CHAPTER 4
WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEOKate's POV:Hindi ko maintindihan ang anak ko, kagabi pa s'ya sobrang excited na tila hindi mapakali sa kama.Tuwing pumapasok ako ng club, iniiwan ko ang cellphone ko para incase na magising siya o may mangyari na masama, macontact niya ako.Kaya ganon na lamang ang pagtataka ko, nang hiramin niya ulit 'to sa akin dahil sabi niya, may bisita daw s'yang darating.Nagawa niya na ring maglinis ng bahay kahit na sobrang tamad siya pagdating sa ganito.At ang nakakaloka, inutusan ba naman ako na bumili sa palengke para masarap ang uulamin namin.Hindi ko alam kung ano ang nakain ng batang 'yon, pero dahil mahal ko siya, agad ko s'yang sinunod.At oo, nandito pa rin ako ngayon sa katapat ng karne.Bumili ako ng isang kilo, baka sakaling nagsasabi ng totoo ang anak ko.Malay natin diba? Baka kaklase niya ang pumunta sa bahay. Ayaw ko naman mapahiya si Michael.Marami akong pagkukulang sa kanya, kaya kung ano ang request nito, binibili ko.And here I am, malapit na akong makabalik sa amin.Halos pawis na pawis ako dahil wala akong dalang payong. Isama mo pa na hindi pa ako nakasuklay ng buhok.Yeah, parang boyish ako kapag walang trabaho.Ewan ko ba, pero mas komportable ako kapag maluluwag ang suot ko.Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa bahay, nang marinig ko ang boses ng aking anak na tila may kausap sa loob."Bakit ganyan ang titig mo?","--Hindi ka pa rin ba naniniwala na mama ko si Kate?", bigkas nito na hindi man lang ginalang ang kausap.Ang Michael na 'to, napapadalas yata ang pagiging maangas niya sa iba."I just can't imagine that a girl like your mom, have a son like you.","--Masyadong malayo at hindi ako makapaniwala. Mangkukulam sa umaga ang itsura ng mama mo, pero sa gabi, dyosa.","--Yung totoo, ano bang lahi ang meron kayo?", wika ng lalaki na tila pamilyar sa pandinig ko."--Kung alam ko lang na si Manang ang ka-table ko, edi sana, hindi na ako nag-aksaya ng oras na tawagan siya.", pagpapatuloy ng binata.M-manang?From the word, Manang?Shit!Mabilis akong kumaripas ng takbo para makapasok sa maliit naming bahay.At halos mandilim ang paningin ko nang makompirma kong si David pala ang nandito!And wait, close sila ng anak ko?Magkatabi kasi silang dalawa na daig pa ang mag-ama."Ayan na pala si mama eh.","--Mama, nandito si kuyang pogi, manliligaw mo.", ngiting wika ni Michael kasabay ng paglapit sa akin."Anong manliligaw ang--","Mama, sabi ni kuyang pogi, ang ganda mo raw.", he said again."Ako? Maganda?","--Mukhang hindi naman yata 'yan ang narinig ko, baby.", giit kong turan.Pati anak ko, nagawang magsinungaling para pagtakpan ang mokong na 'to."Mama, 'wag mo ng awayin si kuyang pogi.", pagpipigil nito nang akma kong susugurin ang lalaki.Nakita ko naman ang ngiti nito na tila natatawa sa naging reaksyon ko."Umalis ka na. Habang natitimpi ko pa ang sarili ko.", pagbabanta ko sa binata.Pero nanatili s'yang nakaupo na animo'y walang balak na sundin ako."Pamamahay ko 'to, kaya pwede kitang kasuhan ng trespassing sa ginawa mo.", wika ko ulit habang nakatitig sa mata niya."Mama naman eh. Bisita ko siya.","--Ako ang nagpapunta sa kanya rito.","--Kaya pwede po ba, pagbigyan niyo na ako.", turan nito."B-but Michael.","--Kinausap ko na si kuyang pogi. At pumayag siya na kahit ngayong araw, maging tatay ko siya.","--Gusto ko ring maramdaman na may tatay ako, mama.", malungkot na saad ng bata.Medyo lumambot tuloy ang puso ko nang masilayan ko na muntik na siyang maluha.Kaya huminga ako ng malalim at lumuhod para maging kapantay si Michael."O-okay. Papayag na si mama. Pero ngayon lang ha?", bigkas ko dahilan para matuwa ito at yakapin ako.Bahala na, kung ano ang mangyari!Ang mahalaga, mapasaya ko ang anak ko.Naging plastik ako sa oras na 'to at nag-aktong mabait sa lalaki.Alang-ala kay Michael, I will do my best just to make him comfortable.Hindi ko naman siya masisisi dahil simula sanggol, wala na ang papa niya.Iniwan ako ng pesteng 'yon, nung nalaman nitong buntis ako.Gano'n talaga, may mga lalaki na magaling kumama, pero kapag naging ama, tatakbuhan ka na lang na parang bula.___"Mama, dalian mo na ang pagluluto ha? Gutom na yata si papa.", sigaw ng bata sa akin.Nasa kusina ako ngayon at nagluluto ng adobo, habang sila ay naglalaro sa sahig.Baril-barilan ang nilalaro nila, kaya masyadong nababalot ng ingay at sigawan ang bahay.Napapailing na lamang ako sa tuwing nakikita ko, kung paano umaksyon si David para lang pakisamahan ang anak ko.I know na napipilitan lang siya, but infairness, napapasaya niya si Michael.Makikita ko sa mata nito ang umaapaw na kaligayahan."Kainan na! Time out na muna ang laro!", bigkas ko habang kinakalampag ko ang takip ng kaldero at malaking kutsara.Napatingin sila sa aking gawi, kasabay no'n, tumayo na ang dalawa."Come to daddy, son. Bubuhatin kita.", saad ni David na kaagad sumakay sa likuran ng binata.They look cute together.Para silang mag-ama."H'wag mo ako masyadong titigan, baka mainlove ka, Manang.", bulong ni David sa tenga ko nang ibaba niya ang bata.Gusto ko sanang sapakin ang lalaki, kaso nandito si Michael.Kaya napatiim na lamang ako ng panga para pigilan ang sarili."Papa, dito ka po, umupo. Tabi kayo ni mama.", saad nito at hinihigit ang damit ng binata.Nakakainis!Bakit ba kasi napunta ang taong 'to sa lugar namin?Tsk."Honey, tatayo ka lang ba d'yan? Let's now eat.", ngising baling ni David.Nakatayo pa rin kasi ako at tila walang balak na sumabay sa kanila."Oo nga mama, umupo ka na rin. Wag mong pahintayin ang pagkain.", saad ni Michael dahilan para umupo na ako sa aking pwesto.Nasilayan ko pa ang palihim na kindat ni David kaya awtomatikong kinilabutan ako."Alam mo mama, ang saya ko.","--Ngayon ko lang naranasan na magkaroon ng papa. Ang sarap pala kapag may papa, noh?","--Sana totoong papa ko na lang siya.", wika ng anak ko habang nginunguya ang karne."Baby, diba, bawal magsalita kapag may laman ang bibig?", turan ko sa bata para patahimikin siya.Ayoko kasing malaman ni David ang tungkol sa papa niya.Because I hate it.Naiinis ako kapag kinakaawaan ang sitwasyon namin.Kaya ayon, tahimik kaming kumakain at halos nasa kanin at ulam lamang ang atensyon naming tatlo.Kaso bigla akong natigilan nang hawakan ni David ang kamay ko.Wala sa oras ay napaharap ako sa binata at tiningnan siya.Kumabog tuloy ng mabilis ang puso ko nang unti-unti n'yang nilapit ang mukha nito sa mukha ko.I don't know why, pero kusang pumikit ang mata ko para hintayin ang labi niya na dumampi sa akin.But suddenly, I heard him laugh."Hindi kita hahalikan. Aalisin ko lang ang butil ng kanin sa pisngi mo.", saad niya dahilan para mapahiya ako."Pffft. Gusto yata ni mama ng kiss mo papa.", sambit ni Michael na tila kinikilig.Grrr."O-of course not. H-hindi ko gusto na magpa-kiss sa kanya. 'Wag ka ngang magsalita ng ganyan, bab---hmm.",He kissed me.Oo, hinalikan ako bigla ni David.Smack lang 'yon, pero ramdam ko ang lambot ng labi niya.Like shit!"Ayieeeh. Nagblush si mama.", rinig kong saad ng bata.Kaya ako na mismo ang kusang tumakbo paalis ng hapag-kainan at pumunta kaagad ng CR.Juskoo!Mukhang nasasaniban yata ang anak ko!CHAPTER 5WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEODavid's POV:Isang malakas na apir ang ginawa namin ni Michael nung magwalk-out si Kate pwesto niya.She's acting so cute. Bagay na bagay din pala sa kanya ang mag-akto na parang bata.I like the way, how she blushed because of the kiss that I did. Talagang ginusto kong halikan siya. Aminado akong na-tempt ako sa labi niya kaya humantong ito sa gano'n."Ayos ba?" tanong ko sa bata."Opo, papa. Ayos na ayos. Kinilig yata si mama," sambit nito na may okay-sign pa.Kahit na medyo Manang ang datingan ni Kate ngayon, hindi na ako naturn-off.Bagkus, mas umapaw yata ang pagiging simple niya.No make-up is better.Nagkamali lang ako sa panghuhusga sa kanya noon, dahil hindi lang ako sanay na makakita ng babae na sobrang haba ang suot.At yung halik?Ginusto ko 'yon.Ginawa ko 'yon, dahil gusto ko. Hindi para asarin siya."Nga pala Michael, nasa'n ba ang papa mo?", tanong ko sa anak ni Kate.Siguro naman, ito ang pagkakataon para malaman ko ang da
CHAPTER 6"WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO"Kate's POV:Hindi maalis sa aking isipan ang sinabing offer ni David.Matapos niya kasing sabihin 'yon, nagpaalam na siya dahil may kailangan pa raw itong asikasuhin sa kompanya.Awtomatikong nalungkot ang anak ko, kasi masyadong bitin daw ang pagkakaroon niya ng papa.Kaya heto, ako muna ako ang nakipaglaro sa bata para hindi siya magtampo."Ratatatatatattt!", pagsisigaw ko at pakunwari ko s'yang binabaril gamit ang hanger."Mama naman eh, lagi na lang ako ang patay. Dapat ikaw naman po.", pagsusumamo ng anak ko.Bahagya akong natawa at binigay sa kanya ang hanger."Oh sige, ikaw naman ang bumaril sa akin.", bigkas ko dahilan para maganahan siya.Kaagad s'yang pumwesto at talagang tinutok sa noo ko ang hanger."Isang bala ka lang! Bang!", sigaw nito kaya humiga ako at umaktong namatay.Sa kalagitnaan ng paglalaro namin, nabulabog ako nang marinig ko ang sigawan ng mga tao.Galing ito sa labas na animo'y pinagkakaguluhan ng lahat."Baby,
CHAPTER 7"WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO"Kate's POV:Nakatunganga ako ngayon sa loob ng kotse habang katabi ang aking anak.Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa katawan ni David at talagang 'yon ang sinabi niya.But I know, ginogoodtime niya lang ako.O 'di kaya'y ginawa niya 'yon para isipin ng mga tao na nagmamahalan kaming dalawa.Pero teka? Bakit ko nga ba iniisip 'yon?Hays! Ang gulo ko rin noh?!"Bakit ba kasi tinawag n'ya akong my wife? Nalilito tuloy ako.", inis kong sambit dahilan para matawa ang binatang nagmamaneho."Hindi ko sinabing tumawa ka.", mataray kong turan.But still, nanatili s'yang nakangiti.Kahit nasa likuran kami nakapwesto, nakikita ko pa rin ang awra ng mukha niya dahil sa salamin."H'wag ka ngingiti, para kang asong ulol.", bigkas ko ulit nang masilayan ko ang pasulyap niya sa akin."Mama, bakit po kayo ganyan kay papa? Gwapo kaya si papa David. Hindi ka ba na-inlove sa kanya?", sambit ni Michael na tila nahalata ang kasungitan ko sa lalaki.Minsan,
CHAPTER 8"WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO"Kate's POV:David is acting so weird right now.Talagang tinotohanan niya ang pagiging ama ni Michael.Pati tuloy mga maids niya rito, nagbubulung-bulungan tungkol sa bata.Akala tuloy nila nakabuntis ang kanilang amo.Napapailing na lamang ako sa oras na 'to, habang tinitingnan ang dalawa na nililibot ang malaking bahay."Wow! May pool!", manghang sambit ng anak ko.Wala kasi sa amin n'yan, kaya ganyan ang reaksyon ng bata.Besides, once in a year lang kami naliligo sa swimming pool dahil masyadong mahal ang entrance at kulang kami sa budget."Papa, can you teach me how to swim?", tanong nito sa binata.Abah, iba rin si Michael.Naka-apak lang sa mancion, nag-eenglish na?"Sure. Bukas. Magsi-swim tayo, kasama ang mama mo.", saad niya na binalingan ako ng tingin.Sinasama pa talaga ako sa usapan? Tsk."Yehey! Happy family na pala tayo.", masayang turan ng bata at niyakap ang lalaki.Mukhang napapalapit na ang loob nila.At makikita ko rin
CHAPTER 9"WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO"Kate's POV:Sa pagsingit ni Michael, kahit papano, nagkaroon ako ng tamang tiyempo para tulakin si David.Nahulog pa ito sa kama dahilan para mapatakbo ang bata sa binata.Wow! Concern ang anak ko, ha?"Ouch, it really hurts, honey. My back!", daing na bigkas nito habang hinihilot ang likuran."Mama, ba't mo po tinulak si papa? Pa'no kung namatay ang papa ko?", pagalit na sigaw ni Michael.Teka, parang mali na 'to.Bakit parang kasalanan ko pa?Bakit parang ako pa ang sinisisi niya?"Anak lang kita, Michael. Kaya wala kang karapatan na sigawan ako.", madiin kong sambit kasabay ng pagduro ko sa bata."Mama, stop it. Para ka pong tanga.","--Kahit anong gawin mo, hindi mo po magagaya si Nora Honor.", wika niya habang kinakamot ang batok.Oo nga noh?Hindi pala ako artista."Tsk. Alam ko. Pero hindi honor ang apelyido ni Nora. Aunor 'yon, Michael.", pagkokorekta ko na lamang at tumayo na.Nabibwisit ako!Dahil sa halip na ako ang ipagtanggol
CHAPTER 10"WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO"David's POV:It's another day.Gaya ng pinangako ko kay Michael, maliligo kami sa pool.Yung mga meeting schedule ko, pina-cancel ko muna ngayon. At siguro, bukas na lang ako papasok kasama ang panibago kong secretary na si Kate.Yes, I choose Kate, because I know she can do it. Basta malaki ang tiwala ko sa kanya.Halos lahat kasi kaya n'yang pasukan at gawin para lang sa bata.And I love it. I love the way she care to her son. Gumagaan tuloy ang loob ko sa babae.___Napatingin ako ngayon sa wall ng aking kwarto, kung saan nakasabit dito ang malaking picture ng dalagang minahal ko.Yes, my ex-girlfriend, Katrina.Kamukhang-kamukha ni Kate ang ex ko, sa tuwing nag-aayos at nagpapaganda siya.Kaya nga, nung naka-table ko siya sa club, hindi ko na siya pinakawalan pa.Naakit niya ang mata ko, at kapag nakikita ko siya, ang tibok ng puso ko, bumibilis.Siguro dahil hindi pa rin ako makamove-on kay Katrina.My woman left me because of her
Chapter 11 "WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO"Kate's POV:Maaga akong nagising ngayon. Dahil kailangan kong ipakita kay David na kaya kong gampanan ang pagiging Secretary niya sa kompanya.Ayoko naman na madisappoint siya lalo na malaki ang tiwala nito sa akin.Yung tungkol pala sa ex-girlfriend niya na kamukha ko, pinilit kong isantabi muna 'yon.It's not a big deal anymore. Kasi past na siya ng binata. At naisip ko na wala namang namamagitan sa amin ni David, kaya wala akong dapat na ipangamba o ikaselos."Goodmorning son!", masiglang bati ko nang bumaba ang aking anak.Halata mo sa mata nito na medyo antok pa siya."Oh dahan-dahan, baka mahulog ka.", pag-aalalay ko sa bata."Goodmorning po mama.", ngiting sambit niya at niyakap ako.Malambing naman talaga si Michael, 'yon nga lang, kapag bagong gising siya.Kaya sa tuwing ganito ang nangyayari, kahit papano buo na ang araw ko."Ma'am, nakahanda na po ang almusal. Tatawagin ko na si Sir para sabay-sabay na kayong kumain.", saad
Chapter 12"WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO"Kate's POV:"This is your first day being my secretary, Kate. So be confident. H'wag kang kabahan.", bulong ni David nang makarating kami sa kompanya.Yes, pumayag ako na mag-stay sa tabi niya.At matapos naming mag-usap at kumain ng almusal, dito agad kami tumungo.Tanging si Michael at ang mga maids niya ang naiwan sa mancion.Sa tingin ko naman, hindi maboboring ang anak ko dahil maraming laruan ang pinabili ng binata para sa kanya."S-sigurado ka bang ayos na ang suot ko? Baka, m-mukhang Manang ako sa uniform na 'to.", bigkas ko rito.Pero bahagya s'yang tumawa at hinalikan ako sa pisngi."Hindi ka na Manang. Actually, that uniform really fits on you. At ikaw ang pinaka-sexy sa mga babaeng nandito.", he whispered again.That words, make me smile. Kahit simpleng komplimento, ang sarap pakinggan."Okay, thank you. Sabi mo eh.", tanging tugon ko at taas-noo akong naglakad kasama siya.Pinagtitinginan kami ng mga tao sa loob ng kompanya
EPILOGUE KATE's POV:TODAY is our wedding day.Annulled na ang kasal nila David at Katrina, kaya tinuloy na ulit namin ang kasal na pinangarap naming dalawa.Ang daming nangyari sa love story namin ng lalaki.But still, kami pa rin hanggang dulo.Marami man ang sumira sa amin.Pero kaakibat no'n, lahat sila nagbago.Si Derick, he contiue his passion.Pinalago niya ang kompanya kahit siya lang mag-isa. Hindi ko naman pinagdamot sa kanya si Michael dahil may karapatan siya sa bata.Si Edward naman, nagpapagaling pa siya sa hospital.Nagpapasalamat din ako sa kanya dahil maayos ang trato niya sa anak ko, nung wala ako sa tabi nito.May mabuting kalooban din pala ang binata na ngayon ay kapatid na rin ang turing ko.So here I am, walking in the red carpet patungo sa mismong altar.Suot ko ang mahabang gown habang hawak ko ang bulaklak.Hindi ko mapigilan ang luha na pumapatak mula sa aking mata.This is the tears of joy na sinasabi nila.At legit nga na ganito ang mararamdaman mo kapag i
CHAPTER 70 KATE's POV: SINABI na sa amin ni Katrina kung saan na location nagtatago si Edward habang kasama si Michael.Edward is also my brother.Pero hindi talaga kami magkadugo dahil anak ito ng asawa ni papa sa ibang lalaki.In short, single mom na talaga yung pinalit ni papa sa mama ko.Naging klarado na sa akin ang lahat dahil mismong si Katrina ang nagsabi nito.She cleared everything to us. At humingi na rin ito ng tawad sa harapan namin ni David.So at this point, patungo na kami sa hide out para kunin si Michael.Gusto ko ng makita ang anak ko.Gusto ko na siyang pupugin ng halik gaya ng ginagawa ko noon sa kanya."Ikanan mo ang kotse.", pagtuturo ni Kat.Sinama namin siya para hindi kami maligaw at hindi matagalan ang paghanap namin.Sinunod naman ni David ang winika ng babae kaya agad niyang iniliko sa kanan ang sasakyan.Medyo liblib nga ang lugar. Pero sobrang ganda at mahangin sa kalooban dala ng mga puno.The car stopped in front of the gate."Teka, bakit bukas?", sa
CHAPTER 69 DAVID's POV:"SO WHAT'S YOUR NEXT PLAN, BRO?", tanong ni Deo sa akin.Nasa bar kami at kasalukuyan na umiinom ng wine.Umalis na kami sa bahay at dito namin ninais na pumunta."Kakasuhan ko siya, kung ayon ang nararapat.", turan ko sabay lapag ng alak sa mesa."Tama 'yan. I'll support you. Handa ako maging testigo laban sa kanya. At handa rin akong harapin ang mga kasalanan ko, kung sakali man na may nilabag ako.", wika nito at pilit na ngumiti.Medyo kampante na ako ngayon dahil tuluyan na ngang nagbago si Deo.Sa kabila ng ginawa niyang mali sa akin, handa siyang linisin ito para lang mabalik sa maayos ang lahat.For the last time, nilagok namin ang alak bago kami umuwi sa kanya-kanya naming bahay.Umuwi si Deo sa condo. Samantalang ako, balak kong silipin si Katrina. Halos hindi ko na kasi siya nakakausap pa, kaya titingnan ko kung okay lang ba ang kalagayan nito.Hindi pa rin mapawi sa isip ko ang tungkol sa kanilang dalawa ni Kate.Magkapatid sila at katulad namin ni
CHAPTER 68SANDRA's POV:NANLULUMO pa rin ako sa katotohanan.Pero walang patutunguhan ito kung hindi ako gumagalaw at naghahanap ng ebidensiya.I need to do something to know the whole story.Litong-lito ako sa mga nangyayari. Hindi ko na matanong pa si nanay dahil patay na ito.Yung papa ko rin, matagal na akong tinalikuran. Hindi ko nga siya kilala dahil tinakbuhan daw nito ang responsibilidad bilang ama sa akin.Kaya sa murang edad, nagtrabaho na ako.At dahil do'n, nakilala si Derick na binigyan akong Michael sa buhay ko.Kaso sa isang iglap, namatay ang anak ko.Namatay siya sa mismong kamay ni Katrina.All this time, kapatid ko pala ang may kagagawan."Shit! Bakit ba ang bagal mong mag-isip ngayon, Kate?!", I said.I'm facing the mirror while talking to myself.I don't know how to start my new plan.Plano ko kasing kausapin si Katrina at magpapanggap ako bilang si Sandra. Total, Sandra ang mukha na ginagamit ko ngayon dahil sa surgery."Bahala na!", sambit ko muli.Kinuha ko n
CHAPTER 67DAVID's POV:ALAM kong galit na galit kahapon si Sandra dahil sa biglaang desisyon ko.I trust my brother again. And gave him another chance, para patunayan sa akin na wala siyang kinalaman sa pagpatay kay Michael.--FLASHBACK:"Sa tingin mo ba, kaya kong pumatay? Gago ako at babaero, pero hindi ako pumapatay ng tao.", bigkas nito habang nakaupo ako sa gilid.Tahimik kaming dalawa kanina.Walang sino man ang gustong magsalita, pero sa huli, siya ang unang kumausap sa akin.Gabing-gabi na at pinapapak na rin ako ng lamok. Tinitiis ko lang dahil gusto kong sundin ang utos ni Sandra.I really feel the pain that she's suffering right now. Lalo pa't sinabi ni Deo na kapatid ni Kate si Katrina.Maging ako, nagulat ng husto nang ibulgar niya ito.I can't imagine na magkadugo silang dalawa."Kung aalisin mo ang tali sa kamay at paa ko, matutulungan kita na ituro sayo ang kasabwat ni Katrina.", aniya ng kambal ko.Umiigting na ang aking panga dahil sa mga sinasabi nito."Shut the f
CHAPTER 66 SANDRA's POV:"I WANT DNA TEST.", madiin na turan ko sa isang lalaki na kausap ko ngayon sa phone.Panibagong araw kaya panibagong plano ang gagawin ko sa araw na 'to.Gusto kong matuklasan kung totoo nga ba ang lahat tungkol sa amin ni Katrina.Wala naman sigurong mali kung susubukan ko ang DNA diba?Kaya oo, ito ang ginawa ko. Kumuha ako ng isang tao para magnakaw ng buhok o kahit anong gamit ni Katrina."10,000 pesos. Siguro naman, sapat na 'yan para magawa mo ng tama ang ini-utos ko.", turan ko sa binata sabay labas ko ng pera."Opo Ma'am, akong bahala. Hindi ko kayo bibiguin.", magalang na tugon niya at kinuha ang pera sa kamay ko.Sinara ko na ang salamin ng kotse bago ko pinaandar ang sasakyan.Wala akong tulog kagabi dahil sa mga kaguluhan sa isipan ko.Hindi rin muna ako umuwi sa mansion ni Derick kasi ayoko na siyang makita at makausap pa.Umalis na rin ako sa pagiging CEO ng kompanya dahil ayokong makipagplastikan sa kanya.For almost one month, napamahal na ri
CHAPTER 65SANDRA's POV:Hindi pwede! Hindi maaari!Niloloko lang ako ni Deo para linlangin ang isipan ko! Hindi niya na ako mapapaikot pa dahil kilala ko na ang ugali niya.Tama! Hindi ko dapat hayaan na magpadala sa sinasabi ng lalaki.Magkamukha lang kami pero hindi kami magkadugo ng babaeng 'yon.NAPAILING ako ng mariin habang kinukumbinsi ko ang sarili na huwag paniwalaan ang binata.Halos ilang minuto ko 'tong pinag-isipan at inisa-isa ang bawat salitang binigkas ni Mama bago siya pumanaw.She told me that I don't have a sibling. So in short, Ktrina is not my sister. And most of all, she's not my twin.Kahit kailan, hindi ko pinangarap ang magkaroon ng kapatid na katulad niya.Kaya hindi ako naniniwala sa sinasabi ni Deo.He's a liar!"Ikulong mo ng mabuti 'yan, David. Hindi dapat makatakas ang demonyo na 'yan hangga't hindi pa tayo nakakakuha ng hustisya.", utos ko rito.Akma na sana akong aalis ng building, pero may pahabol na tanong ang lalaki."Saan ka ba pupunta?","I hav
CHAPTER 64 SANDRA's POV:I already know the truth. Si Derick, pinaikot niya ako. Nagkunwaring mabait sa akin para mahalin ko ulit siya.Masyado siyang plastik sa mga ginawa niya.Pero mabuti na lang, hindi ko siya minahal.I'm done with him.Kaya pala hindi ko agad mahanap ang hustisya dahil siya mismo, alam ang totoong nangyari.Naging sangkot siya sa mga naranasan ko noon.How can he do this to me?Pati sarili niyang anak, nagawa niyang patayin. Hindi ko maiwasan na magalit sa kanya.Kahit hindi man nila sabihin ni Deo, malakas ang hula ko na may kasalanan sila sa pagkamatay ni Michael."Calm down. Walang madudulot ang galit. Kaya i-relax mo ang sarili mo, Kate.", mahinang wika ni David.Tinawag niya ako sa totoo kong pangalan.Kaya medyo lumambot ang puso ko."Wala akong nagawa noon sa inyo, kaya hayaan mong ako naman ang kumilos ngayon. Ayoko ng mapahamak ka.", muli niyang saad.Bahagya kong inangat ang mukha ko at napatitig ulit ako sa binata.Kaso sa hindi sinasadya, napunta
CHAPTER 63SANDRA's POV:"SAAN natin dadalhin si Deo?", tanong ni David habang nagmamaneho siya.Nagawa na rin namin na igapos at lagyan ng tape ang bibig ng lalaki para hindi ito makawala at makasigaw.This is my plan. Ang sulungin ang butas para makapasok sa katotohanan.I know that there is a story behind this.May dahilan din ang lahat kung bakit umaakto si Deo bilang David.At ito ang gusto kong malaman."Ikaw ang bahala kung saan. Basta walang tao.", aniya ko bilang sagot."Okay. May alam akong lugar.", tugon niya at tinuon muli ang mata sa daan.Hindi ko maiwasan na sulyapan ng tingin si David.Simula nung umamin ako sa kanya na ako si Kate, bumalik ang sigla ng binata.Pero hindi maalis sa mata ni David na medyo nasasaktan pa siya sa mga nangyayari."Buti na lang matalino ka. Kasi kung nagkataon na ikaw ang nakainom ng wine na hinain niya, baka kung napano ka na.", wika ng lalaki bilang pagbubukas ng topic."Ilang beses ko ng sinabi sayo diba? I can handle myself. Kung pautaka