Share

What is Love
What is Love
Author: Ukiyoto Publishing

Prologue

last update Last Updated: 2021-07-12 11:17:10
 

 

"MA, WHAT IS LOVE?"

Napatingin agad sa akin si Mama, nakakunot ang noo.

"Matti, where did you get that question?" Although she looked back at her papers, I know her attention is on me.

"Is that your assignment, Matti?"

"Hindi po."

"Saan mo nabasa iyong tanong?" Nang wala siyang makuhang sagot mula sa akin ay tiningnan niya ako, nakataas ang kilay senyales na hinihintay niya ang kasagutan ko. Tumungo na lang ako at niyakap ang paborito kong teddy bear. Nahihiya na ako magtanong. Ito ang unang beses na nagtanong ako kay Mama ng tungkol doon.

Tinanong ko na iyon kay Papa, ang sabi niya: "Love is happiness." Madami pa siyang pinaliwanag pero iyon lang talaga ang naintindihan ko. Hindi ko alam kung bakit interesado akong malaman ang bagay na iyon. Siguro dahil palagi ko iyong naririnig sa mga high school students na napapadaan sa school namin. Sa loob kasi ng Campus ay magkasama ang Elementary at ang High School, only to be separated by a huge wide wall.

Nang tumunghay ako para tingnan si Mama ay nakaalis na ang salamin niya sa mata at matamang nakatingin sa akin. Akala ko ay hindi na niya papansinin ang tanong ko pero nakakagulat na itinigil niya ang ginagawa niya dahil sa akin.

"How old are you again, Matti?" Nakikita ko ang ngiti sa labi niya. Ngunit di ko alam kung para saan iyon.

"8 po." I was about to say 7 kasi nasanay ako, and almost forgot that I celebrated my 8th birthday last month.

"And you're interested about love already?"

"Bakit Mama? Bawal ko pa po ba malaman iyon? Pang-adults lang po ba iyon? Pero sinagot naman ni Papa." Bahagya siyang nagulat sa sinabi ko.

"Sinagot ng Papa mo?" Tumango lamang ako. "And what did he answer?"

"Love is happiness daw po." She smiled while looking at me. Bata pa ako pero alam ko kung kailan masaya o hindi si Mama. Malungkot ang ngiti niya ngayon.

"Liar."

"Hindi po ako nagsisinungaling." Itinaas ko pa ang kamay ko kay Mama. Hindi talaga ako nagsisinungaling. Iyon talaga ang sinabi sa akin ni Papa.

Ngumiti ulit si Mama saka inabot ang pisngi ko. Hinaplos niya iyon katulad ng mga ginagawa niya sa akin bago ako matulog sa gabi.

"I'm not talking about you, anak." Mahinang saad niya. "What do you want to hear ba? Nasagot na naman pala ni Papa mo ang tanong mo eh. Isn't it enough already?"

"I thought love has a wide range of definitions Mama?"

"Yes it is. Pero hindi mo mauunawaan ang pag-ibig sa isang araw lang anak. It takes a lot of time before you finally know what love is." Napanguso ako.

"So, hindi ko pa po siya maiintindihan ngayon?"

"Someday, anak."

"When I grew up?"

"Yes." I pouted even more.

"Why? Bakit po matatanda lang ang kailangang makaalam ng lahat? Bakit po bawal pa po namin malaman?"

Once again, I saw her sad smile.

"Come here." Maingat niya akong inalalayan makababa sa upuan saka kinandong sa kanyang hita. Nakasandal ako sa kanya habang yakap-yakap ako.

The sky is already turning even darker. Malamig ang simoy ng hangin habang nandito kami ni Mama sa garden.

Kahit alam kong busy siya, hinahayaan niya lang akong panoorin siya. Kahit alam niyang magiging distraction ako sa kanya, hinahayaan niya lamang akong guluhin siya. I thought that was love.

"When you grow up, there will be times that you'll just wish of coming back as a kid."

"Po?" Nagtatakang tanong ko kay Mama. "Gustong-gusto ko na nga pong tumanda kasi ang dami kong bawal gawin. Tapos ang konti lang po ang pwede kong malaman." Mahina siyang natawa bago ko naramdaman ang pagdampi ng labi niya sa ulo ko.

"I can't tell you what love is. Because there is no exact definition of love. It's always hidden in the heart of everyone. Nailalabas sa salita, naipaparamdam sa gawa. Sometimes, it's confusing. Because just like how complicated life is, we love despite the uncertainties."

"Wala po akong maintindihan." Napapakunot na lamang ako ng noo. "Pakiramdam ko po, mano-nosebleed na ako Mama." Natawa siya sa sinabi ko.

"That's what I'm talking about anak. You can't just know everything today. Everything takes time. And by the time you'd found out what love is, ako ang una mong sasabihan."

I look up to her and saw her smile. I smiled back at her. Gumalaw ako paharap sa kanya para bigyan siya ng yakap. Nakapatong ang pisngi ko balikat niya at kitang-kita ko ang silver necklace with a pendant of crescent moon na nakasabit sa leeg niya.

"Who gave you this Mama?" Pinagmasdan niya din ang hinawakan ko.

"From someone I love." Nag-angat ako ng tingin sa kanya.

"From Dad?" Siguro dahil bata ako ay naniwala akong nag ningning ang mga mata niya nang tumingin siya sa akin. She just smiled without answering my question. "Ma?"

"Hmm?" Nasa malayo na ang tingin niya ngayon.

"Can we watch the moon tonight?"

"Of course." Hindi pa rin siya tumitingin sa akin.

"Mama?"

"Hmm?"

"Does love hurt?" Hindi siya nakangiti pero alam kong nagbago ang itsura ni Mama. Unti-unti niya akong tiningnan.

"What if it does?"

"Ayoko na magmahal." Sumimangot ako.

"So hindi mo na ako mamahalin?" Nagulat ako at umalis sa pagkakasandal sa kaniya. Agad akong umiling.

"Hindi pala Mama. Okay lang ako masaktan basta mamahalin pa din kita." She smiled and kissed my forehead.

"Ang bata-bata mo pa, Matti."

"Sorry Mama."

"It's fine. I like it better this way." Pinulupot ko ang braso ko sa leeg niya at isinandal ulit ang pisngi ko sa balikat niya. I really like it. Being hugged by my mother. Being inside her arms in the cold night.

"May tatapusin ka pa po ba, Mama? Aakyat na lamang po ako sa kwarto para hindi na po ako makagulo."

"No. Stay here anak. I want you to stay here."

Because of the comforting feeling her embrace gave me, I fell asleep. But I know that before I closed my eyes, I saw her tears fall down to her cheeks while hugging me. Tama si Mama. Maiintindihan mo lamang ang mga bagay kapag natanda ka na. It's confusing. It's complicated.

Masarap sanang tumanda kaso ang hirap pala. Ang sakit mag-matured. Maturity requires acceptance from everything. And there are times that I just don't want to accept some things but I have to. It has to be accepted.

Kinapa ko ang kwintas sa leeg ko. Huminga ako ng malalim nang madatnan ko sa sala sina Euriel at Iris na masayang kakwentuhan ni Papa. They are laughing. Moment that I never shared with my father.

I thought I'd already accepted it. But I'm still learning it step by step. Ang hirap tanggapin na lamang basta. One minute, I had the best thing in the world. I feel like everything is in the right places. Then suddenly, inagaw ng mundo sa akin si Mama. And the next thing I know, my father married another woman... months after my mother's death.

Tinanggap ko... or that's just what I want to believe in.

At dahil nahihirapan akong tanggapin ang nangyari, pinilit kong magbigay ng respeto. If I want to earn it, I should be the one to give it first.

Acceptance is hard to claim, so I showed my kindness instead. Iyon muna ang kaya kong ibigay sa ngayon. Ilang taon na din pero sabi nga ni Mama, everything takes time. Hindi dapat minamadali. I have to take things slowly.

I'm just standing there for a few minutes before I decided to show up.

"Aalis na po ako." Biglang nalusaw ang ingay ng tawanan nila.

I looked at my step siblings and gave them a small smile which they shyly returned. Nagmano ako kay Papa.

"Let's eat."

Hindi niya ba ako narinig? Aalis na ako. Pero sa halip na magalit pa sa kaniya ay huminga ako ng malalim. Hindi ko man maamin pero nagtanim ako ng galit kay Papa. Hindi nga lang halata. I know that he asked my permission before if I agree with his new marriage. I wanted to say no but my mother's words are ringing inside my head.

Keep your family happy. Whatever their decision will be, always in favour with them. Always understand.

"Hindi na po. May usapan po kasi kami ng kaibigan ko na sabay magbreakfast sa cafeteria." Magalang kong sagot. I looked away when I witnessed how his smile fell. "Sige po."

Hindi ako lumingon pabalik. Dire-diretso ako sa garahe ng sasakyan at magpaalam sa isang driver na magpapahatid na ako.

Nang makaupo na ako sa backseat ay isinandal ko ang ulo ko sa headrest at pumikit. Pinipigil ko ang nagbabadyang paghikbi dahil maririnig ako ng driver. Nang makaalis kami sa bahay ay agad na tumulo ang luha ko. Kinuha ko ang panyo sa bag, tinanggal sa pagkakatupi nito at malawak na itinakip iyon sa aking mukha.

I am mad. But I am more sad. Love is happiness, ika niya. Kaya kung doon siya masaya, ay hindi ko siya pipigilan. Kung ikasasaya niya at ikalulungkot ko, okay lang. I'm willing to endure the sadness. Nakaya nga ni Mama, ako pa ba?

Pero lalo pang nadagdagan ang luha sa mata ko nang maalala si Mama. Sinong niloloko ko? I'm never as strong as my mom. Kung siya, kinaya niya ang pagpapakasal sa kaniya ni Papa kahit hindi naman siya nito mahal, ako hindi. Kaya siguro madali lang kay Papa na mag-asawa ulit kasi hindi naman talaga niya minahal si Mama. Namatay siya nang walang ibang hiniling kung hindi ang kasiyahan ni Papa. Sobrang mahal niya si Papa. Naalala ko kung paano ko narinig ang iyak niya habang sinasabi kay Papa na kung saan siya masaya ay iyon ang gawin niya kapag nawala na si Mama. If his happiness is not because of her, she's so willing to give him the happy life even if it means without her.

Ang selfless ng pagmamahal ni Mama. But I don't want that for my own love life. Ayaw kong mangyari sa akin ang nangyari sa kanila ni Papa. At ayaw kong iparanas sa anak ko ang sakit na dadalhin niya sa paglaki kapag naulit muli ang kung anumang nangyari sa mga magulang ko.

Inhale, Exhale. Ginawa ko iyon nang ilang segundo bago tinuyo ang luha ko at ibinalik ang panyo sa bag ko.

Nang nasa tapat na ng campus ang sasakyan ay maayos na ulit ako.

"Okay ka lang?" Napatingin ako kay Tatay Hector. I smiled at him, genuine this time.

"Halata po ba?" Hindi siya sumagot bagkus ay may kinuha siya sa shotgun seat na paper bag saka inabot sa akin. Nagtatakang kinuha ko iyon.

"Masyadong malayo yata nalakbay ng pag-iisip mo. Hindi mo na namalayan na itinigil ko ang sasakyan kanina." Parang gusto na namang bumagsak ng luha ko nang makitang binilhan niya ako ng pagkain. "Alam kong hindi ka pa nakain. Pumasok ka na para may oras ka pa para makakain."

Sinikap kong maabot siya at mayakap mula sa likuran. He's a few older than my father. Alam kong may pamilya din siya sa probinsiya. And I'm hoping na makapiling niya na ulit sila. Mas deserve niya na makasama ang pamilya niya.

Malungkot mag-isa.

Malungkot mawalay sa taong mahal mo.

"Salamat, Tatay Hector."

"Tama na." Saad niya habang hinahagod ang braso kong nakayakap sa kaniya. "Mapula na ang mata mo. Baka mahalata ka pa ng teacher mo."

Dahan-dahan akong lumayo at tumango sa kaniya. Sinenyasan niya akong lumabas na kaya ayun na ang ginawa ko. Pagbaba ko ng sasakyan ay narinig ko ang sigaw ng kaibigan ko.

Si Dessa.

Nakangiti akong lumapit. Naglaho ang ngiti niya nang makalapit na ako ng tuluyan. Ibinuka niya ang bibig pero tinikom ulit. Alam kong gusto niya akong tanungin pero pinili niyang manahimik at akbayan ako. As if she never knew that I break down. As if she never knew that I'm hurting. That's what I want, anyway.

"Tatay Hector bought me this." Itinaas ko ang supot na dala ko. "Kainin natin?"

"Gora ako be! Let's go!" Dumiretso kami sa Cafeteria saka nilantakan ang pagkaing binili ni Tatay Hector para sa akin.

"Tuloy ba daw ang engagement mo doon sa mayamang tagapagmana ng MAV Firm?" Siguro napansin ni Dessa ang pagiging tahimik ko kaya nilapitan na niya ako. Gusto ko talaga mapag-isa pero ayos lang din na nandito siya. At least, kahit alam kong pwede akong maiwan mag-isa, hindi niya ako pababayaan na mapunta sa ganoong sitwasyon.

"Oo daw."

"Ayaw mo?" Tumingin ako sa kaniya. She's wearing that sad pout but I know she never pity me. "Kasi pwede naman nating gawan ng paraan."

"It's fine." I looked away. "My mother stayed even though she know he's not happy with her. Kaya ko 'ding gawin iyon sa lalaking ipapakasal sa akin. No feelings involve din naman."

"Aren't you tired of getting used to everything?" She suddenly asked. And I thought I couldn't answer that question. Unknowingly, my lips had its way of telling her my answer.

"Tired no more. I'm numb."

“Akala ko ba ayaw mong matulad sa nangyari sa magulang mo?” mahinang tanong niya. Nagkibit-balikat lang ako. Iyon nga din ang akala ko. Hirap talaga kalaban ng taong mahal mo.

 

Weeks after that, napagpasyahan na ni Papa at ng kasosyo ni Tita Eleanor –ang bagong asawa ni Papa - sa business na ipakilala ako sa lalaking anak nito. Papa is a disciple of politics while Tita Eleanor is a descendant of business. Parehong busy pero madalas ko silang nakikita na magkasama, unlike his relationship with my mom.

Gusto kong isipin na maiintindihan ko din ang kagustuhan ni Papa. Gusto kong isipin na balang-araw ay mababasa niya yung hinanakit ko sa kaniya. Pero nakakapagod mag-isip. Sa sobrang nakakapagod, I just stopped.

"Call me kapag medyo out of the border line na talaga ang ipapagawa sayo ha." Napakunot ang noo ko nang ayusin ni Dessa ang phone niya. Magka-video call kami gaya ng paalala niya sa akin kanina bago kami magkawalay pauwi. Nakita ko ang lugar kung nasaan siya.

"Naglalaba ka ba?"

"Yas!" Sigaw niya dahil malayo ang palanggana na ginagamit niya.

"Saan nakapatong ang phone mo?"

"Sa poso?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Gaga ka! Kapag ito nalaglag at nabasa, wala ka nang gagamitin. Papatayin ko na 'to. Tapusin mo muna-"

"Saglit!" Agad siyang tumayo sa pagkakaupo sa bangkito na ginagamit niya sa paglalaba saka kinuha ang kaniyang cellphone.

"Magtetext ka ha! Kung hindi ako maka-reply ibig sabihin non ay nagpapaload pa ako."

"I told you I'm fine, Dessa. Can you stop thinking about me?"

"And can you stop stopping me from worrying about you? Hindi lang ikaw ang may puso sa ating dalawa okay?" I sighed and nodded my head to my best friend.

Magkaiba kami. Mayaman kami, sila hindi. May katulong kami, sa kanila ay siya ang lahat gumagawa ng gawaing bahay. May pera kami, sila hirap makakuha. Nakukuha ko ang luho ko, sila pahirapan pa. Higit sa lahat, masaya sila, ako... okay lang.

That's fine. I'm glad I met her. She's like the proportion of balance in my life. Without her, I don't think I'm sane.

"Wag mong kakalimutan! Tatawagan mo ako ha, mayaman ka naman." Hindi ko iyon pinansin bagkus tinanong ko siya kung pwede siyang mag-overnight bukas dito sa amin. Miss ko na ulit nang may kasama sa kwarto.

"Sige! Magpapaalam lamang ako kay Inay at kay Tatay. Pihado mag-isa din ako bukas dito ng gabi." I smiled because of that.

At least for now I have a reason to smile. I'm wearing my prepared smile until I'm inside the hall where the party is being held. I appreciate all the efforts they've done to this engagement. If it was the engagement I'm dreaming of and I'm marrying someone who taught me what love is, more than smiling pa ang appreciation ko.

"Vergara!" Nag-angat ako sa dalawang taong papalapit sa akin. Just like how noble people are being described in fiction books, they are stunning with their royal gown and suit.

"Dela Torre." Nakangiting saad ng matandang lalaki kay Papa. May pinag-usapan silang hindi ko naiintindihan pero nagsumikap akong ngumiti.

"By the way, this is Maria Teresa Fatima, my daughter. Matti, this is Mr. Axel Vergara."

"Nice to meet you, hija." Nakipagkamay ako at galak na ngumiti sa kaniya.

"Nice to meet you po." Magalang kong saad.

"The last time I saw you was..." nag-isip ang matanda, sa huli ay natawa na lang. "I couldn't remember."

"Probably my mom's 40th birthday." I said while smiling.

Natahimik sila. Walang masama sa sinabi ko pero alam ko kung bakit ganoon ang reaksyon nila. Hindi ko na pinansin iyon. Hindi ko na din tiningnan ang reaksyon ni Papa. I'm just hoping he won't get mad at me later. Ayaw kong masira ang gabi nila just by mentioning my mom. And that idea – my mother’s name being a destroyer of their night bring the pain back.

"That was two years ago, Sir." Ngumiti ulit ako. "How are you po?" Dahil sa tanong ko ay nakabawi siya ng ngiti. Nagtanong lang silang mag-asawa tungkol sa school ko bago sila nag-usap nina Papa at Tita Eleanor.

I was sitting at an empty table, looking at my empty glass. So this is the feeling of being engaged to someone I haven't met. Just like the table and the glass, I feel empty.

"I'm not stupid Mom! Dad!" With the sad ambiance and less interest, I looked to the side to see what's going on. I saw a man who looks obviously drunk by the way he acts and how he wears his polo. "I am your son, not some things you can sell every time you want money!"

I looked away, the same time I saw a waiter. I asked for water and immediately sipped from it.

"We both know it won't work! You keep saying I'm bastard right? Yes! This is your bastard son, Dad! And I won't do this marriage! Mamamatay na lang ako!"

Nang tiningnan ko ulit sila ay naglalakad na palayo ang lalaki. Nakasapo sa noo si Mrs. Vergara. Si Mr. Vergara ay halatang galit na galit. May lumapit sa kanila para pakalmahin si Mrs. Vergara. Gusto ko din sana siyang aluin at tulungan dahil nararamdaman kong nahihirapan siyang huminga.

Tuluyan na akong napatayo nang nabuwal ito sa pagkakatayo. Narinig ko ang sigaw ni Mr. Vergara at agad na sinugod ang asawa sa ospital.

What a night. My supposedly fiancè caused a scene and walked out. Without even meeting me. And worst, his mom is in the hospital.

 

 

 

 

 

Related chapters

  • What is Love   Chapter 1

    What is Love?“Yes. It is normal that love hurts.”"Kamusta?" Iyon agad ang bungad sa akin ni Dessa nang hindi ko naramdamang nasa tabi ko na pala siya.Naglalakad ako sa hallway papunta sana sa library dahil maaga pa naman. Pero dahil nandito si Dessa, niyaya ko siya sa Cafeteria. Hindi man niya sinasabi ay alam kong hindi siya nag-uumagahan kaya palagi akong dito kumakain sa school para maibibili ko din siya. Iyon ulit ang ginawa ko ngayon."Alam mo kaya ako naba-bash eh." Nag-angat ako ng tingin sa kaniya."Nabu-bully ka pa din?" Nakakunot ang noong saad ko sa kaniya. Hindi kami magkaklase mula last year kasi magkaiba kami ng strand na kinuha kaya wala akong masyadong alam tungkol sa nangyayari sa kaniya maliban na lang kung ikukwento niya. I respect her privacy. But sometimes, I'm really worried when she's experiencing bullying without me knowing about it."Sino?""Wala. Sabi ko, kumain ka sa inyo ng breakfast. Wag mo palaging iniiwasan ang tatay mo." Aniya h

    Last Updated : 2021-07-12
  • What is Love   Chapter 2

    What is Love?“We’re sharing different pain, we’re both hurting. But at least, I’m not alone.”I diverted my eyes away from him because I could feel my tears at the verge of peeking. He’s so cold that I was frozen by his words. I shouldn’t be affected like this because I spent two Decembers with cold feelings ever since my mother wasn’t here anymore.It’s as if he was there for a long time and watching me from afar. Iyon ang nararamdaman ko. It’s as if he pulled the trigger and it explodes that it almost killed me.What the hell I’m saying? Affected masyado Matti? Tiisin mo. Kailangan. Kung gusto mong tumagal, kailangan mong magtiis. Simula pa lang ‘to. Walang prinsepe ang mag-aahon sa ‘yo sa sakit. Wala.“Kaano-ano po kayo ni Ms. Dela Torre?” hindi ko matingnan si Mrs. Concha – ang principal – nang nakangiti pa niyang tinanong si Axl.“Her fiancé po.”I heard her little gasp even Joyce’s. Nasa sapatos ko na lamang ang tingin ko.“Fiance?” see? Kahit si Mrs. Con

    Last Updated : 2021-07-12
  • What is Love   Chapter 3

    What is Love?“It’s sad that some people fight for the wrong love.”Dapat ba akong matuwa na nandito si Papa sa sala? Parang unang pagkakataon yata ito na hinintay niya ang pagdating ko? O baka nag-assume lang ulit ako.Nag-angat siya ng tingin mula sa pakikipag-usap sa cellphone. Ilang segundo pang nanatili sa akin ang tingin niya bago siya tumalikod ulit. What? Am I really expecting he’s waiting for me? Baka naman napa-aga lang siya ng uwi, Matti.Naglakad ako patungong hagdan. Agad akong bumaling nang marinig kong tinawag niya ako. Kahit ilang beses pa akong mawalan ng pake sa kaniya, marupok pa din ako kapag tungkol na kay Papa. Mukhang nabigla siya sa reaksyon ko ngunit napakunot ang noo niya nang matitigan pa ang aking mata. Pinagtaka ko iyon hanggang sa naramdaman kong mahapdi iyon.“Have you cried?”Nabigla ako. Anong sasabihin ko? Hindi naman kami nag-uusap ni Papa ng ganito. Sasabihin ko bang oo? At kung sasabihin ko iyon, itatanong niya kung bakit. Sasa

    Last Updated : 2021-07-12
  • What is Love   Chapter 4

    What is Love?“Light feelings can happen too in times of darkness.”“Ma’am Matti.”Doon ko lang napagtantong kanina pa pala akong nakatingin sa lugar kung saan dumaan at nawala si Axl. My heart is breaking for him. I want to help him. Pero ano namang mapapala ng tulong ko kung siya nga na mahal ni Luna ay hindi pa din kayang makipag-balikan? Siya nga na mahal na mahal ang babae at ginagawa ang lahat ay walang nangyari, sa akin pa kaya?I’m too young to know much of how love goes. But I wonder, isn’t it unfair? Why people fight for the wrong love? They are wasting so much time for that.Nang harapin ko si Tatay Hector ay nakalapit na siya.“Tumawag po si Sir. Hinahanap ka na sa bahay.” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Nakakapagtaka naman na maagang umuwi si Papa at pinapahanap ako. Kahit naman yata gabihin ako ng uwi ay wala siyang pakealam.“May sinabi po bang rason kung bakit niya ako hinahanap?” nagbaba siya ng tingin sa hawak na phone saka matigas ang pagtan

    Last Updated : 2021-07-12
  • What is Love   Chapter 5

    What is Love?“What scares you?”“Matti?”Sa paglingon ko ay sinalubong ako ng nakangiting si Mr. Vergara. Sa tabi nito ay si Mrs. Vergara na malapad din at welcoming ang ngiti sa akin. Gustuhin ko pa man na umiwas ay binigyan ko na lang din sila ng ngiti. “Happy Birthday, hija.” Nakipagbeso si Mr. Vergara sa akin, ganoon din si Mrs. Vergara na sobrang lambing pa nang yumakap sa akin.“Happy Birthday, sweetie.” Ngumiti ako at nagpasalamat. Her warmth suddenly reminds me of my mom.“Axl?” nagugulat na napatingin ang mag-asawa sa taong nasa likod ko. “Akala ko ba ay ayaw mong pumunta?” napataas tuloy ang kilay ko sa narinig. Nilingon ko si Axl na kumportable lamang na nakatayo habang walang emosyong nakatingin sa magulang.Pinagmasdan ko ang suot niya. He’s wearing a cocktail attire completing with a jacket, shirt and a pair of dress shoes. Navy Blue ang kulay ng suot niya - na sa tingin ko ay Brioni’s suit dahil madalas sa attire ni Papa ay ganoon – na katulad pa

    Last Updated : 2021-07-12
  • What is Love   Chapter 6

    What is Love?New FeelingsHindi ko na matandaan kung anong oras kami nakauwi basta sobrang sakit ng ulo ko kinabukasan. Mabuti na lamang at clearance lang ang ipupunta ko sa school ngayong araw. Pwede kaming pumasok anytime na gustuhin natin. Nang makitang alas-otso na ng umaga ay gusto ko pang makabawi ng tulog tutal ay isang linggo naman ang ilalaan namin sa clearance pero naalala kong may pupuntahan pa akong mini concert mamayang hapon. Ayaw kong ma-hassle. Iniwasan kong magmura dahil sobrang aga pa.Pupungas-pungas akong bumaba para makakain na. Nanliliit ang mga mata ko nang maabutang nasa dining area pa din ang magkapatid.“Akala ko ba maaga dapat ay nasa school na kayo? May mini concert kayo para mamaya diba?” dahil nag-aayos sila ng mga pagkain ay hindi nila ako nakitang pumasok kaya naman nagulat pa sila.“Good Morning, Ate.” Lumapit sila sa akin nang makabawi agad sa pagkakagulat saka binigyan ako ng halik sa pisngi.“This is for you.” sabay na saad n

    Last Updated : 2021-07-12
  • What is Love   Chapter 7

    What is Love?It is sad that the world needs more people like you...I was hoping that the dinner tonight would have a lot of stories to tell. Pero sobrang kabaligtaran iyon ng naiisip ko. Sobrang tahimik nilang lahat. “Ang ganda ng performance niyo.” ako ang unang bumasag ng katahimikan.I really appreciate their voice. Even though hindi lang para sa akin dedicated ang kanta dahil para iyon sa lahat ay hindi ko pa rin mapigilang maging proud sa kanila.First time ko pang magkaroon ng kapatid kaya naman sobrang saya ko. Iyon nga lang, mukhang hindi naman sila masaya.“Salamat po, Ate.” nakangiti man ay alam kong may ibang bumabagabag kay Iris. Tiningnan ko si Euriel na sa pagkain lamang ang atensyon, parang galit pa sa utensils na gamit.“Sure kayong hindi talaga kayo magkaaway?” sabay silang lumingon at umiling.Ang bigat ng pakiramdam ko sa turingan nila ngayon. Gumawa lang ng paraan si Euriel upang mabawasan iyon dahil inabot niya ang ulo ni Iris. Tiningnan

    Last Updated : 2021-07-12
  • What is Love   Chapter 8

    What is Love?The thing underneath the treeWhen people grow up, they realize things. They tend to ask a lot of questions and they tend to find answers for that. They want to satisfy their wants as they realize that some things aren’t enough for them. But to be honest. I don’t really know why I’m saying things like this.I went downstairs as soon as I wore my pair of red socks. Iba kasi ang simoy ng hangin ngayong taon lalo na ngayong gabi bago ang araw ng pasko. Suot ko din ang puti kong sweater na itinerno ko sa aking makapal na warm winter leggings. Tama nga si Dessa nang sinabi niyang may saltik kami. Malamig na nga, bukas pa ang air con.Naabutan ko silang inaayos ang mga gifts sa ilalim ng christmas tree. This feeling was gone for years. The feeling that is flaring up right now must make it feel familiar but because of the absence of it for a long time felt surreal this time.So it’s really possible. Things that couldn’t happen for so long can happen once m

    Last Updated : 2021-07-12

Latest chapter

  • What is Love   About the Author

    About the AuthorNethaniah Miesha (Author's pen name) is an eighteen year old college student who's been fond of written literature and novels since her childhood. Even though she's been a fan of writing stories, she couldn't find the motivation to finish a story until 'What is Love?'. She believes that her writing has a purpose and that she's writing for a reason.

  • What is Love   Epilogue

    "Know the healer."I smiled as I roamed my eyes around the room. Everything is in its perfect places right now. Everyone is listening attentively.Every hanging word I've spoken left them admired. I can't blame them. These words are the words from our God.Time flies so fast."He is life. And he brings healing."Tumigil ang aking mata sa babaeng nakasuot ng white floral dress. Nakaupo ito sa unang row ng upuan. She's looking at me with full of admiration and her eyes are screaming that she's so proud of me.Ngumiti ito nang maglapat ang aming mga tingin. "I love you," I read her mouth.Hindi ko nagawang sumagot dahil nagpatuloy ako sa pagtuturo.This isn't the first time I did this but this still feels like the first. Everytime feels like the first time.Natapos ang sunday service ay nagtipon-tipon na ang mga leaders and members nila para sa life group. Habang magkakasama sila sa kani-kanilang grupo ay hindi ko mapigilang pagmasdan silang lahat. Ang iba ay nag-iiyaka

  • What is Love   Chapter 40

    What is Love?“LOVE NEVER FAILS”"Some books are meant to be close to halfway reading it because it's not worth reading anymore." Ito ang huling linya ko sa pagtuturo ng prayer meeting. "But there is only one book that will never fail you. It contains His words and promises. The book that tells you that love never fails."Mula dito sa maliit na entablado sa unahan ay kitang-kita ko ang mga nangingilid na luha sa mga mata nila.Sa kabila non ay lalong sumigla ang dibdib ko sa nakikita ko.Through His words, it will never fail His children."May ibang bagay na hindi mo nakukuha kahit ilang beses mong ipagdasal. Hindi dahil binigo ka. Hindi ka kailanman kayang biguin ng Diyos. Iyon ang pag-ibig. He provides you the best plan you can ever encounter."I, once again, smile."You may not see it now, but someday, you will."The prayer meeting starts at three am and it lasts for almost three hours."Tay, uuwi na po kayo?" Nilingon ko si Grace matapos kong magpaalam kay

  • What is Love   Chapter 39

    What is Love?“Love always wait” "I knew what's going on with you and Iris, Euriel.""What can I do, Kuya? I love her.""You have to let go.""No, I can't."Those memories played one more time in my head.I wish I could finally regain those I've lost. I am tired of the never-ending headaches. I was completely a naive man trying to remember something that's leading my heart in vain.Euriel...Iris...Dessa...Matti..."Hey," boses ni Luna ang nagpatigil sa akin sa pag-iisip. "How are you?"Napatitig ako sa kaniya. Hindi ako makapaniwalang lumipas ang ilang taon na wala na talaga kami. Ang pagkakatanda ko ay lumalaban pa ako. Sigurado at determinado akong mabuo ulit kaming dalawa.I always think of not wasting every time and moments we spent together.Paanong nangyari ito?She's now five months pregnant. And Tony - my brother - is the father."Aren't you hungry?"Umiling ako saka nilipat muli ang atensyon sa TV. It's been months now since I got out of t

  • What is Love   Chapter 38

    What is Love?“Love stays”Warning: This chapter contains harmful scenes. If you find it disturbing, kindly skip this one.Ayaw akong makita ni Mommy. Hindi niya ako hinayaang makausap siya matapos ang gabing iyon. Sa kabila ng paglalasing ay pakiramdam ko ay nahihimasmasan ako dahil sa nangyari.Sinalubong ako ng madilim at tahimik na kwarto ko. Alas-tres na ng madaling araw. Hindi nawawala sa pakiramdam ko ang pagbigat ng talukap ng aking mata.Nakakapagod. Ano lang ba ang ginawa ko sa buong maghapon? Naghabol lang naman ako kay Luna. Pinilit magpaliwanag ngunit ayaw naman pakinggan. Sinubukan itama ang mali niyang iniisip tungkol sa akin pero hindi niya ako binibigyan ng pagkakataon na gawin iyon.Nakatitig lamang ako sa kisame habang lumilipad ang aking isip. I'm lying at my bed horizontally."I'm sorry I couldn't celebrate our birthday, Adi."Wala akong nakikita kundi ang dilim na lalong nagpa-alala sa akin ng panahon na nawala at hindi ko nailigtas ang kap

  • What is Love   Chapter 37

    What is Love?“Love pursue”Hindi ko kayang umalis sa tabi ng kabaong ni Adi.Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Ni hindi ko man lang natugunan na mangyayari ito. Walang ideyang ganito ang mangyayari sa akin, o kay Adi.I was just staring at my cell phone. On my call logs, there's that 32 seconds phone call with her.Gusto kong magwala.Galit na galit ako sa sarili ko. Isa ako sa may kasalanan ng pangyayaring ito maliban sa hayop na demonyong iyon.Kahit saang anggulo tingnan, malaki ang parte ko dito.Putangina, hindi ko makayanan tingnan ang sarili ko sa salamin. Ang lakas pa ng loob ko na tumabi sa kaniya ngayong gabi matapos nang hindi ko pagtugon sa kaniya.Umiiyak siya nang tawagan niya ako.Ngunit wala pa din akong ginawa.I couldn't afford to look at her through that glass barrier of her casket."Anak?"Pag-angat ko ng tingin ay ang pugtong mata agad ni Mommy ang sumalubong sa akin. Kahit siya ay hindi ko matingnan kaya

  • What is Love   Chapter 36

    What is Love?“Love tests”Warning: Mature Scenes and Foul Language may be encountered at this chapter. If you find it disturbing, please skip this one.Mahal na mahal ko ang kapatid ko. Kaya hindi ko kayang panoorin lang ang panghuhusga sa kaniya ni Tita Tatiana. Hindi ko napigilang itulak ang magandang babae.Nanlalaki ang mga mata nitong nag-angat ng tingin sa akin mula sa pagkakahulog nito. Kanina ko pa siyang napapansin na dinuduro niya si Adi. At ayaw kong minamaliit ng kahit na sino ang kapatid ko.“How dare you,” matigas ang pagkakabigkas nito.“Mommy?” ang inosenteng boses na iyon ni Tony - ang isa ko pang kapatid - ang umalingawngaw sa buong sala.Sa tapat ng pinto ay nandoon si Mommy at Daddy, parehas nakakunot ang noo dahil sa nasaksihan.Malugod na lumapit si Tony. Maingay ang pagkalansing ng mga medalya na nakasabit sa leeg niya sa pagtakbo niya.“Mommy, ano pong ginagawa niyo sa sahig? Naglalaro po ba kayo nina Kuya?” Tinulungan niya ang

  • What is Love   Chapter 35

    What is Love?“The long wait is over”Maingat ang pagsuklay ko sa full bangs na muntik nang makatusok sa mga mata ko. Pinagmasdan ko ang aking sarili sa harap ng full length mirror sa kwarto.Wearing a light brown turtleneck long sleeve top and high waist jeans, partnered with a brown stilettos, I exhaled deeply and smiled. Inayos ko ang buhok kong ngayon ay hanggang ilalim ng dibdib ang haba.Thank You, Lord for another day.Kinuha ko ang shoulder bag sa ibabaw ng kama at isinuot bago humarap muli sa salamin. Para akong baliw na inensayo pa ang pagngiti.I can’t believe I changed into another person… to the new me.The ‘Matti’ who used to down herself because of insecurities and low self-esteem is now wearing her thick and strong faith with her.Five years and I’m turning into a grown woman. And by years, I’m still growing.It’s an unending process to be a grown woman. It will take a lot of process. It will take a lot of time. And it will take a lot of words f

  • What is Love   Chapter 34

    What is Love?“Sad beautiful tragic”“Some promises are worthy to keep. But they can’t last long.”Iyon ang pambungad ko sa puntod ni Adi - ang kapatid ni Axl.I can see her beautiful smile through her picture inside her columbarium niche which was covered by thick glass.Sa ngiting iyon ay mas naaalala ko si Axl. Parehas na parehas sila ng ngiti. Hindi mo aakalaing magkapatid sila pero pakakatitigan mo lang, makikita mo kung saan sila nagkakapareha.“I’m still so proud of your brother, Adi.” Mahinang bulong ko dito. “I brought you your favorite flower.”Inilapag ko ang vintage style vase of peace lily.I bent down on my knees so I could smell the scent of the flowering plant I gave her. As if it would literally calm my senses.“I did some research about your favorite flower, Adi.” Ngumiti ako bago magpatuloy sa pagkukwento. “Buti na lang hindi mahilig sa pusa ang kapatid mo,” bahagya akong napangisi sa sinabi ko. “Kasi nalaman ko na poisonous pala sa pusa ang

DMCA.com Protection Status