Share

Chapter 3

Author: Ukiyoto Publishing
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56
 

What is Love?

“It’s sad that some people fight for the wrong love.”

 

Dapat ba akong matuwa na nandito si Papa sa sala? Parang unang pagkakataon yata ito na hinintay niya ang pagdating ko? O baka nag-assume lang ulit ako.

Nag-angat siya ng tingin mula sa pakikipag-usap sa cellphone. Ilang segundo pang nanatili sa akin ang tingin niya bago siya tumalikod ulit. What? Am I really expecting he’s waiting for me? Baka naman napa-aga lang siya ng uwi, Matti.

Naglakad ako patungong hagdan. Agad akong bumaling nang marinig kong tinawag niya ako. Kahit ilang beses pa akong mawalan ng pake sa kaniya, marupok pa din ako kapag tungkol na kay Papa. Mukhang nabigla siya sa reaksyon ko ngunit napakunot ang noo niya nang matitigan pa ang aking mata. Pinagtaka ko iyon hanggang sa naramdaman kong mahapdi iyon.

“Have you cried?”

Nabigla ako. Anong sasabihin ko? Hindi naman kami nag-uusap ni Papa ng ganito. Sasabihin ko bang oo? At kung sasabihin ko iyon, itatanong niya kung bakit. Sasabihin ko bang siya ang dahilan?

“Ang pula ng mata mo.” Dapat pala hindi na ako lumingon. Minsan talaga, hindi ko maintindihan ang sarili ko. Gusto kong binibigyan niya ako ng atensyon katulad ng kung paano siya makipag-usap sa mga step siblings ko pero may mga oras din naman na ayaw ko na lang siyang makita.

Now that we’re face to face again, naalala ko na naman ang dahilan ng pag-iyak ko. Akala ko naiintindihan ko na kung gaano nahirapan si Papa na pakasalan ang taong hindi na niya mahal. Pero kapag naiisip kong si Mama ang babaeng iyon ay napapalitan ng galit ang puso ko.

“Aakyat na po ako.” I was glad for a second thinking he could’ve been waiting for me. Not when I heard Iris’ voice when I’m already upstairs.

Mula sa taas ay hinagilap ko sila ng tingin.

“Ang sweet mo naman Pa.” yumakap si Iris kay Papa na sinuklian din nito. Hindi ko maiwasang pangilidan ng luha. “Hinintay mo pa talaga ako makauwi.”

Ang lambing ng boses niya. Ang ganda pa niya. Mabait. Maalaga. No wonder why Papa is so sweet towards her. That moment when my father kissed her forehead, I lost control. Pinilit kong kaladkarin ang sarili ko papuntang kwarto.

Padabog kong ibinagsak ang sarili sa kama. Ipinikit ang mga mata at naglabas ng mahihinang mura. Nakakasawa na ang ganitong pakiramdam. Kailan ba ako magiging manhid? Tanggap na dapat ng dibdib ko ang mga ganitong sakit. Immune na dapat ako pero bakit ganito na naman? Nakakaasar. Kahit ilang beses akong mapagod, hindi pa din natatapos. Kahit masanay pa ako sa mga nangyayari, masasanay lang. Pero masasaktan pa din.

Akala ko noon ang hindi legal na mga anak ang kailangang manghingi ng atensyon ng ama. Ako na anak pala ang may kailangan non. He’s so unfair. Nagpakabuti naman ako sa school. I’m also quite sure I’ll be graduating with honors. Hindi ko naman pinapasakit ang ulo niya. Kahit paglikha niya ng curfew, sinunod ko din. Ang kagustuhan niyang magpakasal ulit, pinayagan ko na din. Umaasang sa mga ginawa kong iyon ay maging maayos kaming dalawa. Na hindi na namin kailangang maging malapit lang sa isa’t-isa kapag nandyan si Mama.

I did everything for him because I know that’s how much I love him. Iyon nga lang, baka hindi naman talaga ito ang tunay na pagmamahal. Just like what he told me when I was still young. Love is Happiness. Kaya niya nagawang magpakasal ulit. Kasi kung hindi siya masaya, hindi iyon pagmamahal. Ama ko siya pero doon pa lang, magkaibang-magkaiba na kami. Kung magkaka-anak ako ay hindi ko tutularan ang ama ko. I can sacrifice my happiness for my children’s joy. Something he can’t do for me.

Hindi ako makapaniwala. Parang hindi man lang siya nag-aalala.

Nausok ang ilong ko sa sobrang yamot. Sa halip na naiyak ako dahil sa sakit, mabibigat ang mga paang nagtungo ako sa bathroom. Kailangang matanggal ko ang galit na ‘to. Ayaw kong matulog nang may sama ng loob. Hindi sa kaniya, kundi sa sarili ko. Ang sama ng loob ko sa sarili ko dahil sa pagbubulag-bulagang may halaga ako sa tatay ko. ‘Yung sama ng loob ko sa kaniya, matagal na sanang nakabaon kung kahit minsan ay tinanong man lang niya ako kung ayos lang ako.

Nakababad ang katawan ko sa tubig habang malayo ang tingin. Dinig na dinig ko ang malakas na kanta sa music player.

I hope you know, I hope you know

That this has nothing to do with you

It's personal, myself and I

We've got some straightenin' out to do

I hum along with the beat of the song. Hindi ako maka-relate sa lyrics but it’s way better than listening to some lovesick song. Ramdam ko na nga ang lungkot, dadagdagan ko pa ba?

And I'm gonna miss you like a child misses their blanket

But I've got to get a move on with my life

It's time to be a big girl now

And big girls don't cry

It’s time to be a big girl now. And big girls don’t cry. I hope that’s just an easy thing to do.

Tumunog ang alarm ng cellphone ko sa mini desk sa tabi ng tub. That saves me from being a dramatic girl again. Sa tabi nito ay may soft towel na siyang kinuha ko para ipantakip sa katawan ko.

Hindi ko sinara ang pinto ng banyo kaya dinig ko pa din ang kanta paglabas ko. Dumiretso ako sa walking closet at naghanap ng damit pantulog bago ako umupo sa tapat ng mirror vanity table ko. Nagsimula kong i-blower ang mahaba kong buhok.

“It’s okay if you’re hurting… at least you’re not alone.”

Napatigil ako sa ginagawa ko. Napatitig ako sa repleksyon ko sa salamin.

“Hindi ka daw mag-isa.” Bulong ko sa sarili ko. “Pero wala ka pa din kasama.”

Ipinagpatuloy ko ang pagbo-blower pero di na ako nakatingin sa salamin. Naiirita ako kapag nakikita ang sarili ko. Nakakaawang tingnan.

Pinatuyo ko ang buhok ko bago ako tumayo. Hindi naman ako mahilig sa skin care routine kaya dire-diretso ang tungo ko sa kama. I pulled the blanket so I can lay down now but a memory suddenly play before my eyes.

Malawak ang ngiti ni Mama nang pumasok siya sa kwarto ko. Napangiti ako dahil doon. Ilang taon ko nang hinahanap ang mga ngiting ‘yan Mama. Gusto ko siyang lapitan at yakapin pero hindi ako ang binisita niya ngayon. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa maglakad siya patungo sa isang babaeng nakaupo sa tapat ng mirror vanity table. Niyakap niya ito mula sa likuran kaya nagtawanan sila.

My mom keeps on visiting me… the old me. Palagi niya akong dinadalaw pero hindi talaga para sa akin. Palagi siyang dumadalaw pero hindi ako iyon.

“Ma…” nangangatal ang boses na tawag ko sa kaniya. Hindi ko na naiintindihan ang pinag-uusapan nila. Tanging sa kaniya lang ako nakatingin.

Humakbang ako palapit sa kaniya. “Ma, miss na miss na kita.” Inangat ko ang aking kamay para mahawakan siya. Ngunit nang malapit nang dumapo ang kamay ko sa kaniya ay nag-angat siya ng tingin sa akin at ngumiti na para bang nakikita niya talaga ako.

Katulad ng mga bula ay naging ganoon din siya. Kahit ilang beses pa akong kumurap at lingunin ang bawat sulok ng kwarto ko ay wala na ulit siya. Palagi niya akong binibisita pero hindi niya ako kinakausap. Mas gusto niyang kausapin ang babaeng kamukha ko.

I shook my head. Nagpatuloy ako sa paghiga at nagtalakbong ng kumot. Hindi ako baliw. Hindi ako nababaliw. Hindi ko kailangan magpatulong sa mga doctors. Kaya ko ‘to.

Tuluyan na ngang tumulo ang luha ko. At dahil iyon sa lintik na delusion iyon. Sana last na ‘to. Last na ‘to.

NAKATULUGAN ko ang pag-iyak ko kagabi. Maaga akong nagising kaya naman maaga akong nagpahatid kay Tatay Hector sa school. Nagkita lang kami ni Dessa noong lunch dahil busy siya. Sa bagay, December na. Malapit na matapos ang first sem ng lahat. Sinigurado ko na lang na kaniya nga ang ginagawa niya at hindi na sa iba niyang kaklase.

Speaking of the devil, panay ang pag-irap ng mata niya sa tuwing magkakasalubong kami sa hallway. As if I care about her eyes. Mamatay na lang siya dahil sa kaartehan niya. Sa halip na mahiya, mas lumakas pa yata ang loob niyang magtaray. Akala mo naman ay may kalalagyan ang ganda niya. Kung may ganda nga ba siya. Parang wala naman.

Ipinokus ko ang sarili ko sa mga requirements for this sem. Nang maghapon na ay umasa akong si Axl ang susundo sa akin pero nang makarating ako ng parking lot ay si Tatay Hector pa din ang nandoon. Gusto ko sana siyang tanungin, hindi ko lang naituloy dahil nagdadahilan na agad ako sa sarili ko kung bakit ko pa gagawin iyon.

Akala ko kasi ay pag-uusapan namin kung anong plano para hindi matuloy ang kasal. Tutal matalino naman siya kaya baka madali na sa kaniya ito.

Noong araw na iyon ay sinabi ko sa sarili ko na baka kinabukasan ay ito na ang makikita ko. Wala akong contact dito kaya wala kong choice kundi ang hintayin na ito ang sumundo o maghatid sa kin. Pagkauwi ko ay wala ang aking ama at stepmother. Si Euriel at Iris ang naabutan ko na nag-aasaran sa sala. Natigilan sila nang pumasok ako. I wanted to be nice to them so I’m planning to give them a smile. But before I can even do that, they refuse to look at me.

Do I really look like a bitch? Inirapan ko ang sarili ko. Pinigilan kong bigatan ang mga hakbang ko. Naiinis ako pero masisisi ko ba sila? Ano bang mukha meron ako? Kailan ba ako uuwi nang hindi maiirita?

Nang makarating ako sa kwarto ay hindi ko na matandaan kung saan ko basta ibinalandara ang bag ko. Dire-diretso ako hanggang sa makarating ako sa vanity table. Nang makita ko ang sarili sa salamin ay ngumiti ako. Ipinosisyon ko pa ang mukha ko sa iba’t-ibang anggulo, naghahanap ng magandang anggulo kung paano ako magandang tingnan. ‘Yung hindi nila mami-misinterpret ang expression ko. I’m just tired of explaining myself to me. Kailangan ko pang paalalahanan ang sarili kong hindi ko naman kasalanan na nami-misinterpret nila ako. Pero ganon na din ‘yun. Mukha ko ‘to kaya kasalanan ko na din.

Napangiwi ako sa sariling repleksyon. Plastic ng ngiti mo Matti. Ka-imbyerna ka.

Umalis ako doon at nagdesisyong magpalit na lang ng damit. Kinagabihan ay mag-isa akong kumain sa hapag. Male-late daw ang uwi nina Papa at Tita Eleanor. Nasa sala sina Euriel at Iris. Dinig ko hanggang dito sa dining area ang tawanan nila. Napabuntong-hininga ako. Para kasing may nadaang anghel kapag nakikita nila ako. Parang takot na takot silang gumawa ng kahit na anong ingay kapag nandyan ako.

Binilisan ko ang pagkain. Kung bakit ay dahil nakakalungkot na mag-isa na naman ako. Hindi siya maganda sa mga overthinker na katulad ko. Kakalabas ko pa lang ng dining area ay tahimik na agad sila. Hindi muna ako humakbang. Naisip kong mas matanda ako sa kanila. Baka naman maalala nilang batiin ako. Pero lumipas ang ilan pang segundo ay nakayuko pa din sila sa ginagawa nila. Kulang na lang ay isubsob na nila ang mukha sa mga papel.

Aalis na sana ako nang makita ang camera sa glass table. Bukod doon ay meron ding gitara sa tabi ni Euriel. Naalala ko na may vlog account nga pala silang dalawa. Sinubukan kong panoorin iyon noon. Puro music ang content… nung hindi pa sila part ng family. Simula nang maikasal ang Mama nila at ang Papa ko, madalas sa vlog nila ay kasama si Papa. Kung hindi pa nga nila naging guest si Papa sa vlog nila ay hindi ko pa malalaman na marunong palang kumanta si Papa. Kaya simula noon, hindi na ulit ako nanood ng vlog nila. Nabi-bitter lang ako.

“Is that yours?” kung ayaw nila akong kausap, pasensya sila dahil mas matanda ako sa kanila at ako ang unang anak. Natigilan silang dalawa nang marinig ang boses ko. Nagkatinginan muna sila bago magkapanunod na tumingin sa akin.

“Sa akin po.” Napakunot ang noo ko kay Euriel. Ngayon ko lang siya nakita na hindi naka-salamin. At bukod doon ay ginamitan pa niya ako ng “po”. Hindi naman talaga nakaka-offend. Nakakapanibago lang. “Ate.” Dagdag niya nang makita ang reaksyon ko.

Nang lumipat ang tingin ko kay Iris ay iniwas niya ang tingin.

“May dumi ba ako sa mukha?” Ah tanga. Mali pala ang tanong ko. “I mean, ano bang meron sa mukha ko?” parang lalo lang akong nahirapan sabayan ang dalawa. Lalo lang silang napaiwas ng tingin at parang takot na takot.

Ah. Nevermind. Kung ayaw nila akong kausapin, edi wag. Kailangan talaga manlilimos muna ako ng atensyon nila para pansinin ako?

“May banda ba kayo sa school?” Saad ko. Napatingin sila sa akin, gulat. Ako ang nag-iwas ng tingin ngayon. Nakagat ko ang labi ko. Pakiramdam ko ay natutunaw ako sa hiya. Hindi ko talaga gusto ang manlimos ng atensyon ng iba pero mas ayaw kong humiga na naman at magpalunod sa kalungkutan. Kausap lang, kahit ngayon gabi ay tingin ko okay na.

“Po?” bakit ba nangangatal ang boses nitong si Iris kada kinakausap ko siya. I get it. Ngumiti ako para naman mapagaan kalooban nila.

Hindi naman ako mangangagat.

“May banda ba kayo sa school niyo?” ulit ko. Naupo ako sa maliit na sofa na katapat nila. Nakasunod lang sila ng tingin sa akin. “Napanood ko ‘yung vlog niyo. Ang galing niyong tumugtog at kumanta.”

Hindi ko maintindihan ang reaksyon nila. Parang tinatawag sila ng kalikasan dahil sa mga hitsura ng kanilang mukha. Nanginginig ang naging pagtawa ni Euriel.

“Salamat po… Ate.” Napangiwi ako sa tinawag niya sa akin. Ang inosente niyang tingnan pero kahit ganon ay mas matangkad pa rin siya sa akin kaya ang baduy na naririnig ko siyang tinatawag akong ate.

“T-tunay po ba?” napalingon ako kay Iris. Hindi pa rin siya makatingin sa akin. Kung hindi ko lang alam na mabait siya ay iisipin kong may ninakaw siya sa akin kaya ganyan siya ngayon.

“Na ano?”

“Na n-nanonood po kayo ng vlog namin?” tumango ako.

“Talaga po?” nabigla ako sa kasabikan niya. Ganon din siya, nabigla sa sariling reaksyon. “P-pasensya na po, natuwa lang.” napangiti ako. Ang cute nila kapag nahihiya. Parehas namumula ang pisngi. Gusto ko sanang itanong kung kambal sila. Di ko na lang itinuloy.

Mahigit isang taon na kaming magkakasama sa iisang bahay pero ang simpleng kaalaman kung kambal ba sila o hindi ay hindi ko pa alam. Nagmental note na lang ako na pag-akyat ko sa kwarto ay mags-subscribe ako sa channel nila.

“Can you play a song for me?” Nagkatinginan ulit sila. Napapangiti na lang ako ng palihim dahil sa mga reaksyon nila.

Kinuha ni Euriel ang gitara. Napansin kong nangangatal ang kamay niya. Si Iris naman ay pilit pinupunas ang kamay sa paldang suot.

“A-ano pong gusto niyong kanta?” wala akong naisagot agad. Wala naman kasi akong naging paboritong kanta.

“Kayong bahala.” Nagkatinginan ulit sila. Konting ganyan pa nila, iisipin ko na kaya nilang mag-usap gamit lang ang mga mata. Nagbulungan pa sila. Hindi ko na lang iyon pinansin para hindi na madagdagan ang takot nila. Hinintay ko na lang hanggang sa may maisip silang kakantahin.

“S-sana po magustuhan mo Ate.” Nakayukong saad ni Iris.

I wonder why they are like this. Kapag nasa harap sila ng camera ay full naman ang confidence nila. Hindi sila ganito ka-tahimik. Parang sanay na sanay silang magsalita. Socially active, kumbaga unlike me.

Sa pag-strum pa lang ni Euriel ng kaniyang gitara ay nakatutok na agad ang mata at tainga ko sa kanila. Umayos ako ng upo nang mapansin na pamilyar ang tutugtugin nila. This isn’t my favourite song but I somehow love the connections it gave me.

 

When I was younger

I saw my daddy cry

And curse at the wind

Namangha ako sa ganda ng boses ni Euriel. Siya ang nagsimulang kumanta. Maganda ang boses nila sa video, pero mas maganda pala iyon kapag naririnig mo na ng personal.

He broke his own heart

And I watched

As he tried to reassemble it

Dumoble ang paghanga ko nang marinig si Iris na kumanta. Damang-dama ni Iris ang pagkanta. Kaya naman sa sandaling iyon, niligaw na naman ng presensya ni Mama ang paningin ko.

And my momma swore

That she would never let herself forget

I saw how she smiles when she sings her favourite song to me. Years before she left me.

And that was the day that I promised

 

I remember how she cried minutes of talking with Papa before her breathing stopped.

 

I'd never sing of love

If it does not exist, but darlin'

 

You are, the only exception

You are, the only exception

You are, the only exception

You are, the only exception

 

Buti pa ang boses nila, may unity. I appreciate their voices and time to sing for me but I just can’t say I’m satisfied. Lalong bumigat ang dibdib ko dahil sa pagkanta nila. Nakaka-engganyong pakinggan ng boses nila. Sa sobrang ganda ay nakaka-iyak. Kapag sumusobra, nakakasakit.

Being ‘too much’ is always painful. Giving ‘too much’ is always painful. It’s never that beautiful.

Iisang chorus pa lang ang nakakanta nila pero gusto ko na agad umakyat sa kwarto. Gusto ko na lang bawiin ang sinabi ko kanina. Mas nalungkot lang ako. Dapat pala hinahayaan ko na lang ang sarili kong mag-isa. Baka kailangan ko lang talagang makuntento na sarili ko lang ang kailangan ko.

Nag-iisip na ako nang pwede kong idahilan sa kanila para maka-akyat na ako sa kwarto. Saktuhan naman narinig namin ang pagbukas ng pinto. Natigil ang pagtugtog ni Euriel at sabay-sabay kaming tatlo na lumingon doon. Tila nagulat si Tita Eleanor nang makitang nandoon ako. Ganoon din si Papa.

“Aakyat na ako.”

“Po? Agad?” malumbay na saad ni Iris. Nginitian ko lang silang dalawa saka tumayo at naglakad.

“Matti…” sabay na tawag sa akin ni Tita Eleanor at Papa pero hindi na ako lumingon.

“Sumama po ang pakiramdam ko, magpapahinga na ako.” Sagot ko habang naakyat sa hagdan. Wala akong nakuhang sagot kaya minadali ko ang pag-akyat.

Nang tuluyan na akong nasa kwarto ay kinain na naman ako ng kadiliman. Ang masakit pa doon ay natulog akong si Mama ang laman ng panaginip ko. Paggising ko, nag-search pa ako online kung paano matatakpan ang pagpupugto ng mata ko.

 

“HINDI ko na nakikita ‘yung fiancé mo ah.” Nag-angat ako ng tingin kay Dessa. Nasa library kami dahil nagkaroon kami parehas ng vacant time, magkasabay pa ng oras.

“Interesado ka na sa kaniya?” biro ko. Umiling lang siya, hindi inaalis ang tingin sa cellphone na hawak.

“Bakit ako magiging interesado sa fiancé ng kaibigan ko? That’s red flag.” Napakunot ang noo ko sa naging sagot niya. Parang may laman ang sinabi niya.

“Anong sabi mo?” curious na tanong ko.

“Sabi ko,” inilapag niya ang cellphone sa lamesa at tumingin sa akin. “Bakit naman ako magkakaroon ng interes sa fiancé ng kaibigan ko?” napa-ismid ako.

“Why do I feel like you sound so bitter?”

“Bitter? Ako?” marahas ang naging pag-iling niya. Hindi maipinta ang mukha. “Sinasabi mo bang may gusto ako sa fiancé mo?

“Sinabi ko ba?”

“Edi iniisip mo nga?”

“Wait nga.” Natawa ako. “Bakit ba parang galit ka?”

“Galit ba ako?” pagmamaang-maangan pa niya bago ibinalik ang atensyon sa cellphone.

Pinagmasdan ko siya. She’s secretive. Kung hindi ko pa malalaman sa iba ay hindi pa niya sasabihin. Mabuti na lamang at mabilis siyang madulas sa mga salitaan niya. But she’s so transparent. Kaya alam ko kung kailan siya may nililihim.

“Hindi ako galit.” Sabi niya nang makitang nakatingin pa din ako sa kaniya.

“Wala naman akong sinasabi.” Pero alam kong may tinatago na naman ‘to. Tanggap ko naman na hindi lamang ako ang kaibigan niya. May mga kaibigan siya sa probinsiya, simula bata pa lang. May mga kaibigan din siya sa kabilang school at iyon ang madalas niyang kasama bukod sa akin. Baka sa kanila siya nagkukwento ng mga problema niya since wala siyang nababanggit sa akin.

Ibinalik ko sa module ko ang atensyon ko. Nagsimula na lang akong magbasa ulit. Kaso wala na akong naintindihan sa binabasa ko kasi nalipat na iyon sa sinabi niya. Sa linggo na gaganapin ang birthday ko at iniisip ko kung magpapakita ba siya. Ilang araw na kasi siyang hindi nagpaparamdam. Not that I’m demanding for his presence but I was freaking out last night about sa plano naming pagtutol sa engagement. Paano kami makakapagplano kung wala pa din siya hanggang ngayon? For sure, my father will make it official sa birthday ko.

“Huy.” Natauhan ako nang magsalita si Dessa. Nakanguso siya na parang may ginawang masama. “Promise hindi ako galit.”

Napailing-iling ako sa kaniya. As if naman na paglalaanan ko pa ng oras na isipin kung galit siya o hindi, alam ko namang hindi. Inisip niya talaga na iyon ang iniisip ko?

“Alam ko naman.”

“Tumahimik ka kasi bigla.”

“Lagi naman akong tahimik eh.”

“Matti.”

“Mmm?” nagdadalawang-isip pa siya kung sasabihin ba niya kaya hinintay ko siya. Sa huli ay sinimangutan ko siya dahil umiling lang siya. Hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy sa pagbabasa sa mga salitang hindi ko naiintindihan.

“Matti?”

“Mm?” hindi ko na siya nilingon.

“Wala pala.”

Hindi ako sumagot. Akala ko ay wala na siyang balak na sabihin pa sa akin ang gusto niyang sabihin kasi tumahimik na siya.

“Matti-“

“Siguarduhin mo lang na magsasalita ka Dessa,” saad ko nang isara ko ang libro at ibigay sa kaniya ang buo kong atensyon.

“I stalk your fiancé.” Oh. “May girlfriend pala siya?”

Hindi ako sumagot. I just shrugged kahit alam ko.

“Hindi lang pala basta girlfriend. Fiance pa.”

I know. Noong sinabi ni Axl na tunog sigurado daw ako na kasal na siya ay napagtanto kong pwedeng engagement ring iyong singsing na suot niya. Thanks to Dessa, she just gave me the confirmation.

“Kaya nga hindi itutuloy ang engagement namin.”

“Eh?”

“What’s with that face?” she looks disappointed.

“Bakit hindi niyo itutuloy?” hindi ako makapaniwalang tiningnan siya.

“Anong gusto mo? Sirain ko ang relasyon nila dahil lang sa negosyo ng mga magulang namin?” para naman siyang tuta ngayon nang marinig ang sinabi ko. Nakanguso na tumango siya.

“Buti ka pa.”

“Anong buti pa ako?”

“Wala.”

Kinuha ko ang cellphone niya. Profile ng isang lalaking hindi ko pa nakikita kahit kailan.

“Sino ‘to? Hindi mo pa naipapakilala sa akin.” Inagaw niya din kaagad ang cellphone sa akin.

“Wala ‘yan.”

Gusto kong malaman ang iniisip niya. Kung may kwentong love life man siya, gusto kong maging no. 1 supporter niya pero kahit kailan naman ay hindi siya nagkwento about doon.

“Just a friend.”

Tumango lang ako. Curious din naman ako pero ayaw ko na siyang pilitin. Maigi na nako-kontrol ko ang kuryosidad ko. Hindi naman magandang manghimasok ako palagi ng buhay niya kahit kaibigan ko pa siya.

“Matti.” Lumingon ako sa kaniya. Malulungkot ang mga ngiti.

“Adrian.” Napakunot ang noo ko sa sinabi nya. “Adrian Santos. Iyon ang pangalan niya.” Ahhh. I understand now. Tumango ako. “First love ko.”

“Eh? Talaga?” bigla akong natuwa. Lumalakas ang loob ko na asarin siya. Pero mukhang hindi yata kaasar-asar ang lalaking iyon dahil malungkot ang mga mata ni Dessa. ‘Wag niyang sabihing may problema din sila katulad ni Axl at Ate Luna? “Bakit?”

Umiling siya.

“Bakit?”

Napabuntong-hininga siya bago inilapit ang cellphone sa akin. Kinuha ko iyon. Nagtaas ako ng kilay nang makita ang mukha ng kaibigan niya sa picture. Magkatabi sila nung Adrian. Sobrang close. Hindi ko pa masyadong nakilala ang babae hanggang sa magliwanag ang mukha nito sa utak ko. Maganda din ito, iyon nga lang ay alam kong hindi sila magkapareho ni Dessa. This friend of hers is a party-goer unlike her kaya nakakapagtaka na naging compatible silang dalawa. Madalang ko na nga lang siyang makita sa mga post ni Dessa sa facebook.

Napatingin ako kay Dessa nang may mapagtanto. Ibinalik ko ulit ang tingin sa litrato.

“Oh my god.” Sa sinabi kong iyon ay nagsimula siyang humikbi. Nagpanic agad ako. Nasa library pa man din kami. Kumuha agad ako ng panyo sa bag ko at hinigit siya palabas, papuntang CR. Doon ko siya hinayaang humagulhol at ibuhos lahat ng luha.

Hindi siya nagsasalita pati ako. Hinayaan ko lang siya sa ginagawa niya. Pinapanood ko lang siya doon na umiyak. Hindi ko siya magawang i-comfort dahil mas gusto kong nailalabas niya lahat. Isa pa, hindi talaga ako magaling mag-comfort.

“I rejected him because she likes him.” Humahagulhol pa din niyang saad.

Nasa loob siya ng isang cubicle habang ako ay nasa may lababo lang at hinihintay siyang matapos. Sinipat ko ng tingin ang wristwatch ko. Buti na lamang ay may kalahating oras pa para sa last subject namin pareho.

“I saw them kissing each other days after I rejected him.”

Hindi ko gawain na mang-judge ng tao pero bigla na lang sumiklab ang galit ko sa kaibigan niya. I know that feelings is uncontrollable but doesn’t she know the word ‘respect’? That’s red flag! Kissing a boy that your friend’s first love? Should I be glad now that they don’t have any connection anymore? Pasalamat siya kasi hindi kami naging close. Hindi ko talaga kayang i-tolerate ang mga ugaling ganoon.

“Huy! Nandyan ka pa ba?” umirap ako sa hangin.

“Gusto mo ba banatan na natin ‘yang kaibigan mo kuno?” lalo akong napairap nang tumawa siya.

“Ang bitter mo naman. Ikaw ba ang naagawan?” natigilan ako sandali. Hindi ko sinasadyang maisip na maaaring ako ang mang-aagaw kung matutuloy pa ang engagement na iyon. “Hayaan mo na sila. Doon sila masaya eh.”

“Tanga.” Bulong ko. Nagulat ako nang bigla niyang binuksan ang pinto. Nakasimangot siya sa akin.

“Sinong tanga? Ako?”

“May narinig ka bang pangalan mo?”

“Wala.” Dumiretso siya sa lababo. Naghilamos. Ngumiti pa siya sa akin sa harap ng salamin. “Hindi ako tanga. Mahal ko lang sila.”

Naiinis ako sa kaniya. Kahit nasasaktan na siya, ipinagtatanggol pa din niya ‘yung dalawa.

“Bakit kaya kapag nasasaktan ‘yung iba, isinisisi nila sa tao?” nanlamig ang katawan ko sa sinasabi niya. Bakit pakiramdam ko ay para sa akin ang tanong niya. Pero nakatingin siya sa sarili niya sa salamin. “When people are hurt, they always blame the person they loved.”

Nahihirapan akong lumunok. Hindi ako nakatingin sa kaniya nang nilingon niya ako.

“Hindi ko magawang magalit at kamuhian silang dalawa. Choice ko na mahalin sila. At choice ko din na bastedin si Adrian. Choice ko na mas piliin ang pagkakaibigan namin kaysa sa-“

“People will take advantage of you for that. Masyado kang mabait at selfless, magtira ka para sa sarili mo. Kung hindi mo magawang isalba ang sarili mo sa mga ganitong bagay, mauubusan ka.”

Siguro ito ang dahilan kung bakit hindi kami nakakapag-usap ng mga bagay-bagay katulad nito dahil magkaiba kami ng pananaw sa buhay. Umalis ako doon at bumalik sa library. Inayos ko na ang mga gamit ko nang maramdaman ko ang presensya niya. Ayaw kong isipin niya na hindi ko gusto ang kabaitan na meron siya sa kaibigan niya kaya tiningnan ko siya. Parang wala lang nangyari. Masigla na siya ulit.

“I know we’re different. But I never want you to abuse the love you have for someone. Choose yourself before you choose others.” Ngumiti siya. Nabigla ako nang yakapin niya ako. Hindi ako nagsalita. Nang umalis siya sa yakap ay nakangiting-aso na siya.

“Pwede magpahatid? Naubusan ako ng pera pamasahe eh.”

Inirapan ko siya. “Hindi ako nagpapasakay ng marupok sa-“

“HINDI AKO MARUPOK NO!” nagulat ako dahil napasigaw siya. Minadali ko ang pagliligpit ng gamit dahil nakaani kami ng malalang tingin mula sa librarian.

 

Naging maingay ang biyahe namin dahil isinabay namin si Dessa. Siya ang naging source of happiness sa biyahe. Kaya naman nang maihatid namin siya ay daig pa naming ang namatayan dahil sa sobrang katahimikan. Kinuha ko ang earphone sa bag saka pinalsak iyon sa tainga ko.

I randomly played a song. When I turned my head to look outside, I saw the lively colors partying around the sun that is about to set for a few minutes now. Natulala ako doon. The beauty of the sun is mesmerizing. It’s like telling me that this day can turn out into something… beautiful too?

Nilingon ko si Tatay Hector nang naramdaman kong tumigil ang sasakyan. Inalis ko ang earphone sa tainga ko. Nakatingin siya sa kabilang kalsada. Sa halip na tanungin siya ay sinundan ko ang tinitingnan niya.

Axl?

Nakatayo ito sa harap ng isang restaurant. Ngunit hindi siya nag-iisa. May mga tao doon na sa tingin ko ay crew sa restaurant na iyon dahil sa pare-parehas na uniform na suot nila. Parang may celebration?

“Anong ginagawa diyan ni Sir Vergara?” hindi ko nagawang sagutin si Tatay Hector. Wala akong alam na isasagot.

Parehas namin pinanood ni Tatay Hector ang paglilinya ng mga crew. Hindi ko na din namalayan na nakapatay na pala ang makina ng sasakyan. Tutok lang ako sa nangyayari sa labas. Madaming tao. Nakakapagtaka.

Napakurap ako nang makita ang pamilyar na pigura ng isang babae. Looking so elegant, she made her way towards him. Hinabol ko siya ng tingin. Ang nakakainis ay dumadami ang tao kaya kinailangan ko pang lumabas ng sasakyan para makita sila.

Nag-uusap na sila. Kinikilig ang ibang nanonood. Madami din ang kumukuha ng video. Pero ang bigat ng pakiramdam ko. Hindi maganda ang nasa isip ko.

Nag-iritan ang karamihan nang lumuhod si Axl habang nakaangat ang sa tingin ko’y singsing. Sa halip na kiligin katulad nila ay nakaramdam ako ng awa kay Axl. Hindi katulad noong huli kaming nagkita ay pumayat siya ngayon. Bagsak ang katawan niya na para bang nalulong siya sa trabaho ng ilang buwan.

Nakita kong umiiyak si Luna. Nakakuyom ang mga kamay niya. Nang masigurado ko na ang maaaring mangyari ay agad akong lumiban. Nakarinig ako ng mura at ilang busina pero hindi ko na sila pinansin. Bago pa man ako tuluyang makalapit ay nakaalis na si Luna, higit-higit ang isang hindi kilalang lalaki. Magkahawak ang mga kamay ng mga ito.

Luna, what’s really holding you back? She’s so obvious. Mahal naman niya pero tinutulak niya pa din palayo.

Nagsimulang dumagundong sa tainga ko ang samu’t-saring reaksyon ng mga taong nandoon. Nakaluhod pa din si Axl. Nakayuko. Halatang pagod na. Lumapit ako nang hindi niya namamalayan.

“Axl.”

Nag-angat siya ng tingin. I can say that because of exhaustion this situation gave him, he isn’t even surprised I’m here. Wala sa sariling tumayo siya at naglakad palayo, leaving me. I know that people are now taking video of me. Naguguluhan na sila.

Sinundan ko ng tingin ang papalayong si Axl.

From my mother, to my best friend… now to Axl, I realized something.

It is true that some people fight for the wrong love.

 

 

 

 

 

 

 

 

Related chapters

  • What is Love   Chapter 4

    What is Love?“Light feelings can happen too in times of darkness.”“Ma’am Matti.”Doon ko lang napagtantong kanina pa pala akong nakatingin sa lugar kung saan dumaan at nawala si Axl. My heart is breaking for him. I want to help him. Pero ano namang mapapala ng tulong ko kung siya nga na mahal ni Luna ay hindi pa din kayang makipag-balikan? Siya nga na mahal na mahal ang babae at ginagawa ang lahat ay walang nangyari, sa akin pa kaya?I’m too young to know much of how love goes. But I wonder, isn’t it unfair? Why people fight for the wrong love? They are wasting so much time for that.Nang harapin ko si Tatay Hector ay nakalapit na siya.“Tumawag po si Sir. Hinahanap ka na sa bahay.” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Nakakapagtaka naman na maagang umuwi si Papa at pinapahanap ako. Kahit naman yata gabihin ako ng uwi ay wala siyang pakealam.“May sinabi po bang rason kung bakit niya ako hinahanap?” nagbaba siya ng tingin sa hawak na phone saka matigas ang pagtan

  • What is Love   Chapter 5

    What is Love?“What scares you?”“Matti?”Sa paglingon ko ay sinalubong ako ng nakangiting si Mr. Vergara. Sa tabi nito ay si Mrs. Vergara na malapad din at welcoming ang ngiti sa akin. Gustuhin ko pa man na umiwas ay binigyan ko na lang din sila ng ngiti. “Happy Birthday, hija.” Nakipagbeso si Mr. Vergara sa akin, ganoon din si Mrs. Vergara na sobrang lambing pa nang yumakap sa akin.“Happy Birthday, sweetie.” Ngumiti ako at nagpasalamat. Her warmth suddenly reminds me of my mom.“Axl?” nagugulat na napatingin ang mag-asawa sa taong nasa likod ko. “Akala ko ba ay ayaw mong pumunta?” napataas tuloy ang kilay ko sa narinig. Nilingon ko si Axl na kumportable lamang na nakatayo habang walang emosyong nakatingin sa magulang.Pinagmasdan ko ang suot niya. He’s wearing a cocktail attire completing with a jacket, shirt and a pair of dress shoes. Navy Blue ang kulay ng suot niya - na sa tingin ko ay Brioni’s suit dahil madalas sa attire ni Papa ay ganoon – na katulad pa

  • What is Love   Chapter 6

    What is Love?New FeelingsHindi ko na matandaan kung anong oras kami nakauwi basta sobrang sakit ng ulo ko kinabukasan. Mabuti na lamang at clearance lang ang ipupunta ko sa school ngayong araw. Pwede kaming pumasok anytime na gustuhin natin. Nang makitang alas-otso na ng umaga ay gusto ko pang makabawi ng tulog tutal ay isang linggo naman ang ilalaan namin sa clearance pero naalala kong may pupuntahan pa akong mini concert mamayang hapon. Ayaw kong ma-hassle. Iniwasan kong magmura dahil sobrang aga pa.Pupungas-pungas akong bumaba para makakain na. Nanliliit ang mga mata ko nang maabutang nasa dining area pa din ang magkapatid.“Akala ko ba maaga dapat ay nasa school na kayo? May mini concert kayo para mamaya diba?” dahil nag-aayos sila ng mga pagkain ay hindi nila ako nakitang pumasok kaya naman nagulat pa sila.“Good Morning, Ate.” Lumapit sila sa akin nang makabawi agad sa pagkakagulat saka binigyan ako ng halik sa pisngi.“This is for you.” sabay na saad n

  • What is Love   Chapter 7

    What is Love?It is sad that the world needs more people like you...I was hoping that the dinner tonight would have a lot of stories to tell. Pero sobrang kabaligtaran iyon ng naiisip ko. Sobrang tahimik nilang lahat. “Ang ganda ng performance niyo.” ako ang unang bumasag ng katahimikan.I really appreciate their voice. Even though hindi lang para sa akin dedicated ang kanta dahil para iyon sa lahat ay hindi ko pa rin mapigilang maging proud sa kanila.First time ko pang magkaroon ng kapatid kaya naman sobrang saya ko. Iyon nga lang, mukhang hindi naman sila masaya.“Salamat po, Ate.” nakangiti man ay alam kong may ibang bumabagabag kay Iris. Tiningnan ko si Euriel na sa pagkain lamang ang atensyon, parang galit pa sa utensils na gamit.“Sure kayong hindi talaga kayo magkaaway?” sabay silang lumingon at umiling.Ang bigat ng pakiramdam ko sa turingan nila ngayon. Gumawa lang ng paraan si Euriel upang mabawasan iyon dahil inabot niya ang ulo ni Iris. Tiningnan

  • What is Love   Chapter 8

    What is Love?The thing underneath the treeWhen people grow up, they realize things. They tend to ask a lot of questions and they tend to find answers for that. They want to satisfy their wants as they realize that some things aren’t enough for them. But to be honest. I don’t really know why I’m saying things like this.I went downstairs as soon as I wore my pair of red socks. Iba kasi ang simoy ng hangin ngayong taon lalo na ngayong gabi bago ang araw ng pasko. Suot ko din ang puti kong sweater na itinerno ko sa aking makapal na warm winter leggings. Tama nga si Dessa nang sinabi niyang may saltik kami. Malamig na nga, bukas pa ang air con.Naabutan ko silang inaayos ang mga gifts sa ilalim ng christmas tree. This feeling was gone for years. The feeling that is flaring up right now must make it feel familiar but because of the absence of it for a long time felt surreal this time.So it’s really possible. Things that couldn’t happen for so long can happen once m

  • What is Love   Chapter 9

    What is Love?The smile that can never grow oldUnlike my previous christmas break, hindi gaanong kaboring ang naging mga araw ko pagkatapos ng pasko. Dahil busy si Papa sa munisipyo at may inaasikasong business si Tita Eleanor ay kami ng mga kapatid ko ang naiwan sa bahay. Tanghali na akong nagising kanina kaya paglabas ko ng kwarto kanina ay wala na agad sila.Nakakatuwa dahil matapos ang pasko ay madalas na kaming nakakapag-usap ni Papa at ni Tita Eleanor. Parang normal lang na mag-anak na nawalay lang dahil may nagtrabaho sa ibang bansa.Ayos na ang lahat, sa tingin ko. Wala masyadong nangyayari maliban sa madalang na pagtawag ni Dessa dahil mahina daw ang signal sa probinsiya nila. Sinabi kong okay lang din naman dahil oras niya talaga iyon kasama ang kaniyang pamilya. Siguro ay iniisip niyang magiging katulad na naman ng mga kadramahan ko last year ang mangyayari ngayon pero sinigurado ko sa kaniyang ayos na talaga ako ngayon.Hindi nga din ako makapaniwala.

  • What is Love   Chapter 10

    What is Love?The recipe to last long“GA-GRADUATE NA TAYO!” natawa ako kay Dessa.Nandito kami ngayon sa veranda ng aking kwarto, ako na nakaupo sa metal patio chairs habang siya ay nasa hammock sa may gilid at pinagmamasdan ang kaniyang graduation picture.Ilang araw na nga lamang ang hihintayin namin at official na naming matatawag ang sarili naming graduate na. Kitang-kita kong sobrang saya niya habang pinagmamasdan ang sariling larawan. Parehas lang naman kaming magtatapos pero mas kita ko ang kagalakan sa kaniya.“Ilang taon na lang,” bulong niya na narinig din ng aking tainga.Kaya pala tuwang-tuwa siya. Hindi man ako ang nasa posisyon niya pero masaya din ako dahil doon. Hindi katulad namin ay hindi madaling magpa-aral dahil hindi naman nila nakukuha agad-agad ang pera. Pinagtatrabahuhan nila iyon. Sa mga taong kagaya niya, hindi graduation picture ‘lang’ iyon, it’s more than that.“Magbabakasyon na. Saan tayo?” Nang lumingon siya sa akin ay pasimple kong

  • What is Love   Chapter 11

    What is Love?Insecurities and OverthinkingProbably because of the avoidance I’m doing with Axl, they’d come to realize what’s going on. “Hindi pa nga kayo mag-asawa, nagkakaganyan na kayo.” Umikot ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Lola.Hinawi niya ang puting kurtina at binuksan ang bintana kaya napapikit ako sa nakakasilaw na pagbungad ng araw sa aking mukha.“Lola, ang aga pa. Kakasikat pa lang ng araw oh-”“Mataas na nga ang sikat ng araw, hija. Tumayo ka na diyan at hindi pwedeng hindi tayo matutuloy. Nakahanda na ang lahat pati ang mga kapatid mo, ikaw na lamang ang hindi.” nakatakip ang aking kaliwang kamay sa aking mukha nang sundan ko siya ng tingin patungo sa pinto.“Ginising mo sina Iris?”“Why?” maarteng nagpa-meywang siya.“Hindi sila natakot sa ‘yo?” pang-aasar ko. Hindi ko pa din nakakalimutang palagi siyang kinatatakutan ang mga nagiging kaklase ko dito noong elementary pa lamang ako. Mukhang hindi pa rin sya nagbago kahit sa loob ng dalawang

Latest chapter

  • What is Love   About the Author

    About the AuthorNethaniah Miesha (Author's pen name) is an eighteen year old college student who's been fond of written literature and novels since her childhood. Even though she's been a fan of writing stories, she couldn't find the motivation to finish a story until 'What is Love?'. She believes that her writing has a purpose and that she's writing for a reason.

  • What is Love   Epilogue

    "Know the healer."I smiled as I roamed my eyes around the room. Everything is in its perfect places right now. Everyone is listening attentively.Every hanging word I've spoken left them admired. I can't blame them. These words are the words from our God.Time flies so fast."He is life. And he brings healing."Tumigil ang aking mata sa babaeng nakasuot ng white floral dress. Nakaupo ito sa unang row ng upuan. She's looking at me with full of admiration and her eyes are screaming that she's so proud of me.Ngumiti ito nang maglapat ang aming mga tingin. "I love you," I read her mouth.Hindi ko nagawang sumagot dahil nagpatuloy ako sa pagtuturo.This isn't the first time I did this but this still feels like the first. Everytime feels like the first time.Natapos ang sunday service ay nagtipon-tipon na ang mga leaders and members nila para sa life group. Habang magkakasama sila sa kani-kanilang grupo ay hindi ko mapigilang pagmasdan silang lahat. Ang iba ay nag-iiyaka

  • What is Love   Chapter 40

    What is Love?“LOVE NEVER FAILS”"Some books are meant to be close to halfway reading it because it's not worth reading anymore." Ito ang huling linya ko sa pagtuturo ng prayer meeting. "But there is only one book that will never fail you. It contains His words and promises. The book that tells you that love never fails."Mula dito sa maliit na entablado sa unahan ay kitang-kita ko ang mga nangingilid na luha sa mga mata nila.Sa kabila non ay lalong sumigla ang dibdib ko sa nakikita ko.Through His words, it will never fail His children."May ibang bagay na hindi mo nakukuha kahit ilang beses mong ipagdasal. Hindi dahil binigo ka. Hindi ka kailanman kayang biguin ng Diyos. Iyon ang pag-ibig. He provides you the best plan you can ever encounter."I, once again, smile."You may not see it now, but someday, you will."The prayer meeting starts at three am and it lasts for almost three hours."Tay, uuwi na po kayo?" Nilingon ko si Grace matapos kong magpaalam kay

  • What is Love   Chapter 39

    What is Love?“Love always wait” "I knew what's going on with you and Iris, Euriel.""What can I do, Kuya? I love her.""You have to let go.""No, I can't."Those memories played one more time in my head.I wish I could finally regain those I've lost. I am tired of the never-ending headaches. I was completely a naive man trying to remember something that's leading my heart in vain.Euriel...Iris...Dessa...Matti..."Hey," boses ni Luna ang nagpatigil sa akin sa pag-iisip. "How are you?"Napatitig ako sa kaniya. Hindi ako makapaniwalang lumipas ang ilang taon na wala na talaga kami. Ang pagkakatanda ko ay lumalaban pa ako. Sigurado at determinado akong mabuo ulit kaming dalawa.I always think of not wasting every time and moments we spent together.Paanong nangyari ito?She's now five months pregnant. And Tony - my brother - is the father."Aren't you hungry?"Umiling ako saka nilipat muli ang atensyon sa TV. It's been months now since I got out of t

  • What is Love   Chapter 38

    What is Love?“Love stays”Warning: This chapter contains harmful scenes. If you find it disturbing, kindly skip this one.Ayaw akong makita ni Mommy. Hindi niya ako hinayaang makausap siya matapos ang gabing iyon. Sa kabila ng paglalasing ay pakiramdam ko ay nahihimasmasan ako dahil sa nangyari.Sinalubong ako ng madilim at tahimik na kwarto ko. Alas-tres na ng madaling araw. Hindi nawawala sa pakiramdam ko ang pagbigat ng talukap ng aking mata.Nakakapagod. Ano lang ba ang ginawa ko sa buong maghapon? Naghabol lang naman ako kay Luna. Pinilit magpaliwanag ngunit ayaw naman pakinggan. Sinubukan itama ang mali niyang iniisip tungkol sa akin pero hindi niya ako binibigyan ng pagkakataon na gawin iyon.Nakatitig lamang ako sa kisame habang lumilipad ang aking isip. I'm lying at my bed horizontally."I'm sorry I couldn't celebrate our birthday, Adi."Wala akong nakikita kundi ang dilim na lalong nagpa-alala sa akin ng panahon na nawala at hindi ko nailigtas ang kap

  • What is Love   Chapter 37

    What is Love?“Love pursue”Hindi ko kayang umalis sa tabi ng kabaong ni Adi.Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Ni hindi ko man lang natugunan na mangyayari ito. Walang ideyang ganito ang mangyayari sa akin, o kay Adi.I was just staring at my cell phone. On my call logs, there's that 32 seconds phone call with her.Gusto kong magwala.Galit na galit ako sa sarili ko. Isa ako sa may kasalanan ng pangyayaring ito maliban sa hayop na demonyong iyon.Kahit saang anggulo tingnan, malaki ang parte ko dito.Putangina, hindi ko makayanan tingnan ang sarili ko sa salamin. Ang lakas pa ng loob ko na tumabi sa kaniya ngayong gabi matapos nang hindi ko pagtugon sa kaniya.Umiiyak siya nang tawagan niya ako.Ngunit wala pa din akong ginawa.I couldn't afford to look at her through that glass barrier of her casket."Anak?"Pag-angat ko ng tingin ay ang pugtong mata agad ni Mommy ang sumalubong sa akin. Kahit siya ay hindi ko matingnan kaya

  • What is Love   Chapter 36

    What is Love?“Love tests”Warning: Mature Scenes and Foul Language may be encountered at this chapter. If you find it disturbing, please skip this one.Mahal na mahal ko ang kapatid ko. Kaya hindi ko kayang panoorin lang ang panghuhusga sa kaniya ni Tita Tatiana. Hindi ko napigilang itulak ang magandang babae.Nanlalaki ang mga mata nitong nag-angat ng tingin sa akin mula sa pagkakahulog nito. Kanina ko pa siyang napapansin na dinuduro niya si Adi. At ayaw kong minamaliit ng kahit na sino ang kapatid ko.“How dare you,” matigas ang pagkakabigkas nito.“Mommy?” ang inosenteng boses na iyon ni Tony - ang isa ko pang kapatid - ang umalingawngaw sa buong sala.Sa tapat ng pinto ay nandoon si Mommy at Daddy, parehas nakakunot ang noo dahil sa nasaksihan.Malugod na lumapit si Tony. Maingay ang pagkalansing ng mga medalya na nakasabit sa leeg niya sa pagtakbo niya.“Mommy, ano pong ginagawa niyo sa sahig? Naglalaro po ba kayo nina Kuya?” Tinulungan niya ang

  • What is Love   Chapter 35

    What is Love?“The long wait is over”Maingat ang pagsuklay ko sa full bangs na muntik nang makatusok sa mga mata ko. Pinagmasdan ko ang aking sarili sa harap ng full length mirror sa kwarto.Wearing a light brown turtleneck long sleeve top and high waist jeans, partnered with a brown stilettos, I exhaled deeply and smiled. Inayos ko ang buhok kong ngayon ay hanggang ilalim ng dibdib ang haba.Thank You, Lord for another day.Kinuha ko ang shoulder bag sa ibabaw ng kama at isinuot bago humarap muli sa salamin. Para akong baliw na inensayo pa ang pagngiti.I can’t believe I changed into another person… to the new me.The ‘Matti’ who used to down herself because of insecurities and low self-esteem is now wearing her thick and strong faith with her.Five years and I’m turning into a grown woman. And by years, I’m still growing.It’s an unending process to be a grown woman. It will take a lot of process. It will take a lot of time. And it will take a lot of words f

  • What is Love   Chapter 34

    What is Love?“Sad beautiful tragic”“Some promises are worthy to keep. But they can’t last long.”Iyon ang pambungad ko sa puntod ni Adi - ang kapatid ni Axl.I can see her beautiful smile through her picture inside her columbarium niche which was covered by thick glass.Sa ngiting iyon ay mas naaalala ko si Axl. Parehas na parehas sila ng ngiti. Hindi mo aakalaing magkapatid sila pero pakakatitigan mo lang, makikita mo kung saan sila nagkakapareha.“I’m still so proud of your brother, Adi.” Mahinang bulong ko dito. “I brought you your favorite flower.”Inilapag ko ang vintage style vase of peace lily.I bent down on my knees so I could smell the scent of the flowering plant I gave her. As if it would literally calm my senses.“I did some research about your favorite flower, Adi.” Ngumiti ako bago magpatuloy sa pagkukwento. “Buti na lang hindi mahilig sa pusa ang kapatid mo,” bahagya akong napangisi sa sinabi ko. “Kasi nalaman ko na poisonous pala sa pusa ang

DMCA.com Protection Status