“DALAWA na ang anak natin, Dan! At tatlo na sana kung hindi ako nakunan noong una. Hindi pa ba sapat ‘yun para matigil ka na sa kaseselos mo kay Vincent? For God’s sake!” Hindi na napigil ni Trina ang sarili na pagtaasan ng boses ang asawa nang mga sandaling ‘yun.Umagang-umaga kinabukasan ay nagtalo sila dahil lang sa nahuli siya nito na pinapanood sa f&b ang katuwaan nina Vincent nang nagdaang gabi.“You want me to stop being jealous of that man? So get him out of your life forever! Remove all your connections with him!” galit na galit si Dan. Inagaw pa nito ang cellphone ni Trina at ibinato ito.Nahintakutan si Trina sa inasal ng asawa. Hindi agad ito nakahuma at maya-maya’y umiyak na lamang. “You’re acting like a kid, Dan. Na para bang inaagawan ng laruan…!”“Hindi ba? Hindi ba parang ganoon na nga, Trina? But then, masisisi mo ba ako? Noon pa man, kaagaw ko na sa puso mo ang Vincent na ‘yun!” niyuko nito ang asawa na nakaupo sa kama na humahagulgol ng iyak. Itinaas niya ang baba
NAGING maramot na kay Vincent ang antok nang gabing iyon matapos siyang bumalik sa kan’yang higaan.Samo’t saring mga alalahanin na ang nagsalimbayan sa utak niya na hindi na nagbigay uli ng pagkakataong makabalik siya sa pagtulog.BAKIT nga ba hanggang ngayon ay hindi siya maka-move on sa una niyang pag-ibig sa katauhan ni Trina?Tanong iyon ni Vincent. Ilang beses niya ba ‘yong itinanong sa sarili? At muli, siya rin ang nagbigay ng sagot sa tanong na iyon. Binigyang katuwiran niya ang kan’yang mga dahilan.Siguro dahil, nang maulila siyang lubos, si Trina lang ang nakita niyang magpapasaya na muli sa puso niya. Na itinuring niya ngang sandigan sa mga panahong naghahanap siya ng pamilya na papawi sa mga kalungkutan niya.Hindi biro ang mga pinagdaanan niya. Hindi niya naranasan ang magkaroon ng ina habang siya ay lumalaki dahil maliit pa lamang siya nang mamatay ito sa panganganak sa kapatid niya na sinamang palad din at hindi nakaligtas.Binatilyo naman siya nang masawi ang tatay ni
KINABUKASAN NG UMAGA…Bumangon na rin ng maaga si Vincent kahit hindi sapat ang naging tulog niya nang nagdaang gabi. Siguro’y talagang naninibago lang siya makaraan ang isang taon na inilagi niya sa Japan.Doon kasi, tila nasanay na siya na may katabi siya lagi sa pagtulog. At sa paggising niya, nasa tabi pa rin niya ang presensiya ng kinakasama roon na si Yuri.Lumabas na siya ng kuwarto matapos maghilamos at mag-toothbrush sa sarili niyang banyo. Magkakape na siya para maalerto na nang tuluyan ang kamalayan niya pagkatapos ay pupunta na siya ng opisina at uumpisahan uling tutukan ng personal ang kan'yang negosyo.Gising na rin pala si RJ at hindi nito namalayan ang paglapit ni Vincent sa likuran niya nang mga sandaling iyon.Seryoso ito sa pakikipag-usap sa kan’yang telepono sa mahinang boses. Parang sadyang hinihinaan lamang talaga ang boses niya para hindi siya marinig ng kung sinuman o hindi siya marinig ng Papa Vincent niya.Pero nang malingunan na nito ang ama, para bang bigl
UMALIS si RJ na masamang-masama ang loob. Kay Vincent, kay Liz, sa nalaman nitong katotohanan. Kayhirap tanggapin ng natuklasan niya.Sa loob ng labingsiyam na taon, ni minsan, hindi sumagi sa isip niya na may mali sa pagkatao niya. Sa isip, sa puso, itinimo niya na dugo’t laman siya ni Vincent. Na ito ang pinagmulan niya. Na ito ang tatay niya.At si Liz? Bakit iyon nagawa sa kan’ya ng sarili niyang ina? Ang ipagkaila siya nito, ang ituring lang siyang ‘anak-anakan’ gayong ito pala ang tunay niyang pinagmulan?Napakasakit…Lalo at dinanas niya sa piling ni Liz at ng asawa nito ang hirap ng katawan. Para siyang naging trabahador lang ng mga ito. Ngayon niya higit na naramdaman ang kawalan niya ng lugar sa poder ng mga ito. Ikinahiya siya ng sarili niyang ina! Mas inisip at mas pinaboran nito ang asawa kesa sa kan’ya na sarili nitong anak.PILIT namang sinansala ni Vincent ang pakiramdam na nagsisisi siya sa pagsasabi kay RJ ng totoo. Tama lang ‘yun, aniya sa sarili. Para magising din
“S-SORRY…” Isang salita lang iyon na binigkas ni Vincent sa anak-anakan pero nagmula iyon sa kaibuturan ng kan’yang puso.Buong pagmamahal na niyakap niya ito nang mahigpit. Ipinararamdam dito na kahit isinambulat niya na rito ang katotohanan, walang magbabago. Mananatili siyang ama para rito. Mananatili siyang nagmamalasakit at nagmamahal dito. Pinagmasdan niya si RJ matapos itong ihiwalay sa kan’yang bisig. Isang araw pa lang ang lumipas matapos ang naging argumento nila, pero heto ito ngayon. Hapis ang anyo. Nangangalumata. Indikasyon na hindi ito napalagay at nakatulog nang nagdaang gabi.“U-umuwi na tayo?” aniya rito. Naniniyak ang damdamin ni Vincent kung mapapahinuhod niya ba uli itong sumama sa kan’ya. Kung pipiliin ba siya nito sa pagkakataong iyon kumpara kay Liz na tunay nitong ina.Hindi sumagot si RJ. Iniwas nito ang mga mata sa kan’ya.Maagang-maaga pa kanina nang sadyain niya na agad ito kina Roy. At okay lang kahit hindi na siya mag-report sa opisina, ilalaan niya an
“VINCE! Naku naman, anak! Bakit ba kaylikot-likot mo?!” ani Andrea na nahawakan ang damit ng anak na magda-dalawang taong gulang na sa kasalukuyan.Agad niya itong nahila bago pa nakatakbo patungo sa dalampasigan. Kinarga niya ang bata at inilapag sa mesa ng kamalig na malapit sa dagat. Iyon ang nagsisilbing pahingahan nila nina Meldy pag ganoong dapithapon na. Doon sila tumatambay lalo pag ganoong weekend na walang pasok kinabukasan ang kan’yang kaibigan.“Ang tigas naman talaga ng ulo ng baby ko na ‘yan, ah? Gusto mo ng palo, ha? ‘Di ba sabi ko, behave ka na lang at huwag nang pupunta ng dagat? Bukas tayo maliligo, anak. Okay?"Humagikgik si Vince. Sa halip na sumagot, pinupog nito ng halik ang pisngi ng ina na para bang iyon ang paraan nito nang paghingi ng ‘sorry.’“Hays! Paano ba ako magagalit pa sa baby na ‘yan pag gan’yang hinalikan na si Mama?” si Andrea naman ang pumupog ng halik sa anak na ikinahagikgik uli ng bata.Tumunog ang cellphone niya pagkuwan. Ang katiwala niya sa g
“TEAM VINCENT ba kamo, ‘To?” Ulit ni Meldy sa binigkas ng asawa. “Sigurado ka? Ang Team Vincent ang kliyente mo ngayon sa abaka?”Napamaang din si Andrea sa pagkakatitig kay Toto. “A-ang Team Vincent ang kliyente mo ngayon?” paniniyak rin ni Andrea na inulit lang ang sinabi ni Meldy. Hindi makapaniwala ang tono at anyo nito.Nagpalipat-lipat ang tingin ni Toto sa magkaibigan. “Narinig naman ninyo, ‘di ba? Ang Team Vincent ang bagong susuplayan ko ngayon ng abaka. Na ang may-ari ay si Mr. Vincent Valderama. Bakit? Anong problema ninyong dalawa? Pamilyar ba kayo sa kompanyang iyon? Kilala ninyo ang may-ari? Paano naman nangyari?” Sunod-sunod tuloy nitong tanong nang buong pagtataka.Nagkatinginan uli ang magkaibigan. “A-ah eh, kasi noong nasa Laguna pa tayo nakapag-order kami ni Andeng doon. Nakita kasi namin sa face&book ang mga produkto nila.” Sabi ni Meldy na siya namang tunay.Napatango na lang si Toto. Pero may bahagyang pagka-diskumpiyado ang rumehistro sa mukha. Hindi siya kumbin
NASA bahay na nina Toto ang Team Vincent nang mga sandaling iyon matapos na maikarga sa kanilang sasakyan ang mahigit dalawang tonelada ng abaka threads. At heto si RJ ngayon. Kasalukuyang titig na titig kay Mary na hayon naman at puno ng kainosentehang nakaupo sa tatlong baitang ng hagdanan sa bahay nila habang nagmamasid-masid lamang sa mga kaganapan.Tapos nang kumain ang Team Vincent sa kagandahang loob din ng mag-asawang Toto at Meldy. Nagpapahinga lang ng bahagya ang mga ito at mamaya ng konti’y bibiyahe na rin pabalik ng Maynila.Matapos kasing magkarga ng abaka, pilit pa munang pinabalik ni Toto sa bahay nila ang mga ito para nga makakain muna ng tanghalian. Nakaluto na umano si Meldy, aniya pa. Mga nahihiya ma’y napahinuhod na rin niya ang mga ito.“Nakakahiya ho ng sobra sa inyo, Boss Toto at Ma’m Meldy. Sinagot n’yo na ang almusal namin kanina, ngayon naman, pananghalian pa.” sabi ni Litoy, ang isa sa pinagtitiwalaan na tauhan ni Vincent.Napakasarap pa ng ulam namin. Ginat
ANG WAKAS… SIKAT na ang araw nang magmulat ng mga mata niya si Andrea nang umagang iyon. Wala si Vincent sa tabi niya. Maging si Vince ay wala na rin sa kama nito. Naisip niya, marahil ay isinama ni Vincent na maglakad-lakad ang anak para bumili rin ng pandesal sa ‘di kalayuang bakery doon. Alam kasi nito na hindi kumpleto ang almusal niya pag walang pandesal na isinasawsaw niya lang sa mainit na kape. Pasado alas sais na ng umaga. Tinanghali siya ng gising kasi’y late na ring nakauwi si Vincent kagabi dahil pinagkatuwaan aniya ito ng mga kaibigan na bigyan ng bachelor’s party. Medyo napuyat siya sa paghihintay dito. Ngayong araw na ang kasal nila sa huwes na kasabay ng birthday niya. ‘Birthday niya…’ Ngayon. Napangiti si Andrea. This day is her 41st birthday. Akalain niya ba? Na sa edad niyang ito, makapag-aasawa pa pala siya? Na may lalaki pang magpapakasal sa kan’ya? At ang lalaking iyon ay pinakamamahal niya? Ito na ang pinakamasayang kaarawang dumating sa buong buhay niya.
PAGKATAPOS ng senaryo na iyon sa memorial park, tahimik na umalis at umuwi na sina Vincent. Tila ba talo pa nila ang kasalukuyang sitwasyon ni Liz na sobrang nagluluksa sa pagkamatay ng asawa nito dahil ganoon na lamang ang palahaw nito kanina habang unti-unting ibinabaon ang kabiyak nito sa ilalim ng lupa.Sa kotse, habang nagmamaneho si Vincent, walang nagsasalita ni sinuman. Maging si Meldy na mahilig magbiro at magpatawa, tila ba hanggang sa mga sandaling iyon ay bigat na bigat pa rin ang kalooban sa nasaksihang tagpo kanina.Idinaan na muna ni Vincent ang mag-asawang Meldy at Toto sa hotel na tinutuluyan ng mga ito bago nila binagtas na muli ang direksyon pauwi.Hanggang sa makarating sila ng bahay, sobrang katahimikan pa rin ang namamayani kina Vincent at Andrea. Kaya lang nagkaroon uli ng conversation, nang sumalubong sa kanila si Edna habang karga ang tuwang-tuwa na si Vince pagkakita sa mga magulang nito.“Naku boss, Ma’m Andeng, kanina pa ‘to nangungulit sa katatanong sa in
NAGISING kinabukasan si Andrea na magaan ang pakiramdam kahit may tensyon na nagpabigat ng dibdib niya nang nagdaang gabi.Bigla niya lang naisip, bakit nga pala hindi niya naitanong kay Vincent kagabi kung bakit hindi siya nito pormal na ipinakilala kay Trina? Sabagay, importante pa ba ‘yon? Kay Yuri man, sa naging girlfriend nitong Haponesa, kahit alam nito ang tungkol sa kan’ya, hindi rin naman siya ipinakilala ni Vincent sa ex nito na ‘yon. Pero hindi niya itatanggi, kahit paano, kwestyonable iyon sa kan’ya.Napabuntong-hininga ang dalagang ina. Hayaan niya na nga lang. Hindi na mahalaga ang bagay na iyon.Pinagmasdan niya ang lalaking pakakasalan. Himbing pa ito. Naghihilik pa nang mahina. Napangiti si Andrea. Ang sarap-sarap pagmasdan ng guwapong lalaking ito na tatay ng anak niya.Akalain niya ba? Na ang binatang ito na hinanap niya mahigit dalawang taon na ang nakalipas ay kapiling niya na ngayon? At pakakasalan siya?Higit sa lahat, minahal din siya…!Namasa sa luha ang mga m
BAGAMA’T pumayag siya na makipag-usap si Vincent kay Trina, hindi itatanggi ni Andrea sa sarili, nagseselos siya. Pero kailangan niyang pigilan ang damdaming iyon dahil naniniwala siya na tapos na talaga ang kabanata ni Trina sa buhay ni Vincent. May isa lang na ipinagkukukot na mabuti ng kalooban niya. Kung bakit hindi man lang siya nagawang ipakilala ni Vincent kanina sa dati nitong kasintahan. Na-excite ba ito nang muling makita si Trina? Nataranta, kaya nakalimutan nito na ‘ibida’ siya nito sa dating nobya na siya na ang babaeng pumalit sa kan’ya sa puso ni Vincent at siya nitong pakakasalan? Ibig mag-init ng mga mata ni Andrea sa pagdaramdam sa tatay ng anak niya. Sumulyap siya sa relo niya sa bisig. Mahigit kalahating oras nang wala si Vincent. Ang tagal naman yata nang pag-uusap ng dalawang iyon? Malinaw na sabi ni Vincent kanina, wala na silang dapat pag-usapan ni Trina. Pero bakit ang tagal na ay hindi pa ito bumabalik? Ibig sabihin, hindi totoo na wala na silang dapat pan
SA BUROL ng asawa ni Liz na si Mario, pormal na ipinakilala ni Vincent si Andrea sa mga kamag-anakan nilang naroroon. At katulad nang dapat asahan, nagulat at nagtaka ang lahat kung paanong nangyari na may anak na si Vincent bagay na hindi naman pinag-aksayahan ng panahon ng binata na ipaliwanag sa mga ito ang dahilan. Hindi niya ilalagay sa kahihiyan at lalong hindi niya hahayaang husgahan ng mga ito ang nanay ng kan’yang anak.Kaswal lang si Liz nang ipakilala ni Vincent si Andrea rito. Napansin ni Andrea na may pang-uuyam ang tingin nito sa kan’ya. Winalang bahala na lamang niya ang napansin na iyon sa tiyahin ng mapapangasawa, at sa halip, nag-abot pa rin siya rito ng pera bilang abuloy sa namayapa nitong asawa.“Salamat.” ani Liz kay Andrea nang abutin nito ang sobreng ibinigay ng dalaga. Matabang ang pagtanggap niya sa presensiya nito.Medyo malayo noon si Vincent at kausap ang isa nitong pinsan kaya nagkaroon ng pagkakataon si Liz na usisain ang dalagang ina, habang magkalapit
LAKING pasasalamat ni Toto dahil isang linggo bago dumating ang bagyo ay nakaangkat na uli ng abaka ang Team Vincent kaya kaunti lamang ang mga tanim niyang nasira nang nagdaang bagyo. Nakaka-panghinayang din kahit paano pero ganoon talaga ang hanapbuhay. Minsan ay inaabot din ng pagsubok, ika niya. Ang mahalaga'y ligtas silang mag-anak.Masayang-masaya ang mag-asawa na dumating si Vincent, hindi lamang sa buhay ni Andrea kun’di maging sa buhay din nila. Isang biyayang maituturing ang isang katulad ni Vincent na kasalukuyan ding nagbibigay ng magandang kita sa kanilang hanapbuhay. At wala rin silang masasabi sa ipinakikita nitong kabutihan sa kanila.Napag-usapan na rin nila na tutulungan sila ni Vincent na magkaroon ng kotse. Si Vincent mismo ang nagpursige na makapundar si Toto ng magandang sasakyan na para rin sa pamilya niya. At cash iyon na babayaran ng binata na huhulugan na lamang ni Toto ayon sa kakayanan nito na wala ni bahagya mang tubo, kaya ganoon na lamang ang katuwaan n
TUMAWAG si Meldy bago pa sila gumayak patungo sa plantasyon ng abaka ni Toto. Sarado aniya ang munisipyo nang araw na iyon, hindi lamang dahil Sabado kun’di busy din ang LGU sa pagresponde sa mga binagyo partikular sa ibang baryo o barangay na hindi nakapaghanda o nakalikas nang kasagsagan ng unos. At ang Mayor ng bayan, kasalukuyan pala itong may trangkaso bago pa man bumagyo kahapon. Out of town naman ang isang kilalang Judge na malapit lamang sana ang tirahan sa lugar na iyon, kaya hindi uubra na magpakasal sina Vincent at Andrea sa araw na iyon. “S-seryoso ka talaga na pakasalan ako ngayong araw? Kung posible na may magkakasal sa atin?” paniniyak pa ni Andrea kay Vincent. “Gusto ko nang magtampo, sweetheart. Bakit ba duda ka pa rin?” “K-kasi, pabigla-bigla ka naman diyan. Baka, binobola mo lang ako...” Niyakap ni Vincent si Andrea. “Ano pa bang patunay ang kailangan kong gawin o sabihin sa ‘yo para maniwala ka na mahal kita? Gusto mo bang ulitin natin ang senaryo natin kagabi
“HALA, tanghali na talaga! Nakapagbukas kaya ng tindahan ang mga tao ko?” parang nataranta at biglang napaisip si Andrea. Dali-dali nitong binuksan ang pinto upang alamin kung bukas na ang grocery niya, nang bigla siyang magulat sa tumambad sa kan’ya. “M-meldy? Toto? Kanina pa kayo diyan?” “Mismo!” Nakairap na sagot ni Meldy. “Mabuti naman at sa wakas, gumising at bumangon na kayo at nagbukas na kayo ng bahay! Aba’y tirik na ang araw, a?” Nagpalinga-linga pa si Meldy sa loob ng bahay. “Mu’kang sumabay din kayo ni Vincent sa lakas ng bagyo kagabi, ah? Lovers in typhoon Urduja ang peg, huh? May panunuksong tinitigan pa nito ang kaibigan. “Nag-enjoy ka ba sa kandungan ni Papa Vincent, my friend?” Napahagikgik si Toto na nasa likuran lang ni Meldy. “Imelda, naman! Ang bunganga talaga nito kahit kelan…!” inis na sabi ni Andrea. Napalabas na si Vincent na karga-karga si Vince. “Pareng Toto, good morning! ‘Andiyan pala kayong mag-asawa. Kanina pa kayo?” “Tanghali na, Mr. Valderama.” Si
NANATILI sa kan’yang lakas ang unos na dinaranas ng probinsiya ng Catanduanes sa mga sandaling iyon. At ayon sa huling update ng PAG-ASA, namataan ang mata ng bagyo sa Sibuyan Island na nagsisilbing boundary ng Visayas at Bicol region.Patuloy pa rin sa pangangalit ang hangin at ulan sa labas. Marami na itong itinumbang mga puno at ilang poste ng kuryenteng halos bumagsak na rin sa pagkakatindig.Malalakas din at malalaki ang mga alon na humahampas sa dalampasigan. Good thing, umaga pa lang naman nang araw na iyon, kahit wala pang signal warning mula sa ahensyang responsable sa weather forecast, pinalikas na ng LGU ang mga residente roon partikular nga ang mga nakatira malapit sa baybayin.Sa barangay naman nina Andrea, nasanay nang laging handa ang mga residente roon sa ganitong sitwasyon, dahil normal na nga sa kanila ang dalawin lagi ng masamang panahon.Napaghandaan na nila ang kalamidad na tulad noon na paulit-ulit na humahagupit sa kanilang probinsiya.Matitibay ang pagkakagawa