Share

Chapter 2

Author: Yeiron Jee
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

"THIS is all your fault," sa ikalawang pagkakataon ay nagalit muli si Alfonso sa bunsong anak. Sa iba na napunta ang proyektong dapat sila ang may hawak. "Do something or else, aalisin kita sa iyong posisyon!"

 

Nasipa ni Nica ang paa ng lamesa kahit nasa harapan pa niya ang ama. Gusto niyang magwala sa galit at magsisi man siya ay huli na. Hindi niya alam na ang tinangihan niya noon na proposal ay mas malaking kompanya. Nabaliktad ang lahat at siya naman ngayon ang na-reject. May bagong yari ng produkto na ilalabas ang kanilang kompanya na siya mismo ang nagdesinyo. Ngunit hindi pumasa sa maging buyer sana nila ng kanilang produktong imported clothes.

 

Napatitig si Nica sa larawan ng mga damit na kaniyang kinahiligang e-drawing. Sino ang mag-aakala na ang isang tulad niya ay marunong mag-drawing? Kahit ang ama ay hindi alam dahil ang alam ng mga ito ay laging nasa parties siya. Naipagpasalamat niyang walang nakaalam na siya ang may gawa niyon. Ayaw niyang makatanggap ng negative feedback o ma-reject ang sariling gawa at ito na nga ang nangyari. Nasa clothing industries ang linya ng kanilang kompanya at nag-e export sa ibang bansa ng mga gawa nila.

 

"Dad," tawag ni Janice sa ama na agad sumunod doon sa opisina ng kapatid nang mabalitaan ang nangyari. "Huwag masyadong magalit at baka tumaas na naman ang dugo mo." This time ay sinamaan na ni Janice ng tingin ang kapatid. Hindi na naging maganda ang kundisyon ng kalusugan ng ama dahil dito.

 

"I will try to fix it," ani Nica sa mahinang tinig at wala siya sa mood magtaray. Bukod sa ayaw niyang siya ang maging dahilan ng pagka atake ng ama dahil sa galit ay nasa stage rin siya ng self pity. She always felt this pero kaiba ngayon. First time niyang sumubok sa kaniyang hilig na walang nakakaalam. Walang paalam na iniwan siya ng ama. Hndi rin siya nag-aksayang sundan ng tingin ang paglabas nito habang inaalalayan ng magaling niyang kapatid sa paglalakad.

 

"Chrismith Yuchan," basa niya sa pangalan ng lalaki na siyang dahilan ng lahat kung bakit bumaba na naman ang self confidence niya. "Bakit ang kapatid ko pa?" Mapait siyang ngumiti habang kausap ang larawan ng lalaki. Kung hindi ito nagkagusto sa kapatid niya ay hindi niya sana maisip e-reject ang ama nito isang buwan na rin ang nakalipas. Hindi pa niya ito nakaharap ng personal at sa nakikita niyang bio nito ay mukhang mahirap abutin. Mataas ang standard nito sa babae.

 

Napaismid siya nang maalala na ang kapatid niya ang tipo nito. Balita niya ay madalas ang mga ito lumalabas at hindi siya sigurado kung in relationship na ang mga ito. Kahit hindi pa tapos ang trabaho ay nagpasya si Nica na lisanin ang opisina. Nagpasyang pumasyal sa isang lugar kung saan nare-relax ang puso at isipan. Kapag siya ay nalulungkot ay gusto niyang makarinig ng ingay sa paligid at doon siya tumabambay. Agad nabuhay ang dugo niya pagkarinig sa ingay ng drummer ng isang bandang kumakanta. Bagong tayo lang ang naturang bar and resto at nagustohan niya agad ang ambiance doon. Bumabalik ang gana niya sa pagkain at tila nagkaka energy siya para harapin pa ang buhay mag-isa kapag may ingay ng musika.

 

"Good evening, Ma'm, welcome back." Malugod na bati ng guard kay Nica nang makilala siya. Isa siya sa itinuturing V.I.P. doon ng lahat at halos kilala na rin siya ng myembro ng banda na regular kumakanta doon.

 

"Thank you." Matipid siyang ngumiti kay Manong Guard at tumuloy sa loob. Agad natuon ang tingin ng lahat sa kaniya pagkapasok pero dedma niya lang ang mga ito. Naroon siya para mag-relax at hindi maghanap ng kapareha tulad ng ginagawa ng ibang babae.

 

 

"CONGRATULATION, Pare!" pasigaw na bati ng mga kaibigan ni Chrismith pagkapasok niya mula sa back stage. Naroon siya ngayon para e-celebrate ang tagumpay sa unang proyektong kaniyang hinawakan mula nang umalis ang ama. Double celebration na rin ang ganapin dahil dumadami na ang naging customers ng resto na kaniyang itinayo. Nanghihinayang siya sa talent ng mga kaibigan na mahirap lang ang buhay kaya naisip niyang itayo ito at ang mga ito ang mamahala.

 

"Salamat at congratulations din sa inyong apat!" Nakipag shake hand siya sa mga ito. Kailangan niyang lakasan ang boses upang magkarinigan sila dahil sa ingay ng music background sa paligid.

 

"Jake, nandiyan ulit ang crush mo," tukso ni Larry sa isa sa kasama nang mapansin ang V.I.P. nilang customer.

 

Sinundan ng tingin ni Chrismith kung saan nakatingin si Larry.

 

"Mabait iyan siya, Pare," itinuro ni Larry kay Chris ang isang babae na maganang kumakain mag-isa. Tinutukso niya dito si Jake dahil inamin ng kaibigan na tipo nito ang babae.

 

"Kaso nahihiyang pumorma ang kaibigan natin at mukhang mayaman." Dugtong pa na pagbibida ni Larry sa kaibigan.

 

Pinakatitigan ni Chrismith ang babae, hindi niya gaanong maaninag ang mukha nito at nakayuko pa. Marami itong order na pagkain pero mag-isa lang itong kumakain.

 

"Ipapabalot niyan mamaya ang tirang pagkain."

Ibinalik ni Chrismith ang tingin sa kaibigan na madaldal at tinaasan ng kilay. "Si Jake ba ang may gusto sa kaniya o ikaw?" mapanukso niyang tanong kay Larry.

 

"Gusto agad?" Kumakamot sa ulo na sagot ni Larry kay Chris.

 

"Regular customer natin siya dito, Bro at galanti kung mag-iwan ng tips." Sabat ni Leo na isa sa kasapi sa grupo sa pag-uusap. Maging ito ay humahanga sa ganda ng babae.

 

"Siya lang mag-isa laging pumupunta dito?" interesadong tanong ni Chris sa mga kaibigan. Medyo dim ang ilaw sa pwestong kinaupuan ng babae kaya hindi malinaw nakikita ang mukha nito.

 

"Yes, Bro at diyan lang siya nakaupo hanggang sa matapos kaming mag-perform. Hindi ko lang alam kung sino sa aming apat ang gusto niyang iuwi."

 

Natawa si Chris sa huling biro ni Larry. May mga hitsura naman ang mga kaibigan at dagdag sex appeal ang galing ng mga ito kumanta at humawak ng mga music instruments. Muli siyang napatingin sa babae nang tinawag nito ang waiter at may itinanong.

 

Biglang nainip si Nica at nawalan ng ganang kumain nang hindi pa nagsimulang kumanta ang paborito niyang grupo.

 

"Dumating po kasi ang may-ari, Ma'am kaya na late ang pag-perform nila. Hindi niyo po ba gusto ang kanta nila?" magalang na sagot ng waiter sa dalaga, ang tinutukoy ay ang kahalili sa stage ng grupong gusto nito.

 

"Ikuha mo na lang ako ng red wine." Utos niya sa waiter sa halip na sagutin ang tanong nito. Ipinabalot na rin niya ang pagkain at gusto niyang lunurin ang sarili sa alak ngayon.

 

"Baka gusto mong humawak ng mic ngayon?" alok ni Jake kay Chrismith bago nilagok ang laman ng kopitang may laman na alak.

 

Walang pagdadalawang-isip na tumayo si Chrismith at sumunod sa mga kaibigan. Siya ang talagang singer sa kanilang grupo at kahalili si Jake. Bago makarating sa stage ay napadaan sila malapit sa kinaupuan ng babae. Nakayuko ito at mukhang may sariling mundo kung kaya hindi pa rin malinaw sa kaniya ang hitsura nito.

 

"This song is for the one who's always sitting alone there," ani Chrismith habang nakatanaw sa table ng babaeng umagaw sa kaniyang atensyon.

 

Nagpalapakpakan ang lahat at ang ilan na naroon ay mga kilala ni Chris. Dumating ang mga ito upang samahan siyang mag selibra ng kaniyang achievement.

 

Napaangat ng ulo si Nica nang marinig ang malamyos ngunit malagom na tinig ng lalaki. Bago lang sa kaniyang pandinig ito kaya ang akala niya ay bagong grupo na naman ang magtutogtog. Alam niyang siya ang tinutukoy ng lalaki na always alone.

 

"Siya po ang may-ari ng resto, Ma'am," wika ng waiter nang mabasa ang nasa isip ng dalaga. Marahan na ibinaba ang isang kopita na order ng dalaga at agad ding iniwan.

 

Hindi na nagawang galawin ni Nica ang wine nang magsimula nang laruin ng grupo ang music instruments. Muling lumipad sa makulay na buhay ang kaniyang kamalayan at hindi na hiniwalay ang tingin sa mini stage. Napatitig siya sa lalaking matangkad, hapit sa braso nito at dibdib ang polong suot. Ito ang gusto niya sa grupong ito, ang cool tignan at mga nakasuot pa ng sumbrero. Nagmumukha ang mga itong cow boys. Tanging bibig ng kumakanta ang kaniyang nasisilayan. Ang bilis ng pintig ng kaniyang puso dahil nagustohan niya ang awiting alay umano nito sa kaniya. Kahit hindi niya nakikita ang buo nitong mukha ay alam niyang nakakaangat ito sa apat. Walang pinalampas ang mga mata at maging ang paggalaw ng ugat nito sa leeg ay nakikita niya. Napapangiti siya sa tuwing nakikitang humuhulma ang magandang ngiti sa labi ng lalaki habang kumakanta. Malungkot ang mensahe ng kinakanta nito at nababagay sa isang tulad niya.

 

"I like him," naibulong ni Nica Joy sa kaniyang sarili. Napasunod sa saliw ng musica ang kaniyang ulo habang mariing naipikit ang mga mata upang namnamin ang musika at tinig ng lalaking nanunuot sa kaniyang puso. Kuhang-kuha nito ang paos na boses ni Lewis Capaldi na original singer ng kantang Someone You Love. Tsaka niya lang muling iminulat ang mga mata nang matapos na ang kanta at iba na ngayon ang nagsasalita. Hinanap niya ang lalaki ngunit wala na ito sa stage.

 

May panghihinayang na tumayo na si Nica Joy at nagpasyang umuwi. Habang pauwi ay nadaanan niya ang mga batang naglalaro sa lansangan. Kahit walang maayos na tirahan o walang sariling masisilongan ay masaya ang mga ito kasama ang mga magulang. Isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan bago binuksan ang binatana at inabot ang pagkain sa mag-ina na may ngiti sa mga labi. Mga ngiting minsan lang makikita sa kaniyang mga labi.

 

"Thank you, Anak!" Naluluhang kinuha ng matanda ang pagkaing inabot ng dalaga. May kasama pang pera iyon at kahit minsan lang magawi doon ang dalaga ay sulit naman. Nalulungkot siya sa tuwing nakikita ang mga mata nitong nangungusap. Makikita dito ang lungkot, pangungulilala at saya kapag nakatitig sa kanila.

 

"Goodnight po!" Kumaway si Nica sa mag-ina bago muling pinaandar ang makina ng sasakyan. Kahit papaano ay nakaramdam siya ng saya nang gabing iyon. pansamantalang nakalimutan ang mga taong nagbibigay ng sama ng loob sa kaniya. 

 

Pagdating ng bahay ay wala ng taong nadatnan sa sala at mga tulog na ang mga ito. Sanay na siya sa ganoong senaryo, mabilis niyang iwinaksi sa alaala ang imahe ng ina noong nabubuhay pa ito. Ayaw niyang matulog na may luha sa mga mata.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Remelyn Gwapa
mabait nga si Nica ay at si Chrismith pala yung manliligaw ng ate nya..thankyou
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • WHEN I SAY I LOVE YOU BUT I LIED   Chapter 3

    "NASAAN na siya?" Tanong ni Chrismith sa mga kaibigan habang palinga-linga ang tingin sa paligid. Kakabalik niya lang sa mini stage dahil bigla siyang nawala kanina at tumatawag ang kaniyang ina."Umalis na siya, Bro." Sagot ni Larry kay Chrismith.

  • WHEN I SAY I LOVE YOU BUT I LIED   Chapter 4-Unang pagkikita

    HINDI na nagulat si Nica Joy nang mabalitaan na sila na ang napili ng kompanyang nag-reject sa kaniya. Pero malaking sampal sa kaniya iyon dahil siya mismo ang na reject. Kahit ayaw niya ay napilitan siyang dumalo sa special event ng kompanya. Sa araw na iyon ilalabas ang bagong desinyo ng damit na hindi pa niya nakikita dahil magaling magtago ang kapatid. Balita niya ay ito mismo umano ang gumawa niyon."Saan po kayo pupunta, Ma'am?" Hindi mapakaling tanong ni Rose sa dalagang amo.Nangunot ang noo ni Nica at pinakatitigan ang secretary. Kahit papaano ay nasanay na siya dito at hindi pinakitaan ng kagaspangan ng ugali niya. "Hindi ka sasama sa akin?" tanong niya dito."Sorry po, Ma'am. Ang akala ko po kasi ay hindi ka dadalo sa pagtitipon." Nahihiyang tugon ni Rose kay Nica."Hindi ko na kailangan magpaganda o magdamit ng gown para lang saksihan ang achievement ng aking kapatid."

  • WHEN I SAY I LOVE YOU BUT I LIED   Chapter 5-Unang hakbang sa paghihiganti

    "ROSE, alamin mo ang free vacant ni Mr. Yuchan at schedule mo ang appointment ko sa kaniya." Utos ni Nica sa ginang nang mainip sa kinaupuan.Pasimple niyang pinanuod ang bawat galaw ng kaniyang secretary. Napangisi siya nang mas inuna pa nitong hawakan ang cellphone nito sa halip na ang landline phone. Bumalik siya sa kaniyang upuan nang makitang tapos na ito sa pakipag-usap sa cellphone."Ma'am, pinatatanong po kung para saan ang appointment?""A lunch invitation from me."Napalunok ng sariling laway si Rose nang ngumiti ang amo sa kaniya. Kinikilabutan siya sa kabaitang ipinapakita nito ngayon sa lahat. Alam niyang may kabaitan itong tinatago sa katawan pero kaiba ang nadarama niya ngayon. Mabilis niyang iwinaksi ang hindi magandang nasa isip. Isa pa ay labas na siya kung mag-ramble man ang magkakapatid. Ang mahalaga ay nagawa niya ang kaniyang trabaho kabilaan. Para kumita at may maibigay sa kani

  • WHEN I SAY I LOVE YOU BUT I LIED   Chapter 6-Ang taong ayaw niyang makitang muli.

    PAKIRAMDAM ni Nica ay biglang nanigas ang katawan niya sa kinaupuan pagkarinig sa pangalan ng pinsan ni Janice. Makulit ito at sa umpisa pa lang ay pinarangka niyang ayaw niya dito. Muntik na rin siya ma rape nito dahil hindi niya alam na sumunod ito sa party na dinaluhan niya. Ang akala niya noon ay iba sa ugali ng madrasta at kapatid ang lalaki at totoo ang pinapakitang pagkagusto nito sa kaniya."He's my cousin," paliwanag ni Janice kay Chris kahit hindi ito nagtanong. "Ex siya ni Nica."Pansin ni Chris ang paglapat ng mga ngipin ni Nica at pagsama ng tingin nito sa kaniyang katabi."Excuse me, huwag puro buhay ko ang ibida mo sa ibang tao." Ngumiti ng nakakainsulto si Nica sa kapatid. Kung wala lang sila sa public place ay nasabunotan na niya ito kahit nasa harap pa nila ang ipinagmamalaki nitong boyfriend umano."Oh sorry, nabanggit ko lang siya dahil tinanong niya ako kung nasaan ako at m

  • WHEN I SAY I LOVE YOU BUT I LIED   Chapter 7-Ganti ng inaapi

    "HELLO, Ma'am, welcome back po!" Masiglang bati ng guard sa bagong dating na dalaga. Ngumiti si Nica sa guard bago tumuloy. "Bakit ang tahimik?" tanong niya sa waiter nang walang marinig na musika. "Maaga pa po kasi, Ma'am." Napakamot sa batok ang lalaki at hindi alam kung ano ang ialok sa dalaga. "Ohh!" Bumilog ang bibig at mga mata ni Nica habang inilibot ang paningin sa paligid. Ngayon niya lang napansin na siya lang ang tao doon at may liwanag pa ng araw sa labas. Dahil sa lungkot na nadarama kanina ay nawala sa isip niya na six p.m pa nagsisimula ang gig ng naturang Resto and Bar. Pagtingin niya sa pambisig na orasan ay quarter to five lamang. "I'm sorry, Ma'am, pwede po kayong bumalik para hindi kayo mainip. "It's ok, gusto ko lang mag-relax. Maari ka bang magpatugtog na lang ng musika?" request niya sa lalaki dahil pakiramdam niya ay pagod ang kaniyang katawan ka

  • WHEN I SAY I LOVE YOU BUT I LIED   Chapter 8-Panlilinlang

    NAISIP ni Chrismith na umuwi kahit na nagkakasiyahan pa ang mga kaibigan. Ngunit hindi pa nakakarating sa kanilang bahay ay tumawag ang hindi inaasahang taong tatawag ng ganoong oras."May problema po ba, Mom?" nag-aalala niyang tanong sa ina. Madaling araw pa lang sa kinaroroonan nito kaya agad siyang kinabahan."Walang problema dito sa amin, anak. Tinawagan lamang kita para kumustahin ka at ang ina ni Janice?"Nangunot ang noo ni Chris sa tanong ng ina. "Gumising kayo ng maaga para itanong sila sa akin?" Nagugulohan niyang tanong dito. Alam niyang close ang ina niya sa pamilya ni Janice lalo na sa ina nito."Anak, anong klaseng boyfriend ka at hindi mo alam ang nangyayari sa pamilya ng nobya mo?""Mom, sandali, "pigil niya sa panenermon ng ina. "First of all, we're not in relationship." Paglilinaw niya sa relasyon nila ni Janice sa ina."What?!"&nbs

  • WHEN I SAY I LOVE YOU BUT I LIED   Chapter 9

    Mula sa kinatatayuan ay may pag-aalinlangan sa paghakbang si Chrismith. Naroon siya ngayon sa harap ng opisina ni Nica."Papasok po ba kayo, Sir?" tanong ni Rose sa binata nang maabutan ito sa labas ng pinto."Ah, yes!" Agad siyang kumatok sa pinto at nang marinig ang tinig ng dalaga mula sa loob ay pumasok na siya kasunod ang secretary nito."Ma'am, Mr. Yuchan is already here." Bigay paalam ni Rose sa amo sa presensya ng bisita nito."You may go." Malamig ang tinig na pagtataboy ni Nica kay Rose. Nanatili siyang nakayuko at hindi nag-abalang batiin ang bisita."Ano ang kailangan mo?" emotionless niyang tanong sa binata nang tumikhim ito. Hindi pa rin humuhupa ang kaniyang galit na nadarama mula kagabi kaya wala siya sa mood makipag-usap kahit na kanino.Umupo na si Chris sa bakanteng upuan sa harap ng lamesa ng dalaga kahit hindi siya inalok nito. "I just th

  • WHEN I SAY I LOVE YOU BUT I LIED   Chapter 10-Ang kahinaan

    PINAKATITIGAN ni Chrismith ang dalaga na mahimbing natutulog sa malambot na kama. Dinala niya ito sa malapit na hotel sa halip na iuwi ito sa bahay ng mga ito. Malikot itong matulog at kailangan pa niyang ayusin ang kumot sa katawan nito upang hindi lumantad ang makinis nitong hita. Kung kapatid niya lang ito ay katakot-takot na sermon ang maririnig nito sa kaniya. Nagawa nitong maglasing sa isang lugar na walang kakilala at mag-isa pa. Nang masigurong maayos na ito ay kumilos siya upang iwan na ito."Mommy..."Napaligon siya nang marinig ang pag-ungol ng dalaga at tinatawag nito ang ina. Humakbang siya palapit dito upang salatin ang noo."Ayaw ko na dito, Mommy!"Mabilis na inilayo ni Chrismith ang kamay nang hawakan iyon ng dalaga. Alam niyang nanaginip lang ito pero tila napaso siya nang dumikit ang palad nito sa kaniyang braso."Ayaw ko na po sa impyernong buhay k

Pinakabagong kabanata

  • WHEN I SAY I LOVE YOU BUT I LIED   Finale

    PINAKINGGAN ni Margaret ang voice record na pinadala ni Xtine kay Tinay. Ganap iyon sa nangyaring pag-uusap nito at ni Nica tungkol sa kung paano nito makumbinsi ang kaniyang step-daughter upang ito ang e-recommend bilang tagapag-alaga ni Janice.Matapos mapanuod ang video ay malapad ang ngiti sa labi ni Margaret. Ibinalik niya ang cellphone kay Tinay. "Sabihin mo na ayusin ang trabaho at huwag siyang magkamaling traidurin ako!""Okay po, Senyora. Aalis na po ako." Paalam ni Tinay sa ginang.Lumipas ang mga araw at alam ni Nica na lalabas na ng hospital ang kapatid. Ayaw pa rin nitong makipag-usap sa kaniya at hinayaan na lamang niya iyon."Sasamahan ko lang si Daddy sa paghatid kay Janice sa isang private resort." Paalam ni Chris sa asawa.Ngumiti si Nica sa asawa at tinanguan ito." Mag-ingat ka sa pagmamaneho. Balitaan mo ako kapag nandoon na kayo."Masuyong hinalikan ni Chris sa labi ang asawa at ang anak bago umalis.Hindi nakauwi

  • WHEN I SAY I LOVE YOU BUT I LIED   Chapter 53-Bagong kakampi?

    NANGUNOT ang noo ni Philip pagkakita sa taong dumalaw sa kaniya. Hindi niya inaasahan na dadalawin siya nito matapos niyang gawan ng hindi maganda ito.Hi!" nahihiyang ngiti ang pumaskil sa mga labi ni Xtine pagkakita kay Philip."Kung nandito ka para lang pagtawanan at makita kung gaano ka miserable ang buhay ko dito, makakaalis ka na." Masungit na sita ni Philip kay Xtine."Bakit mo naman naisip iyan? Hindi mo ba talaga ako minahal at ang tingin mo sa akin ay napakasamang babae?" naluluha ang mga mata ni Xtine at ang boses ay gumargal.Biglang nagbago ang expression ng mukha ni Philip pagkakita sa malungkot na mukha ng dalaga. Pinakatitigan niya ito at inarok ang tunay na saloobin nito sa kaniya."Alam mo noon pa na kaya ko gawin ang lahat para sa iyo. Kahit na noong alam kong nagkakamabutihan kayo ni Nica ay inakit pa rin kita. Ginawa ko ang lahat kahit pa masira ang pagkakaibigan namin."Hindi malaman ni Philip ku

  • WHEN I SAY I LOVE YOU BUT I LIED   Chapter 52-Paghahanda

    "HINDI ko po kayang mawalay ng matagal sa mag-ina ko, Dad." Bagsak ang mga balikat ni Chrismith at mukhang pasan ang mundo ang mababanaag sa mukha niya ngayon.

  • WHEN I SAY I LOVE YOU BUT I LIED   Chapter 51-Kasabwat

    BITBIT ang cellphone ay pumasok si Tinay sa isang private room kung nasaan si Janice. Kilala na siya roon ng nurse at doctor dahil madalas niyang dinadalaw ang dalaga sa utos na rin ni Margaret. Wala siyang reklamo d

  • WHEN I SAY I LOVE YOU BUT I LIED   Chapter 50-Baby Boy

    ISANG oras naghihintay sa labas ng operating room sina Chris at sobrang nababahala na ang binata kahit sinabi ng doctor na maayos ang kundisyon ng kaniyang mag-ina. Normal na umano ang minsan ay napaaga ang anak or d

  • WHEN I SAY I LOVE YOU BUT I LIED   Chapter 49-Pagsisinungaling

    "KUMUSTA na po ang anak ko, Doc?" kausap ni Alfonso sa manggagamot na siyang nag-aalaga kay Janice.

  • WHEN I SAY I LOVE YOU BUT I LIED   Chapter 48-Bagong pag-asa

    ISANG lingo rin ang lumipas bago nagising si Alfonso. Humina ang katawan nito pero tuwid pa rin namang magsalita. Pinaubaya na niya kina Nica ang disisyon sa kompanya at sa kaniyang asawa. Pinahuli ni Nica si Philip

  • WHEN I SAY I LOVE YOU BUT I LIED   Chapter 47-Guilty

    "JANICE, do something! Hindi ako pwedeng makulong! Ano na lang ang sasabihin ng mga amega ko? Nakakahiya ang lahat ng ito at maging ang pangalan mo ay madungisan!" Lakad paroo't parito ang ginagawa ni Margaret habang

  • WHEN I SAY I LOVE YOU BUT I LIED   Chapter 46-Pagtanggap ng kamalian

DMCA.com Protection Status