Share

CHAPTER 2

CHAPTER 2

"WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO"

Kate's POV:

Sa daming tao na pwede maging customer dito sa club. Bakit siya pa?

Hindi naman sa choosy ako, pero parang gano'n na nga.

Hindi ko lang gusto ang ugali ng lalaking 'to! At lalong hindi ko nagustuhan ang tabas ng dila niya kanina.

Ang kapal ng mukha para sabihan akong Manang?! Pwess ngayon, maglaway ka! Grrrr.

"You can sit beside me, honey.", mapang-akit na turan niya sa akin na tila hindi ako nakilala.

And I just realized na ibang-iba pala ang awra ko ngayon dahil sa suot kong damit at makapal na make-up na tumatakip sa inosente kong mukha.

Then it's good to know!

At least, magagawa ko s'yang paglaruan para makaganti sa pagtawag n'yang Manang.

So 'yon, umupo ako sa tabi niya.

Hindi ko inalis ang ngiti kong nakakaakit.

"First time kong pumunta sa ganitong lugar. Buti na lang, hindi ako naturn-off sa mga babaeng nandito. And I'm glad to see you, Miss.", panimula nitong wika.

"Share mo lang?",

"--I mean, me too. Ikinagagalak kong makilala ka, Mr. David.", saad ko sa binata.

Napakagat ako ng aking labi at bahagya kong nilihis ang off-shoulder ko na suot ko.

Alam ko kasi na ito ang kahinaan ng mga lalaki.

"Shit. You look so perfect.",

"--Anong pangalan mo?", he asked me na hindi pa rin mawala ang titig niya sa collar bone ko.

"I'm Kate.", simple kong turan at mahina kong pinisil ang pisngi nito.

"But you can call me, whatever you want.", patuloy kong saad.

Pero laking gulat ko naman nang mabilis nitong kinabig ang likuran ko para mapalapit sa mukha niya.

"Hindi ko alam, pero gusto kitang makilala, Ms. Kate.", mahinang sambit niya dahilan para maamoy ko ang hininga nito.

Hininga na sobrang bango at nakakaadik na amuyin.

But NO. A big NO.

Hindi dapat ako magpadala sa mga pakurap-kurap ng mata niya.

Dapat siya ang maakit sa akin at hindi ako.

"Pwede mo naman akong kilalanin eh.",

"--I feel the same way also.", tugon ko habang nakangisi ang labi.

"Then, let's do one night stand.", agad na saad ni David kaya awtomatikong napalayo ako sa kanya.

"What? Do you have a problem with that?", kunot-noong bigkas nito na tila nagtataka siya kung bakit ganito ang naging reaksyon ko.

"I'm sorry. Pero hindi ako sanay sa ganyan.", diretsa kong sagot.

Medyo natawa naman ito, kaya tinitigan ko na rin siya.

"I don't believe you.",

"--Nagtatrabaho ka sa club, at imposible na wala kang experience pagdating sa kama.", he said.

Ewan ko ba, pero unti-unti kumulo ang aking dugo.

"Mr. David, ibahin mo ako sa mga babaeng nandito.",

"--Yes, I'm working here. But it doesn't mean na makukuha mo agad ang gusto mo.", taas-kilay kong wika.

Muli kong hinigit ang kanyang polo palapit ulit sa mukha ko.

Konting pagitan na lang, magdadampi na ang labi namin.

"And next time, kung aayain mo ako, make sure, na hindi kaliitan ang dinadala mo, MANONG.", madiin kong bigkas saka tumayo at iniwan siya.

Naging easy-to-get na ako noon sa maling lalaki, kaya natuto na ako.

At hindi ko na 'yon uulitin pa.

"Oh, anong itsura 'yan Kate? Ba't parang hindi maipinta ang bibig mo?", saad ng aming manager dito sa club.

Inis akong pumasok sa private room kaya yung atensyon ng mga babaeng nag-aayos, napunta sa akin.

"Nakakabwisit kasi yung naka-table ko Ma'am. Ayain ba naman ako na one night stand? Kaya ayon, iniwan ko.", asar kong tugon at napasapo sa noo.

"Kate naman, ang gwapo-gwapo ng ka-table mo. At higit sa lahat, mayaman pa.",

"--Tapos tinanggihan mo lang?",

"--Para mo na ring tinakwil ang grasya na lumapit sayo.", wika nito na animo'y sinesermonan ako.

"Ma'am, kailanman hindi ko ipagpapalit ang dignidad ko dahil lang sa pera.",

"--May anak ako. At ayokong isipin ng anak ko na yung kinakain niya, galing sa maling paraan.", magalang na saad ko sa Ginang.

"Hay naku, bahala ka. Sinasabihan lang kita, Kate.",

"--Dahil sa panahon ngayon, mahirap na makahanap ng pera. Pero kung 'yan ang desisyon mo, sige, hahayaan kita.", tanging turan niya, kaya medyo gumaan ang loob ko.

Bumalik na ako sa dati kong trabaho, kung saan taga-serve lang ako ng inumin sa mga customer.

Dito ko binuhos ang oras ko, para sa gano'n, hindi na uminit ang ulo ko dahil sa mokong na 'yon.

Kaso mukhang minamalas ako sa gabing ito, dahil bigla akong nakaramdam ng pagkahilo, dahilan para mahulog ko ang tray na aking dala.

"Ahm, s-sorry. H-hindi ko sinasadya.", kinakabahan na sambit ko sa grupo ng mga lalaking nag-iinuman.

Natapunan ko kasi ang isang kasamahan nila, na medyo kakaiba ang datingan.

And I think, badtrip yata ang taong ito dahil halata ko sa kanyang reaksyon ang pagkagalit.

"Hindi ako tumatanggap ng sorry.", wika nito kaya napayuko na lamang ako.

"Ah, a-ako na lang ang sasagot sa alak niyo Sir, bilang k-kabayaran.", nauutal kong saad.

Pero yung ekspresyon ng mukha niya, walang pinagbago.

"Dilaan mo.", bigkas nito at tinitigan ako sa mata.

"H-ho?",

"Sabi ko, dilaan mo. Hubarin mo ang polo ko, tapos dilaan mo ang dibdib ko hanggang sa mawala ang lagkit.", pag-uulit na sabi ng lalaki.

"P-pero--",

"Mas mahal pa sa buhay mo, ang halaga ng damit ko. Kaya kung ako sayo, dilaan mo na lang para matapos na.", wika niya na animo'y nababasa ang nasa isip ko.

Napapikit ako ng mariin bago ako lumapit sa kanya.

Akma ko na sanang bubuksan ang butones nuto, kaso may biglang pumigil sa akin na gawin 'yon.

"Wala kang karapatan na utusan ng ganyan ang babae, pare.",

"--Magkano ba ang polo mo ha?", saad nito na tila may panghahamon sa boses.

"Tsk. Sino ka ba?", turan ng binata at napatayo ito sa pagkakaupo.

"Hindi mo yata kilala ang binabangga mo. Kaya pag-isipan mo ng mabuti ang sasabihin mo.", maangas na patuloy nito sa lalaking katabi ko.

Oo, ang lalaking katabi ko ngayon, ay si David!

Kaya nagtataka ako, kung bakit niya ako nagawang tulungan.

"Alam mo, sa tingin ko, ikaw ang dapat na mag-isip.", ngising tugon ng binata.

This time, nagsitayuan na rin ang mga kasama ng taong nabuhusan ko.

Natatakot na ako dahil baka ang kasunod nito ay gulo.

Pero pang-iinsulto na tawa lamang ang ginawa ni David na tila hindi man lang nasindak.

"I guess, you need to talk to them, first.", saad nito kasabay ng paglapit ng mga lalaking nasa bar.

Halos malaglag ang panga ko nang makita ko, kung gaano karami ang back-up ni David.

Hindi na ako nakapagsalita pa dahil hinigit niya ang aking kamay palabas ng club.

"Anong bang problema mo ha?", tanong ko sa binata.

"Wala ba sa vocabulary mo ang salitang 'thank you'?", bigkas niya na tila pinaparating sa akin na magpasalamat ako.

"Sa pagkakaalala ko, walang suntukan na naganap sa loob. Kaya walang rason para pasalamatan ka.", mataray kong saad.

"You're really different.",

"--Ikaw lang yata ang hindi kumagat sa karismang dala ko.",

"Karisma? Wow, saan banda ang karisma mo? Siguro nung pinanganak ka, nabagok ang ulo mo sa inidoro.", labas sa ilong na turan ko at tinarayan siya.

Nakakawalang-gana kapag nakikita ko ang itsura niya!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status