KAHIT malinis at nakaligo na ay pakiramdam ko ay hindi naalis nang tuluyan ang harina sa buhok ko. Kahit ilang beses nang nag-shampoo ay parang nasa anit ko pa rin ito.
“Tapos ka na?” ang tanong ni Chris. Kanina pa ito naghihintay na matapos ako sa paggamit ng banyo. Tulad ko rin kasi ay nalagyan ng harina ang buhok at katawan niya.Dahil kanina lang ay tinulungan namin si Thalia na gustong mag-bake. Pero dahil pareho naming gusto ni Chris na i-mix ang flour ay nag-agawan pa kami hanggang sa matapon sa sarili namin. Sa inis ay binato niya ako nang kung anong mahawakan hanggang sa nauwi sa giyera ang kusina. Naawat lang kami nang dumating sila Mr. Ben at tita Lea galing sa paggo-grocery.“Oo,” ang sagot ko sa tanong niya na halos matawa. Namumuti kasi ang mukha at buhok niya. Actually, buong katawan niya ang binato ko ng harina kaya talagang nakakatawa ang itsura niya.Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa isara niya ang pinto ng banyINILALAGAY ko na sa likod ng kotse ang luggage ni Mama nang mag-ring ang cellphone....incoming video call...Si Thalia, tumatawag. Sinagot ko ang tawag at agad napangiti nang makita ang mukha niya. “Hello,” ang bati ko.“Nasa airport na kayo?”“Papunta pa lang kami ni Mama,” ang sagot ko at napansin sa gilid si Mama na lumapit sa akin kaya ipinakita ko ito sa camera.“Hello, Tita!” ang masiglang bati ni Thalia. “Excited na po akong makasama kayo rito.”“Ako rin, excited na rin akong makapunta r’yan.”Binigay ko muna kay Mama ang cellphone habang hindi pa ako tapos na ayusin ang mga luggage.Muli kasi ay babalik ako sa Paris para ihatid si Mama na gustong makita si Thalia at tulungan si tita Lea dahil abala pa si Mr. Ben sa company.Sinabi ko ngang hindi na kailangan pero nagpumilit ito na gustong makita si Thalia kaya hinayaan ko na lang.Matapos maiayos a
SABAY-SABAY kaming nag-breakfast sa hapagkainan na madalas ay hindi, dahil late na kung minsan magising si Thalia.Pero dahil tuloy-tuloy ang tulog niya kagabi kaya maaga siyang nagising at nakasalo sa amin.“Mabuti at maaga kang nagising ngayon,” ang puna ni Tita sa anak.“Nakatulog po kasi ako nang mahimbing,” ang sagot niya sabay sulyap sa akin.Bigla namang nag-flasback sa alaala ko ang nangyari kagabi. Kung saan ay sinabi niyang...Wait, totoo naman siguro ‘yung narinig ko kagabi ‘di ba?Tumingin ako kay Thalia. “May natatandaan ka ba kagabi?”“Kinantahan mo ‘ko ‘di ba?” tumango ako sa tanong niya.“And?” –sana lang sabihin niya kung ano pa ang kasunod matapos ko siyang kantahan.“Am... hindi ko na matandaan. Nakatulog na ‘ko habang kumakanta ka pa.”So, malamang ay hindi niya narinig ang sinabi ko?“Okay,&rdq
HAWAK ang plane ticket sa kanang kamay at sa kaliwa naman ang luggage ay lumabas ako sa condo para sumakay sa elevator nang makatanggap ng tawag mula kay Gab.“Hello?”“Nasa’n ka ngayon?” ang tanong niya agad. Sa tono palang nang boses niya ay parang hindi magandang balita ang itinawag niya.“Bakit? Pasakay ako ngayon sa elevator.”“Papunta ka na ba sa airport?”“Oo, bakit? May bad news ba?”“Oo, hindi mo ba na check? May kumakalat na issue tungkol sa ‘yo,” ang sagot niya. Medyo maingay banda sa linya niya at medyo hinihingal rin siya.“Wala akong nakikita, sa’n ka ba? Ba’t parang hinihingal ka?”“Paakyat na ako d’yan, bumalik ka sa loob ng condo mo at ‘wag mong pagbubuksan kahit na sino, maliban sa ‘kin,” ang utos niya.Bigla naman akong naalarma at kahit naguguluhan ay sinunod ko ang utos niya. Bumalik ako sa condo at ni-lock ang pinto.Naupo sa sofa at nag-browse online kung ano bang issue ang kumakalat sa akin. “Please, ‘wag lang sana tungkol kay Th
LUMIPAS ang isang araw na walang nangyari. Matapos makausap si Papa ay hindi na ako tumawag pang muli.Mas kinakampihan niya pa si Linda kahit ito ang may mali.Si Gab naman ay nagpunta sa company para alamin kung ano ang pwedeng gawin tungkol sa issue.At heto ako nakatunganga lang at walang magawa.Nag-ring ang cellphone ko. Tumatawag si Thalia.“Hello?”“Aaron, kumusta, okay ka lang ba?”Napabuntong-hininga ako. “Nabalitaan mo na ba?”“Oo, actually, kahapon pa pero hinintay kong ikaw mismo ang mag-open up.”“Sorry, hindi ko agad nasabi sa ‘yo. Inaalala ko lang kasi ang kalagayan mo,” ang tugon ko.“Naiintindihan ko. ‘Wag kang mag-alala at magiging maayos din ang lahat.” Kahit hindi ko siya nakikita ay nai-imagine kong nakangiti siya habang sinasabi iyon.“Sorry talaga, dapat ay nand’yan na ako at kasama ka.”“May ibang araw pa naman.”“Tama, may ibang araw pa... I miss you,” hindi ko napigilang sabihin.“Ako rin, I miss you.”Pagkatapo
HINDI pa man tuluyang naipapasok sa gate ang kotse ay sinasalubong na kami ni Mama.Binaba ko ang bintana at agad natigilan nang makita kung sino ang katabi ko, si Linda.“Si Papa?” ang tanong at tanging pag-angat lang ng kamay ang ginawa habang nakaturo sa loob ng bahay.“Bakit magkasama kayo?” ang bulong ni Mama nang makalabas ako sa kotse.“Sa loob na lang,” ang sagot at hinawakan ang braso niya para iakay papasok sa loob ng bahay. Sumunod naman si Gab at Linda.Sa sala ay naroon si Jimson at napatayo nang makita ang kanyang Ina.“Jimson, pakitawag naman ang Papa mo,” ang utos ni Mama na sinunod naman nito.Naupo muna kami habang nagpatuloy si Mama sa kusina para kumuha nang maiinom habang naghihintay kami.Ilang sandali lang ay nakababa na si Papa. Tumayo naman si Linda at nilapitan ito. “Pwede ba tayong mag-usap?” ang rinig kong tanong ni Linda.Tumingin muna sa akin si Papa
HAWAK ang kamay ni Thalia ay naglakad-lakad muna kami sa likod nang bahay para makapag-usap matapos kumain kasama ang magulang ni Chris. “Okay ka lang?” ang tanong niya pa.Tumango ako. “Oo naman, medyo nabibigla lang sa mga tanong ng Tito at Tita mo,” ang sagot ko. Habang kumakain kasi kami ay panay ang tanong ng mga ito sa akin.“Gano’n talaga sila, medyo mas strict pa nga sila kaysa kanila Daddy.”May pinagmanahan naman pala si Chris. “Ayos lang naman ang mga tanong nila sa ‘kin, kasi hindi naman nila ako gano’n ka kilala.”Huminto kami sa paglalakad at pinulupot ang mga braso sa bewang niya habang pinagmamasdan ang kanyang mukha. “Hindi ko alam na sasabihin mo ‘yun kanina. Ang akala ko ay tungkol lang sa pag-aaral ang dahilan mo kaya ayaw mo munang magpakasal.”Pinilupot niya rin ang mga braso sa bewang ko at tiningala ako. “Gusto ko kasi na pagdating nang panahon n
NANG bumalik on-air ay muling nagsalita ang Host para sabihing magpi-perform na ang mga participants by group.Dahil isa ako sa judges ay hindi ako pwedeng basta-basta na lang umalis at pumunta sa backstage kahit gusto kong pumunta at alamin na mismo ang nangyayari.Tanging sa mga messages lang ni Thalia ako nakakakuha ng balita.Nang tinawag ng Host ang grupo ni Chris ay nilingon ko ang banda sa audience dahil hindi pa nakakabalik si Thalia.Nag-umpisa ng tumugtog ang background music habang nagsisilabasan ang member, at kasama rito si Chris.Nakahinga ako ng maluwag nang makita ito. Na mukhang maayos na ang itsura kumpara kanina.Thalia:Okay na si Chris.Ang nabasa ko sa pinadalang message niya. Lumingon pa ko sa audience at nakitang paupo na siya sa upuan.Muli kong binalik ang tingin sa stage at pinanuod ang performance ng grupo ni Chris nang mag-umpisa na sila.Sampo na lang silang lahat na participants ngayon. At lima sa k
NAKAPAMEWANG akong tumingin sa bukas na luggage sa aking harapan. Iniisip kung anong kulang at hindi pa nailalagay sa loob.Sigurado akong may nakakalimutan ako. Hindi ko nga lang maisip kung ano.“Hindi ka pa ba tapos d'yan?” ang tanong ni Gab na nasa tabi ng luggage at nakatingin lang sa akin. Nakuha pa ngang mangalumbaba habang nag-iisip ako kung anong nakalimutan ko.“Kung tulungan mo kaya akong mag-isip dito.”Pero umirap lang siya at nakuha pang humikab. Bored na bored ang gag*.“Lumabas ka na nga lang, hindi ka naman nakakatulong.”“Tang*na mo, parang hindi mo 'ko kailangan para mag-drive at ihatid ka papunta sa airport, a.”“Simula kaninang tinawagan kita ay puro mura naririnig ko sa 'yo, buti na nga lang hindi pa nagdudugo ang tenga ko sa 'yo.”“Istorbo ka kasi. Rest day ko tapos bub*wesitin mo 'ko.”“Wala ka namang gagawin kaya tulungan mo na lang ako.
[Thalia’s Pov] UNANG HAKBANG, hingang malalim. Pangalawang hakbang, humigpit ang hawak ko sa bulaklak at sa pangatlo ay halos tumulo na ang luha ko. Ganito pala ang feeling kapag naglalakad na sa aisle tapos nasa dulo ang taong minamahal mo, naghihintay. Marami ang nakatingin sa akin pero nasa kanya lang ang atensiyon, hindi inaalis ang tingin kay Aaron. Nang nasa tapat na niya ako ay hinarap ko si Daddy na kanina pa iyak nang iyak. Kailan ko nga unang nakitang umiyak si Daddy? Ah, no’ng nalaman niyang buntis ako sa kambal. Umiyak siya dahil hindi niya akalaing maaga siyang magkakaroon ng apo. Pareho silang umiyak ni Mommy no’ng time na iyon. Ramdam na ramdam ko ang init nang yakap niya. “Masaya ako para sa ‘yo Thalia.” “Thank you Dad.” Pagkatapos ay hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko saka pinasa kay Aaron. “Ilang beses ko nang sinabi ‘to, pero nagpapasalamat ako kasi ikaw ang magiging katuwang ni Thalia.
MAHIGPIT na yakap ang natanggap ko matapos yakapin ni Noreen si Thalia. Nang matapos kasi kaming mag-usap ay lumipat kami sa office ni Mr. Ben at sandali niyang kinausap si Thalia o tamang sabihin na humingi ng tawad.“So, pa’no, kailangan ko nang umalis bago pa bumalik ang mga employee from lunch,” aniya.“Mag-iingat ka.”“Thank you, and congratulations—“ humugot muna siya nang malalim na hininga. “Sa kasal mo,” ang pigil hininga niyang patuloy. “Sorry, medyo mahirap pa rin kasing tanggapin na ikakasal ka na sa i—ba.” At bahagyang napatingin kay Thalia.Pero sa halip na mailang ay muli lang yumakap si Thalia sa kanya. “Sorry talaga Ate Noreen.”“Okay lang, matatanggap ko rin paunti-unti saka alam ko namang nasa mabuting kamay si Aaron, sasaya siya nang sobra sa ‘yo,” bahagya siyang lumayo kay Thalia. “Sige, aalis na ‘ko, maraming
ISANG LINGGO ang nakalipas at halos hindi na ako gaanong pinag-uusapan ng lahat. Nakakalabas na ako kasama si Thalia at ang mga bata. Paminsan-minsan ay pinagtitinginan pero hindi ko na iyon pinapansin. Ang mahalaga ay nakakasama ko na sila na walang inaalala na baka may makakita. Sa trabaho naman ay medyo nabawasan ang mga project dahil sa issue pero ayos lang, sulit naman dahil kapag free time ay agad akong pumupunta sa mga bata para makipaglaro. Sana pala ay matagal ko nang inamin sa publiko ito para hindi nasasayang ang mga oras na pwede ko pala silang makasama nang hindi nagtatago. Hawak sa magkabilang kamay sina Theo at Timothy ay pinuntahan namin si Thalia. Gusto kasi ng dalawa na makasamang mag-lunch ang ina. Dahil sa trabaho ay hindi na sila nagkakasamang mananghalian at namimiss na nila ito. “Maghintay na lang muna tayo sa office ni Lolo habang wala pang-LUNCH break, ‘kay?” ang sabi ko sa kanila habang nasa elevator. Pero mabilis ang
PARANG BULA na nakalimutan ng mga tao ang pag-alis ni Noreen sa showbiz at napalitan ng panibagong nakakagulat na balita. Sa loob lang ng ilang oras matapos kong sabihin sa buong mundo na may relasiyon kami ni Thalia at may mga anak kami ay nag-trending agad ako. Nag-top rin sa most search celebrities at pati pangalan ni Thalia ay most search rin. Ang daming curious kung paano nangyaring naging kami ng ganoon katagal ng hindi alam ng publiko. Sa pagsikat ng araw ay dumagsa pang lalo ang mga reporter sa labas ng subdivision. Nahirapan ngang makalusot si Gab kahit sobrang aga niyang nagpunta. “Coffee lang ang ma-i-o-offer ko,” ang sabi ko sa kanya sabay lapag ng kape sa table dahil kagigising rin lang ng mga katulong. “Kalmado ka ata ngayon? Ibang-iba sa labas bago ako makarating rito. Halos dumugin ang kotse ko para makakuha ng interview.” “Ewan ko ba, gan’to siguro talaga kapag walang inililihim,” ang tugon ko at hindi maawat ang sarili sa pag
KAUNTING gasgas sa kamay at tuhod ang tinamo ni Thalia matapos ko siyang maitayo. Walang tigil rin ang pasasalamat ko sa driver ng kotse na mabilis nakapreno. Kung hindi lang naging mabilis ang reflexes nito ay hindi ko na alam ang gagawin. Maingat kong inalalayan papunta sa tabi ng kalsada si Thalia na hanggang ngayon ay tulala pa rin. Sobra siyang na-shock kaya niyakap ko siya nang mahigpit. “Okay lang, 'wag ka ng matakot. Nandito na ako,” ang bulong. Hindi ko na alintana ang mga matang nakatingin sa amin. Tanging si Thalia lang ang inaalala ko. Pero parang mahirap hindi pansinin ang mga taong nakapalibot lalo na sa mga kumukuha sa amin ng walang paalam. “Please! Kunting respeto naman, ‘wag niyo kaming kunan!” ang sigaw ko habang pilit tinatakpan ang ulo ni Thalia para hindi makunan. Hanggang sa bigla ko na lang narinig ang boses ni Mr. Ben, “Aaron, anong nangyari?” mabilis itong nakalapit sa amin at tiningnan si Thalia na mabilis umiyak nang makita ang ama
MATAPOS ang pag-uusap namin ni Gab sa cellphone ay si Thalia naman ang sunod na tumawag. Puno ng pag-aalala ang boses niya at sa tingin ko ay naiiyak siya kahit hindi ko naman nakikita. Garalgal at sumisinghot-singhot na kasi siya.“I’m must be there with you.”“Mas lalo lang akong mahihirapan kung nandito ka dahil si Mama pa lang ay hirap na ako. Iyak nang iyak, ‘di ko nga alam kung nakatulog na nga ba ‘yun sa kwarto,” ang sagot ko.“Natatakot ako para sa ‘yo Aaron. What if dito ka muna sa bahay? Mas secured rito, isaman mo na rin si Tita at mga katulong niyo sa bahay.”“May nagbabantay na sa amin ditong pulis kaya ayos lang talaga, ang mga bata?”“Natutulog na, mabuti na nga lang at tulog na ang mga ito nang ibalita sa TV ang nangyari, kundi ay magpupumilit ang mga ‘yun na puntahan ka.”Mariin akong napapikit nang sumagi sa isip ko sina Theo at Timoth
SA ILANG ARAW na nagdaan ay sunod-sunod ang mga issue kong pilit inaayos ng company. Ang management, lalo na si Miss Kaye ay problemado dahil sa biglaang pag-terminate ni Noreen ng contract. Pati ang mga guesting namin na magkasama sa TV show at pag-promote ay apektado. Sa pagkakaalam ko ay nakiusap ang management kay Noreen na huwag muna nitong i-terminate ang kontrata. Pero buo na raw ang desisiyon ni Noreen kahit magbayad pa ito ng penalty dahil sa breach of contract.Hindi lang iyon, dahil kahapon lang ay nag-post si Noreen sa social media na magku-quit na siya sa pag-aartista. At dahil dito ay maraming nagkalat na speculation tungkol sa biglaan niyang pag-alis. Marami raw Journalist ang gusto siyang kausapin dahil dito.Idagdag pa na hinahanda rin ng management ang dapat gawin sa oras na may lumabas na balitang involve ang pangalan ko kay Noreen.“Wala ka bang ganang kumain?” ang tanong ni Mama. Narito kami ngayon sa dining area, nag-aalmusal.
DIRETSO ang tingin ko kay Miss Kaye na gulat na gulat sa sinabi ko. Ang alam lang kasi niya ay may relasiyon kami ni Thalia. Hindi niya akalaing magpapakasal na kami. Nang matauhan sa pagkabigla ay saka naman siya naupo.Ilang sandaling natahimik ang buong paligid at wala man lang naglakas-loob na magsalita.“Kaya sana, 'wag niyo ng ipagawa sa 'kin ang gan'to,” ako na ang kusang pumutol ng katahimikan.“Okay, hindi ko na ipagpipilitan ang plano. Pero sana, gawin niyo ang dapat gawin para i-promote ang drama at loveteam niyo,” ani Miss Kaye. “’Yun lang, pwede na kayong umalis.”Matapos niya itong sabihin ay agad na akong lumabas ng office. Pero hindi pa man ako nakakalayo ay naharang ako ni Noreen. “Totoo b-ba?” may nginig sa boses at namumuo na ang luha sa mga mata.Hindi man eksakto ang tanong niya pero alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin. “Oo.”Mariin siyang napapikit a
HABANG yakap siya ay bigla na lang bumukas ang pinto at patakbong pumasok ang mga bata kasunod si Mr. Ben, tita Lea at pati na rin si Mama.Pumasok sila sa kwarto nang makita sa CCTV na nag-yes na si Thalia.Pero akala ko ay sila lang pero sunod na lang na pumasok ay sina Gab, Kim, Jackson pati si Papa at Jimson. Mukhang pinaalam ni Mr. Ben at Mama ang gagawin ko ngayon kaya sila narito.“Congratulations,” ani Kim at saka ako niyakap.“Thank you,” ang tugon ko pagkatapos ay kay Jackson naman ibinaling ang tingin. Nakipag-apir ako sabay tapik sa likod niya. “Nakapunta ka.”“Congrats, uunahan mo pa 'ko.”“Ang hina mo kasi, e,” ang biro ko sa kanya. Pagkatapos ay napatingin sa ibaba nang mapansin si Theo na nakatingala sa akin. Tumaas ang dalawang kilay ko, tinatanong kung anong kailangan niya.“Mommy cried,” ang sumbong ni Theo.“Tears of joy 'yun,” ang tugon ko