Sophia's POV
Parang kailan lang noong namumuhay pa ako ng normal. May hawak na cellphone habang nagbabasa ng novels na downloaded sa documents ko. Minsan naman nakatambay ako sa social media, o kaya nanonood ng movie sa Netflix. Pero ngayon ...
"Aaaaaah!" Bakit ba hindi pa updated ang technology sa panahon na 'to?
"Lady Elizabeth, ano pong problema?" Dali-daling pumasok si Melrose sa loob ng kwarto ko. Siya ang kaisa-isang lady-in-waiting ng orihinal na Elizabeth. Siya ang nanatili sa tabi nito hanggang kamatayan.
Melrose Homes, nineteen years old. She has brown hair, the color of her eyes is green, her face is small and it is an oval shape. Simple lang siya, hindi naglalagay ng mga kolorete sa mukha. Pormal na rin ang pananamit nito, suot ang uniform na nararapat para sa posisyon niya. Hindi na siya mukhang isa sa mga maid ng mansyon. Hindi katulad noong unang beses ko siyang makita.
Si Elizabeth ay kilala sa pagiging obsessed sa Crown Prince. Sinuman ang may balak na lumandi sa prinsipe ay hindi niya papalampasin. Gano'n din ang sasapitin ng mga makikita niyang babae na malapit sa lokasyon nito.
Pinagbawalan niya rin ang mga babaeng namamasukan dito sa mansyon, na mag-ayos sa kanilang mga sarili. Ang hindi sumunod sa panuntunan niya, makakaranas ng matinding parusa. Sa paningin kasi niya, baka akitin ng mga ito si Lawrence.
Gano'n siya ka-paranoid! Kinikilabutan ako sa mga kahihiyan na pinaggagagawa niya noong mga nakaraang taon, pero hindi ko naman siya masisisi. I do sympathize with Elizabeth but I never wished to be her!
"Lady Elizabeth, tanghali na at nakapang tulog ka pa rin po," alanganin nitong paalala sa 'kin.
Nahalata ko ang panginginig niya sa takot. Siguro akala niya … gagawin ko rin ang pananakit na naranasan niya sa kamay ng dating Elizabeth.
Umayos ako ng upo sa sofa habang nakade-kwatro. Nagulat naman ito nang makita ang kinilos ko. Ang young lady niya ay unladylike na kung kumilos. Well, hindi naman kasi ako si Elizabeth. Ako si Sophia!
"Napakaboring ng buhay dito," tamad na tamad kong puna.
"Hindi mo po ba nais na maghanda ng tea party?" suhestiyon niya.
I groaned. "I don't wanna."
Hindi ko sasayangin ang oras ko para makipag debate sa mga kilalang kababaihan ng Imperyo. Sa pagkakaalam ko, wala namang ibang ginagawa ang mga ito kundi magkalat ng tsismis at ipagyabang ang kani-kanilang talento sa pagbuburda. Trip nila makipag paligsahan sa pagiging ideal wife.
"Kukuhanan na lang po kita ng meryenda," sabi niya habang nakayuko bilang respeto sa 'kin.
"Kausapin mo ako ng hindi pormal, Melrose. Friends tayo 'di ba?" Sinubukan kong pagaanin ang loob niya sa 'kin. Nahalata ko ang pag-aalinlangan niya, hindi malaman kung susundin niya ba ang gusto ko o ang rules of social standing. Nataranta ito nang makita ang aking pagbuntong-hininga.
"Hindi ako nangangagat, Melrose," paalala ko.
"Po?" pagtataka nito sa sinabi ko. Hindi niya siguro na-gets ang ibig kong sabihin.
"You may go. Kumuha ka na ng meryenda," utos ko na may kasamang pagtitimpi para hindi ko siya pagbuntunan ng inis. Yumuko muna ito bago lisanin ang aking kwarto.
Isang linggo na simula ng maging buhay ko ang buhay ni Elizabeth. Bumalik na rin sa normal ang kalagayan ko. Napakahinang nga lang ng katawan ng babae na 'to. Halatang hindi naging active sa physical activities. It is understandable, bilang noble lady kailangan talaga sundin ang etiquette.
Isa sa mga hilig ni Elizabeth ay ang sumabay sa uso. Marami siyang pag-aari na alahas pati dresses at gowns. May collection siya ng branded heels and bags. Nakaayos ang lahat ng iyon sa silid na matatagpuan dito sa loob mismo ng kwarto.
Gusto ko ang naging bago kong buhay, dahil hindi ko na nararanasan ang mamroblema sa pera. Now that I am living as Elizabeth, I must enjoy my life. Pero bago ko ma-achieve ito, kailangan ko munang ilayo ang sarili ko sa kamatayan. Wala akong plano na sundin ang original plot ng novel. Sino ba ang gugustuhin na mamatay? Kung mamamatay ako rito, sure akong sa harap na ni San Pedro ang sunod na gising ko. Hindi ako makakabalik sa dati kong buhay dahil patay na ang katawan ko do'n.
According to Melrose, nilason ko raw ang sarili ko dahil sa sobrang pagka-depress sa dating rumor nina Lawrence at Beatrice. Sa totoo lang, wala akong maalalang scene sa plot na nilason ni Elizabeth 'yong sarili niya. Iniisip ko tuloy na baka kaya nag-transmigrate ako rito, ay para bumalik sa tamang flow ang story. Kung iyon nga ang dahilan, may tendency na hindi ko matatakasan ang kapalaran ni Elizabeth na mamatay sa middle part ng novel.
One month and days walang buhay ang katawan na 'to. Walang makapag paliwanag kung bakit hindi naaagnas ang katawan niya. Ito ang dahilan kaya hindi makapag desisyon ang Duke White sa pagpapalibing kay Elizabeth.
Good thing, hindi siya inilibing agad. Hindi pa ipinapalibing pero naghahanda na sila ng paglilibingan, buti na lang nagising ako.
Naupo ako sa harap ng vanity table para titigan ang sarili ko sa salamin. Maganda naman si Elizabeth. She has healthy black hair, violet eyes, tapos kutis porselana. Artistahin ang itsura at papasa siyang international model sa modern era. Pero bakit niya hinayaang mabaliw sa isang lalaki? Dami-daming lalaki diyan eh! Dapat ang ganitong itsura, ginagamit ng tama.
Kumuha ako ng notebook saka panulat na nakatago sa drawer. Nakaka-frustrate dahil quill ang gamit na panulat dito, walang ball pen! Nakaka-miss tuloy ang buhay 21st century.
Let's start by recapitulating the original plot of the story. Beatrice's Love is a reverse harem genre. There were three male leads: the Crown Prince, Lawrence William, the Greatest Magician, Killian Shou Adir, and the Imperial Knights' commander-in-chief, Francisco White.
Unahin natin ang taong magbibigay ng royal command sa future execution ko. Lawrence William, the protagonist, and husband-to-be of Beatrice. He has blonde hair, mesmerizing blue eyes, a sharp nose, and pinkish lips. He is one of the top handsome guys' living here in the Empire. Ang nag-iisang anak ng Emperor at ng Empress. Dahil wala naman siyang ibang kakompitensya sa trono, siya ang hinirang na Crown Prince.
The Dukedom of White, the second most powerful noble of Empire. Bago pa magkaroon ng royal family sa bansa ay nauna ng nag-exist ang teritoryo ng kanilang pamilya. Dahil dito, understandable para sa lahat ng nobles ang political arrangement sa pagitan ng White Dukedom at ng Imperial Palace.
Sila ang nagdesisyon na ikasal sina Elizabeth at si Lawrence, pagdating ng panahon na sila ay nasa tamang edad na. Oh 'di ba ang gagaling? Tsk! Sila na nagplano ng future ng mga anak nila!
Ito ang connection na nagpatibay sa dalawang partido. Kaya naman nakatatak na sa utak ni Elizabeth na siya lang ang nararapat para sa Crown Prince, at na-obsess siya sa kaisipang 'yon.
Nakabibilib din ang pagka-martyr niya. Kahit halos isampal na sa mukha niya ang katotohanang hindi siya magugustuhan ni Lawrence. Nag-effort pa rin ito ng sobra-sobra. Walang nagbago sa pagmamahal ni Elizabeth hanggang sa bigla na lang umeksena si Beatrice.
"Hindi ko rin maintindihan 'tong babae na 'to. Alam na ngang may fiancé 'yong tao, nakikisawsaw pa! Ako 'yong naba-badtrip eh," I said then heavily sighed.
Tapos si Lawrence pa ang papatay sa 'kin sa huli. Let's go for the operation: cancel the engagement.
Ginuhitan ko ng bilog ang numero unong paraan para makatakas sa kamatayan. Kailangan mawala ang connection ko sa lalaking 'to. Kahit na wala akong balak lasunin si Beatrice katulad ng nasa original plot ng novel, hindi ko naman mababago ang mga masasamang nagawa ni Elizabeth sa ibang tao.
Nakasisiguro akong marami ang nagtatanim ng galit sa 'kin ngayon. Nakakaiyak! Ayokong mamatay ulit!
Tutal kumakalat na ang balita tungkol sa sikretong relasyon nina Lawrence at Beatrice. Wala ng dahilan para ituloy pa ang kasalan! Siguro naman valid reason na 'yon 'di ba? It is time to regain my reputations.
"Lady Elizabeth." Sakto ang pagdating ni Melrose, tulak-tulak nito ang tray na may mga nakapatong na desserts at tea.
"Melrose, ayusan mo ako. Bibisitahin ko ang Duke White sa opisina niya." Sandali itong natulala bago tipid na napangiti at saka yumuko.
"Okay, Lady Elizabeth," she said. She immediately asked for other servants' help, to prepare everything I needed.
Sophia's POV "Napakaganda mo po talaga, Lady Elizabeth." Pareho kaming nakatitig sa whole body mirror. Para akong buhay na manikang naka-dress up. Bagay naman sa 'kin 'yong suot kong gown, kaso nga lang nahihirapan akong makahinga dahil sa corset. I looked like one of those Disney Princesses. Ang suot ko ay maihahalintulad sa kasuotan nina Snow White, Cinderella, at Belle. My gown is color purple with black laces. I am wearing black gloves, na ang haba ay aabot sa siko ko. My jewelries are black tourmaline, and I wore black high heels. Should I just call myself a villain princess? Because I looked like one. Mas lalo ako naging mukhang maldita dahil sa suot ko. Lahat ng damit ni Elizabeth ay puro dark colors. Hindi ko rin gusto ang designs. Siguro dahil galing ako sa modern era kaya iba ang taste ng fashion standards ko. "May sarili ba akong designer?" walang kabuhay-buhay kong tanong.
Duke White's POV I, Felixander White Sr., the current head in our household. I am the father of Elizabeth White. I love my daughter dearly, hindi lang halata. She speculates I neglected her, but she doesn't know I am always updated on her whereabouts. Even though I can't show her my affection, I will give her everything to make her happy. My daughter, Elizabeth, resembles my wife who died because of childbirth. Noong una, hirap akong tingnan siya dahil naaalala ko 'yong sakit nang mawala sa 'kin ang babaeng mahal ko. Pero nang naabutan ko siyang walang buhay sa loob ng kwarto niya, doon lang ako tuluyang nagising. Nakaramdam ako ng sobrang pagsisisi. Laking pasasalamat ko nang muli siyang nagising mula sa kamatayan. Pakiramdam ko ay binigyan ako ng pagkakataon ng Diyos para itama lahat ng pagkukulang ko. "I am here to give my report," she said. Tumayo ng tuwid si Melrose sa h
Sophia's POV "Milady, the Crown Prince is here. Wake up, milady." Istorbo sa 'kin ng kung sino. I groaned. "I need to sleep, just five more minutes ..." "No more five minutes. The Crown Prince is here!" Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. "What? I thought it would take days before granting my request?" gulat kong tanong sa aking sarili. I just sent the letter yesterday. What is he doing here? At saka madaling araw pa lang! Is he that excited to annul our engagement? According to the memories of Elizabeth, it's hard to keep in touch with him. He often ignores her letters and disregards all of them. That's why she stopped sending letters anymore, and barged in herself, unin
Lawrence's POV "There's a letter for you from Lady Elizabeth of White Dukedom," my aide said while holding the tray that has the letter on top of it. "What is it this time?" Nahinto ako sa pag-review ng reports para paglaanan siya ng pansin. "See it for yourself. Are you that cold-hearted to your fiance?" What is he talking about? I believe that is just like usual. Wala namang bago kay Elizabeth. Pinunit ko ang dulo ng sobre para kunin sa loob ang laman. Sunod kong binuklat ang liham para pasadahan ng tingin ang nilalaman niyon. His Highness, the Crown Prince To: Lawrence William I greet the future sun of Asterin Empire, Your Highness the Crown Prince, Lawrence William. I hope you have a great day today. I, Elizabeth White, daughter of Duke White, request permission to be your a
Sophia's POV "Lady Elizabeth, I was stunned by your talent in swordsmanship. This will be a satisfactory report for Duke White, he must hear about this," sabi nito sa 'kin matapos makita ang stances ko sa paggamit ng espada. Kasalukuyan akong nasa training grounds ng mga knight. Kahit papaano ay naging madali ang pag-a-adjust ko sa katawan ni Elizabeth. I can even learn effortlessly swordsmanship here in this era. I know Fencing from my previous life. Although I am not the best at it, I was still one of the top competitors in the university. Pinunasan ko ang aking pawis gamit ang towel na bitbit ng isa sa mga servant ng mansyon, at saka uminom ng tubig para matanggal ang uhaw ko. "I learned well because you're good at instructing me. No beginner can be better in everything without having an excellent educator," sagot ko. His cheeks turn red. Napapakamot siya sa batok
Sophia's POV Today is the Mask Festival Day, here in the middle-class area. I decided to go tonight to gain experiences of this world. I plan to have fun without thinking of any unnecessary things. Deserve ko rin maging masaya bilang ako mismo 'no! Of course, I brought guards with me since I am not familiar with places here. Hindi naman mahilig maggala si Elizabeth kaya wala akong idea—at saka for security and emergency purposes na rin. Mas okay ang laging handa 'di ba? For me to not feel lonely, sinama ko na rin si Melrose. We both wear normal clothes and masks to easily blend with ordinary people. "Sophia, look at those pieces of jewelry!" She gladly introduces to me the accessories na may magagandang designs. I let her take her time to look and decide. For the first time in this life, I let myself be called by my real name even just for the night.
Sophia's POV Naramdaman ko ang malamig na ihip ng hangin. Napakaganda ng panahon ngayon dito sa labas. Masarap tumambay kapag hindi mainit ang klima. I smiled. "So much peacefulness." I am currently enjoying my cup of tea here in the garden while appreciating the silence of the afternoon. "Lady Elizabeth, this is from Duke White," Melrose said after taking the brown envelope from the male servant. Inangat ko ang palad ko para hingin ang envelope sa kaniya. She carefully put it on my palm. I look into it, to read the contents inside. This is information gathered by Duke White. It is related to the background of Trisha and the siblings. Trisha De Fuerte, the daughter of the late Baron and Baroness De Fuerte. Born on April 26, 980, her current age is twenty-one. Namatay ang mga magulang niya dahil sa sakit na hindi pa matukoy ng doktor sa panahon na 'to
Sophia's POV I am now on my way to the residence of Marquess Philip. These past few days, I have been having second thoughts if I should go or just ditch the occasion. But the problem is, I already sent a response of acceptance—on the same day when I received the invitation. I heavily sighed. Ayoko namang ipahiya ang pangalang dala-dala ko. Naalala ko ring hindi nga pala ako aarteng kontrabida katulad ng nasa kwento. Magpapakabuting nilalang ako at hindi papadala sa emosyon. Nang huminto ang sinasakyan ko sa tapat ng entrance ng Philip Household, agad akong pinapasok ng guard no'ng ma-identify nito ang invitation ko. "Welcome, Lady Elizabeth," salubong sa 'kin ng butler nang makababa ako sa karwahe. "Lead the way," I said. Yumuko ito bilang pagsang-ayon saka siya umuna ng paglakad patungo sa lugar kung saan ang tea party. Huminto kami sa greenhouse,
Sophia's POV Panahong wala pa akong ideya na ako pala ay nagbalik sa kung saan talaga ako nabibilang. Tandang-tanda ko ang unang araw ng ma-transmigrate ako sa mundong ito. Sobra akong nasurpresa nang magising sa katawan ng isa sa mga importanteng tauhan ng nobelang nabasa ko. Sa kasamaang palad, ako ay naging si Elizabeth White, ang kontrabidang nakatakdang mamatay para sa progreso ng kwento na binibidahan ni Beatrice. Hindi na mabilang sa daliri ang mga pagkakataong nakaramdam ako ng ilang sa pakikitungo ng mga nakapaligid sa 'kin. Hindi naging madali sa una, lalo pa't marami ang takot kay Elizabeth. Karamihan sa kanila ay mga may mabababang posisyon sa lipunan. Takot ang mga itong makagawa ng kahit konting pagkakamali sa harap niya dahil baka mapagbuntungan sila ng inis ng dalaga. Marami ang naging biktima sa hagupit niya. Lalo na ang mga babaeng hindi niya pinalampas gawa ng selos, at pagka-paranoid
Sophia's POV Matalas makiramdam si Killian kung may ibang presensya ang malapit sa lokasyon niya. Ngunit sa pagkakataong ito … tila ba ay wala siyang pakialam sa paligid. May sarili silang mundo na nililikha na para lamang sa kanilang dalawa. Niyukom ko ang pareho kong kamao at napakagat ng madiin sa ibabang labi. Hindi ko mapigilang makaramdam ng kuryusidad. Idagdag pa ang unti-unting pag-init ng ulo ko at pagkulo ng dugo sa tuwing naririnig ko ang kanilang hagikhikan. Naramdaman ko ang panginginig ng aking kalamnan. Nanlalabo rin ang paningin ko dahil sa nagbabadyang luha. Dinadaan ko na lang talaga sa inis itong nararamdaman ko ngayon. While staring at them intently, I sharpened my sense of hearing to learn what their conversation is about. "Hindi ko alam no'n kung saan ako magsisimula...buti na lang ay tinulungan mo ko't nanatili ka sa tabi ko," kamot sa batok na
Sophia's POVI am currently hanging around here in His Majesty's main office, watching them struggling with their businesses while sipping my cup of tea. Ang mga vassal at iba pang opisyal ay hindi magkandaugaga sa dami ng kanilang ginagawa. Bukod sa pagmo-monitor ng resulta sa pagsasagawa ng mga nasirang istruktura sa Asterin—dulot ng nakaraang kaguluhan—inaasikaso rin nila ang mga hinaing at pangangailangan ng mamamayan."Your Majesty, here is the final report prepared by the Finance department. These are the documents that indicate the estimated budget for rebuilding the middle-class area," bungad ni Trisha. She is now working as a secretary of Emperor White.To my surprise, I didn't know she was capable of fulfilling that job. Hindi ko akalaing may knowledge siya sa ganiyang posisyon. Wala rin kasi sa nakuha kong background information niya ang tungkol sa bagay na 'yan kaya wala akong ideya
Sophia's POVTahimik sana ang buhay ko ngayon kung hindi lang ikinalat ni Felixander sa buong sambayanan ang tungkol sa naging buhay ko bilang Eliz Sofie."High Priestess! Pakinggan mo ang aming hiling! Ikaw po ang nararapat na mamuno sa Holy Temple!"Hindi ko mapigilang sumimangot sa mga naririnig ko. Nagpakawala ako ng mabigat na buntong hininga at hinilot ang aking sintido."Pakinggan mo ang aming hiling!" sabay-sabay nilang sigaw.Simula ng tanggapin at kilalanin akong muli ng mga tao bilang deity ng bansang ito. Walang araw na hindi nila ako dinumog dito sa mansyon.Gusto nila ako ang mamuno sa templo tapos doon ko ilaan ang buong buhay ko? No way!"Priestess Sophia, pakinggan mo ang hiling ng iyong mga anak!"Kunot noo kong nilingon ang direksyon ng pintuan. Anong mga anak? Argh! Nakaka-stress na talaga silang lahat!
Third Person POV"Alam mong hindi tatalab sa 'kin 'yang binabalak mo," wika ng dalaga habang sinasalubong ang titig ni Zero Three.He chuckled and shrugged his shoulders. "But how about them?"Naalerto ang lahat nang maramdaman ang killing intent na nagmula rito. Kinilabutan sila sa tingkad ng pagpula ng mga mata niya. Knowing how his ability works, they started to tremble in fear of losing their life.Umaksyon naman kaagad ang mga Shadow General upang agapan ang mga posibleng mangyari. Tinungo nila ang kinatatayuan ni Zero Three para palibutan ito, and positioned themselves to prepare for a fight. If he ever tries to make a wrong move, they will put an end to him without hesitation."That won't work. Everyone here in this room is currently under my protection." Huminto si Sophia sa kaniyang harapan. "Accept your loss, Zero Three."Umalingawngaw sa silid a
Third Person's POVMADALI para sa mga elf na paslangin ang demon beasts, kaso dehado naman sila sa shadow soldiers and mages. Bawat wasiwas ng kanilang sandata sa mga anino, tila ba ay hangin lamang ang kanilang natatamaan. Paano nga naman nila malalabanan ang hindi masugat-sugatang kalaban? Hindi sapat ang kanilang lebel ng kapangyarihan para matalo ang mga ito."Growl!" Umalingawngaw ang ingay na likha ng dragon."Aaah!" Nagsipag talunan palayo ang mga elf upang hindi matamaan sa pagbuga niyon ng itim na apoy.Ang mga demon beast na hindi makaiwas sa atake na pinakawalan ni Zero ay instant na nagiging abo.Habang tumatagal ang panonood ni Sophia sa senaryo na nagaganap sa harapan, bumabagal din ang tibok ng puso dahilan niya para mahirapan siyang makahinga ng maayos. Sa bawat kakamping namamatay, may init na bumubuo sa dibdib niya na parang gustong kumawala.
Sophia's POVI remained silent while he's carrying me on his shoulder. Hindi ko nakikita ng maayos ang nadadaanan namin dahil nakaharap ang mukha ko sa likod niya.Teka? Umaalingasaw ang amoy ng dugo. Why is that?Lumingon ako sa kaliwa, sandali akong natulala sa aking nasaksihan."Put me down," sabi ko saka mahinang hinampas si Killian sa bewang niya."Bakit?" tanong niya habang patuloy pa rin sa paglalakad. Wala yata itong balak na sundin ang nais ko."I said, put me down!" Naglikot-likot ako para makawala sa kapit niya.Walang salitang maingat niya akong ibinaba, dahilan para ako ay makaramdam ng konting hiya.Madali ko siyang tinalikuran para suriin ang paligid. "Ugh!" Hindi kinaya ng sikmura ko ang nakikita kong senaryo, lakad-takbo akong tumungo sa poste saka sumuka ng sumuka."A-ano ang nangyari rit
Third Person's POVAng dating kaaya-ayang pagmasdan dahil sa linis ng kapaligiran na hindi nakikita ang alikabok, at makinang na mga bagay na nagpapaganda at mas nagpapaliwanag ng lugar. Ngayon ay magulo na't parang dinaanan ng bagyo. Basag ang mga babasaging gamit, at may marka na likha ng matalas na kuko ang sumira sa mamahaling paintings na nakasabit sa dingding ng palasyo."Ugh!" Nagbabadyang bumaliktad ang sikmura ng mga ilang kabalyero. Hindi makapag-focus ang karamihan sa pakikipaglaban, dahil sa karumal dumal na senaryo na nakapaligid sa kanila.Nagkalat sa sahig ang mga bangkay, maging ang dugo at laman loob, at parte ng katawan—biktima sa biglaang pag-atake ng mga kalaban."Patatagin ang sikmura ninyo!" sigaw ng isa sa mga commander ng Imperial Knights. "Don't stain any further your pride and honor as Knights of Asterin!""Yes, sir!" they shouted in unison
Third Person's POV"Aaaaah!" Maririnig ang malakas na sigawan ng mga mamamayan ng Asterin."What's happening?" pagtataka ng isang noble na wala pang ideya sa nangyayari sa labas ng palasyo. Hindi lang siya kundi maging ang karamihan ay pare-pareho ng tanong na nasa isipan.Sa ikalawang palapag, naroon nakapwesto ang mag-asawang namumuno sa bansa. Sina Emperor William at si Empress Ivory."Aking mahal na Emperor, kahit ako ay nakararamdam na ng pagkabalisa sa mga tangis na 'yon." Ipinatong ng Empress ang kamay niya sa likod ng palad ng katabing asawa."Don't fret, I'll stay by your side," he said.Mula sa kinauupuan, si Emperor William ay tumayo at saka inangat ang kaliwang palad upang senyasan ang orkestra na ihinto ang pagtugtog ng musika. Madali naman siyang napansin ng Conductor, at sumunod kaagad ang mga musikero sa kaniyang nais."Det