CHAPTER 2
I’ve been watching her from afar simula nang mapulot ko ang notebook niya. Her letter is ridiculous but she seems so serious and angry by the way she wrote that letter.
Madiin ang pagkakasulat niya na halos tumagos na ng tinta sa kabilang pahina at sobrang sloppy na para bang nagmamadali siya kaya hindi ko masyadong maintindihan ang mga salita. I wonder what drives her to write that letter.
“Ty,” Nawala ang tingin ko kay Mosqueda nang biglang humarang si Katrina sa harapn ko. “Sama ka sa amin mag-lunch?”
I glanced her way again and I saw her putting her things inside her bag. Napadiretso ako ng upo nang tuluyan na nga siyang tumayo at tahimik na naglakad patungo sa labas ng lassroom. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mawala siya sa aking paningin.
“Ty? Hello? Nandiyan ka ba?” ibinalik ko ang tingin kay Katrina saka awkward na tumawa.
“Sorry, ano nga ulit iyon?” I said while scratching my nape.
“Sabi ko, sabay ka sa amin mag---”
“Ty!” Naputol ang inasabi niya nang may biglang tumawag sa pangalan ko. Sabay kaming lumingon sa Labas kung nasaan sila Bernard at Jenny.
Katrina pouted. “Sabi ko nga, hindi.”
“Pasensiya na, Kat. Next time na lang.” I smiled apologetically. Nakita ko namang lumiwanag ang mukha niya dahil doon at lumaki ang kaniyang ngiti.
“Next time, ha! Sabi mo ‘yan,” she giggled before marching back to her friends.
Naiiling kong isnukbit ang bag ko sa aking balikat saka naglakad patungo kanila Bernard. Nakita kong nakakunot ang noo ni Jenny habang nakahalukipkip at masama ang pagkakatingin kay Kat.
“Sino ‘yon?” she asked.
I can’t see a valid reason to answer her question kaya niliko ko agad ang usapan. “Saan tayo?”
Bernard snorted then rolled his eyes. “Sa cafeteria malamang. Nandoon na silang lahat.”
“After ba nating kumain ay tatambay ulit tayo sa court?” Nagsimula na kaming maglakad patungo sa cafeteria.
“Hindi yata. May quiz daw sila Andrei ngayon, kailangan niya daw mag-review.”
I chuckled. “Himala yatang nag-review siya. Hindi ba’t naniniwala siya sa kapangyarihan ng stock knowledge?”
“He just confessed his love to a girl and got rejected because the girl only wants to date smart guys. We all know Andrei is a dumbass. Himala na nga na nakatungtong siya sa Senior High,” ani Bernard habang umiiling.
“I think he’s smart. Sadyang tamad lang talaga.” Ibinaling ko ang tingiin sa harapan at natigil ako ng ilang segundo sa paglalakad nang makita ko si Mosqueda na hirap na hirap habang buhat ang isang box na naglalaman ng kung ano.
I took a single step towards her par sana tulungan siya pero kalaunan ay natigil din dahil naunahan na ako ni Bernard.
“Ako na,” wika nito.
Tumuwid ako ng tayo saka inilagay ang kaliwang kamay ko sa loob ng aking bulsa habang ang kabila ay nakahawak sa strap ng aking bag. I watched Bernard snatched the box from her hands na mukhang ikinagulat niya.
“A-ano—”
“Bakit ba ikaw na lang lagi ang gumagawa nito?” Bernard tsk-ed. “Puwede ka naman kasing tumanggi. Kapag ayaw mo sabihin mo, ‘Ayaw’. Come on, say it. A-yaw,” dagdag niya pa na par bang nagtuturo sa isang bata.
Mosqueda looked down and played with her wristband. Malapad iyon nahalos takpan na buong pulu-pulsuhan niya.
“Saan ba ito?” aniya nang hindi nagsalita si Mosqueda. Bumaling siya sa amin. “Mauna na kayo, samahan ko lang ito,” paalam niya sa amin.
He started to walk at agad naman siyang sinundan ni Mosqueda. The sight of them together suddenly annoys me. Ni hindi man lang siya sumulayap sa akin.
I tsk-ed at natigilan ako nang makasalubong ko ang tingin ni Jenny. I scratches my nape na ginagawa ko sa tuwing hindi ako kumportable o kaya nama’y nahihiya. It’s just may mannerism.
“They look so close,” panimula ko ng isang topic.
“Kapit-bahay naming dalawa si Kit. We used to play together so we can say na she used to be our childhood friend na rin,” kibit-balikat na sagot niya.
“Used to be?” taas noong tanong ko.
“Yep, matagal na iyon. Siguro mga six years old na kami. She stopped playing with us when her parents separated. Lumipat na rin kasi sila ng bahay then when her mother remarried, she became aloof with people. Palagi niya na lang ina-isolate ang sarili niya,” pagku-kuwento niya.
Kumunot ang noo ko. “Bakit?”
“Ewan, no one knows why she suddenly became ‘that’ girl,” sagot niya saka tumingin sa akin. “Why do you seem so curious, anyway?”
Iniwas ko ang tingin sa kaniya. “Ngayon ko lang kasi siya nakita.”
I dismissed the topic at nagsimula ng panibago pero ang utak ko ay naroon pa rin. So she suddenly became aloof.
There is something odd about this girl that successfully piqued my interest. The strange notebook, the scribbles and the letter. I want to know it all. Every time I glance her way, para bang nakatingin ako sa isang jigsaw puzzle na may mahigit sa isang daan ang piyesa. She’s like an exciting mystery book na hindi ko mapigilan ang sarili kong buklatin ang mga pahina hanggang sa matapos ang istorya.
Tuwing lunch time ay bigla na lang siyang nawawaa na parang bula. Then sa tuwing break naman or walang klase ay nakatungo lamang siya, kung hindi natutulog ay nagsusulat o kaya naman ay nakatulala sa bintana.
Hindi ko namalayang napalalim na pala ang buntong hininga ko. They all looked at me na para bang nakakita sila ng isang bagay na kamangha-mangha.
“Shit, ‘tol. Ayos ka lang?” tanong ni Matthew. “First time iyon ah. May pinagdadaanan ka? Tao ka na ‘tol, congrats!”
Pabiro ko siyang sinapak sa braso. I appear to be lively and cheerful person in front of them so they concluded na regalo daw ako ng mga alien para sa humanity. Naiiling lang ako kapag naririnig iyon.
Ayaw ko lang kasi talagang magbabad sa isang problema. i prefer to laugh it off instead of being sad and gloomy about it. Isa pa, masyadong maraming problema ang mga taong nasa paligid ko kaya palagi akong nakangiti to lessen their burden kahit na sandali lang.
I believe that smile and happiness are contagious. You can say that I’m one with those ‘fortunate’ people. I have a complte, big and happy family. we’re not poor and not rich either, just in between. I have good grades and a lot of friends. But of course, hindi maiiwasan ang mga problema. That ‘s why I always smile because happiness is contagious, I want to share my happiness to other people.
I guess that is also the reason kung bakit gusto akong kasama ng mga tao sa paligid ko. Hindi naman kasi ako ka-guwapuhan. Sa kulay pa lang ng balat ay naghuhumiyaw na ng pagiging makabayan. I have a brown skin, round chocolate brown eyes, hindi katangusan ang ulo at maninipis na labi. Matangkad ako at medyo payat ang pangangatawan. I have a curly and thick hair na namana ko kay Papa.
Kung titignan ay mas lang si Bernard ng isang paligo kaysa akin.
Iniling ko ang ulo ko habang nangingiti dahil sa naisip. Dahil sa nakuha kong atensyon mula sa kanila ay binura ko na muna ang lahat ng patungkol sa babaeng iyon sa utak ko saka pinilit na makisabay sa kanilang usapan.
Pero sa pagtatapos ng lunch at sa muling pagtapak ko sa classroom ay hindi ko namalayang agad siyang hinanap ng mga mata ko. She’s sitting on her chair quietly, iba na ang notebook na pinagsusulatan niya. Napangiti ako, pink na ang kulay nito ngayon and it has a cute bunny design. It’s cute.
Hindi rin naman nagtagal ay dumating na nga si Ma’am Guinoo. All of us immediately sat on our assigned seat as she start the class. I focused on the class kahit na paminsan-minsan ay hindi ko mapigilang magawi sa kinauupuan ni Mosqueda.
Nakatingin na siya sa bintana nayon habang nakangalumbaba. I wonder what’s on her mind right now. Is she irritated? Bored?
Nakita kong bahagya siyang gumalaw and then she turned her head. My eyes widened when our eyes met at dahil sa gulat ay nabitawan ko ang ballpen ko. Nahulog iyon sa sahig at gumulong patungo sa harapan. Napakamot ako sa ulo ko. Nakakahiya!
Simula noon ay pinigilan ko na ang sarili kong tumingin sa gawi niya na napagtagumpayan ko naman dahil nagpa-surprise quiz ang subject teacher namin sa Accounting.
If there is a thing in the world that I hated the most, it is the subject math. I hate numbers lalo na kung may katabing letters, pero sa accounting ay kailangan pa silang i-balance. Napakamot ako sa sentido ko habang tinitignan ng paulit-ulit ang columnar pad ko.
What did I do wrong? Bakit hindi ma-balance?
Lumipas ang buong klase na problemado kaming lahat dahil sa piso net shop ni Pedro. Why the hell did he open that shop, anyway? Paki ko naman kung nag-purchase siya ng computer equipment na nagkakahalagang 12,000 pesos?
Matamlay kami ng mag-uwian. Sa huli ay na-balance ko rin naman siya, hindi nga lang ako sure kung tama ang sagot ko.
“Hoy! Mga cleaners walang tatakas!” rinig kong sigaw ng kung sino man.
I sighed saka tuumungo sa desk ko. Cleaners nga pala ako ngayon. Pinanuod ko silang umalis ng classroom. Ang iba ay nagpapaalam sa akin na nginingitian ko na lang o kaya naman ay tinatanguan.
Naalala kong muli si Mosqueda. Lumingon ako sa kinauupuan niya pero wala na siya doon. I pouted, as expected. Ni hindi ko man lang siya nakitang lumabas. She really moves like a ghost. Sometimes, bigla-bigla na lang siyang nawawala sa upuan niya kahit na ilang segundo ko lang inialis ang tingin ko sa kaniya. Siguro may portal sa inuupuan niya.
I smiled at that thought. Tumayo ako sa upuan ko at umupo sa seat niya. It’s comfortable here. Sariwa ang hangin dahil nasa tabi mismo ng bintana. Ibinaba ko ang aking tingin sa labas at napangiti ako nang makita ang naglalarong mga bata. Halos katabi lang ng school namin ang isang Elementry school kay may mga bata rin kaming nakakasalamuha.
So ito pala ang nakikita niya sa tuwing tumitingin siya sa labas ng bintana.
“Ty, ikaw na lang ulit magtapon ng b****a ha?” Lumingon ako sa President namin at nag-thumbs up sa kaniya bilang pag-sangayon.
Sinara ko na ang bintana saka tinungo ang basurahan. Bumaba ako mula fourth floor hanggang groundfloor habang ala-dala iyon. Kailangan ko pang maglakad patungo sa likuran ng school dahil nandoon ang tapunan ng basurahan.
Nang matapos ako sa trabaho ay sandali kong ibinaba ang wala ng laman na basurahan saka nag-unat ng katawan. Tinatamad na akong bumalik pero kailangan ko pang ilagay itong basurahan sa classroom.
I sighed at akmang hahakbang na paalis nang makarinig ako ng kaluskos na nagmumula sa isang malaking puno na nasa gitna ng area na ito.
“Sino iyan?” sigaw ko.
Mas matanda pa daw ang punong ito sa school kaya madami-dami na rin ang nakakatakot na kuwento tungkol rito. Sinasabing may white lady daw na nagpapakita dito. Mayroon ding iba na sinasabing tinali daw ang isang mangkukulam dito noon saka sinunog at may kapre din daw na naninirahan dito.
Hindi ako naniniwala sa mga ganoon kaya naman nang walang sumagot ay ipinagkibit balikat ko na lang ang narinig kong tunog. Pero nang muli kong ihakbang ang mga paa ko ay may narinig ulit ako, this time mas malakas.
Ibinaba ko ang basurahan saka nakasimangot na nag-marcha patungo sa likuran ng puno kung saan ko naririnig ang tunog.
“Sino ba ‘ya—” Nagulat ako nang makita si Mosqueda nang tuluyan kong marating ang kinaroroonan ng tunog.
Mukhang nagulat din siya sa biglaan kong pagdating dahil lumaki rin ang mga mata niya. Ang kaniyang itim at unat na buhok na umaabot hanggang sa itaas ng kaniyang bewang ay marahang sumasayaw sa bawat pagdating ng hangin.
It is my first time seeing her this close and I noticed that her eyelashes are long. Her skin is pale, almost as white as a paper. Hindi katangusan ang ilong at maninipis ang mga labi. Her big round eyes looks so innocent while staring back at me.
Nang mapagtantong tumagal ang tingin ko sa kaniya ay agad kong iniwas ang aking tingin. Naramdaman ko ang pag-init ng mga tenga ko at halos mapamura ako dahill doon.
“B-bakit hindi ka pa umuuwi?” I stuttered.
“Iyong pusa,” she gently said.
Inangat ko ang tingin ko sa kaniya. “Ha?”
Iniunat niya ang kaniyang kamay at itinuro ang itaas ng puno kung nasaan siya nakatingin kanina. I followed her hands and saw a kitten on top of the tree. Nanginginig ito at para bang takot na takot.
“Gusto mo bang...” I cleared my throat bago pinagpatuloy ang sasabihin. “Gusto mo bang kunin ko?”
She looked at me using her big round eyes at muli kong iniwas ang tingin ko sa kaniya.
Walang Sali-salitang hinubad ko ang sapatos ko at medays saka inakyat ang puno para kunin iyong kuting. Takot ito noong una at naramdaman ko ang hapdi sa aking kamay dahil sa mga kalmot nito.
“It’s fine. Hindi kita sasaktan. Halika na, dali,” pang-aalo ko sa pusa. Sa huli ay nagtagumpay akong makuha ito.
I let myself fall down the tree saka nakangiting hinarap si Mosqueda.
“There, the kitten’s fine now. Paano ba siya napunta roon?” tanong ko sa kaniya. Medyo nanginginig pa rin ang pusa kaya ibinaba ko muna siya sa bermuda grass para maramdaman niyang safe na siya.
“H-hindi ko alam,” halos bulong na sagot niya. Sa pusa siya nakatingin at hindi sa akin. She pet its head and the kitten purred. Dahan-dahang gumuhit ang ngiti sa kaniyang mga labi at halos hindi na ako huminga.
Mula sa pusa ay bumaba ang tingin niya sa kamay ko. Nagulat ako nang bigla niyang hawakan iyon kaya bigla akong napaigtad at napalayo sa kaniya.
“B-bakit?” nauutal kong tanong. My heart is beating faster than usual.
“May sugat ka,” banayad niyang saad habang nakatingin sa kamay ko. Tinanggal niya ang bag niya sa kaniyang balikat saka parang may hinalungkat doon. Nang makita ang hinahanap ay muli siyang bumaling sa akin.
“Akin na kamay mo.” Inilahad niya ang palad niya sa harapan ko.
“H-ha?” usal ko. Gusto ko na lang i-untog ang sarili ko sa pader. Seriously? Natutuliro ako.
Nang hindi ako gumalaw ay siya na mismo ang kumuha ng kamay ko. Pinaupo niya ako saka tinanggal ang papel na nakadikit sa band aid. I was just staring at her while she seriously stick it unto my hands. Her hands feels so soft, almost like a cotton. It is warm and soft, I like the feeling of it against my palm.
Napangiti ako. Nang maapos siya ay inangat niya ang kaniyang tingin sa akin.
“Tapos na,” wika niya. “Sorry, iyan na lang kasi ‘yong design na natira.”
Her eyes smiled along with her lips habang tinititigan iyong band aid sa kamay ko. Peppa pig ang disenyo nito pero kahit ganoon ay hindi ako nakaramdam ng pagkadisgusto na nakadikit iyon sa kamay ko ngayon.
“Ayos lang,” I said habang pinagmamasdan ang band-aid.
Muli niyang sinukbit ang bag niya dahilan upang mapatingin ako sa kaniya.
“Alis na ako,” aniya nang mapansin ang nagtatanong kong mukha.
“Paano ‘tong pusa?” tanong ko.
“Ahh, hindi akin ‘yan. Nakita ko lang siya kanina doon sa itaas ng puno,” sagot niya saka tuluyan na ngang naglakad paalis.
Tumayo ako para sana pigilan siya pero natanaw ko na si President na patungo sa kinaroroonan ko.
“Ang tagal mong bumalik. Umuwi na sila, hindi ko masarado iyong pinto kasi wala pa iyong basurahan,” nakasimngot niyang wika.
“Sorry,” sabi ko na lang saka muling sinulyapan si Mosqueda na unti-unti ng lumiliit sa paningin ko.
Napabuntong hininga na lang ako saka bumalik na nga sa classroom kasabay ni president.
Pag-uwi sa bahay ay agad kong ibinato ang sarili ko a kama at nakipagtitigan sa kisame. Itinaas ko ang kamay ko kung nasaan ang band aid. Napangiti ako nang maalala ko kung gaano kainit ang palad niya.
Tinanggal ko ang band aid sa kamay ko. Hindi ko kayang magusot ito o madumihan man kaya itatabi ko na lang. Naisip kong i-laminate kaya lang nasobrahan naman yata iyon. Napailing ako sa sarili kong iniisip at muli kong namataan ang itim na notebook na pag-aari ni Mosqueda.
I smiled. Hindi na yata kita maibabalik sa amo mo.
KINABUKASAN ay maganda ang gising ko kaya lalong dumoble ang laki ng ngiti ko. Sabi nga ni Mama ay nakakabulag daw ang liwanag ko ngayong araw na tinawanan ko lang.
“Saya mo ha.” Inakbayan ako ni Bernard nang muli kaming magkasabay sa pagpasok sa school.
“Palagi naman akong masaya,” ani ko.
He tilted his head while squinting his eyes na para bang pinagaaralan ako. “Hindi e, may kakaiba talaga. Mas lalo kang maliwanag ngayon. What happened?”
Nagkibit balikat lang ako sa tanong niya saka walang imik na naglakad.
I greeted almost every student na nadadaanan namin. At nang marating namin ang third floor ay noon namin nakasalubong si Mosqueda. Our eyes met and I smiled at her, akmang iaangat ko na ang aking kamay para kawayan at batiin siya nang bigla niyang iniyuko ang ulo niya para umiwas ng tingin.
I froze. What happened? Kahapon lang ay ayos kami ah?
Teka lang, ngayon ko lang napansin. She seemed so confident when we talked yesterday bakit umaakto siyang nahihiya ngayon? Kumunot ang noo ko. Is it because of Bernard?
“Ano? Diyan ka na lang?” Napakurap ako saka binalingan si Bernard na naka-apak na ang paa sa unang baitang ng hagdan at sinisilip ako.
Kumunot ang noo ko saka sumunod sa kaniya. Sa buong oras ng klase ay nakatitig lang ako kay Mosqueda. She’s writing something on her notebook again. What’s with her? She’s so unpredictable.
I sighed saka ibinaling na ang tingin sa teacher namin na katatapos lang magsulat sa board.
“Alright, we’ll have an activity and I want you to work by pair, okay? Bilis, maghanap na kayo ng partner niyo,” wika niya saka umupo sa teacher’s table at pinanuod kaming magkagulo.
Maraming lumapit sa akin para alukin ako but I turned them down politely. I walked towards Mosqueda na hanggang ngayon ay nakayuko pa rin habang nagsusulat. I cleared my throat para makilala niya ang presensya ko.
She stopped writing saka iniangat ang tingin sa akin.
“Sabi ni Sir by pair daw,” wika ko saka hinila ang bakanteng upuan sa tabi niya at umupo doon. “So, anong gagawin natin?” I asked as I flashed my brightest smile in front of her.
CHAPTER 3 Mabilis na lumipas ang araw na iyon. Gumuhit ang malawak na ngiti sa aking labi nang imulat ko ang mga mata ko upang salubungin ang bagong umaga. Umupo ako sa kama saka nag-unat habang humihikab. May katiting na antok pa akong nararamdaman pero umalis na ako sa kama para paghandaan ang panibagong araw. “Morning,” bati ko sa kapatid kong nagkukusot pa ng kaniyang mga mata habang patungo sa CR. “Morning,” she greeted back then yawn. I smiled saka bumaba na sa kusina. Nadaanan ko ang kambal sa sala na muling nag-aagawan sa remote. “Naruto!” sigaw ni Rom. “Sofia the first nga,” ani naman ni Rem, nang tuluyan na ngang naagaw ni Rom ang remote ay tumili si Rem ng malakas kaya napangiwi ako then she cried. “Mama! Si Rom niaaway ako!” “Hay nako!” Narinig ko ang tinig
Chapter 4Weekend passed by like it never came. Kinukusot ko ang aking mga mata habang naghihikab sa gitna ng paglalakad sa hallway.Pinadaan ko ang aking palad patungo sa akin batok saka pinatunog ko ang aking leeg. Nakapikit ang aking mga mata noong ginagawa ko iyon at nang muli ko itong imulat ay agad na bumungad sa akin si Mosqueda.Halos hindi niya na makita ang dinadaanan niya dahil may dala na naman siyang box na halos kasing laki niya lamang.I sighed at nang tama na ang distansiya sa pagitan naming dalawa ay kinuha ko ang dalawang box at iniwan ko sa kaniya ang isa."Good morning."Napangiti ako nang makita ang gulat na ekspresyon ng bilog niyang mga mata. Napakurap siya ng ilang segundo, tila hindi alam ang sasabihin kaya nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Nang maramdaman kong sumusunod siya sa akin
Ramdam ko ang pasimpleng pagsulyap sa akin ng bawat estudyanteng nakakasalubong ko pagkapasok na pagkapasok ko sa school building. I’m used to it. Pero ngayong araw ay tila ba may kakaiba sa mga tingin nila. I just shrugged it off saka nagpatuloy sa paglalakad. Humikab ako saka bahagyang iniunat ang aking katawan habang patuloy sa paghakbang. Nanlabo ang mga mata ko matapos ko iyong kusutin at sa unti-unting paglinaw ng aking paningin ay lumuwag ang ngiti ko nang makita ko si Mosqueda na lumabas mula sa pintuan ng aming classroom. I stood straight and raised my arms to wave at her. “Mosque—" Hindi pa nagtatagal ang pagdantay ng kaniyang tingin sa akin ay agad niya ng iniwas iyon. Pinagpatuloy niya ang paglalakad nang hindi ako binabalingan ng tingin na para bang isa lamang ako sa mga taong nakakasalubong niya sa daan. Nalusaw ang aking ngiti saka nakakunot ang noong pin
"Do you have lights?" Napakurap ako dahil tila ba nag-iba ang Mosqueda na nasa harapan ko ngayon."You smoke?" Ang unang lumabas mula sa labi ko.Ibinaba niya ang tingin sa sigarilyong hawak niya saka muling tumingin sa akin."I guess?" hindi siguradong aniya.“At paano mo naman naipasok iyan sa school?” She just smiled at me saka inilagay ang sigarilyong walang sindi sa kaniyang bibig.She looked up to the sky and her big round eyes squinted as the sun met her gaze. Natahimik kami pagkatapos noon. Kagaya niya ay tiningala ko rin ang kalangiatan at napangiti ako kung gaano kapayapa iyon.I smiled as my hair danced along with the cold wind. I shut my eyes to feel it gently brushing to my skin.
AGAD AKONG dumiretso ng tayo mula sa pagkakahilig sa pader ng aming classroom nang makita ko ang paglabas ni Mosqueda sa pintuan. Mukhang nagulat ko siya sa biglaan kong pagsulpot ngunit nginitian ko lamang siya ng malawak.It's lunch time kaya naman nagku-kumpulan ang mga tao sa hallway."Yow," bati ko sa kaniya. In-expect ko na na lalampasan niya lamang ako dahil nasanay na ako sa ugali niyang ganoon. But I was stunned when she smiled at me gently."Yow," aniya at na-freeze ang ngiti sa labi ko.She chuckled saka umiling bago pinagpatuloy ang paglalakad habang ako naman ay naiwang nakatayo sa aking puwesto, hindi makapaniwala sa nangyari.Did she just greeted back?Lumaki ang aking ngiti kasabay ng pagsipa ng saya sa aking puso. Patalon-talon pa akong sumabay sa paglalakad niya habang ang aking kamay ay nasa aking likuran."You greeted back," namamanghang wika ko.Tinaasan niya ako ng kilay, "And so?"Naglakad ako pata
From: NinangMsg: Pasensiya na ‘nak, mukhang mahuhuli ako sa appointment natin. May emergency lang kaya baka mamaya pa ako alas singko pupunta diyan. Pasensiya na talaga.I glanced over my shoulder to look at Mosqueda na nakikibasa rin sa mensaheng ipinadala ni Ninang. Napakamot ako sa ulo ko. Halos magiisang oras na kaming nakaupo sa labas ng nakasaradong Salon ni Ninang at naghihintay sa kaniya. Alas dos pa lang ng hapon at ramdam ko na rin na naiinip na si Mosqueda at pilit lang na inaaliw ang sarili sa mga taong dumadaan.Malalim akong nagbuntong hininga saka bumaling sa kanya, “May gagawin ka pa ba mamayang hapon? Gusto mo umuwi ka na muna, susunduin na lang ulit kita.”She tilted her head while looking at me pagkatapos ay umiling siya, “Hindi na, wala rin naman akong gagawin sa bahay. Saka, nandito na rin naman tayo.”Tumayo siya mu
"Do I look good?" tanong ni Mosqueda habang naglalakad kami palabas ng mall.Tumakbo pa siya sa harapan ko at naglakad nang patalikod upang makaharap sa akin.I blinked a couple times. She looks different. Mas lumiit pa ang kaniyang mukha dahil sa bago niyang gupit and I can clearly see her face now that her bangs were gone."So?" she asked again when I didn't answer.Kumibot ang aking labi upang pumorma ng isang ngiti."Yes, it suits you," ani ko at mukha namang natuwa siya sa sagot ko dahil mas lumaki pa ang ngiti sa kaniyang mga labi.She stopped walking. Akmang tatalikod na upang maglakad ng maayos nang makita ko ang isang mahaba at pinagdugtong-dugtong na pushcart na tulak-tulak ng isang empleyado sa mall. Patungo iyon sa direksyon niya at isang hakbang na lamang ay babangga iyon sa kaniya.Mabilis ang pagkilos ko. I held her arms and pulled her closer to me. Medyo napalakas nga lang dahil naramdaman kong tumama ang pisngi niya s
Andrei nudges me and I blinked. Doon na bumalik ang lahat ng ingay at tao sa paligid ko. Para bang nagising ako sa isang napakagandang panaginip."Good morning?" she greeted again at hindi ko alam pero bigla na lang akong napatayo ng diretso na para bang sundalong reporting on duty."G-good morning!" I exclaimed, stuttering.She just smiled at me pagkatapos ay inipit niya ang kaniyang buhok sa likuran ng kaniyang tenga. She excused herself then finally went to her seat.Medyo napayuko naman ako nang maramdaman ko ang bigat ng braso ni Andrei nang bigla niya akong akbayan."Kilala mo 'yon?" nanlalaki ang mga matang tanong niya. Tinignan ko lang siya at napansin ko ang pagningning ng kaniyang mga mata.I tsk-ed then removed his arm on my shoulders at iiling-iling na bumalik sa inuupuan ko. Nang makaupo ay binalik kong muli ang aking tingin kay Mosqueda. She's wearing a makeup now. Hindi naman gaanong kakapal, it was just simply right. She look
There was a time in my life when I wanted to stop the noises. I wanted the people around me to disappear... I wanted to end the worldBut then...Tumilapon ang mga papel na hawak ko sa sahig kasabay ng pagbagsak ko sa malamig na sahig ng corridor."Sorry, Miss!" sigaw ng lalaking nakabangga sa akin pagkatapos ay kumaripas siya ng takbo.Nanlaki ang mga mata ko saka dali-daling sinikop ang mga papel na nahulog para dalhin iyon sa faculty. Ilang minuto na lang bago ang susunod na klase, hindi ako puwedeng ma-late!Pero kahit anong pagmamadali ko ay hindi ko pa rin nagawang habulin ang oras. Ang ending ay napatayo ako sa labas habang buhat ang silya at may nakatanim na sama ng loob.Tyson Guevarra. Hindi ko na kailangang magtanong-tanong para lang alamin ang pangalan niya dahil halos lahat ng estudyante dito ay kaibigan o kakilala niya. Gustong-gusto siyang makasama ng lahat sa hindi malamang dahilan.Siguro dahil sa ngiti niya? Sa personalidad niya madaling pakisamahan? Pero 'yon din an
TYSON'S POVNakasimangot ako habang tinutulak ako ni Bernard papasok sa CR ng kuwarto ko. He just barged into my house this morning at kanina pa rin siya sumisigaw na mag-bihis na daw ako dahil may date ako ngayon.Kakagising ko lang, namumula pa nga yata ang mga mata ko at wala pa rin ako sa wisyo. Nang mahimasmasan ng kaunti ay lumabas ako ng CR saka kinaltukan siya nang malakas sa ulo.He groaned habang sapo ang ulo niya."Anong problema mo?" he hissed at me habang nanlilisik ang mga mata."Sa ating dalawa, ikaw lang ang may problema sa utak." Nakasimangot na humiga ulit ako sa kama ko saka nagtalukbong ng kumot.Alam na alam nilang ayaw kong makipag-date at alam din nila kung sino ang dahilan no'n. Kaya hindi ko maintindihan kung anong pumasok sa utak nitong gunggong na 'to at nag-set up ng date para sa akin."Ty! Bumangon ka na diyan! Nakakahiya sa anak ng pinsan ng kapatid sa Ina ng boss ko." Hinihila niya ang kumot na nakatalukbong sa akin habang sinasabi iyon.I hissed saka in
Tyson's POV9 years later Malalim akong nagbuntong-hininga saka niyakap ang sarili nang daanan ako ng malamig na hangin. The sky is clear blue na mayroon iilang ulap na para bang mga bulak sa kalangitan. Bumaba ang aking tingin sa mga estudyanteng naglalakad papasok ng eskuwelahan. Isang lihim na ngiti ang pumorma sa aking labi. I could still remember it all so clearly... "Ty." Napakurap ako nang marinig ko ang pamilyar na tinig na 'yon. I turn my head and saw Jenny approaching me. Alam na alam ko kung anong emosyon ang nababasa ko sa mga mata niya ngayon. There's a hint of sadness and pity in her eyes at hindi ko kayang tignan 'yon ng matagal so I avoided her gaze. Ibinalik ko ang aking tingin sa kalangitan. "Miss mo siya 'no?" panunudyo niya. Isang marahang ngiti ang ibinigay ko sa kaniya na sinundan ng mahabang katahimikan. "It's been nine years na pala, 'no?" "Magte-ten na next week," pagtatama ko. I could feel the weight of her stares pero hindi ko 'yon binigyan ng pansin
Kit's POV"K-Kirsten!" Napakurap ako nang marinig ko ang pamilyar na tinig na iyon. Tinanggal ko ang aking tingin sa baril saka inilibot ang paningin sa paligid."Guevarra?" My voice echoed in that tiny room. Nakarinig ako ng sunod-sunod na pag-ubo hindi kalayuan sa kinatatayuan ko at agad naman akong kumilos para daluhan siya. "Guevarra!""Ayos ka lang? Tinamaan ka ba? May masakit ba sa 'yo?" sunod-sunod kong tanong."M-My hands," he groaned at agad kong nakuha ang gusto niyang sabihin.Nanginginig ang mga kamay ko nang pulutin ko ang patalim na nasa tabi niya lamang saka ginamit iyon para tanggalin ang bagay na nakagapos sa kaniyang mga kamay. Naramdaman ko ang pag-init ng magkabilang sulok ng mga mata ko habang sinisipat ang katawan niya para masigurong ayos lang siya."Sorry. I'm sorry," hindi ko napigilan ang panginginig ng boses ko dahil sa guilt at sa pilit na pagpipigil ng pag-alpas ng hikbi sa aking mga labi.Hindi na siya dapat nadamay pa dito.He sat up and immediately buri
Kit's POVI've always wonder why the world is cruel to me but kind to another. Sabi nila, pantay-pantay lang naman daw tayo ng pagsubok na ibinigay ng Dios but why does it felt like He rested the whole world on my shoulder?Sinubukan ko namang lumaban. When my sister died, I chose to believe that everything happened for a reason. I held on to her gentle smile no'ng huling beses ko siyang nakitang humihinga. Naniwala ako no'ng sabihin niyang magiging ayos lang ang lahat No'ng unti-unting nasira ang pamilya namin pagkatapos no'n, pinili kong magbulaglagan. Ginusto kong takpan ang tainga ko para hindi marinig ang negatibong ingay ng mundo. I chose to look at the bright side where there are rainbows and butterflies. I chose to stay in that lively fantasy instead of opening my eyes to the cruel reality.I held on to my beliefs. Everything will be alright, they say. And so it will.When my father left us. When my mother was too broken to even take care of me and herself. When I felt so alo
Ty's POVRamdam ko ang matinding sakit sa ulo ko maging ang pamamanhid ng buong katawan ko. For some reason, I couldn't move my hands. Nakadapa ako sa malamig na semento. Halos wala akong makita dahil sa dilim ng paligid ngunit hindi nakatakas sa akin ang masangsang na amoy mula sa silid kung saan ako naroroon.I coughed a couple of times. I shifted my head and roll my body upang umayos ng higa. I found myself in a dark and unfamiliar room.Kung saan at kung paano ako nakarating dito ay hindi ko alam. My mind's still cloudy and I have no reconciliation of what happened earlier.I groan while trying my best to sit, nang magawa ko ay sumandal ako sa malamig na pader na nasa likuran ko. Dinig na dinig ko ang mabilis at marahas kong paghinga sa loob ng silid na iyon.Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at noon nanumbalik ang mga alaala sa akin.
Tyson's POVAn hour prior to the kidnapping incident."Nandito ka na naman?" Napansin ko ang paglukot ng mukha ni Jenny nang makita ako pagkabukas niya ng front door.Hindi na lang ako nagsalita. These passed few days, she's been really grumpy towards me. Ang yabang, Parang hindi ako naging crush.Iniling ko ang ulo ko habang pinipigilan ang pagngiti upang tanggalin iyon sa isip ko. Kapag sinabi ko iyon sa pagmumukha niya, mamamatay ako hindi ko pa man ako nakakatapos ng isang buong sentence."May kasama ako," sabi ko na lang. Humakbang ako sa gilid ko para ipakita si Bernard na nakasalubong ko lang habang papunta ako dito.Jenny tsk-ed before rolling her eyes. Tahimik niya kaming tinalikuran at agad naman kaming pumasok sa loob."Nandiyan na naman ba si Ty?" Rinig kong tanong ni Tita Gemma, Nanay ni Jenny, mula sa kusina."Ano pa nga ba?" Jenny answered na para bang iyon na ang sagot sa tanong nito."Good m
KIRSTEN'S POVWhen something wrong happens, it could get worse. Pero sa lahat ng mga kamalasan na nangyari sa buhay ko, hindi ko na alam kung dapat pa ba akong matakot sa sitwasyon ko ngayon.My mind's still in daze until now. Ang alam ko ay kasama ko si Guevarra. Saglit siyang lumabas para bumili ng snacks na ngangatain namin habang nanunuod ng movie kasama sina Jenny at Bernard.But somehow, I end up in this abandoned building. My hands and feet are tied tight and in front of me is a monster...I'm catching my breath while staring at the eyes of that same nightmare that kept on hunting me every night. He's staring back at me with a mocking smile on his face. He has changed, nangayayat ito at mayroon ring mahabang pilat ang lumalandas mula sa itaas ng kaniyang sentido hanggang sa pisngi nito."You're still
KIRSTEN'S POVNahigit ko ang aking hininga nang marinig ko ang sinabi niya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin malaman ang gagawin o iisipin ko. He's coming for me, I am certain that he will.Kailan ba matatapos lahat ng 'to?Tinakip ang aking mga palad sa aking mukha saka tahimik na umiyak. Narinig ko ang pagbukas ng pinto ngunit man lamang ako nagabalang iangat ang tingin ko upang tignan kung sino iyon.Naramdaman ko ang paggalaw ng taong iyon pagkatapos ay ang pagyapos ng dalawang mainit na palad sa pulsuhan ko. Unti-unti kong ibinaba ang mga kamay ko then I stare at his eyes while tears are threatening to fall from my eyes."Are you scared?" My lips quiver and I couldn't make myself talk to answer Guevarra's question.Am I scared? No, I feel more than that. I am petrified.He smiled at me. Iyong ngiting nakakapagpagaan sa pakiramdam ko. It is gentle and genuine, telling me that everything would be fine. That I have nothing to be s