“T-Tito, anong aalis?” Kinakabahan ako dahil pagka-sabi ni tito kanina na aalisin niya ako dito sa Isla ay nag-simula siyang mag-impake.
“Didn’t you get it? You’re not safe here anymore!” Halos kumalabog ang buong bahay sa sigaw niya.
“Saan naman tayo pupunta?” Wala akong ibang kamag-anak. Si tito Alexis lang. Ang sabi pa ni mama pinsan niya sa malayong kamag-anak si tito. Ganun pa man napa-mahal na’ko sakaniya.
“F*ck Cia! Muntik ka ng magagahasa yet you’re acting like nothing happened.” Sinara niya ang itim na maleta at napa-hawak sa kaniyang sintido.
“T-tito. Okay lang naman po kasi ako.” Mahinang sabi ko at tumabi sa kaniya.
Hinawakan niya ang balikat ko at alalang-alalang tumingin sa’kin.
“You’re not safe here. I promised, i p-promised your mom.” Hindi maka-tingin ng diretso sa’kin si tito.
“Pero tito. I grew up here, saka wala naman akong ibang mapupuntahan. Ikaw lang ang kilala kong malapit kay mama.”
“Shh, ako na ang bahala dun. Get ready, pina-ready ko na kay pareng Philip ang bangka.” Ngayon agad? Madaling araw pa lang ngayon. Medyo natagalan dahil sa pagdedemanda kay Railey at pagpapa-kalma sa’kin.
“T-tito, hindi pa’ko nakakapag-paalam sa mga taga Atlan." Kung pwede nga lang mag-tago o maging panaginip na lang…
“You’re too kind. You’re too innocent. And i don’t like it. They can use that against you. Your purity is also your weakness Cia.” Naka-kunot ang noo niya at ramdam ko ang sinseridad sa mga sinasabi niya.
“I don’t get it tito…” my purity is also my weakness? Umiling lamang ito.
“Go ahead. Mag-paalam ka na.” Agad akong tumakbo.
Naluluha ako habang inaapakan ang puting buhangin, baka ito na ang huling beses na makaka-apak ako dito. Akala ko noon dito na’ko sa Atlan mamamatay. Akala ko hindi kami mag-hihiwalay ni Thal.Naka-kalat na ang mga tents malapit sa katubigan. Nakita ko naman si Thalia na naka-upo sa duyan sa ilalim nang puno. Seryoso at pinapanood din ang agos.
“THAAAL!” Tawag pansin ko. Agad naman siyang lumingon at ikinaway ang kamay.
Linapitan ko siya at umupo sa tabi nang duyan.
“Thal—”
“Alam ko. Aalis ka.” Alam kong seryoso din si Thalia ngayon. Ang dating isip batang tonong pananalita niya ay napalitan. Umayon ito sa edad namin.
“S-sabi ni tito eh.” Naka-ngiti ako habang may tumatakas na luha.
Yinakap ako ni Thalia, mahigpit ‘yon. Kumakabog ang dibdib ko. Hindi ko alam ano na mangyayari sa’kin… sa amin.
Ramdam ko ang pagka-basa nang aking balikat. Naka-yakap pa rin si Thalia.“Yuck, kadiri ka Thal.” Pagbibiro ko upang mabawasan ang tensyon.
“Sorry naman. Kilala ko kasi ‘yang tito mo. Magtatagal bago kayo bumalik dito. O baka nga hindi na kayo bumalik eh!” Todo ang lukot nang mukha niya.
“Kung ganun man, hindi naman natin kakalimutan ang isa’t-isa ‘di ba?” Hinaplos ko ang buhok niya.
“Ooooo namaaaan.” Kinurot niya naman ang dalawang pisngi ko.
“Tara samahan mo ‘ko. Magpapaalam ako sa iba.” Pinagpagan ko ang pajama ko.
“Okay ka lang? Madaling araw na Cia. Tulog pa ‘yun.” Oo nga pala. Alas-dos pa lang.“THALIAAAAAA!” Sumigaw si Tita Bettie, nanay ni Thalia.
“Tatakas ako mamaya. Ihahatid kita ah? Pinapa-tulog na’ko ni Mama eh.” Natawa naman ako saka tumango.
Umalis na si Thalia. Wala pa si Tito Phil at ang bangka. Manonood na muna ako dito.
Lumapit ako sa katubigan. Hinyaan kong mabasa ang ilalim nang pajama ko. Ito na siguro ang pinaka malungkot na araw ko.Hindi ko alam paano nila ako napa-kalma. Ngumingiti ako pero natatakot. Ganun ba lahat nang mga lalaki?
Malamig ang tubig habang tulala akong naka-tingin sa buwan. Ipinikit ko ang mga mata ko at dinama ang hangin.Habang naka-pikit may tumama sa paa ko. Napa-ngiwi pa’ko ng bahagya.
“Ahh—” natigilan ako nang makita ang isang maruming bote.
“Bawal ‘to ah.” Tinitigan ko ang bote. Kinalog-kalog ko ‘to at may tumunog.Binuksan ko ang bote…
“Ang baho!” Muntik ko nang ibalibag pa-balik sa tubig ‘yung bote pero may nakita akong papel…
Last Will.
~ Antoñio R. Grande
Naka-tupi ang sulat. Astang bubuksan koi to nang marinig ko ang boses ni tito.
“Cia. Let’s go!” Nagmadali akong tumayo saka pinagpagan ang aking pajama. Iniwan ko ang kulay berdeng bote kung saan nangaling ang sulat.
Lumapit ako kung saan ako tinawag ni tito pero wala siya doon.
“Tignan mo ‘yun. Siya ang nagmamadali.” Dumiretso ako sa loob ng bahay namin. Sigurado kong andun ‘yon.
“Anong balak mo Alexis?” Boses ni tito Phil.“I-i don’t know pare.” Sinasabunutan ni tito ang buhok niya. Hindi naman ako gumagalaw at pinapanood lang sila.
“Gawin mo na lang kasi ‘yung sinabi ni Clarita. Pare, matanda na si Ciara.” Sinabi ni mama? Bata pa’ko nang mamatay ang mama kong si Clarita mula sa cancer. Wala namang sinasabi si tito na may gustong ipa-sabi si mama.
“T-tito, ano pong sabi ni mama?” Tinititigan ko silang dalawa. Bakas naman sa mukha nila ang gulat, lalo na kay tito Phil.
“A-ah Cia—”
“D-didn’t i tell you na ‘wag makinig sa usapan ng mga matatanda?!” Hinampas ni tito ang lamesa. Kinabahan naman ako dahil ito ang unang beses na sigawan niya ako.
“T-tito.” Kina-kagat ko ang labi ko habang naka-yuko. Mali nga naman. Ata? Pero nanay ko ‘yon…
“Phil, tara na. Ihatid mo na kami sa terminal.” Tumango si tito Phil saka may binuhat.
“Let’s go.” Nauna na akong lumabas. Pinatay ni tito ang ilaw saka kinandado ang pinto.
“Tito, may iba pa akong gamit dun. Isang maleta lang?” Isang itim na maleta lang ang dinala ni tito Phil kanina.
“Ibibili na lang kita ng bago.” Isang malaking bangka ang dala namin. Sumakay na si Tito Alexis at Tito Phil.Sasakay na rin sana ako nang…
“CIAAAAAA.” Tumatakbo si Thal kasama ang mga kaibigan at kasamahan namin sa Isla.
“Thalia!” Tumakbo ako saka yinakap siya. Tinugunan niya ang yakap ko ng mas mahigpit.
“Aalis ka pala Ciara?” Tanong ng isa sa mga kasamahan namin.
“Hay naku, Esmeralda! Pinag-usapan na natin ‘yan. Kailangan siyang ilayo dito ni Alexis.” Si Tita Bettie, ang nanay ni Thalia ang nagpa-liwanag.
“Mag-iingat ka ah!” Sabi ulit ni aling Esmeralda saka tumango ako.
Maya-maya pa…
“Ate Cia!” Sigaw naman ng maliliit na bata ang narinig namin.
“Thalia?! Pati bata ginising mo?” Hinampas ko sa braso ang katabi kong si Thalia at puro peace sign lang ang binibigay.
Yumakap sa’kin ang mga bata atsaka isa-isang nag-paalam. May mga humalik at yumakap. Medyo naiilang ako.
“Ciara let’s go.” Naka-simangot at naka crossed-arm na pala si tito habang pinapanood ako sa itaas ng bangka.“Sige po… aalis na kami.” Yinakap nila akong lahat saka inalalayan umakyat sa barko.
Maluha-luha akong kumaway habang palayo ang barko…
Kumakaway sa’kin ang mga kasamahan namin…
Umiiyak si Thalia…
Unti-unti na silang lumiliit sa panigin ko.
Madilim pa rin ngunit mas pinili kong umupo dito sa labas ng yate.
Malamig na hangin ang naglilipad sa buhok ko.
Naka-maong ako ngayon at simpleng t-shirt.
Pinapanood ko lang ang tubig habang si tito ay nasa loob.
Kanina pa may bumubukol sa pwetan ko kaya dinampot ko ito.
“Nadala ko pa pala ‘to.” Astang itatapon ko uli nang ma-intriga ako sa naka-sulat.
Last Will.~Antoñio R. Grande
Sinimulan ko tanggalin ang pagkaka-yupi. Medyo luma na ang papel. Nagsimula koi tong basahin…
Papa, this is Anton. This is my last will.
I can’t live without Lorene. Please take care of Aki…
Palakihin mo siyang mabait at may prinsipyo kagaya nang pagpapa-laki mo sa’kin.
Thank you for everything Papa. Thank you Mama.
Kayo ng bahala kay Aki. I love that boy so much.From: Antoñio Grande.
To: Elias Grande, Elizabeth GrandeHacienda Grande
“Mukhang mahalaga.” Mahinang bulong ko. Ngayon lang ako naka-kita ng ganito.
Na-lutang ako kaya hindi ko namalayang unti-unti ng sumisikat ang araw.
Naka-titig lang ako sa tubig…
“Malapit na tayo!” Sigaw ni tito Phil.
Buong-buhay ko hindi ako naka-labas ng Atlan…
Kinakabahan ako.
“Mag-iingat kayo ah?” Naka-yakap si tito Phil sa’kin at nandito na kami sa sakayan ng bus.
“Thank you pare.” Kumalas sa pagkakayakap si tito Phil saka sumakay sa bangka…
Maraming tao ang nagsisiksikan sa mga bus, mausok, maraming nagbebenta at maraming kotse.
“Tara.” Buhat ni tito ang isang maleta at hinila niya ako papasok sa isang eskenitang maraming tao…
Maingay, habang hila-hila ni tito ang kamay ko. Halos hindi ko na siya makita dahil sa siksisikan.
Habang naglalakad may nakita akong gumaganang TV, na aliw ako kapapanood…
Napa-balik ako reyalidad nang maramdamang wala nang kamay ang naka-kapit sa’kin…
“Tito?” Nasa gitna ako ng mga nagsi-siksikang tao. Liningon ko ang direksyong pinupuntahan namin kanina, pero wala siya…
Lingon, tawag, hanap…Ginawa ko na ang lahat nang ‘yan. Hindi ko nakita si tito…
Malapit na ulit mag gabi at nauubos na ang mga tao.
“Neng, gabi na ah. Magsisimula na ang curfew niyan—baka ma-abutan ka!” Isang pulis ang lumapit sa’kin…
Sa sobrang takot ay hindi na’ko naka-sagot.“Neng!” Kinaway-kawaybpa ni kuya ang kamay niya para makita kung kumukurap ako.
“Naliligaw ka ba?”
“Ah… hindi po.” Utal na saad ko.
“O sige nga, saan ang bahay niyo ng ma-ihatid ka namin?”
Wala akong bahay… Nasaan ka na ba tito?
“Miss, kung wala kang ma-sabi dadalhin ka na lang namin sa presinto. Bawal matulog dito!” Astang kukunin nang pulis ang kamay ko nang…
“Hacienda Grande po!”
“For the first time! Makakapunta rin tayo sa Hacienda Grande hehe!” Naka-sakay kami ngayon sa patrol ng mga mamang pulis papunta sa Hacienda Grande. Patay. Kita ko ang saya sa mga mukha nilang lahat. “Ano po bang meron sa Hacienda Grande?” Takang-tanong ko sa dalawang pulis na katabi ko dito sa likod ng patrol. “Iha? Akala ko ba taga roon ka?” Isang mamang may malaking tiyan at may pagka-moreno ang nag-tanong. “Hayaan mo na! Baka kasambahay…” sabi naman ng isang payat na pulis. “Hacienda Grande, from the word itself ‘Grande’ doon naka-tira ang pamilya Grande. Sila ang amo mo!” Naka-tingin pa sa taas si kuyang matabang pulis. “Hay! Your statement is wrong parekoy!” Sabat naman nang payat na pulis. Palipat-lipat ang tingin ko sakanilang dalawa. Hindi ko magawang makapag-salita dahil sa takot. Baka madulas ako… bigla pa akong barilin. “Hacienda Grande, ganito ‘yan iha… simula pa ng panahon ng mg
“HA?!” Walang bakas ng kalokohan sa mata ni Mr. Elias. “Anong kasal?” Biglang nagising ang diwa ko.“This may be confusing for you but… I want you to marry my grandchild.” Inayos niya ang salamin at pinunasan niya ang luha.“Eh? Nandito lang ho ako para i-abot ‘yan!” Tinuro ko pa ang hawak niyang papel.“You don’t know how important is this.”“Importante po ‘yan kase huling abilin ng anak mo?” Umiling siya at kita ang pagka-pikon.“Nawawala ang habilin na ‘to. May nakapag-sabi na mayroong linaglag na boteng may lamang sulat ang anak ko bago siya t-tumalon sa t-tubig.” Tumalon? Kaya pala parang malungkot siya. “You found this iha.” Dagdag niya.“O-opo, pero bakit may kasal?”“Gaya nang sinabi ko, this is important. Ang akala namin a
May probinsya din ba kayo? Masaya diba?Kung masaya ang probinsya niyo—mas masaya ang probinsya namin...Ito ang Isla Atlan, oo isla. Sariwa ang hangin, maraming taong naka-ngiti.Yung mga alon? Nakakapawi kaya 'yon ng pighati.Ang ganda nilang tignan, parang isang lugar na puno ng pag-ibig ang Isla Atlan, away? Hindi uso 'yon dito. People here always wanted a peaceful life. Kaya naman maraming turista ang dumadayo dito kahit na malayo sa siyudad."Hoy! Ciara may bumibili, ano ka ba?" Napabalik ako sa ulirat nang hampasin ako sa braso ni Thalia (Kaibigan ko)

“T-Tito, anong aalis?” Kinakabahan ako dahil pagka-sabi ni tito kanina na aalisin niya ako dito sa Isla ay nag-simula siyang mag-impake. “Didn’t you get it? You’re not safe here anymore!” Halos kumalabog ang buong bahay sa sigaw niya. “Saan naman tayo pupunta?” Wala akong ibang kamag-anak. Si tito Alexis lang. Ang sabi pa ni mama pinsan niya sa malayong kamag-anak si tito. Ganun pa man napa-mahal na’ko sakaniya. “F*ck Cia! Muntik ka ng magagahasa yet you’re acting like nothing happened.” Sinara niya ang itim na maleta at napa-hawak sa kaniyang sintido. “T-tito. Okay lang naman po kasi ako.” Mahinang sabi ko at tumabi sa kaniya. Hinawakan niya ang balikat ko at alalang-alalang tumingin sa’kin. “You’re not safe here. I promised, i p-promised your mom.” Hindi maka-tingin ng diretso sa’kin si tito. “Pero tito. I grew up here, saka wala naman akong ibang mapupuntahan. Ikaw lang ang kilala kong malapit k