Hindi ko man lang namalayan na naglalaglagan na pala ang luha ko habang maigi sila na pinagmamasdan, kaya mabilis ko naman 'yon na pinahid. Hindi ko na nagawa ang lingunin sila ng magsimula akong maglakad at bumalik na agad sa bahay. Umakyat agad ako bago pumasok sa aming kwarto at inihanda ang maleta. Hindi ko na kaya ata ang magtagal sa lugar na ito, pinagtutulungan ba nila ako? Isa ba ito sa dahilan kung bakit umalis at nagpakalayo-layo si Rainy? Una sa lahat feeling ko nanliliit ako, feeling ko sinadya n'ya akong dalahin dito para masaktan. Hindi man lang nga ako nag enjoy! "Ate Rainy, paalis ka na po?" Tumingala muna ako sa kisame upang ampatin ang nangingilid ko na luha. Hinarap ko si Lisa at bahagya na ngumiti sa kanya. "Something's came up kaya kailangan ko na ang umalis. Promise, babalikan kita dito at bibisitahin natin muli ang mga kaibigan mo." Ngumiti s'ya sa sinabi ko at yumakap sa akin. "Salamat po talaga Ate Rainy, hindi talaga nagkamali si Kuya Thunder ng pinakasa
Mabilis pa sa ala-sinco ng ako'y bumaba sa kotse ni Thunder. Mas binilisan ko pa ang aking lakad at nagtungo agad sa kwarto. Iniuwi n'ya akong muli sa bahay ni na Tita Tina and I hate him dahil doon. Pinilit ko s'ya na ihatid ako sa airport ngunit wala man lang ito naging imik sa loob ng kotse at mas lalong hindi ko man lang mabasa kung ano ang nasa isip nito. Nakaupo ako sa kama ng magbukas ang pintuan. Ipinatong ni Thunder ang susi sa side table at hinubad ang kanyang puti na polo. Mabilis akong nag iwas ng tingin sa kanya ng tumambad ang hubad nitong katawan kaya tiningnan ang aking kuko. Akala mo ako'y bata na pinapagalitan ng magulang dahil sa sobrang pagyuko. Ang isa ba namang Thunder Revamante ay maghubad na lang basta-basta sa harapan mo tingnan lang natin kung hindi maginit ang paligid mo. "I'm waiting for your answer." Bigkas nito. "Ano namang isasagot ko?""Did you hear me earlier?" Pikon na tanong pa nito. "Ay ano naman ngayon? Tsaka mabait naman si Ulap, mas mabait
Itinapon ko ang sarili sa malambot na kama. Ipinikit ko ang aking mga mata bago muling nagmulat. I checked my phone and it past eight in the morning. Back to normal na ulit. No more Kulog has around. Busy na naman ito sa kanyang trabaho, nakakulong na naman ako sa loob ng napakatayog na pader. Namiss ko na ang maynila, ang aking kaibigan na naiwan doon. Kahit siguro sila ay nagtataka sa pagkawala ko. Bumangon ako ng makarinig ako ng katok, ng buksan ko ang pintuan nakita ko doon na nakatayo si Aling Nena. May dala ito na kape. "Salamat po dito, nag abala pa kayo.""Kanina pa kitang hinihintay bumaba pero hindi ka naiingli. Gusto mo ba sumama paminitas ng ubas?" Pag kuway tanong n'ya sa akin. "Hindi na po muna siguro Aling Nena. Pakiramdam ko kasi napagod ako sa ilang araw na bakasyon na 'yon. Medyo masakit ang katawan ko." Pagdadahilan ko. "O s'ya sige, magpahinga ka na lang. Padadalahan na lang kita mamaya ng pananghalian kay Marites." Tumango ako sa sinabi nito hanggang sa m
Nakangiti ako habang pinipitas ang mga ubas sa harapan ko. Para akong baliw na hindi maintindihan, ewan. Kinikilig yata ako. That deep green eyes of him na parang nagsisindi ng apoy. Tinakpan ko ang aking mukha ng sariling palad bago nagtatalon sa kilig."Rainy!" Nabalik ako sa katinuan ng may tumawag na naman sa pangalan ng kakambal ko. "God! 'Yong guyam! Nasa mukha mo at ulo na!" Mabilis pa sa alas kwatro na pinagpag ko ang sarili at tumalon-talon. Malma na ito dahil hindi na kilig ang nararamdaman ko kaya ako'y tumatalon. Kung hindi umiiwas sa kagat ng malalaki na guyam. "Ikaw talagang bata ka! Hindi mo ba napansin ang guyam, basta ubas asahan mo may mga guyam na nag aabang dyan." "Pasensya na po hindi ko napansin.""May problema ba? Namumula na 'yang pisngi mo." Napahawak naman ako sa sariling pisngi at naramdaman ang init noon. Dahil sa nangyari nagiging malaswa ang utak at isip ko, kamuntikan pa na papakin ng mga guyam. Palibhasa first time edi 'yon walang minuto na hindi
Tahimik ako na sumunod kay Kulog at naupo sa kaharap n'ya na upuan. Sinulyapan ko pa s'ya ng palihim nong s'ya ang maglagay ng kanin at adobo na ulam sa plato ko. Sa ginagawa ng Kulog na ito pakiramdam ko ay umurong na rin ang dila ko na sabihin sa kanya ang totoo. Ginagawa ba n'ya ito para mafall ako sa kanya? Kung tutuusin ay hindi na n'ya kailangang gawin 'yon dahil matagal na akong dead na dead sa kanya. "Don't stare at the food, just eat." Mabilis ako na kumilos sa sinabi n'ya. Pakiramdam ko ay isa akong maamo na pusa na sumusunod sa kanyang bawat sasabihin.Ngunit habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain ay isang babae ang dumating. Suot ang malawak na ngiti, sexy na pananamit at ang nagtataasan n'yang heels na s'yang gumawa ng ingay sa bawat hakbang na ginagawa nito.Ibinaba ni Kulog ang kanyang kubyertos ngunit hindi pa rin tinatapunan ng tingin ang babae. Parang may kong anong masama na pwersa na dala ang babae na ito. "Hey, hon. Nice to see you again." Nakangiti na sabi n
The gesture na nakakasanayan ko ay aminin man o hindi nasasanay ako. Nasasanay ako sa maikling oras na pinaparamdam n'ya na importante ako sa kanya. 'Yong assurance na binitawan n'ya habang pasan ako pabalik sa mansion ay pinanghawakan agad ng puso ko. What's wrong with him? Bakit ganito s'ya ngayon? "This is your medicine, heto pampawala ng sakit at kirot. Heto naman upang mas mapabilis ang paghilom ng sugat at para hindi magpeklat." Habang sinasabi ng isang Kulog sa harapan ko ang salita na 'yon ay nakatingin lamang ako sa kanyang mukha habang pinagmamasdan ito. Bakit ang swerte ko sa part na nagkaasawa ako ng napaka perpekto na tao? Akala ko noon walang ginawa ang Diyos na perpekto pero bakit ang isang Kulog na kagaya n'ya ay wala akong makita na kahit anong kapintasan dito?"Hey! Nakikinig ka ba?" Thunder snapped his finger in front of my face. Hinampas ko ang kamay nito. "Oo malamang.""I know that your husband is handsome wag mo masyadong ipahalata."Nandidiri ko ito na tin
"Where are we going? Halos lahat na ata ng gamit ay madadala mo na." I asked Thunder, bitbit nito ang dalawang malaki na maleta habang ako'y nakasunod lamang sa kanya. When we reach his car, namewang ito sa harapan ko na tila nag iisip. "Hindi mo ba talaga ako-" He teased me with his kisses. "Why you so beautiful, my wife?" Napataas ang gilid ng aking labi. "Matagal na akong maganda, ngayon mo lang napuna?" I heard him chuckled. Para akong nananigip sa nagdaang isang linggo. Kung noon, takot ako sa awra n'ya, ngayon hindi na. Ang pagkailang ay wala na rin at habang tumatagal ay nakikita ko ang ugali nito na ngayon ko lang din nakita sa ilang taon ng aming pagsasama. Nasanay kasi ako sa pagiging istrikto n'ya pero nakakapag adjust naman ako ngayon sa kakulitan n'ya. "Don't leave me." Napakunot ang aking noo sa sinabi nito. Umaatake na naman ang pagiging OA nito."Ano na naman sinasabi mo?" "We're leaving, you living with me there. Gusto ko malapit ka lang. Malapit lang ang pahing
"Wow! This is all yours?" I asked him habang nakatingala sa napakatayog na gusali. "This is ours." Hindi ko pinansin ang sinabi nito. Namamangha talaga ako sa nakikita ko at dahil sa first time ko nga na makita ito ay akala mo'y nahiya na ang gabok na dumikit sa glass noon dahil sa kintab. Thunder grabbed my wrist at hinila na ako papasok sa loob. The guard vow at him kaya mabilis rin ako na yumuko sa guard habang nakasunod sa bawat hakbang nito upang magbigay ng pag galang but suddenly I bump into someone na halos ikatumba ko ngunit maagap ako na nasalo ni Thunder. Tumigil pala ang Kulog na ito kaya mabilis naman ako na tumindig ng maayos. Lahat ng empleyado ay halos pinagtitinginan kami at nagbubulong-bulungan kaya nahiya naman ako ng kaunti."Don't vow your head, woman!" He said with full of authority. "Why?" Mahina ngunit may diin na tanong ko. "Gumagalang lang ako pabalik." Paliwanag ko pa. Hinarap n'ya ako habang pirmi na nakatingin sa akin. "What? Let's go!" I said to him