Share

Chapter 3

“Dar…………. takbo!” Sigaw ng kaibigan ni Darlene na barker ng jeep. Alam na agad ng dalaga kapag ganun ang mga eksena. Malamang kumang May mga buwayang naglipana sa daan. Mabilis na sinamsam ni Darlene ang paninda saka walang kemeng binitbit sa kanyang balikat. Pero nakita ni Darlen na hirap si Aling Semang na hakutin ang mga paninda nitong talbo at petchay kaya Tinulungan muna ito ni Danlene.

“Hoy! Tigil..!" sabi ng mga bukang buwaya ng kanlang barangay.

Sa katarantahan ni Darlen at sa kagustuhang wag mahuli ang matandang kasama ay agad niyang binitbit ang paninda ni Aling Semang saka pinasan ang matanda sa nayang likuran. Magaan ang matanda dahil sa kapayatan nito kaya madali kay Darlene ang tumakbo at lumayo sa mga asang ng kalsada.

“Haayst, mga tinamaan ng lintek!" Sabi ni Darlene matapos ibaba ang matanda at inabot dito ang mga panindanitong naisalba niya.

“Ay putcha” abi ni Darlene sabay tapic sa kanyang sariling noo.

“Ouch!  Aray naman self alakas hah!” bulong ni Darlene sa sarili. Sa kagustuhan niyang mailigtas si nanay Semang ung paninda naman niya ang naiwan.

Mabuti na lang at alam niyang hind mapapansin ng mga ito ang paninda niya. Dahil kumot ang pinagbalutan niya at hindi bayong o kaya aytolda tulad ng disarte ng iba. Iisipin ng mga ito na da mit na blutan lamang ang laman niyon at hindi na pagiinteresan.

“Dar. labas na umalis na ang mga tinamaan ng lintek” sabi ng kaibigan niyang si Betong.

“Sure, ka ba? Kukunyatan kita kapag nandyan pa. minsan mo na akong inahamak betong” sabi ni Darlene pero unti unti rin namang lumabas.

Napangiti ang dalaga ng makitang malinis na nga ang kalsada kaya tuluyan na itong lumabas ng pinagtataguan. Papatalikod na si Darlene ng mabungo niya ang isang malapad na amoy sigarilyong dibdib.

“Akala mo makakalusot ka na naman kulit ha. Not this time beautiful” sabi ng may edad ng pulis

Napatiim bagang si Darlene saka Hinanap ng mata si Betong mumurahin na sana niya ang kaibigan ng makita niya pati eto ay hinuli din pala ng mga buwayang. Sa presinto humatong si Darlene at ilang pang illegal vendors na kasama niyang nasakote ng araw na iyon.

“Boss chief baka naman pwede mo kaming pagbigyan.Para ka namang othere eh  konti lang ang tubo dito oh” pakiusap ni Darlene.

“Pagbigyan na naman, hoy miss Ilang ulit ka na naming pinagbibigyan. Kung hindi lang kami naaawa sa nanaya mo at kung hndi lang masarap ang suman na bigay mo hindi ka namin pakakawalan”

"Hindi na rin namin tatanggapin ang suman ng nanay mo sawa na kami” sabi ng payatot na pulis na Ang sarap tusukin ng malaing mata.

“Darlene, magiba ka na kase ng linya.Eh kung sinasaghot mo ba kase ako di sana hayahay na ang buhay mo”

Bulong sa kanyan ng medyo nakakataas doon sabay buga ng hininga sa kanyang tenga.

“Yak! Sa isip isip ni Darlene. Eh lima lima asawa mo eepal pa ako di na oi choosy to kahit ganito lang ako.

“Cge mga bossing, kulong mo na kami total masarap matulog dito daming electric fan saka masarap kumanta dito umeeko” pangiinis ni Darlene. Last time kase na hinuli siya ay pinakawalan din siya dahil request siya ng request ng pagkain at kumanta siya ng kumanta. Nabingi na sa kanya ang matabang pulis kaya pinakawalan na siya un nga lang tinangya ng mga buwakaw ang paninda niya.

Kaya ayun sideline na naman siya sa pier para maka ipon ng puhunan. Pero this time ay hindi umubra ang Style ni Darlene. Kalabosos talaga sila.

“Mga boss, sa inyo na ang paninda ko payag din akong dito na lang basta kung maaari pakawalan nyo na si nanay Semang maawa na kayo. Mga bosing naman wala ba kayong mga magulang eh” sabi ni Darlene.

“Nangunsensya ka pa. Oh, sige pakakawalan namin ang matanda pero ikaw hanggat walang piyansa walang labas labas"

Biglang namoroblema si Darlene. Walang nagawa angh dalaga kungdi ang matulog sa police station ng gabing iyon.

Kinaumagahan, Alas siyete pa lamang ay laman na ng presinto ang kanyang ina. As usual umiiyak na naman ito aty pilit ipinapakiusap na palabasin na siya. Ipinagpipilitan din nitong ibihgay ang suman na alam niyang paninda nito. Ayaw ni Darlene sa mga eksenang ganito. Dito nawawala ang lakas ng mga tuhod niya. Sa luha ng kanyang ina siya talaga napapraning.

“Nay, itigil nyo na yan. Hindi na nila tatanggapin yan pera ang kailangan nila. Tumigil na nga kayo sa kakaiyak” galit galitang sabi ni Darlene pero deep inside gusto ng puatak ng luha niya. Lumapit ang kanyang ina sa selda kung saan naroon si Darlene.

“Nay umuwi na kayo, galing dito kagabi si Tope at ididiskarte niya daw ako ng pang piyansa. Kaya wag na kayong magalala ha” sabi nito sa ina at pinunas ng damit ang kuha ng ina.

“Cge na ilako nyo na yan makikita nyo mamaya lang sabay na tayong mananaghali eh. Takot lang ng mga to sa akin” pagbibiro pa kunwari ni Darlene.

Bagamat nagsinungaling tunglol sa pera dumating naman talaga si Tope ng umagang iyon. Pero wala itong hatid na tulong.

“Bakit kase girl hindi mo a tanggapin ang alok sayo ni sakang eh” sabi nito.

“Alin? ang maging receptionista sa pasugalan niya neverrrrrrr” sabi ni Darlene.

“Gaga, sosyal ang casino at Malaki ang kitaan dun. Hindi ka naman mabababoy dun kung ayaw mo”

sabi ni Tope.

“Para ka nga ring hostes sa bar kase nagiintertain ka ng mga nagsusugal pero bawal take out dun. Ang laban mo dun kapag nagutuhan ka ng mayaman pwede kang ibahay o sustentuhan “

pandedemonyo sa kanya ni Tope.

Minsan sa hirpa ng buhay ni Darlene, naiisip na niyang sumugal na lang. Kesa naman pault ulit ang eksena at paulit ulit siyang nakikipaghabulan sa mga bulate sa tiyan niya ang araw araw pinararamdam sa kanya na isa siyang slapsoil (Hampaslupa)

“Naku sa ganda mong iyan day, patok ka doon baka nga isang araw mo pa lang dun may papasang ka na agad. Anong panama ni Marian Rivera sayo” sabi nito

“Wow ha maka Marimar ka naman wagas” biro ng dalaga kahit malalim ang iniisip.

“Tumpak! Mag ala Darna ka na dito at baguhin mo ang takbo ng buhay day” sabi ni Tope.

“ Tapos na ang dalaw” sitang isang pulis.

“Oh, paano babatsi na ako. Hayaan mo susubukan kung utangan si Sir Philp para sayo antay ka lang babalik ako pakapananghali ha”

Tumango tango lang ang dalaga. Hindi na siya umaasa pero kung sakali ngang tulungan siya ni Tope ay ipagpapasalamat niya ito habang buhay.

Napasalampak si Darlene sa malamid na sahig. Marami na ang nagsasabi sa kanyang aganda siya at sexy pa nga ang tawag sa kanya ng ilang driver ng jeep. Hindi siya mmasyadong naniniwala dahil sa boyish siya manumit.  Hndi naman dahil tomboy siya noh. Natural hindi niya lang feel magbestida habang nagtitinda ng sari sari sa bangketa diba? At aalangan namang mega lugay siya ng buhok tapos maya maya tatakas a pulis sa isip isip ni Darlene.

Halos tatlong taon na ring ganito ang araw araw na eksena ni Darlene mula ng mamatay ang kanyang ama. Isa itong Karpentero. Nahulog ito sa buildng na ginagawa ang Masakit. Barya lang halos ang ibinigay ng kontraktor nito naging sapat lang sa pagbayad ng funeral service ng ama.

Nagiisa siyang anak at pinapasalamat niya iyon dahil alam niyang kung madami sila mas mahihirapan ang ina na solong magtataguyod sa kanila.

Hindi na nakatapos ni Darlene ang high school dahil napasabak na siya sa lupit ng buhay. Bago pa man namatay ang ama ay nahinto na siya dahl kailangan nilanfgf lumipat ng bahay dahil pinalalayas na sila sa dating tirahan.

Nawalan ng trabaho ang ama ng matapos ang proyekto ginagawa nila. So kailangan ni Darlene tulungan sa pagtitinda ang ina. At doon niya nakilala sa palengke ang mga taong nasa mundo niya ngayon. Nang mamatay ang ama, ang ilang abuloy ay itinabi ni Darlen at ipnuhunan sa paninda sa tulong ni Betong. Alam nilang ilegal dahil hindi sila nagbabayad ng buwis pero sapalaran lamang naman sabi ni Darlene.

Isinumpa ni Darlene na hindi siya papaya na habang buhay na siya sa ganoong sitwasyun isinumpa ng dalaga na iaahon niya sa hirap ang ina pati na rin ang buhay niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status