Ramdam ko ang pasimpleng pagsulyap sa akin ng bawat estudyanteng nakakasalubong ko pagkapasok na pagkapasok ko sa school building. I’m used to it. Pero ngayong araw ay tila ba may kakaiba sa mga tingin nila.
I just shrugged it off saka nagpatuloy sa paglalakad. Humikab ako saka bahagyang iniunat ang aking katawan habang patuloy sa paghakbang.
Nanlabo ang mga mata ko matapos ko iyong kusutin at sa unti-unting paglinaw ng aking paningin ay lumuwag ang ngiti ko nang makita ko si Mosqueda na lumabas mula sa pintuan ng aming classroom.
I stood straight and raised my arms to wave at her.
“Mosque—" Hindi pa nagtatagal ang pagdantay ng kaniyang tingin sa akin ay agad niya ng iniwas iyon. Pinagpatuloy niya ang paglalakad nang hindi ako binabalingan ng tingin na para bang isa lamang ako sa mga taong nakakasalubong niya sa daan.
Nalusaw ang aking ngiti saka nakakunot ang noong pinanuod siya na ngayon ay paliit na nang paliit sa aking paningin. Bakit na naman?
Napakamot ako sa batok. Feeling ko, everytime na nagkikita kami ay bumabalik sa zero ang lahat. I just sighed saka tuluyan ng tumapak sa loob ng classroom.
Hindi nakatakas sa paningin ko ang halos sabay-sabay na pagbaling sa akin ng mga kaklase ko pagkapasok ko sa loob. Pasimpleng tumaas ang kilay ko habang inilalapag ang bag sa aking upuan.
Lumapit ako kung nasaan si Andrei at iba pa naming tropa na naguusap-usap sa dulo ng silid, hindi kalayuan sa may basurahan. We did our secret handshake bago ako lumapit kay Andrei. Inakbayan ko siya saka umupo sa desk ng arm chair na kinauupuan niya.
"What's up?" I asked while smiling widely.
They all turned to me na para bang may mali akong ginawa kaya napamaang ako.
"Bakit?"
They groaned. Muntik na akong mahulog nang biglang tumayo si Andrei saka ikinulong ang leeg ko sa pagitan ng mga braso niya.
"What's up? What's up with you? Ni hindi mo sinabi sa aming may shota ka na pala. Akala ko ba magkaibigan tayo? Paano na ang halos sampung taon nating pagsasama? Sabay pa tayong maligo no'n natatandaan mo ba? Ta's--"
Kumawala ako sa pagkakakulong niya sa akin. I pushed him against the wall saka itinakip ang kamay ko sa bunganga niya.
"Tahimik," saad ko.
Itinagilid ko ang aking ulo at doon ay nakita ko si Mosqueda na kakapasok lang sa classroom. She was just standing there and staring at me, holding a sandwich while raising her brow towards us.
That's when I realized kung gaano ka-weird ang posisyon namin ni Andrei ngayon. I am pinning him on the wall, ang palad ko ay nakatakip sa labi niya at halos ilang inch na lang ang pagitan ng mga mukha namin.
Agad akong lumayo. Binigyan ko ng masamang tingin ang mga barkada namin na pinipigilan ang sariling tumawa.
I hissed at Andrei saka siya binatukan na sinagot niya lang ng pagtawa. Nang muli akong bumaling kay Mosqueda ay papalapit na siya sa kaniyang upuan.
I was about to approach her when our first subject teacher came. Kaya bumalik na lang ako sa seat ko pagkatapos muling batukan si Andrei sa huling pagkakataon.
Itinuon ko ang buong atensyon sa klase pero sa pagtunog ng school bell ay agad kong sinikop ang mga kagamitan ko sa loob ng aking bag. Ni hindi ko na inayos ang pagkakalagay sa mga iyon dahil alam kong tatakasan na naman ako ni Mosqueda kapag hindi ako nagmadali.
Lihim akong napangiti nang sulyapan ko siya sa kaniyang puwesto at nakita kong hindi pa siya nakakaalis. I stood at the back of the classroom, patiently waiting for her.
My smile grew wider nang magkasalubong ang aming tingin. I waved at her. Her cold eyes did not change despite my bright smile then she smoothly avoided my gaze na para bang isa lamang akong estranghero sa daan na nakasalubong niya ng tingin.
She started walking. Dalawa ang pintuan sa aming classroom, isa sa likuran at isa sa harapan. Usually sa likuran siya nadaan, kung nasaan ako ngayon dahil iyon ang pinakamalapit sa seat niya. Kaya naman nang tahakin niya ang daan patungo sa harapan ay alam ko na na iniiwasan niya ako.
"Mosqueda!" Malalaki ang mga hakbang ko para maabutan ko siya saka ko hinigit ang kaniyang braso.
Napaigtad siya na tila ba gulat dahil sa biglaan kong ginawa. Her big round eyes bore on me then she looked around, tila ba natatakot na may makakita sa amin.
That's when I noticed the unusual stare na ibinabato sa amin ng mga kaklaseng natira sa classroom kasama namin. I even caught someone whispering on her friends ear habang nakatingin sa amin na para bang kami ang sentro ng kanilang usapan.
Bumalik ang aking tingin sa kaniya nang maramdaman ko ang marahan niyang pagtanggal sa kamay kong nakahawak sa kaniyang braso. I let my hand slipped and when she's done, she walked out without a second glance.
Sarkastiko akong napangiti nang maiwan sa gitna ng classroom saka muling inikot ang paningin sa paligid.
"What?" Bakas ang iritasyon sa tinig ko noong sabihin ko iyon. Agad naman nilang iniwas ang tingin sa akin at kunwaring inabala ang sarili.
I'm irritated. I don't know why, siguro dahil ayaw ko sa tinging ibinibigay niya sa akin ngayon?
I went after Mosqueda. Hindi rin naman kalayuan ang narating niya kaya agad ko siyang namataan.
"Ty--" Hindi ko pinansin sila Bernard at Jenny na nakasalubong ko sa hallway at nilampasan lamang sila.
Ang mga mata ko ay nakadikit kay Mosqueda. I walked faster and she did too.
"Mosqueda!" My voice echoed in the hallway dahilan upang makuha ko ang atensyon ng mga tao.
I may look like a stupid stalker right now pero pakiramdam ko kasi, kapag hinayaan ko siyang ganito ay baka hindi niya na talaga ako bigyan ng pagkakataong makalapit sa kaniya.
Her doors are shut tightly, may double lock pa nga. I think I finally managed to get my foot in at kapag hinayaan ko siyang muling isara iyon ay hindi na talaga ako makakapasok.
So no, I won't go home hanggang sa malaman ko kung anong problema niya.
"Mosqueda!" Halos takbuhin ko na ang pagitan naming dalawa at ganoon din ang ginawa niya.
Narating na namin ang dulo kung nasaan ang hagdan patungo sa rooftop. Walang masyadong nagpupunta rito dahil maliban sa walang ilaw, ang rooftop ay ginagawa ring tambakan ng mga sirang silya at desk.
I hissed then ran faster hanggang sa mahigit ko ang pulsuhan niya. She turned to me, ang kamay niyang hawak ko ay nakataas while she stared at me.
I know now why I hate those eyes. Her eyes are so cold, this is how she looks at the people around us. This is how she looks the first time our eyes met.
Hindi ko namalayang napahigpit na pala ang hawak ko sa kaniyang kamay. She winced and I felt guilty kaya agad ko siyang binitiwan.
"I-I'm sorry," I apologized.
She didn't answer. Ibinaba ko ang tingin sa kamay niya at nakita kong pinaglalaruan niya ang itim na wrist band na suot-suot niya.
"I--"
"Ano bang gusto mo?" diretsahan niyang tanong sa akin matapos putulin ang sasabihin ko. She licked her lips then continued, "Look, tapos na ang project, hindi ba? Let's end this here. I want to be clear, hindi ko kailangan ng kaibigan. I don't want to be your friend. My life is already a mess, hindi ko na kailangan pa ng isang taong mas magpapagulo pa sa buhay ko. Kaya please. Please lang, just leave me alone."
I am just staring at her as she pleaded. She's almost pleading and I don't know what to say.
Umawang ang mga labi ko pero muli ko rin namang itinikom iyon nang walang lumbas na salita mula rito.
I stared at her chocolate brown eyes. Her walls are too high na hindi ko masilip ni isa mang emosyon sa mga iyon. I swallowed the lump on my throat. Para akong tuod doon na nakatingin lamang sa kaniya.
Iniangat niya ang kaniyang kamay upang suklayin ang kaniyang buhok gamit ang kaniyang mga daliri then she sighed. Napansin niya sigurong wala na akong masabi kaya humakbang na siya palayo sa akin.
Noon ko muling nahanap ang boses ko.
"Is this because of the rumors? Gusto mo bang linisin ko ang pangalan mo?" I can't recognize my voice. Para bang hirap na hirap ako nang sabihin ko iyon.
I can't just let her slip away from me. No way.
"Isa iyon sa mga rason pero may iba pa akong dahilan," humarap siya sa akin saka ako nginitian. "You are a good person, Guevarra. Iyon ang dahilan."
Kumunot ang noo ko. "What do you mean?"
Malungkot siyang ngumiti sa akin saka pinagpatuloy niya na ang paglalakad. Muli akong naiwan doon, gulong-gulo na naman dahil sa panibagong misteryo na iniwan niya.
MALALIM akong nagbuntong hininga habang nakakunot ang noo at malayo ang tingin sa bintana ng bus.
I'm a good person, iyon ang dahilan kung bakit ayaw niyang lumapit ako sa kaniya. Bakit? Does she like bad boys? Iyon ba ang mga type niya kaya ayaw niya sa akin?
Hindi ko maintindihan.
I hissed saka ginulo ang buhok ko dahil sa iritasyon then I sighed again. Ipinikit ko ang mga mata ko saka isinandal ang ulo sa upuan.
Iyon lang ang laman ng isip ko hanggang sa makarating ako sa bahay.
"Si Mama?" tanong ko agad kay Francine, iyong kapatid kong sumunod sa akin. Mula sa libro ay sandali niyang inangat ang tingin sa akin.
"Nasa kusina." I just nodded habang niluluwagan ang necktie ko pagkatapos kong tanggalin ang aking sapatos.
I went to my room then throw myself on the bed. I sighed on relief when I felt the soft mattress against my back pagkatapos ay tumitig ako sa kisame.
Tinagilid ko ang ulo ko saka iniunat ang aking kamay para abutin ang itim na notebook na nasa itaas lamang ng bedside table ko.
Binuklat ko ito kahit na alam na alam ko na kung ano ang mga nakasulat dito. Alam kong dapat ko na itong ibalik pero hindi ko magawa.
"My life is already a mess, hindi ko na kailangan pa ng isang taong mas magpapagulo pa sa buhay ko."
Muling pumasok iyon sa utak ko habang nakatingin ako sa scribbles na siya mismo ang may gawa.
How messed up are you? Ganito ba kagulo kagaya ng mga nakasulat sa bawat pahina ng notebook na ito?
Isinara ko ang notebook saka inilagay iyon sa ibabaw ng dibdib ko.
Thinking about her is exhausting pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. She asked me to stop but I think she's too late because I am already drawn to her. And I am not planning to stop.
I won't. Kahit magmakaawa pa siya.
I shut my eyes after that and before I knew it, I drifted off to sleep.
Sa mga sumunod na araw ay sinunod ko ang gusto niyang gawin. Hindi ko na siya ginugulo o kinakausap man lang. The rumors about us is finally subsiding at bumalik na sa dati ang buhay namin.She may think that I already gave up but she's wrong. Umiisip lang ako ng paraan kung paano ko sisirain ang pader na itinayo niya. If she won't open the door for me, then I will break it. Just like a thief.
I smiled at that thought saka pasimpleng sumulyap sa gawi niya pero parehas lang kaming nagulat nang magkasalubong ang mga tingin namin.
Her eyes are wide while staring at me for a second pagkatapos ay marahas niyang binawi ang kaniyang tingin. Iniyuko niya ang ulo niya saka nagsulat sa notebook habang ako naman ay palihim na ngumiti.
When lunch came, she immediately disappered from her seat na ipinagkibit balikat ko na lang. Kagaya ng dati ay sinundo ako nina Bernard sa classroom. Tumambay kami sa court saka pinanuod ang mga gunggong na naglalaro sa gitna.
Umiinom ako ng tubig nang biglang umupo si Jenny sa tabi ko. I glanced at her, ang tingin niya ay nasa mga naglalaro.
"I'm not gonna lie. I'm glad na hindi totoo iyong tungkol sa inyo ni Kit," aniya matapos ang ilang segundong pagitan katahimikan.
"Great," tinatamad na wika ko saka tumayo at akmang aalis na.
"Gusto kita." I froze saka muli siyang binalingan. "Hindi bilang kaibigan," she added bluntly.
Kumurap ako then I sighed. Pinag-iisipang mabuti kung anong sasabihin. I've known her since I can't remember and I also knew about her feelings to me pero ngayong sinabi niya na ng harapan ay hirap akong kumapa ng mga salitang isasagot sa kaniya.
I need to be careful with my words because I know that it could hurt her.
"I--"
"Hindi ko kailangan ng sagot mo," she said then smiled at me. "Hindi naman ako humihingi ng sagot. I know how you truly feel. I just want it to get off my chest."
She sighed then stood up. Tipid siyang ngumiti saka ako tinapik sa braso pagkatapos noon ay nilampasan niya na ako.
Na-blangko ang utak ko pagkatapos noon. Hindi ko alam kung ano ang susunod na mangyayari but I am hoping that we're still the same after this.
Ibang klase. She made me forget about Mosqueda.
Humarap ako sa aking likuran para sana bumalik na sa classroom pero nakita ko si Bernard doon.
I was about to explain myself when someone shouted na siyang kumuha sa atensyon namin.
"MAY NAG-AAWAY SA CANTEEN!"
Agad silang tumigil sa paglalaro saka mabilis na naglakad patungo sa canteen. Usually, wala akong paki sa mga ganito pero hindi ko alam kung bakit natagpuan ko ang sarili kong naglalakad kasabay nila.
"Anong nangyari?" kalabit ni Matthew sa babaeng nasa harapan niya.
Hindi namin makita ang buong pangyayari dahil sa mga estudyanteng nagkakatipon-tipon sa harapan.
"May away daw."
"Oo nga, kaya nga kami pumunta dito," he sarcastically replied. Binatukan ko siya saka mapagpaumanhing nginitian ang babae.
"Si Kat daw saka si Mosqueda!" Agad na nanlaki ang mga mata ko nang marinig iyon mula sa kararating lang na si Andrei.
"Si Mosqueda? Iyong kaklase natin?" Kumabog ng malakas ang puso ko dahil doon.
"Oo yata. Hindi ko makita e, nagtanong lang ako do--" Hindi ko siya pinatapos. "Hoy! Saan ka pupunta?"
Agad kong sinisid ang dagat ng mga taong nasa harapan ko makita lang ang pinapanuod nila at agad na uminit ang ulo ko dahil sa nakita ng aking mga mata.
I saw Mosqueda standing in front of Kat and her friends. May puting liquid na tumutulo mula sa ulo-han niya na sa tingin ko ay gatas. Basa din ang balikat na parte ng uniform niya dahil rito.
Kat is talking at her habang nakahalukipkip habang siya ay matalim ang pagkakatingin rito. Hindi ko marinig ang sinasabi nito dahil masyado silang malayo sa akin.
From Kat, Mosqueda's eyes suddenly found me and it was still cold pero hindi nakalagpas sa akin ang sandaling pagdaan ng iritasyon mula sa mga ito.
Dinuro ni Kat ang noo niya and that is my last straw. Madilim ang mukha ko nang maglakad ako patungo sa kanila saka hinigit ang braso ni Mosqueda papalapit sa akin.
Mukhang nagulat si Kat sa biglaang pagsulpot ko at napaatras siya ng isang hakbang mula sa amin.
"Ty!" she exclaimed. Lumikot ang kaniyang mga mata, tila ba naguguluhan at hindi malaman ang sasabihin. "I-I was just--"
I looked at her coldly. Ibinaba niya ang nakahalukipkip niyang mga kamay.
"It's not what you think. I was actually--"
"Apologize to her," mapanganib kong saad.
"Alright. I-I apologize," she said habang nasa sapatos ang tingin.
Mosqueda snorted then she rolled her eyes.
"S-see that!" Kat exclaimed saka tinuro si Mosqueda. "Hindi naman talaga kami ang nagsimula. She was the one who's spreading false rumors about you. She said that you two are dating kahit na hindi naman!"
Ngumisi si Mosqueda na para bang may nakakatawa itong sinabi.
"Sumasabay siya sa kasikatan mo!"
Mas lalong lumawak ang kaniyang ngisi at tinignan si Kat na para bang isang malaking joke ang buong pagkatao nito. She's not speaking but her eyes are telling all the things that she wanted to say.
"She's not like that," kalmado kong saad.
"Paano mo nasabi? Hindi mo pa naman siya lubusang kilala," aniya na para bang iiyak na.
"She's not the one who spread that rumors," malakas ang pagkakasabi ko no'n para marinig rin ng ibang tao. "And we are also not dating but..."
Muli kong ibinalik ang tingin kay Mosqueda. I swallowed the lump on my throat when our eyes met again.
"I want to know her." May naramdaman akong pagbara sa aking lalamunan nang sabihin ko iyon pagkatapos ay ang pagbalot ng init sa aking pisngi.
Nabalot ng bulong-bulungan ang paligid. Mula sa kaniyang siko ay dumulas ang kamay ko pababa sa kaniyang pulsuhan.
I cleared my throat saka umiwas ng tingin sa kaniya upang itago ang namumula kong mukha.
"Now, if you'll excuse us," dagdag ko pa saka hinigit siya paalis sa eksenang iyon.
The students made a way for us hanggang sa makalabas kami ng canteen. Tahimik kaming dalawa habang patuloy ako sa paglalakad. Hindi ko alam kung saan ang tungo namin basta nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa marating namin ang rooftop.
I let go of her wrist pero hindi pa rin ako humaharap sa kaniya.
That was cringy and embarassing! Why did I say that? Parang gusto ko na lang iuntog ang ulo ko sa pader at kalimutan ang lahat. What the hell just happened?
Humugot ako ng isang malalim na hininga saka hinilamos ang aking palad sa mukha ko.
I bet she's laughing at me right now, Shit!
I leaned on the balustrade and watched the students below us. Umaasang mapapawi ng malamig na simoy ng hangin ang pamumula ng tenga ko dahil sa kahihiyan.
I won't do that again. I swear.
Minute passed and I finally managed to calm myself down. Humugot ako ng isang malalim na hininga saka siya hinarap pero natigilan ako sa nakita.
Mosqueda is sitting on a broken chair with a smoke in between her middle and index finger.
"Shit! Nakalimutan ko 'yong lighter," rinig kong bulong niya sa sarili pagkatapos ay inangat ang tingin niya sa akin. "Do you have a lights?" she asked and again, I was shocked.
"Do you have lights?" Napakurap ako dahil tila ba nag-iba ang Mosqueda na nasa harapan ko ngayon."You smoke?" Ang unang lumabas mula sa labi ko.Ibinaba niya ang tingin sa sigarilyong hawak niya saka muling tumingin sa akin."I guess?" hindi siguradong aniya.“At paano mo naman naipasok iyan sa school?” She just smiled at me saka inilagay ang sigarilyong walang sindi sa kaniyang bibig.She looked up to the sky and her big round eyes squinted as the sun met her gaze. Natahimik kami pagkatapos noon. Kagaya niya ay tiningala ko rin ang kalangiatan at napangiti ako kung gaano kapayapa iyon.I smiled as my hair danced along with the cold wind. I shut my eyes to feel it gently brushing to my skin.
AGAD AKONG dumiretso ng tayo mula sa pagkakahilig sa pader ng aming classroom nang makita ko ang paglabas ni Mosqueda sa pintuan. Mukhang nagulat ko siya sa biglaan kong pagsulpot ngunit nginitian ko lamang siya ng malawak.It's lunch time kaya naman nagku-kumpulan ang mga tao sa hallway."Yow," bati ko sa kaniya. In-expect ko na na lalampasan niya lamang ako dahil nasanay na ako sa ugali niyang ganoon. But I was stunned when she smiled at me gently."Yow," aniya at na-freeze ang ngiti sa labi ko.She chuckled saka umiling bago pinagpatuloy ang paglalakad habang ako naman ay naiwang nakatayo sa aking puwesto, hindi makapaniwala sa nangyari.Did she just greeted back?Lumaki ang aking ngiti kasabay ng pagsipa ng saya sa aking puso. Patalon-talon pa akong sumabay sa paglalakad niya habang ang aking kamay ay nasa aking likuran."You greeted back," namamanghang wika ko.Tinaasan niya ako ng kilay, "And so?"Naglakad ako pata
From: NinangMsg: Pasensiya na ‘nak, mukhang mahuhuli ako sa appointment natin. May emergency lang kaya baka mamaya pa ako alas singko pupunta diyan. Pasensiya na talaga.I glanced over my shoulder to look at Mosqueda na nakikibasa rin sa mensaheng ipinadala ni Ninang. Napakamot ako sa ulo ko. Halos magiisang oras na kaming nakaupo sa labas ng nakasaradong Salon ni Ninang at naghihintay sa kaniya. Alas dos pa lang ng hapon at ramdam ko na rin na naiinip na si Mosqueda at pilit lang na inaaliw ang sarili sa mga taong dumadaan.Malalim akong nagbuntong hininga saka bumaling sa kanya, “May gagawin ka pa ba mamayang hapon? Gusto mo umuwi ka na muna, susunduin na lang ulit kita.”She tilted her head while looking at me pagkatapos ay umiling siya, “Hindi na, wala rin naman akong gagawin sa bahay. Saka, nandito na rin naman tayo.”Tumayo siya mu
"Do I look good?" tanong ni Mosqueda habang naglalakad kami palabas ng mall.Tumakbo pa siya sa harapan ko at naglakad nang patalikod upang makaharap sa akin.I blinked a couple times. She looks different. Mas lumiit pa ang kaniyang mukha dahil sa bago niyang gupit and I can clearly see her face now that her bangs were gone."So?" she asked again when I didn't answer.Kumibot ang aking labi upang pumorma ng isang ngiti."Yes, it suits you," ani ko at mukha namang natuwa siya sa sagot ko dahil mas lumaki pa ang ngiti sa kaniyang mga labi.She stopped walking. Akmang tatalikod na upang maglakad ng maayos nang makita ko ang isang mahaba at pinagdugtong-dugtong na pushcart na tulak-tulak ng isang empleyado sa mall. Patungo iyon sa direksyon niya at isang hakbang na lamang ay babangga iyon sa kaniya.Mabilis ang pagkilos ko. I held her arms and pulled her closer to me. Medyo napalakas nga lang dahil naramdaman kong tumama ang pisngi niya s
Andrei nudges me and I blinked. Doon na bumalik ang lahat ng ingay at tao sa paligid ko. Para bang nagising ako sa isang napakagandang panaginip."Good morning?" she greeted again at hindi ko alam pero bigla na lang akong napatayo ng diretso na para bang sundalong reporting on duty."G-good morning!" I exclaimed, stuttering.She just smiled at me pagkatapos ay inipit niya ang kaniyang buhok sa likuran ng kaniyang tenga. She excused herself then finally went to her seat.Medyo napayuko naman ako nang maramdaman ko ang bigat ng braso ni Andrei nang bigla niya akong akbayan."Kilala mo 'yon?" nanlalaki ang mga matang tanong niya. Tinignan ko lang siya at napansin ko ang pagningning ng kaniyang mga mata.I tsk-ed then removed his arm on my shoulders at iiling-iling na bumalik sa inuupuan ko. Nang makaupo ay binalik kong muli ang aking tingin kay Mosqueda. She's wearing a makeup now. Hindi naman gaanong kakapal, it was just simply right. She look
Humihikab ako habang paupo sa aking puwesto. Napamaang ako nang biglang kumaripas si Andrei ng takbo palapit sa akin habang may hawak na columnar pad."Guevarra!" he shouted na tila ba wala ako sa harapan niya. "May assignment ka sa accounting?" tanong niya sa akin."Ha? May assignment?" nakakunot noong tanong ko sa kaniya."Oo pre, p-in-ost daw sa group page last week," sagot nito.Nanlaki ang mata ko, "May group page tayo sa accounting?!"Medyo napalakas ang boses ko kaya nagsitinginan sa direksyon namin ang iba naming kaklase."Gago, bakit hindi ako kasali?" usal ko saka nagmamadaling hinugot ang columnar bag at ballpen sa loob ng aking bag. "May sagot ka na?"Napakamot siya sa batok at doon pa lang ay alam ko nang wala siyang sagot kaya binatukan ko siya."Wala ka talagang kuwenta," I tsk-ed saka luminga-linga sa paligid upang maghanap ng mako-kopyahan.Sakto namang pagpasok ni Mosqueda sa classroom habang may kagat-
The way she moves is like a dream to me. How her hair was being swept along by the wind under the bright shine of the sun. The first time, she is a mystery but now she eventually became a dream that's hard to reach."Ty! Ty!" Iminulat ko ang aking mga mata kasunod ng malakas na tinig na iyon. I yawn then push myself up on my bed.Ang alam ko ay nanaginip ako. Kumunot ang noo ko saka napasapo ako sa aking ulo. Ano nga ulit iyon?"Sabi group study. Bakit natutulog ka?" ani Andrei na kumakain ng chips habang nakataas pa ang paa sa study table ko. Hinablot ko ang unan na nasa tabi ko lang saka ibinato iyon sa kaniya."Akala mo naman nag-aaral talaga," I tsk-ed then went out of the bed to join the rest of them.No use of thinking about it over and over again pero nakakadismaya lang kasi alam ko talaga na maganda ang panaginip kong iyon. Malalim akong nagbuntong hininga saka nakikain ng
"Saan ka pupunta?" tanong ko nang makasabay ako sa paglalakad niya."Uuwi na," sagot niya.Liliko na sana siya pero hinawakan ko ang wrist niya para hilain siya sa padiretsong daanan."Hoy!" asik niya. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?""Sumama ka sa akin. May mga batang nangangailangan ng paggabay mo." Nakita ko kung paano kumunot ang kaniyang noo pagkatapos kong sabihin iyon pero hindi na ako muling umimik pa.Hindi rin naman katagalan nang marating namin ang harapan ng bahay namin."Kaninong bahay 'to?" aniya habang tinitingala ang bahay namin."Sa amin."She hissed at me saka akmang aalis na muli pero hindi niya nagawa dahil hinila ko ang likuran ng kuwelyo niya."Guevarra!" nanlilisik ang mga matang asik niya. "Bitawan mo ko," may halong pagbabantang sabi niya.I just shook my head and dragged her inside the house."Ty?" Narinig ko ang boses ni Mama kasunod ay ang pagsilip ng ulo niya upang kumpirmahi
There was a time in my life when I wanted to stop the noises. I wanted the people around me to disappear... I wanted to end the worldBut then...Tumilapon ang mga papel na hawak ko sa sahig kasabay ng pagbagsak ko sa malamig na sahig ng corridor."Sorry, Miss!" sigaw ng lalaking nakabangga sa akin pagkatapos ay kumaripas siya ng takbo.Nanlaki ang mga mata ko saka dali-daling sinikop ang mga papel na nahulog para dalhin iyon sa faculty. Ilang minuto na lang bago ang susunod na klase, hindi ako puwedeng ma-late!Pero kahit anong pagmamadali ko ay hindi ko pa rin nagawang habulin ang oras. Ang ending ay napatayo ako sa labas habang buhat ang silya at may nakatanim na sama ng loob.Tyson Guevarra. Hindi ko na kailangang magtanong-tanong para lang alamin ang pangalan niya dahil halos lahat ng estudyante dito ay kaibigan o kakilala niya. Gustong-gusto siyang makasama ng lahat sa hindi malamang dahilan.Siguro dahil sa ngiti niya? Sa personalidad niya madaling pakisamahan? Pero 'yon din an
TYSON'S POVNakasimangot ako habang tinutulak ako ni Bernard papasok sa CR ng kuwarto ko. He just barged into my house this morning at kanina pa rin siya sumisigaw na mag-bihis na daw ako dahil may date ako ngayon.Kakagising ko lang, namumula pa nga yata ang mga mata ko at wala pa rin ako sa wisyo. Nang mahimasmasan ng kaunti ay lumabas ako ng CR saka kinaltukan siya nang malakas sa ulo.He groaned habang sapo ang ulo niya."Anong problema mo?" he hissed at me habang nanlilisik ang mga mata."Sa ating dalawa, ikaw lang ang may problema sa utak." Nakasimangot na humiga ulit ako sa kama ko saka nagtalukbong ng kumot.Alam na alam nilang ayaw kong makipag-date at alam din nila kung sino ang dahilan no'n. Kaya hindi ko maintindihan kung anong pumasok sa utak nitong gunggong na 'to at nag-set up ng date para sa akin."Ty! Bumangon ka na diyan! Nakakahiya sa anak ng pinsan ng kapatid sa Ina ng boss ko." Hinihila niya ang kumot na nakatalukbong sa akin habang sinasabi iyon.I hissed saka in
Tyson's POV9 years later Malalim akong nagbuntong-hininga saka niyakap ang sarili nang daanan ako ng malamig na hangin. The sky is clear blue na mayroon iilang ulap na para bang mga bulak sa kalangitan. Bumaba ang aking tingin sa mga estudyanteng naglalakad papasok ng eskuwelahan. Isang lihim na ngiti ang pumorma sa aking labi. I could still remember it all so clearly... "Ty." Napakurap ako nang marinig ko ang pamilyar na tinig na 'yon. I turn my head and saw Jenny approaching me. Alam na alam ko kung anong emosyon ang nababasa ko sa mga mata niya ngayon. There's a hint of sadness and pity in her eyes at hindi ko kayang tignan 'yon ng matagal so I avoided her gaze. Ibinalik ko ang aking tingin sa kalangitan. "Miss mo siya 'no?" panunudyo niya. Isang marahang ngiti ang ibinigay ko sa kaniya na sinundan ng mahabang katahimikan. "It's been nine years na pala, 'no?" "Magte-ten na next week," pagtatama ko. I could feel the weight of her stares pero hindi ko 'yon binigyan ng pansin
Kit's POV"K-Kirsten!" Napakurap ako nang marinig ko ang pamilyar na tinig na iyon. Tinanggal ko ang aking tingin sa baril saka inilibot ang paningin sa paligid."Guevarra?" My voice echoed in that tiny room. Nakarinig ako ng sunod-sunod na pag-ubo hindi kalayuan sa kinatatayuan ko at agad naman akong kumilos para daluhan siya. "Guevarra!""Ayos ka lang? Tinamaan ka ba? May masakit ba sa 'yo?" sunod-sunod kong tanong."M-My hands," he groaned at agad kong nakuha ang gusto niyang sabihin.Nanginginig ang mga kamay ko nang pulutin ko ang patalim na nasa tabi niya lamang saka ginamit iyon para tanggalin ang bagay na nakagapos sa kaniyang mga kamay. Naramdaman ko ang pag-init ng magkabilang sulok ng mga mata ko habang sinisipat ang katawan niya para masigurong ayos lang siya."Sorry. I'm sorry," hindi ko napigilan ang panginginig ng boses ko dahil sa guilt at sa pilit na pagpipigil ng pag-alpas ng hikbi sa aking mga labi.Hindi na siya dapat nadamay pa dito.He sat up and immediately buri
Kit's POVI've always wonder why the world is cruel to me but kind to another. Sabi nila, pantay-pantay lang naman daw tayo ng pagsubok na ibinigay ng Dios but why does it felt like He rested the whole world on my shoulder?Sinubukan ko namang lumaban. When my sister died, I chose to believe that everything happened for a reason. I held on to her gentle smile no'ng huling beses ko siyang nakitang humihinga. Naniwala ako no'ng sabihin niyang magiging ayos lang ang lahat No'ng unti-unting nasira ang pamilya namin pagkatapos no'n, pinili kong magbulaglagan. Ginusto kong takpan ang tainga ko para hindi marinig ang negatibong ingay ng mundo. I chose to look at the bright side where there are rainbows and butterflies. I chose to stay in that lively fantasy instead of opening my eyes to the cruel reality.I held on to my beliefs. Everything will be alright, they say. And so it will.When my father left us. When my mother was too broken to even take care of me and herself. When I felt so alo
Ty's POVRamdam ko ang matinding sakit sa ulo ko maging ang pamamanhid ng buong katawan ko. For some reason, I couldn't move my hands. Nakadapa ako sa malamig na semento. Halos wala akong makita dahil sa dilim ng paligid ngunit hindi nakatakas sa akin ang masangsang na amoy mula sa silid kung saan ako naroroon.I coughed a couple of times. I shifted my head and roll my body upang umayos ng higa. I found myself in a dark and unfamiliar room.Kung saan at kung paano ako nakarating dito ay hindi ko alam. My mind's still cloudy and I have no reconciliation of what happened earlier.I groan while trying my best to sit, nang magawa ko ay sumandal ako sa malamig na pader na nasa likuran ko. Dinig na dinig ko ang mabilis at marahas kong paghinga sa loob ng silid na iyon.Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at noon nanumbalik ang mga alaala sa akin.
Tyson's POVAn hour prior to the kidnapping incident."Nandito ka na naman?" Napansin ko ang paglukot ng mukha ni Jenny nang makita ako pagkabukas niya ng front door.Hindi na lang ako nagsalita. These passed few days, she's been really grumpy towards me. Ang yabang, Parang hindi ako naging crush.Iniling ko ang ulo ko habang pinipigilan ang pagngiti upang tanggalin iyon sa isip ko. Kapag sinabi ko iyon sa pagmumukha niya, mamamatay ako hindi ko pa man ako nakakatapos ng isang buong sentence."May kasama ako," sabi ko na lang. Humakbang ako sa gilid ko para ipakita si Bernard na nakasalubong ko lang habang papunta ako dito.Jenny tsk-ed before rolling her eyes. Tahimik niya kaming tinalikuran at agad naman kaming pumasok sa loob."Nandiyan na naman ba si Ty?" Rinig kong tanong ni Tita Gemma, Nanay ni Jenny, mula sa kusina."Ano pa nga ba?" Jenny answered na para bang iyon na ang sagot sa tanong nito."Good m
KIRSTEN'S POVWhen something wrong happens, it could get worse. Pero sa lahat ng mga kamalasan na nangyari sa buhay ko, hindi ko na alam kung dapat pa ba akong matakot sa sitwasyon ko ngayon.My mind's still in daze until now. Ang alam ko ay kasama ko si Guevarra. Saglit siyang lumabas para bumili ng snacks na ngangatain namin habang nanunuod ng movie kasama sina Jenny at Bernard.But somehow, I end up in this abandoned building. My hands and feet are tied tight and in front of me is a monster...I'm catching my breath while staring at the eyes of that same nightmare that kept on hunting me every night. He's staring back at me with a mocking smile on his face. He has changed, nangayayat ito at mayroon ring mahabang pilat ang lumalandas mula sa itaas ng kaniyang sentido hanggang sa pisngi nito."You're still
KIRSTEN'S POVNahigit ko ang aking hininga nang marinig ko ang sinabi niya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin malaman ang gagawin o iisipin ko. He's coming for me, I am certain that he will.Kailan ba matatapos lahat ng 'to?Tinakip ang aking mga palad sa aking mukha saka tahimik na umiyak. Narinig ko ang pagbukas ng pinto ngunit man lamang ako nagabalang iangat ang tingin ko upang tignan kung sino iyon.Naramdaman ko ang paggalaw ng taong iyon pagkatapos ay ang pagyapos ng dalawang mainit na palad sa pulsuhan ko. Unti-unti kong ibinaba ang mga kamay ko then I stare at his eyes while tears are threatening to fall from my eyes."Are you scared?" My lips quiver and I couldn't make myself talk to answer Guevarra's question.Am I scared? No, I feel more than that. I am petrified.He smiled at me. Iyong ngiting nakakapagpagaan sa pakiramdam ko. It is gentle and genuine, telling me that everything would be fine. That I have nothing to be s