Good morning, green flag Zephyr muna tayo, ebriwan ☺
Chapter 17“WHAT? Why did you stop kissing me?” mahinang reklamo ni Zephyr. Napatitig si Leila at hindi alam kung paano sisitahin si Zephyr na sapo pa rin ang dibdîb niya. May damit pa siyang suot pero kahit ganoon, pakiramdam niya ay hubàd na siya. Napasinghap pa siya noong muling pisilin iyon ni Zephyr at hindi nakuntento, pinaloob nito ang kamay sa suot niyang maluwag na shirt. Doon din napansin ni Leila na hindi kanya 'tong suot na shirt! Don't tell her…Zephyr leaned closer and said something on her ears. “You just noticed your clothes? I changed that last night.”Nagkulay kamatis lalo ang mukha ni Leila at may kumawalang ungól sa bibig niya na agad niyang tinakpan dahil muling pinisil na naman ni Zephyr ang tayong-tayo niyang dibdíb! Hindi nakuntento, nilaro pa nito ang tuktok noon na muli niyang muntik ikasigaw. Zephyr then kissed her lips once again and embraced her with his strong arms to deepen the kiss between them. Napapikit si Leila at piniling magpatangay sa ginagawa
Chapter 18NANG ILAPAT ni Leila ang mga kamay sa palad ni Zephyr, ramdam niya ang init nito. Pinagsalikop naman ni Zephyr ang mga kamay nila at niyakag siya nito palabas. Mahihina at maliliit lang ang hakbang ni Zephyr para hindi mabigla si Leila dahil kagagaling pa lang niya sa sakit. “Zephyr?” Patuloy pa rin ang pagkatok ni Sienna sa pinto. Walang kaalam-alam si Leila na 'nagkasakit' din si Sienna kagabi at tumawag si Manang Gina kay Zephyr para puntahan ito ng asawa niya. Si Zephyr naman ay naiinis kahit na hindi nito pinakikita sa mukha. He remembered last night that Manang Gina frantically called him to attend Sienna and he declined. And now, Sienna's bugging them early in the morning. He's fúcking pissed off because the intimate moment between him and Leila was cut off. Binuksan ni Zephyr ang pinto at hindi napaghandaan ni Sienna iyon. Nang makita ni Sienna na naroon si Zephyr, umakto itong babagsak sa pwesto ni Zephyr na mas lalong nagpakunot ng noo ni Zephyr kaya't napaiwa
Chapter 19HINDI NA nakapag-almusal si Zephyr at agad itong umalis. But before he left, he bid goodbye to Leila and everyone saw that. Nang makita ng mga katulong na mabait na si Zephyr kay Leila, alam nila na kailangan na nilang ayusin ang treatment kay Leila. Mukhang nagkasundo na ang mag-asawa kaya hindi na nila kailangan na sundin pa si Manang Gina. “Anong ginawa mo at ganoon si Zephyr sa 'yo?” naiinis na tanong ni Sienna. Mula sa marahang pagkain ng soup, nag-angat ng tingin si Leila at napasulyap siya kay Sienna na masama ang timpla ng mukha. Feeling ni Leila ay siya ang panalo ngayon dahil nainis niya ang babaeng ito. Mula pa noong iuwi ito ni Zephyr at sinabing doon nakatira dahil pamangkin ito ni Manang Gina, pikang-pika na si Leila sa babaeng ito. Kaya para lalo itong mainis, ngumisi si Leila at umayos ng upo. Humalukipkip pa siya at saka binalik ang mapanghamak na tingin kay Sienna. “Guess? Maybe Zephyr realized that he loves me kaya ganoon siya sa akin. Remember, he d
Chapter 20NAPANSIN ni Zephyr na naroon si Leila kaya napatagilid ang ulo nito at ngumiti sa kanya. Napansin din ni Sienna na dumating na siya kaya kitang-kita ni Leila ang pagsimangot nito. Nang makita naman ng iba na ngumiti si Zephyr, hinanap nila kung sino ang nginitian nito. Nabigla ang iba noong si Leila pala ang nginitian ni Zephyr. Hindi gaanong kilala ng iba si Leila na kaklase nila dahil tahimik lang ang babae. Kaya kakaiba para sa kanila na makitang ngumiti si Zephyr sa loner nila na classmate.Magkakilala ba si Zephyr at si Leila bukod sa pagiging magkaklase? Leila was not aware that her classmates were curious about her relationship with Zephyr. Masama ang mood ni Leila at hindi magawang ngumiti dahil katabi na naman ni Zephyr itong Sienna na ito. Akala niya ba ay 'no one' lang itong babaeng ito para kay Zephyr, bakit kasama pa rin nito ang Sienna na 'to?At itong haliparot na babaeng ito naman, sinamantala siguro iyong pagluluto niya ng pagkain ni Zephyr at mabilis na
Chapter 21MASAYA SI LEILA na kinuha ni Zephyr ang pagkain na hinanda niya. Ngunit para hindi siya kuyugin ng mga tao sa loob ng classroom, yumuko siya muli nang matapos mahawakan ni Zephyr ang thermal box. Nakagat na lang niya ang labi at nagpipigil na sumigaw sa tuwa lalo na noong naramdaman niya ang paghaplos nito sa may buhok niya. Pero hindi niya magawang isigaw ang nararamdaman niya dahil walang kaalam-alam ang halos lahat ng naroon na asawa siya ni Zephyr. Napapangiti na lang si Leila kasi parang secret iyon na sila lang ni Zephyr ang nakakaalam. She continued to see things on the bright side, hindi na siya malungkot na nililihim siya ni Zephyr na wife nito. Naputol ang iniisip ni Leila nang may maramdaman siyang umupo sa katabing upuan. Napaangat ng tingin si Leila mula sa pagyuko at bumungad sa paningin niya ang isang lalaki na hindi siya ganoon kapamilyar. Mukhang ito iyong half foreigner nilang kaklase pero hindi siya pamilyar. Napansin naman nito na nagising siya at na
Chapter 22NAHULOG nga ang mga pagkain sa loob ng trash bin at sobrang galit ang lumukob kay Leila. Hindi napigil ang sarili, sinugod niya ang babaeng hawak pa ang thermal box na bukas. Hinatak niya ang buhok nito at mariing sinabunutan. Nang makita ng dalawa pa nitong kasama na sinasabunutan ni Leila ang babae, inatake rin nila si Leila at hinatak ang buhok niya. Alam ni Leila na talo siya dahil tatlo ang kalaban niya pero wala na siyang pakialam. Ang nasa isip niya ay makaganti. They didn't know how hard it was for her to cook! Hilong-hilo siya at hindi pa ganoon kagaling sa lagnat pero iniisip niya na magugutom si Zephyr kaya nagluto siya! As a good housewife, even if she's sick, she needs to take care of Zephyr. Tapos ang gagawin lang ng mga taong 'to ay itapon ang pagkain na hirap na hirap siyang lutuin? Even if it's not edible, it's the thought that counts! Naiiyak si Leila habang nakikipaghatakan ng buhok. Ang sakit-sakit na ng puso niya pati ang tiyan niya, nahihilo rin ta
Chapter 23NAALALA ni Leila ang sinapit sa mga kamay ng fans club ni Zephyr at Sienna kaya hindi na siya nakapag isip pa, tinabig niya si Zephyr na kinagulat nito. Hindi kaagad nakahuma si Zephyr sa ginawa ni Leila kaya nakalakad na siya palayo nang habulin siya nito muli. “Z-Zephyr? That's Zephyr, right?” tanong ni March sa kapatid. “Oh my gee, kinakausap niya iyong classmate natin. This is the second time he's talking to her! Do you think she's special to Zephyr?”March tried to follow the two but Marquise got the hold of his twin sister. “March, isa, kokotongan kita. Can't you see that they're going to talk? Sa sunod ka na mag-fangirl, please.”Napahinto rin si March at tinanaw na lang ang dalawa. “Oh, right. But look at both of them. There's something going on, don't you think so?”“If there really is, would you hate that girl Leila, March?”Sumimangot si March. “Nah. Ano ako, childish? I have a major crush on Zephyr but I won't bully girls, no! What are you thinking ba? And that
Chapter 24LEILA'S sick once again. Ngayon, mas mataas na ang temperature ng katawan nito na labis nagpa-worry kay Zephyr. He took a leave of absence directly and he carried Leila all the way to the hospital from the school. Some professor stopped him but he told them it was an emergency. Nang tanungin ng mga propesor kung anong kaugnayan ni Leila sa kanya, doon walang alinlangan na sinabi ni Zephyr na asawa niya si Leila. They asked if he's serious, and Zephyr answered yes. Leila's his wife in legal sense. Dahil doon, hindi na siya pinigilan at nadala niya sa ospital si Leila. He's worried for his wife, alright? Maybe doctors could give him an explanation on what's happening with Leila. Magaling na ito, hindi ba? He fúcking checked her temperature and made her drink her antipyretic medicines. Now, why did she lose consciousness? Agad nag-book ng private room si Zephyr nang alukin siya ng nurse na sa public ward ilalagay si Leila. He couldn't risk it. Paano kung imbes na umayos ang
Chapter 35SA TULONG ni March at Mark, nai-report ang mga taong nagtangkang gawan ng masama si Leila. Pero hindi bago pakantahin ni March ang mga babaeng iyon ng binabalak nila kay Leila at nang malaman ang totoong balak nila na pagkatapos bugbugin ay gusto nilang dalhin sa kung saan si Leila at hayaan kung ano ang mangyari sa kanya, halos manlamig ang buong katawan ni Leila. Sa isip niya, paano kung nagtagumpay sila sa balak nila? Saan na lang siya pupulutin? Paano kung sa masasamang tao siya napasakamay? Paano kung na-rapé siya sa balak nilang pag-iwan sa kanya? Ano na lang ang magiging kapalaran nya? Mas lalong sumidhi ang galit na nararamdaman ni Leila kay Sienna. Kung nasa harap niya lang ang babae, ipapakita niya ang kaya niyang gawin dito. Pero maghintay lang ito, matitikman nito ang bagsik niya. Pinapangako niya iyon. Sa gulong kinasangkutan nila, nagharap-harap sila sa dean's office. May mga sugat sa iba't ibang bahagi ng katawan ang mga babaeng gustong saktan si Leila ha
Chapter 34PARANG WALANG gana na pumasok si Leila sa school. Noong una nga ay wala siyang balak na pumasok pero mas lalo lang siyang mabo-bored kung mananatili sa bahay. Kaya ang ginawa niya ay pumasok na lang. Mas malilibang siya sa school, hindi ba? Pero hindi niya alam kung tama ba desisyon na iyon dahil pagtapak pa lang ng paa niya sa eskwelahan, ramdam niya na ang mga nakakatusok na tingin na galing sa mga tao sa paligid. Mas tumindi pa iyon noong makarating siya sa loob ng campus. Palihim na siyang tumingin sa sarili kung may mali ba sa suot niya. Inamoy niya na rin ang sarili at wala rin namang mali sa kanya - mabango siya at hindi mabaho. Ano ba ang dahilan at nakatingin ang halos lahat ng naroon sa kanya? May ginawa ba siyang hindi niya alam?Dahil walang sasagot sa tanong niya, pinilit ni Leila na ibaon sa limot ang tanong na iyon at dumiretso siya sa designated seat. Nag-aayos siya ng bag nang makarinig siya ng lagabog ng pinto. Napatingin siya roon at mariin ang pagkaka
Chapter 33NAKAKABINGI ang katahimikan sa loob ng condo ni Zephyr kaya hindi sanay si Leila roon. Mabuti na lang at hindi sobrang laki ng condo unit ni Zephyr kaya hindi siya natatakot kahit pa mag-isa siya. Pero noong gabing iyon, nakakaramdam ng kahungkagan si Leila lalo't mag-isa lang siya sa kama. Sa ilang linggo niyang katabi si Zephyr sa kama, hinahanap na niya ang presensiya nito. See? Ang bilis ng attachment niya kay Zephyr. Wala pang isang taon pero heto siya't nababaliw na dahil hinahanap-hanap na niya ito. She's really crazy for him, huh? Kaya noong tumawag ito sa kanya noong sinabi ni Zephyr na nakarating na ito sa pinuntahan at may libreng oras para matawagan siya, halos lumundag sa tuwa si Leila. Nang may incoming call mula kay Zephyr, mabilis pa sa alas kwatro na sinagot ni Leila iyon at bago pa mag-connect ang tawag, nakangiti nang nakabungad si Leila. When she saw Zephyr, she smiled sweetly at him. “I missed you.”Hindi niya mapigil na sabihin iyon. Nakita rin ni
Chapter 32NAKAISIP ng kalokohan si March habang nasa gilid at naririnig ang mga babaeng nag-uusap. Pinalalabas pala ni Sienna na stalker si Leila ni Zephyr at 'palabas' lang lahat iyon. Pero may tao bang matino mag-isip na ide-date ang stalker nila? March thought that Zephyr wouldn't do that. Bakit naman gagawin iyon ni Zephyr kung titingnan eh, kaya nitong protektahan ang sarili? Kung siya si Zephyr, bakit naman siya susunod sa isang babae? Takot ba ito kung ganoon? Nah. She wouldn't buy that. She could read on that guy's eyes that he feels something about Leila. March really calls this farce; a búllshît. But sadly, may tao talagang uto-uto. Tulad ng mga kasama nitong si Sienna. Narinig ni March na nagsinghapan ang mga kausap ni Sienna at agad na sinabi na igaganti nila si Sienna kay Leila. Tuturuan daw nila ng leksyon si Leila nang malaman nito kung saan dapat ilugar ang sarili. “Tsk tsk. There's something wrong with their brains. Oh God, help me,” bulong ni March at patuloy pa
Chapter 31EVERYONE was surprised to see Zephyr leading Leila. Lalo na't ang kamay nito ay nakasalikop sa kamay ng babae at hindi pinapansin ang mga tinging binabato nila. Kahit na gaano ka-close si Zephyr kay Sienna ay hindi ito ganito sa babae. Kaiba sa nakikita nilang galaw nito kay Leila. Doon lang sila naniwala sa balita na nakita sa forum. Si Zephyr na mismo ang nagsabi na hindi nito girlfriend si Sienna at kahit kailan ay hindi naging ex. Zephyr is now with Leila and even though they're not clear with his relationship with her, they could see that Leila's a special person for Zephyr. Ang mga taong pinag-uusapan ng mga tao sa campus ay magkatabi ngayon sa upuan. Leila could feel the piercing gaze of the people around her that made her uncomfortable but she didn't voice out her sentiments. Pero nawala ang atensyon niya noong ipatong ni Zephyr ang ulo nito sa gilid ng balikat niya. Napipilan si Leila at dahan-dahang napatingin kay Zephyr na nakapikit ngayon. “I'm sleepy…” bu
Chapter 30NATAPOS na sila Leila at Zephyr na monood ng movie at noong mga oras na iyon ay nasa kama na sila para matulog. Nakatulong ang hot compress sa period ni Leila pero hindi pa rin ganoon kakomportable ang tummy niya kaya ang pabiling biling siya sa higaan. Maingat naman ang bawat kilos niya dahil ayaw niyang masira ang pahinga ni Zephyr. Naghahanap ng komportableng pwesto si Leila noong maramdaman niyang may braso na humawak sa beywang niya. Pagkatapos, inikot siya ni Zephyr at napunta siya sa ibabaw nito. “Sleep, Leila,” he uttered in raspy voice. Halatang inaantok na si Zephyr. “M-Matutulog na ako. A-Ano alisin mo iyong kamay mo sa akin para makabalik ako sa pwesto ko—”“Sleep on top of me, Leila.”“H-Ha? Ano 'yang sinasabi mo?”“Sleep there so you'll get comfortable. Close your eyes and hug me,” maawtoridad nitong sabi sa kanya. Nahihiya na iniyakap ni Leila ang mga braso kay Zephyr at pinikit ang mga mata kahit pa parang hindi siya makakatulog dahil halos mabingi siya s
Chapter 29KANINA PA naghihintay si Leila kay Zephyr dahil nagpaalam ito sa kanya na may aasikasuhin saglit. Habang hinihintay ito, nag-ayos si Leila ng gamit sa condo ni Zephyr. Hindi naman maliit ang condo nito pero hindi rin sobrang kalakihan kung ikukumpara sa bahay na kinalakihan ni Leila at ni Zephyr. But for Leila, this condo is the best for both of them. Kada kilos, nagkikita sila ni Zephyr at hindi nawawala sa paningin ng isa't isa. Ang pakiramdam niya tuloy bagong kasal sila ni Zephyr at nasa honeymoon phase kahit na mahigit isang taon naman na mula noong ikasal silang dalawa. Ngunit tama rin naman siguro siya sa ganoong pakiramdam dahil ngayon lang sila nagsama ni Zephyr talaga. Naalala ni Leila noon, pagkakasal nila ni Zephyr, hindi pa natutuyo ang pirma nito sa marriage certificate, nilisan na agad nito ang attorney's office. Civil wedding lang kasi ang uri ng kasal nilang dalawa at hindi siya nagpumilit sa church wedding kahit pa gusto niyang maglakad patungo kay Zeph
Chapter 28HALOS MAWALAN ng hininga si Sienna sa tindi at higpit ng pagsakal dito ni Zephyr. Takot ang bumanaag sa mga mata ng babae at hindi nito mapaniwalaan na kayang gawin ng lalaki iyon sa kanya. “Z-Zephyr, h-hindi ako makahinga—ahh! Z-Zephyr, t-tigilan mo na-na!” hirap na hirap na ani Sienna. Isang mariing pisil pa ang ginawa ni Zephyr bago pabalyang binitiwan si Sienna. Napasadlak sa sahig si Sienna, hinawakan ang leeg na nasaktan at takot na tumingin sa gawi ni Zephyr. Natatakot ito sa Zephyr na kaharap ngayon. Parang hindi kilala ni Sienna ang lalaki. Kung dati ay kahit anong salita nito ay sinusuportahan at sinusunod ni Zephyr, ngayon ay parang ibang tao na ang lalaki. Dahil ba kay Leila kaya nagbago ito? Hindi ininda ni Sienna ang nasaktang sarili at humarap sa direksyon ni Zephyr. “A-Ako ang nandito, Zephyr. Paano mo nagawa sa akin 'to? Dahil ba sa kanya kaya mo ako sinasaktan, Zephyr? She's just your wife in papers. 'D-Di ba ang sabi mo sa akin, you hate her so much? N
Chapter 27NAGING usap-usapan ang mga nakadikit na photos sa lahat ng bulletin board ng campus maging ang tarpaulin na nakasabit sa mga gate ng university. Kahit na natanggal agad iyon, may mga nakakuha na ng picture at kumalat iyon sa social media. Kasabay din noon na lumabas ang anonymous posts tungkol sa tatlong babae at sa nilalaman ng post, sinasabi roon na hindi lang escort girl ang mga babaeng iyon kundi ang dalawa sa kanila ay kabit ng mga kilalang negosyante sa lipunan habang ang isa naman ay may anak na sa mayor ng lugar nila. The university tried to do something about it but the anonymous post keeps on coming back even though it was reported. Dahil doon, pinatawag ang tatlong babae at pinatawan ng parusa: expulsion. May isa ring balita na lumabas sa school forum. Walang relasyon si Zephyr at Sienna. Kay Zephyr mismo nanggaling ang balitang iyon dahil nagpaunlak ang lalaki ng exclusive interview ng student press sa loob ng campus. Ayon sa interview, pinabulaanan ni Zephyr