What is Love?Insecurities and OverthinkingProbably because of the avoidance I’m doing with Axl, they’d come to realize what’s going on. “Hindi pa nga kayo mag-asawa, nagkakaganyan na kayo.” Umikot ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Lola.Hinawi niya ang puting kurtina at binuksan ang bintana kaya napapikit ako sa nakakasilaw na pagbungad ng araw sa aking mukha.“Lola, ang aga pa. Kakasikat pa lang ng araw oh-”“Mataas na nga ang sikat ng araw, hija. Tumayo ka na diyan at hindi pwedeng hindi tayo matutuloy. Nakahanda na ang lahat pati ang mga kapatid mo, ikaw na lamang ang hindi.” nakatakip ang aking kaliwang kamay sa aking mukha nang sundan ko siya ng tingin patungo sa pinto.“Ginising mo sina Iris?”“Why?” maarteng nagpa-meywang siya.“Hindi sila natakot sa ‘yo?” pang-aasar ko. Hindi ko pa din nakakalimutang palagi siyang kinatatakutan ang mga nagiging kaklase ko dito noong elementary pa lamang ako. Mukhang hindi pa rin sya nagbago kahit sa loob ng dalawang
What is Love?Can the second lead be also the main lead’s true love?“What’s that?” I tried to ignore him. Well, hindi na katulad nitong mga nakaraang araw. “Alin?” pagmamaang-maangan ko. Hindi ako tumitingin sa kaniya. Hindi niya na kailangang malaman pa ‘yun.“Yung ginawa mo kanina. Para kang bata.” Ilang saglit ko lang siyang sinamaan ng tingin, napanguso pa dahil sa sinabi niya. “What’s wrong with you? Period days mo ba?”“Hindi nga. Ang kulit.”“Bakit ang moody mo?”“Wala. Joke nga lang ‘yun.” hindi man siya naniniwala ay nanahimik siya.Mahirap pala talaga kapag napunta ka sa taong nasaktan ng iba. Lalo na’t mahal nila. Sa bawat interaksyon niyo, hindi mo maiwasang ikumpara ang sarili mo sa dati nitong mahal.Napapatanong na lang ako sa sarili ko;Ganito din kaya siya sa kaniya?Naaalala kaya niya ang ex niya sa amin?Tunay na kaya ang nararamdaman niya o…Sa malawak na lupain na lamang ako tumingin.Baka ako lang ang nakakaramdam.Napabuntong-hini
What is Love?The tears from short-term happinessDays go by normally. Madalas kaming magkausap ni Papa, ganun din sina Iris at Euriel. Naging abala din si Axl sa enrollment niya sa Maynila pati sa business na hina-handle ng kanyang ina pero hindi naman lumilipas ang isang araw nang hindi kami nagkakausap through video chat. At sa loob ng ilang araw ay naging tahimik ang usapan tungkol sa long distance relationships.Nakakatuwa nga na may ilang gabi kaming napag-uusapan ang mga past niya. Kinukwento niya sa akin ang buhay ng isang bisexual noong siya’y high school, sabi niya.“Are you still attracted to men now?”Humigop siya ng kape sa tasa na nasa lamesa niya. Mula sa suot na eyeglass ay naaaninagan kong may tinatrabaho siya sa kanyang laptop.“Busy ka?”“No.” Maya-maya ay nag-iba ang reflection ng liwanag sa kanyang salamin sa mata. I can now see my face there.“May ginagawa ka yata eh.”“Wala nga. I just visited the website of that online enrollment.”Tuma
What is Love?I don’t want to get tired of it… lovingNakakalat ang mga printed copies of reviewer and modules sa lapag ng malawak na lamesa sa dining area. Sa taas sana ako o di kaya sa garden magre-review kaso ay nadi-distract ako sa mahinang bulong ng hangin. Inaakit ako ng tanawin na panoorin na lang siya. Idagdag pa na masyadong nakakalula ang buwang ito dahil midterm exam na namin next week kaya talagang nakakatukso na damhin na lang ang hangin sa labas.“Hija, anong oras na? Bakit nandiyan ka pa? Ayaw mo sa kwarto ka na lang?” nagmano ako kay Lola na bagong dating lang.“Saan po kayo galing?”“Binisita namin kanina ng Lolo mo ang Farm sa Cavite. May kasalan na magaganap sa karatig-bayan malapit doon at kakilala pa ng kaibigan ng Lolo mo, pupunta kami. Gusto mo bang sumama?”“Po? Ngayon po?” kararating lang nila hindi ba?“Next week pa, apo. Napapansin kong hindi ka na masyadong lumalabas ng kwarto nitong mga nakaraang buwan. Mahirap ba ang college?” lumipa
What is Love?Even beautiful people have secrets“ATE!”Ibinuka ko ang aking mga braso sa pagsalubong sa akin ni Iris. Hinigpitan niya ang yakap nang magkalapit kami sa isa’t-isa.“Hindi mo naman ako na-miss.”Parehas kaming tumawa nang maglayo kami. Ginulo ko ang buhok ni Euriel nang makalapit din ito sa akin.“Ilang buwan pa lang tayong hindi nagkikita, ang tangkad mo na agad.”“Margarine lang ‘yan, Ate.” Nginiwian ko lang siya.Nagmano ako kay Papa ganoon din kay Tita Eleanor.“Kumain na ba kayo?” Sabay na tumango ang magkapatid. “Sayang, magluluto sana ako.”“Ikaw?” nairapan ko nang wala sa oras si Axl na kinuha ang gamit ko sa kaniyang sasakyan. Nang-aasar ang ngiti niya.“Marunong ka na Ate?”Aba naman. Talagang minamaliit nila ang kakayahan ko.Ngumanga ako saka tinanggal ang eyeglass. “Nag-aral ako.”“Hindi ba kami malalason diyan, Ate?” hinampas ko sa braso si Euriel.“Ang sama ng ugali niyo.”Tinawanan lang nila ang sinabi ko.Pagpasok ng baha
What is Love?“Thank You.”Nakakailang mura na si Axl habang ako’y yukong-yuko na ang ulo, kulang na lang ay halikan ko ang tuhod ko. Siguro, mas maganda nga kung tuhod na lang ang hinalikan ko. Bakit kasi naisipan ko pang…“Scam talaga,” dinig kong bulong niya.Hindi na niya ulit ako pinapasok sa kwarto niya kaya nandito kami ngayon sa sala. Siya ay nakaharap sa laptop, nagta-type ng kung ano. Mukhang galit pa dahil parang masisira ang keyboard dahil sa pagtitipa niya dito.“Axl-”Nagmura siya ulit, hindi ko alam kung dahil ko o dahil sa tina-type niya.“Inaantok na ako.”Doon pa lang siya tumingin sa akin. Napaiwas tuloy ako dahil kitang-kita na galit siya.“Hindi ko na talaga gagawin iyon ulit. Pakiramdam ko babagsak na talaga ang katawan ko.”Nanatili lang syang nakatingin sa akin. Parang gusto kong tusukin ang mga mata niya dahil sa tindi ng pagtingin nito sa akin. Ito yung kasabihan na kung nakakapatay ang tingin, condolence na lang sa akin.“Tunay nga,
What is Love?“The second lead’s fear.”“Where’s Euriel?”Agad na napalingon ang dalawa - si Iris at axl - na ngayon ay parang may pinag-uusapan.“Masinsinan yata ang kwentuhan niyo.”Tumuwid ng upo si Iris dahil sa sinabi ko.“Nagkakape ka ba?”Umupo ako sa tabi ni Axl, sabay kawit ng kamay ko sa kaniyang braso.“Kiss in the morning will do,” narinig ko ang pagngiti ni Iris. Tiningnan ko siya at kinindatan. “Just pretend you can’t see us.”Umayon na lang sa akin si Iris na nagtungo ng kusina.“Anong pinag-uusapan niyo? Mukhang seryoso kayo pareho.”Hinalikan muna niya ako sa noo bago sumagot. “Ask her for it. I promised her not to tell anyone.”Inirapan ko siya. “Kahit sa akin?”“Kahit kanino. Teresa, promise is a strong word. She trusted me for this.”Wala na akong nagawa kundi tumango. Hindi naman talaga ako interesado na malaman kung anong pinag-uusapan nila. Siguro ay nagtaka lang ako dahil hindi ko kailanman naisip na magsasabi ng sikreto si Iris kay
What is Love?“Out of Place”I can’t totally say if we made it. Did we make it? I just know that after another two years with him, we’re finally at this point.Two years.What happened within those years?I think I’m more mature now. Kaya ko nang makinig ng mga kwento niya, ganon din siya sa akin. Natatanggap ko na paunti-unti na hindi ko dapat ikumpara ang sarili ko sa iba dahil hindi naman ako sila.Tama si Mama Marga, hindi dapat isa lang ang nakikinig sa parte ng relasyon. Dapat parehas ay nagkakasundo, nagkakalinawan at nagkakaintindihan.I think that’s a great recipe for a successful couple. ‘Yung tipong hindi niyo parehas kailangan maging perpekto pero sigurado at walang makakataob sa inyo dahil mas matindi ang tiwala at komunikasyon niyo sa isa’t-isa.The first time I broke down in front of him was two years ago. Sa resto, kung saan minaliit ko ang sarili ko. That’s the last misunderstanding I can recall.Because years passed by, our relationship grows
About the AuthorNethaniah Miesha (Author's pen name) is an eighteen year old college student who's been fond of written literature and novels since her childhood. Even though she's been a fan of writing stories, she couldn't find the motivation to finish a story until 'What is Love?'. She believes that her writing has a purpose and that she's writing for a reason.
"Know the healer."I smiled as I roamed my eyes around the room. Everything is in its perfect places right now. Everyone is listening attentively.Every hanging word I've spoken left them admired. I can't blame them. These words are the words from our God.Time flies so fast."He is life. And he brings healing."Tumigil ang aking mata sa babaeng nakasuot ng white floral dress. Nakaupo ito sa unang row ng upuan. She's looking at me with full of admiration and her eyes are screaming that she's so proud of me.Ngumiti ito nang maglapat ang aming mga tingin. "I love you," I read her mouth.Hindi ko nagawang sumagot dahil nagpatuloy ako sa pagtuturo.This isn't the first time I did this but this still feels like the first. Everytime feels like the first time.Natapos ang sunday service ay nagtipon-tipon na ang mga leaders and members nila para sa life group. Habang magkakasama sila sa kani-kanilang grupo ay hindi ko mapigilang pagmasdan silang lahat. Ang iba ay nag-iiyaka
What is Love?“LOVE NEVER FAILS”"Some books are meant to be close to halfway reading it because it's not worth reading anymore." Ito ang huling linya ko sa pagtuturo ng prayer meeting. "But there is only one book that will never fail you. It contains His words and promises. The book that tells you that love never fails."Mula dito sa maliit na entablado sa unahan ay kitang-kita ko ang mga nangingilid na luha sa mga mata nila.Sa kabila non ay lalong sumigla ang dibdib ko sa nakikita ko.Through His words, it will never fail His children."May ibang bagay na hindi mo nakukuha kahit ilang beses mong ipagdasal. Hindi dahil binigo ka. Hindi ka kailanman kayang biguin ng Diyos. Iyon ang pag-ibig. He provides you the best plan you can ever encounter."I, once again, smile."You may not see it now, but someday, you will."The prayer meeting starts at three am and it lasts for almost three hours."Tay, uuwi na po kayo?" Nilingon ko si Grace matapos kong magpaalam kay
What is Love?“Love always wait” "I knew what's going on with you and Iris, Euriel.""What can I do, Kuya? I love her.""You have to let go.""No, I can't."Those memories played one more time in my head.I wish I could finally regain those I've lost. I am tired of the never-ending headaches. I was completely a naive man trying to remember something that's leading my heart in vain.Euriel...Iris...Dessa...Matti..."Hey," boses ni Luna ang nagpatigil sa akin sa pag-iisip. "How are you?"Napatitig ako sa kaniya. Hindi ako makapaniwalang lumipas ang ilang taon na wala na talaga kami. Ang pagkakatanda ko ay lumalaban pa ako. Sigurado at determinado akong mabuo ulit kaming dalawa.I always think of not wasting every time and moments we spent together.Paanong nangyari ito?She's now five months pregnant. And Tony - my brother - is the father."Aren't you hungry?"Umiling ako saka nilipat muli ang atensyon sa TV. It's been months now since I got out of t
What is Love?“Love stays”Warning: This chapter contains harmful scenes. If you find it disturbing, kindly skip this one.Ayaw akong makita ni Mommy. Hindi niya ako hinayaang makausap siya matapos ang gabing iyon. Sa kabila ng paglalasing ay pakiramdam ko ay nahihimasmasan ako dahil sa nangyari.Sinalubong ako ng madilim at tahimik na kwarto ko. Alas-tres na ng madaling araw. Hindi nawawala sa pakiramdam ko ang pagbigat ng talukap ng aking mata.Nakakapagod. Ano lang ba ang ginawa ko sa buong maghapon? Naghabol lang naman ako kay Luna. Pinilit magpaliwanag ngunit ayaw naman pakinggan. Sinubukan itama ang mali niyang iniisip tungkol sa akin pero hindi niya ako binibigyan ng pagkakataon na gawin iyon.Nakatitig lamang ako sa kisame habang lumilipad ang aking isip. I'm lying at my bed horizontally."I'm sorry I couldn't celebrate our birthday, Adi."Wala akong nakikita kundi ang dilim na lalong nagpa-alala sa akin ng panahon na nawala at hindi ko nailigtas ang kap
What is Love?“Love pursue”Hindi ko kayang umalis sa tabi ng kabaong ni Adi.Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Ni hindi ko man lang natugunan na mangyayari ito. Walang ideyang ganito ang mangyayari sa akin, o kay Adi.I was just staring at my cell phone. On my call logs, there's that 32 seconds phone call with her.Gusto kong magwala.Galit na galit ako sa sarili ko. Isa ako sa may kasalanan ng pangyayaring ito maliban sa hayop na demonyong iyon.Kahit saang anggulo tingnan, malaki ang parte ko dito.Putangina, hindi ko makayanan tingnan ang sarili ko sa salamin. Ang lakas pa ng loob ko na tumabi sa kaniya ngayong gabi matapos nang hindi ko pagtugon sa kaniya.Umiiyak siya nang tawagan niya ako.Ngunit wala pa din akong ginawa.I couldn't afford to look at her through that glass barrier of her casket."Anak?"Pag-angat ko ng tingin ay ang pugtong mata agad ni Mommy ang sumalubong sa akin. Kahit siya ay hindi ko matingnan kaya
What is Love?“Love tests”Warning: Mature Scenes and Foul Language may be encountered at this chapter. If you find it disturbing, please skip this one.Mahal na mahal ko ang kapatid ko. Kaya hindi ko kayang panoorin lang ang panghuhusga sa kaniya ni Tita Tatiana. Hindi ko napigilang itulak ang magandang babae.Nanlalaki ang mga mata nitong nag-angat ng tingin sa akin mula sa pagkakahulog nito. Kanina ko pa siyang napapansin na dinuduro niya si Adi. At ayaw kong minamaliit ng kahit na sino ang kapatid ko.“How dare you,” matigas ang pagkakabigkas nito.“Mommy?” ang inosenteng boses na iyon ni Tony - ang isa ko pang kapatid - ang umalingawngaw sa buong sala.Sa tapat ng pinto ay nandoon si Mommy at Daddy, parehas nakakunot ang noo dahil sa nasaksihan.Malugod na lumapit si Tony. Maingay ang pagkalansing ng mga medalya na nakasabit sa leeg niya sa pagtakbo niya.“Mommy, ano pong ginagawa niyo sa sahig? Naglalaro po ba kayo nina Kuya?” Tinulungan niya ang
What is Love?“The long wait is over”Maingat ang pagsuklay ko sa full bangs na muntik nang makatusok sa mga mata ko. Pinagmasdan ko ang aking sarili sa harap ng full length mirror sa kwarto.Wearing a light brown turtleneck long sleeve top and high waist jeans, partnered with a brown stilettos, I exhaled deeply and smiled. Inayos ko ang buhok kong ngayon ay hanggang ilalim ng dibdib ang haba.Thank You, Lord for another day.Kinuha ko ang shoulder bag sa ibabaw ng kama at isinuot bago humarap muli sa salamin. Para akong baliw na inensayo pa ang pagngiti.I can’t believe I changed into another person… to the new me.The ‘Matti’ who used to down herself because of insecurities and low self-esteem is now wearing her thick and strong faith with her.Five years and I’m turning into a grown woman. And by years, I’m still growing.It’s an unending process to be a grown woman. It will take a lot of process. It will take a lot of time. And it will take a lot of words f
What is Love?“Sad beautiful tragic”“Some promises are worthy to keep. But they can’t last long.”Iyon ang pambungad ko sa puntod ni Adi - ang kapatid ni Axl.I can see her beautiful smile through her picture inside her columbarium niche which was covered by thick glass.Sa ngiting iyon ay mas naaalala ko si Axl. Parehas na parehas sila ng ngiti. Hindi mo aakalaing magkapatid sila pero pakakatitigan mo lang, makikita mo kung saan sila nagkakapareha.“I’m still so proud of your brother, Adi.” Mahinang bulong ko dito. “I brought you your favorite flower.”Inilapag ko ang vintage style vase of peace lily.I bent down on my knees so I could smell the scent of the flowering plant I gave her. As if it would literally calm my senses.“I did some research about your favorite flower, Adi.” Ngumiti ako bago magpatuloy sa pagkukwento. “Buti na lang hindi mahilig sa pusa ang kapatid mo,” bahagya akong napangisi sa sinabi ko. “Kasi nalaman ko na poisonous pala sa pusa ang