“BULAGA!” Magtatago si Vincent sa likod ng pinto pagkatapos ay gugulatin si Vince. Tatakbo naman ang bata habang panay ang hagikgik nito na tuwang-tuwa sa pakikipaglaro sa ama.Hahabulin ito kunwari ni Vincent. Pag nahuli ay kakargahin. Kikilitiin. Pupupugin ng halik.Siyang-siya sa pakikipaglaro sa anak. Literal na tatay sa aspetong iyon.Naroong itataas nito sa ere ang anak. Na kunwa’y pinalilipad. Naroon ding hihiga siya sa semento at ilalagay ang bata sa tiyan at aalugin ito na kunwari ay nangngabayo ito sa tiyan niya.Titigil saglit pag napapagod na sa pakikipag-gaslawan dito. At ang pinaka-pahinga ay pupupugin uli ito ng halik saka ikukulong nang mahigpit sa kan’yang mga bisig, bago muli na namang lalaruin na tila ba walang kapaguran.Nagpapasigla rin sa sistema ni Vincent ang maliit na tinig nitong parang musika sa pandinig niya kapag humahagikgik at sumisigaw dahil sa katuwaan.Ito ang unang araw nila ni Vince. Ang kauna-unahang bonding moment nilang mag-ama. Akalain niya ban
“O-OKAY lang ba kung kilalanin natin ang isa’t-isa, Andrea?” Alanganin man ay mas pinili na rin ni Vincent na itanong iyon sa dalagang ina.Kailangan talaga nilang magkakilala nito. Dahil kahit ano pa ang sabihin, may nag-uugnay na sa kanila ngayon. Ang kanilang anak.Magkaharap silang nakaupo sa sofa nang mga sandaling iyon habang si Vince ay hinayaan na lamang ni Andrea sa pagkakahimbing nito sa sa stroller.Binuksan niya ang telebisyon at kunwari’y nakatutok ang mga mata sa panghapong programa, pero wala naman doon ang atensyon niya kun’di nasa ama ng anak niya. Nakakailang. Nakakapanibago. Pero umpisa ngayon, kailangan niyang masanay sa presensiya nito. “O-oo naman. Wala naman akong choice, ‘di ba? ‘Andito ka na eh.” Biro ni Andrea. Pinipilit maging kaswal at nilalabanan ang pagkailang.Napangiwi si Vincent. “Napilitan ka lang na tanggapin ako rito?”Parang naalarma si Andrea sa narinig. “H-hindi naman sa ganoon. Mas tama sigurong sabihin na – nabigla lang ako." Napatango si Vin
HUMANGA si Vincent sa ganda ng tanawin sa lugar na iyon nina Andrea. Kung doon nga lang sa barangay na iyon, humahanga na siya ng husto, ano pa kaya kung i-explore niya ang buong probinsiya?Mula sa kamalig na nakaharap sa karagatan, kitang-kita niya ang ganda ng kalikasan na biyaya ng Maykapal. Hindi nakakasawang pagmasdan ang kabuoan nitong abot tanaw ng kan’yang mga mata. Ayon sa naalala niyang pag-aaral noon, ang Catanduanes ay isang pulong lalawigan sa silangang bahagi ng Pilipinas at direktang nakaharap sa Pacific Ocean. Napakalawak pala nito.Babalik at babalik siya sa lugar na ito. Hindi lamang para sa anak niya kun’di maging para sa magandang pakiramdam na dinaranas niya nang mga sandaling iyon…Ang sarap damhin ng hangin na tumatama sa kan’yang balat. Nakakagaan sa emosyonal at pisikal. Para bang, kung may problema ka, pag naririto ka sa lugar na ito, all your worries will disappear, ika nga. Mawa-washed out ang mga kabigatan sa puso mo kahit pansamantala lang.Sariwa ang h
“RJ - ?” tawag ni Vincent sa anak-anakan matapos silang kunan ng pictures nito.Lumingon ang binata na pabalik na sana sa kamalig.“Huwag mong ia-upload sa face&book ‘yan, ha?” nakangiti pero tila may banta ang tingin ni Vincent sa anak.Tumawa si RJ. “Yes, ‘Pa. Alam ko po. Don't worry."“Pero i-forward mo sa akin ‘yan. Lahat nang kuha mo sa amin, okay?”“Ikaw ang mag-a-upload?" Tumawa si RJ."Well, let's see."Ngumisi si RJ. "Okay, 'Pa. Noted!" at bumalik na ito sa kamalig na sinalubong naman ni Mary na inusyoso agad ang mga litrato.Si Andrea nama'y natigilan. Ayaw ipa-upload ni Vincent ang mga pictures nila. Bakit? Dahil ba may iniingatan ito? Pinu-protektahan ba nito ang sarili niya? Kasi baka may magselos o magalit? Sino? Si Trina pa rin ba? O, ‘yong tumawag kanina na tinawag nitong – honey? Sino kaya 'yon? Si Trina pa rin ba, o, ibang babae na this time?Ipinilig ni Andrea ang ulo. ‘Andami niyang tanong. Ano ba ang pakialam niya sa buhay ni Vincent?Eh, ano naman kung hanggang
HINDI MAIWASAN ni Andrea, kahit sabihin pang wala siyang karapatan - ang magselos. Bakit nga ba ang hindi, inamin niya na sa sarili na ‘hinahangad’ pa rin niya ang ama ng kan’yang anak.Iilang oras pa lang niyang nakakasama si Vincent pero hayon at nagkukukot nang mabuti ang kalooban niya sa isiping anomang oras ay pwede siyang ma-etsa puwera nito dahil may iba nga itong pinaglalaanan ng puso niya.“Yes, honey. We’re still here at the province. I’m sorry I missed your calls.” ani Vincent sa tumawag na kasintahan. “Our flight back to Manila will be on five in the morning tomorrow. Yes of course, honey. Before you know it, I'll be at the Manila airport again tomorrow night to pick you up.” Iyon ang mga sagot ni Vincent kay Yuri na bahagya lamang naulinigan nina Andrea.Foreigner ba ang tinatawag nitong honey? Tanong pa ni Andrea sa sarili. Panay ang English nito, eh."You too, honey. Take care. Hmmnn, yes. And I love you too." Pinutol na ni Vincent ang tawag.Iyon ang malinaw na naul
HINDI napigilan ni Andrea ang paghihikab makaraan ang ilang sandali na on and off nilang kuwentuhan ni Vincent. On and off kasi, kapwa pa rin naman sila naiilang na ipaalam sa bawat isa ang lahat nang kaganapan sa kanilang mga buhay.Nang umingit si Vince tanda na inaantok na ito, ipinagtimpla na ito ng gatas ni Andrea at inayos na sa higaan ang bata, katabi ng ama nito.“Inaantok na si Vince...” ani Andrea kay Vincent.“Ikaw din naman. Pansin ko, kanina ka pa naghihikab.” Sagot ni Vincent. “Sige na. Magpahinga ka na rin. Ako na ang bahala sa anak natin.” Humiga na si Vincent sa tabi ng bata.“Oo nga, eh. Maaga rin kasi akong gumising kanina dahil nga sa kasalan sa kabilang barangay. Sigurado ka ba na katabi mo talaga si Vince? Baka mapuyat ka?”“Namumuyat ba siya?”“Hindi naman. Maliban kung ‘yon nga, nagpupo. Hindi siya mapapakali kung may laman ang diaper niya kaya nanggigising talaga siya para linisan siya.”“Ah, okay. Now I know. Sana hindi magpupo.” Tumawa pa si Vincent. “Sige
HILAM pa rin sa luha ang mga mata, pasado alas singko’y bumangon na si Andrea sa kama at nagpasya nang payapain ang sarili.Himbing na himbing pa rin si Vince. Mataman niyang pinagmasdan ang anak. Pagkuwa’y kinuha sa drawer ang litrato noon ni Vincent na iniwan na nito sa kan’ya.Namasa uli sa luha ang mga mata ng dalagang ina nang ilapit niya sa mukha ni Vince ang litrato ng ama. Kung bakit para bang nananadya ang tadhana? Kapag nagbiro, talaga namang mamamangha ka.Akalain niya ba? Aakalain ba ng sinuman na si Vince ay kamukhang-kamukha ng ama nito sa ganoong edad?Kaya hindi rin nakapagtatakang ganoon na lamang ang pagmamahal na ipinakita ni Vincent sa anak.Bumuntong-hininga si Andrea. Kinalma niya na ang sarili at itinago nang muli ang lumang larawan ni Vincent.Binuksan niya na rin ang bintana sa silid nilang mag-ina. Nagpakawala uli siya nang malalim na paghinga bago nginitian ang sariwang hangin na dumapyo sa kan’yang mukha.Isang bagong umaga na naman iyon na dumatal sa buh
HINDI nakuntento si Vincent na tingnan lang ang mga larawan nila nina Andrea at Vince na kuha ni RJ sa cellphone nito at na-forward naman sa cellphone niya.Gusto niyang tawagan si Andrea. Gusto niya uling marinig ang boses nito at ang hagikgik ng kanilang anak. Napakasarap sa pakiramdam ang bawat tawa ni Vince na napapakinggan niya. Totoo nga pala na kaligayahan ang dulot ng isang pagiging ama. At si Andrea, sa tuwing ngumingiti ito sa kan’ya, para bang may humahaplos sa puso niya.Kung bakit parang kinasasabikan niya na agad na makita ang mga ito, samantalang iilang oras pa lang naman buhat nang lisanin niya ang lugar ng mga ito sa Catanduanes – hindi niya alam. Hindi niya sigurado.At hindi niya alam kung saan siya humugot ng ganoong klaseng damdamin na hindi niya itatanggi, sobrang kasiyahan talaga ang hatid sa kan’ya.Lingid din sa kaalaman ng dalagang ina, hiningi niya kay Meldy ang cellphone number nito. Hindi matatapos sa pag-alis nila kanina ni RJ doon ang pakikipag-ugnayan
ANG WAKAS… SIKAT na ang araw nang magmulat ng mga mata niya si Andrea nang umagang iyon. Wala si Vincent sa tabi niya. Maging si Vince ay wala na rin sa kama nito. Naisip niya, marahil ay isinama ni Vincent na maglakad-lakad ang anak para bumili rin ng pandesal sa ‘di kalayuang bakery doon. Alam kasi nito na hindi kumpleto ang almusal niya pag walang pandesal na isinasawsaw niya lang sa mainit na kape. Pasado alas sais na ng umaga. Tinanghali siya ng gising kasi’y late na ring nakauwi si Vincent kagabi dahil pinagkatuwaan aniya ito ng mga kaibigan na bigyan ng bachelor’s party. Medyo napuyat siya sa paghihintay dito. Ngayong araw na ang kasal nila sa huwes na kasabay ng birthday niya. ‘Birthday niya…’ Ngayon. Napangiti si Andrea. This day is her 41st birthday. Akalain niya ba? Na sa edad niyang ito, makapag-aasawa pa pala siya? Na may lalaki pang magpapakasal sa kan’ya? At ang lalaking iyon ay pinakamamahal niya? Ito na ang pinakamasayang kaarawang dumating sa buong buhay niya.
PAGKATAPOS ng senaryo na iyon sa memorial park, tahimik na umalis at umuwi na sina Vincent. Tila ba talo pa nila ang kasalukuyang sitwasyon ni Liz na sobrang nagluluksa sa pagkamatay ng asawa nito dahil ganoon na lamang ang palahaw nito kanina habang unti-unting ibinabaon ang kabiyak nito sa ilalim ng lupa.Sa kotse, habang nagmamaneho si Vincent, walang nagsasalita ni sinuman. Maging si Meldy na mahilig magbiro at magpatawa, tila ba hanggang sa mga sandaling iyon ay bigat na bigat pa rin ang kalooban sa nasaksihang tagpo kanina.Idinaan na muna ni Vincent ang mag-asawang Meldy at Toto sa hotel na tinutuluyan ng mga ito bago nila binagtas na muli ang direksyon pauwi.Hanggang sa makarating sila ng bahay, sobrang katahimikan pa rin ang namamayani kina Vincent at Andrea. Kaya lang nagkaroon uli ng conversation, nang sumalubong sa kanila si Edna habang karga ang tuwang-tuwa na si Vince pagkakita sa mga magulang nito.“Naku boss, Ma’m Andeng, kanina pa ‘to nangungulit sa katatanong sa in
NAGISING kinabukasan si Andrea na magaan ang pakiramdam kahit may tensyon na nagpabigat ng dibdib niya nang nagdaang gabi.Bigla niya lang naisip, bakit nga pala hindi niya naitanong kay Vincent kagabi kung bakit hindi siya nito pormal na ipinakilala kay Trina? Sabagay, importante pa ba ‘yon? Kay Yuri man, sa naging girlfriend nitong Haponesa, kahit alam nito ang tungkol sa kan’ya, hindi rin naman siya ipinakilala ni Vincent sa ex nito na ‘yon. Pero hindi niya itatanggi, kahit paano, kwestyonable iyon sa kan’ya.Napabuntong-hininga ang dalagang ina. Hayaan niya na nga lang. Hindi na mahalaga ang bagay na iyon.Pinagmasdan niya ang lalaking pakakasalan. Himbing pa ito. Naghihilik pa nang mahina. Napangiti si Andrea. Ang sarap-sarap pagmasdan ng guwapong lalaking ito na tatay ng anak niya.Akalain niya ba? Na ang binatang ito na hinanap niya mahigit dalawang taon na ang nakalipas ay kapiling niya na ngayon? At pakakasalan siya?Higit sa lahat, minahal din siya…!Namasa sa luha ang mga m
BAGAMA’T pumayag siya na makipag-usap si Vincent kay Trina, hindi itatanggi ni Andrea sa sarili, nagseselos siya. Pero kailangan niyang pigilan ang damdaming iyon dahil naniniwala siya na tapos na talaga ang kabanata ni Trina sa buhay ni Vincent. May isa lang na ipinagkukukot na mabuti ng kalooban niya. Kung bakit hindi man lang siya nagawang ipakilala ni Vincent kanina sa dati nitong kasintahan. Na-excite ba ito nang muling makita si Trina? Nataranta, kaya nakalimutan nito na ‘ibida’ siya nito sa dating nobya na siya na ang babaeng pumalit sa kan’ya sa puso ni Vincent at siya nitong pakakasalan? Ibig mag-init ng mga mata ni Andrea sa pagdaramdam sa tatay ng anak niya. Sumulyap siya sa relo niya sa bisig. Mahigit kalahating oras nang wala si Vincent. Ang tagal naman yata nang pag-uusap ng dalawang iyon? Malinaw na sabi ni Vincent kanina, wala na silang dapat pag-usapan ni Trina. Pero bakit ang tagal na ay hindi pa ito bumabalik? Ibig sabihin, hindi totoo na wala na silang dapat pan
SA BUROL ng asawa ni Liz na si Mario, pormal na ipinakilala ni Vincent si Andrea sa mga kamag-anakan nilang naroroon. At katulad nang dapat asahan, nagulat at nagtaka ang lahat kung paanong nangyari na may anak na si Vincent bagay na hindi naman pinag-aksayahan ng panahon ng binata na ipaliwanag sa mga ito ang dahilan. Hindi niya ilalagay sa kahihiyan at lalong hindi niya hahayaang husgahan ng mga ito ang nanay ng kan’yang anak.Kaswal lang si Liz nang ipakilala ni Vincent si Andrea rito. Napansin ni Andrea na may pang-uuyam ang tingin nito sa kan’ya. Winalang bahala na lamang niya ang napansin na iyon sa tiyahin ng mapapangasawa, at sa halip, nag-abot pa rin siya rito ng pera bilang abuloy sa namayapa nitong asawa.“Salamat.” ani Liz kay Andrea nang abutin nito ang sobreng ibinigay ng dalaga. Matabang ang pagtanggap niya sa presensiya nito.Medyo malayo noon si Vincent at kausap ang isa nitong pinsan kaya nagkaroon ng pagkakataon si Liz na usisain ang dalagang ina, habang magkalapit
LAKING pasasalamat ni Toto dahil isang linggo bago dumating ang bagyo ay nakaangkat na uli ng abaka ang Team Vincent kaya kaunti lamang ang mga tanim niyang nasira nang nagdaang bagyo. Nakaka-panghinayang din kahit paano pero ganoon talaga ang hanapbuhay. Minsan ay inaabot din ng pagsubok, ika niya. Ang mahalaga'y ligtas silang mag-anak.Masayang-masaya ang mag-asawa na dumating si Vincent, hindi lamang sa buhay ni Andrea kun’di maging sa buhay din nila. Isang biyayang maituturing ang isang katulad ni Vincent na kasalukuyan ding nagbibigay ng magandang kita sa kanilang hanapbuhay. At wala rin silang masasabi sa ipinakikita nitong kabutihan sa kanila.Napag-usapan na rin nila na tutulungan sila ni Vincent na magkaroon ng kotse. Si Vincent mismo ang nagpursige na makapundar si Toto ng magandang sasakyan na para rin sa pamilya niya. At cash iyon na babayaran ng binata na huhulugan na lamang ni Toto ayon sa kakayanan nito na wala ni bahagya mang tubo, kaya ganoon na lamang ang katuwaan n
TUMAWAG si Meldy bago pa sila gumayak patungo sa plantasyon ng abaka ni Toto. Sarado aniya ang munisipyo nang araw na iyon, hindi lamang dahil Sabado kun’di busy din ang LGU sa pagresponde sa mga binagyo partikular sa ibang baryo o barangay na hindi nakapaghanda o nakalikas nang kasagsagan ng unos. At ang Mayor ng bayan, kasalukuyan pala itong may trangkaso bago pa man bumagyo kahapon. Out of town naman ang isang kilalang Judge na malapit lamang sana ang tirahan sa lugar na iyon, kaya hindi uubra na magpakasal sina Vincent at Andrea sa araw na iyon. “S-seryoso ka talaga na pakasalan ako ngayong araw? Kung posible na may magkakasal sa atin?” paniniyak pa ni Andrea kay Vincent. “Gusto ko nang magtampo, sweetheart. Bakit ba duda ka pa rin?” “K-kasi, pabigla-bigla ka naman diyan. Baka, binobola mo lang ako...” Niyakap ni Vincent si Andrea. “Ano pa bang patunay ang kailangan kong gawin o sabihin sa ‘yo para maniwala ka na mahal kita? Gusto mo bang ulitin natin ang senaryo natin kagabi
“HALA, tanghali na talaga! Nakapagbukas kaya ng tindahan ang mga tao ko?” parang nataranta at biglang napaisip si Andrea. Dali-dali nitong binuksan ang pinto upang alamin kung bukas na ang grocery niya, nang bigla siyang magulat sa tumambad sa kan’ya. “M-meldy? Toto? Kanina pa kayo diyan?” “Mismo!” Nakairap na sagot ni Meldy. “Mabuti naman at sa wakas, gumising at bumangon na kayo at nagbukas na kayo ng bahay! Aba’y tirik na ang araw, a?” Nagpalinga-linga pa si Meldy sa loob ng bahay. “Mu’kang sumabay din kayo ni Vincent sa lakas ng bagyo kagabi, ah? Lovers in typhoon Urduja ang peg, huh? May panunuksong tinitigan pa nito ang kaibigan. “Nag-enjoy ka ba sa kandungan ni Papa Vincent, my friend?” Napahagikgik si Toto na nasa likuran lang ni Meldy. “Imelda, naman! Ang bunganga talaga nito kahit kelan…!” inis na sabi ni Andrea. Napalabas na si Vincent na karga-karga si Vince. “Pareng Toto, good morning! ‘Andiyan pala kayong mag-asawa. Kanina pa kayo?” “Tanghali na, Mr. Valderama.” Si
NANATILI sa kan’yang lakas ang unos na dinaranas ng probinsiya ng Catanduanes sa mga sandaling iyon. At ayon sa huling update ng PAG-ASA, namataan ang mata ng bagyo sa Sibuyan Island na nagsisilbing boundary ng Visayas at Bicol region.Patuloy pa rin sa pangangalit ang hangin at ulan sa labas. Marami na itong itinumbang mga puno at ilang poste ng kuryenteng halos bumagsak na rin sa pagkakatindig.Malalakas din at malalaki ang mga alon na humahampas sa dalampasigan. Good thing, umaga pa lang naman nang araw na iyon, kahit wala pang signal warning mula sa ahensyang responsable sa weather forecast, pinalikas na ng LGU ang mga residente roon partikular nga ang mga nakatira malapit sa baybayin.Sa barangay naman nina Andrea, nasanay nang laging handa ang mga residente roon sa ganitong sitwasyon, dahil normal na nga sa kanila ang dalawin lagi ng masamang panahon.Napaghandaan na nila ang kalamidad na tulad noon na paulit-ulit na humahagupit sa kanilang probinsiya.Matitibay ang pagkakagawa