I'll try again this evening. Kinda busy at the moment. Enjoy reading!
Chapter 12“MOMMY, please don't do this to me. Mommy, I need you right now…”Gustong lapitan ni Leila ang ina ngunit lumayo ito sa kanya. Hindi rin makitaan ang mukha nito ng awa habang nakatingin kay Leila na mas lalong kinasakit ng kalooban ni Leila. “I told you, I'm going to cut ties with you if you proceed with the wedding. Pero anong ginawa mo? Mas pinili mo pa rin pakasalan ang lalaking iyon. I don't like him for you, Leila Margaux, pero ikaw itong habol nang habol sa kanya! You've lost your class! Pinag-aral kita sa mga mamahaling eskwelahan pero parang hindi pumapasok sa utak mo ang mga pinag-aralan mo. Sinabi na namin, hindi maganda ang background ng pamilya ni Zephyr! Pero ikaw, hindi mo magawang makinig! Kinasangkapan mo pa ang daddy mo para kunin ang gamot sa lalaki na iyon. Didn't you know you put your father's life at risk? Hindi ko alam kung babalikan siya ng mga taong kinuhanan niya ng antidote para sa lalaking iyon. All because of your craziness towards that guy!”“M-
Chapter 13“BAKIT KA NAGPAPAULAN? Dàmn!” Hinubad agad ni Zephyr ang suot nitong coat at mabilis na tinawid ang distansiya sa pagitan nila ni Leila. Nakatingala lang si Leila kay Zephyr at hindi kumikibo nang makalapit ang lalaki. Agad namang pinulupot ni Zephyr ang coat kay Leila. Dito napansin ni Zephyr na nanginginig si Leila. Hindi pansinin noong una dahil hindi naman exaggerated ang panginginig nito pero ngayong hawak niya si Leila, ramdam niya na giniginaw ito. Mas lalong nagsalubong ang kilay ni Zephyr. He faced Leila and wrapped his coat around her. “Let's go inside. You need to change your clothes. Basang-basa ka, Leila!”Nakatitig pa rin si Leila kay Zephyr at nagtataka naman si Zephyr sa reaksyon nito. Hindi siya sanay na tahimik ang babae kaya binuka ni Zephyr ang bibig upang magtanong sana rito nang walang sabi-sabi, biglang rumolyo ang mga mata ni Leila at muntik itong bumagsak!Mabilis na sinalo ni Zephyr si Leila at nanlaki ang mga mata niya dahil nawalan ng malay si
Chapter 14ZEPHYR still couldn't believe that he kissed Leila. Yes, it's just the top of her head but still - napalunok si Zephyr nang sunod-sunod. It's not his usual self to do something like that. Mataas ang self control ni Zephyr lalo't hindi lang siya lumaki sa Alejandro Clan kundi dumaan din siya sa training ng Fuentes Clan. But whenever he's facing Leila, he's losing his shít. Mula pa noong una, iba't ibang emosyon na ang pinalalabas nito sa kanya. Naalala tuloy ni Zephyr ang unang beses na nakilala niya ito. Noong hindi niya pa alam na kapatid ang Ate Serena niya, sinundan niya ito sa Cebu para lang magpapansin. Hindi inaasahan na iyong electric bike na nirentahan niya ay nabunggo ang sasakyan ni Leila. Naalala rin ni Zephyr kung paano siya hinamak ni Leila kaya pinangako niya na kung magkaka-girlfriend man siya o asawa, hinding-hindi tulad ng babaeng nakita niya sa Cebu.And look where fate got them. After a couple of years, he's married to her. Sure it was a shotgun marriag
Chapter 15PUPUNGAS-PUNGAS na nagising si Leila. Naramdaman niyang may nakayakap sa kanya. Nakapikit pa rin siya kahit unti-unting nagigising ang diwa niya at komportable siyang sumiksik sa taong nagbibigay ng init sa kanya. Ngunit nang ma-realize na mag-isa lang siya madalas sa kwarto, doon napaisip si Leila kung sino ang katabi niya at nakayakap pa sa kanya! Kinakabahan na marahan niyang binuksan ang mga mata at ang sunod na tagpo ang nagpahinto sandali ng hininga niya. Nakailang lunok si Leila ng laway noong bumungad si Zephyr sa kanya. Muntik siyang mapasinghap kaya't mabilis niyang tinakpan ang bibig dahil baka magising si Zephyr at maputol itong tagpong ito. Napatitig si Leila kay Zephyr at napababa ang tingin niya sa braso nitong nakayakap sa may beywang niya. Ang isa naman nitong braso ay kung saan nakaunan ang ulo niya ngayon. Hindi niya alam kung anong nangyari at ganito sila ngayon pero ang nasa isip lang ni Leila ay kinikilig siya! Zephyr is beside her and also, he's hu
Chapter 16“A-ANONG pag-uusapan natin?”Halos lumabas na sa ribcage ni Leila ang puso niya sa kaba dahil hindi pa rin lumalayo sa kanya si Zephyr! Hindi sa hindi niya gusto ang ginagawa nito, ah? Pero grabe, hindi na yata siya makahinga! Parang hinihigop ni Zephyr ang lakas niya, my God! Hinigit siya ni Zephyr at nauntog pa siya sa malapad nitong dibdíb. Halatang nagwo-workout si Zephyr dahil nasagi ang noo niya sa muscles ng dibdíb nito. Nag-aalalang tumingin naman si Zephyr sa kanya at sinapo nito ang noo niya. “Are you okay?”“Bakit mo ako kasi agad hinatak? Nauntog tuloy ako sa pectorals mo!”Tumikwas ang labi ni Zephyr at hindi sumagot, natuwa yata na 'pinuri' niya ang muscles nito. Instead, he said something else. “Why did you push Sienna in the pool?”Nawala ang saya sa mukha ni Leila nang marinig ang pangalang binanggit ni Zephyr. Narito pa 'to para pagalitan siya? Sisitahin ba siya nito muli sa ginawa niya kay Sienna? She's not feeling guilty! Kung pwede lang ay lulunurin ni
Chapter 17“WHAT? Why did you stop kissing me?” mahinang reklamo ni Zephyr. Napatitig si Leila at hindi alam kung paano sisitahin si Zephyr na sapo pa rin ang dibdîb niya. May damit pa siyang suot pero kahit ganoon, pakiramdam niya ay hubàd na siya. Napasinghap pa siya noong muling pisilin iyon ni Zephyr at hindi nakuntento, pinaloob nito ang kamay sa suot niyang maluwag na shirt. Doon din napansin ni Leila na hindi kanya 'tong suot na shirt! Don't tell her…Zephyr leaned closer and said something on her ears. “You just noticed your clothes? I changed that last night.”Nagkulay kamatis lalo ang mukha ni Leila at may kumawalang ungól sa bibig niya na agad niyang tinakpan dahil muling pinisil na naman ni Zephyr ang tayong-tayo niyang dibdíb! Hindi nakuntento, nilaro pa nito ang tuktok noon na muli niyang muntik ikasigaw. Zephyr then kissed her lips once again and embraced her with his strong arms to deepen the kiss between them. Napapikit si Leila at piniling magpatangay sa ginagawa
Chapter 18NANG ILAPAT ni Leila ang mga kamay sa palad ni Zephyr, ramdam niya ang init nito. Pinagsalikop naman ni Zephyr ang mga kamay nila at niyakag siya nito palabas. Mahihina at maliliit lang ang hakbang ni Zephyr para hindi mabigla si Leila dahil kagagaling pa lang niya sa sakit. “Zephyr?” Patuloy pa rin ang pagkatok ni Sienna sa pinto. Walang kaalam-alam si Leila na 'nagkasakit' din si Sienna kagabi at tumawag si Manang Gina kay Zephyr para puntahan ito ng asawa niya. Si Zephyr naman ay naiinis kahit na hindi nito pinakikita sa mukha. He remembered last night that Manang Gina frantically called him to attend Sienna and he declined. And now, Sienna's bugging them early in the morning. He's fúcking pissed off because the intimate moment between him and Leila was cut off. Binuksan ni Zephyr ang pinto at hindi napaghandaan ni Sienna iyon. Nang makita ni Sienna na naroon si Zephyr, umakto itong babagsak sa pwesto ni Zephyr na mas lalong nagpakunot ng noo ni Zephyr kaya't napaiwa
Chapter 19HINDI NA nakapag-almusal si Zephyr at agad itong umalis. But before he left, he bid goodbye to Leila and everyone saw that. Nang makita ng mga katulong na mabait na si Zephyr kay Leila, alam nila na kailangan na nilang ayusin ang treatment kay Leila. Mukhang nagkasundo na ang mag-asawa kaya hindi na nila kailangan na sundin pa si Manang Gina. “Anong ginawa mo at ganoon si Zephyr sa 'yo?” naiinis na tanong ni Sienna. Mula sa marahang pagkain ng soup, nag-angat ng tingin si Leila at napasulyap siya kay Sienna na masama ang timpla ng mukha. Feeling ni Leila ay siya ang panalo ngayon dahil nainis niya ang babaeng ito. Mula pa noong iuwi ito ni Zephyr at sinabing doon nakatira dahil pamangkin ito ni Manang Gina, pikang-pika na si Leila sa babaeng ito. Kaya para lalo itong mainis, ngumisi si Leila at umayos ng upo. Humalukipkip pa siya at saka binalik ang mapanghamak na tingin kay Sienna. “Guess? Maybe Zephyr realized that he loves me kaya ganoon siya sa akin. Remember, he d
Nang marinig ni Chester ang iyak ng ina niya, mas lalo siyang nagwala. Tinulak niya ito at sumigaw, “Bakit ka umiiyak?! Sino nagsabing wala na akong silbi?! Tumawag ka ng mga babae! Patutunayan ko sa inyong lahat na hindi ako inutil! Hahaha! Hindi ako inutil!”Halos matumba ang ina sa pagkakatulak. Pagkatayo niya, di na siya muling umiyak. Alam niyang mas lalo lang magagalit si Chester.Mayamaya, napansin ni Chester si Paris na nagtatago sa likod ng mga tao at ayaw lumapit.Bigla siyang sumigaw. “Paris! Lumapit ka rito! Bilis!”Nang marinig ang pangalan niya, halos manginig si Paris… Parang demonyo si Chester! Lahat ng lumapit sa kanya, parang kinakain ng buo!Pero wala siyang magawa… Andami ng matatandang miyembro ng pamilya Beltran sa paligid. Kahit kunwari lang, kailangan niyang lumapit.Kaya pinisil niya ang sarili niya nang malakas para lumabas ang luha, at lumapit sa kama habang umiiyak: “Bakit ganito ang nangyari… Bakit ganito… Master Chester, masakit ba…?”Pero imbes na maawa,
Chapter 68ISANG bungkos ng mga gulay na mukhang walang lasa ang nakahain sa tanghalian. Pagkakita pa lang ni Chastain, parang sumakit agad ang tiyan niya at nawalan siya ng gana.Si Patricia naman, kalmado lang sa pagkain. Alam niya kasing ang may-ari ng karinderyang ito ay mahilig magdagdag ng tubig habang nagluluto at matipid sa mantika, kaya ang “ginisa” ay parang pinakuluan lang.Ganito rin talaga ang kain niya dahil iniisip pa rin niyang magpapayat, at sinabihan din siya ng doktor na iwasan ang matatabang at maaanghang na pagkain. Mas okay na raw ang mga masustansyang gulay.Pero si Chastain ay normal na tao! Paano naman siya gaganahang kumain ng ganitong luto na parang nilaga lang? Kaya dalawang subo lang ng kanin ang nakain niya, sumuko na agad.Nakita ni Patricia ang itsura niyang parang mamamatay na sa gutom, kaya napabuntong-hininga ito at itinuro ang kabinet sa kusina gamit ang kanyang kutsara. “Naalala ko may bote ng chili oil d'yan. Kung sobrang wala talagang lasa sa'yo,
Sa wakas, luminga-linga si Chastain at tumigil ang tingin niya kay Patricia. “Kahit na parang ordinaryo at hindi kapansin-pansin ka sa paningin ng iba, para sa ’kin isa kang interesting na tao. Kaya handa akong maglaan ng oras para maging kaibigan ka. Kung tutulong ka man sa’kin sa hinaharap, nasa ‘yo na ‘yon.”Medyo natulala si Patricia.Ang salitang “kaibigan” ay parang isang luho para sa kanya. Ang buong buhay niya dati ay punong-puno ng mga taong minamaliit siya at gustong yurakan ang pagkatao niya.Ngayon lang siya nagsimulang magkaroon ng mga totoong kaibigan. Pero hindi rin siya sigurado kung totoo bang mabait sila sa kanya, o ginagamit lang siya para sa pansariling interes.Pero si Chastain yata ang unang nagsabi na gusto siyang maging kaibigan.Habang tulala pa si Patricia, hinawakan ni Chastain ang braso ni Patrick at binuhat ito sa likod niya. “Patricia, wag mo nang gawing komplikado pa ang pag-iisip sa’kin. Oo, may ambisyon ako, pero hindi ibig sabihin gusto kong agawin an
Chapter 67NGUMITI si Chastain ng bahagya. "Wala akong pakialam kung anong gulo meron kayo ng pamilya Alejandro. Basta, wala kang karapatan dito. Kung aalis ka, umalis ka na agad para hindi ka nakakaabala. Habang wala si Daemon, ako ang magpoprotekta sa babaeng 'to."Napakagat ng labi si Carmina sa inis, tinitigan si Chastain nang masama, at sa huli, napasipa siya sa lupa: "Hindi ko kalilimutan 'to!"Pagkatapos, tumalikod siya at naglakad papunta sa kanyang Maybach...Ang dalawa niyang tauhan ay napabagsak na ni Chastain, hindi man lang nakaporma o nakapalag.Sa huli, umalis si Carmina na halos nakakahiya, iniwan ang alikabok habang papalayo ang Maybach. Nakatingin pa rin si Patricia sa direksyong nilisan nito, tila tulala pa rin.Kahit na hindi talaga kaaya-aya si Carmina, totoo pa rin ang mga sinabi niya. Para bang tinamaan si Patricia sa pinakasensitibong parte ng damdamin niya.Tama... parang naging pabigat na lang talaga siya kay Daemon...Habang nag-iisip pa siya, bigla siyang t
Tahimik lang si Patricia, kagat labi. Paano niya malalaman?“Dahil hindi mo alam kung nasaan ka, at hindi mo alam ang lugar mo!” Sobrang linaw at diin ng bawat salitang binitiwan ng babae, parang gusto siyang durugin sa salita pa lang!Pero hindi umiwas ng tingin si Patricia, kalmado siyang tumingin pabalik: “sa labindalawang taon ng buhay ko, sobra na akong naging mabait. Ngayon naman, gusto ko na lang piliin sarili ko, hindi ba pwede iyon?”SLAP! Isa pang sampal mula sa kabila! Lalong naging matalim ang mga mata ng babae. “Akala mo ba may karapatan kang magsalita ng ganyan sa harap ko?!”Na-off guard si Patricia at nasampal ulit. Nainis na siya bigla. Ang babaeng ‘to bigla na lang sumulpot na parang baliw tapos nanampal pa nang walang dahilan. Pero alam ni Patricia na malakas ang koneksyon ng babaeng ‘to kaya pinilit na lang niyang pigilan ang inis niya, “Hindi ko alam kung sino ka, at hindi ko rin alam kung anong nagawa ko sa’yo, pero pwede bang kahit konti lang, igalang mo naman
Chapter 66HALATANG nabigla ang doktor sa sinabi ni Daemon, pero mabilis din nitong inayos ang sarili, hinila ang kwelyo ng kanyang polo at kalmadong nagsalita, “Walang magiging problema. Pwede mo na siyang iuwi bukas para makapagpahinga. Iwasan lang ang mga bawal kainin at uminom ng gamot sa tamang oras.”Hindi na nagsalita pa si Daemon sa doktor, tumingin na lang siya kay Patricia. “Sundin mo lang sinabi ng doktor. Gusto mo bang ma-ospital ka ulit?”Tahimik lang si Patricia… Bakit parang sinasabi ni Daemon na gusto pa niya mapunta sa ospital?Hinawakan ni Daemon ang ulo niya, parang pagod na pagod. “Hindi ko naman kayang bantayan ka palagi, kaya sana huwag ka nang gumawa ng kalokohan.”Napailing lang si Patricia sabay labas ng dila… Concern ba ‘to o pananakot?Pero sa huli, binawi ni Daemon ang kamay niya at tiningnan siya. “Pumasok ka na at magpahinga nang maaga.”Tumigil muna si Patricia, tapos tumango, “Sige.”Sa totoo lang, halata sa mga mata ni Daemon na parang ayaw pa niyang u
Minsan, ni si Daemon mismo, hindi na alam kung alin ang totoo at alin ang hindi, o kung sino ba talaga siya.Masyado nang komplikado ang mundo niya para unawain. Kahit ilang palapag lang ang inakyat nila, parang ang tagal nilang naglakad.Pagdating nila sa pinto, kinuha ni Patricia ang susi sa bag niya at binuksan ang pinto. Madilim sa loob, at tulog na ang tatay niya.Pagkalabas ni Patricia mula ospital, tinawagan niya ang tatay niya para sabihing may dinner siyang pupuntahan at huwag na siyang hintayin sa ospital—umuwi na lang at magpahinga.Tahimik siyang pumasok para 'di magising ang tatay niya. Pero nakita niyang natutulog pa rin ito sa reclining chair sa sala. Maayos ang bahay, malinis.Napansin din 'yon ni Daemon kaya medyo kumunot ang noo niya.Naalala niya nung pumunta siya sa ospital para bisitahin si Patricia. Pagkatapos no’n, nagdesisyon siyang huwag guluhin ang normal na buhay nito kaya pumayag muna siya sa alok ni Chastain—pansamantalang pakikisama para mapakalma si Mr.
Chapter 65HINDI talaga inakala ni Patricia na dadalhin siya ni Daemon dito… Diba sa mga nobela at palabas sa TV, dapat ang mga eksena ay sa magagandang lugar, may romantic setup, at maraming nakakakilig na linya?O kaya naman ay sa isang private na lugar kung saan madalas pumunta ang bida, tapos doon niya ibabahagi ang mga sikreto niya sa babae…Pero kabaligtaran ang ginawa ni Daemon.Dinala siya sa pinaka-pamilyar niyang lugar. Inisip pa nga niya na ihahatid lang siya nito pauwi sa apartment at aalis na. Pero kung iisipin, pinaalala ni Zaldy na kailangan siyang ibalik sa ospital… baka naman hindi niya nakalimutan, ‘no?Hindi bumaba ng kotse si Patricia, tumingin lang siya kay Daemon na parang nagtatanong gamit ang kanyang mga mata.Hindi rin bumaba si Daemon. Kinuha lang niya ang sigarilyo sa bulsa at sinindihan. Tumingin siya sa mga gusaling naaninag lang sa dilim. Ang dim na ilaw ng streetlamp ay tumama sa mukha niya, at doon nakita ang lungkot at parang pagod na pagod siyang tao…
Napansin ni Patricia na nakatitig sa kanya si Daemon habang wala sa sarili, kaya umiwas siya ng tingin, medyo nahihiya. Tapos, mahina niyang tinanong, halos hindi niya na marinig ang sarili niya, “Ahm… okay lang ba talaga ‘yung sagot-sagot mo sa lolo mo?”Ngumiti si Daemon, “Ano sa tingin mo?”Hindi nakaimik si Patricia. Habang tinitingnan ang ngiti ni Daemon, pakiramdam niya mas lalong may masamang mangyayari kapag kinontra mo siya.Alam ni Daemon na wala siyang maisasagot, kaya tinaasan niya ng balikat. “Wala ka rin namang magagawa sa mga ‘to. Mas mabuti pa, magpalit ka muna ng damit.”Nang marinig niya ‘yun, doon lang niya naramdaman na nilalamig pala siya. Napahatsing siya bigla.Tumawag si Daemon at pumasok si Zaldy. Pagkakita niya kay Patricia na parang basang sisiw at kay Daemon na mukhang pagod na pagod, nagulat siya. “Wala ba talagang nangyari sa inyo?”Tumawa si Daemon. “Ano sa tingin mo dapat ang nangyari?”Agad na iniba ni Zaldy ang ekspresyon niya, tapos ngumiti ng parang