito ang assignment na in-assign ng HQ. “Hindi mo ba alam na ak
Chapter 36: You need to get rid of her! “ALAM mong ako lang dapat ang asawa ni Yves! Hindi pwedeng sa iba ang mapupunta sa pwesto ko! Ang tagal kong hinintay na makasama siya at hindi ako papayag na may iba lang na kukuha n'on! I'm his wife! I don't like that there's someone out there that could ruin my life!”Pabalik-balik ang lakad ni Samantha habang nag-ra-rant ito. Hindi nakuntento ay kinuha nito sa clutch bag ang kaha ng sigarilyo, nagsindi at agad na humithit doon. Makailang ulit na ginawa iyon ng babae para mabawasan ang inis na nadarama. Kung makikita lang ni Yves ang ayos ni Samantha, magugulat ito sa makikita. Gone were the innocent Samantha that Yves knew. Samantha right there is wearing a flimsy dress while her stilettos were clicking on the marble floor while she's facing back and forth. Mabuti na lang at wala roon si Yves dahil malamang ay hindi nito makikilala ang babae na kinikilala nitong mahinhin at hindi makabasag pinggan. “Miguel, do something about it! If you
Chapter 35: Remember, Yves, she hurt SamanthaYVES was wide awake while staring at the ceiling. Ang nangyari kanina ay hindi pa rin mawaglit sa isip niya.Naalala niya ang mukha ni Hanni kanina - bakas ang pagsuko sa mukha nito. Sa mga sinabi niya ay sigurado siyang nasaktan ito. Lalo na noong akusahan niya ito bilang kriminal. Ngunit kahit mabigat ang loob, ang nasa isip ni Yves ay totoo naman ang sinabi niya. From the investigation he got from the private investigator that he hired, Hanni is a paid killer. She killed the person she was tasked to kill for. There's also a surveillance video that was given to him and he saw that Hanni really killed someone. Hindi man lang makitaan ng pagsisisi sa mukha si Hanni at imbes, paulit-ulit ang ginawa nitong pagbaril sa taong kaharap nito. Yves would be honest, he felt afraid when he saw that video. Hindi niya maipagkapareho ang Hanni na humaharap sa kanya sa Hanni na nakita niya sa video. …She's like a reaper sent down to hunt those peopl
Chapter 34: I won't choose someone like you“WHAT do you mean by that?” Malamig ang boses ni Yves noong nagtanong siya. “Kahit litrato ba, kaya nilang mag-provide para mapatunayan na asawa ka talaga ng babaeng iyon? Ako, Yves, I can prove you the truth. I have tons of pictures, videos, and even documents that say you're my husband. Pero alam mo, nakakapagod palang ipamukha sa 'yo ang totoo kasi kahit yata ibigay ko sa 'yo iyon at ipakita, mas pipiliin mo pa ring maniwala sa ibang tao kahit ilang ulit na akong nagsasabi ng totoo sa 'yo. Para na akong sirang plaka rito pero ikaw, ayaw mong paniwalaan ako. Dahil ba hindi mo ako maalala?”Tulad kanina, hindi na naman nakahanap si Yves ng magiging sagot sa maaanghang na salita ni Hanni. Sandali siyang nakaramdam ng pagkalito. Saka niya naisip na tama naman ang sinabi nito. Wala silang wedding photo ni Samantha. Kahit ang mga iilang photo albums na mayroon sa bahay ay limitado at wala siya sa mga iyon. Tanging si Yael lang ang nasa mga li
Chapter 33: Where did you get that photo? HINATID muli ni Yves si Yael sa kindergarten at maaga muli silang nakarating doon, mga kalahating oras pa bago magsimula ang klase ng mga bata. Umupo si Yves kasama si Yael sa may bench na ginawa para mga batang gustong magpahinga pagkatapos nilang mag-playtime. Yves even saw some people with their children like him leading them inside the kindergarten premises. “Dad, I have some friends now. But you know, Yvette still doesn't want to talk to me. I wonder why. I tried to tell her that I'm willing to share you with her but she cried after I said that. Then the teacher thought I was bullying her. I felt bad again,” marahang sumbong ni Yael sa kanya. Yves lightly tapped Yael's head. “You did good. But don't push it if she doesn't want to be friends with you. It all depends on fate, hmm?”Tumango si Yael at nilabas na lang nito ang stress ball na nasa small bag nito. Yael played quietly while Yves is observing the whole place. Mayamaya lang di
Chapter 32: This is an illegal drúgMATINDI PA rin ang kirot ng ulo ni Yves at ilang sandali pa bago iyon humupa. Hindi naman siya iniwan ni Kevin hanggat hindi nito nasisiguro na hindi maayos ang lagay niya. Nang kaya na ni Yves tumayo nang diretso, gumilid na si Kevin at hindi na siya inalalayan pa. “Are you feeling alright? If you're okay, then I'm going to leave…”Bago pa ito makaalis, hinawakan ni Yves ang braso ni Kevin at nakakunot ang noo na nagsalita. “You took away my medicine. Give it back.”“Oh.”Humugot si Kevin sa bulsa nito ngunit walang laman ang nakalahad nitong palad noong buksan sa harap niya. “I think I dropped it when I grabbed it from you.”Napailing na lang si Yves at dahil wala na siyang lakas makipagtalo at ipagpilit na kuhanin ang gamot, nagpaalam na siya rito. Ang hindi alam ni Yves ay nakamasid pala sa kanya si Kevin. Pinanood siya nitong umalis at nang hindi na matanaw si Yves, kunot ang noo na nilabas ni Kevin ang tinagong gamot na nasa bulsa naman talag
Chapter 31: She's your wife“THERE'S something sketchy about Yves' pretend wife.”Hanni was with Serena and Kevin once again. Nasa bahay siya ng mag-asawa dahil pakiramdam niya masu-suffocate siya sa bahay na walang kasama. Nababaliw siya sa tahimik na paligid at para malibang, dito siya sa bahay ng dalawa. Mabuti na lang din at accomodating sila Serena at Kevin dahil kahit paano, nalilibang siya. Mula sa pag-aayos ng bulaklak na pinitas nila ni Serena sa garden nito, nag-angat ng tingin si Hanni sa ginagawa at nalipat ang atensyon kay Kevin na nagsalita. Binaba niya ang mga tangkay ng rose na nalinis na at natuon ang buong atensyon dito. “Anong ibig mong sabihin, Kevin? May problema ba sa kanya?”Umupo si Kevin sa bakanteng upuan at saka tinuloy ang sasabihin nito. “I found out that she's been close to Yves' father. Siya ang matagal nang pinagkakasundo ni Don Juan kay Yves at nang mawala si Yves, lumitaw si Samantha Mirabeles sa tabi ni Yves.”“Ibig mong sabihin, kasabwat siya ng
Chapter 30: Meds are running low“PAUBOS NA ang medicines ni Yves.” Binuhat ni Samantha ang canister ng gamot na binibigay nila kay Yves at nang itaas niya iyon, nakita niya ang anino ng iilang pirasong gamot. Tatlo na lang ang naroon. Ibig sabihin noon ay tatlong araw na lang makakainom ng gamot si Yves at sa mga susunod na araw ay wala na siyang maibibigay rito. Hindi maaaring ganoon ang mangyari dahil magkakandaletse-letse ang lahat oras na hindi na nila kontrolado ang lahat. Hindi pwedeng makaalala si Yves. Oras na ganoon ang mangyari, saan sila ni Yael pupulutin? Maganda na ang kalagayan nilang mag-ina sa piling ni Yves at hindi hahayaan ni Samantha na maalis pa sila roon. Kung kinakailangan na habambuhay si Yves uminom ng gamot na ito, ganoon ang gagawin ni Samantha. Sa kanya lang si Yves. Asawa niya ito at ama ni Yael, wala nang iba. “What? He ran out of meds again? Kahihingi mo lang sa akin ng rasyon ng gamot noong nakaraang dalawang linggo, Sam.”Samantha gritted her tee
Chapter 29: You're stupid so I hate you! DUMATING din si Yves at Yael sa kindergarten school at mabuti na lang may twenty minutes pa bago magsimula ang klase nila Yael. Nag-stay doon si Yves para samahan sandali si Yael. Masayang nagkukwentuhan si Yael at Yves nang nakita ni Yves na may pumaradang sasakyan. Bumaba roon ang batang babae na pamilyar sa kanya.Si Yvette iyon at may lalaking bumuhat dito. Kumunot ang noo ni Yves sa nakita. Hindi niya kilala ang lalaki ngunit nang makita ito, mabigat na kaagad ang loob ni Yves sa lalaking ito. “Is that Yvette's father, Daddy? Then I don't have to share you with her?” nagtatakang ani Yael. Hindi nakapagsalita si Yves dahil ang mga mata niya ay nakapako rin pa rin kay Yvette na buhat ng lalaki. Naka-shades ito at may suot na windbreaker. Mukhang mayabang, tss. Tingin ni Yves ay kasingtakad niya rin ang lalaki.Nairita si Yves sa lalaki at hindi niya malaman kung gusto niya bang puntahan si Yvette at agawin ito sa lalaking may karga dito.
Chapter 28: Yvette is pitiful“HANNI, what's bothering you?”Napakurap si Hanni mula sa pagkatulala sa basong nasa harapan niya at nalipat ang tingin niya kay Serena na nasa kabilang side ng table na pumapagitan sa kanila. Nasa bahay siya ngayon ng mag-asawang sila Serena at Kevin dahil dito siya dumiretso pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Yves. Narito rin kasi si Yvette. Sa mag-asawa niya iniwan ang anak dahil alam niyang komportable si Yvette kila Serena. Nilayo na nila ang mga bata sa HQ dahil bumitiw na sila sa kanilang tungkulin. Kaya kung kinakailangan na may bantay ng mga bata, kila Serena niya iniiwan ang anak. “Ayos lang ako, bebs,” sagot niya para hindi ito mag-alala.Hangga't maaari ayaw iparating ni Hanni ang bigat na nararamdaman niya noong iwanan siya ni Yves kanina dahil mag-iisip lang si Serena. Alam niyang hanggang ngayon ay iniisip nito na nagkulang ito dahil nakuha ni Don Juan si Yves sa kanila. “Nakausap mo na ba si Yves? Napaliwanag mo na ang totoo? Isang tao