Share

Chapter 3

Author: Yeiron Jee
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

"NASAAN na siya?" Tanong ni Chrismith sa mga kaibigan habang palinga-linga ang tingin sa paligid. Kakabalik niya lang sa mini stage dahil bigla siyang nawala kanina at tumatawag ang kaniyang ina.

 

"Umalis na siya, Bro." Sagot ni Larry kay Chrismith.

 

Nakaramdam ng panghihinayang si Chris at hindi manlang niya nalapitan ang babaeng ramdam niya ang saya nito habang nakikinig ng musika. Kahit hindi malinaw nakita ang mukha nito ay alam niyang malungkot ito at gusto niya sanang aliwin pa ito.

 

"Iyong kinanta mo kanina, mukhang nagustohan niya." May kasamang kindat na pagbibida ni Larry sa kaibigan na mukhang tinamaan na rin sa regular customer nila. Sa kanilang magkakaibigan ay siya ang naglalakas loob lumapit sa dalaga noon. Tinatanong niya ito kung ano ang gustong kantahin nila.

 

Tinapik lang ni Chrismith sa balikat ang kaibigan at muling suminyas na simulan ang sunod na kakantahin niya. Hindi rin siya nagtagal dahil parang nawalan siya ng gana bigla na mag-perform.

 

 

NAGULAT si Don Alfonso nang mabungaran sa kusina ang bunsong anak at bihis na ito. Ngayon niya lang ulit itong nakitang kumain ng almusal at naabutan sa kusina. "Papasok ka na?"

 

Walang salitang tumango lang si Nica sa ama. Bigla siyang umiwas ng tingin dito nang mapatitig ito sa kaniyang mga mata. She maintain to show them her poker face kapag ito ang kaniyang mga kaharap.

 

"Baka gustong bumawi sa kapalpakang ginawa kaya naisipang gumising ng maaga." Sarkastikong puna ni Margarita kay Nica habang ipinaghahanda ng pagkain ang sariling anak.

 

Nagbuntong-hininga lang ang kaniyang ama sa pasaring ng kaniyang madrasta. Sanay na siya sa panghahamak nito sa kaniyang kakayahan. Umismid si Nica dito at ipinagpatuloy ang pagsubo ng pagkain.

 

"Huwag ka nang mag-aksaya ng oras dahil naayos na ng anak ko ang kapalpakan na nagawa mo." Pagpatuloy na pagmamayabang ni Margarita.

 

"Ma," saway ni Janice sa ina, kakapasok lang niya sa kusina at narinig ito.

 

"Totoo naman, 'di ba magkikita kayo ni Chris ngayon? All you have to do is to accept his proposal. Hindi rin naman kami tutol ng iyong ama dahil bukod sa maganda ang maging buhay mo sa kaniya, makatuwang mo pa siya na mapalago pa lalo ang kompanya." Sobrang proud si Margaret habang pinupuri ang anak nito.

 

Napangisi si Janice habang pinagmamasdan ang madrasta. Kung noon ay kaya siya nitong paiyakin at saktan, kabaliktaran na ngayon. Sino ang mag-aakala na ang isang maldita sa paningin ng lahat ay nakaranas ng pagmamalupit ng madrasta noon? Maging ang ama ay ganoon ang tingin sa kaniya. Siya ang nababaliktad kapag nagsumbong siya sa ama. Natuto lamang siyang lumaban na nang malaman na siya ang may malaking share sa kompanya. Ginamit niya iyon upang hindi na siya magawang saktan ng madrasta at may maipagmalaki. Wala na siyang pakialam kung may sungay na siya sa paningin ng ama at ang asawa at anak lang nito dito ang mahal. Mabait ang kapatid niya at lagi siyang ipinagtatangol sa ina nito noon pero galit pa rin siya dito. Ang tingin niya ay plastik ito sa pagpapakita ng kabaitan sa kaniya. Hindi magawa nitong isumbong sa ama nila kung ano ang totoo. Tandang-tanda pa ni Nica ang araw na hindi siya ipinagtangol ni Janice sa ama.

 

 

"YOU can ask Janice, nakita niya nang saktan ako ng asawa mo," Umiiyak na pagsusumbong ni Nica Joy sa ama--eight yers ago.

 

"Tell him!" Utos niya kay Janice nang manatiling tikom ang bibig nito.

 

"Stop it, Nica!" Dumagundong ang tinig ng ama sa apat na sulok ng silid niya na ikinagitla niya. "Tama na ang paggawa ng kuwento para siraan ang ikalawa mong ina sa akin. Huwag mong tutruan ang kapatid mong magsinungaling para lang maniwala ako sa mga hinahabi mong kwento. Tanggapin mo sila sa pamamahay na ito kung ayaw mong magalit ako sa iyo!"

 

Halos madurog ang puso ni Nica nang araw na iyon. Sa murang edad ay natuto siyang sarilinin ang sama ng loob sa ama. Inilayo na rin niya ang sarili sa kapatid. Kapag wala ang ama sa bansa ay lagi siyang tumatambay sa kung saan huwag lang makasama ng matagal ang madrasta sa kanilang bahay. Todo rin siya sa pagtitipid sa kaniyang allowance noon para may panggastos kapag lumalabas dahil tinipid siya ng ama dahil na rin sa sulsol ng madrasta. Para umano hindi puro barkada at pagwawaldas ng pera ang kaniyang atupagin sa buhay. Marami siyang kaibigan ngunit walang maituring na tunay at mapagkatiwalaan sa madilim niyang mundo. Nadadagdagan ang sama ng loob niya sa ama mula pa noong buhay ang kaniyang ina. Wala na itong nakikitang tama sa kaniyang ginagawa sa buhay dahil naniniwala sa paninirang sumbong ng ikalawa nitong asawa.

 

 

"ARE you okay?" pukaw ni Alfonso sa nakatulalang anak habang nilalaro lang ng tinidor nito ang ham na nasa plato. Gusto niya sanang magsalita pa nang mapansin ang lungkot sa mga mata nito nang mapatingin sa kaniya.

 

"I'm done!" Mabilis na tumayo si Nica at lumayo sa ama. Tinaasan niya lang ng kilay si Janice nang batiin siya nito. Pero bago lagpasan ito ay nagbitaw siya nang maanghang na salita.

 

"Always be a good girl, Kitten, do what your mother said as usual." Pasaring niya sa kapatid na animo'y hindi makabasag ng pinggan sa sobrang kabaitan.

 

"Nang-iinsulto ka ba?" galit na sita ni Margaret kay Nica dahil tinawag na naman nitong kitten ang kaniyang anak. Ang anak ay malungkot lang na tumitingin sa kanila.

"Hindi ba bagay?" Tumawa si Nica at nagpatuloy kahit sinaway na siya ng ama. "What did you say before?" nang-aasar niyang tanong kay Margaret.

 

"Nica please, nasa hapag kainan tayo." Pigil ni Janice sa kamalditahan ng kapatid ngunit hindi siya pinakinggan nito.

 

Namaywang si Nica at ginaya ang malambing na boses ng madrasta sa kung paano nito kausapin si Janice, eight years ago. "Good girl, Baby! Maging mabait ka sa kaniya pero huwag mo siya kampihan sa harap ng iyong ama."

 

"Wala kang pinagkatandaan, immature ka pa rin mag-isip at mahilig gumawa ng kuwento! " namula ang pisngi ni Margaret dahil sa galit at nainsulto nang tumawa ang dalaga.

 

"Nica Joy tama na!" tumaas na naman ang boses ni Alfonso upang patigilin na ang anak sa pang-aasar nito sa kaniyang asawa.

 

Hindi pinansin ni Nica ang ama, lalo siyang ginanahang asarin ang madrasta. "By the way, mukhang mas bagay sa akin ang lalaking pinapangarap mong maging manugang." Sumilay ang pilyang ngiti sa kaniyang mga labi.

 

"Huwag kang magkamaling agawan ang anak ko!" Nanggagalaiting bulyaw ni Margaret kay Nica.

 

Tumawa ng malakas si Nica sa nakikitang pagkapikon sa mukha ng madrasta. "You look terrible!"

 

Marahas na ibinuga ni Margaret ang hanging bumara sa kaniyang dibdib at masamang tingin ang ipinukol kay Nica. "Manang-mana ka sa iyong ina mag-isip. Mahilig mang-agaw ng hindi para sa inyo!"

 

"Margaret, tama na." ang asawa na niya ngayon ang kaniyang sinaway nang makita ang panlilisik ng mga mata ng bunsong anak.

 

Abot hanggang langit ang nadaramang galit ni Nica nang insultohin ng madrasta ang kaniyang inang namayapa na. Pero pilit niyang pinakalma ang sarili para hindi maging kriminal sa harap ng ama.

 

"At ano ang tingin mo sa iyong sarili?" nang-uuyam niyang tanong sa madrasta.

 

"Nica please tama na!" pakiusap ni Janice sa kapatid ngunit sinamaan lang siya nito ng tingin.

 

"Kung kami ng Mommy ko ay mang-aagaw, kayo naman ay makakapal ang mukha at mga sampid!" ani Nica at dinuro ang madrasta.

 

"Nica Joy sumusobra ka na!" Hinarap ni Alfonso si Nica.

 

"Don't you dare, Dad!" inunahan niya ang ama bago pa nito magawang ilapat ang palad nito sa makinis niyang mukha. Nanginginig ang tinig niya dahil sa galit. "I hate you!" pasigaw niyang inilabas ang matagal na niyang gustong sabihin sa ama.

 

Nasapo ni Alfonso ang sariling dibdib nang biglang manikip iyon dahil sa pinaghalong emosyon.

 

"Dad, calm down!" Mabilis na dinalohan ni Janice ang ama at sobra siyang nag-alala. Ang kapatid ay tumalikod lamang at iniwan sila.

 

"Honey I'm sorry, kasalanan ko ito. Sana ay hindi ko na pinatulan ang kamalditahan ng iyong anak." Nababahalang hinawakan ni Margaret sa braso ang asawa.

 

"Ayos lang ako." Itinaas ni Alfonso ang isang kamay at dahan-dahang umupo sa upuan. Ngayon niya lang nakita ang ganoong galit sa mukha ng anak at nagawa nitong talikuran siya kahit nakitang nanikip ang kaniyang dibdib.

 

Mabilis na pinatakbo ni Nica ang minamanehong kotse. Tumawa siya ng pagak nang hindi magawang tumulo ng kaniyang mga luha. She felt proud dahil naging bato na pati ang kaniyang luha ngayon. Kung may iba lang makakakita sa kaniya ngayon ay iisiping nasisiraan na siya ng bait.

 

 

"HI!" Nahihiyang bati ni Janice kay Chrismith dahil late siya ng ilang minuto.

 

"Have a seat," ipinaghila ni Chris ng upuan ang dalaga. "Don't worry, you just came in time."

 

"Thank you! Pasensya na talaga kailangan ko kasing pakalmahin muna si Daddy bago iwan." Matipid na ngumiti si Janice sa binata.

 

"Why?" may pag-aalala niyang tanong sa dalaga. Kilala niya ang ama ni Janice dahil naging kaibigan din ito ng kaniyang ama.

 

"Muntik nang tumaas ang kaniyang blood pressure dahil sa galit sa aking kapatid." Malungkot niyang sagot sa binata.

 

Tahimik lang si Chrismith na nakikinig sa paglabas ng sama ng loob ni Janice para sa kapatid nito. Sa tuwing mag-usap sila ay hindi maiwasan nitong maging topic sa kaniya ang kapatid nito. Naniwala siya na careless nga ang babae at walang puso. They're good friend ni Janice at inaamin niyang humahanga siya sa galing nito at talino. Lalo siyang humanga dito nang ipakita nito ang sariling gawang desenyo ng damit.

 

"Alam mo ba kung bakit ni-reject niya noon ang Daddy mo?"

 

Kunot-noong umiling si Chris bilang sagot sa tanong ni Janice.

 

"Dahil sa galit niya sa akin, ang akala niya ay boyfriend kita." Bahagyang namula ang pisngi ni Janice sa maling iniisip ng kapatid. Pero lihim niyang naipagdasal na sana nga ay magkatotoo.

 

"Childish," pumalatak ang binata at ang tinutukoy ay ang kapatid ng kausap.

 

"Dahil sa iyo rin kung bakit nag-away sila ni Daddy kanina."

 

Napataas ang dalawang kilay ni Chrismith sa nalaman. Bigla siyang na curious kung bakit siya ang pinagmulan ng away ng pamilya nito parati. Pero iba ang na sense niya habang tumatagal kung kaya agad niyang inilihis ang usapan.

 

"Sorry for that, anyway, nakita ko ang desinyong ikaw mismo ang gumawa. Impressive at hindi ko na iuurong ang unang proposal ng kompanya ninyo."

 

Kahit na dissapoint sa biglang pag-iba ng paksa ng binata ay naging masaya pa rin si Janice. Hindi napigilang yakapin ito sa halip na tanggapin ang nakalahad na palad nito sa kaniyang harapan upang makipag shake hand sana.

 

Ngumiti na lamang si Chrismith at gumanti ng yakap sa dalaga.

Napangisi si Nica nang matanaw mula sa labas ng naturang coffee shop ang sweetness ng dalawa. Glass ang dingding ng kinaroonan ng mga ito kung kaya malaya niyang napagmamasdan ang mga ito mula sa kaniyang sasakyan. Pinakatitigan niya ang mukha ng lakaking kasama ng kapatid. Mas guwapo nga ito titigan sa personal kaysa sa larawan nitong nakita niya.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Remelyn Gwapa
feel na feel ko si Nica ay may dahilan naman talaga!kung bakit siya nagrebelde at si Janice parang plastic sya...esti tupperware pala
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • WHEN I SAY I LOVE YOU BUT I LIED   Chapter 4-Unang pagkikita

    HINDI na nagulat si Nica Joy nang mabalitaan na sila na ang napili ng kompanyang nag-reject sa kaniya. Pero malaking sampal sa kaniya iyon dahil siya mismo ang na reject. Kahit ayaw niya ay napilitan siyang dumalo sa special event ng kompanya. Sa araw na iyon ilalabas ang bagong desinyo ng damit na hindi pa niya nakikita dahil magaling magtago ang kapatid. Balita niya ay ito mismo umano ang gumawa niyon."Saan po kayo pupunta, Ma'am?" Hindi mapakaling tanong ni Rose sa dalagang amo.Nangunot ang noo ni Nica at pinakatitigan ang secretary. Kahit papaano ay nasanay na siya dito at hindi pinakitaan ng kagaspangan ng ugali niya. "Hindi ka sasama sa akin?" tanong niya dito."Sorry po, Ma'am. Ang akala ko po kasi ay hindi ka dadalo sa pagtitipon." Nahihiyang tugon ni Rose kay Nica."Hindi ko na kailangan magpaganda o magdamit ng gown para lang saksihan ang achievement ng aking kapatid."

  • WHEN I SAY I LOVE YOU BUT I LIED   Chapter 5-Unang hakbang sa paghihiganti

    "ROSE, alamin mo ang free vacant ni Mr. Yuchan at schedule mo ang appointment ko sa kaniya." Utos ni Nica sa ginang nang mainip sa kinaupuan.Pasimple niyang pinanuod ang bawat galaw ng kaniyang secretary. Napangisi siya nang mas inuna pa nitong hawakan ang cellphone nito sa halip na ang landline phone. Bumalik siya sa kaniyang upuan nang makitang tapos na ito sa pakipag-usap sa cellphone."Ma'am, pinatatanong po kung para saan ang appointment?""A lunch invitation from me."Napalunok ng sariling laway si Rose nang ngumiti ang amo sa kaniya. Kinikilabutan siya sa kabaitang ipinapakita nito ngayon sa lahat. Alam niyang may kabaitan itong tinatago sa katawan pero kaiba ang nadarama niya ngayon. Mabilis niyang iwinaksi ang hindi magandang nasa isip. Isa pa ay labas na siya kung mag-ramble man ang magkakapatid. Ang mahalaga ay nagawa niya ang kaniyang trabaho kabilaan. Para kumita at may maibigay sa kani

  • WHEN I SAY I LOVE YOU BUT I LIED   Chapter 6-Ang taong ayaw niyang makitang muli.

    PAKIRAMDAM ni Nica ay biglang nanigas ang katawan niya sa kinaupuan pagkarinig sa pangalan ng pinsan ni Janice. Makulit ito at sa umpisa pa lang ay pinarangka niyang ayaw niya dito. Muntik na rin siya ma rape nito dahil hindi niya alam na sumunod ito sa party na dinaluhan niya. Ang akala niya noon ay iba sa ugali ng madrasta at kapatid ang lalaki at totoo ang pinapakitang pagkagusto nito sa kaniya."He's my cousin," paliwanag ni Janice kay Chris kahit hindi ito nagtanong. "Ex siya ni Nica."Pansin ni Chris ang paglapat ng mga ngipin ni Nica at pagsama ng tingin nito sa kaniyang katabi."Excuse me, huwag puro buhay ko ang ibida mo sa ibang tao." Ngumiti ng nakakainsulto si Nica sa kapatid. Kung wala lang sila sa public place ay nasabunotan na niya ito kahit nasa harap pa nila ang ipinagmamalaki nitong boyfriend umano."Oh sorry, nabanggit ko lang siya dahil tinanong niya ako kung nasaan ako at m

  • WHEN I SAY I LOVE YOU BUT I LIED   Chapter 7-Ganti ng inaapi

    "HELLO, Ma'am, welcome back po!" Masiglang bati ng guard sa bagong dating na dalaga. Ngumiti si Nica sa guard bago tumuloy. "Bakit ang tahimik?" tanong niya sa waiter nang walang marinig na musika. "Maaga pa po kasi, Ma'am." Napakamot sa batok ang lalaki at hindi alam kung ano ang ialok sa dalaga. "Ohh!" Bumilog ang bibig at mga mata ni Nica habang inilibot ang paningin sa paligid. Ngayon niya lang napansin na siya lang ang tao doon at may liwanag pa ng araw sa labas. Dahil sa lungkot na nadarama kanina ay nawala sa isip niya na six p.m pa nagsisimula ang gig ng naturang Resto and Bar. Pagtingin niya sa pambisig na orasan ay quarter to five lamang. "I'm sorry, Ma'am, pwede po kayong bumalik para hindi kayo mainip. "It's ok, gusto ko lang mag-relax. Maari ka bang magpatugtog na lang ng musika?" request niya sa lalaki dahil pakiramdam niya ay pagod ang kaniyang katawan ka

  • WHEN I SAY I LOVE YOU BUT I LIED   Chapter 8-Panlilinlang

    NAISIP ni Chrismith na umuwi kahit na nagkakasiyahan pa ang mga kaibigan. Ngunit hindi pa nakakarating sa kanilang bahay ay tumawag ang hindi inaasahang taong tatawag ng ganoong oras."May problema po ba, Mom?" nag-aalala niyang tanong sa ina. Madaling araw pa lang sa kinaroroonan nito kaya agad siyang kinabahan."Walang problema dito sa amin, anak. Tinawagan lamang kita para kumustahin ka at ang ina ni Janice?"Nangunot ang noo ni Chris sa tanong ng ina. "Gumising kayo ng maaga para itanong sila sa akin?" Nagugulohan niyang tanong dito. Alam niyang close ang ina niya sa pamilya ni Janice lalo na sa ina nito."Anak, anong klaseng boyfriend ka at hindi mo alam ang nangyayari sa pamilya ng nobya mo?""Mom, sandali, "pigil niya sa panenermon ng ina. "First of all, we're not in relationship." Paglilinaw niya sa relasyon nila ni Janice sa ina."What?!"&nbs

  • WHEN I SAY I LOVE YOU BUT I LIED   Chapter 9

    Mula sa kinatatayuan ay may pag-aalinlangan sa paghakbang si Chrismith. Naroon siya ngayon sa harap ng opisina ni Nica."Papasok po ba kayo, Sir?" tanong ni Rose sa binata nang maabutan ito sa labas ng pinto."Ah, yes!" Agad siyang kumatok sa pinto at nang marinig ang tinig ng dalaga mula sa loob ay pumasok na siya kasunod ang secretary nito."Ma'am, Mr. Yuchan is already here." Bigay paalam ni Rose sa amo sa presensya ng bisita nito."You may go." Malamig ang tinig na pagtataboy ni Nica kay Rose. Nanatili siyang nakayuko at hindi nag-abalang batiin ang bisita."Ano ang kailangan mo?" emotionless niyang tanong sa binata nang tumikhim ito. Hindi pa rin humuhupa ang kaniyang galit na nadarama mula kagabi kaya wala siya sa mood makipag-usap kahit na kanino.Umupo na si Chris sa bakanteng upuan sa harap ng lamesa ng dalaga kahit hindi siya inalok nito. "I just th

  • WHEN I SAY I LOVE YOU BUT I LIED   Chapter 10-Ang kahinaan

    PINAKATITIGAN ni Chrismith ang dalaga na mahimbing natutulog sa malambot na kama. Dinala niya ito sa malapit na hotel sa halip na iuwi ito sa bahay ng mga ito. Malikot itong matulog at kailangan pa niyang ayusin ang kumot sa katawan nito upang hindi lumantad ang makinis nitong hita. Kung kapatid niya lang ito ay katakot-takot na sermon ang maririnig nito sa kaniya. Nagawa nitong maglasing sa isang lugar na walang kakilala at mag-isa pa. Nang masigurong maayos na ito ay kumilos siya upang iwan na ito."Mommy..."Napaligon siya nang marinig ang pag-ungol ng dalaga at tinatawag nito ang ina. Humakbang siya palapit dito upang salatin ang noo."Ayaw ko na dito, Mommy!"Mabilis na inilayo ni Chrismith ang kamay nang hawakan iyon ng dalaga. Alam niyang nanaginip lang ito pero tila napaso siya nang dumikit ang palad nito sa kaniyang braso."Ayaw ko na po sa impyernong buhay k

  • WHEN I SAY I LOVE YOU BUT I LIED   Chapter 11-Pang-aagaw at Kasunduan sa kasal

    "IWANAN niyo muna kaming tatlo." Utos ni Alfonso sa asawa at sa panganay na anak."Honey, huwag kang pumayag sa...""Margaret, this is a serious matter!" hindi na pinatapos ni Alfonso magsalita ang asawa.Hindi na nagawang kontrahin ni Margaret ang asawa nang tawagin siya nito sa pangalan lamang. Nagpupuyos ang kalooban sa galit at napilitang lumabas kasama ang anak.Kalmado lang si Chrismith at pinatili ang nang-aarok na tingin kay Nica. Lihim siyang napangiti nang biglang nawala ang tapang sa mukha nito nang wala na sa paningin nila sina Janice."Sigurado ka ba diyan sa disisyon mo?" tanong ni Alfonso sa anak.Biglang nalito si Nica sa kung ano ang isagot sa ama. Bigla rin siya natakot para sa sarili dahil hindi pa siya handang pumasok sa magulong buhay. Bigla niya rin naalala ang ina at ayaw niyang matulad sa naging buhay nito bilang legal wife pero

Latest chapter

  • WHEN I SAY I LOVE YOU BUT I LIED   Finale

    PINAKINGGAN ni Margaret ang voice record na pinadala ni Xtine kay Tinay. Ganap iyon sa nangyaring pag-uusap nito at ni Nica tungkol sa kung paano nito makumbinsi ang kaniyang step-daughter upang ito ang e-recommend bilang tagapag-alaga ni Janice.Matapos mapanuod ang video ay malapad ang ngiti sa labi ni Margaret. Ibinalik niya ang cellphone kay Tinay. "Sabihin mo na ayusin ang trabaho at huwag siyang magkamaling traidurin ako!""Okay po, Senyora. Aalis na po ako." Paalam ni Tinay sa ginang.Lumipas ang mga araw at alam ni Nica na lalabas na ng hospital ang kapatid. Ayaw pa rin nitong makipag-usap sa kaniya at hinayaan na lamang niya iyon."Sasamahan ko lang si Daddy sa paghatid kay Janice sa isang private resort." Paalam ni Chris sa asawa.Ngumiti si Nica sa asawa at tinanguan ito." Mag-ingat ka sa pagmamaneho. Balitaan mo ako kapag nandoon na kayo."Masuyong hinalikan ni Chris sa labi ang asawa at ang anak bago umalis.Hindi nakauwi

  • WHEN I SAY I LOVE YOU BUT I LIED   Chapter 53-Bagong kakampi?

    NANGUNOT ang noo ni Philip pagkakita sa taong dumalaw sa kaniya. Hindi niya inaasahan na dadalawin siya nito matapos niyang gawan ng hindi maganda ito.Hi!" nahihiyang ngiti ang pumaskil sa mga labi ni Xtine pagkakita kay Philip."Kung nandito ka para lang pagtawanan at makita kung gaano ka miserable ang buhay ko dito, makakaalis ka na." Masungit na sita ni Philip kay Xtine."Bakit mo naman naisip iyan? Hindi mo ba talaga ako minahal at ang tingin mo sa akin ay napakasamang babae?" naluluha ang mga mata ni Xtine at ang boses ay gumargal.Biglang nagbago ang expression ng mukha ni Philip pagkakita sa malungkot na mukha ng dalaga. Pinakatitigan niya ito at inarok ang tunay na saloobin nito sa kaniya."Alam mo noon pa na kaya ko gawin ang lahat para sa iyo. Kahit na noong alam kong nagkakamabutihan kayo ni Nica ay inakit pa rin kita. Ginawa ko ang lahat kahit pa masira ang pagkakaibigan namin."Hindi malaman ni Philip ku

  • WHEN I SAY I LOVE YOU BUT I LIED   Chapter 52-Paghahanda

    "HINDI ko po kayang mawalay ng matagal sa mag-ina ko, Dad." Bagsak ang mga balikat ni Chrismith at mukhang pasan ang mundo ang mababanaag sa mukha niya ngayon.

  • WHEN I SAY I LOVE YOU BUT I LIED   Chapter 51-Kasabwat

    BITBIT ang cellphone ay pumasok si Tinay sa isang private room kung nasaan si Janice. Kilala na siya roon ng nurse at doctor dahil madalas niyang dinadalaw ang dalaga sa utos na rin ni Margaret. Wala siyang reklamo d

  • WHEN I SAY I LOVE YOU BUT I LIED   Chapter 50-Baby Boy

    ISANG oras naghihintay sa labas ng operating room sina Chris at sobrang nababahala na ang binata kahit sinabi ng doctor na maayos ang kundisyon ng kaniyang mag-ina. Normal na umano ang minsan ay napaaga ang anak or d

  • WHEN I SAY I LOVE YOU BUT I LIED   Chapter 49-Pagsisinungaling

    "KUMUSTA na po ang anak ko, Doc?" kausap ni Alfonso sa manggagamot na siyang nag-aalaga kay Janice.

  • WHEN I SAY I LOVE YOU BUT I LIED   Chapter 48-Bagong pag-asa

    ISANG lingo rin ang lumipas bago nagising si Alfonso. Humina ang katawan nito pero tuwid pa rin namang magsalita. Pinaubaya na niya kina Nica ang disisyon sa kompanya at sa kaniyang asawa. Pinahuli ni Nica si Philip

  • WHEN I SAY I LOVE YOU BUT I LIED   Chapter 47-Guilty

    "JANICE, do something! Hindi ako pwedeng makulong! Ano na lang ang sasabihin ng mga amega ko? Nakakahiya ang lahat ng ito at maging ang pangalan mo ay madungisan!" Lakad paroo't parito ang ginagawa ni Margaret habang

  • WHEN I SAY I LOVE YOU BUT I LIED   Chapter 46-Pagtanggap ng kamalian

DMCA.com Protection Status