Sa sala na lang nanatili si Darlene. Kung tutuusin kahit mga doon ay nahihiya siya. Maganda at malambot ang sofa .Sa sobrang lapad ay puwede na siyang gumulong gulong din. Pinilit na lamang ipikit ni Darlene ang mga mata sa kabila ng paghilab ng tiyan dahil sa gutom.Hindi siya nag almusal dahil sa pagmadali. Hindi rin nakapananghalian dahil binitbit na siya ura urada ng mapapangasawa at eto oras na ng hapunan ay tiis ganda pa rin siya . Wala pa ang lalaki. Ano ba ang trabaho noon at gabi na wala pa?Sinubukan ni Darlene na maghalungkat sa cabinet sa kusina dahil baka may cup noodles man labg o dela na maaari niyang pagtiyagaan pero nadismaya ang dalaga ng mamahaling baso ng alak ang makita roon. Bumalik na lamang si Darlene sa sofa at doon nagmuni muni sa bagong buhay na haharapin kasama ang matandang mapapangasawa. Dalangin ni Darlene na sana kahit papaano ay mabait ito. Nakatulugan na ng dalaga ang pagiisip maging ang gutom ay itinulog na lamang din.Samantala..............halos p
Liwanag ng nakabukas na ilaw ang gumising kay Darlene. Nasilaw na kase siya. Hindi siya sanay matulog ng maliwanag. Kaya ng hindi niya mahanap ang switch ng ilaw ay favor sa kanya.At pag nagambala na ang tulog niya ay hindi na iyon babalik pa. Kaya napilitan ng tumayo ang dalaga at nagtungo sa kusina para sana kumuha ng malamig na tubig pero nagulat siya ng makita ang pagkain sa lamesa.Muling naramdaman ng dalaga ang pagkalam ng sikmura. Gutom pa rin siya kahit naitulog na niya. Agad sinunggaban ni Darlene ang hita ng manok na umagaw sa attention niya, nasa ibabaw kase ito kasama ang ilang piraso pang manok.Nakakagat na si Darlene ng maisip kung sino ang nagdala ng manok kaya gumala ang mga mata ng dalaga. Nakita niya ang silid na pinasok kanina, naka bukas ito ng bahagya at nakabukas din ang ilaw.“May tao? Dumating na kaya siya?” tanong ni Darlene.Dahan dahang naglakad si Darlene at sumilip sa bahagyang nakabukas na silid. Nakita niya ang isang lalaking nakadapa at nakasuot lama
"Nakakainis naman tong babaeng to may sayad ata?" sabi ng secretary ni Kenneth."Babae ang tumatawag? wala akong inindian na date these week ah" biro pa ni Kenneth."Mukhang hindi mo chick yun Sir, astig magsalita eh at hindi marunong mag english"Kinabahan si Kenneth sa sinabi ng secretary, napatayo sa upuan ang binata."Ang kulit talaga, She told me to tell you her name is ..uhm what was her name again… ahh ..ah yes.. Darlene Sir” sabi ng kanyang secretary.“What did you say? what’s the name again?" Biglang lapit ni Kenneth sa secretary na napatingin sa telepono na tila hinihintay na mag ring ulit ito.“She said her name is Darlene, sir” Ulit ni Mabel.“D*mn it, Mabel, why didn’t you tell me soonest ?” Sabi ni Kenneth sabay dampot ng telepono na biglang nagring pagkatapos na pagkatapos nuiyang singhalan ang secretary. natulala na lamang ang Secretary."Anong problema nun?" sabi na lamang ni Mabel.Muling nag ring ang telepono. Ewan ni Kenneth pero ni hindi na ata umabot ng dalawang
"Eh kung kausapin ko kaya na ang ibayad mo na lang eh isang gabi sa tabi niya. Naku papayag yun kursunadang kursunada ka nun eh"Lalong nagngitngit ang mga ipin ni Kenneth dahil hindi agad sumagot si Darlene na tila ba nagisip at gustong pagisipan ang solusyong iyon."Sa tingin mo maaabsuwelto na ako sa lahat utang ko sa amo mo kapag pumayag ako?" Tanong ng dalaga. Sa isip ni Darlene, siyanga naman, ano ba ang pagkakaiba ng pagbabayad ng utang sa ganoong paraan? eh, diba nga kakagaling niya lang sa bahay ng isang taong babayaran niya din ng kasal ang kanyang pagkakautang. Tanggap na nga ba niya na ipinanganak siyang pangbayad utang lamang."Oo noh, akong bahala. Pagdating dun mabobola ko na yun basta payag ka na ha"Nanahimik si Darlene...."Wala naman ata akong choice diba baka kase pagkatapos nating magusap ngayon di na muna ako makabalik dito meron pa akong mas malaking pagkakautang at mas malaki ang kabayaran noon. Pagdudusahan ko ng dalawang taon" sabi ng dalaga.Pagkarinig sa ka
Walang imikan ang dalawa habang papapayo sa lugar. Sa kotse ni Kenneth sila humantong na nakapark sa isang bakanteng space sa harap ng saradong banko."Ah salamat sa tulong mo kung anuman ang dahilan mo at kung anuman ang kapalit ng tulong na iyon magsabi ka lang" sabi ni Darlene."So you think everything needs to be paid off?" Bungad ni Kenneth."Huh" sabi ni Darlene na bukod sa hindi agad na get ang sinabi ni Kenneth dahil mabilis ay natutulala siya sa mga titig sa kanya nito. Nalito si Darlene, ang bango ng loob ng kotse nito at malamig.Kaya lalong hindi nakakibo ang dalaga. Add*ct ata siya sa amoy ng car fresher at aircon. Pakiramdam niya nawiwili siya sa amoy ng malamig."I mean, hindi lahat may kapalit Miss. Meron talagang tulong lang as simple as that" sabi ni Kenneth."Talaga ba Kenneth? Sigurado ka ba sa sinasabi mo" usig ni Kenneth sa sariling konsensya."Hindi ako naniniwala dyan. Anyway salamat talaga at kung sa anumang paraan na makakabayad ako ng utang na loob sayo ay ma
Ng tumapat sa condominium si Kenneth ay halos ayaw niyang buksan ang dalaga. Nalilito ang isipan niya lalo na sa mga binitiwang salita nito. At lalong nagulat ang binata ng marinig ang lumabas sa kanyang bibig.“Don’t go! Come with me. Itatakas kita sa kanya. I will pay for whatever. Ilalayo kita.Be with me instead of him” sabi ng binata.Hindi makapaniwala si Kenneth na halos magtunog pagmamakaawa ang sinabi niya. Hindi niya malaman kung ano ang nangyayari but he wanted to said those words kanina pa. He hold her wrist and stared at her.“Pero bakit? teka Ito ba ang kabayarang gusto mo?” nakipagtitigan din sabi ni Darlene sa binata.“Damn it Hell no!” paangil na sabi ni Kenneth na naningkit ang mata sa sakit na naramdaman.“Eh ano pala? bakit mo ako itatakas? Bakit maglalabas ka na naman ng pera para bayaran ang utang ko na naman? bakit?” natuliro si Kenneth hindi agad nakasagot. Bakit nga ba? Kahit siya kase ay yun din ang tanong sa sarili.Hinablot ni Darlene ang brasong mahigpit na
Nagpapasalamat si Darlene dahil ang unang halik niya ay naging memorable at salamat dahil sa tamang tao niya natikman.Pinagmasdan ng dalaga ang sarili sa salamin ng elevator saka kinapa an mga labiong kanina lamang ay hinahalikan ni Kenneth.Masaya ang puso niya, maligaya pa rin siya na kahit sa huling sanali ay may natupag sa mga gabing pinapangarap niya. Ang pagtanging nararamdaman sa lalaki ay kikimkimin na lamang ni Darlene. Ang pinirmahang kontrata ang balakid sa personal niyang kaligayahan.Dahil wala namang susi ay nanatili si Darlene sa labas ng pinto at doon na lamang hihintayin ang mapapangasawa. Yun nga pala ang hindi niya naisip kanina. Ni lock niya ang pinto kaya hindi siya makakapasok ngayon at maghihintay siya kung anumang oras na naman maisipang umuwi ng lalaki.Naranasan niyang hindi namalayan ang paguwi at pag alis nito. kaya ihinanda ni Darlene ang mga binti sa posibleng haba ng ipaghihintay niya. Samantala may isang pusong balisa.. aligaga at nakakailang baso na ng
Dumating na ang takdang araw na hinihintay ni Darlene. Ang kanyang kasal.Pero gabi bago ang nakatakdang araw ng kasal ay dumating ang secretary ng kanyang mapapangasawa at may inabot sa kanyang isang malaking box na kulay pula. Nang buksan ito ng dalaga ay isa itong white simple bohemian dress. May kasama ring itong plain silver flat sandals.Pero mas kinasabikan ng dalaga ang isang sobre na naroon na may nakasulat na.."to my Darlene "gamit ang cursive font. Kinilabutan si Darlene sa words na"To My Darlene" hanggang sa ngayon kase ay hindi pa sila nagkakadaupang palad ng mapapangasa matapos siyang sunduin nito sa hospital may isang buwan na ang lumipas."Dear, I'm sorry for ruining your dream wedding but there are some small changes. I'm doing this for my protection and your safety too" panimula sa sulat."Mang Kanor will pick you up. Wear this dress I sent you. Yan ang suotin mo"utos ang nakasulat sa kapirasong papel sa loob ng sobre.Medyo na gets ni Darlene ang nakasulat kahit