Share

Ways To Escape Death
Ways To Escape Death
Author: shineberry

Prologue

Author: shineberry
last update Last Updated: 2021-06-19 01:47:24

I am Sophia Ark, twenty-three years old. I live my life as an ordinary college student, that loves reading fiction novels. Sikat ang Beatrice's Love sa mga kabataang katulad ko. Ang kwento ay tungkol sa isang babae na nagngangalang Beatrice, at tatlong lalaki na maglalaban-laban para sa pag-ibig niya. Marami ang nahuhumaling sa takbo ng kwento, lalo na pagdating sa bida na si Beatrice.

Pero naiiba ang pananaw ko kaysa sa kanila. Nakakaramdam ako ng awa sa pagkamatay ng villainess na si Elizabeth. Namatay siya sa mismong kamay ng lalaking mahal niya. Ang mas nakakainis na parte pa, pinabayaan siya ng sariling ama na mamatay. Tinuring din siya nitong malaking kahihiyan sa pamilya. Tanging ang lady-in-waiting niya lang ang naging kakampi at umintindi sa damdamin ng dalaga. Hanggang sa huli ay sinamahan siya nitong humarap sa kamatayan.

Kung tutuusin kasalanan naman ni Lawrence kung bakit nagawa ni Elizabeth ang mga pang bu-bully kay Beatrice! Nagbago si Elizabeth dahil sa pananakit na ginawa niya sa damdamin nito! Walang ni isang bumatikos sa mga naging desisyon niya dahil siya ang Crown Prince ng Asterin Empire. Walang nag-discriminate kay Lawrence dahil batid din ng lahat na one-sided lang ang relasyong namamagitan sa kanila ni Elizabeth.

"Class dismissed," sabi ng Professor sa aming mga estudyante.

The school bell rings, it is the signal that today's classes ended. Unang lumabas ng classroom ang Professor, saka sumunod ang mga kaklase para mag-uwian. 

Inayos ko ang mga gamit ko na nakapatong sa ibabaw ng lamesa, para ipasok ang mga iyon sa loob ng bag ko.

"Sis! Ni-release na ang final chapter ng Beatrice's Love," balita ng isa sa mga kaklase ko habang nakatitig sa phone niya. Madaling lumapit ang kaibigan niya sa kaniya para tingnan ito. Saglit akong napalingon sa kanila dahil nakuha nito ang atensyon ko.

"Eh? Wala pa naman akong load ngayon! Mamaya ko na lang babasahin sa bahay," komento nito nang makita na tama nga ang kaniyang sinabi.

"Kwento ko na lang sa 'yo?"

"Stop it! Don't try to spoil me."

Binigyan siya ng nakakalokong ngiti ng kaibigan niya. Mukhang naintindihan niya naman kaagad ang binabalak nito kaya madali niyang tinakpan ang magkabilang tenga gamit ang parehong palad. Maging ako ay kinabahan sa pagbabalak nitong isigaw ang nilalaman ng ending ng story. Ayaw ko pa naman sa lahat, makarinig ng spoiler. Nawawala kasi ang excitement ko kapag ganoon.

"Hahahahaha!" Everyone glances in their direction because she is boisterous. The friend looks at her with embarrassment. She put the bag over her right shoulder to prepare herself to depart.

"Hey, wait for me," she said before pursuing her friend so that they can walk together on their way home.

Mabigat akong nagpakawala ng buntong-hininga. Mabuti na lang ay hindi niya tinuloy ang pagsigaw sa nilalaman ng huling chapter.

Nang malaman ng iba ang tungkol sa pag-update ng kwento, agad din silang nagsipag labasan ng sari-sarili nilang gadgets. Kahit dito sa aming paaralan, sikat ang Beatrice's Love. May mga hindi mahilig magbasa ang nakaramdam ng engganyo sa takbo ng kwento. Sa sobrang sikat ng novel, balak na rin itong ipalabas sa television para gawing teleserye.

At kahit na naka-upload online 'yong story, naso-sold out pa rin ang mga libro sa kahit saang bookstores. May nabuo na ring mga fan club para sa mga male lead tulad nina Lawrence William the Crown Prince, Killian Shou Adir the Great Magician, at Francisco William the Imperial Knights' commander-in-chief. Ang pinaka-final boss ay si Killian, pero kahit siya ang main villain ng kwento, mas marami ang fans niya kaysa sa dalawang male lead.

"Manang, pa-load po ng regular fifty," tawag ko sa tindera. Kasalukuyan siyang may kinabi-busy-han sa cellphone niya.

"Lumabas na ang end chapter ng Beatrice's Love, Iha," balita niya sa 'kin.

"Opo, kaya nga po magpapa-load ako."

Madali rin naman siyang lumapit para asikasuhin ang kailangan ko. Kaso medyo bumabagal ang kilos niya dahil hindi buo ang atensyon nito sa trabaho.

"Ang swerte ni Beatrice eh 'no? Ang sarap siguro sa pakiramdam na magustuhan ka ng tatlong naggagwapohang lalaki." 

Mahahalata sa boses niya ang pagdi-daydream. Umirap ako sa kawalan. 

"I don't like her. Elizabeth is better than her."

"Weird din ng trip mo, iha."

"Beatrice is so naive. Madalas siyang kumilos ng hindi nag-iisip. Paano naging cute 'yon? Hindi niya alam na may mga agrabyado dahil sa pagiging reckless niya."

May mga side character ang nawalan ng buhay dahil sa misunderstandings. Protective kasi masyado ang tatlong lalaki pagdating kay Beatrice. Idagdag pa ang pagiging possessive ni Killian sa kaniya. Walang magandang nangyayari sa mga pinagseselosan nito. Kung sinuman ang lapitan ni Beatrice at makita niya lang na ngumiti ito sa iba, that person will be in danger. She knew all about these, pero hindi niya sinasaway ang mga lalaki!

"But Elizabeth tried to poison her," madiin niyang sagot pabalik sa 'kin.

"It is her fault. Beatrice snatched Elizabeth's fiancé. Who wouldn't be insane for that?"

Napaisip din si manang nang marinig ang rason ko. Mukhang naintindihan naman niya agad ang pinupunto ko. "Oo nga 'no?"

Tiningnan ko 'yong phone ko nang maramdaman ang pag-vibrate nito. Pumasok na pala ang load ko. Madali ko itong ni-register dahil baka kainin pa ng network.

"Thank you," I said before leaving. 

I am now on my way home, pero mamayang gabi kailangan kong pumasok sa trabaho. I am working part-time in a fast-food chain, that opens twenty-four hours.

Sinuot ko ang earphones ko sa magkabilang tenga saka pinili ang musikang pakikinggan ko. Nilakasan ko ang volume niyon, and this is my way for entering my world. 

Habang nasa daan at binabasa ang parte kung saan naghahanda na magpakasal ang dalawang bida. Napansin ko ang silaw ng liwanag na papalapit sa 'kin. Tinanggal ko ang earphone na nakakabit sa kanang tenga ko, saka nilingon ang direksyon ng liwanag.

Nakabibinging tunog ng busina ang aking narinig, at may malaking bagay ang sumalpok sa katawan ko na gumulat sa 'kin. Wala akong maramdaman na sakit ... siguro dahil sa namamanhid ako. 

"Aaaaaah!" Rinig kong sigawan ng mga taong nakasaksi sa pangyayari.

"Tumawag kaagad kayo ng ambulansya!" Lumapit ang matandang babae sa mga estudyanteng nakahawak sa kanilang cell phone.

"Wala ng buhay ang driver nitong truck," balita ng lalaking nag-check sa pulso ng suspek sa pagbunggo sa 'kin.

Sa paglabo ng aking paningin, naaaninag ko pa ang expression ng mga taong pinagmamasdan ako. Lahat sila ay nakapaligid sa 'kin. Pawang kinakaawaan nila ang naging sitwasyon ko.

Hindi ko expect na sa ganitong paraan ako mamamatay.

Ilang sandali pa, tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.

HINDI ko alam kung ano na ang nangyayari at kung gaano katagal na akong nakapikit. Naririnig ko lang ang kaguluhan sa paligid. Kahit na hindi ko maigalaw ang aking katawan, nagawa ko namang maidilat ang mga mata ko.

Isang hindi pamilyar na lugar ang bumungad sa 'kin. Sinuri ko ang kapaligiran. Magagarang kagamitan at halatang mamahalin. Para akong nasa lugar ng mayayaman. Ito na ba ang tinatawag nilang langit?

"Milady!" Napalingon ako sa babaeng nakasuot ng pang katulong. Umiiyak siya habang nakahawak sa kamay ko. Nangunot ang noo ko sa reaksyon niya dahil parang tuwang-tuwa ito na makita ako. Eh hindi ko naman siya kilala.

"Sino ka?"

Namilog ang mga mata niya't tinakpan ang sariling bibig ng palad. Bumuhos din ang luhang dumadaloy sa pisngi niya. 

Nalipat ang atensyon ko sa gawi ng pinto nang pumasok sa silid ang iba pang mga tao na hindi ko kilala. May lalaking nakabihis ng magara ang lumapit para suriin ang kalagayan ko. Kung kumilos siya ay para itong doktor.

"Normal na ang kalagayan niya," balita niya sa mga taong naririto.

"Good to hear," malamig na tugon ng isa pang lalaki na hindi katandaan ang itsura. 

Ganiyan ba ang itsura ng anghel? Parang pumupuso ang mga mata kong nakatitig sa kaniya. Hindi ko maiwasang makaramdam ng paghanga sa kagwapuhan niya.

"Milord, nawalan po yata ng alaala ang young lady," malungkot niyang balita sa kanila.

Nagsalubong ang kilay ng lalaki bago ito napatitig sa mukha ko.

"Do you still remember who you are?" tanong ng doctor sa 'kin.

"Yes. I am—ah!" Hindi ko natuloy ang pagpapakilala dahil sa biglaang pagkirot ng aking ulo. 

Sunod-sunod na imahe ang nag-pop-up sa aking isipan. Mga alaalang hindi ko matandaan na nangyari sa tanang buhay ko. Para akong nanonood sa buhay ng ibang tao.

KALAUNAN ay napagtanto ko ang kasalukuyang nangyayari. Kahit nanghihina pa ay pinilit kong maglakad palapit sa salamin. Nanginginig kong pinagmasdan ang repleksyon ng aking mukha na hindi ko pag-aari. Dahil sa sobrang pagkabigla, muli akong nahimatay.

Anong ginagawa ko sa mundo ng kwento na huling binasa ko? Sasapitin ko rin ba ang kapalaran ni Elizabeth? Namatay na ako ng unang beses, mamamatay na naman ba ako!

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Julia Allred
let me know when it is translated to English
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Ways To Escape Death   Chapter 01: Living as Elizabeth

    Sophia's POV Parang kailan lang noong namumuhay pa ako ng normal. May hawak na cellphone habang nagbabasa ng novels na downloaded sa documents ko. Minsan naman nakatambay ako sa social media, o kaya nanonood ng movie sa Netflix. Pero ngayon ... "Aaaaaah!" Bakit ba hindi pa updated ang technology sa panahon na 'to? "Lady Elizabeth, ano pong problema?" Dali-daling pumasok si Melrose sa loob ng kwarto ko. Siya ang kaisa-isang lady-in-waiting ng orihinal na Elizabeth. Siya ang nanatili sa tabi nito hanggang kamatayan. Melrose Homes, nineteen years old. She has brown hair, the color of her eyes is green, her face is small and it is an oval shape. Simple lang siya, hindi naglalagay ng mga kolorete sa mukha. Pormal na rin ang pananamit nito, suot ang uniform na nararapat para sa posisyon niya. Hindi na siya mukhang isa sa mga maid ng mansyon. Hindi katulad noong unang

    Last Updated : 2021-06-19
  • Ways To Escape Death   Chapter 02: Her Request

    Sophia's POV "Napakaganda mo po talaga, Lady Elizabeth." Pareho kaming nakatitig sa whole body mirror. Para akong buhay na manikang naka-dress up. Bagay naman sa 'kin 'yong suot kong gown, kaso nga lang nahihirapan akong makahinga dahil sa corset. I looked like one of those Disney Princesses. Ang suot ko ay maihahalintulad sa kasuotan nina Snow White, Cinderella, at Belle. My gown is color purple with black laces. I am wearing black gloves, na ang haba ay aabot sa siko ko. My jewelries are black tourmaline, and I wore black high heels. Should I just call myself a villain princess? Because I looked like one. Mas lalo ako naging mukhang maldita dahil sa suot ko. Lahat ng damit ni Elizabeth ay puro dark colors. Hindi ko rin gusto ang designs. Siguro dahil galing ako sa modern era kaya iba ang taste ng fashion standards ko. "May sarili ba akong designer?" walang kabuhay-buhay kong tanong.

    Last Updated : 2021-06-19
  • Ways To Escape Death   Chapter 03: Duke White

    Duke White's POV I, Felixander White Sr., the current head in our household. I am the father of Elizabeth White. I love my daughter dearly, hindi lang halata. She speculates I neglected her, but she doesn't know I am always updated on her whereabouts. Even though I can't show her my affection, I will give her everything to make her happy. My daughter, Elizabeth, resembles my wife who died because of childbirth. Noong una, hirap akong tingnan siya dahil naaalala ko 'yong sakit nang mawala sa 'kin ang babaeng mahal ko. Pero nang naabutan ko siyang walang buhay sa loob ng kwarto niya, doon lang ako tuluyang nagising. Nakaramdam ako ng sobrang pagsisisi. Laking pasasalamat ko nang muli siyang nagising mula sa kamatayan. Pakiramdam ko ay binigyan ako ng pagkakataon ng Diyos para itama lahat ng pagkukulang ko. "I am here to give my report," she said. Tumayo ng tuwid si Melrose sa h

    Last Updated : 2021-06-19
  • Ways To Escape Death   Chapter 04: Breaking Off

    Sophia's POV "Milady, the Crown Prince is here. Wake up, milady." Istorbo sa 'kin ng kung sino. I groaned. "I need to sleep, just five more minutes ..." "No more five minutes. The Crown Prince is here!" Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. "What? I thought it would take days before granting my request?" gulat kong tanong sa aking sarili. I just sent the letter yesterday. What is he doing here? At saka madaling araw pa lang! Is he that excited to annul our engagement? According to the memories of Elizabeth, it's hard to keep in touch with him. He often ignores her letters and disregards all of them. That's why she stopped sending letters anymore, and barged in herself, unin

    Last Updated : 2021-06-22
  • Ways To Escape Death   Chapter 05: Lawrence's POV

    Lawrence's POV "There's a letter for you from Lady Elizabeth of White Dukedom," my aide said while holding the tray that has the letter on top of it. "What is it this time?" Nahinto ako sa pag-review ng reports para paglaanan siya ng pansin. "See it for yourself. Are you that cold-hearted to your fiance?" What is he talking about? I believe that is just like usual. Wala namang bago kay Elizabeth. Pinunit ko ang dulo ng sobre para kunin sa loob ang laman. Sunod kong binuklat ang liham para pasadahan ng tingin ang nilalaman niyon. His Highness, the Crown Prince To: Lawrence William I greet the future sun of Asterin Empire, Your Highness the Crown Prince, Lawrence William. I hope you have a great day today. I, Elizabeth White, daughter of Duke White, request permission to be your a

    Last Updated : 2021-06-23
  • Ways To Escape Death   Chapter 06: Villain's Invitation

    Sophia's POV "Lady Elizabeth, I was stunned by your talent in swordsmanship. This will be a satisfactory report for Duke White, he must hear about this," sabi nito sa 'kin matapos makita ang stances ko sa paggamit ng espada. Kasalukuyan akong nasa training grounds ng mga knight. Kahit papaano ay naging madali ang pag-a-adjust ko sa katawan ni Elizabeth. I can even learn effortlessly swordsmanship here in this era. I know Fencing from my previous life. Although I am not the best at it, I was still one of the top competitors in the university. Pinunasan ko ang aking pawis gamit ang towel na bitbit ng isa sa mga servant ng mansyon, at saka uminom ng tubig para matanggal ang uhaw ko. "I learned well because you're good at instructing me. No beginner can be better in everything without having an excellent educator," sagot ko. His cheeks turn red. Napapakamot siya sa batok

    Last Updated : 2021-06-24
  • Ways To Escape Death   Chapter 07: New Family Members

    Sophia's POV Today is the Mask Festival Day, here in the middle-class area. I decided to go tonight to gain experiences of this world. I plan to have fun without thinking of any unnecessary things. Deserve ko rin maging masaya bilang ako mismo 'no! Of course, I brought guards with me since I am not familiar with places here. Hindi naman mahilig maggala si Elizabeth kaya wala akong idea—at saka for security and emergency purposes na rin. Mas okay ang laging handa 'di ba? For me to not feel lonely, sinama ko na rin si Melrose. We both wear normal clothes and masks to easily blend with ordinary people. "Sophia, look at those pieces of jewelry!" She gladly introduces to me the accessories na may magagandang designs. I let her take her time to look and decide. For the first time in this life, I let myself be called by my real name even just for the night.

    Last Updated : 2021-06-24
  • Ways To Escape Death   Chapter 08: Protagonist's Invitation

    Sophia's POV Naramdaman ko ang malamig na ihip ng hangin. Napakaganda ng panahon ngayon dito sa labas. Masarap tumambay kapag hindi mainit ang klima. I smiled. "So much peacefulness." I am currently enjoying my cup of tea here in the garden while appreciating the silence of the afternoon. "Lady Elizabeth, this is from Duke White," Melrose said after taking the brown envelope from the male servant. Inangat ko ang palad ko para hingin ang envelope sa kaniya. She carefully put it on my palm. I look into it, to read the contents inside. This is information gathered by Duke White. It is related to the background of Trisha and the siblings. Trisha De Fuerte, the daughter of the late Baron and Baroness De Fuerte. Born on April 26, 980, her current age is twenty-one. Namatay ang mga magulang niya dahil sa sakit na hindi pa matukoy ng doktor sa panahon na 'to

    Last Updated : 2021-06-24

Latest chapter

  • Ways To Escape Death   Chapter 81: Final Chapter

    Sophia's POV Panahong wala pa akong ideya na ako pala ay nagbalik sa kung saan talaga ako nabibilang. Tandang-tanda ko ang unang araw ng ma-transmigrate ako sa mundong ito. Sobra akong nasurpresa nang magising sa katawan ng isa sa mga importanteng tauhan ng nobelang nabasa ko. Sa kasamaang palad, ako ay naging si Elizabeth White, ang kontrabidang nakatakdang mamatay para sa progreso ng kwento na binibidahan ni Beatrice. Hindi na mabilang sa daliri ang mga pagkakataong nakaramdam ako ng ilang sa pakikitungo ng mga nakapaligid sa 'kin. Hindi naging madali sa una, lalo pa't marami ang takot kay Elizabeth. Karamihan sa kanila ay mga may mabababang posisyon sa lipunan. Takot ang mga itong makagawa ng kahit konting pagkakamali sa harap niya dahil baka mapagbuntungan sila ng inis ng dalaga. Marami ang naging biktima sa hagupit niya. Lalo na ang mga babaeng hindi niya pinalampas gawa ng selos, at pagka-paranoid

  • Ways To Escape Death   Chapter 80: Her Day

    Sophia's POV Matalas makiramdam si Killian kung may ibang presensya ang malapit sa lokasyon niya. Ngunit sa pagkakataong ito … tila ba ay wala siyang pakialam sa paligid. May sarili silang mundo na nililikha na para lamang sa kanilang dalawa. Niyukom ko ang pareho kong kamao at napakagat ng madiin sa ibabang labi. Hindi ko mapigilang makaramdam ng kuryusidad. Idagdag pa ang unti-unting pag-init ng ulo ko at pagkulo ng dugo sa tuwing naririnig ko ang kanilang hagikhikan. Naramdaman ko ang panginginig ng aking kalamnan. Nanlalabo rin ang paningin ko dahil sa nagbabadyang luha. Dinadaan ko na lang talaga sa inis itong nararamdaman ko ngayon. While staring at them intently, I sharpened my sense of hearing to learn what their conversation is about. "Hindi ko alam no'n kung saan ako magsisimula...buti na lang ay tinulungan mo ko't nanatili ka sa tabi ko," kamot sa batok na

  • Ways To Escape Death   Chapter 79: Exit?

    Sophia's POVI am currently hanging around here in His Majesty's main office, watching them struggling with their businesses while sipping my cup of tea. Ang mga vassal at iba pang opisyal ay hindi magkandaugaga sa dami ng kanilang ginagawa. Bukod sa pagmo-monitor ng resulta sa pagsasagawa ng mga nasirang istruktura sa Asterin—dulot ng nakaraang kaguluhan—inaasikaso rin nila ang mga hinaing at pangangailangan ng mamamayan."Your Majesty, here is the final report prepared by the Finance department. These are the documents that indicate the estimated budget for rebuilding the middle-class area," bungad ni Trisha. She is now working as a secretary of Emperor White.To my surprise, I didn't know she was capable of fulfilling that job. Hindi ko akalaing may knowledge siya sa ganiyang posisyon. Wala rin kasi sa nakuha kong background information niya ang tungkol sa bagay na 'yan kaya wala akong ideya

  • Ways To Escape Death   Chapter 78: Era Of White

    Sophia's POVTahimik sana ang buhay ko ngayon kung hindi lang ikinalat ni Felixander sa buong sambayanan ang tungkol sa naging buhay ko bilang Eliz Sofie."High Priestess! Pakinggan mo ang aming hiling! Ikaw po ang nararapat na mamuno sa Holy Temple!"Hindi ko mapigilang sumimangot sa mga naririnig ko. Nagpakawala ako ng mabigat na buntong hininga at hinilot ang aking sintido."Pakinggan mo ang aming hiling!" sabay-sabay nilang sigaw.Simula ng tanggapin at kilalanin akong muli ng mga tao bilang deity ng bansang ito. Walang araw na hindi nila ako dinumog dito sa mansyon.Gusto nila ako ang mamuno sa templo tapos doon ko ilaan ang buong buhay ko? No way!"Priestess Sophia, pakinggan mo ang hiling ng iyong mga anak!"Kunot noo kong nilingon ang direksyon ng pintuan. Anong mga anak? Argh! Nakaka-stress na talaga silang lahat!

  • Ways To Escape Death   Chapter 77: High Priestess

    Third Person POV"Alam mong hindi tatalab sa 'kin 'yang binabalak mo," wika ng dalaga habang sinasalubong ang titig ni Zero Three.He chuckled and shrugged his shoulders. "But how about them?"Naalerto ang lahat nang maramdaman ang killing intent na nagmula rito. Kinilabutan sila sa tingkad ng pagpula ng mga mata niya. Knowing how his ability works, they started to tremble in fear of losing their life.Umaksyon naman kaagad ang mga Shadow General upang agapan ang mga posibleng mangyari. Tinungo nila ang kinatatayuan ni Zero Three para palibutan ito, and positioned themselves to prepare for a fight. If he ever tries to make a wrong move, they will put an end to him without hesitation."That won't work. Everyone here in this room is currently under my protection." Huminto si Sophia sa kaniyang harapan. "Accept your loss, Zero Three."Umalingawngaw sa silid a

  • Ways To Escape Death   Chapter 76: Turn The Tide

    Third Person's POVMADALI para sa mga elf na paslangin ang demon beasts, kaso dehado naman sila sa shadow soldiers and mages. Bawat wasiwas ng kanilang sandata sa mga anino, tila ba ay hangin lamang ang kanilang natatamaan. Paano nga naman nila malalabanan ang hindi masugat-sugatang kalaban? Hindi sapat ang kanilang lebel ng kapangyarihan para matalo ang mga ito."Growl!" Umalingawngaw ang ingay na likha ng dragon."Aaah!" Nagsipag talunan palayo ang mga elf upang hindi matamaan sa pagbuga niyon ng itim na apoy.Ang mga demon beast na hindi makaiwas sa atake na pinakawalan ni Zero ay instant na nagiging abo.Habang tumatagal ang panonood ni Sophia sa senaryo na nagaganap sa harapan, bumabagal din ang tibok ng puso dahilan niya para mahirapan siyang makahinga ng maayos. Sa bawat kakamping namamatay, may init na bumubuo sa dibdib niya na parang gustong kumawala.

  • Ways To Escape Death   Chapter 75: Disappointment

    Sophia's POVI remained silent while he's carrying me on his shoulder. Hindi ko nakikita ng maayos ang nadadaanan namin dahil nakaharap ang mukha ko sa likod niya.Teka? Umaalingasaw ang amoy ng dugo. Why is that?Lumingon ako sa kaliwa, sandali akong natulala sa aking nasaksihan."Put me down," sabi ko saka mahinang hinampas si Killian sa bewang niya."Bakit?" tanong niya habang patuloy pa rin sa paglalakad. Wala yata itong balak na sundin ang nais ko."I said, put me down!" Naglikot-likot ako para makawala sa kapit niya.Walang salitang maingat niya akong ibinaba, dahilan para ako ay makaramdam ng konting hiya.Madali ko siyang tinalikuran para suriin ang paligid. "Ugh!" Hindi kinaya ng sikmura ko ang nakikita kong senaryo, lakad-takbo akong tumungo sa poste saka sumuka ng sumuka."A-ano ang nangyari rit

  • Ways To Escape Death   Chapter 74: To Protect

    Third Person's POVAng dating kaaya-ayang pagmasdan dahil sa linis ng kapaligiran na hindi nakikita ang alikabok, at makinang na mga bagay na nagpapaganda at mas nagpapaliwanag ng lugar. Ngayon ay magulo na't parang dinaanan ng bagyo. Basag ang mga babasaging gamit, at may marka na likha ng matalas na kuko ang sumira sa mamahaling paintings na nakasabit sa dingding ng palasyo."Ugh!" Nagbabadyang bumaliktad ang sikmura ng mga ilang kabalyero. Hindi makapag-focus ang karamihan sa pakikipaglaban, dahil sa karumal dumal na senaryo na nakapaligid sa kanila.Nagkalat sa sahig ang mga bangkay, maging ang dugo at laman loob, at parte ng katawan—biktima sa biglaang pag-atake ng mga kalaban."Patatagin ang sikmura ninyo!" sigaw ng isa sa mga commander ng Imperial Knights. "Don't stain any further your pride and honor as Knights of Asterin!""Yes, sir!" they shouted in unison

  • Ways To Escape Death   Chapter 73: Asterin's Fallen

    Third Person's POV"Aaaaah!" Maririnig ang malakas na sigawan ng mga mamamayan ng Asterin."What's happening?" pagtataka ng isang noble na wala pang ideya sa nangyayari sa labas ng palasyo. Hindi lang siya kundi maging ang karamihan ay pare-pareho ng tanong na nasa isipan.Sa ikalawang palapag, naroon nakapwesto ang mag-asawang namumuno sa bansa. Sina Emperor William at si Empress Ivory."Aking mahal na Emperor, kahit ako ay nakararamdam na ng pagkabalisa sa mga tangis na 'yon." Ipinatong ng Empress ang kamay niya sa likod ng palad ng katabing asawa."Don't fret, I'll stay by your side," he said.Mula sa kinauupuan, si Emperor William ay tumayo at saka inangat ang kaliwang palad upang senyasan ang orkestra na ihinto ang pagtugtog ng musika. Madali naman siyang napansin ng Conductor, at sumunod kaagad ang mga musikero sa kaniyang nais."Det

DMCA.com Protection Status