Share

CHAPTER 1: 'A'

last update Huling Na-update: 2023-01-05 12:47:59

"What happened?" Humahangos si Jairus papalapit kay Sandro na nakaupo sa waiting area sa labas ng emergency room.

Agad na napatingala si Sandro na kanina ay nakayuko sa kararating lang niyang kaibigan. Alalang alala si Jairus dahil nang marinig niya ang balitang sumugod sa ospital si Sandro, buong akala niya na may nangyaring masama sa matalik na kaibigan.

"Pre." Tumayo si Sandro sa pagkakaupo. "Bakit ganyan ang itsura mo?" takang tanong niya.

"Anong bakit? Pre, akala ko kung napa'no ka na. Ano bang nangyari?" humihingal pa rin siya pero medyo kumalma na siya nang makitang ok naman ang kaibigan.

"Long story, may nakita akong babaeng palutang lutang sa batuhan malapit sa pampang. Dinala ko siya agad dito." Paliwanag niya.

"Babae? Sino? Taga rito ba?" Sumenyas siya kay Sandro na maupo na ulit sila habang nagtatanong.

"I don't know, ngayon ko lang nakita 'yung mukha niya. Pero may pakiramdam ako na hindi siya taga rito sa isla." Napahawak ulit sa ulo si Sandro habang nagsasalita. Hanggang ngayon kasi gulat pa rin siya sa mga nangyari.

"Kanina pa sila sa emergency room, hindi pa lumalabas 'yong doctor, parang hindi na siya humihinga kanina. Maybe she's dead," patuloy niya.

"'Wag naman sana." Nang sabihin 'yon ni Jairus ay sakto ring paglabas ng doctor mula sa loob ng emergency room.

Sabay silang napatayo.

"Doc, kumusta po?" tanong agad ni Sandro.

"She's stable now, maraming tubig ang nainom niya at marami rin siyang natamong galos dahil sa pagkakahampas niya sa mga bato. But she'll be fine. We will transfer her to her room." Pagkatapos 'yon sabihin ng doctor ngumiti siya sa dalawa saka nagpaalam na may kailangan pa siyang puntahang ibang pasyente.

Kailangan pa nilang hintayin na mailipat siya sa kwarto kaya minabuti na lang muna nilang umuwi. Nakatira si Sandro sa isang lodging house sa loob ng Foxx Resort dito sa isla, may kalakihan ang bahay na tinutuluyan niya at halos puwede na ring maging accommodation 'to ng mga turistang pumupunta sa resort pero minabuti niyang bilhin 'yon at tumira mag-isa.

"Grabe, habulin ka talaga ng mga babae, biruin mo pati babaeng palutang lutang sa dagat, eh, lumalapit din sa'yo," natatawang saad ni Jairus habang nagpapalit siya ng suot niyang swimming trunks.

Sa sobrang pagmamadali niya kasing pumunta sa ospital kanina, ni hindi na siya nakapagpalit pa ng suot niyang damit galing sa pagsu-surfing.

"That's the only situation I don't ever want to happen again," sagot ni Sandro habang nagsusuot naman ng puting fitted t-shirt. Mas lalong lumabas ang mga muscles sa braso at dibdib niya.

Magkasama sila ngayon sa bahay ni Sandro. Madalas kasi na sa bahay din niya natutulog si Jairus sa tuwing kailangan niya ng kasama kaya meron na rin siyang mga damit na puwede niyang magamit anytime.

Naupo si Jairus sa kama pagkatapos magbihis, "Pero pre, maganda ba?" tanong niya sa kaibigan na nagpapalit na rin ng pang-ibaba.

Hindi agad siya nakasagot, muling nanariwa sa isip niya ang itsura ng babae. Ang halos hubad nitong itaas na katawan, ang sobrang puti nitong mga balat at mala-diwatang mukha kahit na may konting sugat at galos ang mukha nito.

"I'll take that silence as a yes," sabi ulit ni Jairus saka malakas na binato ng unan si Sandro sa mukha dahilan para mabalik siya ulit sa reyalidad.

"Aray! malakas na d***g niya pero mabilis nang nanakbo papalabas ng pinto si Jairus.

They eat their late breakfast at sabay nang pumunta ulit sa ospital para bisitahin ang babaeng nakita ni Sandro sa pampang. Sa tuwing may nakakasalubong silang mga tao mula sa isla, tinatanong nila kung kumusta na 'yung babae, sinasabi lang niya na ok na ito at buhay sa awa ng Diyos.

Bukod kasi kay Sandro, ang ibang mga lokal na residente rin ang tumulong sa kaniya para madala sa ospital ang babae. Mabuti na lang dahil hindi rin gaanong malayo ang nag-iisang ospital sa isla kaya naisalba agad nila ang buhay ng hindi kilalang babae.

Nang buksan nila ang pinto ng kwarto kung saan sila itinuro ng nurse, bumungad sa kanila ang babaeng natutulog nang mahimbing. Nakasuot na ito ng green na hospital dress. May mga prutas sa side table malapit sa hospital bed niya at isang komportableng sofa naman sa gilid. This is a private hospital kaya naman maganda ang facilities at naaasikaso ang mga pasyente. Hindi rin kasi gaano karami ang mga residente rito sa isla, dumadami lang dipende sa dami ng mga turistang napunta.

"Kelan kaya siya magigising?" pabulong na tanong ni Jairus nang tuluyan na nilang masarado ang pinto.

Sobrang tahimik sa loob ng kwarto.

"The heck..." simula ni Jairus nang tuluyan silang makalapit sa natutulog na dalaga, "tama ka nga, sobrang ganda niya."

Parehas lang silang nakatitig sa dalaga, para itong anghel na natutulog. May nakalagay na oxygen mask sa bibig niya. Nalinis na rin ang mga sugat sa mukha niya pati sa mga braso niyang nakalitaw. Napansin ni Sandro ang letter A na tattoo ng dalaga sa wrist sa kaliwang kamay niya. May mga bandage siya do'n pati na rin sa kaliwang parte ng noo niya.

Nanatili sila sa gano'ng posisyon na walang nagsasalita. Nang bigla na lang bumukas yung pinto kaya sabay silang napalingon doon.

"Kap." sabay na anas nila.

Bumungad sa kanila ang isang matangkad, moreno, at may katabaang lalaki. A middle-aged man with a sophisticated look. Nakasuot ito ng white long-sleeve polo at black slacks. Isa siya sa matataas na opisyal sa isla. Kap. Arthur ang tawag sa kaniya ng marami dahil dati siyang kapitan sa kabilang isla na pinanggalingan niya.

Parehong ka-close ni Sandro at Jairus ang opisyal dahil sa tagal nila sa isla kaya naman alam na alam na niya ang bawat kalokohan nilang dalawa. Katulad ni Sandro, isa ring half American si Kap. Arthur kaya naman simula nang mapadpad siya sa isla, parang tatay na ang turing niya sa kaniya.

"Are you in trouble again, Sandro?" tanong niya agad sa kaniya.

"Grabe naman kayo," dipensa niya at umaktong parang nasasaktan. "Kapag ba pinatawag kayo automatic nang may kalokohan akong ginawa?"

Natawa lang si Jairus sa tabi niya. Siniko siya ni Sandro dahil sa do'n.

"Bakit, hindi ba? Sanay na 'kong palaging pinapatawag sa tuwing may kalokohan ka," dagdag pa ni Kap. Arthur.

Sinamaan siya ng tingin ni Sandro kahit alam naman nilang tatlo na nagbibiro lang ito.

Kinuwento ni Sandro ang nangyari mula nang makita niya ang babae na palutang lutang sa tubig hanggang sa maisugod niya ito sa ospital. Kahit si Kap. Arthur hindi rin namumukhaan ang dalaga, sa tingin niya ay galing ito sa ibang isla o isang turista mula sa syudad base sa physical appearance niya.

"Pa'no 'yan, saan siya tutuloy kapag nakalabas na siya dito sa ospital?" curious na tanong ni Jairus. Nakaupo siya sa sofa katabi si Kap. Arthur samatanlang nanatiling nakatayo si Sandro. Medyo matagal na rin silang nagkukuwentuhan.

"Habang nagtatanong tanong ako sa posibleng pagkakakilanlan niya puwede muna siya-"

"N-Nasaan... nasa'n ako..."

Naputol sa pagsasalita si Kap. Arthur nang bigla nilang marinig ang isang mahina at magandang boses ng babae.

Pare-parehong nanlaki ang mga mata nila at nagkatitigan silang tatlo. Pagkalipas ng ilang segundo, sabay sabay nilang nilingon ang babaeng nasa kama na natutulog kanina pero ngayon ay mulat na mulat at nakatingin sa kanilang tatlo na may pagtataka. Wala na rin ang oxygen mask na nakakabit sa kaniya kanina. Agad silang lumapit sa kaniya.

"Kumusta ang pakiramdam mo, ija? Ayos ka lang ba?" tanong ni Kapt. Arthur sa kaniya.

"Jai, tawagin mo yung doctor," mabilis namang utos ni Sandro kay Jairus kaya dali dali siyang lumabas ng kwarto.

"N-Nasaan ako... sino kayo?" mahinang tanong niya. Halatang nanghihina pa siya at may konting panic sa boses niya.

"Nasa ospital ka, ija. Nakita ka niya na nakalutang sa tubig," he referred to Sandro kaya lumipat ang tingin ng magagandang mata ng dalaga sa binata.

"Pero 'wag kang mag-alala, maayos na ang kalagayan mo. Kailangan mo lang magpahinga at magpagaling para makauwi ka na sa inyo kapag na-contact na naming ang mga kamag-anak mo. By the way, ija, anong pangalan mo?" patuloy niya.

Ilang segundong katahimikan ang bumalot sa loob ng kwarto. Tanging malamig na titig lang ang sinagot sa kanila ng dalaga hanggang sa tuluyan na siyang magsalita.

"Pangalan... Sino..." utal na simula niya. Napapikit siya na parang hindi alam ang sasabihin, at sa oras na dumilat siya, tumulo ang mga luha mula sa mga mata niya.

"Hindi ko alam kung sino ako... hindi ko alam kung anong pangalan ko, wala akong... wala akong natatandaan," she continued between her sobs.

Parehong napahinga ng malalim si Kap. Arthur at Sandro nang marinig 'yon.

Hindi nagtagal dumating na yung doctor. Kasama si Jairus at dalawang nurse. Lumabas muna silang tatlo habang chini-check ulit ng doctor ang lagay ng babae.

"Her head injury might be the reason for her amnesia," bungad ng doctor sa kanilang tatlo nang lumabas ito sa kwarto.

"Babalik pa ba yung ala-ala niya?" tanong ni Kap. Arthur sa doctor.

"Yes, hindi malala ang head injury niya base sa ginawang lab tests. Kaya sigurado akong temporary amnesia lang ang mararanasan niya. She'll be fine, nakatulog na siya ulit at kasalukuyang nagpapahinga." The doctor assured before leaving.

Tumango lang si Kap. Arthur at nagpasalamat. Bumalik siya sa waiting area kung saan nakaupo si Sandro at Jairus.

"Paano natin siya mababalik sa pinanggalingan niya?" tanong ni Jairus habang nagkakamot ng ulo.

"Kapag wala akong nakuhang impormasyon, wala tayong ibang choice kung hindi patuluyin muna siya dito sa isla at siguraduhing ligtas siya hanggang sa bumalik ang ala-ala niya. Narinig nyo naman yung sinabi ng doctor, pansamantala lang ang amnesia niya."

"She can stay at my house," suhestyon ni Sandro.

Agad na napatingin sa kaniya ang dalawa na parang hindi makapaniwala sa narinig nila.

"What? Anong mali sa sinabi ko?"

Tinapik siya sa balikat ni Kap. Arthur, "ijo, hindi mo ba narinig yung sinabi ko? We'll make her safe, at hindi ko siguradong magiging safe siya sa'yo."

Halos hindi na mapigilan ni Jairus ang pagatwa sa gilid niya kaya sinamaan din niya 'to ng tingin.

"I'm serious, besides, malaki naman yung tinutuluyan ko. Pwede siyang umalis kapag ok na siya. It's ok with me, ako rin naman yung nakakita sa kaniya, it's all fine."

Saglit niyang hinintay ang sagot ni Kap. Arthur.

"Fine, but take care of her. I'll watch you, Sandro. Don't do anything stupid."

Kahit na parang anak na ang turing ni Kap. Arthur kay Sandro, hindi pa rin niya magawang mangamba dahil kilala niya ang binata, at alam niya kung paano niya tratuhin ang mga babaeng dumadaan sa buhay niya. But he still has his hope to him and trust him anyway. He's just a real father who trusted his child over and over again despite of their bad actions.

Mabilis na tumango si Sandro. "I'll make sure of that, Kap."

Hindi niya rin alam kung bakit ba siya nagprisinta na patuluyin sa bahay niya yung babae. Pero simula nang makita niya 'to, parang may iba siyang naramdaman na hindi niya maipaliwanag. Kahit ang pagi-stay niya ngayon sa ospital eh parang isa ring himala, dapat wala na siyang pakealam pagkatapos niyang madala dito sa ospital yung babae pero may kung anong nagsasabi sa kaniya na 'wag umalis hanggang sa maging ok na 'to.

He used to be care less at most things, but this is different to him.

Tinapik ulit siya nito sa balikat saka naupo sa tabi nila.

Ilang sandal pa, bigla ulit nagsalita si Sandro. "By the way, since wala siyang pangalan, she has a tattoo on her left wrist. Let's call her A."

Kaugnay na kabanata

  • Waves of Temptation (Tagalog)   CHAPTER 2: BAGONG BUHAY SA ISLA

    Isang lingo na ang nakalipas nang matagpuan ni Sandro si A. Tatlong araw siyang namalagi sa ospital, nang masigurado ng doctor na magiging ok na siya, umuwi na rin siya kasama ni Sandro sa tinutuluyan niyang bahay. Sandro took care of her, nag-hire rin siya ng makakatulong sa pag-aalaga sa kaniya no'ng palagi lang siyang nakahiga at halos hindi makatayo at makakain mag-isa dahil nanghihina pa yung katawan niya. Hindi kasi masyadong nags-stay ang binata sa bahay tuwing umaga. Aalis rin ito pagkatapos mag-almusal. Madalas nahihiya siya rito dahil hindi naman niya kilala si Sandro pero casual at maganda ang pakikitungo nito sa kaniya. Tutok na tutok ang tingin niya sa malawak na dagat at mahinahon na alon. Alas-singko pa lang ng umaga pero gising na gising na ang diwa niya. Simula nang maging mabuti na ang pakiramdam niya, palagi na siyang maagang magising pero hindi siya lumalabas ng kwarto. Gusto niyang mapag-isa at taimtim na tumitig sa karagatan. Her room is facing the sea, gustin

    Huling Na-update : 2023-01-05
  • Waves of Temptation (Tagalog)   Chapter 3: The Visitor

    Binuksan ni Aaliyah nang dahan dahan ang pinto para hindi lumikha ng kahit na anong ingay. Alas-kuwatro pa lang ng umaga at ito ang unang beses na lumabas siya ng kwarto sa oras na magising siya nang hindi pa sinusundo ni Sandro.She even makes sure na hindi pa gising o magigising si Sandro. Balak niyang magluto ng breakfast bilang pambawi sa binata. Palagi kasing si Sandro ang nagluluto para sa kaniya kaya naisipan niyang i-surprise ito.Ipinusod niya ang buhok niya saka naghilamos ng mukha, kinuha at sinuot din niya ang apron na nakasabit sa dingding ng kusina para magsimula nang magluto. This is not the first time that she’ll cook, although, hindi siya masyadong marunong magluto, tingin niya magwo-work out naman ang plano niya. Hindi rin naman komplikado ang putahe na lulutuin niya, typical breakfast lang.Binuksan na niya ‘yung malaking refrigerator para tingnan kung ano ba ang mga puwede niyang lutuin.Halos isang oras din ang inabot bago siya natapos sa pagluluto. Medyo napabaga

    Huling Na-update : 2023-02-15
  • Waves of Temptation (Tagalog)   Chapter 4: Ang Tunog sa Kabilang Kwarto

    “Ate Lorna, tingin mo na-appreciate ni Sandro ‘yong ginawa ko kaninang umaga?” tanong ni Aaliyah kay Lorna na kakatapos lang magwalis at mag-ayos ng mga gamit sa sala.Nakaupo si Aaliyah sa sofa, katatapos lang din niyang tulungan si Lorna na maglinis ng bahay kahit tinutulan niya ‘to dahil hindi naman dapat siya ang naglilinis at siguradong malalagot siya kay Sandro kapag nalaman niya ‘to.Hapon na nang dumating si Lorna sa bahay dahil marami pa siyang nilinisang kwarto ng ibang kuwarto ng turista. Hindi sila masyadong natagalan sa paglilinis dahil kahit may kalakihan ang bahay ni Sandro wala naman halos kalat na lilinisin dahil wala naman masyadong tao ang nakatira dito.“Nako, oo naman, ija. Alam mo, kahit gano’n yon si sir Sandro mabait na bata din naman ‘yon.” Sagot niya sa dalaga habang itinatabi sa gilid ‘yong walis na ginamit niya pagkatapos ay naupo sa tabi niya.Aaliyah frowned.“Oh bakit? May problema ba?” tanong niya dito dahil sa biglang pagsimangot niya.Kanina pa sila n

    Huling Na-update : 2023-02-15
  • Waves of Temptation (Tagalog)   Chapter 5: New Treatment

    Tinanghali na siya ng gising kinaumaghan. Nagulat siya nang makita na alas-otso na ng umaga at hindi rin siya pinuntahan ni Sandro para gisingin. Bigla na naman niyang naalala yung nangyari kagabi.“Hindi kaya narinig niya yung pagbagsak ng vase kagabi?” nasabi niya sa sarili at sinapo ang noo dahil sa inis.Agad siyang naghilamos. Lumabas siya ng kwarto at dumiretso sa living room. Nagulat siya nang makitang nagtatawanan sina Sandro at Jairus habang nag-uusap na nakaupo sa sofa.“Baby A! Gising ka na pala?” agad na bati sa kaniya ni Jairus sa oras na mapansin siya nito.She smiled and her eyes shifted to Sandro who’s also looking at her. May kakaiba sa mga tingin nito. Napalunok siya ng sariling laway nang bigla na namang pumasok sa utak niya na baka alam talaga ni Sandro na nasa labas siya ng pinto.Umiwas siya ng tingin dito at awkward na naglakad papalapit sa kanila.“Tinanghali ka yata, napuyat ka ba kagabi?” tanong sa kaniya ni Sandro. Hindi seryoso ang boses nito at wari niyan

    Huling Na-update : 2023-02-16
  • Waves of Temptation (Tagalog)   Chapter 6: After Party

    Alas-siyete ng gabi sila nakarating sa party. Kagaya ng sinabi ni Jairus, napakalaking party nga nito dahil punong puno ng tao ang lugar sa tabi ng beach. Hindi na masabi ni Aaliyah kung sino sa mga tao ang turista at hindi. Dinadayo daw kasi ng marami ang party na ‘to kada taon.“Pre, nasa’n na kaya si Vanessa?” tanong ni Jairus habang tumitingin tingin sa paligid.“Ano?!” malakas na tanong naman ni Sandro. Sa sobrang lakas kasi ng tugtog hindi na niya marinig ang boses ng kaibigan.Samantalang si Aaliyah ay nasa gitna lang nilang dalawa. Beach party ito kaya naman nakasuot siya ng ring croptop at maiksing maong na shorts. Kahit simple lang ang suot niya compare sa ibang babae na nasa paligid na nakasuot ng two-piece, kitang kita pa rin ang ganda ng katawan niya.“SABI KO NASA’N NA KAYA SI VANESSA! HINDI KO SIYA MAKITA!” sumigaw na rin si Jairus para magkarinigan sila.Pakiramdam ni Aliyah para siyang bata na napagigitnaan ng dalawang malalaking tao na nakasuot lang ng swimming trunk

    Huling Na-update : 2023-07-03
  • Waves of Temptation (Tagalog)   CHAPTER 7: Panibagong Ingay

    “B-Bitawan mo ko…”“Parang awa mo na… b-bitawan mo… koo”“T-Tulong!”Napabalikwas ng tayo si Aaliyah mula sa isang masamang panaginip. Pawis na pawis siya habang humahangos ang hininga.Pumatak ang mga luha sa mga mata niya nang nanariwa sa ala-ala niya ang panaginip niya pati na rin ang totoong napagdaanan niya.“A! Anong nangyari ok ka lang ba?”Mabilis na pinunasan ni Aaliyah ang mga luha niya nang biglang bumukas ang pinto at nagmamadaling pumasok si Sandro. Wala itong suot na pang itaas at tanging boxer lang ang suot. Bakas pa rin ang sariwang sugat niya sa mukha dahil sa nangyari kagabi“Anong nanyari sayo?” Tuluyan na siyang lumapit kay Aaliyah. Halata ang pag-aalala sa boses niya.“O-Okay lang ako, ang sama lang ng panaginip

    Huling Na-update : 2023-07-04
  • Waves of Temptation (Tagalog)   Chapter 8: Fall

    Dumaan ang ilaw araw pagkatapos ng eksenang ‘yon. Sa ilang araw na nagdaan, bawat araw ay iba ibang babae rin ang nakikita niyang dinadala ni Sandro sa bahay nila. Kasabay no’n ay ang patuloy na pagtrato sa kaniya ni Sandro ng kakaiba. Bawat araw ay tila nagiging sweet ito sa kaniya na mas ikinagulo ng isip niya kung ano ba talaga ang instensyon ni Sandro sa kaniya.Maagang gumising si Aaliyah, halos hindi rin siya nakatulog dahil rinig na naman niya ang mga ungol na nanggagaling sa kwarto ni Sandro kagabi.“Nakakainis, kelan ba ako makakatulog nang maayos sa bahay na ‘to” Bulong niya sa sarili. Dali-dali siyang lumabas ng kwarto.Alas singko pa lang ng umaga kaya medyo madilim pa ang paligid.Wala siyang pakealam kung malamig sa labas at kung walang laman ang tiyan nya. Dire-diretso siyang lumabas ng pinto ng bahay at naglakad papunta sa pampang.Na

    Huling Na-update : 2023-07-05
  • Waves of Temptation (Tagalog)   Chapter 9: Her Dark Past

    “A, A gising na”Kinusot kusot ni Aaliyah ang mata niya nang maalimpungatan siya dahil sa boses ni Sandro. Ginigising siya nito dahil sobrang himbing pa rin ng tulog niya.“Oo nga baby A, gising na!” nanlaki ang mata ni Aaliyah nang biglang sumulpot si Jairus sa likod ni Sandro.Napangiti siya dahil dito. Nagkatinginan silang dalawa ni Jairus kaya napangiti rin si Jairus. Dalawang araw niya hindi nakita si Jairus pagkatapos nilang maggala at hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ni Sandro na magkasama sila no’n araw na ‘yon.Sinabihan siya ni Jairus na secret lang nilang dalawa ‘yon dahil baka hindi na sila makaulit kapag nalaman ‘yon ni SandroSabay sabay silang bumaba para kumain ng almusal. Sa oras na makababa sila, nagulat si Aaliyah nang makita niyang nakaupo sa dining table si Vanessa. Nang mapansin siya nito ay agad pumakla ang timpla nito.“Ang tagal n’yo naman. Nagugutom na ‘ko,” reklamo niya.“Ginising pa kasi namin si Sleeping Beauty,” natatawang sagot ni Jairus.Ngumiti lan

    Huling Na-update : 2023-07-06

Pinakabagong kabanata

  • Waves of Temptation (Tagalog)   Chapter 13: The Storm

    “Ija, ready ka na ba?”Isang pilit na ngiti ang isinagot ni Aaliyah nang tanungin siya ni Kap. Arthur. Kasalukuyan silang pasakay ng speedboat na gagamitin nila para pumunta sa Maynila.Walang paglagyan ang kaba na nararamdaman ni Aaliyah dahil alam niya na ilang oras lang ay mapupunta na siyang muli sa impyernong mundo na pilit niyang tinatakasan.“Kap., sure ka bang hindi tayo aabutan ng bagyo sa dagat? Sobrang kulimlim ng langit.”Tiningnan ni Aaliyah ang nagsalitang si Sandro na nasa speedboat na ngayon habang inaayos ang mga gamit. Napatingin din siya sa langit at napansing makulimlim nga ito simula pa kaninang umaga. Alas-tres na nang hapon, palakas na rin nang palakas ang hangin.“Kung aalis na tayo ngayon, siguro naman ay hindi na tayo aabutan. Wala namang naiulat na paparating na bagyo,” sagot ni Kap.“Yes Kap!” sigaw naman ni Sandro.Napapikit si Aaliyah, “Jusko, sana maabutan na lang kami ng malakas na bagyo dito para hindi na kami matuloy,” mahinang dasal ni Aaliyah.“Oy,

  • Waves of Temptation (Tagalog)   Chapter 12: Ang Pagbabalik sa Maynila

    Kahit gulong gulo si Aaliyah sa mga pagbabagong nagaganap, pinili na lang niyang iwaksi lahat sa isip niya at patuloy na makisama kay Sandro.“Kap. Arthur wants to talk to you.”Napatigil sa pagwawalis si Aaliyah sa living room nang marinig niyang magsalita si Sandro sa likod niya.“Gosh!” sigaw niya sabay atras.Sino ba naman ang hindi mapapasigaw kung sa pagharap niya ay tumambad sa kaniya ang topless na si Sandro na tanging boxer shorts lang ang suot.“What?” naguguluhang tanong ni Sandro habang nakatingin kay Aaliyah na ngayon ay nakatakip na ang mga kamay sa mga mata niya.Nabitawan niya rin ang hawak niyang walis.“S-Sandro naman, next time magbihis na ka muna bago ka lumabas ng kwarto,” utal na sabi niya habang nakatakip pa rin ang mga kamay sa mukha niya.Sandro chuckled. “Don’t tell me you can’t take this view? Araw araw mo naman ‘tong nakikita simula nang dumating ka dito. Bakit hindi ka pa rin sanay?”Nanlaki ang mga mata ni Aaliyah. Tinanggal niya ang mga kamay sa mukha at

  • Waves of Temptation (Tagalog)   Chapter 11: Tension

    Niyakap ng mahigpit ni Jairus si Aaliyah sa oras na matapos siyang magkuwento tungkol sa naaalala niyang nakaraan.“I’m sorry, A.” Bulong ni Jairus kay Aaliyah habang nakayakap ito sa kaniya.Naguluhan si Aaliyah, mayroong kung anong emosyon sa boses ni Jairus na hindi niya maipaliwanag. Pansin rin niya ang pagiging seryoso ng mukha nito habang nagku-kuwento siya kanina.“Bakit ka nagso-sorry?” tanong niya kay Jairus.Kumalas ng yakap si Jairus. Kinuha niya ang dalawang kamay ni Aaliyah at hinawakan ang mga ‘yon.“I’m sorry you have to experience that, you don’t deserve that, A. At yung kagabi, kung nabantayan ka lang namin at hindi hinayaang maiwan mag-isa hindi mo dapat mararanasan yon. Alam kong dumagdag lang ‘yon sa trauma na meron ka,” paliwanag niya.Ngumiti lang si Aaliyah. Sa isip niya ay hindi naman kailangang mag-sorry ni Jairus. Pero masaya siya dahil sa lahat ng kabaitang ipinapakita sa kaniya ng binata.Mas hinigpitan niya ang hawak sa mga kamay ni Jairus.Alam niya sa sar

  • Waves of Temptation (Tagalog)   Chapter 10: Ang Pag-amin

    “It’s 8 am, bakit hindi pa rin gising si Sandro?” reklamo ni Vanessa habang binubuksan ang pinto ng bahay ni Sandro.“Alam mo namang may nangyari kagabi. Kailangan nilang magpahinga,” saad naman ni Jairus.Napaismid lang si Vanessa at saka bumulong, “whatever.”Maaga silang pumunta sa bahay ni Sandro para kumustahin sila dahil sa nangyari kagabi. Dahil may access naman sila sa bahay ni Sandro, madali silang nakapasok at napansing wala pa sina Sandro sa kusina oh sala kaya naisip nila na tulog pa ang mga ito.---Naalimpungatan si Aaliyah mula sa pagkakatulog. Sobrang bigat pa rin ng ulo niya dahil sa matinding pag-iyak. Niyakap niya ng mahigpit ang unan na nasa tabi niya nang bigla na namang maalala ang mga nangyari kagabi.Tital bigla na namang nanariwa ang takot na naramdaman niya. Nasa isip niya na mabuti na lang dahil palaging dumadating si Sandro para iligtas siya sa kapahamakan.Nanatili siyang nakayakap sa unan niya nang mayamaya lang ay bigla siyang natigilan. Para siyang nabu

  • Waves of Temptation (Tagalog)   Chapter 9: Her Dark Past

    “A, A gising na”Kinusot kusot ni Aaliyah ang mata niya nang maalimpungatan siya dahil sa boses ni Sandro. Ginigising siya nito dahil sobrang himbing pa rin ng tulog niya.“Oo nga baby A, gising na!” nanlaki ang mata ni Aaliyah nang biglang sumulpot si Jairus sa likod ni Sandro.Napangiti siya dahil dito. Nagkatinginan silang dalawa ni Jairus kaya napangiti rin si Jairus. Dalawang araw niya hindi nakita si Jairus pagkatapos nilang maggala at hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ni Sandro na magkasama sila no’n araw na ‘yon.Sinabihan siya ni Jairus na secret lang nilang dalawa ‘yon dahil baka hindi na sila makaulit kapag nalaman ‘yon ni SandroSabay sabay silang bumaba para kumain ng almusal. Sa oras na makababa sila, nagulat si Aaliyah nang makita niyang nakaupo sa dining table si Vanessa. Nang mapansin siya nito ay agad pumakla ang timpla nito.“Ang tagal n’yo naman. Nagugutom na ‘ko,” reklamo niya.“Ginising pa kasi namin si Sleeping Beauty,” natatawang sagot ni Jairus.Ngumiti lan

  • Waves of Temptation (Tagalog)   Chapter 8: Fall

    Dumaan ang ilaw araw pagkatapos ng eksenang ‘yon. Sa ilang araw na nagdaan, bawat araw ay iba ibang babae rin ang nakikita niyang dinadala ni Sandro sa bahay nila. Kasabay no’n ay ang patuloy na pagtrato sa kaniya ni Sandro ng kakaiba. Bawat araw ay tila nagiging sweet ito sa kaniya na mas ikinagulo ng isip niya kung ano ba talaga ang instensyon ni Sandro sa kaniya.Maagang gumising si Aaliyah, halos hindi rin siya nakatulog dahil rinig na naman niya ang mga ungol na nanggagaling sa kwarto ni Sandro kagabi.“Nakakainis, kelan ba ako makakatulog nang maayos sa bahay na ‘to” Bulong niya sa sarili. Dali-dali siyang lumabas ng kwarto.Alas singko pa lang ng umaga kaya medyo madilim pa ang paligid.Wala siyang pakealam kung malamig sa labas at kung walang laman ang tiyan nya. Dire-diretso siyang lumabas ng pinto ng bahay at naglakad papunta sa pampang.Na

  • Waves of Temptation (Tagalog)   CHAPTER 7: Panibagong Ingay

    “B-Bitawan mo ko…”“Parang awa mo na… b-bitawan mo… koo”“T-Tulong!”Napabalikwas ng tayo si Aaliyah mula sa isang masamang panaginip. Pawis na pawis siya habang humahangos ang hininga.Pumatak ang mga luha sa mga mata niya nang nanariwa sa ala-ala niya ang panaginip niya pati na rin ang totoong napagdaanan niya.“A! Anong nangyari ok ka lang ba?”Mabilis na pinunasan ni Aaliyah ang mga luha niya nang biglang bumukas ang pinto at nagmamadaling pumasok si Sandro. Wala itong suot na pang itaas at tanging boxer lang ang suot. Bakas pa rin ang sariwang sugat niya sa mukha dahil sa nangyari kagabi“Anong nanyari sayo?” Tuluyan na siyang lumapit kay Aaliyah. Halata ang pag-aalala sa boses niya.“O-Okay lang ako, ang sama lang ng panaginip

  • Waves of Temptation (Tagalog)   Chapter 6: After Party

    Alas-siyete ng gabi sila nakarating sa party. Kagaya ng sinabi ni Jairus, napakalaking party nga nito dahil punong puno ng tao ang lugar sa tabi ng beach. Hindi na masabi ni Aaliyah kung sino sa mga tao ang turista at hindi. Dinadayo daw kasi ng marami ang party na ‘to kada taon.“Pre, nasa’n na kaya si Vanessa?” tanong ni Jairus habang tumitingin tingin sa paligid.“Ano?!” malakas na tanong naman ni Sandro. Sa sobrang lakas kasi ng tugtog hindi na niya marinig ang boses ng kaibigan.Samantalang si Aaliyah ay nasa gitna lang nilang dalawa. Beach party ito kaya naman nakasuot siya ng ring croptop at maiksing maong na shorts. Kahit simple lang ang suot niya compare sa ibang babae na nasa paligid na nakasuot ng two-piece, kitang kita pa rin ang ganda ng katawan niya.“SABI KO NASA’N NA KAYA SI VANESSA! HINDI KO SIYA MAKITA!” sumigaw na rin si Jairus para magkarinigan sila.Pakiramdam ni Aliyah para siyang bata na napagigitnaan ng dalawang malalaking tao na nakasuot lang ng swimming trunk

  • Waves of Temptation (Tagalog)   Chapter 5: New Treatment

    Tinanghali na siya ng gising kinaumaghan. Nagulat siya nang makita na alas-otso na ng umaga at hindi rin siya pinuntahan ni Sandro para gisingin. Bigla na naman niyang naalala yung nangyari kagabi.“Hindi kaya narinig niya yung pagbagsak ng vase kagabi?” nasabi niya sa sarili at sinapo ang noo dahil sa inis.Agad siyang naghilamos. Lumabas siya ng kwarto at dumiretso sa living room. Nagulat siya nang makitang nagtatawanan sina Sandro at Jairus habang nag-uusap na nakaupo sa sofa.“Baby A! Gising ka na pala?” agad na bati sa kaniya ni Jairus sa oras na mapansin siya nito.She smiled and her eyes shifted to Sandro who’s also looking at her. May kakaiba sa mga tingin nito. Napalunok siya ng sariling laway nang bigla na namang pumasok sa utak niya na baka alam talaga ni Sandro na nasa labas siya ng pinto.Umiwas siya ng tingin dito at awkward na naglakad papalapit sa kanila.“Tinanghali ka yata, napuyat ka ba kagabi?” tanong sa kaniya ni Sandro. Hindi seryoso ang boses nito at wari niyan

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status