MEDYO marami nang tao pagdating nina Carla sa party. Masasabi niyang marahil ay bigating tao ang iwi-welcome doon sapagkat halos lahat ng mga bisita ay miyembro ng alta sociedad.
Nagsisimula na siyang mainip. Wala naman kasi siyang kilala roon kundi ang kaibigan at ang asawa lamang nito, not even the host itself.Nagpaalam muna siya sa kaibigan na mauupo sandali. Sumasakit na kasi ang mga binti niya sa kakatayo at kakahintay sa “big person” ng event na iyon.Nagsisimula na rin siyang mainis at mayamot sa kung sinumang Poncio Pilato ang iwi-welcome. Nagpapaka-importante ba ito? Halos mag-iisang oras na silang naghihintay, hindi pa rin ito lumalabas gayong sabi naman ng asawa ng kaibigan niyang si Nancy, nandoon na raw ang Poncio Pilato na iyon.Ipinikit na lamang niya ang mga mata at bumuntong-hininga para mabawas-bawasan man lang ang inis na nararamdaman."Hi! Can I join you?"Awtomatiko siyang napabaling sa tagiliran niya. Nakita niya ang isang binatang nakangiting nakatitig sa kanya. Guwapo ito at simpatiko."Oh, sure," tipid niyang sabi. Nginitian niya rin ito."I'm Brent Madrigal. And you?" pagpapakilala nito na nakalahad ang kanang palad."I'm Carla. Carla Marie Vergara," tipid niyang sabi. Nakipagkamay siya rito."Nice to meet you, beautiful lady," sabi nito. Hawak pa rin nito ang kamay niya. "Who's with you?" tanong pa nito, saka binitiwan ang palad niya. Umupo ito sa bakanteng silya na katabi niya."I'm with my friend and her husband. You?" balik-tanong niya."Ako lang. I'm a family friend of the one na iwi-welcome sa party na 'to," ang sagot nito na hindi na niya nagawang tugunin sapagkat pumailanlang na ang boses ng emcee. Siguro ay ipapakilala na nito ang Poncio Pilato na kanina pa hinihintay ng karamihan."Ladies and gentlemen, sorry to keep you all waiting. I'd like to introduce the upcoming new President of the LR Group of Companies. The return of none other than Mr. Evan Ray Ricaforte. A round of applause, please."Palakpakan ng mga tao ang sumalubong pagkatapos na sabihin iyon ng emcee. Ngunit halos mabingi si Carla sa lakas ng pagkabog ng kanyang puso. Halos hindi siya makahinga nang marinig mula sa emcee ang pangalan ng taong iyon.'Evan Ray Ricaforte! No!' sigaw ng isip niya. Ipinikit niya ang mga mata. Nagbabakasakali siyang kapangalan lamang iyon ng lalaking minahal niya noon.Unti-unti niyang idinilat ang mga mata. Nasilayan niya ang imahe ng binatang nakatayo sa entablado habang nakangiting nagsasalita. Inililibot nito ang paningin sa mga bisitang naroon hanggang sa mapadako ang tingin nito sa kanya.'No! I should have not come here!' piping sigaw ng utak niya. Nagsisi tuloy siya na nagpunta pa siya sa party na iyon.Nakatitig pa rin ito sa kanya kaya naman nag-iwas siya ng tingin. Ilang sandali pa itong nagsalita sa entablado bago nito natapos ang mga dapat na ianunsyo. Nakita na lamang niyang pumanaog na ito matapos ang mahaba-habang speech."Carl, are you okay?” mayamaya’y narining niyang tanong ni Brent. “Bakit parang namumutla ka?" May pag-aalala sa tinig nito."Y-Yup, I'm fine. Medyo sumakit lang ulo ang ko," pagsisinungaling niya."Gusto mong ihatid na lang kita? Wait, I'll—""Mister Brent Madrigal, would you mind introducing me to your girlfriend?" sabi ng baritonong boses na siyang nagpalingon sa kanila.GUSTONG-GUSTO nang tumakbo palabas ni Carla nang mga sandaling iyon. How she wished, she didn't come. Si Evan ang kahuli-hulihang tao na gusto niyang makita. Rather, ang taong ayaw na niyang makita pa.Tumawa si Brent. "Hopefully, my soon-to-be fiance kung sasagutin ako. Hindi ko pa siya girlfriend, pare. Plano ko palang sana ligawan siya ‘pag nagkataon." Tumingin ito sa kanya. "Carla, meet my friend, Evan. Evan, this is Carla," pagpapakilala nito sa kanila."Hi, Carla. Nice meeting you," saad nitong matiim ang pagkakatitig sa kanya habang nakalahad ang palad.Tinitigan lamang niya iyon. Ayaw niyang tanggapin ang pakikipagkamay nito.Nakahalata naman si Brent na parang natutulala siya kaya't tumikhim ito. Wala na siyang nagawa kundi ang tanggapin ang pakikipagkamay ng taong kinamumuhian niya.Tila may bolta-boltaheng kuryenteng nanulay galing sa palad nito papunta sa palad niya. Agad niyang binawi ang kamay mula rito nang maramdamang marahang pinisil nito iyon."Tol, nandito ka lang p
NAKARATING sila ni Evan sa mansyon ng mga ito—ang mansyon ng mga Ricaforte. They reached there quarter to eight.Walang itulak-kabigin si Carla. Napakaganda at napakalawak pa rin niyon. Napapalibutan iyon ng mga ornamental plants. May malaki ring swimming pool sa bandang gilid ng mansyon. The same house she had seen ten years ago, at mas lalong gumanda pa iyon ngayon.When they finally reached the main door ay sinalubong sila ng isang kasambahay."Where's Mom?" tanong dito ng binata. Pero bago pa man ito makasagot ay namataan na nila ang Donya na papalapit sa kanila."Carla, hija," salubong na wika ni Mrs. Ricaforte, sabay halik sa pisngi niya. Gumanti rin siya ng halik dito. Nagbeso-beso sila. "Mas lalo kang gumanda ngayon, ah. The pretty girl I used to know turned to be a beautiful lady now," nakangiti pa nitong sabi."Salamat po, Tita," aniyang sinuklian ito ng ngiti.Inakay sila nito papuntang kumedor kung saan maraming nakah
BENALEWALA na lamang ni Carla ang mga sinabi sa kanya ni Evan. She lived her life as if nothing happened. As if nothing has been said and done. Life must go on, ika nga.Nagpapasalamat naman ang dalaga dahil magmula nang gabing iyon ay hindi na nagpakita pa ang binata sa kanya. Maybe he wasn't serious, maybe he was just fooling around when he said those words. Ano pa ba ang aasahan niya sa isang manlolokong katulad nito?Tili ng kaibigan at katrabaho niyang si Joy ang sumalubong sa kaniya nang dumating siya nang umagang iyon sa pinagtatrabahuhan niyang bangko bilang teller. Agad niya itong nilapitan."Hey, Joy! Ano’ng nangyayari sa 'yo? Nakakita ka ba ng multo?" nagtatakang tanong niya rito."Loka!” anito. “Girl, may bunch of different colors of roses ka at imported chocolates doon sa counter mo. Take note, huh! Imported!" sabi nito na pinakadiin-diinan ang salitang “imported.”"Baka naman, hindi para sa 'kin 'yon," wika niya. Hindi siya
KASALUKUYANG nasa kumedor si Carla at kumakain. It was her day off. Wala siyang pasok sa trabaho kaya naman naglagi lang siya sa bahay niya. Tinatamad naman kasi siyang gumala sa mall.Magana siyang kumakain nang mayamaya'y nakarinig siya ng doorbell sa labas. Uminom muna siya ng tubig bago tumayo at dali-daling tinungo ang pinto."Carla, puwede favor?" bungad sa kanya ng kapitbahay at kaibigan niyang si Elaine. Karga-karga nito ang anak na walong buwang gulang pa lamang."Oo naman," tugon niya. "Ano 'yon?""Puwede bang iwan ko muna sa 'yo si baby? Wala kasing magbabantay sa kanya ngayon, eh. Umuwi ng probinsiya ang yaya niya. Emergency kasi. May trabaho naman kami ng asawa ko ngayon," paliwanag nito.Ngumiti siya. "Oo naman. Akin na si baby," saad niya.Inabot nito sa kanya ang anak, pati ang mga baby stuffs na dala-dala nito. "Pasensiya ka na Carla, ha?" hinging paumanhin nito. "Hindi ko naman kasi puwedeng iwan mag-isa si baby
"OUCH!" bulalas ni Carla nang may makabungguan siya sa supermarket ng isang mall. Nagpunta siya roon pagkatapos ng trabaho niya. Kulang na kasi ang stocks niya ng mga grocery items sa bahay. She was so busy sa pamimili kaya't hindi niya namalayang may tao pala siyang makakabungguan."Naku, I'm sorry, Miss," hinging-paumanhin ng lalaki.Ngumiti siya rito. Alam niyang may kasalanan din naman siya. "It's okay. May kasalanan din naman ako, eh. I was so busy sa pamimili kaya hindi ko namalayang may makakabungguan pala ako." Ngumiti ito. "Miss, ako nga pala si Brendon," pagpapakilala nito habang nakalahad ang palad sa kanya.“I’m Car—”"Oh, hon. Nandito ka lang pala," sabi ng baritonong boses na nagpatigil sa sinasabi niya. Inakbayan siya nito.Awtomatiko siyang napabaling para lang masilayan ang seryosong mukha ni Evan. Tiningnan niya ito ng masama. Hindi niya alam kung ano na naman ang pumasok sa koko
"MAG-A-ALAS-NUWEBE na, kanina pa 'ko rito. Sana naman may dumaan nang tax," mahinang sambit ni Carla sa sarili. Kanina pa siyang pasado alas-siyete nakatayo sa waiting shed na iyon. Sumasakit na ang mga binti niya at medyo nabasa na siya ng ulan, pero wala pa ring dumadaan na sasakyan. Malakas pa naman ang ulan, kumukulog at kumikidlat pa. Tila may nagbabadyang masamang panahon. Nakikita rin niyang umaapaw na ang tubig sa daan, hudyat na babaha na talaga. "Bakit kasi ngayon pa ako nag-overtime, eh."Nasa ganoon siyang pag-iisip nang mayamaya'y may tumigil na kotse sa harapan niya at bumukas ang window shield niyon."Hop in," sabi ni Evan habang binubuksan ang kotse nito.Napatitig siya sa binata. Hindi niya alam kung sasakay ba siya o hindi. Pero kung hindi naman siya sasakay, baka umagahin siya roon sa kakahintay ng taxi."Sakay na. Huwag ka nang mag-inarte riyan," waring naiiritang anito.Nainis siya sa sinabi nito, pero hindi na lang n
NAPAKASARAP ng tulog ni Carla. Napakahimbing na para bang ipinaghihili siya ng napakaraming anghel. Napakasarap ng pakiramdam niya nang mga sandaling iyon. Parang may isang anghel na masuyong humahaplos sa kaniyang pisngi at niyayakap siya. Ramdam niya ang init ng katawan nito, ang bawat paghinga nito, at ang bawat pagtibok ng puso nito.Pero bakit parang buhay ang anghel na iyon? Para itong hindi isang kaluluwa lamang."A sweet angel is sleeping beside me," narinig niyang sambit ng anghel na iyon.Napakasarap sa pandinig niya ang boses nito. At lalaki pala ang anghel na nakayakap sa kaniya ngayon. Para siyang idinuduyan nang mga sandaling iyon. Naramdaman na lamang niyang may mainit na bagay na dumapo sa kaniyang noo. Hinalikan ba siya ng anghel?"Kahit paulit-ulit mo akong tarayan at ipagtabuyan, patuloy pa rin kitang lalapitan,” narinig na naman niya ang masuyong boses na iyon ng anghel.Ang sarap sa pakiramdam na hindi siya kaila
WALA silang imikan habang nasa loob ng kotse ng binata at inihahatid siya nito sa kaniyang bahay. 'Buti na lang Sabado ngayon at wala siyang pasok sa pinagtatrabahuhang bangko. 'Buti rin at tumila na ang napakalakas na ulan kagabi at hindi na nagtuloy-tuloy pa ang bagyo.Napakaganda na ng sikat ng araw. Hindi niya alam at hindi rin niya maintindihan pero parang sumasabay ang aliwalas at ganda ng panahon sa nararamdaman niya ngayon, at sa naramdaman niya kanina nang gawaran siya ng binata ng napakasimpleng halik na iyon.Hindi namalayan ni Carla na napapangiti na pala siya sa isiping iyon."Hindi mo pa rin makalimutan ang halik ko, 'no?" ani Evan, saka tinapunan siya ng nakakalokong tingin.Hindi niya maiwasang pamulahan ng mukha sapagkat nahulaan nito ang dahilan ng mga ngiti niya. Hindi na lang niya ito pinansin. Nagkunwari siyang walang narinig. Ibinaling niya sa labas ng bintana ang mga paningin. Natatakot siya na sa sandaling makipagsagutan si
"HIGHER! Higher!" hiyawan ng mga bisita sa kasal na iyon.They were currently in the wedding venue. Pagkatapos ng seremonyas ng kasal ay agad silang nagtungo sa Villa Esteban kung saan gaganapin ang party at kainan. Ang Villa Esteban ay pag-aari ng pamilya ng napangasawa ni Liezel. Mawerte ang kaibigan niya sa napangasawa nito. Bukod kasi sa mayaman at gwapo, mabait din ito.Halos umusok ang bumbunan ni Carla. Hindi niya maipaliwanag pero naiinis siya. Naiinis siya sa hindi niya malamang dahilan.Kanina kinindatan siya ng mokong na si Evan. Sa inis ay inirapan niya ito kahit pa nasa loob sila ng simbahan. She was having a beautiful day earlier this morning, nasira lang nang makita niya ang palikerong ito. At kinindatan pa siya. Bwesit!Ngayon naman ay inis na inis na naman siya. Naiinis siya sa ngisi ng mokong. Halos mag-enjoy ito habang isinusuot ang garter sa mga binti ng nakasalo ng bouquet. At ang hitad, halos magkisay-kisay naman sa kilig nang kulang na lang ay sumagi sa pagitan n
"BULLSHIT!" Evan cursed, sabay tapon sa pader ng bote ng nilalagok na alak. Nagkabasag-basag iyon at nasayang ang natitira pang laman.Nasa sarili siyang condo nang mga sandaling iyon. Doon siya dumeretso pagkatapos ng nangyari sa kanila kanina ni Carla.Plano sana niyang dalhin ang dalaga sa baybaying dagat kaya niya ito pinipilit na sumama kanina. Ang baybaying dagat kung saan palagi silang nagpupunta nito noong may relasyon pa sila. Ang baybaying dagat kung saan una niya itong niligawan. Ang baybaying dagat kung saan siya nito sinagot maraming taon na ang nakakalipas. Ang baybaying dagat na saksi sa pag-iibigan nila noon. Ang baybaying dagat na may mahalagang parte sa kuwento ng buhay pag-ibig nila.Balak sana niyang doon sa lugar na iyon ipagtapat ang rason kung bakit niya ito iniwan dati. Balak niyang doon sa lugar na iyon humingi ng kapatawaran. He wanted to formally court her, at doon sa baybaying dagat niya balak humingi ng permiso para sana ligawa
NAPAPANGITI si Evan habang nagmamaneho ng kaniyang kotse pabalik sa mansyon. He can't help but to reminisce what had happened awhile ago between him and Carla. Halos pulang-pula na ito at magkulay kamatis sa mga biro ng nakababatang kapatid nito na sinasakyan naman niya. Napaka-cute nitong tingnan. The same Carla he used to know before. So sweet and so innocent.His actions and every word he uttered awhile ago may sound like he was just kidding, but deep inside it was all true. Lahat ng sinabi niya kanina ay totoo. Gusto niyang ito ang maging ina ng mga anak niya. Gusto niya itong anakan ng isang dosena.Lalo siyang napangiti sa naisip.He knew he acted like a pervert one nang idaiti niya rito ang kaniyang pagkalalaki. Ngunit ano'ng magagawa niya? He wanted Carla to be aware what she was doing to his body simply by staring at her. Gandang-ganda siya rito, lalo na kung namumula ito. In his eyes, she was a goddess. So deity and so beautiful.He felt
NANG dahil sa pangyayaring iyon sa pagitan nila ni Evan ay iniiwasan na niya ito. Kapag nakikita niya itong nasa labas ng bangkong pinagtatrabahuan niya tuwing uwian na ay nagtatago siya at hindi nagpapakita rito. Tuwing nasa labas naman ito ng bahay niya ay nagkukunwari siyang wala roon. She doesn't want to see him again. Sapagkat sa tuwing nangyayari iyon ay palagi lamang siyang nasasaktan. It would be better off without him. It would be better for them to part ways. That should be the best thing to do, the right thing to do.Ngunit sadya yatang mapaglaro ang tadhana, sapagkat nang sumapit ang araw na isinumpa na niya, ang araw na ayaw na ayaw na niyang dumating pa, ang araw na nagpapa-alala sa kaniyang mapait na nakaraan—ang kaniyang kaarawan ay nagpakita ang binata sa kaniya."What brought you here?" kunot-noong tanong niya rito.Evan smiled at her, then kissed her on the cheeks na ikinagulat niya. "Happy twenty-seventh birthday, Carl," he greeted, sak
HINDI mapigilan ni Carla ang mapahalakhak nang malakas sa biro ni Brent. Nasa harapan ng pintuan na sila ng bahay niya. Inihatid siya nito matapos ang date nila.Halos maluha-luha na siya sa kakatawa sa sinabi nito. "Ikaw talaga, Brent, puro ka kalokohan." Tatawa-tawang hinampas niya ito sa braso.Sa lahat ng mga manliligaw niya, ito lang ang binibigyan niya ng pagkakataong makipag-date sa kaniya. Ang gaan kasi ng loob niya rito. Mabait ito, palabiro, maunawain, maginoo, gwapo. Halos lahat ay na kay Brent na. He's indeed a good man she could ever imagine. Para tuloy gusto na niya itong sagutin. Matagal-tagal na rin kasi itong nanliligaw sa kaniya. Yet, it seemed something is missing. Parang may kulang dito. O 'di kaya sa kaniya ang may kulang? Wala kasi siyang maramdamang 'sparks' para rito. Talagang kaibigan lang ang turing niya para sa binata. How she wished, she could learn to love Brent. Napabuntong-hininga na lamang siya sa isiping iyon."Carla," puka
NARINIG ni Carla na may nag-doorbell sa labas ng bahay niya kaya dali-dali niyang pinunasan ang pisnging may bahid ng luha. Tinapunan muna niya nang tingin ang sariling repleksyon sa salamin. Namumugto na ang mga mata niya sa kaiiyak. Nakakahiya kapag makita siyang ganito ng taong nasa labas ng bahay niya.Wala na sana siyang balak labasin iyon pero patuloy pa rin ito sa ginagawang pag-doorbell. Naisip niyang baka importante ang sadya nito kaya inayos niya ang sarili at nagpasya na lamang na bumaba at pagbuksan kung sino man ang taong nasa labas ng bahay niya."Sino—” Hindi niya naituloy ang sasabihin nang makita kung sino ang taong nasa harapan ng pinto niya."Carl, are you crying?" nakakunot-noong tanong sa kaniya ni Evan.Iniiwas niya ang mukha sa pagkakatitig nito. Ayaw niyang mahalata nito ang pamumugto ng mga mata niya."H-Hindi! K-Kakagising ko lang kaya ganito ang mata ko," she lied.Ngunit parang hindi kumbinsedo ang bin
KASALUKUYANG naglilinis ng kaniyang silid si Carla. Kailangan na talaga niyang ayusin ang mga gamit doon at linisin dahil sa mga alikabok na nakakapit. Halos magkandaubo-ubo na siya sa mga alikabok na nandoon. Matagal-tagal na rin kasing hindi niya nalilinisan ang silid sapagkat masyado siyang abala sa trabaho. Wala naman kasi siyang kasambahay para gumawa niyon."Ang hirap talaga ng nag-iisa," bulong niya sa sarili habang nagwawalis sa ilalim ng kama niya. Ultimo kasulok-sulokan niyon ay hindi niya pinatos. She covered her nose nang maraming alikabok ang tila sumayaw sa ere. Nagkandaubo-ubo pa siya.She later sat on her bed sa matinding hapong naramdaman. Tagaktak na siya ng pawis at halos basa na rin ang T-shirt niyang suot. "Kung mag-leave kaya ako at magbakasyon sa probinsya? Miss ko na rin sina mama," kausap niya sa sarili. Nakapangalumbaba siya sa walis na gamit. "Hmmm! Bahala na. Saka ko na lang iisipin 'yon," she uttered, then continued cleaning her room.
WALA silang imikan habang nasa loob ng kotse ng binata at inihahatid siya nito sa kaniyang bahay. 'Buti na lang Sabado ngayon at wala siyang pasok sa pinagtatrabahuhang bangko. 'Buti rin at tumila na ang napakalakas na ulan kagabi at hindi na nagtuloy-tuloy pa ang bagyo.Napakaganda na ng sikat ng araw. Hindi niya alam at hindi rin niya maintindihan pero parang sumasabay ang aliwalas at ganda ng panahon sa nararamdaman niya ngayon, at sa naramdaman niya kanina nang gawaran siya ng binata ng napakasimpleng halik na iyon.Hindi namalayan ni Carla na napapangiti na pala siya sa isiping iyon."Hindi mo pa rin makalimutan ang halik ko, 'no?" ani Evan, saka tinapunan siya ng nakakalokong tingin.Hindi niya maiwasang pamulahan ng mukha sapagkat nahulaan nito ang dahilan ng mga ngiti niya. Hindi na lang niya ito pinansin. Nagkunwari siyang walang narinig. Ibinaling niya sa labas ng bintana ang mga paningin. Natatakot siya na sa sandaling makipagsagutan si
NAPAKASARAP ng tulog ni Carla. Napakahimbing na para bang ipinaghihili siya ng napakaraming anghel. Napakasarap ng pakiramdam niya nang mga sandaling iyon. Parang may isang anghel na masuyong humahaplos sa kaniyang pisngi at niyayakap siya. Ramdam niya ang init ng katawan nito, ang bawat paghinga nito, at ang bawat pagtibok ng puso nito.Pero bakit parang buhay ang anghel na iyon? Para itong hindi isang kaluluwa lamang."A sweet angel is sleeping beside me," narinig niyang sambit ng anghel na iyon.Napakasarap sa pandinig niya ang boses nito. At lalaki pala ang anghel na nakayakap sa kaniya ngayon. Para siyang idinuduyan nang mga sandaling iyon. Naramdaman na lamang niyang may mainit na bagay na dumapo sa kaniyang noo. Hinalikan ba siya ng anghel?"Kahit paulit-ulit mo akong tarayan at ipagtabuyan, patuloy pa rin kitang lalapitan,” narinig na naman niya ang masuyong boses na iyon ng anghel.Ang sarap sa pakiramdam na hindi siya kaila