Share

Chapter 2

Author: Klery_Cien
last update Huling Na-update: 2021-07-23 12:33:01

Euén's POV.

Ilang araw na ang nakakaraan simula ng pag-babarahin ko yung mag ina. Simula non ay hindi na ulit nila ako ginulo. 

Nakapag tataka nga na nandito pa rin ako. Siguro dahil hindi pa nakakauwi ang tatay ko.

Garden ang madalas naming pinag tatambayan ng mga multo. Malakas kasi ang hangin dito at nakakakalma ang mga halaman.

Natigil ako sa pag mamasid sa mga halaman nang maagaw ng pansin ko ang mga multong nag bubulungan.

"Mag share kayo. Wag niyong ibulong" nakangusong saad ko.

Ewan ko ba piling ko nahawa na ako kay Azil. Malaki ang tenga sa balita.

"A-ano, ang ganda ng langit mare no? tignan mo yung ulap mukang gago-- a-ano! I mean mukhang sago. tama sago hehe" Taka akong tumingin kay Azil ng mag iba ito ng topic at mukhang kinakabahan pa.

Napapalunok pa ito at kung saan-saan napapatingin halatang may tinatago.

'mukhang tanga ang gaga' na pairap na lamang ako sa isipin ko.

"woi ate catch!" gulat akong napatingin kay pugot nang ihagis nito sa akin ang ulo niya. Hindi ko naman ito nasambot dahil kapos ang hagis niya.

"kutuhan mo nga ako" naka ngiwing sambit nito.

Pinanliitan ko ito ng mata dahil nag du-duda ako sa kinikilos nila ang walangya ay umiwas ng tinging at sumipol-sipol pa.

Hindi ko siya sinagot at napakunot ako ng noo dahil sa kawirduhan nila.

Napansin ko din na may tinatakpan sila. Kaya bigla akong sumilip sa likod nila.

Nakita ko si Lycie na may kahalikang lalaki. Wala sa sariling napahawak ako sa dibdib ng bigla itong kumirot.

"Pikit ka na lang muna Euén, para di mo makita" Lola Patring said and bitterly smiled at me.

"Why would I do that lola? I don't even know him" kunwari pang natatawa kong sagot dito.

Pero totoo hindi ko talaga na mumukhaan yung lalaki kaya hindi ko alam bakit nasasaktan ako sa pinag gagagawa nila.

"Boyfriend mo yan gaga" na gulat ako sa biglang sinabi ni Azil.

'boyfriend ko yan? torta! itsura pa lang luging-lugi na ako. Siguro nga love is blind.'

Ayokong ilarawan ang itsura niya. Lalo akong na aasar pag mas lalo kong tinititigan ang mukha eh.

Lumapit ako sa dalawang naglalampungan at pumalakpak.

"What a nice view" agad na tinulak nung lalaki si Lycie at nilapitan ako.

Ewan ko pero na aadwa ako sa presensya ng dalawang ito. Baka siguro dahil jowa ko yung lalaki. Ewan ko ba.

"Matagal na naming gustong sabihin yung relasyon nami---"

"Stop Lycie. Sirese, let me explain. L-look it's not what you think." the guy said.

"Let's just breakup. I don't need you" taas kilay kong sagot 

"I'm doing this for you babe. I just don't want her to hurt you. I love you Sirese" I can feel the heart ache and loathe when he gave me that look. 

I know that I doesn't love him. So I really don't know why did he make me feel like this. 

Hindi ko na alam ang nangyayari sa buhay ko. Kaya wala akong naisagot dito.

Muntikan na sana akong bumigay nang marinig kong mag salita si Ross

"'I'm not dumb Vince. I know you're just using me for my money' sabihin mo dali!" Sigaw sakin ni Ross.

"I'm not dumb Vince. I know you're just using me for my money" pag-uulit ko sa sinabi ni Ross. Bakas sa mukha niya ang gulat. 

So totoo pala ah? Gold digger ang gago.

"No Babe! I really love you! Aaminin ko ginamit ko yung kapatid mo. Siya lang, dahil pinangako niya na pag nakipag relasyon ako sa kanya ay lalayuan ka niya" pag-pupumilit nito at hinawakan ako sa kamay.

Agad naman akong umiwas dahil sa pang didiri rito. Ang kapal naman ng mukha ng g*go na ito, nag balak pang hawakan ako matapos kalantariin ang stepsister ko.

"What the heck Vince?! Wala akong sinabing ganyan! Kusa kang lumapit sa'kin. Sinabi mo sakin na si Euén ang ginagamit mo para mapalapit sa akin" nang gagalaiting sabat ni Lycie. 

Nag silabasan ang ugat nito sa leeg at nag ngingitngit ang ngipin nito sa galit. Sa akin siya nakatingin at para niya na akong pinapatay sa isip niya.

Well, wala naman akong pakielam sa nararamdaman niya kahit pa mag super saiyan siya sa harapan ko.

Ang iniisip ko lang naman ay kung gaano pala ka gulo ang buhay namin. Isipin mong bukod sa problema sa pamilya ay mag kakaproblema rin pala kami sa lalaki na mukha namang kutong lupa.

Matinding irap na lamang ang ginawa ko dahil sa asar ko.

"tanggapin mo na Lycie. Ikaw ang ginamit ko" walang emosyong turan nito.

Wow artista ang loko. Galing mag paikot.

Naputol ang mga pinag-iisip ko nang lumapit sa akin si Azil para bunulong.

"Wag ka maniwala riyan mars. Sayo kumapit yan kasi ikaw ang tunay na anak ng Arcacia at mas malaki ang hati mo sa mana" bulong ni Azil.

Napataas naman ako ng kilay sa sinabi ni Azil. Wala naman talaga akong balak maniwala sa lalaking yon. Wala na akong panahon para makipag lokohan at makipag agawan pa kay Lycie.

"Please maniwala ka sakin babe, ginawa ko lang yon kasi ayokong nakikita kang nasasaktan"

"Edi wag kang tumingin" pabalang kong sagot dito.

"H-huh?" 

"Kung ayaw mo kong nakikitang nasasaktan ay wag kang tumingin" pag-uulit ko.

Nginisian ko pa ito para ipamukha sa kaniya na wala na talaga akong pakielam sa kaniya, na hindi ko kailangan ang presensya niya.

Hindi naman ako mapang lait na tao pero shootna, titignan mo pa lang para ka ng nakakita ng kulugong malibag at kahit tingin pa lang sa malayo ay maaamoy mo na ang hindi magandang halimuyak.

Talaga namang kinilabutan ako dahil sa pinag iiisip ko dahilan para tumingin sila sa akin ng may puno ng pag tataka sa mukha.

Kaya naman pinag pasyahan ko ng mag paalam para hindi na humaba pa ang usapin.

"Aalis na ako maiwan ko na kayo riyan" pag-papaalam ko.

Paalis na sana ako ngunit may nakalimutan akong sabihin. Kaya naman muli kong hinarap ang dalawa. Kitang-kita ko naman agad ang asar na mukha ni Lycie at nag susumamong mukha ni Vince.

Tss, akala mo naman talaga sinong inusente!

"Oo nga pala hindi mo na kailangang pumili dahil binibigay na kita kay Lycie. Siya na lang mag bibigay na pera sayo" pahabol kong wika bago lumisan.

Bumalik ako sa kinauupuan ko kanina upang mag muni-muni ulit.

Kanina pa kasi ako naguguluhan sa buhay ko. Piling ko ay hindi ako pamilyar sa mga nangyayari sa paligid ko.

Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko na na malayan na hapon na pala.

Napabalik nga lang ako sa wisyo ng may marinig na hiyaw sa loob ng bahay. Mukhang nag susumbong na nga yung step sister ko kuno.

"Daddyyyy! Sister Euén hit me! Look she scratched my face" sumbong nito at tila na iiyak pa

'sinungaling! Yung lamesa nga ang muntik ng magasgasan dahil sa mukha mo!' sa isip-isip ko.

"I think she's crazy na. Dad biglang nag bago si sis. Sumama yung ugali niya. Daddy! Pano kung hindi lang gagas ang abutin ko don? Dad I think we need to admit her in mental" suhestyon ni Lycie na nag pakunot ng noo ko.

"Yes Dear! She even gave me her plates and told me to wash it!" Sabi naman nung matandang kabit niya.

"Where is she?!" Gulat akong napalingon kung nasaan sila hindi dahil sa takot kung hindi dahil sa sobrang katangahan niya.

"I'm here Mister" walang emosyong sagot ko.

He flinched when I said the word mister. 

"Well, what do you want?" Lumapit ako sa kanya. Pag kalapit ko pa lang isang malakas na sampal na ang sinalubong ko.

'asar bilis ng kamay'

Hinawakan ko ang pisngi kong sinampal niya. Namandhid na ata agad ito.

"Are you done?" I asked emotionlessly.

"Aba't sumasagot ka na?! Hindi kita pinalaki ng ganya--"

"Dahil hindi mo naman talaga ako pinalaki! Pinabayaan mo lang ako." Pag-puputol ko sa sinabi niya na ikinagulat niya.

Unti-unting bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa matinding emosyon na matagal ko ng itinatago.

"Wala kang karapatan sagot sagutin ako dahil ako parin ang ama mo!" Galit niyang sigaw sakin.

Lumalabas pa ang mga ugat nito sa leeg dahil sa galit niya sa akin.

"Ama ka? Bat di ko ramdam?" Hindi siya nakasagot sa tanong ko.

Natigilan lang ito at gulat na tumingin sa akin. Kaya naman ipinagpatuloy ko na lang ang sasabihin ko.

"Gusto sana kita respetuhin eh. Dahil sabi mo nga ama kita. *chukled* Pero sobra na! Anak mo ko eh, anak nyo ko ni mama. Binuo niyo ko kahit di ko ginusto. At yung pag kamatay ni mama? mas lalong hindi ko yun ginusto" na nginginig ako sa galit nang sabihin ko iyan. 

Mabilis kong tinuyo ang pisngi ko nang tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

"Hindi ka na nga nag paka ama, hinayaan mo pang apak-apakan ako niyang mga sampid mo" tinuro yung dalawa na masama ang tingin sakin.

Wala na akong pakialam kung anong mangyari sa akin pagkatapos nito. Kahit saktan o kahit palayasin pa nila ako ay ipagsasawalang bahala ko na lang ito. Ang gusto ko lang ay masabi ang matagal ko ng tinatagong hinanakit. 

"Hinayaan mo kong saktan niyang mga dinala mo rito. Ni wala ka ngang alam na muntik na akong mamatay dahil tinulak ako niyang magaling mong anak-anakan sa hagdan." bakas ang gulat sa mga mata nila dahil sa sinabi ko. 

Lumapit ito sa akin para hawakan ako ngunit agad din akong umatras.

"Kahit kailan di mo ko kinampihan Dad. Kahit kailan hindi mo tinanong kung okay lang ako. Buong buhay ko sarili ko lang ang meron ako. Aralin mo muna kung paano maging mabuting ama bago mo gamitin ang salitang 'ama' para sumbatan at pangaralan ako"

Namamaos na ang boses ko nang sabihin ko ang mga salitang iyan at iyon na rin ang mga huli kong litanya bago ako lumayo sa kanila.

Unti-unting umagos ang luha ko pagkapasok ko ng kwarto ko. Tumakbo ako papunta sa kama at pabagsak na humiga.

Tanging hikbi ko lang ang maririnig sa apat na sulok ng kwarto.

Ramdam na ramdam ko pa rin ang bigat sa dibdib ko kahit tapos ko ng ilabas sa kanila ang mga tinago kong hinanakit. Hindi rin natigil ang mabibigat na hininga na nilalabas ko.

"Masama ba akong tao nung past life ko? Bakit naman ganto sunod-sunod?" 

"Nangyayari yan dahil may rason ang Diyos anak. Wag kang pang hinaan ng loob ha? Nandito kaming tatlo" lumapit si lola patring at akmang hahawakan ako para yakapin.

Parehas kaming nagulat sa nangyari. Pare-parehas din kasi naming hindi inaasahan na dadampi ang katawan ni lola sa akin. Actually nung nasipa ko si Pugot akala ko eh sinadya niya. Ngayon ko lang napagtantong ako pala talaga dahilan kung bakit lumipad ang ulo niya.

Hindi ko alam bakit hindi siya tumatagos. Base sa mga napapanood ko ay tumatagos ang mga multo. Hindi ko alam pano nangyari ito pero niyakap ko na lang rin ito at mas lalong umiyak sa bisig ni lola.

"Ano okay ka na ba?" Pag-iibang usap ni Ross nakalapit na rin pala sa amin.

"Medyo. Pero di ko maintindihan ang sarili ko" kunot noo silang tumingin sa'kin na tila ba nag tataka.

Actually kanina ko pa talaga gustong ikwento sa kanina ito sadyang umeksena lang sila Lycie at ang magaling kong ama.

"Simula nang mahulog ako sa hagdan ang daming nag iba. Ang dami kong nakalimutan. Parang nag ibang tao ako" nahihikbing turan ko.

Medyo kumakalma na ako at nagiging normal na rin ang tibok ng puso ko. Ngunit bigla na namang bumibigat ang dibdib ko sa tuwing na aalala ko ang mga nangyari kanina.

"Yung ex ko, I know na hindi ko siya mahal pero nasasaktan ako sa nakita ko nung isang araw. Si Papa, baliwala lang talaga sa akin na hindi madama yung kalinga niya. Pero mabigat at nasasaktan ako sa ginagawa niya tsaka kapag pinag sasalitaan ko siya. Feeling ko hindi ako yung may ari ng emosyon ko." Pagdudugtong ko.

"Don't think too much Euén. Pero maiba ako, ano balak mo--aray! Inaano ka ba?" Singhal nito kay Ross nang batukan siya nito.

"Kung hindi ka ba naman kasi tatanga-tanga. May pa 'don't think too much' ka pa. Tapos pag-iisipin mo rin pala kung anong balak niya. Galgal!" Natawa na lang ako sa pag-tatalo nila.

Di ko ma-imagine ang sarili ko na komportable sa mga nilalang na kinakatakutan ng lahat. Na tinuturing pa akong kaibigan at pamilya.

"Manahimik nga kayo. Ganto na lang, alam kong mga patay na kayo. Pero may alam ba kayong pwede kong matuluyan?" Pag babaka sakali ko.

"Lalayas ka?" Tanong din ni Ross.

Matagal bago ako nakasagot. Hindi ko kasi alam kung tama nga bang sumama ako sa kanila at iwan ang bahay na dapat naman talaga ay para sa amin, para sa akin. 

Pero sa ngayon ay mukhang wala naman na akong magagawa dahil nakakalamang ang mga sabit sa bahay. Kahit pa sabihing ako ang totoong anak kung suportado sila ng tatay ko ay talo pa rin ako. Bahala na siguro 

"Oo sana. Di ko masikmurang makasama yung mga tao dito hahaha" sagot ko na lamang at pekeng tumawa. 

"Meron akong alam nak" singit ni Lola Patring.

Napalingon naman kaming lahat kay Lola at nag iintay ng sasabihin niya.

"Doon po ba sa apo niyong gwapo?!" sabay na tanong nila Az at Pugot.

Sa pag kakataong ito ay sa dalawa naman ako napatingin. Anduga ako lagi ang nahuhuli sa balita. Sana kasi ay matagal ko na silang nakilala.

"Oo mga nak" ngiting wika nito.

"Kailan po kayang pwedeng lumipat lola?" Nahihiyang tanong ko rito.

"Bukas na bukas rin neng basta nasabi natin sa kaniya. Mamaya aalis ako pupuntahan ko siya. Tulog pa yon ngayon eh" tinanguan ko na lang ito kahit naguguluhan.

'may third eye rin ba ang apo niya?'

"Salamat po lola" sinserong pasasalamat ko rito at muling yumakap sa kaniya.

Yung dalawa naman ay inggetero at inggetera nakiyakap din.

Kaugnay na kabanata

  • Waiting For The Eclipse   Chapter 3

    Euén's POV.Kinabukasan ay inihanda ko na ang mga damit na dadalhin ko. Si Shaoi lang ang kasama ko ngayon dahil si Lola ay hindi pa nauwi habang si Azila ay nasa kung saan ata at nag hanap ng chismis.Di rin naman nag tagal ay dumating na si lola kasama si Azila."Pumayag naman po di ba lola?" pag-aalangang bungad ko rito"Oo nak. Wala naman magagawa yon. Di rin naman ako nag punta don para mag paalam kundi para mag sabi lang" ngiting wika nito."Maraming salamat po talaga lola! Aalis na po ba tayo?" Tuwang-tuwang wika ko at yumakap pa rito."oo neng sinabihan ko na rin yung apo ko na mag pahatid ng sasakyan para masundo ka.""yooossshh! makikita na ulit natin si kuyang pogi marsyyy!" umarte pang mahihimatay si Azil dahil sa tuwa.Napailing na lamang kaming dalawa ni lola sa pinag gagawa ng dalawang mult

    Huling Na-update : 2021-07-23
  • Waiting For The Eclipse   Prologue

    Her POV.I was in a book store looking for books to kill time until i saw this book dropped in the aisle.Kinuha ko ito at ibabalik na sana nang maagaw ng pansin ko ang kakaibang cover nito. There's something inside me na humihikayat na basahin ito.Mukhang napabayaan na ang libro na ito pero angat na angat pa rin ang kulay ng cover ng libro.Base on the book's cover a demon and an angel is the lead. Looks like this book is about a demon and angel couple.Hindi ko muna ito binalik dahil sa kuryosidad. I sat on the Floor and leaned on the book shelf behind me.I flipped the page until I reached the last half of the book.•••••••••"BOO!" Pag gulat nito sa babaeng iniibig."Acheron! Enough! stop playing around. Mamaya makita nila tayo" pananaway nito sa k

    Huling Na-update : 2021-07-23
  • Waiting For The Eclipse   Chapter 1

    Euén's POV."A-aunt, please! Let me go!" Wika ko nang bigla niyang higitin ang buhok ko.Damang-dama ko ang pagbaon ng kuko ng stepsister ko na nakahawak sa magkabilang braso ko.Nanggigigil itong nakatingin sa akin at sa halip na bitawan ay mas lalo niya pa itong hinigpitan."Mom! Let me do this" sabi ng anak nito at siya naman ang humigit sa buhok ko.Pilit kong inaalis ang kamay niyang nakakapit sa buhok ko. Dahil feeling ko ay mapupunit na ang anit ko ano mang oras dahil sa higpit ng pag-kakakapit niya.Gusto ko mang maiyak dahil sa sakit ay pilit kong pigilan ito. Dahil alam kong kapag umiyak ako ay mas lalo lang silang gaganahang apihin ako."We said you're not allowed to go outside! Bitch!" Pinanlamigan ako ng katawan nang bitawan ako nito at itulak sa hagdan.Sa bilis ng pangyayari ay

    Huling Na-update : 2021-07-23

Pinakabagong kabanata

  • Waiting For The Eclipse   Chapter 3

    Euén's POV.Kinabukasan ay inihanda ko na ang mga damit na dadalhin ko. Si Shaoi lang ang kasama ko ngayon dahil si Lola ay hindi pa nauwi habang si Azila ay nasa kung saan ata at nag hanap ng chismis.Di rin naman nag tagal ay dumating na si lola kasama si Azila."Pumayag naman po di ba lola?" pag-aalangang bungad ko rito"Oo nak. Wala naman magagawa yon. Di rin naman ako nag punta don para mag paalam kundi para mag sabi lang" ngiting wika nito."Maraming salamat po talaga lola! Aalis na po ba tayo?" Tuwang-tuwang wika ko at yumakap pa rito."oo neng sinabihan ko na rin yung apo ko na mag pahatid ng sasakyan para masundo ka.""yooossshh! makikita na ulit natin si kuyang pogi marsyyy!" umarte pang mahihimatay si Azil dahil sa tuwa.Napailing na lamang kaming dalawa ni lola sa pinag gagawa ng dalawang mult

  • Waiting For The Eclipse   Chapter 2

    Euén's POV.Ilang araw na ang nakakaraan simula ng pag-babarahin ko yung mag ina. Simula non ay hindi na ulit nila ako ginulo.Nakapag tataka nga na nandito pa rin ako. Siguro dahil hindi pa nakakauwi ang tatay ko.Garden ang madalas naming pinag tatambayan ng mga multo. Malakas kasi ang hangin dito at nakakakalma ang mga halaman.Natigil ako sa pag mamasid sa mga halaman nang maagaw ng pansin ko ang mga multong nag bubulungan."Mag share kayo. Wag niyong ibulong" nakangusong saad ko.Ewan ko ba piling ko nahawa na ako kay Azil. Malaki ang tenga sa balita."A-ano, ang ganda ng langit mare no? tignan mo yung ulap mukang gago-- a-ano! I mean mukhang sago. tama sago hehe" Taka akong tumingin kay Azil ng mag iba ito ng topic at mukhang kinakabahan pa.Napapalunok pa ito at kung saan-saan napapatingin halatang

  • Waiting For The Eclipse   Chapter 1

    Euén's POV."A-aunt, please! Let me go!" Wika ko nang bigla niyang higitin ang buhok ko.Damang-dama ko ang pagbaon ng kuko ng stepsister ko na nakahawak sa magkabilang braso ko.Nanggigigil itong nakatingin sa akin at sa halip na bitawan ay mas lalo niya pa itong hinigpitan."Mom! Let me do this" sabi ng anak nito at siya naman ang humigit sa buhok ko.Pilit kong inaalis ang kamay niyang nakakapit sa buhok ko. Dahil feeling ko ay mapupunit na ang anit ko ano mang oras dahil sa higpit ng pag-kakakapit niya.Gusto ko mang maiyak dahil sa sakit ay pilit kong pigilan ito. Dahil alam kong kapag umiyak ako ay mas lalo lang silang gaganahang apihin ako."We said you're not allowed to go outside! Bitch!" Pinanlamigan ako ng katawan nang bitawan ako nito at itulak sa hagdan.Sa bilis ng pangyayari ay

  • Waiting For The Eclipse   Prologue

    Her POV.I was in a book store looking for books to kill time until i saw this book dropped in the aisle.Kinuha ko ito at ibabalik na sana nang maagaw ng pansin ko ang kakaibang cover nito. There's something inside me na humihikayat na basahin ito.Mukhang napabayaan na ang libro na ito pero angat na angat pa rin ang kulay ng cover ng libro.Base on the book's cover a demon and an angel is the lead. Looks like this book is about a demon and angel couple.Hindi ko muna ito binalik dahil sa kuryosidad. I sat on the Floor and leaned on the book shelf behind me.I flipped the page until I reached the last half of the book.•••••••••"BOO!" Pag gulat nito sa babaeng iniibig."Acheron! Enough! stop playing around. Mamaya makita nila tayo" pananaway nito sa k

DMCA.com Protection Status