Share

Chapter 19.1:

Noon, hindi ko maintindihan kung bakit may mga taong takot sumaya. Kung bakit may mga taong nilalagyan ng limitasyon ang kaligayahan nila. Kung bakit sila natatakot sa kung anong magiging kapalit nito sa huli.

Ang mabilis na pagdaloy ng panahon ang nagpapatunay na hindi natin kapit ang bawat pagkakataon. Gustuhin mo mang pigilan ang paglubog ng araw, wala kang kakayahang gawin ‘yon. Mananatili kang nakamasid, tinatanggap ang naging kapalaran sa araw na ‘yon. Maghihintay sa dilim habang umaasang sisilip ulit ang liwanag.

Nanatili akong nakatayo at pinapanood ang paglubog ng araw. Yapos-yapos ko ang sariling braso dahil sa pag-ihip nang malamig na hangin. Ang ngiti sa labi ay may ka-akibat na kalungkutan. Bumaba ang tingin ko sa puntod na una kong binisita pagkabalik na pagkabalik ko sa Pilipinas. Ang malamig na pag-akap sa akin ng hangin ay nagsilbing yakap niya rin, dinadamayan ako sa kalungkutan at sakit na bumabalot sa buong puso ko.

An
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status